Radio Drama Script
Radio Drama Script
[Type the abstract of the document here. The abstract is typically a short
summary of the contents of the document. Type the abstract of the document
here. The abstract is typically a short summary of the contents of the document.]
Page 1 of 18
1 ALDRIN: Okay. Okay. Take care ha. If anything happens, call me, okay?
2 CHRISTIAN AND YNNAH: (Off mic) Bye Dad!
3 DIANE: Bye.
4 SFX: KISS (SMACK)
5 NARRATOR: Napakasaya ng buhay ng mag-asawang Aldrin at Diane. May
6 dalawang malulusog na anak at may maayos na takbo ng negosyo. Sa kabilang
7 banda, ating kilalanin si Julian dela Cruz, isa sa mga libo-libong empleyado ng
8 Espino Group of Companies. Labinlimang taon na ang nakararaan nang syay
9 maulilang lubos sa kanilang probinsya sa Surigao del Norte. Ating alamin
10 kung paano nga ba sya nakarating sa kinaroroonan niya ngayon.
11 SFX: MUSIC AS CUE FOR FLASHBACK;
12 IN ECHO UNTIL PAGE 6, LINE 30
13 JULIAN (10 Y/O): Tay! Tay! Tignan niyo, nakaperfect ako sa quiz ko kanina sa
14 Math! Tignan niyo yung kamay ko!
15 JUAN: Ang dami mo namang stars anak! Sobrang galing talaga ng anak ko!
16 Manang-mana sa Tatay.
17 JULIAN (10 Y/O): Syempre naman po!
18 JUAN: O sya. Pumasok na tayo sa bahay at mag-gagabi na.
19 JULIAN (10 Y/O): Kamusta po yung ani natin, tay? Mayaman na po ba ulit tayo?
20 JUAN: (Laughing) Bakit anak, sino ba nagsabi sayong hindi tayo mayaman?
21 Mayaman tayo, anak! Mayaman sa pagmamahal.
22 JULIAN (10 Y/O): Opo naman po, Itay!
23 JUAN: O, pumasok ka na sa loob! Bilisan mo. Maghain ka na at kakain na tayo.
24 JULIAN (10 Y/O): Opo, Itay! (3-second pause)
25 SFX: GUNSHOT
26 JULIAN (10 Y/O): (shouting) Itay! Itay!
27 TRANSITION MUSIC
28 NARRATOR: Matapos ang pagpanaw ng ama ni Julian, siya ay inampon ng
29 kanyang mga kamag-anak at siya ay nagsumikap upang makapagtapos ng
30 pag-aaral.
31 SFX: AMBIENT SOUND SA ISANG FASTFOOD RESTAURANT
Page 4 of 18
#
Page 6 of 18
1 kapwa niya.
2 JULIAN: Talaga itay? Ang bait naman ni nanay! Magkwento ka pa!
3 JUAN: Bukod pa sa kabaitan, siya ang pinakamagandang babaeng nakilala ko.
4 Kung ano yung kinaganda ng loob niya, pumantay yun sa pisikal na kagandahan
5 niya.
6 JULIAN (yawming): Sige pa, itay!
7 JUAN: Hay nako matulog ka na. Alam mo, ang tanging pangarap ng nanay mo
8 sa iyo ay makapagtapos ng pag-aaral. Kaya matulog ka na ha.
9 JULIAN: Opo itay *kiss*
10 JUAN: Pikit na
11 END OF FLASHBACK
12 TRANSITION MUSIC
13 ALDRIN: (shouting) Nasaan ka? Nandito na ako. Sino ka ba talaga? Ano bang
14 nagawa namin sayo?
15 SFX: WALKING IN THE PAVEMENT
16 CHRISTIAN: (Umiiyak) Daddy, daddy!
17 ALDRIN: ANAK, nasaan ka, nasaan ka?
18 JULIAN: Aldrin Espino, ito ba ang hinahap mo?
19 CHRISTIAN: (umiiyak)
20 ALDRIN: JULIAN?
21 JULIAN: Oo. Ako nga.
22 ALDRIN: Baket mo ginagawa toh? Naging mabuti ang trato ng buong pamilya ko
23 sayo. Ano motibo mo sa pagkuha sa anak ko? Anong gusto mo, pera?
24 Promotion? Ano? Sabihin mo lang. Lahat ibibigay ko.
25 JULIAN: Wala akong pakialam sa pera o promotion. Isa lang naman ang gusto
26 ko eh ang makaganti.
27 ALDRIN: Makaganti saan?
28 JULIAN: Labing limang taon na ang nakalipas, nang nawala sa akin ang taong
29 pinakamahal ko
30 MUSIC AS CUE FOR FLASHBACK
31 AMBIENT SOUND SA FARM
Page 9 of 18
1 dito!
2 SFX: GUNSHOT
3 JACK: Tiyak, matutuwa si Boss Aldrin kapag nalaman niyang
4 nailigpit na natin yung magsasaka! Tigas kasi ng ulo eh.
5 MAX: Oo, sigurado yan. Tara! Itapon na natin ang katawan niya sa may
6 balon.
7 JULIAN (crying monologue) Anong ginawa niyo sa ama ko? Isinusumpa ko,
8 pagbabayaran nyo to! Mga walang puso! Mga walang awa!
9 SILENCE
10 ALDRIN (nahihirapan huminga): I-i-kaw? Ikaw yung anak ng kahuli-huling
11 magsasaka sa unang lupain ng pamilya namin? I-i-kaw siya?
12 SILENCE
13 JULIAN: Naalala mo na ba?
14 CREDITS
15 ENDING MUSIC
#
Page 12 of 18
1 ang panahon na lumipas simula nang mapatay naming ang iyong ama! nagsisi
2 na kami sa krimen na iyon!
3 JULIAN: At sa tingin mo ay hindi ako hihingi ng mahalagang kabayaran?
4 ALDRIN: Kaya nga sabihin mo anong gusto mo at ibibigay ko!
5 JULIAN: (shouting) Buhay ang nawala! Buhay rin ang kapalit!
6 ALDRIN: Anong ibig mong sabihin?
7 JULIAN: Mamili ka. Buhay mo o ang buhay ng anak mo?
8 ALDRIN: (tearing) Wag mong gawin yan. Maawa ka, Julian.
9 JULIAN: Sana naawa ka rin sa aking ama, Aldrin.
10 ALDRIN: Patawarin mo ako! Nadala lamang ako noon! Hindi ko pa alam ang
11 aking ginagawa. Pinagsisihan ko na yon Julian.
12 JULIAN: Hangal lamang ang maniniwalang nagsisisi ang tulad mo.
13 ALDRIN: Pakawalan mo na ang bata. Maawa ka sa kanya. Tayo na lamang ang
14 magharap.
15 JULIAN: Yan na ba ang desisyon mo? Pakawalan ko na ang batang to?
16 ALDRIN: Hindi kakayanin ng puso ko kung may mangyayaring masama sa
17 aking anak na si Christian. Parang awa mo na. Ibalik mo na siya.
18 JULIAN: Sana ganyan din ang ginawa ko noon na pagmamakaawa. Baka
19 sakaling tumalab. Bakit mo pinatay ang aking ama Aldrin?
20 ALDRIN: (crying) Patawad Julian. Kinailangan lamang namin ang lupa at
21 pinagsisisihan na naming yon. Parang awa mo na. Wag ang anak ko.
22 JULIAN: Napakasarap mong titigan habang nagmamakaawa, Aldrin.
23 ALDRIN: Ilabas mo na ang anak ko!
24 JULIAN: Sige. Ipapakausap ko sayo. Magpaalam ka na (tatawa).
25 SFX: BODY DRAGGING, FOOTSTEPS
26 CHRISTIAN: (crying; off mic) Daddy! Im here!
27 ALDRIN: Anak! Andito na si Dady! Ise-save kita ha?
28 CHRISTIAN: (off mic) Daddy, please, faster! Im scared.
29 JULIAN: Matakot ka talaga dahil mamamatay na ang tatay mo! Makikita mo
30 kung paano ko siya babarilin sa harap mo (evil laughs).
31 CHRISTIAN: (crying; off mic) Daddy? Totoo po ba?
Page 14 of 18
1 ALDRIN: (crying) Sssshhh no baby. I will stay here. Wait baby. Just wait.
2 JULIAN: (laughs) Wow! Para akong nanonood ng teledrama oh! Dami mo nang
3 naiyak Aldrin! Kawawa ka naman! Akalain mong nadudurog din pala ang puso mo.
4 Akala ko wala nang ititigas pa yan.
5 ALDRIN: (crying) Gagawin ko ang lahat, maligtas lang ang anak ko.
6 JULIAN: Talaga namang gagawin ng ama ang lahat sa anak, hindi ba?
7 ALDRIN: Mahal na mahal ko ang anak ko. Hindi ko siya papabayaan.
8 JULIAN: Yun ay kung may magagawa ka pa kapag sabog na ang bungo mo!
9 ALDRIN: (crying) Ipaglalaban ko ang anak ko Julian! Nagkamali ako noon nang
10 tanggalan ko ng kakayahan ang ama mo na lumaban para sa yo. Hindi ko to
11 uulitin sa pamamagitan nang hindi pagtatanggol sa aking anak.
12 JULIAN: Minsan ba naisip mo kung gaano kahirap sa isang bata ang mawalan ng
13 ama? Naisip mo ba kung gaano kahirap ang tumayo sa sariling paa?
14 ALDRIN: Patawarin mo ako, Julian.
15 JULIAN: (crying) Muntik na akong mawala sa sarili. Napakadami kong dinaanan.
16 Sana naiisip mo yon habang mahimbing kang natutulog sa malambot mong
17 higaan sa gabi.
18 ALDRIN: Walang sandal na hindi ko pinagsisihan ang lahat.
19 JULIAN: (crying) Napakasakit, Aldrin. Tatay ko ang kinuha mo! Paano na lang
20 kung gawin ko ang lahat para iparamdam yan sa anak mo?
21 ALDRIN: Hind mo yan magagawa, Julian.
22 JULIAN: (screams) Gagawin ko yan ngayon!
23 SFX: LOADING OF GUN
24 CHRISTIAN: Wag po! Maawa po kayo kay Daddy!
25 JULIAN: Hoy bata! Tumahimik ka!
26 CHRISTIAN: Please po. Ayoko pong mawala si Daddy. Wala na po ako kasama
27 bumili ng toy ko! Maawa po kayo!
28 ALDRIN: No, Julian, I will be fine.
29 CHRISTIAN: Please po. Maawa po kayo sa Daddy ko. Nagmamakaawa po ako.
30 TRANSITION MUSIC TO FLASHBACK
31 YOUNG JULIAN: (crying) Pakiusap po. Maawa po kayo sa tatay ko. Parang
Page 15 of 18
1 awa niyo na. Nagmamakaawa po ako! Tay! Ililigtas kita tay! Mahal na mahal
2 kita! Parang awa niyo na!
3 TRANSITION MUSIC TO PRESENT
4 JULIAN: (crying) Sana Aldrin naisip mo ako bago mo pinatay ang aking ama.
5 Buong buhay ko, nagtiis ako sa lansangan. Nag-aral akong mabuti upang
6 humantong ako sa puntong ito.
7 ALDRIN: Patawarin mo ako Julian.
8 JULIAN: (crying) Matagal ko tong pinag-isipan. Buong buhay ko Aldrin! Umikot
9 lamang sa pag-iisip paano ako gaganti sa pamilya mo! Heto na ako! Ipuputok na
10 lamang ang gatilyo sa ulo mo o sa ulo ng anak mo!
11 ALDRIN: (crying) Huwag! Parang awa mo na! Wag ang anak ko!
12 CHRISTIAN: (crying) Huwag niyo pong patayin si Daddy. Parang awa nyo na.
13 JULIAN: (heavy crying) Kaunti na lang eh. Andito na ako. Pero bakit hindi ko
14 magawa?! Bakit hindi ako masaya?! Bakit mabigat sa puso!
15 ALDRIN: Tapusin na natin ito Julian. Parang awa mo na!
16 JULIAN: Bakit hindi ako kuntento? Bakit kahit barilin ko kayo, kulang pa din ako.
17 Wala pa rin akong ama?
18 ALDRIN: Patawad Julian!
19 JULIAN: Aldrin! Alam mo ba gaano kasakit sa akin na mawalan ng ama? Durog
20 na durog na ako! Ngunit hindi ko rin kayang makita na maranasan yan ng anak
21 mo!
22 ALDRIN: Julian sumuko ka na lamang sa mga pulis. Pakiusap.
23 JULIAN: Hindi ako susuko Aldrin! Napakaswerte ng anak mo na mabubuhay sila
24 na nandidiyan ka. Anong karapatan ko ipagkait sa kanila ang isang ama?
25 ALDRIN: Tutulungan kita Julian. Tapusin na lang natin ito.
26 JULIAN: Matatapos lamang ako kapag nagkasama na kami ng aking ama!
27 ALDRIN: Pakawalan mo na ang anak ko!
28 JULIAN: Nakakatawa na ngayon ay pinakakawalan ko na ang iyong anak
29 samantalang hindi ka man lamang naawa noon sa aking tatay.
30 ALDRIN: Handa akong ituwid ang mga mali ko. Tutulungan kitang magbago!
31: JULIAN: Wala nang magbabago sa buhay ko!
Page 16 of 18