Banghay Aralin Sa: Filipino 6

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

Republic of the Philippine

Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF ROXAS CITY

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6


Writer: Cathryn B. Pachica, Teacher III
Republic of the Philippine
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF ROXAS CITY

Copyright 2020
Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copy shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However,
prior approval of the government agency of office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit.”

This material has been developed through the Curriculum Implementation Division (CID) of the Schools
Division of Roxas City. It can be reproduced for educational purposes and the source must be clearly
acknowledged. The material may be modified for the purpose of translation into another language but the original
work must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an enhancement or a
supplementary work are permitted provided all original work is acknowledged and the copyright is attributed. No
work may be derived from any part of this material for commercial purposes and profit.

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6

Writer: CATHRYN B. PACHICA


Teacher III

Quality Assured by:

RENITA A. BOCALID
EPS, Filipino

JOCELYN D. SUNSONA, Ph.D. JACKIELYN S. CABANGAL, RL


Public School District Supervisor Librarian II

Recommended for the use of the Schools Division:

MARVIC S. MARTIREZ, Ph.D. FERDINAND S. SY, Ph.D., CESO VI


Chief – Curriculum Implementation Division Assistant Schools Division Superintendent

Approved for the use of the Schools Division:

FELICIANO C. BUENAFE JR., CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent
Officer-In-Charge
Office of the Schools Division Superintendent
Republic of the Philippine
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF ROXAS CITY

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6


Writer: Cathryn B. Pachica
Republic of the Philippine
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF ROXAS CITY

Banghay Aralin sa Filipino 6

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag
ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin

B. Pamantayan sa Pagganap
Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo, sabayang bigkas,
reader’s theatre o dula-dulaan

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


F6WG-IVa-j-13
Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang mga uri ng
pangungusap

II. NILALAMAN

Paggamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ng mga uri ng


pangungusap

Kagamitang Panturo

A. Sanggunian

1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro


K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino VI pp. 127
2. Mga Pahina sa Teksbuk
Landas sa Wika 6, pp.8-13
Pag-unlad sa Wika 6, pp.174-178
Pluma 6 Wika at Pagbasa 6, pp. 60

B. Iba pang Kagamitang Panturo


Isang dayalogo (ni Cathryn B. Pachica)
Larawan (guhit ni Roly Ditan at kinulayan ni Ronel Albason)
III. PAMAMARAAN

A. Balik-aral/Panimulang Gawain:

Ipabasa sa mga bata ang mga sumusunod na mga pangungusap.


1. Ang mga tao sa barangay ay nagtutulong-tulong sa paglilinis ng paligid.
2. Sino ang namumuno sa paglilinis sa inyong lugar?
3. Magdala kayo ng mga gamit panlinis sa susunod na Sabado.
4. Wow! Ang ganda naman ng inyong bakuran.
5. Ginawaran ng parangal ang ating barangay bilang pinakamalinis sa
buong probinsiya.

Itanong kung alam nila kung anong uri ng mga pangungusap ang
kanilang binasa. Sabihin ang layunin ng aralin sa araw na ito.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin at Paglalahad:

Magpapakita ang guro ng isang larawan ng pamilyang nag-uusap.


Tatanungin ang mga bata kung ano ang masasabi nila tungkol sa
larawan. Itanong ang mga sumusunod:
Ano kaya ang pinag-uusapan ng mag-anak sa larawan? Gusto niyo
bang malaman?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin:

Magpapabasa ang guro ng isang usapan ng mag-anak.

Danilo: Tatay, narinig niyo ba ang balita tungkol sa ating


barangay?
Tatay: Oo, nanalo daw ang ating barangay bilang pinakamalinis na
barangay sa buong lalawigan.
Diane: Ang galing naman!
Nanay: Magaling kasing mamuno ang ating kapitan. Sinisigurado niya na
disiplinado ang mga tao sa tamang pagtapon ng mga basura.
Danilo: Kahapon nga nakita ko na tulong-tulong ang mga kalalakihan na
gumawa ng mga bagong basurahan upang
ilagay sa bawat kanto. Merong para sa mga nabubulok at sa mga
di-nabubulok na mga basura.
Tatay: Kaya kayong dalawa, huwag kayong magtapon ng basura kahit
saan.
Nanay: Itapon ninyo sa tamang basurahan ang mga kalat ninyo.
Danilo: Opo naman Tay at Nay. Tinuturuan yata kami sa paaralan ng
aming mga guro sa tamang paghihiwa-hiwalay ng mga basura.
Diane: Naku! Nakalimutan ko yong bote ng tubig. Naiwan ko sa kusina
maaari ko pa palang i-recycle iyon.
Nanay: O sige kunin mo na iyong bote at tutulungan kitang gawing maliit
na plorera.
Danilo: Nay, maaari din po ba akong tumulong?
Nanay: Oo naman. Maghanap ka pa ng ibang boteng hindi na ginagamit.
Tatay: Dahil Sabado ngayon at walang pasok, maglinis tayong lahat ng
paligid at ayusin ang mga basura.
Diane: Game po kami diyan Tay ni Kuya!
Isinulat ni: Cathryn B. Pachica
Ano ang pinag-uusapan ng mag-anak? Bakit nanalo ang kanilang
barangay bilang pinakamalinis sa lalawigan? Anu-ano ang mga ginagawa
ng pamilya upang ipakita ang pakikiisa sa layunin ng barangay?

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan #1

Ipapansin sa mga bata ang mga pahayag ng bawat miyembro ng


pamilya. Tanungin kung ano-anong uri ng mga pangungusap ang ginamit
sa usapan.

Ipabasa ang mga sumusunod na mga pangungusap buhat sa usapan.

1. Tatay, narinig niyo ba ang balita tungkol sa ating barangay?


2. Ang galing naman!
3. Magaling kasing mamuno ang ating kapitan.
4. Itapon ninyo sa tamang basurahan ang mga kalat ninyo.
Sabihin sa mga bata na mayroong iba’t ibang uri ng pangungusap na
ginamit sa usapan. Itanong kung alam nila kung anong uri ng pangungusap
ang bawat isa.

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan #2

Talakayin ang mga sumusunod.

Sa pagpapahayag ng ating naiisip o nadarama sa iba’t ibang sitwasyon,


gumagamit tayo ng apat na uri ng pangungusap. Ang mga ito ay:

1. Pasalaysay o paturol – nagkukuwento o nagsasabi ng isang


pahayag o kaisipan; nagtatapos sa tuldok (.)
Halimbawa: Tinuturuan yata kami sa paaralan ng tamang
paghihiwa-hiwalay ng mga basura.

2. Patanong – pangungusap na nanghihingi ng kasagutan o paliwanag;


o katagang oo o hindi; nagtatapos sa tandang pananong (?)
Halimbawa: Nay, maaari din po ba akong tumulong?

3. Pautos o Pakiusap – nag-uutos o nakikiusap; nagtatapos sa tuldok


(.)
Halimbawa: Maghanap ka pa ng ibang boteng hindi na ginagamit.

4. Padamdam – nagpapahayag ng matinding damdamin; saya, lungkot,


pagkabigla, at pagkatakot; nagtatapos sa tandang padamdam (!)
Halimbawa: Naku! Nakalimutan ko yong bote ng tubig.
Sabihan ang mga bata na magbigay din ng kanilang sariling
halimbawa sa bawat uri ng pangungusap.

Gawain 1: Pangungusap ko, Tukuyin Mo!

Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang tinutukoy sa bawat


bilang.

____________1. Bakit kaya hindi nakarating si Alvin sa pagtitipon?


____________2. Binigyan ng kanya-kanyang gawain ang bawat
miyembro ng pamilya.
____________3. Linisin ninyo ang mga maaaring pagbahayan ng mga
lamok.
____________4. Aray! Tinamaan mo ang paa ko.
____________5. Nakatanggap ng gantimpala ang kanilang pook.
____________6. Ayaw ko nang makita ulit ang pagmumukha mo!
____________7. Saan mo inilagay ang walis?
____________8. Sino ang gustong tumulong sa paghahakot ng basura?
____________9. Tawagin mo nga si Elsa at ipaayos ang magulong
kusina.
____________10. Takbo! Paparating na ang malakas na ulan.

F. Paglinang sa Kabihasaan:

Gawain 2: Umpisahan Mo, Dudugtungan Ko!

Maghanap ng kapareha at buuin ang mga sumusunod na usapan gamit


ang iba’t ibang uri ng pangungusap.

Usapan 1
Tauhan A: Nakapunta ka na ba sa simbahan ng Panay sa Capiz?
Tauhan B:
_____________________________________________________

Usapan 2
Tauhan A: Hindi ako nakadalo sa pagdiriwang ng Sinadya sa Halaran
ng Roxas City.
Tauhan B:
_____________________________________________________
Usapan 3
Tauhan A: Natikman mo na ba ang mga tuyo (dried fish) galing sa
lungsod ng Roxas?
Tauhan B:
_____________________________________________________

Usapan 4
Tauhan A: Kailangang tulungan natin ang ating guro sa paglilinis ng silid.
Tauhan B:
_____________________________________________________

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

Gawain 3: Halina’t Magtulungan!

Pangkatin ang mga bata sa apat na grupo. Bigyan sila ng oras


upang makagawa ng isang maikling iskrip gamit ang iba’t ibang uri ng
pangungusap na napag-aralan. Sundin ang sitwasyon at gawain na
nakaatas sa bawat pangkat.

Pangkat Gawain Sitwasyon


I Dula-dulaan May isang pangkat ng mga
magkakaibigan na gustong sorpresahin
ang isa nilang kaibigan sa kanyang
kaarawan.
II Radio Iba’t ibang balita na nangyari sa inyong
Broadcasting paaralan o komunidad.
III Jingle/Awit Ang nilalaman ay tungkol sa buhay ng
mga kabataan ngayon.
IV Sabayang Ang nilalaman ay tungkol sa mga
Pagbigkas ipinagmamalaking tanawin, produkto,
pagdiriwang at kaugalian ng inyong bayan
o lalawigan.

Rubriks sa Pagbibigay ng Puntos

Dimensyon 4 puntos 3 puntos 2 puntos 1 puntos

Gumamit ng
Gumamit ng Gumamit ng Gumamit ng
apat na uri ng
Nilalaman tatlong uri ng dalawang uri ng isang uri ng
pangugnusap sa
pangugnusap sa pangugnusap sa pangugnusap
iskrip
iskrip iskrip sa iskrip
Walang
Di-gaanong
Lubos na Naging ipinamalas na
naging
Pagkama- nagpamalas ng malikhain sa pagka-
malikhain sa
likhain pagkamalikhain pagpapakita ng malikhain sa
pagpapakita ng
sa kanilang kanilang pagpapakita
kanilang
presentasyon presentasyon ng kanilang
presentasyon
presentasyon
Naging Di-gaanong Hindi naging
Lubos na naging makatotohanan makatotohanan makatotohana
makatotohanan at at n at
Pagganap at makatarungan makatarungan makatarungan
makatarungan sa pagganap sa pagganap sa pagganap
ang pagganap

Lubhang naging Naging malinaw Di-gaanong Hindi naging


malinaw ang ang pagbigkas malinaw ang malinaw ang
Pagsasalita
pagbigkas at at paghahatid ng pagbigkas at pagbigkas at
at pagbigkas
paghahatid ng mensahe paghahatid ng paghahatid ng
mensahe mensahe mensahe
Angkop na Di-gaanong Hindi angkop
Kagamitan Angkop ang
angkop ang angkop ang ang ginamit na
(props/ mga ginamit na
ginamit na ginamit na mga mga
costume) kagamitan
kagamitan kagamitan kagamitan

H. Paglalahat ng Aralin:

Ano-ano ang mga uri ng pangungusap? Paano ginagamit ang


mga ito sa iba’t ibang sitwasyon?

I. Pagtataya ng Aralin:

Gawain 4:

Gumawa ng sariling pangungusap ayon sa hinihingi ng bawat


sitwasyon.

1. Nakita mo ang iyong kapatid na tila hindi mapakali at may


hinahanap.

Patanong:
______________________________________________________

2. Tahimik kang naglilinis sa iyong silid ng biglang may malaking ipis


na lumipad sa iyong harapan.

Padamdam:
______________________________________________________

3. Gusto mong kumain ng adobong manok ngunit ang platong


lalagyan nito ay malayo sa iyo.
Pautos/Pakiusap:
_________________________________________________

4. Kauuwi mo lang sa inyong bahay at tinanong ka ng iyong Nanay


kung kailan ang inyong susunod na pagsusulit sa Filipino.

Pasalaysay/Paturol:
_______________________________________________

5. Araw ng Lunes at may pasok ang iyong nakababatang kapatid.


Ngunit tanghali na at nakahiga pa rin siya sa higaan at tila
namumutla.

Patanong:
______________________________________________________

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at remediation

Sumulat ng isang usapan gamit ang iba’t ibang uri ng


pangungusap tungkol sa isang pangyayari sa inyong pamayanan.

IV. Mga Tala

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.

___________________________________________________________

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa


remediation

___________________________________________________________

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa


aralin.

___________________________________________________________

D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?

___________________________________________________________

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito


nakatulong?
___________________________________________________________

F. Anong suliranin ang aking naranasan na maaaring mabigyan ng solusyon


sa tulong ng aking punongguro at superbisor?

___________________________________________________________

G. Anong kagamitang panturo ang aking ginamit/nadiskubre na nais kong


ibahagi sa mga kapwa ko guro?

___________________________________________________________
C.
Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin:

Magpapabasa ang guro ng isang usapan ng mag-anak.

Danilo: Tatay, narinig niyo ba ang balita tungkol sa ating


barangay?
Tatay: Oo, nanalo daw ang ating barangay bilang pinakamalinis na
barangay sa buong lalawigan.
Diane: Ang galing naman!
Nanay: Magaling kasing mamuno ang ating kapitan. Sinisigurado niya na
disiplinado ang mga tao sa tamang pagtapon ng mga basura.
Danilo: Kahapon nga nakita ko na tulong-tulong ang mga kalalakihan na
gumawa ng mga bagong basurahan upang
ilagay sa bawat kanto. Merong para sa mga nabubulok at sa mga
di-nabubulok na mga basura.
Tatay: Kaya kayong dalawa, huwag kayong magtapon ng basura kahit
saan.
Nanay: Itapon ninyo sa tamang basurahan ang mga kalat ninyo.
Danilo: Opo naman Tay at Nay. Tinuturuan yata kami sa paaralan ng
aming mga guro sa tamang paghihiwa-hiwalay ng mga basura.
Diane: Naku! Nakalimutan ko yong bote ng tubig. Naiwan ko sa kusina
maaari ko pa palang i-recycle iyon.
Nanay: O sige kunin mo na iyong bote at tutulungan kitang gawing maliit
na plorera.
Danilo: Nay, maaari din po ba akong tumulong?
Nanay: Oo naman. Maghanap ka pa ng ibang boteng hindi na ginagamit.
Tatay: Dahil Sabado ngayon at walang pasok, maglinis tayong lahat ng
paligid at ayusin ang mga basura.
Diane: Game po kami diyan Tay ni Kuya!
Isinulat ni: Cathryn B. Pachica
Gawain 1: Pangungusap ko, Tukuyin Mo!

Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang tinutukoy sa bawat


bilang.

____________1. Bakit kaya hindi nakarating si Alvin sa pagtitipon?


____________2. Binigyan ng kanya-kanyang gawain ang bawat
miyembro ng pamilya.
____________3. Linisin ninyo ang mga maaaring pagbahayan ng mga
lamok.
____________4. Aray! Tinamaan mo ang paa ko.
____________5. Nakatanggap ng gantimpala ang kanilang pook.
____________6. Ayaw ko nang makita ulit ang pagmumukha mo!
____________7. Saan mo inilagay ang walis?
____________8. Sino ang gustong tumulong sa paghahakot ng basura?
____________9. Tawagin mo nga si Elsa at ipaayos ang magulong
kusina.
____________10. Takbo! Paparating na ang malakas na ulan.
Gawain 2: Umpisahan Mo, Dudugtungan Ko!

Maghanap ng kapareha at buuin ang mga sumusunod na usapan gamit


ang iba’t ibang uri ng pangungusap.

Usapan 1
Tauhan A: Nakapunta ka na ba sa simbahan ng Panay sa Capiz?
Tauhan B:
_____________________________________________________

Usapan 2
Tauhan A: Hindi ako nakadalo sa pagdiriwang ng Sinadya sa Halaran
ng Roxas City.
Tauhan B:
_____________________________________________________

Usapan 3
Tauhan A: Natikman mo na ba ang mga tuyo (dried fish) galing sa
lungsod ng Roxas?
Tauhan B:
_____________________________________________________

Usapan 4
Tauhan A: Kailangang tulungan natin ang ating guro sa paglilinis ng silid.
Tauhan B:
_____________________________________________________
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

Gawain 3: Halina’t Magtulungan!

Pangkatin ang mga bata sa apat na grupo. Bigyan sila ng oras


upang makagawa ng isang maikling iskrip gamit ang iba’t ibang uri ng
pangungusap na napag-aralan. Sundin ang sitwasyon at gawain na
nakaatas sa bawat pangkat.

Pangkat Gawain Sitwasyon


I Dula-dulaan May isang pangkat ng mga
magkakaibigan na gustong sorpresahin
ang isa nilang kaibigan sa kanyang
kaarawan.
II Radio Iba’t ibang balita na nangyari sa inyong
Broadcasting paaralan o komunidad.
III Jingle/Awit Ang nilalaman ay tungkol sa buhay ng
mga kabataan ngayon.
IV Sabayang Ang nilalaman ay tungkol sa mga
Pagbigkas ipinagmamalaking tanawin, produkto,
pagdiriwang at kaugalian ng inyong bayan
o lalawigan.
Rubriks sa Pagbibigay ng Puntos

Dimensyon 4 puntos 3 puntos 2 puntos 1 puntos

Gumamit ng
Gumamit ng Gumamit ng Gumamit ng
apat na uri ng
Nilalaman tatlong uri ng dalawang uri ng isang uri ng
pangugnusap sa
pangugnusap sa pangugnusap sa pangugnusap
iskrip
iskrip iskrip sa iskrip

Walang
Di-gaanong
Lubos na Naging ipinamalas na
naging
Pagkama- nagpamalas ng malikhain sa pagka-
malikhain sa
likhain pagkamalikhain pagpapakita ng malikhain sa
pagpapakita ng
sa kanilang kanilang pagpapakita
kanilang
presentasyon presentasyon ng kanilang
presentasyon
presentasyon
Naging Di-gaanong Hindi naging
Lubos na naging makatotohanan makatotohanan makatotohana
makatotohanan at at n at
Pagganap at makatarungan makatarungan makatarungan
makatarungan sa pagganap sa pagganap sa pagganap
ang pagganap

Lubhang naging Naging malinaw Di-gaanong Hindi naging


malinaw ang ang pagbigkas malinaw ang malinaw ang
Pagsasalita
pagbigkas at at paghahatid ng pagbigkas at pagbigkas at
at pagbigkas
paghahatid ng mensahe paghahatid ng paghahatid ng
mensahe mensahe mensahe
Angkop na Di-gaanong Hindi angkop
Kagamitan Angkop ang
angkop ang angkop ang ang ginamit na
(props/costu mga ginamit na
ginamit na ginamit na mga mga
me) kagamitan
kagamitan kagamitan kagamitan
I. Pagtataya ng Aralin:

Gawain 4:

Gumawa ng sariling pangungusap ayon sa hinihingi ng bawat


sitwasyon.

1. Nakita mo ang iyong kapatid na tila hindi mapakali at may


hinahanap.

Patanong:
______________________________________________________

2. Tahimik kang naglilinis sa iyong silid ng biglang may malaking ipis


na lumipad sa iyong harapan.

Padamdam:
______________________________________________________

3. Gusto mong kumain ng adobong manok ngunit ang platong


lalagyan nito ay malayo sa iyo.

Pautos/Pakiusap:
_________________________________________________

4. Kauuwi mo lang sa inyong bahay at tinanong ka ng iyong Nanay


kung kailan ang inyong susunod na pagsusulit sa Filipino.

Pasalaysay/Paturol:
_______________________________________________

5. Araw ng Lunes at may pasok ang iyong nakababatang kapatid.


Ngunit tanghali na at nakahiga pa rin siya sa higaan at tila
namumutla.

Patanong:
______________________________________________________

You might also like