(2010 Secondary Education Curriculum) : Ang Kurikulum NG Edukasyong Sekondari NG 2010

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 35

(2010 Secondary Education

Curriculum)
Ang Kurikulum ng
Edukasyong Sekondari
ng 2010
Ang Konteksto/ Kaligiran
 Kalimitan, ang pagpapalit o pagbabago
ng kurikulum sa Pilipinas ay isinasagawa
tuwing ikasampung taon.
 Ngunit bunga ng mabilis na pagbabago
sa larangan ng edukasyon at patuloy na
paglaganap ng mga makabagong
kaalaman at impormasyon, naniniwala
ang Kawanihan ng Edukasyong
Sekondari na dapat nang isaayos ang
kasalukuyang kurikulum upang sa gayo’y
makaagapay at matugunan nito ang mga
pangangailangan ng ating lipunan at ng
mga mag – aaral ng kasalukuyang
panahon.
 Naging batayan sa pagsasaayos ng
kurikulum ang mithiin ng Edukasyon
para sa lahat 2015 (Education for all
2015) – ang magkaroon ng Kapaki –
pakinabang na Literasi ang lahat (
Functional Literacy for All).
– alang din ang resulta ng
 Isinaalang
ginawang ebalwasyon ng
implementasyon ng Kurikulum ng
Batayang Edukasyon ng 2002 (2002
Basic Education Curriculum)sa
pagsasaayos at pagdisenyo ng bagong
Kurikulum gayundin sa ginawang
pagsasanay ng mga guro at
pagpapaunlad ng kakayahan ng mga
Punong – guro ng 23 pilot schools upang
mahusay nilang mapamahalaan ang
panimulang pagsubok ( pilot testing ) ng
Binagong Kurikulum.
Ang Proseso
 Sa pagsasaayos ng kurikulum, inilapat
ang Understanding by Design ( UBD )
na modelo nina Jay McTighe at Grant
Wiggins.
Narito ang mga Elemento ng Kurikulum
ng Edukasyong Sekondari ng 2010.
Antas 1: Resulta/ Inaasahang
Bunga
 Tinitiyak
kung ano ang dapat
matutuhan at maisagawa ng mag –
aaral sa loob ng isang markahan,
yunit o kurso; makikita sa bahaging ito
ng dokumentong pangkurikulum ang
mga pamantayang pangnilalaman,
pamantayan sa pagganap, mga
kakailanganing pag – unawa at
mahalagang tanong.
 Ang Pamantayang Pangnilalaman ay
ang mahalagang paksa o konsepto na
dapat maunawaan ng mag – aaral sa
bawat asignatura. Sinasagot ng
bahaging ito ang tanong na, “ Ano ang
nais nating matutuhan at maisagawa
ng mag – aaral pagkatapos ng isang
markahan o yunit?”
 Ang Pamantayan sa Pagganap ay ang
tiyak na produkto o pagganap at ang
antas o lebel na inaasahang
maisagawa ng mag – aaral
pagkatapos ng isang markahan o
yunit.
 Ang mga kakailanganing pag – unawa
ay ang mahahalagang konsepto na
dapat matutuhan ng baway mag –
aaral sa bawat asignatura. Mga
konseptong hindi makakalimutan at
magagamit ng mag – aaral sa
kanyang pamumuhay.
 Ang Mahahalagang Tanong ay mga
tanong na nasa mataas na lebel at
inaasahang masasagot ng mag –
aaral pagkatapos ng isang markahan
o yunit. Kinakailangan ang mga ito ay
nasasagot ng Mga Kakailanganing
Pag – unawa.
Antas 2: Pagtataya
 Ito ang mga inaasahang produkto o
pagganap; inaasahang antas ng pag –
unawa at pagganap ng mag – aaral; at
mga kraytirya o panukat na gagamitin
sa pagtataya ng inaasahang produkto
o pagganap.
 Ang Produkto o Pagganap ay ang
inaasahang maisasagawa ng mag –
aaral pagkatapos ng isang paksa o
markahan.
 Ito ang magpapatunay na natutuhan
niya ang mahahalagang konseptong
nakapaloob sa isang markahan /
asignatura.
 Ang Antas ng Pag – unawa ang susukat
sa iba’t ibang aspekto ng pag – unawa
ng mag – aaral sa mahalagang
konseptong dapat niyang matutuhan.
 Masasabing may pag – unawa na ang
mag – aaral kung siya’y may kakayahan
nang magpaliwanag, magbigay ng
sariling kahulugan, makabuo ng sariling
pananaw, makadama at makaunawa sa
damdamin ng iba, makapaglapat, at
makilala ang kanyang sarili.
Antas 3: Mga Plano ng
Pagkatuto
 Mga gawaing instruksyunal at mga
kagamitan na gagamitin ng guro at
mag – aaral sa loob ng klasrum na
makatutulong upang matamo ang mga
pamantayan. Inaasahan ang pagiging
malikhain ng guro sa pagpapatupad
ng antas na ito dahil dito nakasalalay
ang ikapagtatagumpay ng pagtuturo –
pagkatuto.
 Ang Mga Gawaing Instruksyunal ay
binibuo ng mga gawaing isasagawa
ng guro at mag – aaral sa loob ng
klasrum upang matamo ang mga
pamantayan, matutuhan ang mga
kakailanganing pag – unawa at
masagot ang mahahalagang tanong.
 Nagkaroon ng mga writeshop at
konsultasyon sa mga stakeholder: mga
guro, mag-aaral,punong-guro,superbisor,
propesor ng iba’t- ibang
kolehiyo/pamantasan,kawani ng
pamahalaang lokal,kinatawan ng piling
sektor ng lipunan,at iba pa upang
makatiyak na akma at makatutugon sa
pangangailangan ng mag-aaral sa
kasalukuyang panahon ng mga
elemento ng isinaayos na kurikulum.
 Sinanay ng mga guro, puno ng
kagawaran at punong – guro ng 23
pilot schools upang maihanda sila
kung paano pamamahalaan ang
unang pagsubok na implementasyon
ng kurikulum.
 Ang mga pilot school ay pinili batay sa
sumusunod : lokasyon ( Luzon,
Visayas, at Mindanao), at sa uri ng
programang pinatutupad ng paaralan (
halimbawa: regular na hayskul,
espesyal na programa, at iba pa.)
 Ang Pakikipagpulong sa mga punong
– guro tuwing isang kwarter at
pagmomonitor ng mga pilot teachers
ng 23 pilot schools ay regular na
isinagawa.
 Ang mga feedback mula sa kanila ang
naging batayan sa patuloy na
pagsasaayos ng mga elemento ng
mga dokumento ng Kurikulum ng
Edukasyong Sekondari ng 2010.
 Isinunod na sinanay ang mga
superbisor ng lahat ng asignatura
upang mabigyan ang suportang
panginstruksyunal ang mga guro.
 May mga kasunod na pagsasanay na
isinagawa batay sa pangangailangan
ng mga taong kasangkot sa unang
pagsubok ng kurikulum upang matiyak
na magiging maayos at matagumpay
ang implementasyon nito.
Resulta
 Ang mga feedback mula sa mga pilot
teacher ay nakatulong ng malaki sa
patuloy na pagsasaayos ng kurikulum.
Mula sa mga ito ay nabuo ang
Kurikulum ng Edukasyong Sekondari
ng 2010.
 Nanatili pa rin ang prinsipyo ng
Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng
2002 ( tulad ng Teorya ng
Konstruktibo, Pagtuturong Integratibo,
at iba pa). Isinanib at pinagyaman ang
iba pang programa ng edukasyong
sekondari tulad ng:
 Special Program for the Arts (SPA)
 Special Program for Journalism (SPJ)
 Special Program for Foreign
Language (SPFL)
 Technical – Vocational Program (
TECH – VOC)
 Special Program for Sports ( SPS)
 Engineering and Science Education
Program (ESEP)
Katangian ng Kurikulum ng
Edukasyong Sekondari ng 2010
 Nakatuon sa mahahalagang konsepto at
kakailanganing pag – unawa.
 Mataas ang inaasahan (batay sa mga
pamantayan) – tintiyak kung ano ang dapat
matutuhan at ang antas ng pagganap ng mag
– aaral
 Mapanghamon – gumagamit ng mga angkop
sa istratehiya upang malinang ang kaalaman
at kakayahan ng mag – aaral.
 Inihahanda ang mag – aaral tungo sa
paghahanapbuhay kung di man
makapagpapatuloy sa kolehiyo
 Tinitiyak na ang matututuhan ng mag – aaral
ay magagamit sa buhay.
Balangkas – Konseptwal Ng
Araling Panlipunan
Deskripsyon
 Tunguhin ng Kurikulum ng Edukasyong
Sekondari ng 2010 (Secondary Education
Curriculum) ang Kapakipakinabang ng
Literasi para sa Lahat (Functional Literacy
For All) na ibinatay sa mithiing Edukasyon
para sa Lahat 2015 (Education For All 2015).
 Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Araling
Panlipunan na malinang sa mag – aaral ang
pag – unawa sa mga pangunahing kaisipan
at isyung pangkasaysayan, ekonomiks at
kaugnay na disiplinang panlipunan upang
siya ay makaalam, makagawa, maging
ganap at makipamuhay (Pillars at Learning)
 Mahalaga na bigyang – diin ang pag – unawa
at HINDI ANG PAGSASAULO ng mga
pangyayari, lugar, tao, at iba pa. Dapat na
malinang sa mag – aaral ang pagtingin at
paghanap sa mga pattern at trend sa mga
pangyayari.
 Matatamo ang mga ito sa paggamit ng mga
pangunahing kasanayan tulad ng
pagsasaliksik, pagsisiyasat, mapanuring pag
– iisip, matalinong pagpapapasya,
pagkamalikhaan, likas – kayang paggamit ng
pinagkukunang – yaman, pakikipagtalastasan
at pagpapalawak ng pandaigdigang pananaw
sa tulong ng iba’t ibang dulog at
pamamaraan tungo sa pagiging isang
mapanagutang mamamayan ng bansa at
 Inaasahan ang tuwirang pagtuturo sa
lebel ng pagpapahalagang
pangkasaysayan (historical value) upang
maipaliwanag ng mag – aaral ang
pagkakaugnay – ugnay at implikasyon
ng mga pangyayari.
 Bigyang diin na ang matututuhan ay
magbibigay – daan sa mag – aaral na
makita at maramdaman ang kaugnayan
ng pag – aaral ng kasaysayan sa sarili
(self - knowledge) upang mapabuti ang
Resulta at mga Rekomendasyon
mula sa Isinagawang Pag –
monitor at Pagtataya ( M&E ) ng
Kurikulum ng Batayang
Edukasyon ng 2002 ( 2002 BEC
)
Ang Kawanihan ng Edukasyong
Sekundari ay inatasan ng
Kagawaran ng Edukasyon na
mag – monitor at tayain ang
implementasyon ng Kurikulum
ng Batayang Edukasyon ng 2002
sa mga piling paaralan sa buong
Pilipinas batay sa mga
sumusunod na mga batayan
 Mga paaralang pinopondohan ng
gobyerno
 Mga bagong paaralan na magkatulong
na pinopondohan ng gobyerno,
lalawigan at munisipyo
 Science High Schools
 Mga pribadong paaralan
 Mga paaralang Technical - Vocational
 Ang layunin ng isinagawang pag –
aaral ay makita ang mga naging
suliranin, gayundin ang magagandang
gawi at pamamaraang ( best
practices) isinasagawa/ipinatupad ng
mga paaralan na nakatulong sa mga
puno ng mga kagawaran punong –
guro at superbisor upang maging
matagumpay ang implementasyon ng
2002 BEC.
 Pananaw hinggil sa 2002 BEC
 Sumasang – ayon ang mga guro,
puno ng kagawaran at punong – guro
sa mithiin ng kurikulum na dapat ay
makatapos ang mag – aaral sa
hayskul na may kapaki – pakinabang
na literasi, may panuring pag – iisip,
malikhain at may kakayahang lumutas
ng mga suliranin at maghanapbuhay
na MAKA – DIYOS, MAKABAYAN,
MAKATAO at MAKAKALIKASAN.
1. Hindi nagtutugma ang inaasahang
bunga/resulta sa pamamaraan
 Hindi tumutugon sa uri ng gradweyt
ang ilang Science High schools sa
mithiin ng kurikulum.
Thank you for listening!!!!

You might also like