Maikling Kwento

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Dalawang Lapis

Kuwento ni Miguel Arguelles

Isang hapon, dalawang lapis na kapwa nalaglag sa playground ng paaralan mula sa dalawang batang mag-aaral
ang nagkatagpo at sila ay nag-uusap.
Lapwan: “Hoy, laptu, kumusta ka?”

Laptu: “Mabuti, ikaw, Lapwan, kumusta ka rin?”

Lapwan: (Umiling-iling) “Hindi mabuti, kaibigan.”

Laptu: “Kung hindi mabuti, marahil ay masama. Gayon nga ba?”

Lapwan: “Oo, gayon nga.”

Laptu: “Bakit naman?”

Lapwan: “Dahil ang amo ko ay hindi mabuting amo. Mahina sa klase. Salbaheng bata. Kung anu-anong kalokohan ang
ginagawa at ipinagagawa sa akin.”

Laptu: “Ano’ng ibig mong sabihin ng mga ‘kalokohan’? Anu-ano ba ‘yon?”

Lapwan: (Bumuntung hininga) “Napakaraming kalokohan, pero ilan lamang ang sasabihin ko sa iyo at sapat na ‘yon.
Heto… Ako’y madalas niyang isulat at ipagdrowing sa baro ng mga kaklase niyang nakatalikod sa kanya pag hindi
nakatingin si Titser. Isinusulat din niya ako at ipinangdodrowing sa dingding ng classroom, sa desk at kung saan-saan pa.
At isang araw, nang may nakagalit siyang kaeskuwela, ay ginamit niya akong panaksak. Isinaksak niya ako sa kanyang
kaaway, at mabuti na lamang at nakailag ito at kumaripas ng takbo.”

Laptu: “Hindi nga pala mabuti. (Umiling-iling.) Hindi nga pala mabuti.”

Lapwan: “Ikaw naman, bakit mabuti ang buhay mo?”

Laptu: “Dahil ang amo ko ay isang mabuting amo. Marunong siya at mabait. Hindi gumagawa ng anumang kalokohan,
hindi nakikipag-away. Ako’y ginagamit niya lamang sa pagsulat sa kanyang notebook at pad paper. Sa mga test at
examination ay ginagamit din niya ako at madalas ay 100! At sinulatan ng ‘Very Good’ ng mga titser niya ang mga
ipinagawa niya sa akin, sulat o drowing man. Ikaw ano ang mga grades na natatamo ng iyong amo kapag ginagamit ka
niya…?”

Lapwan: “Ay naku, nakakahiya ang mga grades ng amo ko. Madalas ay itlog o zero. Kung minsan ay hindi ako ginagamit
ng amo ko kung may test sila. Nagkukunwari lamang siyang sumulat. Minsan nga’y nahuli siya ng titser niya at siya’y
napagalitan. Walang pag-asang makapasa ang amo ko. Mabuti pa’y magtanim na lamang siya ng kamote!”

Laptu: (Napatawa ng Malakas) “Kawawa ka naman. Teyka, bakit nga pala ganyan ang ayos mo? Parang nginatngat ng
daga ang pagkakatasa sa iyo…”

Lapwan: (Bumuntong-hininga naman) Alam mo, kaya ganito ang tasa ko, nakalimutan ng amo kong patasahan ako sa
kanyang Tatay sa bahay nila. At kanina, nang magpasulat si Titser, ay tinasahan ako ng dali-dali ng amo ko sa
pamamagitan ng kanyang mga ngipin!”

Laptu: “Ay naku, talaga palang nakakaawa ka. Tama nga pala ang sagot mong ‘Hindi mabuti’ nang kumustahin kita. Kung
matutulungan lamang kita… Pero, huwag kang mawawalan ng pag-asa. Baka mapulot ka ng isang mabait at marunong na
mag-aaral!”
I. Pagpapakilala sa may akda

Miguel Arguelles – pinuno ng Ingles Unit sa Philippine Science High School Main Campus sa
Diliman, Quezon City. Paminsan-minsan , nakakatanggap ng mga proyekto sa Department of Education, at
pinaka-kamakailan ang Cultural Center of the Pilipinas na kung saan ako nakatulong draft beintisingko maikling
essays para sa kanyang mga paparating na pinalawak Encyclopedia.

II. Tema:
Ang tema ng kwentong ito ay kung paano gagamitin ng mabuti ang lapis oh kung paano ang
eksaktong mag-aaral ang kailangan ng isang lapis sapagkat sa kwentong ito aking natuklasan na kung
paano mag-aral ng mabuti. Akin din napagkumpara ang lapis sa isang mahalagang bagay na meron ako
kung paano ko ito pangalagaan.

III. Talasataan
1.Umiling-iling – nagrereklamo
2.Gayon – Ganon
3.Salbaheng bata – Masamang bata, lokolokong bata
4.Bumuntong hininga – huminga ng malalim
5.Baro – damit
6.dingding – pader
7.kumuripas ng takbo – tumabo ng mabilis
8.Titser- guro
9.kaskwela –kamag-aral
10. nagkatagpo – nagkita

IV. Tauhan:
Lapwan- isang lapis na ang kanyang amo ay isang lokolokong studyante hindi siya ginagamit sa
mabubuting paraan oh patungkol sa kanyang pagaaral .

Laptu – isang lapis na ang kanyang amo nmn ay isang mabuting mag-aaral ginagamit siya sa
mabubuting paraan at patungkol sa kanyang pag-aaral

V. Bising pampanitikan
A.Bisang pangkaisipan – ang pinaka tumatak sa isipan ko sa kwentong ito ay kung paano gamitin
ang mga bagay na meron tayo tulad ng lapis kung paano pangalagaan ang lapis at gamitin sa pagaaral
kung hindi sa ano man mga kalokohan lahat ng bagay na meron tayo sa buhay natin ay may dahilan kung
bakit sila nasa atin kayat kailangan pangalagaan ang mga bagay na meron tayo.

B.Bisang Pandamdamin – ang naramdaman ko sa kwentong ito ay ang pagkalungkot sapagkat aking
natanong sa sarili ko kung gaano ako kabuting studyante at kung paano ko pangalagaan ang mga
oportunidad na dumarating sa aking buhay bilang studyante.

C.Pangkaasalan – ang mga asal na nakita ko sa kwentong ito ay ang pagiging mabuti at ang pagiging
masama o loko –loko
Republika ng Pilipinas
Tarlac State University
Kolehiyo ng Edukasyon
Lucinda Campus

Suring basa
Sa
Maikling kwento
“Dalawang Lapis”

Ipinasa ni: John Michael A. Galang


Bsed 1-c2

Ipinasa kay: BB. Virgelya Joy M. Gaston


Guro sa filipino

You might also like