Feature Writing
Feature Writing
Feature Writing
FEATURE spells:
F – factual not fictitious
E – Entertaining
A – appealing to the emotions
T – timely or not timely
U – unusual
R – reader-oriented
E – explanation, extrapolation – extending or projecting known info
The jewel or gem (precious stone) of the newspaper - something treasured for “time and
eternity”
Feature Devices:
1. Figures of Speech – simile, metaphor, hyperbole, etc.
2. Adjectives & Adverbs
3. Descriptive words and phrases – “hyphenated” words – ex: a you-will-look-again beauty
4. Beautiful language and style – interest arousing
ORGANIZATION OF IDEAS
Following the laws of Progressive Reader Involvement:
1. Tease me.
2. Tell me what you are up to.
3. Prove it.
4. Help me remember it.
Agham at Teknolohiya, nakakatulong ba?
Ano nga ba ang agham at teknolohiya? Ang agham ay isang sistematikong sangay
ng karunungan base sa katotohanan na nakalap sa pamamagitan ng obserbasyon at
eksperimentasyon. Ang kaalaman o karunungang ito ay ginamit ng ibang tao upang
lumikha ng kapakipakinabang na bagay. Dito pumapasok ang teknolohiya. Ang
salitang teknolohiya ay nanggaling sa salitang griyegong "technologia" na ang ibig
sabihin ay "sistematikong pagturing sa sining."
Maiisip mo ba kung paano tayo mamumuhay kung walang kuryente? Paano tayo
makapunta sa ating paroroonana ng mgadali kung walang mga bus p dyip na
masasakyan? Paano tayo makikipagkomunikasyon kung walang Facebook, Yahoo,
at Twitter na dulot ng computer? Ang elektrisidad, transportasyon, at mga
computer ay ilan lamang sa mga produkto ng agham at teknolohiya. Batid nating
marami ang naitulong nito sa ating buhay. Dahil dito, mas napapadali ang ating
mga gawain kumpara sa buhay ng nakaraan. Ang teknolohikal na pagbabago ay
nakakatulong rin sa pagtatanim at pag-aani, kagaya rin ng irigasyon, napapadali o
napapabilis ang pagdidilig ng mga pananim. Ang pesticides ay ginagamit ng mga
magsasaka upang masugpo ang mga peste na pumapatay ng halaman. Ang
teknolohiya ay nakakatulong rin sa paggawa ng mga medisina, pagrereserba ng
pagkain at pagdevelop ng panibagong pinagmulan enerhiya. Ang lahat ng ito ay
dulot ng makabagong teknolohiya't agham. Subalit nagdadala rin ito ng panganib sa
mga tao at sa kapaligiran.
Bilang isang mamamayang Pilipino, gagamitin natin sa wasting paraan ang ating
nalalaman ukol sa agham at teknolohiya. Gagawin itong gabay tungo sa kaunlaran
at kapayapaan ng ating bayan.
Luntiang Kalikasan, Meron Pa Nga Ba?
Sabi nila nung nagsaboy ng biyaya ang Diyos sa sanlibutan, isa ang ang
Pilipinas sa mga sumalo nito kaya tinagurian itong Pearl of the Orient
Seas. Napakasarap isipin na may paraiso pala sa Timog - Silangan ng Asya,
subalit hanggang sa ngayon ba ay maituturing pa rin ba nating Pearl of
the Orient Seas ang Pilipinas. Ikaw sa tingin mo? Karapat - dapat pa bang
itawag iyon sa ating Inang Bayan? Hawak pa ba natin ang titulo na yun?
Nakakalungkot isipin ngunit parang unti-unti na itong nawawala sa imahe
ng ating bayan. Huwag naman sana.
Hindi man tayo ganun kayaman na bansa at hindi man tayo ganun
kasabay sa daloy ng modernisasyon buhat ng teknolohiya, mayaman
naman tayo sa likas na yaman. Kung ating iisipin, napakabait ng ating
Panginoon sapagkat malaking porsyento ng likas na yaman ang
ipinagkatiwala at ipinagkaloob niya sa atin. Sa kabilang banda,
napakasakit isipin na unti-unti na itong naglalaho sa kadahilanan na ang
mga nakikinabang nito ang siyang tumutuldok sa buhay ng mga ito. Tayo!
Tayong mga makasarili at mga mangmang ang may kasalanan sa
pagkasira ng mga kaloob na yaman mula sa Diyos. Kung ating papansinin,
buhay lang natin ang ating iniisip at pagkatapos pakinabangan o kunin
ang intensyon mula sa kalikasan ay wala na tayong pakialam kung anong
mangyayari. Kasakiman ang ating pina-iiral, hindi man lang natin naisip na
may buhay din ang kalikasan. Sa mga nagdaang oras, araw, linggo,
buwan, taon at panahon na may masaklap na kaganapan buhat ng higanti
mula sa kalikasan ay hindi natin maaaring sisihin ang Diyos na may likha
sa lahat. Tila naniningil lang ang kalikasan sa mga kalokohan at kawalang -
hiyaan na ginawa ng mga tao sa agos ng buhay niya.
Sana isang araw, mula sa malalim na pagkakahimbing natin ay magising
tayo sa katotohanan bago pa mahuli ang lahat at tuluyang bawiin ng
Panginoon ang lahat ng kanyang nilikha. Sana maisip din natin kung
paano magpahalaga sa mga bagay na nasa paligid natin. Maraming
paraan para mabago ang lahat, maaari mo itong umpisahan sa wastong
pagtatapon ng iyong basura sa tamang lugar. Hindi pa huli ang lahat at
sana magising tayo sa katotohanan.
Patawad, Inang Kalikasan