Planning Stage

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Planning stage:

-Ang Pambansang Mataas na Paaralan ng Mijares ay nagsagawa ng masusing pagpaplano kung


paano maisasakatuparan ang layunin ng kagawaran ng edukasyon para sa panuruang taon ng
2020-2021.

-Pinag-aralan ang mga magiging gampanin ng bawat isa at pinaghati-hatian ang mga gawain
para sa paghahanda sa nalalapit na pasukan.

-Kasunod nito ay ang pagtutulungan ng mga guro na maihanda ang mga kakailanganing
modules, answer sheet, learner’s weekly task, at Learner’s competency matrix.

Implementation stage:

`Ang panuruang taon 2020-2021 ay sadyang mapang hamon dahil sa pandemyang kinakaharap
natin dulot ng CORANA virus. Kaya naman ang pamunuan ng Pambansang Mataas na Paaralan
ng Mijares ay katuwang sa mahigpit na pagpapatupad ng health protocols. Inihandang mabuti ng
mga guro ang mga kakailanganin sa nasabing simulation sa pamamagitan ng paglalagay ng mga
paalala sa mga silid-aralan, mga pananda sa mga tatapakan upang mapanatili ang social
distancing, ang mga hand sanitizer / alcohol, mga face mask at face shield, at pagsasa-ayos ng
mga silid – aralan.

_ SA pagsapit ng nasabing simulation ay nagging madali ang naging proseso dahil na din sa
disiplinang ipinakita ng mga magulang. (videos ng pagkuha ng temperature, hand sanitizing,
social distancing tas may tag lang sa video.

-Pagkatapos ay sinimulan ang oryentasyon at pinag usapan ang mga mahahalagang bagay ukol
sa mga panuntunan sa pagsunod sa new normal set-up para sa makabagong pamamaraan ng pag-
aaral ng kanilang mga anak. Sinundan ito ng pagbibigay ng mga module.

Sa kabilang banda, ang mga mag-aaral ay nagsumikap na masagutan ang mga gawain sa
kanilang module sa tulong ng kanilang mga magulang. Ang mga magulang ay naglaan din ng
oras upang matulungan ang mga anak sa pag unawa sa kanilang aralin.

Ang mga aralin na hindi nagging madali sa kanila ay nagging malinaw sa pamamagitan ng
pagtawag ng magulang sa guro.

Pagkatapos ang maghapong pakikipagbuno ng mga mag-aaral ay matyagang isinauli ng mga


magulang ang mga module at answer sheet ng kanilang mga anak. Gaya ng naunang proseso,
ipinatupad pa rin ang nararapat na health protocol gaya ng social distancing at pagsusuot ng face
mask.

Nagkaroon din ng feed backing o evaluation upang malaman ang mga problemang kinaharap ng
mga mag-aaral at mga magulang sa makabagong sistema ng pag-aaral.
Evaluation stage:

Matapos matanggap ang mga nasagutang module ay sinimulan ng mga guro ang pagche check at
pagtatala ng resulta sa Learners Competency Matrix.

Bago man at sadyang challenging ang new normal set – up ng pag-aaral, patuloy po ang
pamunuan ng Mijares national high school upang maibigay ang serbisyong nararapat para sa
edukasyon ng bawat mag-aaral. Patuloy po nating paglabanan ang pandemyang ito at huwag
hayaang maging hadlang sa pag-abot ng pangarap ng inyong mga anak. Katuwang nyo po kami
hanggang sa huli.

You might also like