9 Filipino LM Q1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 68

9

Panitikang Asyano
(Kagamitan ng Mag-aaral sa FILIPINO) Modyul 1

Ang kagamitang ito sa pagtuturong ay magkatuwang na inihanda At sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong paaralan, kolehiyo at unibersidad. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Filipino Grade 9 Learners Material First Edition, 2014 ISBN: Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties. Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them. Published by the Department of Education Secretary: Br. Armin A. Luistro FSC Undersecretary: Dina S. Ocampo, Ph.D. .
Mga Manunulat ROMULO N. PERALTA DONABEL C. LAJARCA ERIC O. CARIO AURORA C. LUGTU MARYGRACE A. TABOR SHEILA C. MOLINA JULIETA U. RIVERA Mga Taga-Rebyu REYNALDO S. REYES JOSELITO S. GUTIERREZ JOSENNETH BRANIA RODERIC P. URGELLES MAGDALENA O. JOCSON Mga Konsultant DR. ALTHEA ENRIQUEZ DR. JULIUS T. GAT-EB Language Editor DR. FLORENTINA S. GORROSPE Tagapangasiwa LOLITA M. ANDRADA JOYCE DR ANDAYA BELLA O. MARIAS JOSE D. TUGUINAYO, JR CRISTINA S. CHIOCO EVANGELINE CALINISAN JOCELYN C. TRINIDAD LUCELMA O. CARPIO VILMA C. AMBAT

Inilimbag sa Pilipinas ng _____________________________________ Department of Education Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634 1054 or 634 107 Email Address: [email protected]

Paunang Salita
Ang panitikan ay minanang hiyas na nagsisilbing tulay na nag-uugnay sa atin sa iba-ibang kultura ng bansa sa daigdig. Sa bawat pahina ng panahong nagdaan, nabubuksan din ang ating kamalayan at pag-unawa sa natatanging kontribusyon ng Panitikang Asyano sa daigdig ng mga alamat, maikling kuwento, sanaysay, dula, tula, pabula at iba pa. Sa masaklaw na paglalarawan, ang Asya ay nagbigay rin ng malaking ambag sa daigdig ng panitikan sa Pilipinas. Kung gagalugarin natin ang naging impluwensiya ng Panitikang Asyano sa ating mga Pilipino, masasabing hinulma nito ang malaking bahagi ng ating pagkakakilanlan. Sa kabila ng napakaraming impluwensiya ng mga Asyano sa kulturang Pilipino, nanatili pa rin ang taglay at natatanging kakanyahan natin bilang mga Pilipino, tulad ng pagpapahalaga sa saloobin at pag-uugali ng isang katutubong Pilipino sa isip, salita, at kilos. Bago pa man dumating ang mga kanluranin ay mayroon na tayong ugnayan sa Hapon, India, Tsina at Arabia, at nagaganap ang pakikipag-ugnayang ito sa pamamagitan ng kalakalan, paninirahan at pakikipag-isa. Dahil dito, maraming mga impluwensiya o minanang kultura natin ngayon ang nakaaapekto sa ating pamumuhay at kultura bilang mga Pilipino sa kasalukuyan. Ang Modyul sa Filipino sa Baitang 9 ang maglalantad sa iyo sa makulay na panitikan ng Asya, at makapagbibigay ng malinaw na pang-unawa sa iyong pagkakakilanlan bilang isang Asyano. Ito ang durungawang maghahatid sa iyong kamalayan sa kultura ng ating mga karatig-bansa sa Asya upang lubos na maunawaan ang kanilang kakanyahan at pagkalahi. Gagabayan ka ng Modyul na ito sa iyong paglalakbay at pagtuklas sa mundo ng kaalaman.

TALAAN NG NILALAMAN ARALIN I - Mga Akdang Pampanitikan ng Timog-Silangang Asya Panimula Panimulang Pagtataya Aralin 1.1: Maikling Kuwento ng Singapore Ang Ama Anim na Sabado ng Beybleyd Mga Pangatnig at Transitional Devices Aralin 1.2: Alamat ng Thailand Alamat ni Prinsesa Manorah Ang Buwang Hugis-Suklay Pang-abay na Pamanahon Aralin 1.3: Tula ng Pilipinas Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay Kinabukasan Sitti Nurhaliza: Ginintuang Tinig at Puso ng Asya Wastong Gamit ng Salitang Naglalarawan Aralin 1.4: Sanaysay ng Indonesia Kay Estella Zeehandelaar Kapag Lumaki Na Ang Kahalagahan ng Recycling Mga Pang-ugnay Aralin 1.5 Dula ng Pilipinas Tiyo Simon Kapag Naiisahan Ako ng Aking Diyos Pandiwang Nasa Panaganong Paturol Pangwakas na Gawain ARALIN 2: Mga Akdang Pampanitikan ng Silangang Asya Panimula Panimulang Pagtataya Aralin 2.1: Tanka at Haiku ng Hapon Kaligirang Pangkasaysayn ng Tanka at Haiku Estilo ng Pagkakasulat ng Tanka at Haiku Ponemang Suprasegmental Aralin 2.2: Pabula ng Korea Ang Hatol ng Kuneho Nagkamali ng Utos Modal Aralin 2.3: Sanaysay ng Taiwan Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon Pagbibigay ng Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino sa Pamamagitan ng Estadistikong Kasarian Mga Pangatnig na nag-uugnay ng magkatimbang at di-magkatimbang na yunit

Aralin 2.4: Maikling Kuwento ng Tsina Niyebeng Itim Nagmamadali ang Maynila Pagpapalawak ng Pangungusap Gamit ang Panuring Aralin 2.5: Pabula ng Korea Mongol: Ang Pagtatagumpay ni Genghis Khan Dahil sa Anak Kohesiyong Gramatikal ARALIN 3: Mga Akdang Pampanitikan ng Timog-Kanlurang Asya Panimula Panimulang Pagtataya Aralin 3.1: Epiko ng Hindu Rama at Sita Nagkakaiba, Nagkakapareho sa Maraming Aspekto Dalawang Uri ng Paghahambing Aralin 3.2: Parabula ng Kanlurang Asya Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan Parabula ng Banga Pagpapakahulugang Semantika Aralin 3.3: Elehiya ng Bhutan Elehiya sa Kamatayan ni Kuya Ang Mga Dalit Kay Maria Kung Tuyo na ang Luha Mo Aking Bayan Pagpapasidhi ng Damdamin Aralin 3.4: Sanaysay ng Israel Usok at Salamin: Ang Tagapaglingkod at Pinaglilingkuran Tilamsik ng Sining Kapayapaan Ang Pamaksa at Pantulong na Pangungusap Aralin 3.5: Nobela ng Saudi Arabia Isang Libot Isang Gabi Mga Patak ng Luha Pahayag na Nagbibigay ng Katuwiran sa Ginawi ng Tauhan

MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG TIMOG-SILANGANG ASYA

I. PANIMULA
Sa Modyul 1 natin matutunghayan ang mga akdang pampanitikan ng TimogSilangang Asya. Inaasahan nating ang mga aralin sa modyul na ito ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral na maintindihan ang iba pang kultura at pamumuhay ng mga tao sa mga karatig-bansa ng Pilipinas. Inaasahang pagkatapos ng Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya sa tulong ng teknolohiya at mga estratehiya na gagabay sa mga mag-aaral sa higit na malalim at kapaki-pakinabang na pagkatuto. Nilalayon ng Modyul 1 na makagawa ang mga mag-aaral ng isang malikhaing panghihiyakat sa pamamagitan ng book fair at ilang pamamaraan na kapakipakinabang sa mga mag-aaral sa mga susunod na mga modyul. Sa pagtalakay ng mga aralin, gagabayan ang mga mag-aaral na masagot ang mga pokus na tanong na: 1. Paano nakatutulong ang pag-aaral ng ibat ibang akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya sa pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang Asyano? 2. Paano nakatutulong ang gramatika at retorika para sa malalim na pagsusuri ng mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya? Ibat ibang gawaing isahan at pangkatan ang inihanda para sa mga mag-aaral tulad ng pagbabasa at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan at mga kolaboratibong gawain sa gramatika at retorika upang maging interaktibo ang pagtalakay sa mga aralin. Sa pamamagitan nito, inaasahan na ang mga kasanayang pampagkatuto ay malilinang sa mga mag-aaral pagkatapos ng talakayan sa Modyul 1.

II. PANIMULANG PAGTATAYA


PANGKALAHATANG PANUTO: 1. Isulat ang titik ng napili mong sagot. 2. Isulat sa iyong sagutang papel. 3. Bahagi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto. I. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. 1. Ang mga pangatnig at transitional devices ay nakatutulong sa A. pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento. B. Pagbibigay- kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita. C. pagtukoy sa mga pangunahing tauhan sa maikling kuwento o alamat. D. pagkilala kung kalian naganap, nagaganap, gaganapin ang kilos o pangyayari. 2. Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari, itoy mauuri bilang maikling kuwentong ____. A. kababalaghan B. katutubong kulay C. pangtauhan D. makabanghay

3. Ang pangatnig na samantala ay ginagamit na ____. A. panlinaw B. pananhi C. pantuwang D. panapos

4. Ang tulang naglalarawan ng pagpapahalaga o pagkamuhi ng makata o may-akda sa isang pook o pangyayari ay tinatawag na tulang ____. A. mapang-uroy B. mapaglarawan C. mapang-aliw D. mapangpanuto

5. Ang pang-ugnay ay bahagi ng salitang ____. A. Pangkayarian B. pananda C. pantukoy D. pangawing

6. Kung ang sanaysay na di-pormal ay tinatawag na personal na sanaysay, ang sanaysay na impersonal naman ay____. A. naglalarawan B. pormal C. nangungutya D. nang-aaliw

7. Ang panagano ng pandiwa na nagsasaad ng katotohanan ng isang bagay o pangyayari ay tinatawag na ____. A. pawatas B. pautos. C. paturol D. pasakali

8. Isang uri ng dulang nagtataglay ng malulungkot na pangyayari subalit nagwawakas na masaya ang ____. A. komedya B. melodrama C. tragikomedya D. trahedya

9. Ang sining ng panggagaya sa tunay na kalikasan ng buhay na kinatha upang itanghal at magsilbing salamin ng buhay ay ang ____. A. kathambuhay. B. dula C. teatro D. sarsuwela

10. Simula nang natutong magsarili, siyay naging responsableng bata. Ang pangungusap ay may pang-abay na pamanahon na ____. A. walang pananda B. payak na salita C. may pananda D. inuulit

11. Ang bawat bituin ay naging munting puting bulaklak na sadyang napakatamis ng samyo. _____ noon, ang kaniyang mga bulaklak ay naging paborito ng mga tao, pangkuwintas sa mga dalaga at bisita at pang-alay sa mga Santa tuwing may okasyon. Anong salita ang maaaring ipuno na magiging pananda ng pang-abay na pamanahon? A. Hanggang B. Kaya C. Mula D. Kapag

12. Sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento, gumagamit tayo ng mga: A. pantukoy B. pangatnig C. pandiwa D. pang-abay

13. ____ araw ng Linggo, nagsisimba ang buong mag-anak. Ang salitang nawawala sa pangungusap ay: A. Kung B. Kapag C. Sa D. Simula

14. Maituturing ang isang kuwento na alamat kapag A. naganap sa mga tanyag na lugar. B. naglalaman ng makatotohanang pangyayari. C. nagsasalaysay ng pinagmulan ng bagay o lugar. D. naglalahad ng patunay sa pinagmulan ng mga bagay-bagay. 15. Sa pangungusap na, Si Sitti Nhuraliza ay may ginintuang tinig at ginintuang puso, ang salitang ginintuan ay ____. A. nangangatuwiran B. naglalarawan C. nag-uugnay D. nagsasalaysay

16. Sa mga pangungusap na, Nagugutom si Egay. at Nagluto si Mulong ng pansit. Ano ang angkop na gamiting pang-ugnay upang maging iisang pangungusap ang mga nabanggit? A. kaya B. palibhasa 17. Haba ng hair, Utak niya'y puro air, Amoy mo ay wagas, Dapat ka ngang magtawas Ang saknong na mula sa tulang isinulat ni Von Crisostomo Villaraza ay halimbawa ng tulang: A. mapagbiro B. mapaglarawan C. mapanghikayat D. mapang-aliw C. subalit D. datapwat

18. Anong uri ng pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap na, Ayon kay Donna, ang pagpapakahulugan sa pahayag ay malinaw? A. pananda B. pangatnig C. pang-ukol D. pantukoy

19. Ang dekonstruksyon ay isang paraan ng pag-aanalisa ng teksto. Ang pangungusap ay halimbawa ng ____. A. pangangatuwiran B. paglalahad C. pagkukuwento D. paglalarawan

20. Aling pangkat ng pandiwa ang nasa panaganong paturol? A. pinuhin, anihin, ihain B. kumanta, tumalilis, kumaripas C. gamitan, asahan, pag-aralan D. natapos, natatapos, matatapos 21. ___ ni Rizal ang Noli at El Fili upang mapalaya ang Pilipinas sa mga Espanyol. Anong anyo ng pandiwa ang angkop na ipuno sa pahayag? A. Nagamit B. Gagamitin C. Ginamit D. Kagagamit

22. Ang patalastas o anunsiyo ay isang paraan ng komunikasyon o pakikipagtalastasan na may layuning: A. maglarawan B. manghimok C. mangaral D. Magpakilala

10

23. Alin sa sumusunod na pandiwang paturol ang nasa perpektibong katatapos? A. kumaripas B. kakalusong C. katatayo D. pinagsabitan

24. Ang lahat ay nagsasaad ng makatotohanang impormasyon, maliban sa ____. A. naganap ang makasaysayang EDSA Revolution noong Pebrero 25, 1986. B. taun-taon ay dinadaanan ng hindi bababa sa dalawampung bagyo ang Pilipinas. C. nakagagamot sa sakit sa ubo ang dahon ng oregano. D. kung hindi tayo kikilos, maaaring mauwi sa wala ang ating pinaghirapan. 25. Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw, Aang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw... Ang sinalungguhitang pahayag ay nagpapahiwatig ng ____. A. pagdurusa B. kaligayahan Para sa mga bilang 26-27 Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kanya, tulad ng nararapat). 26. Mahihinuhang ang ama ay magiging: A. matatag B. Mabuti C. matapang D. masayahin C. kalutasan D. kalungkutan

27. Maituturing na pang-abay na pamanahon ang: A. magiging mabuti B. nagdadalamhating ama Para sa mga bilang 28-29 Tapos po ako ng pagtuturo kaso wala pa ring mapasukan. Sabagay, kahit magtuturo ka ngayon, di mo kakayanin. Oo nga po e. Di mo ba kaya kahit yung tigtatatlong daan lang na kuwarto isang araw? Hindi po talaga kaya e. Sige, ipakita mo na itong papel sa opisina ng Social Services. Doon sa bandang kanan. Salamat po! Maraming salamat! Kailangang magpanggap, at magsinungaling, mapunta lang si Rebo sa Charity Ward ng ospital. Dito, kahit paano, kutson ang mahihigaan ni Rebo, di hamak na mas mainam kesa higaang bakal na de gulong ng Emergency Room. C. mula ngayon D. dinukot sa bulsa

11

28. Ipinahihiwatig ng teksto na ang ama ay ____. A. maawain B. mapagmahal C. matulungin D. maalalahanin

29. Ang salitang may salungguhit sa teksto ay isang ____. A. pandiwa B. pang-abay Para sa mga bilang 30 Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktong katapusan. Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak. Ilang sandali matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kanIyang mga mata at pagtirik ng mata, ibinuga niya ang kanIyang huling hininga. Namatay siya habang tangan ko sa aking bisig. Hinintay lamang niya ang aking pagdating. Di na kami nakapag-usap pa dahil pagpasok ko pa lang ng pintuay pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ng kahit sino. Isat kalahating oras siyang naghirap. Nabulag, nanigas, nilabasan ng maraming dugo sa bibig, at naghabol nang naghabol ng hininga. 30. Layunin ng teksto na ____. A. mangatuwiran B. magsalaysay C. maglahad D. maglarawan C. pangngalan D. pang-uri

31. Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay- kinakailangang ikahon ako. Ano ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan? A. itali sa bahay B. ikulong C. pagbawalang lumabas D. lahat ng nabanggit

32. Sa pangungusap na, Ang araw ay muling sisikat sa dakong Silangan pagsapit ng umaga. Aling salita ang may dalawa o higit pang kahulugan? A. araw B. umaga Para sa mga bilang 33-34 Isa sa pinakamahusay na mang-aawit sa Asya si Sitti Nurhaliza mula sa bansang Malaysia. Nagkamit siya ng ibat ibang awit-parangal hindi lamang sa kaniyang bansa kundi maging sa internasyonal na patimpalak. Isa na rito ang titulong Voice of Asia nang makamit niya ang Grand Prix Champion mula sa Voice of Asia Singing Contest na ginanap sa Almaty, Kazakhstan. C. sisikat D. lahat ng nabanggit

12

33. Maituturing na salitang naglalarawan ang ____. A. pinakamahusay B. ginanap C. nagkamit D. patimpalak

34. Ang salitang nasalungguhitan sa sanaysay ay nangangahulugang ____. A. pag-eensayo B. paligsahan C. pamahiin D. programa

35. Ang tulang isinulat ni Pat V. Villafuerte na may pamagat na Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan ay nagpapahiwatig na ang kultura ay ____. A. nagbabago B. di nagpapalit C. naaalis D. di itinuturo

36. Isinuko ko ang aking kalayaan at nagpakahon ako sa kanilang nais. Ang ipinahihiwatig ng tauhan sa pahayag ay ____. A. pagkatalo B. pagiging sunod-sunuran

C. kawalan ng kapangyarihan D. kasiyahan

Para sa mga bilang 37-39 Palala nang palala ang problema sa polusyon ngunit marami ang hindi nababahala sa kalagayang ito. Binabalikat ngayon ng daigdig ang pinakamabigat na suliraning ito na maaaring dulot na rin ng makabagong kabihasnan at siyensiya. Mapapansing dahil sa malubhang pag-init ng mundo, pabago-bago ang klima sa ibat ibang panig ng daigdig. Itoy bunga ng labis na paggamit ng kahoy bilang panggatong. Ang mabilis na pagkaubos ng mga puno sa kagubatan ay nagbibigay rin ng suliranin sa polusyon, hindi lamang sa ating bansa pati na rin sa iba pang mga bansa. Sa nabanggit na mga problema, pinakamalubha ang suliranin sa basura sapagkat ito ang nagpapalala ng polusyon sa lahat ng mga bansa. Kaya naman hindi tumitigil ang pamahalaan ng bawat bansa at mga dalubhasa sa buong mundo sa paglutas ng mga problemang ibinibigay nito sa daigdig. Gayon pa man, hindi dapat iasa lahat sa mga grupo ng mamamayang may malasakit ang paglutas sa suliranin sa bansa. Dapat magsimula ang pagkilos sa mga tahanan upang mapadali ang pagbibigay ng kalutasan sa problemang idinudulot nito sa sangkatauhan. Hango sa Hiyas ng Lahi IV Vibal Publishing, Inc

37. Ano ang maaaring maging bunga ng patuloy na pag-init ng mundo? A. Matutunaw ang mga yelo na magpapalala sa pagbaha. B. Mamamatay ang lahat ng may buhay sa mundo. C. Masusunog ang mga tao. D. Magkakaroon ng taggutom dahil sa kakulangan ng suplay ng pagkain.

13

38. Ano ang pinakamalubhang suliranin ng lahat ng mga bansa ayon sa teksto? A. suliranin sa basura B. pagkaubos ng mga puno C. problema sa polusyon D. pag-init ng mundo

39. Ang lahat ay sanhi ng pandaigdigang problema sa polusyon ayon sa akda, maliban sa isa. A. paggamit ng kahoy bilang panggatong B. pagkaubos ng mga puno C. pagtatapon sa mga estero at ilog D. makabagong kabihasnan at siyensiya

Para sa mga bilang 40-42 Sa isang sentro ng Ohio, may isang tanawing batuhan sa isang patag na baybayin. Ang lugar na ito ay nakikilala sa tawag na Mount Pheasant. Dati ay may nakatayo ritong higanteng punongkahoy. Bago ito pinutol, may makailang saling ang mga tao ay nag-ukit ng kanilang tanda at pangalan sa katawan nito. Sa dami ng mga sulat sa balat nito, ang pagnanasang mag-iwan ng marka o tanda ng isang tao ay maliwanag. Habang iniisip ko ito, naalala ko ang sinabi ng isang matalinong lalaki: Huwag mong iukit ang iyong alaala sa kahoy o pader, iukit mo sa puso ng bata. Ang pagmamarka sa materyal na bagay ay pag-aaksaya ng oras ay lilipas ito sa paglipas ng panahon. Ngunit ang tatak na iiwan sa puso ng mga anak ay mananatili hanggang wakas. Kaya kung nais ng isang ama na magiwan ng anumang magtatagal na alaala sa kabataang ipinagkaloob sa kaniya ng Panginoon, umukit siya ng ispiritwal na alaala.

40. Ano ang pahiwatig ng mensaheng may salungguhit? A. Kukupas ang isang tanda o markang inukit sa puno o pader. B. Mag-iwan ka ng isang alaalang mananatili hanggang sa wakas. C. Mahirap umukit ng tanda o marka sa pader o puno. D. Hindi basta-basta nabubura sa puso ang isang alaala. 41. Makapag-iiwan ng pangmatagalang alaala ang isang tao sa pamamagitan ng ____. A. pag-iiwan ng marka o tanda sa isang puno B. pag-uukit ng ispiritwal na alaalap C. paggugol ng panahon sa mga bat. D. pag-iiwan ng alaalang larawan sa isang tao 42. Ano ang maaaring maging pamagat ng teksto? A. Alalaang inukit sa Puso B. Inukit na alaala sa Puno C. Bato sa Ohio D. Sa paglipas ng Panahon...

14

II. Sumulat ng tatlong malikhaing panghihikayat na islogan tungkol sa alinman sa sumusunod na paksa kabataan, kalikasan, at kapayapaan.

III. YUGTO NG PAGKATUTO A. Tuklasin


Maglibot ka sa buong aklatan at magsaliksik tungkol sa ibat ibang bansa sa Timog-Silangang Asya kultura, uri ng edukasyon, paraan ng pamumuhay, at ilang panitikan na magpapakita ng ibat ibang impormayon tungkol sa mga bansang Singapore, Thailand, Indonesia, Laos at Pilipinas. Pagkatapos mong magsaliksik, magkakaroon tayo ng bahaginan ng mga bagay na ating natuklasan.

B. Linangin
Sa pagkakataong ito, magsisimula ka nang maglakbay sa ibat ibang aralin ng Modyul 1. Inaasahan ang taos-puso mong pakikiisa sa bawat gawain. May mga gawain na kailangan mong isagawa upang malinang ang lahat na kasanayan na dapat mong taglayin bilang mag-aaral. Aralin 1.1 A. Panitikan: Ang Ama Maikling Kuwentong Makabanghay -Singapore Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena Mga Kataga o Pahayag na Gamit sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari o Transitional Devices (subalit, ngunit, sa wakas, palibhasa, samantala, dahil sa, saka, kaya, kung gayon, sa lahat ng ito) Nagsasalaysay

B. Gramatika/Retorika:

C. Uri ng Teksto:

Panimula Magsimula na tayong maglakbay sa Timog-Silangang Asya at sabay nating pag-aralan ang ilan sa kanilang panitikan na may malaking impluwensiya rin sa uri ng panitikan na mayroon tayo ngayon. Ilalahad ng aralin ang isang kuwento na tatalakay sa suliraning kinakaharap ng isang ama sa pamilya at kung paano ito nakaaapekto sa sikolohiya ng mga anak. Ang Aralin 1 ay naglalaman ng maikling kuwentong salin ni Mauro R. Avena na pinamagatang Ang Ama mula sa Singapore. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa

15

ibat ibang transitional devices na makatutulong sa higit na pag-unawa sa maikling kuwentong tatalakayin at sa paghahanay ng mga pangyayari. Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makagagawa ng isang graphical presentation ng isang kuwento batay sa sumusunod na pamantayan: a. hikayat sa unang tingin, b. kumpleto ang mga elemento (tagpuan, tauhan, banghay), at c. pagkamasining. Aalamin natin kung paano naiiba ang kuwentong makabanghay sa iba pang uri ng maikling kuwento. Gayundin, kung paano nakatutulong ang transitional devices sa pagsasalaysay.

Yugto ng Pagkatuto A. Tuklasin Sa sumusunod na gawain, tutuklasin natin kung may alam ka na sa pagkakaiba ng kuwentong makabanghay sa iba pang uri ng kuwento. Makikinig ka ng isang kuwentong babasahin ng iyong guro. Matapos mapakinggan, gawin mo ang Gawain 1. GAWAIN 1. Yugto-yugtong Pagbuo 1.a. Ilahad ang kuwentong napakinggan sa pamamagitan ng yugto-yugtong pagbuo. Kaugnay na mga pangyayari Simula Kaugnay na mga pangyayari Gitna Kaugnay na mga pangyayari Wakas

Sagutin ang mga gabay na tanong: 1. 2. 3. 4. 5. 6. Saan ang tagpuan ng kuwento? Sa anong panahon naganap ang kuwento? Paano nagsimula ang kuwento? Ano ang naging suliranin/tunggalian ng kuwento? Saang bahagi ang kasukdulan? Ipaliwanag paano nagtapos ang kuwento?

16

1.b. Subukin mong muli. Basahin ang kasunod na kuwento at ilahad mo ito gamit pa rin ang yugto-yugtong pagbuo . Nang Minsang Naligaw si Adrian (Itoy kuwento batay sa text message na ipinadala kay Dr. Romulo N. Peralta. Sa kaniyang muling pagsasalaysay, ang pangalan at ilang mga pangyayari ay pawang mga kathang-isip lamang.) Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang ang naiba ang propesyon dahil kapwa abogado ang dalawang nakatatanda sa kaniya. Dahil may kaya sa buhay ang pamilya, natupad ang pangarap niyang maging isang doktor. Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal mula sa kaniyang mga magulang at mga kapatid na nakapag-asawa rin nang makapagtapos at pumasa sa abogasya. Naiwan siyang walang ibang inisip kundi mag-aral at pangalagaan ang kaniyang mga magulang. Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal ay nakapagtrabaho sa isang malaking ospital. Ngunit sadya yatang itinadhana na matapos ang dalawang taon mula nang siyang maging ganap na doktor, pumanaw ang kaniyang pinakamamahal na ina. Naiwan sa kaniya ang pangangalaga ng ama na noon ay may sakit na ring iniinda. Malimit siyang mapag-isa sa tuwing nabibigyan ng pagkakataong makapagpahinga dulot na rin ng hindi niya maiwan-iwanan na ama. Naisin man niyang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa katulad ng kaniyang mga kapatid, ang katotohanang may nakaatang na responsibilidad sa kaniyang balikat ang pumipigil sa kaniyang mangibang-bayan upang manatili sa piling ng ama at alagaan ito hanggang sa kahuli-hulihang yugto ng kaniyang buhay. Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila nang lahat ang luho at oras na makahanap ng babaing makakasama habambuhay. Ayaw rin niyang mapag-isa baling-araw kapag nawala na ang kaniyang ama. Isang araw, habang nagpapahinga matapos ang halos limang oras na operasyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa kasambahay na sinusumpong ng sakit ang kaniyang ama. Nagmadali siyang umuwi at sa kabutihang palad, naagapan naman niya ang ama. Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-ulit na takbo ng buhay na pakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang kapag tuluyan nang mawala ang kaniyang ama. Hindi niya namamalayan, unti-unti niyang nararamdaman ang pagkaawa sa sarili. Nais niyang makawala sa responsibilidad at magkaroon ng panahon para sa sarili. Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw kapag kayoy nawala. Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi na makapaglakad nang maayos. Pinasan niya ang ama at isinakay sa kaniyang kotse. Walang imik na sumama ang ama.

17

Naglakbay sila nang halos isang oras. Nang silay nakarating sa isang lugar, huminto ang kotse at pinasan ni Adrian ang ama. Tinunton nila ang daan papasok sa isang kagubatan. Mabigat ang ama kaya paminsan-minsan ay tumititigil sila sa lilim ng puno upang magpahinga. Wala pa ring imik ang ama habang binabali ang maliliit na sanga. Napansin niyang tumutulo ang luha ng anak. Bakit ka umiiyak? tanong ng ama kay Adrian. Wala po, Dad. Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang ama. Patuloy rin ang pagtulo ng kaniyang luha. Alam niyang labag sa kaniyang kalooban ang kaniyang gagawin. Maraming beses din silang tumigil upang magpahinga at paulit-ulit din ang pagbabali ng ama ng maliliit na sanga ng puno. Napansin ito ni Adrian. Bakit nyo po binabali ang mga sanga ng puno sa tuwing tayoy nagpapahinga, Dad?, tanong ni Adrian. Tumugon ang ama na may ngiting namutawi sa kaniyang labi. Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan ito na dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka maliligaw. Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-imik, muling pinasan ni Adrian ang ama at natagpuan ang sariling bumabalik sa lugar kung saan sila nanggaling. Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na. Marahil natatandaan mo pa ang ilang mahahalagang pangyayari sa kuwentong Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway A. Arceo. Subukin nating alalahanin. Ihanay ang mga pangyayari ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga ito. Payayamanin natin ang dati mo nang alam tungkol sa kuwentong makabanghay, sa pamamagitan ng mga babasahin at gawaing tiyak na kawiwilihan mo. GAWAIN 2. Fist of Five Gawin natin ang Fist of Five. Ipakikita ang bilang ng mga daliri ayon sa katumbas nitong antas ng pagkaunawa o pagkatuto 5 daliri alam na alam na at kayang ipaliwanag sa iba; 4 daliri nagagawa nang ipaliwanag mag-isa; 3 daliri kailangan pa ng tulong sa pagpapaliwanag; 2 daliri kailangan pang magpraktis, at 1 daliri nagsisimula pa lamang matuto. Ang iyong pulso sa: naipaliliwanag ko ang katuturan ng maikling kuwento napag-iiba-iba ko ang ibat ibang uri ng kuwento naiisa-isa ko ang mga elemento ng maikling kuwento napagsusunod-sunod ko ang mga pangyayari sa isang kuwento nasusuri ko ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan

18

nakabubuo ako ng sariling paghahatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda nabibigyang-kahulugan ko ang mga pahiwatig na ginamit sa maikling kuwento napaghahambing ko ang mga piling pangyayari sa napanood na dula o telenobela sa kasalukuyang lipunan at sa kuwentong tinalakay, nasusuri ang isang kuwentong makabanghay batay sa mga proseso sa paglikha nito naisasalaysay ko nang may pagkakasunod ng mga pangyayari ng isang maikling kuwentong makabanghay at nagagamit ko nang wasto ang mga kataga o pahayag na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari B. Linangin Basahin at suriin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa Ang Ama mula sa Singapore upang malaman mo kung paano ba naiiba ang kuwentong makabanghay sa iba pang uri ng kuwento. Ang Ama (Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena) Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kanina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng masarap na pagkain, sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit. Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ng kaunti. Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi ng pagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasa pa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matang titingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kung

19

umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay mamamaga, kaya mahihiya itong lumabas upang maglaba sa malalaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang ama at sila'y magtatanong kung ano ang ginagawa nito. Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kaniyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga patse, gayong pauli-ulit siyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kaniyang halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot nang pahiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa kaniya ang pinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama, napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na hindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakabubulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon nang buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na sa tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kaniyang kabuwisitan. Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa kaniyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang mahahabang halinghing at hindi mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata gayung binalaan nilang papaluin ito. Walang ano-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng malamig na tubig. Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon may isang kilometro ang layo roon sa tabi ng gulod. Ilan sa taganayon na nakatatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong araw na nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilang nawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay nagsimulang humagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kaniyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang asawa at mga anak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip ang munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalaki mismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitong

20

sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kaniyang anak, ang lalaki ay napaiyak at kinailangang muling libangin. Ngayo'y naging napakalawak ang kaniyang awa sa sarili bilang isang malupit na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala sa panahong pagkamatay ng kaniyang dugo at laman. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata, kaya madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng gulod payat, maputla, at napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y lumayo na may luha sa mga mata at bubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahal niya ang bata". Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo. Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kaniya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi niya gagastusin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya na lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanong nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nila na uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer. Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot na may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng mga tsokolate? Tumingin silang mabuti. May supot ng ubas at isang kahon yata ng biskwit. Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming kahon tulad niyon sa tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi, 'yong katulad ng minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira roon sa malaking bahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay nagkasiya sa pandidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon. Kaya nagtalo at nanghula ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inip silang lumabas ito ng kaniyang kuwarto. Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa. Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga kamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila na sana, nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig ng ama. "Tingnan natin kung saan siya pupunta." Nagpumilit na sumama ang kambal at ang apat ay sumunod nang malayo-layo sa ama. Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa bahay, pero ngayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna. Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod na kaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo." Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay

21

nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalo-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang di nila mararanasang muli. Alam mo ba na ang Ang Ama ay isang uri ng kuwentong makabanghay na nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari? Mahalagang matukoy ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at ang estilo na ginamit ng mayakda. GAWAIN 3. Paglinang ng Talasalitaan Bigyang kahulugan ang mga sinalungguhitang pahayag ayon sa pahiwatig nito sa pangungusap. 1. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. 2. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito. 3. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. 4. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakabubulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon nang buong lakas. 5. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kaniyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang asawa at mga anak. 6. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata. GAWAIN 4. Fan-Fact Analyzer Kopyahin ang kasunod na graphic organizer sa iyong papel at punan ng mga pangyayari mula sa binasang kuwento ayon sa pagkakasunod-sunod nito. Tukuyin ang tagpuan, tauhan, at kahalagahang pangkatauhan. 3 2 1

5 6 7

Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari

Tagpuan at Tauhan

Kahalagahang pangkatauhan

22

GAWAIN 5. Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Sagutin ang mga gabay na tanong. 1. Paano sinimulan ng may-akda ang kuwento? 2. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? 3. Ano-anong katangian ng ama ang nangibabaw sa kuwento? Anong bahagi o pangyayari sa kuwento ang nagpapakita ng mga nabanggit na katangian? Katangian ng ama Bahagi/Pangyayaring nagpapatunay

4. Anong pangyayari sa kuwento ang nakapagpabago sa di-mabuting pag-uugali ng ama? Isalaysay. 5. Paano ipinakita ng ama ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang anak? 6. Paano nagwakas ang kuwento? 7. Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalo-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang di nila mararanasang muli. Ano ang nais ipahiwatig ng panghuling pangungusap na ito? Bakit ganito ang saloobin ng mga bata? Patunayan. 8. Anong kultura ng mga taga-Singapore ang masasalamin sa kuwentong ito? 9. Paano naman ipinakikita ng mga Pilipino ang pagmamahal sa mga namatay na mahal sa buhay? Sa ibang bansa sa Asya? 10. Bakit may uring makabanghay ang kuwento? Upang higit mong maihambing ang kuwentong makabanghay, isa pang kuwentong may ganitong uri ang ipababasa ko sa iyo. Marahil, pagkatapos mo itong basahin ay makabubuo ka na ng sarili mong kongklusyon o paglalahat kung paano nga ba naiiba ang kuwentong makabanghay sa iba pang uri ng maikling kuwento. Ano ba ang beyblade? Sumulat sa sagutang papel ng mga salitang maaaring maglarawan sa beyblade? Anim na Sabado ng Beyblade (Bahagi Lamang) ni Ferdinand Pisigan Jarin Unang Sabado ng paglabas niya nang hilingin na niyang magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa araw. Nangumbida ako ng maraming tao kasabay ng biling wag kalimutan ang regalo at pagbati ng Happy Birthday, Rebo!. Kailangang di niya malimutan ang araw na ito. Dapat pinakamasaya ang Sabadong ito sa lahat ng Sabado. Maraming-maraming laruan. Stuffed Toys, MiniHelicopter, Walkie-Talkie, Crush Gear, Remote Controlled Cars, at higit sa lahat, ang Beyblade. Ang paborito niyang Beyblade. Maraming-maraming Beyblade. Tinanggap niya ang lahat ng ito at marami pang iba sa kaniyang kaarawan. Sa kaniyang pagtuntong sa limang taon. Kahit di totoo. Kahit hindi pa araw.

23

Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay muling naglaro ng beyblade kasama ang mga pinsan. Tatlong araw bago dumating ang ikatlong Sabado, sorpresa ko siyang dinalaw. Unti-unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang ngumiti. Hindi na niya makuhang laruin ang beyblade bagamat ayaw niya itong bitiwan sa loob ng kaniyang kamay o di kayay bulsa. Ang nakapagngangalit, unti-unti na namang nalalagas ang kaniyang buhok. Subalit pinipilit pa rin niyang maging malakas bagamat talagang di na kaya ng kaniyang paang tumayo ng kahit ilang sandali man lang. Nakadudukot na rin siya ng mga matitigas na butil ng dugo sa loob ng kaniyang gilagid. Sa labas ng bahay na kanilang tinitirhan, lubos kong ikinagulat nang tanungin niya ako ng; Tay, may peya a? (Tay, may pera ka?) Dali-dali kong hinugot at binuksan ang aking pitaka at ipinakitang mayroon itong laman. Agad akong nagtanong kung ano ang nais niya na sinagot naman niya ng agarang pagturo sa isang kalapit na tindahan. Kung mabilis man akong nakabili ng mga kending kaniyang ipinabili, mas mabilis siyang umalis agad sa tindahan at nakangiting bumalik sa aming kinauupuan. Naglalambing ang aking anak. Nang kamiy pumasok na sa loob ng bahay, naiwang nilalanggam na ang nakabukas ngunit di nagalaw na mga kendi sa aming kinaupuan. Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong Sabado. Subalit di na kusang nalagas ang mga buhok. Sa kaniyang muling pagkairita, sinabunutan niya ang kanyang sarili upang tuluyang matanggal ang mga buhok. Nang araw na iyon, kinumbida ng isa kong kasama sa trabaho ang isang mascot upang bigyan ng pribadong pagtatanghal si Rebo nang walang bayad. Matapos ang pagtatanghal, bagamat di man lang siya makangiti at makatawa, kitang-kita sa kaniyang mata ang kasiyahan. Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala. Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ng aking anak pagsapit ng ikaapat na Sabado. Di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng beyblade upang mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa kaniyang pagsasalita. Kaya kahit nang dalhin ko siya sa isang karnabal, isa lamang ang ninais niyang sakyan. Ang mga maliliit na helicopter na tumataas at bumababa ang tila oktupos na galamay na bakal. At sa tuwing tataas, hahanapin ako ng tingin sa baba at malungkot na ngingitian. Pagkababa, mabilis na siyang nagyayang umuwi. At pagkauwiy humiga nang humiga at paulit-ulit na tumingin sa kawalan. Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktong katapusan. Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak. Ilang sandali matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kaniyang mga mata at pagtirik ng mata, ibinuga niya ang kaniyang huling hininga. Namatay siya habang tangan ko sa aking bisig. Hinintay lamang niya ang aking pagdating. Di na kami nakapag-usap pa dahil pagpasok ko pa lang ng pintuay pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ng kahit sino. Sige na, Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin. Paalam. Ikaanim na Sabado nang paglabas ni Rebo sa ospital. Huling Sabado na masisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang beyblade at ang may-ari nito. Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang hirap. Payapang magpapaikot at iikot.

24

Maglalaro nang maglalaro. Habang kaming mga naiwan ay paglalabanan at pagaaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot. Upang higit mong maunawaan ang kuwento, ilahad mo ito gamit ang isang grapikong presentasyon, ang timeline. Kopyahin sa sagutang papel ang kasunod na timeline. GAWAIN 6. Timeline TIMELINE

Sabado 1

Sabado 2

Sabado 3

Sabado 4

Sabado 5

Sabado 6

Sagutin ang mga gabay na tanong. 1. Sa iyong palagay, bakit pinamagatang beyblade ang bahagi ng kuwentong iyong binasa? 2. Paano nagwakas ang kuwento? 3. Kung ikaw ang may-akda, ganito rin ba ang iyong gagawing wakas? Bakit? 4. Sumulat ng sariling wakas ng kuwento na may uring makabanghay. Ilahad mo ito sa pamamagitan ng isang grapikong presentasyon. 5. Anong uri ng teksto ang iyong binasa? Paano ito naiiba sa iba pang uri ng teksto? GAWAIN 7. Pagsasanib ng Gramatika / Retorika - Kuwento Mo, Isalaysay Mo Batay sa bahagi ng kuwentong iyong binasa, bumuo ng ilang pahayag na may kinalaman dito ayon sa tamang pagkakasunod-sunod gamit ang sumusunod na salita upang malaman mo kung nakatutulong ang paggamit ng transitional devices sa pagsasalaysay. Isulat ang iyong sagot sa papel. subalit kaya datapwat dahil sa ngunit sa wakas samantala sa lahat ng ito saka kung gayon

Ang mga pangatnig at transitional devices ay ginagamit sa paguugnay-ugnay ng mga pangungusap at sugnay. Sa pamamagitan nito, napagsusunod natin nang tama ang mga pangyayari sa isang kuwento ayon sa tamang gamit nito. Pangatnig ang tawag sa mga salitang naguugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay, at transitional devices naman ang tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari (naratibo) at paglilista ng mga ideya, pangyayari at iba pa sa paglalahad. Kasunod ang ilang halimbawa ng pangatnig at transitional devices na karaniwang ginagamit sa Filipino:

25

Mga Pangatnig: 1. subalit - ginagamit lamang kung ang datapwat at ngunit ay ginamit na sa unahan ng pangungusap. Mga Halimbawa: a. Datapwat matalino siya, wala naman siyang kaibigan. b. Mahal ka niya, subalit hindi niya gaanong naipapakita ito. c. Marami na akong natutuhan, ngunit tila kulang pa ito. 2. samantala, saka ginagamit na pantuwang Mga Halimbawa: a. Siya ay matalino saka mapagbigay pa. b. Abala ang lahat, samantalang ikaw ay walang ginagawa. 3. kaya, dahil sa ginagamit na pananhi Mga Halimbawa: a. Kaya hindi natututo ang tao dulot ng kaniyang kapalaluan. b. Siyay nagtagumpay dahil sa kaniyang pagsisikap. Transitional Devices: 1. sa wakas, sa lahat ng ito - panapos Mga Halimbawa: a. Sa wakas, natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak. b. Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga anak na silay mahal na mahal ng kanilang ama. 2. kung gayon panlinaw Mga Halimbawa: a. Malinaw ang paalala ng ina sa kaniya, kung gayon kailangan niyang pagbutihin ang kaniyang pag-aaral. GAWAIN 8. Pag-alam sa Natutuhan Pagsasanay 1 Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na transitional device upang mabuo ang pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa Bohol at Cebu, (kaya, sa lahat ng ito) hindi niya lubos maisip kung paano niya ito haharapin. 2. (Datapwat, subalit) nasasabi niyang siyay nakakaraos sa buhay, (subalit, kaya) hindi pa rin maipagkakaila ang lungkot na kaniyang nararamdaman. 3. Siyay nahimasmasan (sa wakas, saka) naisip niyang dapat siyang magpatuloy sa buhay. 4. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema (kaya, sa lahat ng ito), hindi na niya alintana ang mga darating pa. 5. Hindi na niya itutuloy ang kaniyang pagpunta sa ibang bansa, (kung gayon, kaya) mapipilitan siyang maghanap na lamang ng trabaho malapit sa kaniyang pamilya. Pagsasanay 2 Punan ng angkop na transitional device ang mga patlang upang mabuo ang kaisipan ng kuwento. Isulat sa papel ang iyong sagot.

26

Krus Isang gabi, maliwanag ang buwan, naisipan ni Brinth na mag-ensayo ng diving para sa isang tryout bilang paghahanda sa SEA Games. ____ nga mayaman, sunod ang kaniyang layaw sa anumang gustuhin niya. ____ kakulangan ng oras sa umaga dulot ng paglalakwatsa, naisip niya sa gabi na lamang siya mag-eensayo. Alam niyang kahit hindi siya mag-ensayo, matatanggap pa rin siya ____ matalik na kaibigan ng kaniyang ama ang Chairman ng Philippine Sports Commission. Pagod siya sa buong araw na pag-aaral ____ pursigido siyang dapat mapanalunan ang kampeonato. Patay ang lahat na ilaw sa paligid ng paaralan. Ang tanging tumatanglaw lamang ay ang isang ilawan sa covered court at ang maliwanag na sinag ng buwan. ____, habang siyay nakatayo sa springboard ng pool na may taas na tatlumpung talampakan, dahan-dahan niyang itinataas ang kaniyang dalawang kamay, ____ umaayos nang nakadipa bilang paghahanda sa pagtalon. ____ biglang nag-brownout. Ang sinag na lamang ng buwan na nasa kaniyang likuran ang tanging tumatanglaw sa kaniya. ____ na lamang ang kaniyang pagkabigla nang kaniyang makita ang larawan ng krus sa kaniyang harapan. Siyay lumuhod sa kinatatayuang springboard at umusal. Panginoon, kung itoy isang pahiwatig na akoy dapat magbago sa aking kapalaluan, patawarin Nyo po ako. Taos-puso po akong lumuluhod sa inyong harapan at nagsusumamo na patawarin Nyo po sana ako. Patuloy na humagulgol si Brinth at di namalayang bumalik ang kuryente. Siya pa rin ay nakaluhod at nakayuko nang biglang umilaw ang paligid. Nang kaniyang ibuka ang mga mata, doon lamang niya nakita na wala palang tubig ang pool kung saan siya dapat tumalon kanina bago namatay ang mga ilaw. Bigla siyang tumayo at nagwika nang pabulong, Salamat po, Panginoon. Mula noon ay hindi na siya bumalik sa springboard na yun. C. Pagnilayan at Unawain 1. Paano naiiba ang kuwentong makabanghay sa iba pang uri ng maikling kuwento? 2. Paano nakatutulong ang transitional devices sa pagsasalaysay ng sariling karanasan. Ngayong nauunawaan mo na ang kaibahan ng kuwentong makabanghay sa iba pang uri ng maikling kuwento at ang paggamit ng transitional devices sa pagsasalaysay, ilipat mo naman sa isang kapaki-pakinabang na gawain ang iyong mga natutuhan.

27

D. Ilipat GAWAIN 10. Masubok Nga Upang matiyak mo kung talagang naintindihan ang araling ating tinalakay sa mga nagdaang araw, magsalaysay ka ng isang kuwento gamit ang graphic organizer sa masining na paraan. Isa kang illustrator at layout artist. Kinausap ka ng isang manunulat na gawan ng grapikong presentasyon (graphical presentation) na ilalagay sa unang pahina ng kaniyang kuwentong isinulat. Ito ang paraan niya upang mahikayat ang mga mambabasa na bilhin at basahin ang kaniyang kuwento. Ayon sa manunulat, ito ang gusto niyang makita sa ipinagagawa niyang grapikong presentasyon. A. Hikayat... 40 puntos B. Kumpleto ang mga elemento. 30 puntos (tagpuan, tauhan, banghay) C. Pagkamasining 30 puntos Kabuuan.. 100 puntos Binabati kita sa matiyaga mong pagsama sa pagtalakay sa aralin. Alam ko nakakapagod maglakbay, ngunit sulit naman dahil matagumpay mong natutuhan ang mga dapat mong malaman bilang paghahanda sa paglalakbay sa mundo ng alamat.

Aralin 1.2 A. Panitikan: Alamat ni Prinsesa Manorah -Thailand (Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta) Mga Pang-abay na Pamanahon Pang-abay na may pananda (nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang) Pang-abay na walang pananda (kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas) Pang-abay na nagsasaad ng dalas (araw-araw, tuwing, taon-taon, buwan-buwan) Nagsasalaysay

B. Gramatika/Retorika:

C. Uri ng Teksto: Panimula

Matapos mong pag-aralan ang maikling kuwentong makabanghay mula sa Singapore, maglakbay ka naman sa makulay at mahiwagang daigdig ng Thailand. Ang Aralin 2 ay naglalaman ng Alamat ni Prinsesa Manorah mula sa Thailand na isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay

28

sa mga salitang nagsasaad ng panahon (may pananda, walang pananda, at dalas) na makatutulong sa pag-unawa mo sa alamat na tatalakayin at sa pagsasalaysay. Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagsasalaysay ng sariling likhang alamat batay sa sumusunod na pamantayan: a) malikhaing pagsasalaysay, b) paraan ng pagsasalaysay (tono at lakas ng tinig, wastong bigkas ng mga salita), at c) hikayat sa manonood. Aalamin natin kung paano naiiba ang alamat sa maikling kuwento o sa iba pang uri ng panitikan. Gayundin, kung paano nakatutulong ang mga pang-abay na pamanahon sa pagsusulat at pagsasalaysay ng isang alamat. Yugto ng Pagkatuto A. Tuklasin Sa sumusunod na gawain, tutuklasin natin kung gaano na ang nalalaman mo tungkol sa alamat. Pumili ng isa sa mga larawan na nasa ibaba at ilahad ang maaaring pinagmulan nito gamit ang web organizer upang maunawaan mo kung paano naiiba ang alamat sa maikling kuwento at sa iba pang uri ng panitikan. Ibahagi ito sa klase.

pamaypay

katana

bulaklak GAWAIN 1. Web Organizer

Kilos, gawi, karakter ng mga tauhan

kuwintas

29

Sagutin ang mga gabay na tanong. 1. Sa anong paraan mo isinalaysay ang alamat? 2. Ano ang nakatulong sa iyo upang mabuo mo ang iyong alamat? 3. May pagkakaiba ba ito sa iba pang uri ng panitikan na iyong naisulat na o nabasa? Ipaliwanag. Kung nahirapan ka sa pagsulat ng iyong sariling alamat, huwag kang magalala, tutulungan ka ng mga gawain upang sa dulo ay makasulat ka ng isang mahusay na alamat. B. Linangin Magbabasa ka ng isang alamat upang maunawaan mo kung paano ito naiiba sa iba pang uri ng panitikan. Ang Alamat ni Prinsesa Manorah (Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta) Isang alamat na pasalin-salin sa ibat ibang panahon at henerasyon mula noong panahon ng Ayutthaya at nagbigay-inspirasyon kay Haring Rama V ng Thailand. Si Kinnaree Manorah ay isang prinsesa ng alamat ng Thai at ang pinakabata sa pitong anak na kinnaree ng Haring Prathum at Reynang Jantakinnaree. Siya ay nakatira sa maalamat na kaharian ng Bundok Grairat. Ang pitong kinnaree ay kalahating babae at kalahating sisne. Silay nakalilipad at nagagawang itago ang kanikanilang pakpak kung kanilang nanaisin. Sa loob ng kahariang Krairat (Grairat), nakatago ang kagubatan ng Himmapan kung saan din namamahay ang mga nakatatakot na nilalang na hindi kilala sa daigdig ng mga tao. Sa loob ng kagubatan, nakakubli ang maganda at kaaya-ayang lawa kung saan ang pitong kinnaree ay masayang dumadalaw lalo na sa araw ng Panarasi (kalakihan ng buwan). Sa di-kalayuan ng lawa, nakatira ang isang ermitanyo na nagsasagawa ng kaniyang meditasyon. Isang araw, napadako ang isang binata habang naglalakbay sa kagubatan ng Himmapan. Siya ay si Prahnbun. Nakita niya ang pitong kinnaree na masayang nagtatampisaw sa ilog. Namangha siya sa nakabibighaning kagandahan ni Prinsesa Manorah. Naisip niya na kung mahuhuli niya ang prinsesa, dadalhin niya ito kay Prinsipe Suton, ang anak ng Haring Artityawong at Reyna Jantaivee ng Udon Panjah. Tiyak na matutuwa ang prinsipe at tuluyang mapapaibig ito sa prinsesa. Ngunit naitanong niya sa sarili kung paano niya ito mahuhuli. Alam ni Prahnbun na may ermitanyong nakatira sa malapit ng kagubatan. Pinuntahan niya ito upang magpatulong sa kaniyang balak. Sinabi sa kaniya ng ermitanyo na napakahirap ang manghuli ng kinnaree dahil agad-agad itong lumilipad kapag tinatakot. Ngunit naisip ng ermitanyo na may isang dragon na nakatira sa pinakasulok-sulukan ng kagubatan na maaaring makatulong sa kanila.

30

Nagpasalamat ang binata sa ermitanyo at nagmamadaling lumisan upang hanapin ang dragon. Hindi natuwa ang dragon nang marinig ang balak ni Prahnbun, ngunit napapayag din itong bigyan niya si Prahnbun ng makapangyarihang lubid na siyang panghuhuli niya sa Prinsesa Manorah. Nagpasalamat ang binata at patakbong umalis na dala-dala ang makapangyarihang lubid at patagong tinungo ang ilog kung saan naglalaro ang mga kinnaree. Habang abala sa paglalaro ang mga kinnaree, inihagis ni Prahnbun ang lubid at matagumpay na nahuli si Prinsesa Manorah. Ganun na lamang ang pagkaawa ng ibang mga kapatid ng prinsesa. Ngunit silay walang nagawa kundi agad-agad na lumipad dahil sa takot na sila rin ay paghuhulihin. Itinali nang mahigpit ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah upang hindi makawala at tuluyang madala pabalik sa Udon Panjah at maibigay kay Prinsipe Suton na nooy naglalakbay rin sakay sa kabayo papunta sa kagubatan. Nakasalubong niya si Prahnbun dala-dala si Prinsesa Manorah. Agad-agad na naakit sa kagandahan ni Prinsesa Manorah ang prinsipe. Nang isalaysay ni Prahnbun kay Prinsipe Suton ang dahilan kung bakit niya hinuli at dinala ang prinsesa sa harap niya, nagpasalamat ang prinsipe at binayaran siya nito ng napakalaking halaga. Nagbalik ang prinsipe sa kaniyang palasyo dala-dala si Prinsesa Manorah kung saan umusbong ang isang tunay na pag-ibig sa isat isa. Nang sabihin ng prinsipe sa kaniyang inang prinsesa at amang hari ang buong pangyayari, masayang-masaya sila at agad-agad nagbalak na magsagawa ng kasal para kina Prinsipe Suton at Prisesa Manorah. Bumalik sila sa palasyo ng Udon Panjah kung saan isinagawa ang kasal at tuluyang namuhay nang masayat matiwasay habambuhay. Alam mo ba na tinatalakay ng alamat o legend sa wikang Ingles ang pinagmulan ng isang bagay, lugar, pangyayari o katawagan na maaaring kathang-isip lamang o may bahid ng katotohanan? GAWAIN 2. Paglinang ng Talasalitaan Pag-aralan ang mga salitang hiram na ginamit sa alamat at gamitin ito sa sariling pangungusap. 1. kinnaree babaing kalahating sisne, kalahating tao ng Timog-Silangang Asya 2. panarasi kabilugan o kalakihan ng buwan GAWAIN 3. Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Sagutin ang mga gabay na tanong. 1. Sino ang pangunahing tauhan sa alamat? 2. Ilarawan ang tagpuan ng alamat.
31

Paano sinimulan ang paglalahad ng alamat? Paano isinasalaysay ng manunulat ang isang alamat? Kapani-paniwala ba ang mga tagpo sa alamat? Sa maikling kuwento? Alin sa mga pangyayari ang makatotohanan at di-makatotohanan? Patunayan. 7. Masasalamin ba ang kultura ng Thailand sa alamat na iyong binasa? Ipaliwanag. 8. Paano ipinakita ng akda ang kilos, gawi, at karakter ng mga tauhan sa alamat? 9. Paano naiiba o nagkakatulad ang alamat at maikling kuwento ayon sa kilos, gawi at karakter? 10. Paano ito nagwakas? Kung ikaw ang may-akda, paano mo ito wawakasan? Isalaysay. Upang matiyak kung alam mo na kung paano naiiba ang alamat sa iba pang uri ng panitikan, basahin mo ang isa pang halimbawa ng alamat mula sa Laos ng Timog-Silangang Asya. Ang Buwang Hugis-Suklay (Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta) Noong unang panahon, may isang mangingisda na nagpaalam sa kaniyang asawa na lumuwas sa kabayanan upang mamili ng mga gamit sa pangingisda. Nagpabili ang kaniyang asawa ng kendi para sa kaniyang anak na lalaki, at isang suklay na hugis buwan. Sinabi ng kaniyang asawa na upang hindi niya makalimutan, tumingala lamang siya sa kalangitan at makikita niya ang buwang hugis-suklay. Sa araw na iyon, ang buwan ay talaga namang magsisimula nang maging hugis-suklay. Nagsimulang humayo ang mangingisda at matapos ang maraming araw at gabi ng paglalakbay, narating niya ang kabayanan. Agad-agad niyang binili ang mga kagamitan sa pangingisda at ang kendi para sa anak. Ngunit sa kasamaang palad, nakalimutan niya ang ipinagbilin ng asawa na dapat bilhin. Naghalughog siya sa buong tindahan upang maalala lamang niya ang ipinabili ng asawa. Napansin ito ng tagapangalaga ng tindahan. Maaari ko po ba kayong tulungan?, tanong ng tagapangalaga sa mangingisda. Hinahanap ko ang ipinabibili ng aking mahal na asawa. tugon naman niya. Pampapula ho ba ng labi? Hindi. Pitaka? Hindi rin. Unan?

3. 4. 5. 6.

32

Unan? Naaalala ko na! Sinabi niyang tumingala ako sa buwan. Masayang tugon ng mangingisda. (Sa orihinal na teksto, ginamit ang salitang spoon upang magkasintunog sa moon. Sa salin na ito, ginamit ng tagapagsalin ang salitang unan upang maging magkasintunog sa salitang buwan.) Tumingala ang tagapangalaga at nakita ang bilog na bilog na buwan na siya ring nakita ng mangingisda sa kaniyang pagdating sa kabayanan mula sa mahabang paglalakbay. Alam ko na. Makikipagpustahan ako sa yo. Ito ang gusto ng asawa mong bilhin mo para sa kaniya, panghahamon ng tagabantay ng tindahan. Agad-agad na inilagay ng tagabantay ang bilog na bagay sa isang supot. Binayaran ito ng mangingisda at lumisan. Sa kaniyang pagdating, nadatnan niya ang nag-aabang niyang asawa, anak, ang kaniyang ina at ama. Kumuha ka ng kendi, ang sabi niya sa kaniyang anak. Natandaan mo ba kung anong ipinabili ko sa yo?, ang tanong ng kaniyang asawa. Masayang itinuro ng mangingisda ang lukbutan na kinalalagyan ng kaniyang binili para sa asawa. Wala naman dito ang suklay na hugis-buwan, pasigaw na sabi ng asawa. Lumapit ang mangingisda sa kinalalagyan ng lukbutan, dinukot ang supot at inabot sa asawa. Pinunit ng asawa ang supot at nakita ang sarili sa salamin kasabay ng panghahamak. Ganoon na lamang ang pagkabigla ng mangingisda sa naging reaksiyon ng asawa. Bakit ka nagdala ng mia noi? Itoy isang pang-aalipusta! pasigaw ng asawa. (Ang mia noi ay mga salitang Lao na katumbas ng pangalawang asawa na mas bata sa unang asawa. Itoy bahagi ng lipunang Thai at Lao.) Hinablot ng ina ng lalaki ang salamin at nagwika. Nakakadiri ka nga. Nagdala ka ng mia noi, na napakatanda na at nangungulubot pa. Paano mo ito nagagawa? Tumayo ang kaniyang anak na nooy nakaupo malapit sa kaniyang lola at hinablot ang salamin. Lolo, tingnan ninyo. Kinuha niya ang aking kendi at kinakain pa. pagalit na sabi ng bata.

33

Tingnan ko nga ang masamang taong ito. Hinablot ng lolo ang salamin mula sa bata. Iniismiran pa ako ng kontrabidang ito! Sasaksakin ko nga ng aking patalim. Inilapag sa sahig ng lolo ang salamin at inundayan ng saksak. Sasaksakin din niya ako! sigaw ng lolo. Nang makita ito ng lolo, siyay galit na galit na sinaksak ang salamin at tuluyang nabasag. Ngayon ay hindi ka na makagagambala pa sa kahit sino! ang sabi ng lolo. GAWAIN 4. Pagsasalaysay ng Wakas Upang higit mong maunawaan ang alamat, bumuo ng gusto mong maging wakas at isalaysay ito sa pamamagitan ng pagbabalita na sumasagot sa mga hinihingi sa kasunod na graphic organizer.
Sino? Ano? Paano? Wakas ng Alamat Bakit? Saan?

GAWAIN 5. Sagutin ang mga Gabay na Tanong 1. 2. 3. 4. 5. Paano nagsimula ang kuwento? Bakit tinawag na hugis-suklay ang buwan? Anong dahilan ang pagkakagulo ng mag-anak? Paano nagwakas ang kuwento? Kung ikaw ang may-akda, ano ang gusto mong maging wakas nito? Bakit?

GAWAIN 6. Pagsasanib ng Gramatika/Retorika-Kuwento Mo, Isalaysay Mo Batay sa alamat na iyong binasa, bumuo ng mga pangungusap gamit ang sumusunod na salita upang malaman mo kung nakatutulong ba ang mga salitang ito sa pagsasalaysay ng alamat. noon sa araw noong araw ngayon araw-araw

Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan ginanap, ginaganap, o gaganapin ang pangyayari o kilos. Maaaring may pananda, walang pananda at nagsasaad ng dalas.

34

Mga Pang-abay na Pamanahon 1. May pananda (nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang) Mga Halimbawa: a. Kung ngayon na aalis ang mangingisda, tiyak aabutan na siya ng dilim sa daan. b. Kailangan niyang mangisda tuwing umaga upang silay may maulam. c. Pagod na bumabalik sa tanghali ang mga kinnaree matapos makapagtampisaw sa lawa. d. Noong araw na iyon ay naglakbay si Prinsipe Suton papunta sa kagubatan. e. Kapag araw ng Panarasi, masayang dumadalaw sa kaaya-ayang lawa ang mga kinnaree. f. Mula noon ay namuhay nang masayat matiwasay sina Prinsipe Suton at Prinsesa Manorah. g. Umpisa kahapon hanggang ikapitong araw ay walang pagod niyang nilakbay ang daan patungo sa kabayanan. 2. Walang pananda (kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas) Mga Halimbawa: a. Kahapon nakipagkita si Prahnbun sa ermitanyo upang humingi ng tulong. b. Inabutan kanina ng mangingisda ang tagabantay ng tindahan. c. Ngayon darating ang mga kinnaree sa kagubatan upang magliwaliw. d. Mamaya na lamang kukunin ng babae ang pasalubong na dala ng kaniyang asawa. e. Makikipagkita bukas ng umaga si Prahnbun kay Prinsipe Suton. 3. Nagsasaad ng dalas (araw-araw, tuwing, taon-taon, buwan-buwan) Mga Halimbawa: a. Ang mga kinnaree ay araw-araw tumutungo sa lawang nasa loob ng kagubatan upang magtampisaw. b. Tuwing umaga, ang magkakapatid na kinnaree ay masayang tinatanaw ang nagtatayugang mga puno. c. Pumupunta taon-taon sina Prinsipe Suton at Prinsesa Manorah sa kaharian ng Bundok Grairat. d. Lumuluwas buwan-buwan sa kabayanan ang mangingisda upang mamili ng mga kagamitan. Natukoy mo na rin ang gamit at kahalagahan ng mga pang-abay na pamanahon sa pagsasalaysay ng alamat. Ngayon ay kailangan nating matiyak ang lawak ng iyong natutuhan. C. Pagnilayan at Unawain GAWAIN 7. Sagutin ang mga Gabay na Tanong 1. Paano naiiba ang alamat sa iba pang uri ng panitikan? 2. Paano nakatutulong ang mga pang-abay na pamahanon sa pagsasalaysay ng kuwento?

35

Natutuhan mo na rin ang kaibahan ng alamat sa iba pang uri ng panitikan. Tiyak na malinaw sa iyo ngayon kung ano ang mga elemento ng alamat at natutukoy kung makatotohanan o di-makatotohanan ang pangyayari o akda. Tukoy mo na rin ang karaniwang kilos, gawi at karakter ng mga tauhan sa isang alamat. Makagagamit ka na rin ng mga pang-abay na pamanahon ayon sa kahulugan nito sa pangungusap. D. Ilipat GAWAIN 8. Masubok Nga May pagdiriwang ng ikapitong kaarawan ang iyong pamangkin. Nahilingan ka nito na magkuwento sa kaniyang mga bisita. Lilikha ka ng sarili mong alamat at isasalaysay mo ito nang pasalita sa masining na paraan. Tiyakin na ang pagsasalaysay na gagawin ay nakabatay sa sumusunod na pamantayan: A. Malikhaing pagsasalaysay.. 50 puntos B. Paraan ng pagsasalaysay.. 30 puntos tono at lakas ng tinig wastong bigkas ng mga salita C. Dating sa tagapakinig.. 20 puntos Kabuuan.....100 puntos

Ang galing mo! Binabati kita at natapos mo na naman ang paglalakbay sa mundo ng hiwaga. Sana naging makabuluhan ang pag-alam mo sa mga konsepto ng aralin. Humanda para sa isang paglalakbay sa daigdig ng tula. Aralin 1.3 A. Panitikan: Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan Tulang naglalarawan - Pilipinas ni Pat V. Villafuerte Mga salitang naglalarawan ng mga Pangyayari, Tao, at Lugar Naglalarawan

B. Gramatika/Retorika:

C. Uri ng Teksto:

Panimula Makulay ang naging paglalakbay mo sa pagtuklas sa mahiwagang daigdig ng Thailand. Ngayon,galugarin mo naman ang Pilipinas at tuklasin ang mundo ng panulaan dito.

36

Ang Aralin 3 ay naglalaman ng tula ni Pat V. Villafuerte na pinamagatang Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan. Bahagi ng aralin ang pagtalakay sa mga salitang naglalarawan na makatutulong sa pagpapahayag ng damdamin sa pagbuo ng isang komentaryo. Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagpapahayag ng komentaryong naglalarawan hinggil sa kalagayang panlipunan sa alinmang social media batay sa sumusunod na pamantayan: pagkakabuo ng kaisipan, wastong gamit ng salita, at may kaugnayan sa paksa. Aalamin natin kung paano naiiba ang tulang naglalarawan sa iba pang uri ng tula ayon sa layon at kung paano nakatutulong ang paggamit ng mga salitang naglalarawan sa mga kalagayang panlipunan. Yugto ng Pagkatuto

A. Tuklasin Sa sumusunod na gawain, tutuklasin natin kung may alam ka na sa pagkakaiba ng tulang naglalarawan sa iba pang uri ng tula ayon sa layon. Basahin mo ang halimbawang tula na pinamagatang Elehiya Kay Ram ni Pat. V. Villafuerte at isagawa ang hinihingi sa mga gawain. GAWAIN 1. Ang Malalabay na Sanga Kung ang ugat ng puno ay tulang naglalarawan, ano kaya ang magiging mga sanga? Tukuyin batay sa babasahing bahagi ng tula na pinamagatang Elehiya para kay Ram na isinulat ni Pat V. Villafuerte, ang mga katangian ng mga salita ayon sa pagkakagamit at pagkakabuo ng bawat taludtod. Ilista ang mga katangiang iyong mapupuna kaugnay ng tula sa mga sanga ng mga puno upang unti-unting yumabong ang kaalaman natin kaugnay nito.

Kung ang kamatayan ay isang mahabang paglalakbay Di mo na kailangang humakbang pa Sapagkat simulat simula pay pinatay ka na Ng matitigas na batong naraanan mo Habang nakamasid lamang Ang mga batang lansangang nakasama mo Nang maraming taon. Silang nangakalahad ang mga kamay Silang may tangang kahon ng kendit sigarilyo Silang may inaamoy na rugby sa madilim na pasilyo. Sa pagitan ng maraming paghakbang at pagtakbo Bunga ng maraming huwag at bawal dito Sa mga oras na nais mong itanong sa Diyos Ang maraming bakit at paano

37

Ay nanatili kang mapagkumbaba at tanggaping ikawy tao At tanggapin ang uri ng buhay na kinagisnan mo. Buhay na hindi mo pinili dahil wala kang mapipili. Buhay na di mo matanggihan dahil nasa mga palad mo Ang pagsang-ayon, ang pagtango at pagtanggap Bilang bagong ama ng lima mong nakababatang kapatid. GAWAIN 2. Balde ng Kaalaman Magbigay ng mga ideyang maiuugnay sa tulang naglalarawan. Isulat sa loob ng balde ang iyong mga maiisip na salita hanggang sa ang mga ito ay umapaw sa mga kaalaman na ibabahagi sa klase sa oras ng talakayan.

GAWAIN 3. Tula Ko Iparinig Mo at Huhusgahan Ko Makinig sa ilang halimbawa ng pagbigkas ng tula sa youtube at suriin kung paano bigkasin ang mga tula. Itala ang mga nasuring salita sa iyong papel. B. Linangin Naririto ang tulang isinulat ni Pat V. Villafuerte na pinamagatang Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan,Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan. Tuklasin mo kung paano niya inilarawan ang kultura sa magkakaibang panahon at upang malaman mo kung paano naiiba ang tulang naglalarawan sa iba pang uri ng tula ayon sa layon. KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan ni Pat V. Villafuerte NOON, ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton, isang pagtahak sa matuwid na landas upang marating ang paroroonan gaano man ito kalapit, gaano man ito kalayo gaano man ito kakitid, gaano man ito kalawak kaunti man o marami ang mga paang humahakbang mabagal man o mabilis, pahintu-hinto man o tuloy-tuloy ang bawat paghakbang ay may patutunguhan. ang bawat paghakbang ay may mararating. ang bawat paghakbang ay may pagsasakatuparan. hindi na mabilang ang paghakbang na naganap sa ating kasaysayan paghakbang na pinuhunanan ng pawis, dugo at luha paghakbang na kinamulatan ng maraming pagsubok,

38

pangamba at panganib mula pa sa panahon ng kawalang-malay hanggang sa panahon ng walang humpay na pananakop, digmaan at kasarinlan at hanggang sa kontemporaryong panahon ng makinasyon sumibol ang kayraming kulturang sinangkutsa sa ating diwat kamalayan kulturang may ritmo ng pag-awit, may kislot ng pagsayaw, may haplos ng pag-aalay, may lambing ng panunuyo at tangis ng pamamaalam. ito ang ating tinalunton, ito ang bunga ng ating paghakbang: ang kulturang ipinamana sa atin ng nakaraan. NGAYON, sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago, binhing nakatanim ang maraming kulturang nag-uumapaw sa ating diwa nagbabanyos sa ating damdamin nag-aakyat sa ating kaluluwa sinubok ng maraming taon inalay sa mga bagong sibol ng panahon anumang kulay, anumang lahi, anumang edad, anumang kasarian ang kulturay pinayayabong nang may halong sigla at tuwa, nang may kasalong pagsubok at paghamon kulturang sinusuyod ng kapuri-puring ugali at marangal na kilos kulturang inihahain ng pagsambat prusisyon kulturang sinasalamin ang paskot pistang-bayan kulturang pinaaawit ng pasyon at pagsasabuhay ng Poon kulturang patuloy na sumisibol at ipinapupunla ng tradisyon: pampamilya, pang-eskuwela, pampolitika, panrehiyon at pambansa na dinilig ng maraming pagpapaalala, paggabay at patnubay at pinayaman ng makukulay na karanasan kulturang inihain at tinanggap, sinunod at isinakatuparan ito ang regalo ng kultura regalo ng kasalukuyan. BUKAS, ang kulturang itinudla ng nakaraan at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan at mananatiling repleksyon ng kabutihan kulturang gagalang sa mga batat matanda kulturang rerespeto sa mga babaet may kapasanan kulturang luluklok ng pagbabayanihan at pagkakapatiran kasaliw ng mga awiting bayan at katutubong sayaw katali ng pagsasadulat pagbabalagtasan diwang marangal ang ipupunla. kariringgan ng maraming wika magkakapantay sa kalayaan at karapatan magsasama-sama, magkakapit-bisig, magtutulung-tulungan habang patuloy na humahakbang upang galugarin pa ang kulturang pagyayamanin ng ating lahi ng lahing magiting ng lahing kapuri-puri ng lahing marangal.

39

Alam mo ba na . ang Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan ay isang halimbawa ng tulang naglalarawan? Hindi lamang nauuri ang tula ayon sa anyo at kayarian nito. Nauuri rin ang tula ayon sa layon. May apat na uri ang tula ayon sa layon. Isa na rito ay ang tulang naglalarawan na nagpapahayag ng pagpapahalaga o maaaring pagkamuhi ng makata o may-akda sa isang kalagayan, pook, o pangyayari. GAWAIN 3. Paglinang ng Talasalitaan Magbigay ng katumbas na pahayag ng mga sinalungguhitang salita mula sa taludturan ng tulang binasa. 1. Sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago, binhing nakatanim ang maraming kultura. 2. Ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton. 3. Ang kulturang itinudla ng nakaraan at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan. 4. Binhing nakatanim ang maraming kulturang nag-uumapaw sa ating diwa. 5. Kulturang may lambing ng panunuyo at tangis ng pamamaalam. GAWAIN 4. Noon, Ngayon, at Bukas Gamit ang grapikong pantulong, ilarawan ang kultura batay sa tatlong panahong binanggit sa tula.

Kultura

Noon Sagutin ang mga gabay na tanong.

Ngayon

Bukas

1. Ano-ano ang mga panahong binanggit sa tula? 2. Isa-isahin ang kulturang Pilipino na nabanggit ng may-akda sa tula. Iugnay ito sa iba pang mga kultura sa Timog-Silangang Asya. 3. Isa-isahin ang salitang naglalarawan sa kultura batay sa bawat panahon. 4. Sa iyong palagay, naging mabisa ba ang ginawang paglalarawan? Bakit? 5. Ano ang nais iparating ng mga pahayag mula sa taludturan ayon sa: a. panahon ng kawalang malay; b. tangis ng pamamaalam; c. sinubok ng maraming taon; d. kultura ay regalo ng kasalukuyan; at e. sinasalamin ang Paskot Pistang Bayan? 6. Suriin mo ang uri ng tula ayon sa layon. Paano ito nabuo?

40

GAWAIN 5. Ihambing Mo Basahin mo ang isa pang halimbawang tula. Suriin mo ang pagkakabuo nito at ihambing sa tulang naglalarawan. Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus Babahagya ko nang sa nooy nahagkan, Sa mata koy luha ang nangag-unahan; Isang panyong puti ang ikinakaway, Nang siyay iwan ko sa tabi ng hagdan: Sa gayong kalungkot na paghihiwalay, Mamatay ako, siyay nalulumbay! Nang sa tarangkahan, akoy makabagtas Pasigaw ang sabing, Magbalik ka agad! Ang sagot koy Oo, hindi magluluwat! Nakangiti akong luhay nalaglag... At akoy umalis, tinunton ang landas, Nabiyak ang pusot naiwan ang kabiyak; Lubog na ang araw, kalat na ang dilim, At ang buwan namay ibig nang magningning: Maka orasyon na noong aking datnin, Ang pinagsadya kong malayang lupain: Kuwagong nasa kubot mga ibong itim, Ang nagsisalubong sa aking pagdating. Sa pinto ng naroong tahanay kumatok, Pinatuloy ako ng magandang loob; Kumain ng konti, natulog sa lungkot, Ang puso kong tila ayaw nang tumibok; Ang kawikaan ko, Pusong naglalagot, Mamatay kung akoy talaga nang kulog! Nang kinabukasang magawak ang dilim, Arawy namimintanang matay nagniningning; Sinimulan ko na ang dapat kong gawin: Akoy nag-araro, naglinang, nagtanim; Nang magdidisyembre, tanim sa kaingin, Ay ginapas ko nat sa irog dadalhin. At akoy umuwi, taglay ko ang lahat, Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas; Bulaklak na damo sa gilid ng landas, Ay pinupol ko nat panghandog sa liyag; Nang akoy umalis, siyay umiiyak... O, marahil ngayon, siyay magagalak!

41

At akoy lumakad, halos lakad takbo, Sa may dakong amiy meron pang musiko, Ang aming tahanay masayang totoo At nagkakagulo ang maraming tao... Salamat sa Diyos! ang nabigkas ko, Nalalaman nila na darating ako. At akoy tumuloy... pinto ng mabuksan, Matay napapikit sa aking namasdan; Apat na kandila ang nangagbabantay; Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay; Mukha nakangiti at nang aking hagkan; Para pang sinabi Irog ko, paalam! Sagutin ang mga gabay na tanong. 1. Ano ang isinasalaysay ng may-akda sa tulang binasa? 2. Paano isinalaysay ng may-akda ang kaniyang pagbabalik? 3. Ano ang paksa ng tula? 4. Ihambing ang tulang nagsasalaysay sa tulang naglalarawan. Isa-isahin ang mga katangian ng bawat isa. Basahin mo ang isang sanaysay at bigyang pansin ang mga katangian ni Sitti Nhuraliza. Sitti Nurhaliza: Ginintuang Tinig at Puso ng Asya ni Jan Henry M. Choa Jr. Isa sa pinakamahusay na mang-aawit sa Asya si Sitti Nurhaliza mula sa bansang Malaysia. Nagkamit siya ng ibat ibang parangal sa pag-awit hindi lamang sa kaniyang bansa kundi maging sa pang-internasyunal na patimpalak. Isa na rito ang titulong Voice of Asia nang makamit niya ang Grand Prix Champion mula sa Voice of Asia Singing Contest na ginanap sa Almaty, Kazakhstan. Labing-anim na taong gulang siya nang pumasok sa larangan ng pag-awit. Dahil sa likas na talento sa pag-awit, narating niya ang rurok ng tagumpay bilang multiple-platinum selling artists sa Malaysia. Sinundan ito ng mga di-mabilang na pagkilala mula sa mga prestihiyosong gawad-parangal tulad ng MTV Asia, Channel V, Anugerah Juara Lagu Malaysia. Hindi lamang sa pag-awit nakilala si Sitti. Siya rin ay isang manunulat ng awit, record producer, presenter o modelo at mangangalakal. Sa katunayan, siya ay nagmamay-ari ng produktong Ctea, isang tsaa sa Malaysia. Mayroon din siyang sariling production company, Sitti Nurhaliza Production na nasa larangan ng entertainment. Siya rin ay itinuturing na isa sa pinakamaimpluwensyang tao at pinakamayamang artista sa Malaysia.. Sa kabila ng pagiging sikat at mayaman ay hindi nalilimutan ni Sitti Nurhaliza ang magkawanggawa. Nakikibahagi at nakikiisa siya sa maraming gawaing-kawanggawa sa loob at labas ng Malaysia. Ito ay isa sa

42

maganda niyang katangian. Marunong siyang tumulong sa kaniyang kapuwa bilang pagbabalik-biyaya sa kaniyang mga tinatamasa. Tunay na ipinagmamalaki si Sitti Nurhaliz ang kaniyang mga kababayan bilang Asyano na may sadyang husay sa pagkanta at may natatanging kontribusyon sa larangan ng musika. Ang kaniyang magandang tinig at mabuting kalooban bilang isang babaeng Muslim na mang-aawit ay isa lamang sa mga katangiang nagugustuhan ng kaniyang mga tagatangkilik. Isang idolo na may ginintuang tinig at ginintuang puso ng Asya. Alam mo ba na napatitingkad ang anumang akdang pampanitikan kapag wasto ang gamit ng mga salitang naglalarawan? Nakapaglalarawan tayo ng tiyak at angkop kapag alam natin ang gamit ng mga salita. Nakatutulong nang malaki sa pagbibigay ng hugis, kulay, anyo sa mga bagay na bumubuo sa ating kapaligiran ang sastong paggamit sa salitang naglalarawan. Maaari ring tiyak na makapaglarawan sa katangian at ugali ng isang tao o hayod ang paggamit ng angkop na salitang naglalarawan. Samakatuwid, nakatutulong nang malaki ang mga salitang naglalarawan upang bigyang katangian ang isang bagay o ugali maging sa damdamin at mga pangyayari sa ating kapaligiran.

GAWAIN 6. Character Mapping Matapos mong mabasa ang sanaysay, isa-isahin ang mga katangian ni Sitti Nhuraliza sa tulong ng character mapping.

BIBIGPaglalarawan sa nakagisnang pamumuhay.

MATAPaglalarawan sa babaing moderno

PAAPaglalarawan sa bagong mundo na tinahak ni Sitti.

KAMAYPaglalarawan sa hakbang na ginawa ni Sitti upang lumaya.

43

GAWAIN 7. Talaan ng mga Katangian Itala ang mga katangian ng taong nakaimpluwensiya sa iyo nang lubos. Ilista sa iyong papel. GAWAIN 8. Blog Ko Kung ikaw ay gagawa ng isang blog tungkol sa ating pagka-Pilipino paano ka magbibigay komentaryo sa ating kultura, paniniwala, at pagpapahalaga sa pagiging mamayan ng bansang Asya? GAWAIN 9. Pagsasanib ng Gramatika/Retorika Batay sa sanaysay na iyong binasa, bumuo ng isang komentaryong maglalaman ng mga pahayag na may kinalaman sa paglalarawan sa mga pangyayari sa buhay ni Sitti Nurhaliza. Gumamit ng mga angkop na salitang naglalarawan. Isulat ang sagot sa papel. Ang wastong gamit ng mga salitang naglalarawan ay nakapagpapatingkad sa mga pahayag na bumubuo sa pagbibigay ng komentaryo, blog, o sa mga taludturan. May mga salitang naglalarawan na maaaring gamitin sa tao na hindi naman maaari sa bagay. May mga pangyayari rin naman na kapag ginamit na ang salita sa pagbuo ng taludtod ay nababago ang kahulugan o hindi gaanong napalilitaw ang nais ipakahulugan at hindi nagiging matimyas ang salita. Halimbawa na lamang ay sa salitang matangkad na bagamat ito ay tumutukoy sa taas (height) ay hindi maaaring gamitin sa paglalarawan sa taas ng gusali. Mga Halimbawa: 1. Nakatatakot ang magpatayo ng mga matatayog na gusali sa lugar na may malambot na lupa tulad ng sa Baguio. 2. Matangkad ang aking panganay na anak sa kaniyang edad na labing apat na taong gulang. Mapapansin na ang salitang matatayog at matangkad ay parehong tumutukoy sa taas (height) ngunit hindi maaaring mapagpalit ang gamit sapagkat hindi aakma ang nais na iparating. Hindi maaaring maging matangkad na gusali at matayog na anak. Kapag ginamit ang matayog sa anak upang ilarawan ang taas nito makapagbibigay ng ibang paglalarawan sa anak. Pagsasanay Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na salitang naglalarawan upang mabuo ang pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Napakasakit sa balat ang (matimyas, matingkad) na sikat ng araw. 2. Nakasisilaw ang (maliwanag, makinang) na ilaw na ikinabit ko sa entablado. 3. Hindi naging (malamyos, mabagal) ang pagkilos ni Sitti Nurhaliza sa pagbibigay ng tulong sa mga mamamayan bilang balik-biyaya sa kaniyang mga natanggap.

44

4. Hindi masamang magkaroon ng (matayog,matangkad ) na pangarap katulad ng ginawa ni Sitti Nurhaliza. 5. Ang kultura natin ay hindi naman (huminto, humupa) sa pag-inog. C. Pagnilayan at Unawain 1. Paano naiiba ang tulang naglalarawan sa iba pang uri ng tula? 2. Paano nakatutulong ang mga salitang naglalarawan sa pagbibigay ng komentaryo hinggil sa isang isyu D. Ilipat Ngayong sapat na ang kaalaman mo sa pagpapatingkad ng mga pahayag na gamit ang mga salitang naglalarawan, bubuo ka na ng isang komentaryo. Ipakita mo ang iyong pagka-Pilipino. Isulat ang komentaryo sa paraang patula na mapaglarawan. Bigyang pansin mo ang angkop na gamit ng mga naglalarawang salita upang mapalutang ang uri ng tulang ito sa isang taong nakaimpluwensiya nang lubos sa iyong pagkatao.

Nagbukas ka ng iyong facebook. Nabasa mong ang isa mong kaibigan ay binati ng mga kaibigan dahil kaarawan niya sa nasabing site. Upang maipadama mo rin sa kaniya ang kahalagahan niya sa buhay mo bilang kaibigan, ay gagawan mo siya ng isang tulang mapaglarawan. Tutulain at irerekord mo ito. Pagkatapos, iupload mo kasama ng iyong komentaryo ang video ng iyong pagtula. Binabati kita! Maluwalhati mong natapos ang mga gawaing nakatulong sa iyo upang maipamalas mo ang likas na galing ng mga Pilipino sa panulaan.

45

Aralin 1.4 A. Panitikan:

Kay Estela Zeehandelaar Sanaysay-Indonesia Isinalin sa Filipino ni Elynia Ruth S. Mabanglo

B. Gramatika/Retorika: Gamit ng mga Salitang Pang-ugnay sa Pagpapahayag ng Opinyon C. Uri ng Teksto: Panimula Taluntunin natin ang daan patungong Indonesia at sabay nating pag-aralan ang ilan sa kanilang panitikan na nagkaroon din ng malaking ambag sa sarili nating panitikan. Ilalahad sa araling ito ang isang sanaysay na tatalakay sa isang babaeng nagnais na kumawala sa nakasanayang tradisyon ng kanilang lahi at mamuhay ng naayos sa depinisyon niya ng modernong babae-malaya at marunong humarap sa mga pananagutan. Ang Aralin 1.4 ay naglalaman ng sanaysay na salin ni Elynia Ruth S. Mabanglo na pinamagatang Kay Estela Zeehandelaar mula sa Indonesia. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa gamit ng mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng mga opinyon na makatutulong sa paglalahad ng mga pangyayari. Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makabubuo ng komentaryo mula sa radyo at telebisyon batay sa sumusunod na pamantayan: a) kaangkupan at kabisaan ng mga salitang ginamit sa pagpapahayag ng opinyon; b) kaayusan ng mga opinyon sa pagbibigay komentaryo; c) kabisaan sa pagpapalutang ng paksa; d) katumpakan ng mga impormasyon sa isinagawang saliksik; e) kaisahan ng mga kasapi ng pangkat sa presentasyon; f) kalinawan sa pagsasalita; g) kahusayan sa pagkokomentaryo. Aalamin natin kung paanong nagkaiba ang sanaysay na pormal at di-pormal at kung paanong nakatulong ang paggamit ng pang-ugnay sa paglalahad ng opinyon sa pagkokomentaryo sa mga isyu mula sa radyo o telebisyon. Naglalahad

Yugto ng Pagkatuto A. Tuklasin GAWAIN 1. Ilista Mo Itala mo ang mga paraan ng pamumuhay noon at ngayon.

46

GAWAIN 2. Paghambingin Mo Mula sa itinalang mga uri ng pamumuhay, paghambingin mo ang dalawang uri ng pamumuhay ayon sa kanilang pagkakaiba at pagkakatulad gamit ang Venn Diagram. Gayahin ang pormat sa papel. Sinaunang Pamumuhay

Modernong Pamumuhay

Pagkakaiba GAWAIN 3. Indonesia - Pilipinas

Pagkakatulad

Pagkakaiba

Paghambingin mo ang paraan ng pamamahala sa Indonesia at sa Pilipinas. Gayahin ang pormat sa papel. Indonesia Paraan ng Pamamahala Pilipinas

B. Linangin Basahin mo ang isang bahagi ng liham ng isang prinsesang Javanese na mula sa Indonesia na isinalin sa Filipino ni Ruth Elynia S. Mabanglo. Kay Estella Zeehandelaar Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo Mula sa Mga Liham ng Isang Prinsesang Javanese Japara, Mayo 25, 1899 Ibig na ibig kong makakilala ng isang babaeng moderno, iyong babaeng malaya, nakapagmamalakit makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masiglat maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kundi maging ang kabutihan ng buong sangkatauhan. Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa pusot isip koy hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae na tumatanaw sa malayong Kanluran. Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtratrabahot nagsisikap na bagong

47

kababaihan ng Europe; subalit nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi maaaring suwayin. Balang-araw maaaring lumuwag ang tali at kamiy pawalan,ngunit lubhang malayo pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na henerasyon. Alam mo ba kung paano mahalin ang bago at batang panahong ito ng buong pusot kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon ng sariling bayan? Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang lahat ng mga institusyon namin. Wala akong iniisip gabit araw kundi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga lumang tradisyon namin. Alam kong para sa aking sariliy magagawa kong iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na matibay pa sa alinmang lumang tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na inuukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba akong wasakin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin ng buong pagsuyo? Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at bagong-silang na Europe ay nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa akoy may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang emansipasyon; may isang naiibang kabuluhan ito, isang kahulugang hindi maaabot ng aking pang-unawa. Gumigising ito para hangarin ang pagsasarili at kalayaan- isang paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso koy sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan. Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot sa akin, at sa kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala nito ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat, sumibol hanggang sa lumakas at sumigla. Ngayoy kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo. Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara. Akoy may anim na kapatid na lalaki at babae. Ang lolo kong si Pangeran Ario Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong kapanahunan niya. Siya rin ang kaun-aunahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng pinto para sa mga panauhin mula sa ibayong dagat-ang sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak niyay may edukasyong European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay umiibig o umibig sa kanlurang minana sa kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga anak nila ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga pinsan kot nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger School, ang pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan dito sa India. Ang bunso sa tatlong nakatatandang kapatid kong lalakiy tatlong taon na ngayong nag-aaral sa Netherlands at naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang dalawa pa. Samantala, kaming mga babaey bahagya nang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan ng aming lumang tradisyon at kumbensyon. Labag sa aming kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalot kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa eskwela. Ipinagbabawal ng aming kaugalian na lumabas man lamang ng bahay ang babae. Hindi kami pinapayagang pumunta saan man, liban lamang kung sa paaralan, at ang tanging lugar na pagtuturong maipagmamalaki ng siyudad namin na bukas sa mga babae ay ang libreng grammar school ng mga European.

48

Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay-kinailangang ikahon ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipaguganayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong hindi ko na makikita marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang dikilalang lalaking pinili ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko namamalayan. Noong bandang huli, nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas. Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang naiwan sa akiy pagbabasa ng mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito-ito lamang ang nag-iisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na panahong iyon, na kung inalis pa sa akin ay lalo nang nagging kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay kot kaluluwa. Subalit dumating ang kaibigan kot tagapagligtas-ang Diwa ng panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako ang mga yabag niya. Nayanig sa paglapit niya ang palalot matatag na balangkas ng mga lumang tradisyon. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba namay pilit at bahagya lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-inanyayahang panauhin. Sa wakas, nakita kong muli ang mundo sa labas nang akoy maglabing-anim na taon. Salamat sa Diyos! Malalabasan ko ang aking kulungan nang Malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis pang sumunod ang mga pangyayari nagpabalik sa aming mga babae ng mga nawala naming kalayaan. Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang prinsesa (bilang Reyna Wilhemina ng Netherland), opisyal na inihandog sa amin ng mga magulang namin ang aming kalayaan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aming buhay, pinayagan kaming umalis sa bayan naming at pumunta sa siyudad na pinadarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakila ng tagumpay iyon! Ang maipakita ng mga kabataang babaeng tulad namin ang sarili sa labas, na imposibleng mangyari noon. Nasindak ang mundo naging usap-usapan ang krimeng iyon na ditoy wala pang nakagagawa. Nagsaya ang aming mga kaibigang European, at para naman sa amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako nasisiyahan. Lagi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring makipamista,o malibang. Hindi iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo ng mag-isa, magaral, hindi para mapailalim sa sino man, at higit sa lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan. Ngunit dapat tayong mag-asawa,dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim. Ito ang pinakamalaking maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa kanyang pamilya. At ang pag-aasawa para sa amin-mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwagay para sa kanya lang.

49

Alam mo ba na katulad ng ibang anyo ng panitikan, ang sanaysay ay may mga uri rin? Ito ay ang pormal at di-pormal.Impersonal ang tawag sa ibang aklat sa sanaysay na pormal. Naghahatid ito ng mahahalagang kaalaman o impormasyon, kaisipan na makaagham at lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga ideya. Maingat na pinipili ang mga ginagamit na salita at maanyo ang pagkakasulat. Maaari ring maging pampanitikan ang pormal na uri ng sanaysay. Maaari itong maging makahulugan, matalinhaga at matayutay. Ang tono ng pormal na sanaysay ay seryoso at di nagbibiro. Samantalang sa di-pormal na sanaysay, nagbibigay ito ng kasiyahan sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga karaniwan at pang-araw-araw na paksa. Pamilyar ang ganitong uri ng sanaysay. Gumagamit ng mga salitang sinasambit sa araw-araw na pakikipag-usap lamang. Palakaibigan ang tono sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw nito.

GAWAIN 4. Paglinang ng Talasalitaan Ibigay ang kahulugan ng mga nasalungguhitang salita sa pangungusap mula sa akda. 1. 2. 3. 4. Buong kasabikan kong sinalubong ang pagdating ng bagong panahon. Balang araw, maaaring lumuwag ang tali at kamiy makalaya sa pagkakaalipin. Kinakailangang ikahon ako, ikulong at pagbawalang lumabas ng bahay. Hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid. 5. Kaytagal na inasam ang emansipasyon, ang paghihintay sa pagpapahalaga o pagkakaligtas sa pagkaalipin na inasam. GAWAIN 5. Concept Webbing Ano ang mga kaugaliang Javanese ang natuklasan mo sa iyong binasa? Itala mo ito gamit ang concept web. Gayahin ang kasunod na pormat sa papel.

Kaugaliang Javanese

Sagutin ang mga gabay na tanong 1. Sino si Estela Zeehandelar? 2. Paano ipinakilala ng prinsesa ang kaniyang sarili? 3. Ano ang mga nais ng prinsesa na gusto niyang mabago sa kaugaliang Javanese para sa kababaihan? 4. Anong uri ito ng sanaysay? Patunayan. 5. Ano-ano ang katangian ng isang sanaysay na pormal na naiiba sa sanaysay na di-pormal?

50

GAWAIN 6. Pagsasanib ng Gramatika/Retorika Suriin ang halaw na bahagi ng dalawang sanaysay mula sa blogspot.com at suriin kung alin ang pormal at di-pormal. Sanaysay 1 Pinalaki tayo sa kasinungalingan. Bata pa lang tayo, sinanay na tayo sa mga nilalang na hindi naman natin nakikita. kapre, tikbalang, manananggal, tiyanak, multo at mangkukulam. Mga lamang-lupa raw ang tawag dito. Nagtataka ako kung bakit hindi isinama ang kamote, sibuyas at luya. Mga lamang-lupa din naman iyon. Kapag nagkakasakit tayo, ipinipilit ng Nanay na masarap ang lasa ng gamot para sa sakit mo. Kahit kalasa iyon ng tinta ng pentel pen o panis na mantika. Para mapainom ka, kailangang pasinungalingang pagkasarap-sarap ng gamot kahit pati sila kapag umiinom nito ay nagkakandangiwi na rin sa simangot. At may batok ka galing kay Tatay kapag nailuwa mo at naisuka. Sayang ang ipinambili ng gamot. Sanaysay 2 Ang ating mundo ay nangangailangan ng balance upang mapanatili nito ang kaayusan ng ecosystem. Ang ecosystem na ito ang nagdidikta sa kaayusan o pagiging balance ng ating kapaligiran at nagiging dahilan ng balanseng pamumuhay ng lahat ng nilalang na nakatira dito sa ating planeta. Hindi lamang ang mga tao ang kasama sa usaping ito. Mahalaga ring malaman na ang mga hayop at halaman na kasama nating namumuhay rito ay nangangailangan din ng mabuting pamumuhay. Kung hindi mapananatili ang balanseng sistema nito, maaaring magdulot ito ng mga problema hindi lamang sa ating panahon kundi pati na rin sa mga panahong darating. Ayaw nating lahat na mangyari ito at magdusa ang lahat. Gusto nating magkaroon ng magandang sistema ang ating mundo upang tayong lahat na nabubuhay rito ay magkaroon ng maligaya at malinis na pamumuhay. Sa mga basurang itinatapon nang walang kontrol sa araw-araw, dahan-dahan nating sinisira ang ating kapaligiran lalo na ang mundong ating ginagalawan. Ngunit may panahon pa para magbago ang ating nakasanayan. Maaari pa nating gawan ng solusyon ang lumalalang problema sa basura lalo na sa ating lugar na kinabibilangan. Sa mga produktong na ating binibili sa araw-araw, maaari nating simulan ang recycle upang mapababa ang basura na likha ng mga ito. Ang mga produktong gawa sa papel halimbawa ay maaari pang i-recycle upang mabawasan kahit kaunti ang basurang maaari nitong malikha sa ating mundo. Kung hindi tayo kikilos sa ngayon, baka mahuli ang lahat. Ngayon na ang panahon upang maisaayos ang suliranin natin sa basura at maging maayos ang ating pamumuhay pati na rin ang pamumuhay ng mga darating na henerasyon. Batay sa anyo at paraan ng pagpapahayag alin ang mauuri mong sanaysay na pormal? Di-pormal? Patunayan.
Alam mo ba na sa isang sanaysay, makatutulong nang malaki sa pag-oorganisa ng ideya ang mga pang-ugnay. Ang mga pang-ugnay ay nauuri rin bilang mga salitang pangkayarian.

51

Ang mga pang-ugnay ay ang sumusunod A. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay halimbawa: tulad ng, kahit na, dahil sa, kasi, palibhasa, bukod-tangi at iba pa. B. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan halimbawa: na, ng at iba pa C. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita halimbawa: ang/si, ng/ni/kay, ayon sa/ayon kay, para sa/ para kay hinggil sa/hinggil kay at iba pa. GAWAIN 7. Pag-ugnayin Mo Pag-ugnayin mo nga ang dalawang kaisipan upang makabuo ng isang pangungusap gamit ang mga pangatnig. 1. a. Balang-araw maaaring lumuwag ang tali at kamiy pawalan. b. Malayo pa ang panahong iyon. 2. a. Alam kong para sa aking sariliy magagawa kong iwasan o putulin ang mga ito. b. May mga buklod na matibay pa sa alinmang lumang tradisyon na pumipigil sa akin. 3. a. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba namay pilit at bahagya lamang. b. Bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-inanyayahang panauhin. 4. a. Wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtratrabahot nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe b. Pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan. 5. a. Paano nga ba hindi magkakaganoon? b. Ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas GAWAIN 8. Komentaryo mo, Susuriin ko Basahin mo ang isang komentaryo mula sa Pinoy Weekly Online at isa-isahin ang mga pang-ugnay na ginamit dito. Isulat sa iyong sagutang papel ang mga makikitang pang-ugnay.

52

GAWAIN 9. Opinyon Mo Maglahad ng mga opinyon mula sa debateng iyong napanood o napakinggan. Bigyang puntos mo ang paglalahad ng mga opinyon kung ito ay maayos na naiugnay upang maging malinaw ang paglalahad ng opinyon. D. Pagnilayan at Unawain Sagutin nang may katapatan. Sa araling ito, natuklasan ko na ang sanaysay ay ___________________ May ibat ibang katangian ang uri ng sanaysay tulad ng _____________ Sinasabing gamit ng mga pang-ugnay ang ________________________ May ibat ibang uri ng pang-ugnay tulad ng _____________________________ Binabati kita at maluwalhati mong natapos ang mga gawain. Ngayon handa ka nang lumabas sa iyong mundong ginagalawan at natitiyak kong maayos mong magagamit ang mga natutuhan. D. Ilipat Naimbitahan ka ng isang kapisanan na magbigay ng pagsusuri sa mga komentong nakalap nila hinggil sa isang proyekto tungkol sa gender sensitivity. Ikaw ay magsusuri sa kani-kanilang mga paglalahad tungkol sa paksa. Ang gagawin mong pagsusuri ay isasahimpapawid sa itatakdang araw ng estasyon ng radyo o telebisyon. Sa pagsusuri bibigyang pansin mo ang wastong gamit ng mga pang-ugnay sa paglalahad ng opinyon. Maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya sa paglalahad. Kaangkupan at kabisaan ng mga salitang ginamit sa pagpapahayag ng opinyon. Kaayusan ng mga opinyon sa pagbibigay komentaryo. Kabisaan sa pagpapalutang ng paksa. Katumpakan ng mga impormasyon sa isinagawang saliksik. Kaisahan ng mga kasapi ng pangkat sa presentasyon.

53

Aralin 1.5 A. Panitikan: Tiyo Simon Dula Pilipinas ni N.P.S. Toribio

B. Gramatika / Retorika: Pandiwang nasa Panaganong Paturol (Pagbibigay ng Impormasyon) C. Uri ng Teksto: Panimula Ang dula, ayon kay Aristotle, ay isang masining at makaagham na panggagaya sa kalikasan ng buhay. Itoy kinatha at itinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay sa wika, sa kilos, at sa damdamin. Bilang sining, may layunin itong makaaliw, makapagturo o makapagbigay ng mensahe o makaantig ng damdamin at makapukaw ng isip. Ang Aralin 1.5 ay tatalakay sa isang dulang Pilipino na Tiyo Simon na akda ni N.P.S. Toribio. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa pandiwang nasa panaganong paturol sa pagbibigay ng makatotohanang impormasyon. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang naipamamalas mo ang pagpapahalaga sa dula at nakapagsasalaysay ka ng mga pangyayaring nagbibigay ng makatotohanang impormasyon sa tulong ng mga pandiwang nasa panaganong paturol. Mamarkahan ka ayon sa inaasahang produkto o pagganap batay sa sumusunod na pamantayan: iskrip (malinaw na detalye, maayos na pagkakasunodsunod ng mga pangyayari); pagbabalita (pagsasalita, istilo), paglalapat ng musika at tunog (technical application) Simulan mo na ang pag-aaral ng aralin upang masagot mo ang mga pokus na tanong na: Paano naiiba ang dulang melodrama sa iba pang uri ng dula? Bakit mahalaga ang paggamit ng pandiwang nasa panaganong paturol sa pagbibigay ng makatotohanang impormasyon? Ang sagot sa mga tanong na ito ay matutuklasan mo sa masusing pagunawa sa aralin sa modyul na ito. Handa ka na ba sa gagawin mong paglalakbay? Kung handa ka na, simulan mo na ang pag-aaral. Yugto ng Pagkatuto A. Tuklasin Alamin muna natin ang lawak ng iyong kaalaman kaugnay ng paksang ating tatalakayin. Subukin mong sagutin ang gawain sa ibaba: Nagsasalaysay

54

Gawain 1. Amain Ko, Kilalanin Mo Magbigay ng ilang katangian ng iyong amain/tiyuhin na labis mong hinahangaan. Magsalaysay ng ilang patunay.

Ang iyong Amain Gawain 2. Ikuwento Mo Magsalaysay ng sariling karanasan o karanasan ng iba na may kaugnayan sa salitang nasa bilohaba. Isalaysay kung anong pangyayari o pagkakataon ang nagtulak sa iyo/sa iba na magbagong buhay.

pagbabagongbuhay
Gawain 3. Naisip Mo Ba? Paano naiiba ang melodrama sa iba pang anyo ng dula. Ipakita ito sa pamamagitan ng comparison organizer. Gayahin ang kasunod na pormat sa papel. Pagkakatulad

Melodrama Iba Pang Anyo ng Dula

Pagkakaiba B. Linangin May mga dahilang nagbabago ang paniniwala ng tao dahil sa galaw at pagbabago rin ng mundo. Dumarating ang isang pambihirang pagkakataon o isang bagay na hindi man inaasahan ay magpapabago sa ating pananaw, pilosopiya at paniniwala sa buhay. Tuklasin mo ang naiibang kuwento ni Tiyo Simon at kung papaanong binago ng isang bata ang kaniyang paniniwala. Basahin mo ito nang may pang-unawa.

55

Tiyo Simon Dula Pilipinas ni N.P.S. Toribio Mga Tauhan: Tiyo Simon - isang taong nasa katanghalian ang gulang, may kapansanan ang isang paa at may mga paniniwala sa buhay na hindi maunawaan ng kaniyang hipag na relihiyosa Ina ina ni Boy Boy pamangkin ni Tiyo Simon. Pipituhing taong gulang Oras Tagpo: Sa loob ng silid ni Boy. Makikita ang isang tokador na kinapapatungan ng mga langis at pomada sa buhok, toniko, suklay at iba pang gamit sa pag-aayos. Sa itaas ng tokador,nakadikit sa dingding ang isang malaking larawan ng Birheng nakalabas ang puso at may tarak itong punyal. Sa tabi ng nakabukas na bintana sa gawing kanan ay ang katreng higaan ng bata. Sa kabuuan, ang silid ay larawan ng kariwasaan. Sa pagtaas ng tabing, makikita si Boy na binibihisan ng kaniyang ina. Nakabakas sa mukha ng bata ang pagkainip samantalang sinusuklay ang kaniyang buhok. (Biglang uunat ang babae, saglit na sisipatin ang ayos ng anak, saka ngingiti.) Ina: Boy: Ina: Boy: Ina: Boy: Ina: Boy: Ina: Boy: Ina: O, hayan, di nagmukha kang tao. Siya, diyan ka muna at ako naman ang magbibihis. (Dadabog) Sabi ko, ayaw kong magsimba, e! Ayaw mong magsimba! Hindi maa... Pagagalitin mo na naman ako, e! At anong gagawin mo rito sa bahay ngayong umagang ito ng pangiling-araw? Maiiwan po ako rito sa bahay, kasama ko si ... si Tiyo Simon... (Mapapamulagat) A, ang ateistang iyon. Ang ... Patawarin ako ng Diyos. Basta. Maiiwan po ako... (Ipapadyak ang paa) Makikipagkuwentuhan na lamang ako kay Tiyo Simon... (Sa malakas na tinig) Makikipagkuwentuhan ka? At anong kuwento? Tungkol sa kalapastanganan sa banal na pangalan ng Panginoon? Hindi, Mama. Maganda ang ikinukuwento ni Tiyo Simon sa akin... A, husto ka na ... Husto na, bago ako magalit nang totohanan at humarap sa Panginoon ngayong araw na ito nang may dumi sa kalooban Pero... Husto na sabi, e! Umaga, halos hindi pa sumisikat ang araw.

(Matitigil sa pagsagot si Boy. Makaririnig sila ng mga yabag na hindi pantay, palapit sa nakapinid na pinto ng silid. Saglit na titigil ang yabag; pagkuway makaririnig sila ng mahinang pagkatok sa pinto.)

56

Ina: (Paungol) Uh ... sino yan? Tiyo Simon: (Marahan ang tinig) Ako, hipag, naulinigan kong ... (Padabog na tutunguhin ng babae ang pinto at bubuksan iyon. Mahahantad ang kaanyuan ni Tiyo Simon, nakangiti ito.) Tiyo Simon: Maaari bang pumasok? Naulinigan kong tila may itinututol si Boy ... Boy: (Lalapit) Ayaw kong magsimba, Tiyo Simon. Maiiwan ako sa iyo rito. Hindi ako sasama kay Mama. Ina: (Paismid) Iyan ang itinututol ng pamangkin mo, Kuya. Hindi nga raw sasama sa simbahan ...

(Maiiling si Tiyo Simon, ngingiti at paika-ikang papasok sa loob. Hahawakan sa balikat si Boy.) Tiyo Simon: Kailangan ka nga namang sumama sa simbahan, Boy. Kung gusto mo... kung gusto mong isama ako ay maghintay kayo at akoy magbibihis ... Magsisimba tayo. (Mapapatingin nang maluwat si Boy sa kaniyang Tiyo Simon, ngunit hindi makakibo. Ang ina ay napamangha rin. Tatalikod na si Tiyo Simon at lalabas. Maiiwang natitigilan ang dalawa. Pagkuway babaling ang ina kay Boy.) Ina: Boy: Ina: Nakapagtataka! Ano kayang nakain ng amain mong iyon at naisipang sumama ngayon sa atin? Ngayon ko lamang siya makikitang lalapit sa Diyos ... Kung sasama po si Tiyo, sasama rin ako ... Hayun! Kaya lamang sasama ay kung sasama ang iyong amain. At kung hindi, e, hindi ka rin sasama. Pero, mabuti rin iyon ... Mabuti, sapagkat hindi lamang ikaw ang maaakay ko sa wastong landas kundi ang kapatid na iyon ng iyong ama na isa ring ...

(Mapapayuko ang babae, papahirin ang luhang sumungaw sa mga mata. Magmamalas lamang si Boy.) Ina: (Mahina at waring sa sarili lamang). Namatay siyang hindi man lamang nakapagpa-Hesus. Kasiy matigas ang kalooban niya sa pagtalikod sa simbahan. Pareho silang magkapatid, sila ng iyong amain. Sana;y magbalik-loob siya sa Diyos upang makatulong siya sa pagliligtas sa kaluluwa ng kaniyang kapatid na sumakabilang buhay na ...

(Mananatiling nagmamasid lamang si Boy. Pagkuway nakarinig sila ng hindi pantay na yabag, at ilang sandali pa ay sumungaw na ang mukha ni Tiyo Simon sa pinto. Biglang papahirin ng babae ang kaniyang mukha, pasasayahin ito, at saka tutunguhin ang pinto.) Ina: Siyanga pala. Magbibihis din ako. Nakalimutan ko, kasiy ... diyan muna kayo ni Boy, Kuya ...

57

(Lalabas ang babae at si Tiyo Simon ay papasok sa loob ng silid. Agad tutunguhin ang isang sopang naroroon, pabuntung-hiningang uupo. Agad, naman siyang lalapitan ni Boy at ang bata ay titindig sa harapan niya.) Tiyo Simon: (Maghihikab) Iba na ang tumatandang talaga. Madaling mangawit, mahina ang katawan at ... (biglang matitigil nang mapansing ang tinitingnan ng bata ay ang kaniyang may kapansanang paa. Matatawa.) Bakit napilay po kayo, Tiyo Simon? Totoo bang sabi ni Mama na iyay parusa ng Diyos? ... (Matatawa) Sinabi ba ng Mama mo yon? Oo raw e, hindi kayo nagsisimba. Hindi raw kasi kayo naniniwala sa Diyos. Hindi raw kasi ... (Mapapabuntong-hininga) Hindi totoo, Boy, na hindi ako na naniniwala sa Diyos ... Pero yon ang sabi ni Mama, Tiyo Simon. Hindi raw kasi kayo nangingilin kung araw ng pangilin. Bakit hindi kayo nangingilin, Tiyo Simon? May mga bagay, Boy na hindi maipaliwanag. May mga bagay na hindi maipaaalam sa iba sa pamamagitan ng salita. Ang mga bagay na ito ay malalaman lamang sa sariling karanasan sa sariling pagkamulat ... ngunit kung anuman itong mga bagay na ito, Boy, ay isa ang tiyak: malaki ang pananalig ko kay Bathala. Kaya ka sasama sa amin ngayon, Tiyo Simon?... Oo, Boy. Sa akin, ang simbahan ay hindi masamang bagay. Kaya huwag mong tatanggihan ang pagsama sa iyo ng iyong Mama. Hindi makabubuti sa iyo ang pagtanggi, ang pagkawala ng pananalig. Nangyari na sa akin iyon at hindi ako naging maligaya.

Boy: Tiyo Simon: Boy: Tiyo Simon: Boy: Tiyo Simon:

Boy: Tiyo Simon:

(Titigil si Tiyo Simon sa pagsasalita na waring biglang palulungkutin ng mga alaala. Buhat sa malayo ay biglang aabot ang alingawngaw ng tinutugtog na kampana. Magtatagal nang ilang sandali pagkuway titigil ang pagtugtog ng batingaw. Magbubuntunghininga si Tiyo Simon, titingnan ang kaniyang may kapansanang paa, tatawa nang mahina at saka titingin kay Boy). Tiyo Simon: Dahil sa kapansanang ito ng aking paa, Boy, natutuhan ko ang tumalikod, hindi lamang sa simbahan, kundi sa Diyos. Nabasa ko ang The Human Bondage ni Maugham at akoy nanalig sa pilosopiyang pinanaligan ng kaniyang tauhan doon, ngunit hindi ako naging maligaya. Boy, hindi ako nakaramdam ng kasiyahan. Ano ang nangyari, Tiyo Simon?... Lalo akong naging bugnutin, magagalitin. Dahil doon, walang natuwang tao sa akin, nawalan ako ng mga kaibigan, hanggang sa mapag-isa ako ... hanggang sa isang araw ay nangyari sa akin ang isang sakunang nagpamulat sa aking paningin. Ano iyon, Tiyo Simon...?

Boy: Tiyo Simon:

Boy:

(Uunat sa pagkakaupo si Tiyo Simon at dudukot sa kaniyang lukbutan. Maglalabas ng isang bagay na makikilala na isang sirang manikang maliit.) Tiyo Simon: Ito ay manika ng isang batang nasagasaan ng trak. Patawid siya noon at sa kaniyang pagtakbo ay nailaglag niya ito. Binalikan niya

58

ngunit siyang pagdaan ng isang trak at siyay nasagasaan ...Nasagasaan siya, nadurog ang kaniyang isang binti, namatay ang bata... namatay...nakita ko, ng dalawang mata, ako nooy naglalakad sa malapit... At aking nilapitan, ako ang unang lumapit kaya nakuha ko ang manikang ito at nooy tangang mahigpit ng namatay na bata, na waring ayaw bitiwan kahit sa kamatayan... Boy: Tiyo Simon: (Nakamulagat) Ano pang nangyari, Tiyo Simon? Kinuha ko nga ang manika, Boy. At noon naganap ang pagbabago sa aking sarili...sapagkat nang yumuko ako upang damputin ang manika ay nakita ko ang isang tahimik at nagtitiwalang ngiti sa bibig ng patay na bata sa kabila ng pagkadurog ng kaniyang buto... ngiting tila ba nananalig na siya ay walang kamatayan...

(Magbubuntunghinga si Tiyo Simon samantalang patuloy na nakikinig lamang si Boy. Muling maririnig ang tunog ng batingaw sa malayo. Higit na malakas at madalas, mananatili nang higit na mahabang sandali sa pagtunog, pagkuway titigil. Muling magbubuntunghinga si Tiyo Simon.) Tiyo Simon: Mula noon, akoy nag-isip na, Boy. Hindi ko na makalimutan ang pangyayaring iyon. Inuwi ko ang manika at iningatan, hindi inihiwalay sa aking katawan, bilang tagapaalalang lagi sa akin ng matibay at mataos na pananalig ng isang batang hangggang sa oras ng kamatayan ay nakangiti pa. At aking tinandaan sa isip: kailangan ng isang tao ang pananalig, kahit ano, pananalig, nang sa anong bagay, lalong mabuti kung pananalig kay Bathala, kung may panimbulanan siya sa mga sandali ng kalungkutan, ng sakuna, ng mga kasawian... upang may makapitan siya kung siyay iginugupo na ng mga hinanakit sa buhay.

(Mahabang katahimikan ang maghahari. Pagkuway maririnig ang matuling yabag na papalapit. Susungaw ang mukha ng ina ni Boy sa pinto.) Ina: Boy: Tayo na, baka wala na tayong datnang misa. . Hinanap ko pa kasi ang aking dasalan kaya ako natagalan. Tayo na, Boy...Kuya (Paluksu-luksong tutunguhin ang pinto) Tayo na, Mama, kanina pa nga po tugtog nang tugtog ang kampana, e. Tayo na, Tiyo Simon, baka tayo mahuli, tayo na!

(Muling maririnig ang tugtog ng kampana sa malayo. Nagmamadaling lalabas si Boy sa pinto. Lalong magiging madalas ang pagtugtog ng kampana lalong magiging malakas, habang bumababa ang tabing) Alam mo ba na ... ang melodrama ay isang dulang nagtataglay ng malulungkot na pangyayari? Maaaring itoy makaantig ng damdamin subalit nagwawakas ito nang masaya at kasiya-siya sa mabubuti at mababait na tauhan sa dula.

59

Gawain 4. Paglinang ng Talasalitaan Ibigay ang pahiwatig na kahulugan ng sumusunod na pahayag. Punan ng titik ng kahon upang mabuo ang kahulugan nito. Pagkatapos, gamitin ito sa pagbuo ng makabuluhang pangungusap. Gayahin ang pormat sa papel. 1. Araw ng pangingilin P G M

2. Namatay na hindi nakapagpa-Hesus N B D S Y N

3. Sumakabilang-buhay na N T Y

4. Naulinigan kong may itinututol siya N R G

5. Matibay at mataos na pananalig M T B

6. Kailangan ng pananalig P N M L T

Gawain 5. Sa Antas ng iyong Pag-unawa Sagutin ang mga gabay na tanong. 1. Ano ang malaking impluwensiya ng pangunahing tauhan kay Boy? Patunayan. 2. Bakit naisipan ni Tiyo Simon na sumama sa mag-ina sa simbahan? 3. Anong damdamin ang namayani sa hipag ni Tiyo Simon sa pagbabalik-loob niya sa Diyos? Kung ikaw ang hipag ni Tiyo Simon, ganoon din ba ang iyong mararamdaman? Ipaliwanag. 4. Bakit kailangang magkaroon ng matibay na pananalig sa Diyos ang isang tao? 5. Dapat bang sisihin ng tao ang Diyos sa mga pagkakataong dumaranas siya ng mga kabiguan sa buhay? Pangatuwiranan. 6. Kapani-paniwala ba ang mga pangyayaring inilahad sa dula? Tukuyin ang mga pangyayaring makatotohanan at hindi makatotohanan sa akda. Patunayan. 7. Matapos mong mabasa at masuri ang akda,

60

Ano ang iyong nadama?

Ano ang binago nito sa iyong pag-uugali?

Bakit mo ibabahagi sa iba na basahin ito?

8. Bakit isang melodrama ang akdang iyong binasa? Patunayan. 9. Anong kulturang Pilipino ang inilarawan sa akda? Ihambing ito sa kultura ng alinman sa mga bansang Asyano. 10.Pumili ng dalawa o tatlong madudulang pangyayari sa akda na naibigan.Ipaliwanag kung bakit ito ang inyong napili. Isadula sa klase ang naibigang pangyayari sa dula. Matapos mong mapag-aralan ang mga pangyayari sa dulang Tiyo Simon , hinihikayat kitang basahin ang kasunod na teksto. Subukin mo namang alamin kung paano nakatulong ang pandiwang panaganong paturol upang mapalutang ang mensahe sa teksto. Basahin mo ang kasunod na tekstong nagsasalaysay. Kapag Naiisahan Ako ng Aking Diyos ni Raquel E. Sison-Buban Madalas kong kontrolin ang mga bagay-bagay at pangyayari sa buhay ko dahil ayokong-ayokong pumapalpak. Kasi takot akong mawala at mawalan. Takot akong mawala sa sirkulasyon ng dati nang nakagawiang ritmo ng buhay. Takot din akong mawalan nang ini-enjoy na pribilehiyo at istatus sa buhay. Kaya gusto kong kontrolado ko ang lahat ng bagay sa aking buhay. Madalas ko ring makita ang sarili kong walang kontrol lalo na kapag ginagawa ko ang isang bagay na gustong-gusto kong gawin, o mga bagay na gustong-gusto kong mapasaakin; maging materyal man o hindi. Bunga ng mga ito, madalas mangyari sa akin ang mga labis kong kinatatakutan: ang pumalpak, ang mawala, at mawalan. Madalas matuklasan na ang may pakana at may kagagawan ng lahat ng ito ay ang aking Diyos. Sa likod ng lahat ng mga pangyayaring ito sa aking buhay ang aking Diyos ang siyang nanggugulo sa akin sukat masira ang lahat ng plano ko sa

61

buhay. Sa tuwing, akoy madidismaya sa kapalpakan ng isang plano, madalas kong maisip na, Naisahan na naman ako ng aking Diyos! Madalas hinahanap ko sa aking sarili ang dahilan kung bakit sa kabila ng katotohanang ito, hindi pa rin ako matuto-tuto. Plano pa rin nang plano kahit alam ko namang malaki ang posibilidad na hindi naman ito matutuloy dahil guguluhin na naman ito ng aking Diyos. Pilit ko pa ring kinokontrol ang mga bagay kahit alam kong hindi ito nakatutulong sa akin. Simple lang naman ang gustong sabihin ng aking Diyos. Kailangan kong ibigay ang lahat ng aking pananalig at pag-asa sa Kaniya. Kailangang hayaan ko ang Kaniyang kamay na siyang magplano para sa akin. Kailangang ipaubaya ko sa Kaniya ang plano dahil ang totoo, Siya ang pinakamahusay na arkitekto ng buhay. Simple pero mahirap gawin. Gayunman, puwedeng gawin. Lalot hahayaan ko ang aking sariling matakot sa mga dati ko nang kinatatakutan: ang mawala at mawalan. Eh, ano nga kaya kung mawala ako at mawalan? Eh, ano nga kaya kung talagang hindi ko na makikilala ang aking sarili dahil maiiba ang nakagawiang leybel sa akin na ikararangal ko? Eh, ano nga kaya kung maging palpakin ako? Teka, lalo yata akong natatakot. Pero huhulihin ko ang aking sarili at paalalahanan, hindi naman iyan ang ibig mangyari sa akin ng aking Diyos. Hindi naman ibig ng Diyos na maging palpakin ako. Sa halip, ibig Niya akong magtagumpay ibang depinisyon nga lamang siguro ng tagumpay. Tagumpay na di materyal. Tagumpay na magpapalakas sa aking kahinaan. Tagumpay laban sa takot. Tagumpay laban sa hindi maipaliwanag na pagkahumaling sa pagkontrol. Tagumpay na sa kabila ng kabiguan ay makita ang sariling may bakas pa rin ng tagumpay. Tagumpay na kung kumawala sa dikta ng nakagawiang ritmo ng buhay. Tagumpay na bukod-tanging ang aking Diyos lamang at ako ang makauunawa. Kaya madalas, iniimbitahan ko na ang aking Diyos na bulabugin ako sa aking buhay. Gawain 6. Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Ano ang naunawaan sa bandang huli ng nagsasalita sa teksto tungkol sa kinasapitan ng kaniyang mga plano sa buhay? 2. Ano ang nais ipahiwatig ng nagsasalita sa pagsasabing: Iniisahan ako ng aking Diyos? Pangatuwiranan ang sagot. 3. Paano haharapin ng tao ang lahat ng mga kabiguang dumarating sa kaniyang buhay? 4. Naniniwala ka bang parusa ng langit ang mga pagsubok na nararanasan ng tao? Patunayan ang sagot. 5. Kung ikaw ang nasa katayuan ng nagsasalita, iisipin mo rin bang iniisahan ka ng iyong Diyos? Bakit? Bigyan ng patotoo ang iyong sagot. 6. Bakit ipinalalagay na impormal ang kababasa mong teksto? Patunayan.

62

Napansin mo ba ang mga salitang may salungguhit mula sa tekstong iyong binasa? Ano ang tawag mo sa mga ito? Mahusay kang talaga! Tama ang iyong mga sagot. Ang salitang nakasalungguhit ay mga pandiwang nasa panaganong paturol. Kadalasan nang ginagamit ang mga panaganong paturol upang maging mabisa ang paglalahad ng mga impormasyon. Mahalagang alam mo ang pandiwang panaganong paturol dahil malaking tulong ito sa pagsasagawa mo ng inaasahang pagganap. Naririto ang mahalagang paliwanag na dapat mong tandaan. Gawain 7. Pagsasanib ng Gramatika/ Retorika Tahasang isinasaad ng pandiwang panaganong paturol ang kilos na ipinahahayag nito. Kadalasan ay tuwirang ginagawa o naaapektuhan ng tagaganap ang ipinahahayag ng kilos ng pandiwa. Lahat ng uri ng pandiwa ay nababanghay para sa aspekto: nagsasaad na ang kilos ay (perpektibo) naganap na, (imperpektibo) kasalukuyang nagaganap at kontemplatibo (kilos na gagawin pa lamang). Mga Halimbawa: 1. Kumuha sa mesa ng makakain natin si Edzel. (perpektibo) 2. Nagsusuklay si Jane habang pinanonood ang mga batang naglalaro. (imperpektibo) 3. Tiyak na magugustuhan ni Eric kapag natikman niya ang dala mong kakain. (kontemplatibo) 4. Kaiinom lang niya ng gamot. (katatapos) Kasama rin dito ang pang-apat na aspekto, ang perpektibong katatapos. Nabubuo ito sa pagsasama ng panlaping ka + pag-uulit ng unang pantig ng salitangugat + salitang-ugat. Mga Halimbawa: 1. Katutuklas ko lamang na ang may pakana ng lahat ng ito ay ang aking Diyos. 2. Kaiimbita ko sa aking Diyos na bulabugin ako sa aking buhay. Kung naunawaan mo ang paliwanag tungkol sa pandiwang nasa panaganong paturol, bibigyan kita ng gawaing susubok sa iyong natutuhan. Alam kong kayangkaya mo ito. Pagsasanay 1 Piliin ang iba pang pandiwang nasa panaganong paturol na ginamit sa teksto. Isulat ito sa hanay na dapat kalagyan. Gayahin ang pormat sa papel.
PERPEKTIBO IMPERPEKTIBO KONTEMPLATIBO PERPEKTIBONG KATATAPOS

63

Pagsasanay 2 Banghayin ang mga pandiwang neutral/pawatas sa aspektong perpektibo, imperpektibo at kontemplatibo. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.
NEUTRAL/ PAWATAS PERPEKTIBO IMPERPEKTIBO KONTEMPLATIBO

ipaubaya kontrolin mawalan hayaan sabihan kumawala matuklasan ibigay gawin magpaubaya Pagsasanay 3 Sumulat ng isang talatang nagsasalaysay ng pangyayari tungkol sa alinmang paksa sa ibaba. Gumamit ng mga pandiwang nasa panaganong paturol sa pagbibigay ng impormasyon. Bilugan ang mga ito. Mga mungkahing paksa: (Maaaring magbigay ng iba pang paksa) 1. Zamboanga Crisis 2. Lindol sa Bohol 3. Bagyo 4. Pork Barrel 5. Halalan 6. Kariton ni Efren Peaflorida 7. Global Warming C. Pagnilayan at Unawain Mahusay ang ipinakikita mong sigasig upang matutuhan at maunawaan ang mga aralin sa modyul na ito. At upang subukin kung talagang naunawaan mo ang mahahalagang konsepto na dapat mong matamo. Simple lang, sagutin mo ang kasunod na mahahalagang tanong. 1. Paano naiiba ang dulang melodrama sa iba pang uri ng dula? 2. Bakit mahalaga ang paggamit ng pandiwang nasa panaganong paturol sa pagbibigay ng makatotohanang impormasyon? D. Ilipat Maganda ang ipinakikita mong kahusayan. Ngayon ay tatayain mo ang iyong natutuhan sa araling ito. Kayang-kaya mong isagawa ang gawaing ito.

64

Isa kang mamamahayag (field reporter) sa isang istasyon ng radyo. Naatasan ka ng iyong current affairs executive na kumuha ng mga impormasyon at ibalita ang tungkol sa muling pagtatagpo ng mag-inang matagal na nagkawalay nang mawala ang kaniyang anak sa isang mall. Ito ay isasahimpapawid mo sa Radyo Journalismo sa ganap na ikaanim ng gabi. Dapat mong isaalang-alang ang sumusunod na pamantayan para malaman mo kung paano ka mamarkahan: iskrip (malinaw na detalye, maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari); pagbabalita (pagsasalita, istilo), paglalapat ng musika at tunog (technical application). Tatayain ka ayon sa sumusunod na rubrics. 10 puntos kung lahat ng pamantayan ay naisakatuparan 8 puntos kung dalawa sa mga pamantayan ang naisakatuparan 5 puntos kung isa sa mga pamantayan ang naisakatuparan Magaling! Mahusay mong naisagawa ang inaasahang pagganap. Patunay ito na naunawaan mo ang kabuuan ng ating aralin. Iminumungkahi kong muli mong balikan ang mahahalagang tanong upang matiyak na tama ang kakailanganing pagunawa na nais kong matamo mo sa katapusan ng aralin. Magiging mapanghamon ang susunod na gawaing inihanda ko para sa iyo. Bagaman naniniwala ako na kayang-kaya mong isagawa ito sapagkat natutuhan mo na ngayon ang mga kasanayang dapat na malinang sa iyo. Susubukin ko kung papaano mo gagamitin ang mga natutuhan mo sa paggawa ng pangwakas na gawaing ihahanda mo. Paghusayan mong lalo ang pagganap sa gagawin mong proyekto.

C. Pagnilayan at Unawain (para sa Modyul sa 1)


Ang aklat ay susing tagapagbukas sa pintuan ng karunungan at kaalaman. Ayon kay Alan Boyko, The more kids read, the better readers they become... Mahalaga ang pagkahilig sa pagbabasa at mabuti itong masimulan sa murang gulang pa lamang. Ito ay kailangan ng tao upang hindi siya maiwan sa takbo ng panahon lalo na ngayon na maraming bagong kaalaman ang natutuklasan sa pamamagitan ng kaalamang panteknolohiya. Mabuti itong pampalipas oras dahil bukod sa maituturing itong solusyon sa pagkabagot ay may mga aral pang makukuha sa mga akdang pampanitikang maaaring maging gabay sa buhay. Hindi rin nalalayo ang mga layuning nabanggit sa pagtatanghal ng mga book fair ng iba-ibang publishing house. Dagdag pa ni Boyko, ...with every fair, were connecting kids to books they want to read. At tulad ng mga dalubhasa at mga iskolar na tagapagsulong sa kahalagahan ng pagbabasa, ito rin ang pagganap na inaasahang malinang sa iyo. Sa pagkakataong ito, ikaw naman ang magpapakita ng mahalagang kaalamang natutuhan mo sa ating mga aralin. Gagawa ka ng malikhaing panghihikayat na basahin at tangkilikin din ng iba ang mga saling akdang pampanitikang ng TimogSilangang Asya. Sa pagtatapos ng gawaing ito, inaasahang naipamamalas mo ang

65

pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan na salin sa TimogSilangang Asya. Mamarkahan ka ayon sa inaasahang produkto o pagganap batay sa sumusunod na pamantayan o kraytirya: barayti ng mga babasahin, kaangkupan ng layunin, kaayusan at kagandahan ng display at hikayat sa madla.

GAWAIN 1. Magbalik-tanaw Gumawa ng paglalagom sa kabuuan ng modyul.


Natutuhan ko sa buong modyul na ___________________________ Natuklasan ko na _________________________________________ Masasabi ko na ___________________________________________

GAWAIN 2. Naaalala Mo Ba? Bilang bahagi ng natutuhan mo sa lahat ng aralin, subukin mong sagutin ang kasunod na gawain sa iyong sagutang papel. Gayahin ang pormat.

Mga natutuhan ko sa Wika

Aralin

Mga natutuhan ko sa Akda

Ang Ama Ang Alamat ni Prinesa Manorah Estela Zeehandelaar Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan Tiyo Simon

GAWAIN 3. Subukin Natin Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Nalaman ko na kailangang pag-aralan ang mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya dahil ______________________________. 2. Ano ang nabago sa iyo, pagkatapos mong pag-aralan ang mga saling akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya? 3. Ihambing ang kultura ng Pilipinas sa mga bansang pinagmulan ng mga saling akdang pampanitikang pinag-aralan. Ano-ano ang mga pagkakahalintulad? 4. Ang sumusunod ay halimbawa ng malikhaing panghihikayat. Ipaliwanag ang mga ito at magbigay ng halimbawa.

66

patalastas islogan

pangangampanya signages (road signs)

print ad book fair

Isa-isahin ang kahalagahan sa pagsasagawa ng malikhaing panghihikayat na book fair. Marahil handa ka para sa pagsasagawa ng inaasahang produkto sa unang markahan. Sa mga nalinang sa iyong kasanayan, natitiyak kong kayang-kaya mong maisagawa ang isang malikhaing panghihikayat sa pamamagitan ng book fair na magtatampok ng mga saling akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya. Sa pamamagitan ng pakikiisa ng bawat kasapi sa isang pangkat ay makagagawa ka ng book fair na magtatanghal sa lahat ng tinalakay na akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya. Naririto ang ilang gabay na dapat isaalangalang sa paggawa nito. Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsasagawa ng Malikhaing Panghihikayat o Book Fair 1. Magkaisa ang buong klase kung ano ang magiging tema ng isasagawang book fair. Halimbawa: Panitikan ng Timog-Silangang Asya: Isang Pagbabalik-tanaw, Isang Paglalakbay. 2. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Magpalabunutan kung anong akdang pampanitikan ang itatanghal sa book fair. 3. Kailangang maipakita sa isasagawang book fair ang kultura, pagkakakilanlan at kaugnay na kasaysayan ng bansang kinabibilangan ng akdang napili upang mas makilala pa ng mga mambabasa ang bansang ito. 4. Maaaring magdagdag ng iba pang saling akdang pampanitikan sa TimogSilangang Asya na isasama sa book fair. 5. Bahagi ng isasagawang gawain ang pagkakaroon ng visual presentation sa pamamagitan ng eksibit ng mga larawan, detalye tungkol sa nilalaman ng akda,at mga trivia at mahuhusay na output sa isinagawang mga gawain sa mga akdang pinag-aralan. 6. Maging malikhain upang mahikayat ang mga mambabasa na tangkilikin ang akdang itinatampok. Maaaring langkapan ng teknolohiya ang presentasiyon para sa book fair. 7. Magsagawa rin malikhaing pagkukuwento (story telling), pagbigkas ng tula (poetry reading), tagisan ng talino (quiz bee) o laro upang mahikayat pang lalo ang mga mambabasa. Pagkatapos mong malaman ang mga pamantayan sa pagsasagawa ng inaasahang pagganap, nakatitiyak ako na magiging matagumpay ang iyong gagawing produkto.

67

D. Ilipat (para sa Modyul 1)


Isa kang marketing specialist ng isang publishing house. Ang iyong kompanya ay magbibigay ng insentibong makapaglakbay sa HongKong partikular sa Disneyland kapag naabot mo ang quota ng kita para unang kuwarter ng taon. Kaya naman, naisip mo na magsagawa ng isang book fair upang itampok ang mga saling akdang pampanitikan ng TimogSilangang Asya. Isasagawa ito sa loob ng dalawang araw sa isang mall. Upang matiyak na maayos ang kalalabasan ng iyong balakin, naririto ang pamamaraan sa pagmamarka na dapat mong isaalang-alang. Barayti ng mga babasahin 30% Kaangkupan ng layunin 30% Kaayusan ng display 20% Hikayat sa madla 20% Kabuuan 100%
Binabati kita at matagumpay mong naisakatuparan ang mga gawain sa

Modyul na ito. Sa pamamagitan ng mga gawain na iyong naisakatuparan, nagkaroon ka na ng mas malalim na pang-unawa sa ilang akdang pampanitikan ng TimogSilangang Asya. Walang dudang isa kang masipag at matalinong mag-aaral. Natugunan mo ang lahat ng gawaing inilaan sa iyo. Tunay marami ka nang kaalamang naipon ngayon at higit na ang kahandaan mo sa mga susunod pang aralin sa modyul na ito.

68

You might also like