Practical Guide To Become CCNA
Practical Guide To Become CCNA
Practical Guide To Become CCNA
Considering na medyo mahal ang CCNA training at medyo mahal din ang CCNA exam,
madami sa mga Pinoy ang ipinagpapaliban na or tinatamad ng mag-take ng training or
mag-take ng exam.
Pero hindi naman ito kelangan maging hadlang sa ating mga pangarap.
At hindi rin kelangan gumastos ng todo. Syem'pre dun tayo sa practical. Wais ika nga.
I want you to know na there's some way na makakatipid ka. Hindi lamang sa pera kundi
pati na rin sa oras.
Below are my personal tips on how to become a CCNA in the Philippines in a very
practical way and also a practical guide kung papaano ka maghahanap ng CCNA related
jobs online.
This might be very basic pero if you do it well, it will increase your chance of getting to
your goals.
Again, this is to help you and other aspiring Pinoy network engineers to achieve their
goals.
At ang first step na gusto ko i-share kung pano ka magiging CCNA in a practical way is
to set goals.
Write it!
Not just in your mind, but I'm telling you to create and lay out a career goals on why
and how you can become a CCNA in paper. Actually this applies in all of your goals in
life.
If you're aiming to learn Cisco networking at gusto mo maging CCNA, you have to set
those goals. Kuha ka ng malinis na papel at isulat mo dito ang CCNA career goals mo.
No need to be formal, just write the goals in terms you can understand.
After writing them down, set deadlines or timeframe. Yes, kelangan mo lagyan ng
deadline or target date kung kelan mo dapat gawin or ma-achieve ang goals na si-net
mo. A goal without a date is just a wish.
Saktong sakto 'to kasi mag-new year na. It can be your new year's resolution to become
a CCNA next year. Or CCNP or whatever.
Just make sure you write them down together with their target dates.
Organizing your plan includes how are you going to study, train, practice, read and
others. Kumbaga kung pano ka makaka-punta from point A to point B. Kung papunta
ka ng Fairview, mag-bubus ka ba? Or mag-vavan? Or mag-mrt para mas mabilis? I hope
na-gets mo idol.
Kasama rin dapat sa plano mo ang date ng exam, type ng exam, ano gagawin mo kapag
naka-pasa etc. Lahat ng gusto mo mangyari. Isulat mo lahat ang mga ito or iprint. Kahit
simpleng papel or word or excel document lang.
Make sure na lagi mo s'ya nakikita or binabasa to re-enforce your brain. That way, mas
gaganahan ka pa at mas sisipagin ka pa i-achieve ang mga goals mo.
Ang first 2 steps na yan ay importante para ma-achieve mo ang iyong goals. Hindi lang
bilang CCNA kundi pati na rin sa ibang goals mo sa buhay.
Ang mga susunod na steps naman ay ang aking suggestion on how you can become a
CCNA in the Philippines in a very practical way.
STEP 3 SELF-STUDY
Gaya ng ginawa ko dati, mas ok na meron ka ng konti or basic knowledge about
computer networking bago ka sumabak sa training. Either online, bootcamp man or full
course training malaki ang maitutulong ng foundational knowledge mo para masulit at
mas maintindihan mo ang mga topics sa training. Lalo na kung ikaw ay 0-knowledge or
talagang beginner pa lamang.
Kahit sinasabi ng mga CCNA training centers na ang course or training nila is designed
for 0-knowledge or beginners, there is a big possibility na ma-information overload ka
or ma-confuse sa mga topic at lessons.
By doing self-study first, you can build the foundation knowledge para maintindihan
mo ang mga basic at ma-fire up mo pa ang passion mo na matuto at magsumikap.
Thats why I created the CCNA Basic and Fundamentals Ebook. I am 100% confident
malaki ang maitutulong ng ebook sa mga magsisimula pa lang sa kanilang CCNA career.
Let say goal mo maging CCNA next year, pwede kang mag-allot ng 2 hours every
weekend for the first 6 months to do self-study. Magbasa at manood ng mga CCNA
videos. Magbasa at mag-practice.
Bawas ka muna ng laro, facebook at tv. You can include them in your plan. And then
commit and take action. By doing this, you're following your plan and you're getting
closer to your goals. Disiplina at tyaga lang mga kapatid. :)
Since ang CCNA bootcamp training ay fast-phase, there is a big possibility na mag-
information overload ka. Lalo na kung 0-knowledge, beginner or career shifter ka. Sa
dami ba naman ng topic ng CCNA, akalain mong pag-kasyahin sa loob 5 araw. Haha.
Wag din kayo maniwala na dedicated sa 0-knowledge ang mga CCNA bootcamp training
centers. Ipupusta ko ang sweldo ko(LOL) na meron at merong times na mag-ooverload
ka sa information at maguguluhan sa mga topics. Lalo na kung beginner ka talaga.
Trust me. Kaya ko ni-suggest ang step 3. Self-study bago mag-training.
In bootcamp training, dito papasok ang self-study knowledge mo. Since nag-aral kana
at naintindihan mo na ang mga basic, more likely mas mabilis mong maiintindihan ang
mga topic sa CCNA bootcamp training at hindi ka na ma-coconfuse. Isa-isa din
masasagot ng discussion ang mga tanong sa isip mo nung nagseself-study ka pa.
I am suggesting at prefer ko ang CCNA bootcamp training kesa sa full courses sa mga
sumusunod na dahilan.
3. Lab with real devices - Yes you can do all the simulations and lab on a
simulation software pero I'm telling you iba pa rin kapag "real life" mo
nahahawakan ang mga devices.
Mas ma-aappreciate mo ang CCNA career mo at mas maiintindihan mo ito
ng mas maayos. Mas ma-eexcite ka at mas gaganahan. You'll have the
"real world experience" somehow.
Meron akong kakilala, ang galing sa packet tracer at GNS3, pero pagdating
sa real world hindi alam kung san ikakabit ang console cable at kung
paano ito ma-aaccess. Patay tayo dyan. Lol.
Yes, meeting other guys having same goals as you are a nice experience.
Wala nito sa mga online training at simulations. Friendships and real life
connections. Importante yan.
These are some of my firm beliefs personally. Syemp're iba iba naman. Kung may pera
ka at oras at mas prefer mo ang full time course, walang masama doon.
Kung mas prefer mo naman ang online courses, wala rin masama doon.
Kung saan ka mas komportable at kung saan ka mas-mag eexcel dun ka. Hindi dahil
ok sakin or sa iba eh ok na din sayo.
See what's work best for you and then do it! Gotcha?
Karamihan din sa mga training centers ay nag-ooffer ng FREE sit-in or FREE review
kung sa kanila ka nag-training. Take advantage of them. Malaki ang maitutulong nito
upang mas lalo ka pang mahasa at matuto at siyempre maging confident sa exam.
Practice ka ng mga sample labs tska mga sample questions lalo na ang subnetting.
Make sure kabisado mo ng mag-configre ng mga routing protocols etc. That way, ma-
build mo muna yung confidence mo at mai-ready mo yung sarili mo for the exam. Sipag
at tiyaga lang idol, Im sure babalik lahat yan sayo. Doble doble pa.
Of course, hindi kahit aral ka ng aral, hindi ka pa rin magiging certified CCNA kung
hindi mo gagawin yung next step.
Ang saklap naman nag nag-self study ka at nag-training pero hindi ka naman kukuha
ng exam. Sayang. Isagad mo na idol! Kung talagang gusto, gagawan mo ng paraan yan.
But before taking the exam, I suggest to do another round of self-study again. Balikan
mo ulit yung mga topic at mga lessons. Practice the labs. Make sure na naiintidihan mo
sila.
Sabi ko nga,on most training centers, nag-ooffer din sila ng mga sit-in review. Take
advantage of those. Malaki ang maitutulong nun para maipasa mo ang exam. Dapat
kasama rin sa plano n'yo un. Plan plan plan! Then take action!
The whole process can take a year or mas maaga, depende sa'yo.
Wag mo madaliin. Wag mo biglain baka dumugo! Haha. Lalo sa mga beginners. I suggest
you to take some time with yourself alone this holiday season and set your goals for
next year.
Let say the next 6 months of 2017 self-study ka, then July - August bootcamp training,
tapos September self-study at review ulit. Then October exam. Before Christmas next
year, CCNA certified ka na. Napaka-gandang papasko nun para sa sarili mo.
Wag ka muna mag-resign, kung may plano ka lumipat. Saka na kapag nakapasa kana
at sure na may lilipatan ka na. Be practical. Be smart!
These are just an examples and estimate for a real 0-knowledge. Pwedeng mapabilis
depende sa effort at sipag mo.
If you're moved by this FREE guide and inspired you to take action and if you'll follow
this simple advise or kahit ni-revise mo depende sa situation mo at nagtagumpay ka,
nakapasa ka or nag-success ka next year or in the future, I beg you - please let me
know. PM or email mo 'ko.
I would like to personally congratulate you and I will be happy to share your success to
other people. Your success is my success too. :)
All of these may sound easy but we know it's not. Masarap basahin at masarap
pakinggan. Pero ang totoo it takes time, effort, hard work and commitment. It takes
money investment too. But I promise, it's worth it. It's rewarding!
Marami rin kasing nag-eemail at nagtatanong about dito sa topic na ito. Medyo mahaba-
haba ito idol kaya sit back and relax.
Alam naman natin na siyempre hindi nagtatapos sa pagiging CCNA lang ang journey,
actually umpisa pa nga lang yun di ba.
So on this article, I hope youll get something useful na pwede mong magamit when you
looking for CCNA jobs online.
Lets start!
When looking for a job kahit online or offline pa yan, the basic thing you need is your
resume. Right?
Kahit CCNA jobs or anong job ang hanap mo, resume ang unang bala mo sa gera ng
employment.
SAMPLE RESUME FOR CCNA BEGINNER
Here is a sample resume na pwede mong magamit when you passed the CCNA exam or
sabihin natin na kahit hindi ka pa pasado pero familiar at aware ka na sa mga
networking concepts at CCNA technologies.
In Part 1, as you can see mga idol is my personal information. Make sure na tama at
updated ang lahat ng information na ilalagay mo dito. Your name spelling, phone
number and email address ay napaka-halaga when looking and applying for a job.
Pwede mo rin i-indicate kung ano position ang ina-applyan mo or your current position.
Again, make sure na tama at updated lahat ng information. Owki?
Sa Part 2, meron tayong some sort of introduction or cover letter. This shows our goals
and intention kung ano at sino tayo(in character) and a brief summary of what we can
do and give to the company.
Kadalasan na nakikita kong goal is to apply and get a good job or get a good position
or salary. Mali!
Dapat una muna kung ano ang maico-contribute or maitutulong mo sa company. That
way, makikita ka nila as asset or help sa team nila. Gets idol?
On Part 3, ilagay mo yung mga skill set mo. Pwede mong gayahin kung anong meron
diyan sa sample at siyempre idagdag mo yung ibang skills mo na meron ka.
Note: Make sure na alam mo talaga at naiintindihan mo ang mga skills na ilalagay mo
kasi kadalasan yan ang itinatanong sa technical interview.
So kung pumasa ka ng CCNA gamit ang dumps at wala ka naman talagang alam, yari
ka. :D
Ok dito naman sa Part 4, pwede mong ilagay ang mga experiences mo. Work experience
kung meron na, kung wala naman, ayos lang. Next part ka na.
Sa work experience make sure na alam at tanda mo rin kung ano mga pinag-lalagay mo
kasi itinatanong din yan sa mga technical interview. Kung ano lang talaga, yun lang.
Then sa Part 5, yung mga training na na-attendan mo. Kung classroom or live training
or online etc. Pwede mo rin ilagay yung info kung saan at kailan ka nag-training. Kung
meron pang ibang certification, put it there! Para medyo humaba naman ang resume
mo kung talagang walang mailagay. :-D Peace!
On Part 6, ilagay mo yung certification na meron ka. Kung CCNA certified ka na,
magaling! Ilagay mo. Kung hindi pa, ok lang. Sa training mo muna ilagay. Then kung
meron pang ibang certification, isama mo na din. Again, pampahaba. Lol.
Pero seriously, kapag fresh graduate or beginner ka, yan mga additional trainings or
certifications kahit sa school mo nakuha or other institution, malaking bagay yan. Yan
ang pinaka-experience at training ground mo kasi nga bago ka pa lang naman
nagsisimula.
Part 7 is your educational background. So kung anong course, saang school at kung
anong year.
Sa Part 8, pampahaba na naman. Haha. No joke idol, ilagay mo yung mga extra-
curricular mo lalo na kung fresh grad or beginner ka. Promise, malaking bagay yan.
Let say leader ka ng isang org sa school or di kaya naman best thesis ka nung
graduation. Or di kaya best in programming etc. etc. Makakatulong yan since nagbui-
build ka pa lang naman ng profile at experience. Owki?
In Part 9, pwedeng optional. Pwede mong ilagay na available upon request or mas
maganda lagyan mo na. Make sure hindi galit sayo yung character reference mo idol
kundi yari ka. Haha.
Owki, so in this time meron ka nang maayos ayos na resume. Mahaba-haba. Hehe. This
will be your asset in looking and finding for a job online or kahit offline.
Lets move on naman sa mga tips kung pano ka maghahanap ng work online.
Here are some of the main online job portals na pwede kang mag-apply.
Linkedin - www.linkedin.com
Jobstreet - www.jobstreet.com.ph
Monster - www.monster.com.ph
Jobsdb or Jora - https://ph.jora.com/
Ilan lang ito mga idol, I know maraming pa pero lets just say dito muna tayo focus. Isa
pa, lahat ng mga to libre! Wag na wag kang mag-crereate ng account kung saan
kelangan mo pang magbayad. Malamang scam yan.
Before you start applying in job, make sure na updated na lahat ng profile information
mo sa mga ito. Here are some tips.
6 TIPS IN FINDING
CCNA JOBS ONLINE
TIP#1 YOUR PROFILE PICTURE
Dapat maayos at professional ang profile picture mo idol. Ito ang unang-una makikita
ng mga HR or mga head hunters when they check your profile.
So dapat latest, malinis at siyempre dapat ikaw. Never put a different person or cartoon
character sa profile mo kundi goodbye ka na agad. Gets?
Mas ok yung simple tapos professional photo like naka-formal ka and then white
background. Mura lang magpakuha sa mga studio, mag-invest ka na kahit konti.
Pasenya ka na idol, medyo magulo ang buhok ko dito. :-P Sample lang yan!
Pwede mo rin i-copy paste yung mga laman ng resume mo para same lang din sila.
Importante ang contact details like email or phone number idol so make sure updated
at tama ang nilagay mo.
Again, make sure lang na updated, alam mo lahat at totoo ang mga nakalagay dun.
Isa pang tip, ok din na gamitan mo ng mga specific keywords na related sa CCNA or sa
trabahong ina-applyan mo like ccna, vtp, vlan etc. kasi minsan nag-sesearch sila based
on keywords so that way, pwede lumabas ang profile mo sa search results. Gotcha?
Pwede mo rin i-filter by salary, location and others. Gamitin mo yung filter idol,
malaking tulong yan.
Isa pa, lagi rin nagpapalitan ng mga kuro-kuro at opinion pati na rin mga updates sa
mga group na yan kaya makakatulong din yan sa career mo idol.
Sa facebook meron din. Make sure lang na legit ang mga groups at members when you
joined.
TIP#6 VISIT COMPANYS CAREER WEB PAGE
This is another tip na pwedeng makatulong mga idol. Hindi kasi lahat ng company nag-
rerely sa online job portals, meron din na nag-uupdate lang sa mga career page ng
website nila. So kung talagang wala ka pa rin makita at para ma-exhaust mo lahat ng
ways to find a job, pwede mo itong gawin.
Ilista mo yung mga related company sa trabahong gusto mo or expertise mo. Then i-
google mo isa isa, when you land on their website, hanapin mo yung career or job
opportunity page nila. From there makikita mo kung merong opening na job na related
sa hinahanap mo.
Let say wala ka idea sa mga company, pwede mo rin i-google yung categories ng mga
company na yan para makita mo kung sino-sino sila.
Let say for example, internet service providers in the philippines, this will give you the
list or results of ISP in the philippines. Then again, check and visit their career page.
I recommend finding online job first kasi mas madali, mas practical at mas convenient.
Mas marami kang ma-aapplyan ng hindi ka napapagod, gumagastos at nahihirapan.
So take advantage of this online job portals mga idol.
Alright idol, I provided you with a comprehensive guide in applying CCNA jobs online.
It took me almost 3 hours para gawin tong article na to. Hopefully makatulong ito sa
paghahanap mo ng trabaho online.
Billy Ramirez
Founder/Author www.ccnaphilippines.com