Ang Likha Ni Tinay

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 36

IL N

IB A
I
B LA
DEPARTMENT OF EDUCATION

G HA
A A
Region III - Central Luzon
N AM SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN
PI G P
IN
R
A
II
-A
D
G
PA
IN
H

Kuwento nina:
Guhit ni:
Janine M. Eulalio
Lorena A. Cama Dibuho ni:
Leorey V. Bagsik
Regina Eliza U. Bañez
This material was contextualized by the
Curriculum Implementation Division (CID)
Learning Resource Management and Development Center (LRMDC)
Department of Education
Regional Office III
SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN

NORMA P. ESTEBAN, Ed.D., CESO VI


Schools Division Superintendent

CECILIA E. VALDERAMA, Ph.D.


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

DOMINADOR M. CABRERA, Ph.D.


Chief, Curriculum Implementation Division

ALFONSO S. MIACO, JR.


Education Program Supervisor, MAPEH

EDWARD C. JIMENEZ, Ph.D.


Education Program Supervisor, LRMDS

REGINA ELIZA U. BAÑEZ


Layout Artist

LORENA A. CAMA
Illustrator

JANINE M. EULALIO
LEOREY V. BAGSIK
Writers

JERRY R. CAMACHO, Ed.D. NENITA J. BARRO


VIVIAN R. DUMALAY JOCELYN A. MANALAYSAY, Ph. D.
RAMILO C. CRUZ, Ph.D. ALFONSO S. MIACO, JR.
MARILOU J. DEL ROSARIO, Ph.D. MA. LEONORA B. CRUZ
CID Supervosors

SUSAN B. PELIPADA
Division Librarian II

22
Sa mga mambabasa,

Ang kwentong ito ay tungkol sa isang bata na


mahilig magpinta. Isang araw humingi ng tulong
sa kanya ang kaibigan niyang si Lito at ito naman
ay kanyang tinulungan.
Ipinakikita rin sa kuwentong ito ang pagiging
matulungin ng mga bata.

Aral:
Maging matulungin sa kapwa at ikalawa,
huwag mawawalan ng pag-asa pag may isang
bagay na nais makamit maging matiyaga lagi sa
pagsasanay.
32
Published by the
Department of Education
Region III
Schools Division of City of Meycauayan

COPYRIGHT @ 2019
by ________

Copyright Notice:

Section 9 of Presidential Decree No.49 provides:

"No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic
of the Philippines. However, prior approval of the government agency of office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work
for profit."

MGA PATNUGOT

JANINE M. EULALIO
LEOREY V. BAGSIK
Writers

LORENA A. CAMA
Illustrator

REGINA ELIZA U. BAÑEZ


Layout Artist

DOMINADOR M. CABRERA, Ph.D.


Chief, Curriculum Implementation Division

EDWARD C. JIMENEZ, Ph.D.


Education Program Supervisor, LRMDS

ALFONSO S. MIACO, JR.


Education Program Supervisor, MAPEH

42
Lathalain ng

Curriculum and Learning Management Division (CLMD)


Learning Resource Management and Development Section (LRMDS)
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN

5
S i Tinay ay
isang
batang masunurin,
mabait at mahilig magpinta.
Lagi niyang inuuna ang mga
bagay na inuutos sa kanya
bago ang mga bagay na
hilig niyang gawin tulad
ng pagpipinta.

Palagi siyang nagpipinta


kapag siya ay may
libreng oras. Ito ang kanyang
libangan at dahil dito
lalo siyang humusay sa
larangan ng pagpipinta.

6
7
S abado ng umaga, papunta ang kaibigan ni
Tinay na si Lito sa kanilang bahay.
“Tinay! Tinay!” sigaw ng batang si Lito.
“Oh bakit, Lito? Napadaan ka ata?” Tanong ni Tinay
sa kaibigan.
“Ah kasi…” nahihiyang tugon naman ni Lito.
“Ano yun Lito?” natatawang wika naman Tinay.

“Kasi mayroon kaming takdang aralin. Gusto ko


sana magpatulong sayo.” sambit ni Lito.
“Sige, Lito, ano ba ang iyong takdang aralin para
naman mapagtulungan natin?” wika ni Tinay.
“Kailangan kasi naming magpinta ng isang
magandang tanawin para sa aralin namin sa
Sining.”
“Ah, sige Lito, madali lang yan. Tutulungan kita.”
masayang tugon naman ni Tinay.
“Naku maraming maraming salamat sa iyo Tinay.”
wika ni Lito.

8
9
P agsapit ng hapong iyon, nagkita ang
magkaibigan sa kubo na malapit sa bahay nila
Tinay. Dala-dala nila ang mga gamit na gagamitin ni
Tinay sa pagpipinta. Noong hapong din iyon ay sin-
imulan na nila ang pagpipinta.

10
11
A t nagsimula nang magpinta si Tinay. Isang
magandang tanawin ang kanyang ipininta.
May mga bundok, ibon, puno at magagandang mga
bulaklak. Kitang kita sa gawa ni Tinay ang
pagkakatugma-tugma ng mga bagay sa kanyang
ipininta. Mula sa kulay, hugis, laki at liit ng mga ito na
lalong naging makulay at kaaya – aya ang kanyang
likha.

12
13
“W OW! Ang galing mo naman magpinta Tinay.”
manghang-manghang wika ni Lito.

“Di naman Lito, hilig ko lang talaga ang magpinta


at palagi lang akong nagsasanay” tugon naman ng
batang si Tinay.

“Sana matuto rin akong magpinta tulad mo Tinay.”


masayang sambit ni Lito.
“Magsanay ka lang nang magsanay palagi Lito at
matututo ka rin magpinta” wika ni Tinay.

14
15

P inagpatuloy ng magkaibigan ang pagpipinta.


Kitang - kita sa mukha nila ang saya sa kanilang
ginagawa.

Nagtulong din sina Tinay at Lito sa pagkukulay sa


larawang ipininta ni Tinay.

At masaya nga na tinapos ng magkaibigan ang


takdang aralin ni Lito sa tulong ni Tinay.

16
17
S a paaralan, masayang pinasa ni Lito ang
kanyang takdang-aralin sa kanyang guro, “Aba
Lito, ang ganda ng gawa mo!” wika ng kanyang
guro. “Salamat po Ma’am! Tinulungan rin po ako ng
kaibigan kong si Tinay, magaling po syang magpin-
ta” tugon ni Lito.

At pinakita na nga ni Lito ang kanyang takdang


aralin sa kanyang mga kamag-aral.

18
19
“T inay! Tinay!” sigaw ni Lito.
“Oh bakit Lito anong maitutulong ko sayo?”
sagot naman ni Tinay.

“Wala naman gusto ko lang magpasalamat sa


pagtulong mo sa paggawa ng aking takdang aralin
.Maraming salamat ulit sa iyo Tinay.” wika ni Lito.

“Naku walang anuman yun. Lito, di ba nga


magkaibigan tayo. Ang magkaibigan ay laging
nagtutulungan.” masayang sagot ni Tinay.

“Tama ka dyan Tinay!” sambit naman ni Lito.

20
21
P ag uwi ni Lito galing ng paaralan, agad
siyang kumuha ng mga gamit nya sa
pagpipinta. Magsasanay siyang magpinta na
tulad nga ng sinabi sa kanya ng kaibigan at
mahusay na si Tinay. Kailangan lang na
magsanay siya.

22
23
N aupo Si Lito sa harap ng kanilang bahay at
tumingin sa paligid. Nakita nya ang mga
puno, ulap, ibon at ang mga magagandang
bulaklak na nakapaligid sa kanya.

“Subukan ko kayang magpinta ng


magandang tanawin?” tanong ni Lito sa sarili.

“Siguro naman kakayanin ko ito kailangan ko


lang magtiwala sa aking sarili at magasanay
palagi” masayang sambit ni Lito sa sarili.
At sinimulan na nga rin ni Lito ang
pagpipinta.

24
25
A t inumpisahan na nga ni Lito na ipinta ang
mga nakikita nya sa kanyang paligid.
Nagpinta sya ng mga puno, mga ulap,
at mga naggagandahang
bulaklak.

Nung una medyo nahirapahan si Lito sa


pagpipinta pero dahil sa kanyang sipag
nagawa rin niya ito.

Nakapagpinta siya ng isangnapakagandang


tanawin.

26
g

27
A t nang matapos na nga ni Lito ang kanyang
gawa, siya ay natuwa sa kanyang nakita.
“Aba kaya ko naman pala! Kailangan ko lang na
palaging magsanay tulad nga ng payo ng kaibigan
kong si Tinay.”

“Ngayon din ay pupunta ako kay Tinay at akin itong


ipapakita” masayang sambit ni Tino.

Magmula noon palagi ng magkasamang nagsa-


sanay at nagpipinta ang magkaibigang sina Lota at
Tino.

28
29
Curriculum Web

Learning Objective Performance Standard

Nakikita na may harmony sa Nakalilikha ng sining ng mga tao


kalikasan gaya ng makikita na- sa lalawigan/rehiyon, pagpi-
tin sa kulay ng mga larawan ng pinta ng mga halaman, puno at
mga tanawin. disenyong may mga geometric
lines ng on-the-spot.

Content Standard Learning Competency


Naipapakita ang pag-unawa Nakikita na may harmony sa
sa mga linya, tekstura, mga kalikasan gaya ng makikita na-
hugis at balance ng laki, pag- tin sa kulay ng mga larawan ng
kakaiba ng tekstura sa pama- mga tanawin. A3El-Ila. 1
magitan ng pagpipinta.

30
Pagsuri ng Pang - Unawa
Sagutin ang mga sumusunod na tanong gamit ang
kumpletong pangungusap sa inyong kwaderno.

1.Bakit pinuntahan ni Lito si Tinay sa kanilang


bahay?
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________

2. Bakit si Tinay ang naisip na puntahan ni Lito


upang hingan ng tulong?
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________

3. Sa paanong paraan tinulungan ni Tinay si Lito?


__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________

4. Ano kaya ang mangyayari kay Lito kung hindi


siya tinulungan ni Tinay?
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________

5. Kung ikaw si Tinay, tutulungan mo din ba si Lito?


Bakit?
_________________________________________________
31
Isagawa Natin: Pangkatang Gawain
Maging Malikhain
Pagpipinta ng Isang Tanawin
Kagamitan: watercolor, brush, lapis, oslo paper,
lumang dyaryo at apron

Pamamaraan:
1. Umisip ng gawain ng mga tao sa inyong lugar.
Maaaring Makita ito sa bukid, bundok o kabahay-
an.
2. Ipinta ito gamit ang matingkad at madilim na ku-
lay.
3. Lagyan ng pamagat.
4. Ipaskil ang iyong ginawang sining kasama ang
ginawa ng iyong mga kamag aral.

______________________________
Pamagat

32
Dagdag kaalaman

JUAN LUNA

Si Juan Luna ang nagpinta ng pamosong


larawan na “Spolarium”. siya ay nakilala
sa buong mundo sa pamamagitan ng kan-
yang pinsel gaya ng pagkilala sa kanyang
mga kaibigan sa pamamagitan ng pluma at
espada.

33
Talahulugan

pintor - painter ; tao na gumagamit ng


mga larawang may
kulay

harmoni - harmony ; ito ay maipapakita


sa pamamagitan ng
kombinasyon ng
mga kulay sa isang
larawan ng tanawin.
naipapahayag ng
pintor ang kanyang
damdamin sa
pamamagitan ng
mga kulay na gina
gamit sa pagpipinta.

34
Biography

Nagtapos sa St. Mary’s College Nagtapos sa Bulacan State


of Meycauayan noong taong 2010 University noong taong 2012 sa
sakursong Bachelor of Secondary kursong Bachelor of Elementary
Education Major in English. Nagturo sa Education Major in Generalist.
St. Mary’s Academy of Sto. Nino mula Nagturo sa La Consolacion School
2010-2013. Kasalukuyang nagtuturo sa Balagtas mula 2012 - 2014.
pampublikong Paaralan ng Lawa Kasalukuyang nagtuturo sa Lawa
Elementary School mula pa noong Elementary mula pa noong 2015.
2015.

Nagtapos sa University of Caloo- Nagtapos sa Bulacan State


can City noong 2009 sa kursong University noong 2008 sa kursong
Bachelor in Secondary Education. Bachelor in Elementary Education
Nagturo sa Corinthian School of major in Mathematics, Master of Arts
Valenzuela mula noong S.Y. 2012 in Educational Management 2015-
hanggang 2017, Nagtuturo sa Lawa 2017. Kasalukuyang nagtuturo sa
Elementary School sa taong Pambuplikong Paaralan ng Lawa
kasalukuyan. Elementary School.

35
S i Tinay ay isang batang magaling magpinta.
Isang araw humingi ng tulong sa kanya ang
kanyang kabigang si Tino.

Ano kaya ang tulong na hiningi ni Lito kay


Tinay? Tutulungan kaya ni Tinay ang
kaibigang si Lito?

You might also like