Selected International Human Rights Instruments (Mga Piling Pandaigdig Na Kasunduan at Deklarasyon NG Nagkakaisang Mga Bansa Hinggil Sa Karapatang Pantao)

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 512

________________________________________________

________________________________________________ 1

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

________________________________________________ 2

________________________________________________

Selected International Human Rights Instruments


(Isinalin sa Pilipino) Mga Piling Pandaigdig na Kasunduan at Deklarasyon ng Nagkakaisang mga Bansa Hinggil sa Karapatang Pantao

EED Luzon Governance Group December 2011 Secretariat: Project Development Institute 91 Madasalin Street, Sikatuna Village, Quezon City, Philippines

________________________________________________ 3

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

Published by the Evangelischer Entwicklungsdiensts e.v. Luzon Governance Group (EED-LGG) 91 Madasalin Street, Brgy. Sikatuna Village, 1101 Quezon City, Philippines Tel. No. (632) 351-7553 ( Printing Press Name ) Copyright of the The Rights-Based Approach On Good Governance @ EED-LGG 2012 EED-LGG, Inc. Copyright of the individual works remain with their respective authors. All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by any means without the permission of the copyright owner and the publisher. ISBN ( number ) Lay-out: Ramon T. Ayco, Sr. of Project Development Institute Set in Times New Roman Txt LT Std, pt. 12 Cover Design Ilustrator, Ernie dela Pea

Published in the Philippines

________________________________________________ 4

________________________________________________

________________________________________________ i

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

NILALAMAN
Paunang Salita . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . vii Pagkilala . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . x Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao . . 3 (Universal Declaration of Human Rights) Pandaigdig na Kasunduan sa mga Karapatang Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkalinangan . . . . . . . . 17 (International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights) Pandaigdig na Kasunduan sa mga Karapatang Sibil at Pampulitika . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 41 (International Covenant on Civil and Political Rights) Internasyunal na Kumbensyon ukol sa Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Panlahing Diskriminasyon . . . . . . . . . 81 (International Convention on the Elimination of All Forms of Racial Discrimination) Internasyunal na Kumbensyon ukol sa Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Pagtatangi-tangi Laban sa Kababaihan . . 109 (Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination against Women) Kumbensyon Laban sa Tortyur at iba pang Di Makatao na Pagtrato at Pagpaparusa . . . . . . . . . . . . . . 137 (Convention Against Torture and Other Cruel, Inhuman or Degrading Treatment or Punishment) Deklarasyon ng Karapatan ng mga Sambayanan sa Kapayapaan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 167 (Declaration on the Right of Peoples to Peace)

________________________________________________ ii

________________________________________________
Pandaigdig na Kasunduan sa mga Karapatan ng Bata . . 171 (Convention on the Rights of the Child) Pandaigdig na Kasunduan para sa Proteksyon ng mga Karapatan ng Lahat ng mga Migranteng Manggagawa at mga Kasapi ng kanyang Pamilya . . . . . . . . . . . . . . . . . . 217 (International Convention on the Protection of the Rights of All Migrant Workers and Members of Their Families) Pahayag hinggil sa karapatan at responsibilidad ng mga indibidwal, mga grupo at organo ng lipunan upang itaguyod at ipagtanggol ang mga pandaigdigang kinikilalang mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan . . . . . 237 (The Declaration on human rights defenders) Pandaigdig na Pagpapahayag hinggil sa mga Karapatang ng mga Katutubo . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 251 (United Nations Declaration on the Rights of Indigenous Peoples) Opsyonal na Protokol kaugnay ng Kumbensyon Laban sa Tortyur . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 277 (Optional Protocol to the United Nations Convention against Torture and other Cruel, Inhuman or Degrading Treatment or Punishment (OPCAT)) Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas . . . . . . 301 Praymer sa Karapatan sa Sapat na Pagkain . . . . . . . . . . . 423 Praymer sa Karapatan sa Paggawa . . . . . . . . . . . . . . . . . . 431 Praymer sa Karapatan sa Tubig . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 441 Praymer sa Karapatan ng mga May Kapansanan . . . . . . 455 Praymer sa Karapatan sa Kalusugan . . . . . . . . . . . . . . . . . 463 Praymer sa Karapatan sa Edukasyon . . . . . . . . . . . . . . . . 479 Praymer sa Karapatan sa Sapat na Pabahay. . . . . . . . . . . 491

________________________________________________ iii

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

________________________________________________ iv

________________________________________________

Paunang Salita:

ng aklat na ito ay naglalaman ng mga piling dokumento ukol sa mga pangdaigdigang instrumento ng karapatang pantao na isinalin sa Pilipino upang lalong maunawaan ng mga komunidad sa lungsod at kanayunan. Ito rin ay nakabatay sa mga pag-aaral na inilunsad ng EED-Luzon Governance Group (EED-LGG) na nagsikap na magsagawa ng mga aralin ukol sa pagsasakatuparan ng Wastong Pamamahala na Naaayon sa mga Saligang Karapatang Pantao. Ang EED-LGG ay itinatag upang bigyang-kakayahan ang mga organisasyon na isulong ang tamang pamamahala na naayon sa mga saligang karapatan. Kinikilala ang EED-LGG na isang tulay sa pagitan ng mga partner ng EED sa Luzon para sa wastong pamamahala sa mga komunidad. Ang unang bahagi ng programa ng EED-LGG ay nagluwal ng isang Modyul sa Pamamahala na naglatag ng mga pamantayan para sa mga development worker. Ang modyul ay mahalaga sa pagtanto sa kakayahan ng mga development worker at ng pagtasa sa antas ng pagsasakatuparan ng gawaing pamamahala. Sa ikalawang bahagi, isinagawa ng EED-LGG ang tatlong sunud-sunod na pagsasanay ng mga lider ng mga NGO at ng ________________________________________________ v

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ kanilang magiging tagahalili ukol sa wastong pamamahala na naaayon sa mga saligang karapatan (RBA101). Kasama nito ang pag-alam at paglunsad ng tutok-sa-problemang talakayan sa 33 pook upang itakda ang saklaw ng gawaing pamamahala ng mga partner ng EED sa Luzon. Isang katangian ng pagsasanay ang Lakbay Aral Program na kinatatampukan ng pagbisita ng mga NGO partner sa ibatibang komunidad upang magmasid sa kani-kaniyang paraan ng pamamahala. Ang mga gustong sapuling benepisyaryo ng EED-LGG ay ang mga organisasyon ng mga mamamayan o peoples organization (PO) na kaanib ng 15 partner ng EED-LGG sa Hilagang Luzon, Timog Luzon, Gitnang Luzon at National Capital Region. Ang mga partner ng EED-LGG ay ang mga sumusunod: Cordillera Womens Educ Action Resource Center (CWEARC ) Episcopal Church of the Philippines (ECP) Food First Information and Action Network (FIAN) - Philippines Integrated Development Program for Indigenous People (IDPIP) Integrative Medicine for Alternative Healthcare Systems (INAM) - Philippines Institute for Popular Democracy (IPD) Kanlungan Center Foundation Inc. (KCFI) Katinnulong Daguiti Umili iti Amianan (KADUAMI) Montaosa Research and Development Center (MRDC) ________________________________________________ vi

Paunang Salita ________________________________________________ Project Development Institute (PDI) SARILAYA, Inc. Sibol ng Agham at Teknolohiya (SIBAT) Indigenous Peoples International Centre for Policy Research and Education (TEBTEBBA) Task Force on Indigenous People (TFIP) Unified Peoples Institution for Community Organization Building (UPICOB) Nagbuo rin ang EED-LGG ng isang Steering Committee mula sa mga partner nito. Binubuo ito nina Roxanne Veridiano (Cordillera), Luz Brozula (Timog Luzon), Jenny Madamba at Norman Patio (IPD) ng NCR at ni Aurea M. Teves ng Gitnang Luzon bilang Convenor o Tagapag-ugnay. Umaasa kami na ang babasahing ito ay tutulong sa paggabay sa mga mamamayan sa pagsulong sa kanilang kahilingan sa gobyerno na respetuhin, protektahan at isakatuparan ang kanilang mga karapatan sa pamamagitan ng wastong pamamahala. Aurea G. Miclat-Teves Convenor, EED-LGG

________________________________________________ vii

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

Pagkilala:

ng aklat na ito ay bunga ng pakikipagtulungan ng mga indibidwal at mga institusyon na sumusuporta sa Wastong Pamamahala na Naaayon sa mga Saligang Karapatan ng mga mamamayan. Pinasasalamatan natin si G. Heiner Knauss at Bb. Jutta Werdes ng Evangelischer Entwicklungsdienst sa kanilang di natitinag na pagtaguyod at komitment sa pakikibaka ng mamayang Pilipino na ipagtanggol ang kanilang karapatang pantao. Pinasasalamatan din natin si Ramon Ayco, Analyn Osias, Gina de Fiesta at Myrna Arandia sa kanilang suporta at serbisyo para sa programa. Sumuporta rin sa EED-LGG Steering Committee na pinamumunuan ni Aurea M. Teves sina Jenny Madamba, Roxanne Veridiano, Norman Patio at Luz Brozula. Pinasasalamatan din natin ang mga kasaping organisasyon CWEARC, ECP, FIAN, IDPIP, INAM, IPD, KADUAMI, KCFI, MRDC, PDI, SARILAYA, SIBAT, TEBTEBBA, TFIP at UPICOB. Higit sa lahat, kinikilala natin ang malaking tulong ni G. Max de Mesa sa kanyang pangunguna sa pagsasalin ng mga dokumento sa Pilipino, sa walang-sawang paggabay at pagtangkilik sa programa. ________________________________________________ viii

________________________________________________

Selected International Human Rights Instruments


(Isinalin sa Pilipino)

(Mga Piling Pandaigdig na Kasunduan at Deklarasyon ng Nagkakaisang mga Bansa Hinggil sa Karapatang Pantao)

________________________________________________ 1

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

________________________________________________ 2

________________________________________________

(Universal Declaration of Human Rights)


oong Disyembre 10, 1948, ang Pangkalahatang Kapulungan ng mga Bansang Nagkakaisa ay nagsagawa at nagpahayag ng Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao. Ang buong nilalaman noon ay mababasa sa mga susunod na pahina. Kasunod ng makasaysayang gawaing ito, ang Kapulungan ay nanawagan sa lahat ng mga kagawad ng bansa upang ilathala ang nilalaman ng Pahayag at upang itoy palaganapin, itanghal, basahin, at talakayin lalung-lalo na sa mga paaralan at iba pang institusyong edukasyonal, nang walang pagtatangi batay sa kalagayang pulitikal ng mga bansa o mga teritoryo. Pangwakas na Textong May Pahintulot na salin sa Pilipino ng Katipunan ng Bagong Pilipina. Ipinaabot ng Punong Pangkaalaman ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Pilipinas ang taus-pusong pasasalamat sa Law Center ng Pamantasan ng Pilipinas na unang naglimbag ng pahayag na ito na salin sa Pilipino. Ipinalimbag ng Punong Pangkaalaman ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Pilipinas at ng Kagawaran ng Kabatirang Pangmadla ng mga Bansang Nagkakaisa. ________________________________________________ 3

Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Panimula Sapagkat ang pagkilala sa katutubong karangalan at sa pantay at di-maikakait na mga karapatan ng lahat ng nabibilang sa angkan ng tao ay siyang saligan ng kalayaan, katarungan at kapayapaan sa daigdig. Sapagkat ang pagwawalang-bahala at paglalapastangan sa mga karapatan ng tao ay nagbunga ng mga gawang dimakatao na humamak sa budhi ng sangkatauhan, at ang pagdatal ng isang daigdig na ang mga tao ay magtatamasa ng kalayaan sa pagsasalita at ng kaligtasan sa pangamba at pagdaralita ay ipinahayag na pinakamataas na mithiin ng mga karaniwang tao. Sapagkat mahalaga, kung ang tao ay di-pipiliting manghawakan bilang huling magagawa, sa paghihimagsik laban sa paniniil at pang-aapi, na ang mga karapatan ng taoy mapangalagaan sa pamamagitan ng paghahari ng batas. Sapagkat mahalagang itaguyod ang pagpapaunlad ng mabuting pagsasamahan ng mga bansa. Sapagkat ang mga mamamayan ng Mga Bansang Nagkakaisa ay nagpatibay sa Karta ng kanilang pananalig sa mga saligang karapatan ng tao, sa karangalan at kahalagahan ng pagkatao at sa pantay na mga karapatan ng mga lalaki at babae at nagpapasiyang itaguyod ang kaunlarang panlipunan at lalong mabubuting pamantayan ng buhay sa lalong malaking kalayaan. ________________________________________________ 4

Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao ________________________________________________ Sapagkat ang mga Kasaping Estado ay nangako sa kanilang sarili na tamuhin sa pakikipagtulungan sa mga Bansang Nagkakaisa, ang pagtataguyod ng pandaigdig na paggalang at pagtalima sa mga karapatan ng tao at mga saligang kalayaan. Sapagkat lubhang mahalaga ang pagkakaunawa ng lahat sa mga karapatan at kalayaang ito at lubhang mahalaga sa ganap na pagsasakatuparan ng mga pangakong ito. Ngayon, Samakatuwid, Ang Pangkalahatang Kapulungan ay nagpapahayag ng Pandaigdig na Pagpapahayag na ito ng mga Karapatan ng Tao bilang pangkalahatang pamantayang maisasagawa para sa lahat ng tao at bansa, sa layuning ang bawat tao at bawat galamay ng lipunan, na laging nasa isip ang Pahayag na ito, ay magsikap sa pamamagitan ng pagtuturo at edukasyon na maitaguyod ang paggalang sa mga karapatan at kalayaang ito at sa pamamagitan ng mga hakbang na pagsulong na pambansa at pandaigdig, ay makamtan ang pangkalahatan at mabisang pagkilala at pagtalima sa mga ito, maging ng mga mamamayan ng mga Kasaping Estado at ng mga mamamayan ng mga teritoryo na nasa ilalim ng kanilang nasasakupan. Artikulo 1 Ang lahat ng taoy isinilang na malaya at pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan. Silay pinagkalooban ng katwiran at budhi at dapat magpalagayan ang isat isa sa diwa ng pagkakapatiran. ________________________________________________ 5

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Artikulo 2 Ang bawat taoy karapat-dapat sa lahat ng karapatan at kalayaang nakalahad sa Pahayag na ito, nang walang ano mang uri ng pagtatangi, gaya ng lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, kuro-kurong pampulitika o iba pa, pinagmulang bansa o lipunan, ari-arian, kapanganakan o iba pang katayuan. Bukod dito, walang pagtatanging gagawin batay sa katayuang pampulitika, hurisdiksiyunal o pandaigdig na kalagayan ng bansa o teritoryong kinabibilangan ng isang tao, maging ito ay nagsasarili, itinitiwala, dinakapamamahala sa sarili o nasa ilalim ng ano mang katakdaan ng soberanya. Artikulo 3 Ang bawat taoy may karapatan sa buhay, kalayaan at kapanatagan ng sarili. Artikulo 4 Walang sino mang aalipinin o bubusabusin; ipagbabawal ang ano mang anyo ng pang-aalipin at ang pangangalakal ng alipin. Artikulo 5 Walang sino mang pahihirapan o lalapatan ng malupit,dimakatao o nakalalait na pakikitungo sa parusa. ________________________________________________ 6

Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao ________________________________________________ Artikulo 6 Ang bawat taoy may karapatang kilalanin saan mang dako bilang isang tao sa harap ng batas. Artikulo 7 Ang lahat ay pantay-pantay sa harap ng batas at may karapatan sa walang pagtatangi ng pangangalaga ng batas. Ang lahat ay may karapatan sa pantay na pangangalaga laban sa ano mang pagtatangi-tanging nalalabag sa Pahayag na ito at laban sa ano mang pagbubuyo sa gayong pagtatangi-tangi. Artikulo 8 Ang bawat taoy may karapatan sa mabisang lunas ng karampatang mga hukumang pambansa tungkol sa mga gawang lumalabag sa pangunahing mga karapatan na ipinagkaloob sa kanya ng saligang batas o ng batas. Artikulo 9 Walang sino mang ipaiilalim sa di-makatwirang pagdakip, pagpigil o pagpapatapon. Artikulo 10 Ang bawat taoy may karapatan sa ganap na pagkakapantaypantay, sa isang makatarungan at hayag na paglilitis ng isang hukumang malaya at walang kinikilingan, sa pagpapasiya ________________________________________________ 7

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ ng kanyang mga karapatan at panangutan at sa ano mang paratang na kriminal laban sa kanya. Artikulo 11 1. Ang bawat taong pinararatangan ng pagkakasalang pinarurusahan ay may karapatang ituring na walang-sala hanggang di-napatutunayang nagkasala alinsunod sa batas sa isang hayag na paglilitis na ipinagkaroon niya ng lahat ng garantiyang kailangan sa kanyang pagtatanggol. 2. Walang taong ituturing na nagkasala ng pagkakasalang pinarurusahan dahil sa ano mang gawa o pagkukulang na hindi isang pagkakasalang pinarurusahan, sa ilalim ng batas pambansa o pandaigdig, noong panahong ginawa iyon. Hindi rin ipapataw ang parusang lalong mabigat kaysa nararapat nang panahong magawa ang pagkakasalang pinarurusahan. Artikulo 12 Walang taong isasailalim sa di-makatwirang panghihimasok sa kanyang pananhimik, pamilya, tahanan o pakikipagsulatang ni sa tuligsa sa kanyang karangalan at mabuting pangalan. Ang bawat taoy may karapatan sa pangangalaga ng batas laban sa gayong mga panghihimasok o tuligsa. Artikulo 13 1. Ang bawat taoy may karapatan sa kalayaan ng pagkilos at paninirahan sa loob ng mga hanggahan ng bawat estado. ________________________________________________ 8

Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao ________________________________________________ 2. Ang bawat taoy may karapatang umalis sa alin mang bansa, pati na sa kanyang sarili, at bumalik sa kanyang bansa. Artikulo 14 1. Ang bawat taoy may karapatang humanap at magtamasa sa ibang bansa ng pagpapakupkop laban sa pag-uusig. 2. Ang karapatang itoy hindi mahihingi sa mga paguusig na tunay na nagbubuhat sa mga pagkakasalang di-pampulitika o sa mga gawang nasasalungat sa mga layunin at simulain ng mga Bansang Nagkakaisa. Artikulo 15 1. Ang bawat taoy pagkamamamayan. may karapatan sa isang

2. Walang sino mang aalisan ng kanyang pagkamamamayan ng walang katwiran ni pagkakaitan ng karapatang magpalit ng kanyang pagkamamamayan. Artikulo 16 1. Ang mga lalakit babaeng may sapat na gulang ay may karapatang mag-asawa at magpamilya nang walang ano mang pagtatakda dahil sa lahi, bansang kinabibilangan o relihiyon. Nararapat sila sa pantay-pantay na karapatan sa pag-aasawa, sa panahong may asawa at pagpapawalang bisa nito. ________________________________________________ 9

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ 2. Ang pag-aasaway papasukan lamang sa pamamagitan ng malaya at lubos na pagsang-ayon ng mga nagbabalak magkapangasawahan. 3. Ang pamilya ay likas at pangunahing pangkat sa sangay ng lipunan at karapat-dapat sa pangangalaga ng lipunan at ng Estado. Artikulo 17 1. Ang bawat taoy may karapatang mag-angkin ng ariarian nang mag-isa gayon din na kasama ng iba. 2. Walang sino mang aalisan ng kanyang ari-arian nang walang katwiran. Artikulo 18 Ang bawat taoy may karapatan sa kalayaan ng pag-iisip, budhi at relihiyon; kasama sa karapatang ito ang kalayaang magpalit ng kanyang relihiyon o paniniwala maging nag-iisa o kasama ang iba sa pamayanan upang ipakilala ang kanyang relihiyon o paniniwala sa pagtuturo, pagsasagawa,pagsamba at pagtalima. Artikulo 19 Ang bawat taoy may karapatan sa kalayaan ng pagkukuro at pagpapahayag; kasama ng karapatang ito ang kalayaan at kuru-kuro nang walang panghihimasok at humanap, tumanggap at magbigay ng impormasyon at kaisipan sa ________________________________________________ 10

Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao ________________________________________________ pamamagitan ng alin mang paraan ng pagkakalat at walang pagsasaalang-alang ng mga hanggahan. Artikulo 20 1. Ang bawat taoy may karapatan sa kalayaan sa mapayapang pagpupulong at pagsasamahan. 2. Walang sino mang pipiliting sumapi sa isang kapisanan. Artikulo 21 1. Ang bawat taoy may karapatang makilahok sa pamahalaan ng kanyang bansa, sa tuwiran o sa pamamagitan ng mga kinatawang malayang pinili. 2. Ang bawat taoy may karapatan sa pantay na pagpasok sa paglilingkod pambayan ng kanyang bansa. 3. Ang kalooban ng bayan ang magiging saligan ng kapangyarihan ng pamahalaan; ang kaloobang itoy ipahahayag sa tunay na mga halalan sa pana-panahon sa pamamagitan ng pangkalahatan at pantay-pantay na paghahalal at idaraos sa pamamagitan ng lihim na balota o sa katumbas na pamamaraan ng malayang pagboto. Artikulo 22 Ang bawat tao, bilang kasapi ng lipunan, ay may karapatan sa kapanatagang panlipunan at nararapat na makinabang sa pamamagitan ng pambansang pagsisikap at ________________________________________________ 11

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ pakikipagtulungang pandaigdig at alinsunod sa pagkakabuo at mga mapagkukunan ng bawat Estado, sa mga karapatang pangkabuhayan, panlipunan at pangkalinangan na lubhang kailangan para sa kanyang karangalan at sa malayang pagpapaunlad ng kanyang pagkatao. Artikulo 23 1. Ang bawat taoy may karapatan sa paggawa, sa malayang pagpili ng mapapasukang hanapbuhay, sa makatarungan at kanais-nais na mga kalagayan sa paggawa at sa pangangalaga laban sa kawalang mapapasukang hanap-buhay. 2. Ang bawat taoy may karapatan sa kapantay na bayad ng kapantay na gawain, nang walang ano mang pagtatangi. 3. Ang bawat taong gumagawa ay may karapatan sa makatarungan at nababatay sa kabayarang tumitiyak sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya ng kabuhayang karapatdapat sa karangalan ng isang tao, at pupunan, kung kailangan, ng iba pang paraan ng pangangalangang panlipunan. 4. Ang bawat taoy may karapatang magtatag at umanib sa mga unyon ng manggagawa para sa pangangalaga ng kanyang mga kapakanan. Artikulo 24 Ang bawat taoy may karapatan sa pamamahinga at paglilibang, kasama ang mga makatwirang pagtatakda ng mga oras ng paggawa at may sahod sa mga pana-panahong pista opisyal. ________________________________________________ 12

Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao ________________________________________________ Artikulo 25 1. Ang bawat taoy may karapatan sa isang pamantayan ng pamumuhay na sapat para sa kalusugan at kagalingan ng kanyang sarili at ng kanyang pamilya, kasama na ang pagkain, pananamit, paninirahan at pagpapagamot at kinakailangang mga paglilingkod panlipunan, at ng karapatan sa kapanatagan sa panahong walang gawain, pagkakasakit, pagkabalda, pagkabalo, katandaan at iba pang kakapusan sa ikabubuhay sa mga di-maiiwasang pangyayari. 2. Ang pagkaina at pagkabata ay nararapat sa tanging kalinga at tulong. Ang lahat ng bata, maging anak na lehitimo o di-lehitimo, ay magtatamasa ng gayon ding pangangalagang panlipunan. Artikulo 26 1. Ang bawat taoy may karapatan sa edukasyon. Ang edukasyon ay walang bayad, doon man lamang sa elementarya at pangunahing antas. Ang edukasyong elementarya ay magiging sapilitan. Ang edukasyong teknikal at propesyonal ay gagawing maabot ng lahat at ang lalong mataas na edukasyon ay ipagkakaloob nang pantay-pantay sa lahat batay sa pagiging karapat-dapat. 2. Ang edukasyon ay itutungo sa ganap na pagpapaunlad ng pagkatao at sa pagpapalakas ng paggalang sa mga karapatan ng tao at mga pangunahing kalayaan. ________________________________________________ 13

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Itataguyod nito ang pagkakaunawaan, pagbibigayan, at pagkakaibigan ng lahat ng bansa, mga pangkat na panlahi o panrelihiyon, at palawakin ang mga gawain ng mga Bansang Nagkakaisa sa ikapapanatili ng kapayapaan. 3. Ang mga magulang ay may pangunahing karapatang pumili ng uri ng edukasyong ipagkaloob sa kanilang mga anak. Artikulo 27 1. Ang bawat taoy may karapatang makilahok nang malaya sa buhay pangkalinangan ng pamayanan, upang tamasahin ang mga sining at makihati sa mga kaunlaran sa siyensiya at sa mga pakinabang dito. 2. ng bawat taoy may karapatan sa pangangalaga ng mga kapakanang moral at materyal bunga ng alin mang produksiyong pang-agham, pampanitikan o pansining na siya ang may-akda. Artikulo 28 Ang bawat taoy may karapatan sa kaayusang panlipunan at pandaigdig na ang mga karapatan at mga kalayaang itinakda sa Pahayag na ito ay ganap na maisasakatuparan. Artikulo 29 1. Ang bawat taoy may mga tungkulin sa pamayanan sa ikaaari lamang ng malaya at ganap na pagkaunlad ng kanyang pagkatao. ________________________________________________ 14

Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao ________________________________________________ 2. Sa paggamit ng kanyang mga karapatan at mga kalayaan, ang bawat taoy masasaklaw lamang ng mga katakdaan gaya ng ipinapasya ng batas ng tanging sa layunin lamang ng pagtatamo ng kaukulang pagkilala at paggalang sa mga karapatan at mga kalayaan ng iba at sa pagtugon sa makatarungang kahilingan ng moralidad, kaayusang pambayan at ng pangkalahatang kagalingan sa isang demokratikong lipunan. 3. Ang mga karapatan at kalayaang ito ay hindi magagamit sa ano mang pangyayari nang nasasalungat sa mga layunin at mga simulain ng Mga Bansang Nagkakaisa. Artikulo 30 Walang ano man sa Pahayag na ito na mapapakahulugan ang nagbibigay sa alin mang Estado, pangkat o tao ng ano mang karapatang gumawa ng ano mang kilusan o magsagawa ng ano mang hakbang na naglalayong sirain ang nakalahad dito.

________________________________________________ 15

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

________________________________________________ 16

________________________________________________

Pandaigdig na Kasunduan sa mga Karapatang Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkalinangan


(International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights)

________________________________________________ 17

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

Panimula ng mga Estadong Panig sa Kasunduang ito:

Isinaalang-alang na, alinsunod sa mga sinimulang nahahayag sa Karta ng Nagkakaisang mga Bansa, ang pagkilala sa katutubong karangalan at sa pantay-pantay at di-maikakait na mga karapatan ng lahat ng nabibilang sa angkan ng tao ay siyang saligan ng kalayaan, katatungan at kapayapaan ng daigdig, Kinikilala na, alinsunod sa Pandaigdig na Pahayag ng mga Karapatan ng Tao, ang mithiin ng malayang tao na nagtatamasa ng kaligtasan sa pangamba at pagdaralita ay matatamo lamang kung makalilikha ng kalagayang bawat taoy makatatamasa ng kanyang mga karapatang pangkabuhayan, panlipunan at pangkalinangan, at maging ng kanyang mga karapatang sibil at pampulitika, Isaalang-alang ang pananagutan ng mga Estado alinsunod sa Karta ng Nagkakaisang mga Bansa itaguyod ang pandaigdig napagpapahalaga at pagtupad sa mga karapatan at kalayaan ng tao, Kinikilala na ang isang tao, na may mga pananagutan sa kanyang kapwa at sa pamayanang kanyang kinabibilangan, ay may pananagutang magpunyagi ukol sa pagtataguyod at pagtupad sa mga karapatang kinikilala sa Kasunduang ito, Ay nagkakasundo sa mga sumusunod na tadhana: ________________________________________________ 18

Karapatang Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkalinangan ________________________________________________ Unang Bahagi Artikulo I 1. Ang lahat ng taoy may karapatan sa sariling pagpapasiya. Sa bisa ng karapatang ito, malaya nilang mapagpapasyahan ang kanilang kalagayang pampamahalaan at malaya nilang mapagsisiskapan ang kanilang kaunlarang pangkabuhayan, panlipunan at pangkalinangan. 2. Ang lahat ng tao, para sa sarili nilang kapakanan, ay malayang makapagbibili ng kanilan likas na yaman at kayamanan na hindi makasisira sa ano mang pananagutan bunga ng pandaigdig na pagtutulungang pangkabuhayan batay sa simulain ng kapakinabangan ng isat-isa, at pandaigdig na batas. Hindi kailanman maaaring alisin sa isang tao ang pagkukunan nitong ikabubuhay. 3. Ang mga Estadong Panig sa Kasunduang ito kabilang yaong may pananagutan sa pamamahala sa mga teritoryongdinakapamamahala sa sarili at itinitiwala ay itinataguyod ang katuparan ng karapatan sa sariling pagpapasiya, at igagalang ang karapatang iyon, nang naaayon sa mga tadhana ng Karta ng Nagkakaisang mga Bansa. Ikalawang Bahagi Artikulo 2 1. Ang bawat Estadong Panig sa Kasunduang ito ay magsasagawa ng mga hakbang, isa-isa at sa pamamagitan ________________________________________________ 19

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ ng pandaigdig na taguyod at pagtutulungan, lalo na sa layuning pagsulong na matamo ang ganap na katuparan ng mga karapatang kinikilala sa kasunduang ito sa pamamagitan ng lahat na angkop na paraan, kabilang higit sa lahat ang papapatibay ng mga hakbang na pambatasan. 2. Ang mga Estadong Panig sa Kasunduang ito ay nangangakong matutupad ang mga karapatang nahahayag sa kasunduang ito nang walang ano mang uri ng patatangi, gaya ng sa lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, kurukurong pampulitika o iba pa, pinagmulang bansa o lipunan, ari-arian, kapanganakan o iba pang katayuan. 3. Ang mga papaunlad na bansa, na may karampatang pagsasaalang-alang sa mga karapatan ng tao at sa kanilang kabuhayang pambansa, ay maaaring magtakda ng hanggan saan nila ipangangako sa mga di-mamamayan ang karapatang pangkabuhayan na kinikilala sa kasunduan. Artikulo 3 Ang mga Estadong Panig sa Kasunduang ito ay mangangalaga sa pantay na karapatan ng lalaki at babae sa pagtatamasa ng lahat ng karapatang pangkabuhayan, panlipunan at pangkalinangan na itinatakda sa kasunduang ito. Artikulo 4 Tinatanggap ng mga Estadong Panig sa Kasunduang ito na, sa pagtatamasa ng mga karapatang itinatadhana ng Estado ________________________________________________ 20

Karapatang Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkalinangan ________________________________________________ nang naaalinsunod sa Kasunduang ito, maaaring isailalim lamang ng Estado ang gayong mga karapatan sa mga limitasyong ayon sa itinakda ng batas hanggang sa ganang ikauugma lamang nito sa uri ng mga karapatang iyon at sa layunin lamang na itaguyod ang kagalingang panlahat sa isang lipunang demokratiko. Artikulo 5 1. Walang bahagi sa Kasunduang ito ang maaaring ipakahulugan na ang alin mang Estado, pangkat o tao ay may ano mang karapatang magsagawa o tumupad ng ano mang kilos na naglalayong wasakin ang alinman sa mga karapatan o kalayaang kinikilala rito o nang higit kaysa pagtatakdang itinatadhana sa Kasunduang ito. 2. Walang tatanggaping pagbabawal o paglihis sa alinman sa mga pangunahing karapatan ng tao na kinikilala o umiiral sa alin mang bansa sa bisa ng batas, kalakaran, patakaran o kaugalian, sa pagdadahilang hindi kinikilala ng kasunduang ito ang gayong mga karapatan o di nito gaanong kinikilala ang mga iyon. Ikatlong Bahagi Artikulo 6 1. Ang mga Estadong Panig sa Kasunduang ito ay kumikilala sa karapatan sa paggawa, na kabilang ang karapatan ng bawat tao sa pagkakataong kumita ng ikabubuhay sa pamamagitan ng gawaing maluwag pinili o tinanggap, ________________________________________________ 21

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ at magsasagawa ng mga angkop na hakbang upang pangalagaan ang karapatang ito. 2. Ang mga hakbang na isasagawa ng isang Estadong Panig sa Kasunduang ito upang matamo ang ganap na katuparan ng karapatang ito ay kabibilangan ng mga programang pamatnubay at pansanay na teknikal at bokasyonal, mga patakaran at pamamaraan upang matamo ang matatag na kaunlarang pangkabuhayan, panlipunan at pangkalinangan at lubos at mapakinabang na paghahanapbuhay sa ilalim ng mga kalagayang nangangalaga sa pangunahing kalayaang pampamahalaan at pangkabuhayan ng tao. Artikulo 7 Ang mga Estadong Panig sa Kasunduang ito ay kumikilala sa karapatan ng bawat tao na magtamasa ng makatarungan at makabubuting kalagayan sa paggawa na tumitiyak, higit sa lahat: (a) Ng kabayaran ng nagkakaloob sa lahat ng kabayaran ng manggagawa, bilang pinakamababa, ng: Nababagay na sahod at katumbas na kabayaran para sa kapantay na gawain nang walang ano mang uri ng pagtatangi, hihigit sa lahat ang pangangalaga sa kalagayan sa paggawa ng babae na kapantay sa tinatamasa ng lalaki, na may kapantay na bayad sa kapantay na gawain; ________________________________________________ 22 (i)

Karapatang Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkalinangan ________________________________________________ (ii) Maayos na pamumuhay para sa kanila at sa kanilang pamilya nang naaalinsunod sa mga tadhana ng kasunduang ito;

(b) Ng ligtas at mabuting kalagayan sa paggawa; (c) Ng pantay na pagkakataon para sa bawat tao na mataas sa isang angkop na katungkulan sa kanyang trabaho nang walang isinasaalang-alang liban sa tagal ng paglilingkod at kakayahan; (d) Ng pagpapahinga, paglilibang at makatwirang pagtakda ng oras ng gawain at pana-panahong bakasyong may sahod, at maging ng kabayaran para sa mga pista opisyal. Artikulo 8 1. Ang mga Estadong Panig sa Kasunduang ito ay manganalaga: (a) Sa karapatan ng bawat tao na magtatag ng mga unyon sa paggawa at sumanib sa kanyang napiling unyon sa paggawa, nang naaayon lamang sa pagtataguyod at pangangalaga ng kangyang mga kapakanang pangkabuhayan at panlipunan. Walang pagbabawal na mailalapat sa pagsasakatuparan ng karapatang ito liban sa itinatadhana ng batas at kinakailangan sa lipunang demokratiko sa kapakanan ng kapanatagan ng bansa o kaayusang pambayan o sa pangangalaga sa mga karapatan at kalayaan ng iba; ________________________________________________ 23

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ (b) Sa karapatan ng mga unyon sa paggawa na magtatag ng mga pederasyon o kompederasyong pambansa at sa karapatan ng huli na magtatag o sumanib sa mga pandaigdig na organisasyon ng unyon sa paggawa; (c) Sa karapatan ng mga unyon sa paggawana malayang tumupad ng gawain nang walang pagtatakda laban sa itinatadhana ng batas at kinakailangan sa isang lipunang demokratiko sa kapakanan ng kapanatagan ng bansa o kaayusang pambayan o sa pangangalaga sa mga karapatan at kalayaan ng iba; (d) Sa karapatang magwelga, sa pasubaling isasagawa ito nang naaalinsunod sa mga batas ng kinauukulang bansa. 2. Ang artikulong ito ay hindi makahahadlang sa paglapat ng mga pagbabawal na naaayon sa batas ukol sa pagsasakatuparan ng mga karapatang tao sa mga myembro ng sandatahang lakas o ng pulisya o ng pamahalaan ng Estado. 3. Walang bahagi ng artikulong ito ang magpapahintulot sa mga Estadong Panig sa 1948 na Kumbensiyon ng Pandaigdig na Samahan sa Paggawa na may kinalaman sa kalayaan sa pakikisapi at pangangalaga sa karapatang magtatag na magpatibay ng mga batas na makasasagwil, sa mga kapangakuang itinatadhana ng Kumbensiyong iyon. ________________________________________________ 24

Karapatang Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkalinangan ________________________________________________ Artikulo 9 Ang mga Estadong Panig sa Kasunduang ito ay kumikilala sa karapatan ng bawat tao sa kapanatagang panlipunan, kabilang ang pagsesegurong panlipunan. Artikulo 10 Kinikilala ng mga Estadong Panig sa Kasunduang ito na: 1. Kailangan pag-ukulan ang pamilya ng pinakakalaking magagawang pangngalaga at tulong, na siyang likas at pangunahing pangkat na bahagi ng lipunan, lalo na sa pagkakatatag nito at habang itoy nananagutan sa pangangalaga at edukasyon ng mga umaasang anak. Ang pag-aasaway dapat pasukin na may maluwag sa pagsang-ayon ng mga nagbabalak magkapangasawahan. 2. Kailangang pag-ukulan ng mga ina ng tanging pangnangalaga sa isang katantamang panahon bago at pagkaraang manganak. Sa ganitong panahon, ang mga nagtratrabahong ina ay kailangang bigyan ng paglibang may sahod o paglibang may sapat na kapakinabangan sa kasiguruhang panlipunan. 3. Kailangang magsagawa ng mga natatanging hakbang sa pangangalaga at pagtulong sa kapakanan ng lahat ng bata at kabataan nang walang ano mang pagtatangi sa pinagmulang angkan o iba pang kalagayan. Ang mga bata at kabataan ay kailangang pangalagaan laban sa pagsasamantalang pangkabuhayan at ________________________________________________ 25

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ panlipunan. Kailangang parusahan alinsunod sa batas ang pagpapatrabaho sa mga ito na makapamiminsala sa kanilang moralidad o kalusugan o mapanganib sa buhay o malamang na makapigil sa kanilang normal na pagsulong. Ang mga Estado ay kailangan ding matakda ng edad na ang pagpapatrabaho sa batang wala pa sa edad na ito ay ipinagbabawal at parurusahan alinsunod sa batas. Artikulo 11 1. Ang mga Estadong Panig sa Kasunduang ito ay kumikilala sa karapatan ng bawat tao sa isang sapat na katayuan sa pamumuhay para sa kanyang sarili at kanyang pamilya, kabilang ang sapat na pagkain, damit at tirahan at sa patuloy na pagpapaunlad ng kalagayan sa pamumuhay. Ang mga Estadong Panig ay magsasagawa ng mga angkop na hakbang upang matiyak ang katuparan ng karapatang ito, na ditoy kinikilala ang malaking kahalagahan ng pandaigdig na pagtutulungan salig sa maluwag na pagsang-ayon. 2. Ang mga Estadong Panig sa Kasunduang ito ay kinikilalaang pangunahing karapatan ng bawat tao na maging ligtas sa pagkagutom, ay magsasagawa, nang isahan at sa pamamagitan ng pandaigdig na pagtutulungan, ng mga hakbang, kabilang ang mga tanging programa, na kailangan: (a) Upang mapahusay ang mga pamamaraan sa produksiyon, pangangalaga at pamamahagi ng ________________________________________________ 26

Karapatang Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkalinangan ________________________________________________ pagkain sa pamamagitan ng lubos na paggamit sa kaalamang siyentipiko, sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa panuntunan ng nutrisyon at pagbuo o pagbabago sa mga sistemang pansakahan sa paraang matatamo ang pinakamabisang pag-unlad at paggamit ng likas na kayamanan; (b) Upang matiyak ang isang pantay na pamamahagi sa panustos na pagkain ng daigdig kaugnay sa pangangailangan, na isinasaalang-alang ang mga suliranin ng mga bansang umaangkat at nagluluwas ng pagkain. Artikulo 12 1. Ang mga Estadong Panig sa Kasunduang ito ay kumikilala sa karapatan ng bawat tao na tamasahin ang pinakamataas na matatamong kalagayan ng kalusugang pangkatawan at pangkaisipan. 2. Ang mga hakbang na isasagawa ng mga Estadong Panig sa Kasunduang ito upang matamo ang ganap na katuparan ng karapatang ito ay kabibilangan ng mga kakailanganin ukol sa: (a) Paghahanda upang mabawasan ang bilang ng namamatay na sanggol at para sa malusog na paglaki ng bata; (b) Pagpapabuti sa lahat ng aspekto ng pangangalaga sa kalinisang pangkapaligiran at kaayusang pangindustriya: ________________________________________________ 27

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ (c) Pag-iingat, paglunas at pagsugpo sa mga sakit na epidemiko, endemiko, kaugnay sa hanapbuhay at iba pang sakit; (d) Paglaki ng mga kalagayang makatitiyak na lahat ng taoy mabigyan ng lunas at panggagamot sakaling may sakit. Artikulo 13 1. Ang mga Estadong Panig sa Kasunduang ito ay kumikilala sa karapatan ng bawat tao na magkaroon ng edukasyon. Sumasang-ayon sila na ang edukasyon ay kailangang ituon sa ganap na pagbuti ng pagkatao at ng pagpapahalaga sa karangalan nito at kailangang patatagin ang paggalang sa mga karapatan at pangunahing kalayaan ng tao. Sumasang-ayon pa sila na ang edukasyon ay magbibigay ng pagkakataon sa lahat ng tao upang mabisang makilahok sa malayang sambayanan, itaguyod ang pagkakaunawaan, pagpaparaya at pagkakaibigan sa lahat ng bansa at sa lahat ng pangkat ng lahi, etniko o panrelihiyon, at itaguyod ang mga gawain ng mga bansang nagkakaisa ukol sa pagpapanatili ng kapayapaan. 2. Ang mga Estadong Panig sa Kasunduang ito ay kumikilala na, sa hangaring matamo ang ganap na katuparan ng karapatang ito: (a) Ang edukasyong primarya ay magiging sapilitan at walang bayad na makukuha ng lahat; ________________________________________________ 28

Karapatang Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkalinangan ________________________________________________ (b) Ang edukasyong sekundarya s ibat ibang paraan nito, kabilang ang edukasyong sekundaryang teknikal at bokasyonal, ay pangkaraniwang makukuha at mararating ng lahat sa pamamagitan ng lahat na angkop na paraan, at higit sa lahat sa pamamagitan ng pagsulong sa pagpapasok ng walang bayad na edukasyon; (c) Ang mataas na edukasyon ay ipararating ng pantaypantay sa lahat, batay sa kakayahan, sa pamamagitan ng lahat na angkop na paraan, at higit sa lahat sa pamamagitan ng pasulong na pagpapasok ng walang bayad na edukasyon; (d) Ang batayang edukasyon ay bibigyang-sigla o pasisidhiin hanggat maaari para sa taong hindi nakakuha o nakapagtapos ng buong panahon ng kanilang edukasyong primarya; (e) Puspusang itataguyod ang pagtatatag ng isang sistema ng pag-aaral sa lahat ng antas, magtatatag ng isang sapat na sistema ng walang bayad na pagpapaaral, at patuloy na pagbubutihin ang mahalagang katayuan ng mga tagapagturo. 3. Ang mga Estadong Panig sa Kasunduang ito ay nangangakong igagalang ang pasiya ng mga magulang at, kung maaaring pairalin, ng mga tagapagkupkop na piliin ang papasukang paaralan ng kanilang mga anak, na iba kaysa mga itinatag ng mga awtoridad pambayan, na umaalinsunod sa mga pinakamababang pamantayang pang-edukasyon na itinakda o pagtitibayin ng Estado at pangalagaan ng ________________________________________________ 29

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ edukasyong panrelihiyon at pangkaasalan ng kanilang mga anak nang naaayon sa kanilang sariling paniniwala. 4. Walang bahagi sa artikulong ito ang ipakahuhuluguhang humahadlang sa kalayaan ng mga tao at samahan na magtatag at mangasiwa ng mga panuntunang itinatakda sa talataan 1 ng artikulong ito at sa hinihingi na ang edukasyong ibinibigay sa gayong mga institusyon ay umaalinsunod sa mga pinakamababang pamantayang itatakda ng Estado. Artikulo 14 Bawat Estadong Panig sa Kasunduang ito, na sa panahon ng isang pagiging panig ay hindi pa nakapagtatatag sa pangunahing teritoryo nito o iba pang teritoryong nasasakupan nito ng sapilitang edukasyong primarya, na walang bayad, ay nangangakong magsagawa at magpatibay, sa loob ng dalawang taon, ng isang detalyadong panukulang kilos ukol sa maunlad na pagsasakatuparan, sa loob ng katamtamang tagal ng panahon, na itatakda sa panukulang panuntunan ng walang bayad na sapilitang edukasyon para sa lahat. Artikulo 15 Ang mga Estadong Panig sa Kasunduang ito ay kumikilala sa karapatan ng bawat tao na: (a) Makibahagi sa pagpupunyaging pangkalinangan; (b) Tamasahin ang mga kapakinabangan sa kaunlarang pang-agham at kaukulan nito; ________________________________________________ 30

Karapatang Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkalinangan ________________________________________________ (c) Makinabang sa pangangalaga ng mga kapakanang moral at materyal bunga ng alin mang likhang pang-agham, pampanitikan o pansining na siya ang may-akda. 1. Ang mga hakbang na isasagawa ng mga Estadong Panig sa Kasunduang ito upang matamo ang ganap na katuparan ng karapatang ito ay kabibilangan ng mga kakailanganin para sa pangangalaga, pagpapaunlad at pagpapalaganap ng agham at kalinangan. 2. Ang mga Estadong Panig sa Kasunduang ito ay nangangakong igagalang ang kalayaan kailangangkailangan para sa mga pananaliksik na pang-agham at gawaing malikhain. 3. Ang mga Estadong Panig sa Kasunduang ito ay kumikilala sa mga kapakinabangang matamo sa pagpapasigla at pagsusulong ng ugnayan at pagtutulungang pandaigdig sa mga larangang pangagham at pangkalinangan. Ikaapat na Bahagi Artikulo 16 1. Ang mga Estadong Panig sa Kasunduang ito ay nangangakong maghaharap ng mga ulat, nang umaalinsunod sa bahaging ito ng kasunduang, tungkol sa mga hakbang na kanilang pinagtibay at sa pagsulong natamo sa pagtupad sa mga karapatang kinikilala rito. ________________________________________________ 31

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ 2. (a) Lahat ng ulat ay ihaharap sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa, na siyang magpapadala ng mga sipi sa Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan para isaalang-alang nang naaayon sa mga tadhana ng Kasungduang ito; (b) Ang Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa ay magpapadala rin sa mga ahensyang pantanging gawain ng sipi ng mga ulat, o alinmang nauugnay na bahagi mula rito, na galling sa Estadong Panig sa Kasunduang ito na kasapi rin sa mga ahensyang pantanging-gawain sa ganang pagkakaugnay ng mga ulat na ito o bahagi mula rito, sa anumang bagay na nasasaklaw ng mga pananagutan ng nasabing mga ahensya alinsunod sa kanilang mga kaparaanang konstitusyonal. Artikulo 17 1. Ang mga Estadong Panig sa Kasunduang ito ay magbibigay ng kanilang ulat nang yugto-yugto, alinsunod sa isang programang itatakda ng Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan sa loob ng isang taon simula sa pagkakabisa ng Kasunduang ito matapos makipagsangguni sa mga Estadong Panig sa kinauukulang ahensyang pantanging gawain. 2. Ang mga ulat ay maaaring maglahad ng mga dahilan at suliraning nakaaapekto sa antas ng pagtupad sa mga pananagutang nakatakda sa Kasunduang ito. ________________________________________________ 32

Karapatang Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkalinangan ________________________________________________ 3. Kung ang alinmang Estadong Panig sa Kasunduang ito ay nakapagbigay na ng nauugnay na impormasyon sa Nagkakaisang mga Bansa o sa alinmang ahensyang pantanging-gawain, hindi na kailangang gawing muli ang impormasyong iyon, makasasapat na ang wastong pagtukoy sa ibinigay na impormasyon. Artikulo 18 Alinsunod sa mga pananagutan nito batay sa Karta ng Nagkakaisang mga Bansa sa larangan ng mga karapatan at pangunahing kalayaan ng taom ang Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan ay maaaring makipagayos sa mga ahensyang pantanging gawain hinggil sa kanilang pag-uulat dito ng tungkol sa pagsulong na natamo sa pagtupad sa mga tadhana ng kasunduang ito na nasasaklaw ng kanilang gawain. Muling isama sa mga ulat na ito ang mga detalye ng kapasyahan at rekomendasyon tungkol sa pagsasakatuparang pinagtibay ng kanilang mga karampatang organo. Artikulo 19 Ang Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan ay maaaring magpadala sa Komisyon sa mga Karapatan ng Tao para sa pag-aaral at pangkalahatang magtagubilin o, kung naaangkop, para sa kabatiran, ng mga ulat na hinggil sa mga karapatan ng tao na iniharap ng mga Estado alinsunod samga Artikulo 16 at 17, at yaong mga nahihinggil sa mga karapatan ng tao na iniharap ng mga ahensyang pantanginggawain alinsunod sa Artikulo 18. ________________________________________________ 33

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Artikulo 20 Ang mga Estadong Panig sa Kasunduang ito at ng mga kinauukulang ahensyang pantanging gawain ay maaring magharap sa Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan ng mga puna tungkol sa ano mang pangkalahatang tagubilin batay sa Artikulo 19 o pagtukoy sa gayong pangkalahatang tagubilin sa alinmang ulat ng komisyon sa mga karapatan ng tao o ano mang kasulatang tumutukoy doon. Artikulo 21 Sa Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan ay maaaring magharap sa pangkalahatang kapulungan ng pana-panahong ulat na may pangkalahatang uri ng mga rekomendasyon at isang buod na tinanggap na impormasyon mula sa Estadong Panig sa Kasunduang ito at sa mga ahensyang pantanging gawain tungkol sa mga ginagawang hakbang at pagsulong na natamo sa pangkalahatang pagtupad sa mga karapatang kinikilala sa Kasunduang ito. Artikulo 22 Ang Sangguniang Pangkabuhayan at Panglipunan ay maaaring magbigay alam sa iba pang organo ng Nagkakaisang mga Bansa, sa kanilang sangay na organo at mga ahensyang pantanging-gawain na may tungkuling magbigay tulong na teknikal, ng tungkol sa anomang bagay na buhat sa mga ulat na tinutukoy sa bahaging ito ng Kasunduan na maaaring makatulong sa mga gayong mga kapulunan sa pagpapasya, bawat isa sa saklaw ng larangan ng kakayahang nito, sa ________________________________________________ 34

Karapatang Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkalinangan ________________________________________________ nararapat na mga pandaigdig na hakbang ng larangan ng kakaayahan nito, sa mga pandaigdig na hakbang na inaasahang makakatulong sa mabisa at maunlad na pagsasakatuparan ng Kasunduang ito. Artikulo 23 Ang mga Estadong Panig sa Kasunduang ito sumasangayon na kabilang sa pandaigdig na pagkilos upang matupad ang mga karapatang kinilkilala sa Kasunduang ito ang mga pamamaraan gaya ng pagpapatibay ng mga Kasunduan, pagpapatibay ng mga rekomendasyon, pagpapatibay ng tulong na teknikal at pagdaraos ng mga pulong panrelihiyon at mga pulong teknikal sa layuning pagsasangguni at pagaaraal na itinatag kaugnay sa kinauukulang pamahalaan. Artikulo 24 Walang bahagi saKasunduang ito ang ipakahuhulugang sagwil sa mga tadhana ng Karta ng Nagkakaisang mga Bansa at ng panuntunan ng mga ahensyang pantanging gawain na nagtatakda sa kani-kaniyang pananagutan ng ibat ibang organo ng Nagkakaisang mga Bansa at ng mga ahensyang pantanging-gawain hingil sa mga bagay na may kinalaman sa Kasunduang ito. Artikulo 25 Walang bahagi ng Kasunduang ito ang ipakahuhulugang pahinain ang saligang karapatan ng lahat ng tao na tamasahin ng lubos at malayang pakinabangan ang kanilang likas na yaman at kayamanan. ________________________________________________ 35

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Ikalimang Bahagi Artikulo 26 1. Ang Kasunduang ito ay bukas sa paglagda ng alinmang Estadong Kasapi sa Nagkakaisang mga Bansa o kasapi ng alinman sa mga ahensyang pantanging-gawain nito, ng alinmang Estadong Panig sa Batas ng Pandaigdig na Hukuman ng Katarungan, at ng alinmang iba pang Estado na inanyayahan ng Pangkalahatang Kapulungan ng mga Nagkakaisang mga Bansa na maging isang panig sa Kasunduang ito. 2. Ang Kasunduang ito ay sasailalim sa pagpapatibay. Ang mga kasulatan sa pagpapatibay ay ilalagak sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa. 3. Ang Kasunduang ito ay magiging bukas sa pagsangayon ng alinmang Estado na tinutukoy sa talataan ng artikulong ito. 4. Magkakabisa ang pagsang-ayon sa pamamagitan ng paglalagak sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa ng isang kasulatan sa pagsang-ayon. 5. Ipagbibigay alam ng Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa ng Estadong lumagda sa Kasunduang ito o sumang-ayon dito ang tungkol sa paglalagak ng bawat kasulatan sa pagpapatibay o pagsang-ayon. ________________________________________________ 36

Karapatang Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkalinangan ________________________________________________ Artikulo 27 1. Ang Kasunduang ito ay magkakabisa tatlong buwan pagkaraan ng petsa ng palalagak sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa ng ikatatlongput limang kasulatan sa pagpapatibay o kasulatan sa pagsang-ayon. 2. Para sa bawat Estadong nagpapatibay sa Kasunduang ito o sumasang-ayon dito pagkaraan ng paglalagak ng ikatatlongput limang kasulatan sa pagpapatibay o kasulatan sa pagsang-ayon, ang Kasunduang ito ay magkakabisa tatlong buwan pagkaraan ng petsa ng paglalagak ng sarili nitong kasulatan sa pagpapatibay o kasulatan sa pagsang-ayon. Artikulo 28 Ang mga tadhana ng Kasunduang ito ay sasaklaw sa lahat ng sakop ng mga Estadong pederal nang walang ano mang pagtatakda o pagtatangi. Artikulo 29 1. Alinmang Estadong Panig sa Kasunduang ito ay maaaring magpanukala ng pagsususog at iharap ito sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa. Pagdakay ipagbibigay-alam ng Pangkalahatang Kalihim sa mga Estadong Panig sa Kasunduang ito ang ano mang panukalang pagsusuog kasama ang isang kahilingan na patalastasan siya ng mga ito kung sang-ayon silang ________________________________________________ 37

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ magdaos ng isang pulong ng mga Estadong Panig sa layuning pag-aralan at pagbotohan ang mga panukala. Sakaling isang katlo man lamang ng mga Estadong Panig ang sumang-ayon sa gayong pulong, tatawag ng pulong ang Pangkalahatang Kalihim sa ilalim ng pagtangkilik ng Nagkakaisang mga Bansa. Ano mang susog na pinagtibay na nakararami sa mga Estadong Panig sa dumalo at bumoto sa pulong ay ihaharap sa Pangkalahatang Kapulungan ng Nagkakaisang mga Bansa para pagtibayin. 2. Ang mga susog ay magkakabisa pagkaraang ito ay pagtibayin ng Pangkalahatang kapulungan ng Nagkakaisang mga Bansa at katigan ng dalawangkatlong (2/3) nakararami sa mga Estadong Panig sa Kasunduang ito nang naaalinsunod sa kani-kanilang pamamaraan konstitusyonal. 3. Sa sandaling magkabisa ang mga susog, ito ay sasaklaw sa mga Estadong Panig na kumatig dito, sa iba pang Estadong Panig na nasasaklaw pa ng mga tadhana ng Kasunduang ito at ano mang naunang susog na kanilang kinatigan. Artikulo 30 Anuman ang ipinatalastas batay sa Artikulo 16, Talataan 5, ipagbibigay alam ng Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa sa lahat ng Estadong tinutukoy sa talataan 1 ng gayon ding artikulo ang mga sumusunod na bagay: ________________________________________________ 38

Karapatang Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkalinangan ________________________________________________ (a) Mga paglagda, pagpapatibay at pagtanggap batay sa Artikulo 26; (b) Ang petsa ng pagkakabisa ng Kasunduang ito batay sa Artikulo 27 at ang petsa ng pagkakabisa ng ano mang susog batay sa Artikulo 29. Artikulo 31 1. Ang Kasunduang ito, na pare-parehong mapananaligan ang mga tekstong Intsik, Ingles, Pranses, Ruso at Kastila, ay ilalagak sa sinupan ng Nagkakaisang mga Bansa. 2. Ang Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa ay magpapadala ng mga pinatunayang sipi ng Kasunduang ito sa lahat ng Estadong tinutukoy sa Artikulo 26.

________________________________________________ 39

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

________________________________________________ 40

________________________________________________

Pandaigdig na Kasunduan sa mga Karapatang Sibil at Pampulitika


(International Covenant on Civil and Political Rights)

________________________________________________ 41

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

Panimula ng mga Estadong Panig sa Kasunduang ito:

Isinaalang-alang na, alinsunod sa mga sinimulang nahahayag sa Karta ng Nagkakaisang mga Bansa, ang pagkilala sa katutubong karangalan at sa pantay-pantay at di-maikakait na mga karapatan ng lahat ng nabibilang sa angkan ng tao ay siyang saligan ng kalayaan, katatungan at kapayapaan ng daigdig, Kinikilala na, alinsunod sa Pandaigdig na Pahayag ng mga Karapatan ng Tao, ang mithiin ng malayang tao na nagtatamasa ng kaligtasan sa pangamba at pagdaralita ay matatamo lamang kung makalilikha ng kalagayang bawat taoy makatatamasa ng kanyang mga karapatang kalayaang sibil at pampulitika at kaligtasan sa pangamba ay pagdarahop ay matatamo lamang kung makakalikha ng kalagayang bawat taoy makakatamasa ng kanyang mga karapatang sibil at pampulitika, at maging ng kanyang mga karapatang pangkabuhayan, panlipinan at pangkalinangan. Isaalang-alang ang pananagutan ng mga Estado alinsunod sa Karta ng Nagkakaisang mga Bansa itaguyod ang pandaigdig napagpapahalaga at pagtupad sa mga karapatan at kalayaan ng tao, Kinikilala na ang isang tao, na may mga pananagutan sa kanyang kapwa at sa pamayanang kanyang kinabibilangan, ay may pananagutang magpunyagi ukol sa pagtataguyod at pagtupad sa mga karapatang kinikilala sa Kasunduang ito, Ay nagkakasundo sa mga sumusunod na tadhana: ________________________________________________ 42

Karapatang Sibil at Pampulitika ________________________________________________ Unang Bahagi Artikulo 1 1. Ang lahat ng taoy may karapatan sa sariling pagpapasiya. Sa bisa ng karapatang ito, malaya nilang mapagpapasiyahan ang kanilang kalagayang pampamahalaan at malaya nilang mapagsisikapan ang kanilang kaunlarang pangkabuhayan, panlipunan at pangkalinangan. 2. Ang lahat ng tao, para sa sarili nilang kapakanan, ay malayang makapagbibili ng kanilang likas na yaman at kayamanan na hindi makakasira sa ano mang pananagutang bunga ng pandaigdig na pagtutulungang pangkabuhayan batay sa simulain ng kapakinabangan ng isat isang pandaigdig na batas. Hindi kalian man maaaring alisin sa isang tao ang pinagkukunan nito ng ikabubuhay. 3. Ang mga Estadong Panig sa Kasunduang ito, kabilang yaong may pananagutan sa pamamahala sa mga Teritoryong Di nakapamamahala sa Sarili at Itinitiwala, ay itataguyod ang katuparan ng karapatang sa sariling pagpapasiya, at igagalang ang karapatang iyon, ng naaayon sa mga tadhana ng Karta ng Nagkakaisang mga Bansa. Ikalawang Bahagi Artikulo 2 1. Ang bawat Estadong Panig sa Kasunduang ito ay nangangakong igagalang at pangangalagaan ang mga ________________________________________________ 43

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ karapatang kinikilala sa saklaw ng kapangyarihan nito, nang walang ano mang uri ng pagtatangi, gaya ng lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, kuru-korong pampulitika o iba pa, pinagmulang bansa o lipunan, ariarian, kapanganakan o iba pang karapatan. 2. Kung hindi pa itinatadhana ng mga umiiral na batas o iba pang panukalang-batas, ang bawat Estadong Panig sa Kasunduang ito ay magsasagawa ng mga kailangang hakbang, nang naaalinsunod sa mga pamamaraang konstitusyonal nito at sa mga tadhana ng Kasunduang ito, upang magpatibay ng gma batas o iba pang panukalang-batas na kakailanganin upang mabigyang-bisa angmga karapatang kinikilala sa Kasunduang ito. 3. Ang bawat Estadong Panig sa Kasunduang ito ay nangangako: (a) Ng mabisang pagtutuwid sa paglabag sa mga kinikilala ritong karapatan o kalayaan ng sinumang tao, kahit ang paglabag na iyon ay ginagawa ng mga taong gumaganap ng tungkuling opisyal; (b) Na ang karapatan sa paghahabol ng gayong pagtutuwid ng sinumang tao ay pagpapasiyahan ng mga karapatang awtoridad panghukuman, pampangasiwaan o pambatasan, o alinmang iba pang karampatang awtoridad na itinatakda ng sisatemang pambatas ng Estado, at bumuo ng magagawang pagtutuwid ng hukuman; ________________________________________________ 44

Karapatang Sibil at Pampulitika ________________________________________________ (c) Ng pagpapatupad ng mga karampatang awtoridad sa gayong mga pinahintulutang pagtutuwid. Artikulo 3 Ang mga Estadong Panig sa Kasunduang ito ay nangangakong pangalagaan ang pantay na karapatan ng mga lalaki at babae sa pagtatamasa ng lahat, ng karapatang sibil at pampulitika na itinatakda ng Kasunduang ito. Artikulo 4 1. Sa panahon ng hayagang hagipitan na magsaapanganib na buhay ng bansa at pag-iral nito ay opisyal nang naihayag ang mga Estadong Panig sa Kasunduang ito sa abot ng pangangailangan ng gipit na kalagayan sa pasubaling ang gayong mga hakbang ay hindi salungat sa iba pa nilang pananagutan batay sa batas na pandaigdig at walang pagtatanging salig lamang sa lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon o pinagmulang lipunan. 2. Walang magagawang paglihis sa mga Artikulo 6, 7, 8, (Talataan 1 at 2), 11, 15, 16, at 18 batay sa tadhanang ito. 3. Alinmanng Estadong Panig sa Kasunduang ito na gagamit sa karapatang lumihis ay kaagad magbibigay-alam sa iba pang Estadong Panig sa kasunduang ito, sa pamamagitan ng Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa, ng tungkol sa mga tadhanang nilihisan nito at ang mga dahilan ng paglihis dito. Ipagbibigay-alam pa rin, sa gayon ding pamamagitan, ang petsa ng pagtatapos nito sa gayong paglihis. ________________________________________________ 45

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Artikulo 5 1. Walang bahagi ng Kasunduang ito ay maaaring ipakahulugan na ang alinmang Estado, pangkat o tao ay may ano mang karapatang magsagawa o tumupad ng ano mang kilos na naglalayong wasakin ang alinman sa mga karapatan at kalayaang kinikilala rito o nang higit kaysa pagtatakdang itinatadhan sa Kasunduang ito. 2. Walang magiging pagbabawal o paglihis sa alinman sa mga pangunahing karapatan ng tao na kinikilala o umiiral sa alinmang Estadong Panig sa Kasunduang ito ang gayong mga karapatan o di nito gaanong kinikilala ang mga iyon. Ikatlong Bahagi Artikulo 6 1. Ang bawat taoy may katutubong karapatang mabuhay. Ang karapatang itoy pangangalagaan ng batas. Walang taong babawian ng buhay nang hindi naaalinsunod sa batas. 2. Sa mga bansang ipinatutupad pa ang parusang kamatayan, ang hatol na kamatayan ay maipapataw lamang para sa pinakamabigat na pagkakasala nang naaayon sa batas na umiiral ng panahong gawin ang pagkakasala at hindi salungat sa mga tadhana ng Kasunduang ito at sa Kapulungan tungkol sa Pagsugpo at Pagparusa sa krimeng henosidyo. Ang parusang ito ay maisasagawa ________________________________________________ 46

Karapatang Sibil at Pampulitika ________________________________________________ lamang alinsunod sa isang pangwakas na hatol ng isang karampatang hukuman. 3. Kung ang pagbawi sa buhay ay bumubuo sa krimeng henosidyo, nauunawaan na walang bahagi sa artikulong ito ang magpapahintulot sa alinmang Estadong Panig sa Kasunduang ito na lumihis sa ano mang paraan sa anumang pananagutan alinsunod sa mga tadhana ng Kapulungan tungkol sa Pagsugpo at Pagpaparusa sa krimeng henosidyo. 4. Sinumang taong hinatulan ng kamatayan ay may karapatang humingi ng kapatawaran o pagpapababa ng hatol. Maaaring ipagkaloob sa lahat ng pangyayari ang amnestiya, pagpapatawad o pagpapababa ng hatol na kamatayan. 5. Ang hatol na kamatayan ay hindi ipapataw sa mga pagkakasalang ginawa ng isang taong wala pang labing walong taong gulang at hindi ipatutupad sa mga nagdadalang-tao. 6. Walang bahagi sa artikulong ito ang mapananawagan ng alinmang Estadong Panig sa Kasunduang ito upang antalahin o hadlangan ang pag-aalis ng parusang kamatayan. Artikulo 7 Walang sino mang sasailalim sa labis na pagpapahirap o sa mahigpit, di makatao o marawal na pagtrato o parusa. ________________________________________________ 47

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Higit sa lahat, walang sino mang sasailalim sa pagsubok na medikal o siyentipiko nang wala siyang maluwag na pagsang-ayon. Artikulo 8 1. Walang sino mang sasailalim sa pagkaalipin; ipagbabawal ang lahat ng paraan ng pang-aalipin at pangangalakal ng alipin. 2. Walang sinoman ang sasailalim sa pagkabusabos. 3. (a) walang sino mang hihinging magsagawa ng sapilitan o pwersahang gawain; (b) Ang talataan 3 (a) ay hindi mapanghahawakan upang pigilin, sa mga bansang nagpapataw ng pagkabilanggong may mabigat na gawain bilang parusa sa isang pagkakasala, ang pagtupad ng mabigat na gawain bilang pag-alinsunod sa parusang hatol ng isang karampatang hukuman; (c) Sa layon ng talataang ito, hindi mabibilang sa kataawagang sapilitan o pwersahang gawain ang: (i) Ano mang gawain o paglilingkod, na hindi tinutukoy sa Sub-talataan (b) na karaniwang hinihingi ng isang taong pinipigil bunga sa isang utos ng hukuman na naayon sa batas, o sa isang tao habang may pasubaling nakakalaya mula sa gayong pagpigil; ________________________________________________ 48

Karapatang Sibil at Pampulitika ________________________________________________ (ii) Ano mang paglilingkod na panghukbo at, sa mga bansang kinikilala ang pagtutol ayon sa konsiyensiya, ano mang paglilingkod sa bansa na itinatakda ng batas para sa mga tumututol ayon sa konsiyensiya; (iii) Ano mang paglilingkod na inilalapat sa mga kalagayang pangkagipitan o kalamidad na magsasapanganib sa buhay o kagalingan ng pamayanan; (iv) Ano mang gawain o paglilingkod na bahagi ng karaniwang mga pananagutan bilang mamamayan. Artikulo 9 1. Ang lahat ng taoy may karapatan sa kalayaan at kapanatagan sa sarili. Walang sino mang ipaiilalim sa dimakatarungang pagdakip o pagpigil. Walang sino mang aalisan ng kalayaan liban sa mga dahilan at alinsunod sa mga pamamaraang itinatakda ng batas. 2. Ipaalam sa sino mang dinakip, sa sandali ng pagdakip, ang mga dahilan ng pagdakip sa kanya at kaagad ipaalam ang ano mang sakdal laban sa kanya. 3. Sino mang dinakip o pinipigil sa isang sakdal na kriminal ay kaagad ihaharap sa isang hukom o iba pang pinunong pinahintulutan ng batas na tumutupad ng kapangyarihang panghukuman at may karapatan ________________________________________________ 49

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ sa paglilitis sa loob ng isang makatwirang panahon o sa pagpapalaya. Hindi magiging pangkalahatang patakaran na pigilin sa kulungan ang mga taong naghihintay ng paglilitis, subalit ang pagpapalaya ay maaaring masalalay sa mga panagot upang humarap sa paglilitis, sa alinmang iba pang bahagi ng palilitis, at, kung darating ang sandal, sa pagpapatupad ng hatol. 4. Sino mang nawalan ng kanyang kalayaan dahil sa pag dakip o pagpigil ay may karapatang magharap ng usapin sa isang hukuman, upang maagap na mapagpasiyahan ng hukumang iyon ang pagiging makatarungan ng pagpigil sa kanya at ipag-utos ang pagpapalaya sa kanya kung ang pagpigil ay hindi naalinsunod sa batas. 5. Sino mang naging biktima ng paglabag na pagdakip o pagpigil ay may sapilitang karapatan sa bayad-pinsala. Artikulo 10 1. Ang lahat ng taong inalisan ng kalayaan ay pikikitunguhan nang makatao at may pagpapahalaga sa katutubong karangalan ng tao. 2. (a) Ang mga taong nakahabla, liban sa mga pambihirang pagkakataon ay ihihiwalay sa mga taong hinatulan at ipaiilalim sa bukod na pakikitungo na naaangkop sa kanilang kalagayan bilang mga taong hindi pa nahahatulang nagkasala; ________________________________________________ 50

Karapatang Sibil at Pampulitika ________________________________________________ (b) Ang mga kabataang nakahabla ay ibubukod sa matatanda at hanggat magagaway agad pagpapasiyahan. 3. Ang pagbibilanggo ay may pangunahing layuningpakitunguhan ang mga bilanggo tungo sa kanilang pagbabagong-buhay at rehabilitasyong panlipunan. Ang mga kabataang nagkasala ay ihihiwalay sa matatanda at pakikitunguhan nang angkop sa kanilang edad at kalagayang legal. Artikulo 11 Walang sino mang mabibilanggo dahilan lamang sa kawalan ng kakayahang tumupad sa isang pinagkasunduang pananagutan. Artikulo 12 1. Ang bawat taong nasa loob ng teritoryo ng isang Estado nang alinsunod sa batas ay may karapatan sa loob ng teritoryong iyon, na malayang kumilos at malayang pumili ng kanyang tirahan. 2. Ang bawat taoy malayang makalilisan sa alinmang bansa, kabilang ang sarili niyang bansa. 3. Ang mga karapatang nabanggit sa itaas ay hindi sasailalim sa ano mang paghihigpit maliban doon sa mga itinakda ng batas, kailangan upang pangalagaan ang karapatan ng bansa, kaayusang pambayan, kalusugan o ________________________________________________ 51

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ kaasalang pambayan o ang mga karapatan at kalayaan ng iba, at naaalinsunod sa iba pang karapatang kinikilala sa Kasunduang ito. 4. Walang sino mang di makatwirang aalisan ng karapatang pumasok sa sarili niyang bansa. Artikulo 13 Ang isang dayuhang nasa teritoryo ng isang Estadong Panig sa kasunduang ito nang naaalinsunod sa batas ay mapapaalis lamang mula dito bilang pag-alisunod sa isang kapasiyahang naaayon sa batas at, maliban kung kimakailangan sa mga di-maiiwasang kadahilanan ng kapanatagan ng bansa, pahihintulutang magharap ng mga katwiran laban sa pagpapaalis sa kanya at mapag-aralan ang kanyang katayuan, at katawanin ukol dito,ng karampatang awtoridad o ng isang tao o mga taong sadyang itinalaga ng karampatang awtoridad. Artikulo 14 1. Ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa harap ng hukuman. Sa pagpapasiya sa ano mang sakdal laban sa kanya, o sa kanyang mga karapatan at pananagutan na isang usapin sa batas, bawat taoy may karapatan sa isang makatarungan at hayagang pagdinig sa pamamagitan ng isang karapatan, nagsasarili at walang kinikilalang hukuman na itinakda ng batas. Ang mamamahayag at ang madla ay maaaring huwag papasukin sa kabuuan o bahagi ng isang paglitis sa mga kadahilanang moral, kaayusang pambayan o kapanatagan ng bansa sa isang ________________________________________________ 52

Karapatang Sibil at Pampulitika ________________________________________________ lipunang demokratiko, o kapag hinihingi sa kapakanan ng pansariling buhay ng mga kinauukulang panig, o sa abot na sa palagay ng hukuman ay kailangangkailangan sa mga tanging pagkakataon na makasasama ang paghahayag sa kubutihan ng katarungan; subalit ano mang hatol na iginawad sa isang sakdal o usapin ay gagawing hayagan maliban kung makasasama sa kapakanan ng kabataan o ang paglilitis ay may kinalaman sa alitan ng mag-asawa o sa pagkupkop ng bata. 2. Ang bawat tao na ipinagsakdal ng pagkakasalang kriminal ay may karapatang ipalagay, na walang kasalanan hanggat hindi napatutunayang nagkasala alinsunod sa batas. 3. Sa pagpapasya sa ano mang sakdal laban sa kanya, ang bawat taoy may karapatan sa mga sumusunod na pinakakaunting kapangakuan, na pantay sa lahat: (a) Maagap at puspusang mapatalastasan sa salitang kanyang nauunawaan ng uri at sanhi ng sakdal laban sa kanya; (b) Magkaroon ng sapat na panahon at gamit sa paghahanda ng kanyang pagtatanggol at makipagalam sa pinili niyang manananggol; (c) Litisin nang walang labis ng pagkabalam; (d) Litisin nang siyay nakaharap, at magtangol mismo ng sarili o sa pamamagitan ng kanyang piniling ________________________________________________ 53

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ abugado, magpatalastasan, kung siyay walang abugado, ng kanyang karapatan; at mabigyan ng abugado, sa ano mang kalagayang hinihingi sa kapakanan ng katarungan, at nang wala siyang babayaran sa ano mang kalagayang wala siyang sapat na pambayad ukol dito; (e) Siyasatin, o ipasiyasat, ang mga saksi laban sa kanya at makuhang paharapin at siyasatin ang mga testigo para sa kanya alinsunod sa mga kalagayang gaya sa mga saksi laban sa kayna; (f) Magkaroon ng walang bayad na paglilingkod ng isang tagapagsalin o interpreter kung hindi niya mauunawaan o mabigkas ang salitang ginagamit sa hukuman; (g) Hindi mapipilit na sumaksi laban sa sarili o umamin sa pagkakasala. 4. Sa kaso ng mga kabataan, ang pamamaraan ay isasagawa nang may pagsasaalang-alang sa kanilang edad at hangaring makatulong sa kanilang pagpapanibagong-buhay. 5. Ang bawat tao na mahatulang nagkasala ay may karapatang masuring muli ng isang nakatataas na hukuman ang hatol at sentensiya sa kanya alinsunod sa batas. 6. Kung ang isang tao, sa isang pangwakas na pasiya, ay nahatulan ng pagkakasalang kriminal at pagkaraay ________________________________________________ 54

Karapatang Sibil at Pampulitika ________________________________________________ sinaliwa ang hatol sa kanya o siyay pinatawad sa dahilang matibay na ipinakikita ng isang panibagong tuklas na katotohanan na mayroong pagkabigo ng katarungan, ang taong nagdusa bunga ng gayong hatol ay bibigyan ng bayad-pinsala alinsunod sa batas, maliban kung mapapatunayang siya ay may ganap na kinalaman o bahagi sa di-kaagad paglalantad ng nalingid sa katotohanan. 7. Walang sino mang maaaring muling litisin o parusahan sa isang pagkakasalang pangwakas na siyang nahatulan o napawalang-sala nang naalinsunod sa batas at sa pamamaraan ng pagpaparusa ng bawat bansa. Artikulo 15 1. Walang sino mang maaaring hatulan ng ano mang pagkakasalang kriminal dahil sa ano mang kagagawan o pagpapabaya na hindi maituturing na pagkakasalang kriminal, alinsunod sa batas na pambansa o pandaigdig, sa panahon nang ito ay isagawa. At hindi makapagpapataw ng parusang mas mabigat kaysa ipinaiiral nang panahong isagawa ang pagkakasalang kriminal. Kung pagkaraan ng ginagawang pagkakasala, magtakda ang batas ng paglalapat ng mas magaan na parusa, makikinabang ang nagkakasala sa gayon. 2. Walang bahagi sa artikulong ito ang makasasagwil sa paglilitis at pagpaparusa sa sino mang tao dahil sa ano mang kagagawan o pagpapabaya na sa panahong isagawa ito ay isang pagkakasalang kriminal alinsunod sa mga ________________________________________________ 55

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ pangkalahatang panuntunan ng batas na kinikilala ng pamayanan ng mga bansa.

Artikulo 16
Ang bawat taoy may karapatang pahalagahan saan man bilang isang taong nasasaklaw ng batas. Artikulo 17 1. Walang sino mang isasailalim sa di-makatwiran, o labag sa batas na panghihimasok sa kanyang pananahimik, pamilya, tahanan o pakikipagsulatan, ni sa labag sa batas, na tuligsa sa kanyang karangalan at mabuting pangalan. 2. Ang bawat taoy may karapatan sa pangangalaga ng batas laban sa gayong mga panghihimasok o tuligsa. Artikulo 18 1. Ang bawat taoy may karapatan sa kalagayan ng pagiisip, budhi at relihiyon. Kasama sa karapatang ito ang kalayaang mang-akin o sumunod sa kanyang piniling relihiyon o paniniwala, at kalayaang maghayag, maging mag-iisa o kasama ang iba at ang lantaran o sarilinan, ng kanyang relihiyon o paniniwala, sa pagsamba, pagtalima, pagsasagawa at pagtuturo. 2. Walang sino mang ipailalim sa pamimilit na magkasasama sa kanyang kalayaang mang-akin o sumunod sa kanyang piniling relihiyon o paniniwala. ________________________________________________ 56

Karapatang Sibil at Pampulitika ________________________________________________ 3. Ang kalayaang maghayag ng relihiyon o paniniwala ay maaaring sumailalim kamang sa mga pagtatakdang gaya ng ipinag-uutos ng batas at kinakailangan upang pangalagaan ang kaligtasan, kaayusan, kalusugan, o kaasalan ng bayan o ang mga pangunahing karapatan at kalayaan ng iba. 4. Ang mga Estadong Panig sa Kasunduang ito ay nangangakong igagalang ang kalayaan ng mga magulang at, kung naaangkop, mga tagapagkupkop na pangalagaan ang edukasyong panrelihiyon at pangkaasalan ng kanilang mga anak nang naaayon sa kanilang sariling pananalig. Artikulo 19 1. Ang bawat taoy maykarapatang manghawakan sa kurokuro nang walang panghihimasok. 2. Ang bawat taoy may karapatan sa kalayaan ng pagpapahayag; kasama ng karapatang ito ang kalayaang humanap, tumanggap at magbigay ng lahat ng uri ng impormasyon at idea, nang walang pagsaalang-alang ng mga hangganan, maging sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsusulat o paglilimbag, sa paraan ng sining, o sa pamamagitan ng ano mang iba paniyang piniling paraan. 3. Ang pagsasagawa ng mga karapatang itinatadhana sa Talataan 2 ng Artikulong ito ay may kaakibat na mga tanging tungkulin at pananagutan. Ito sa gayon ay maaaring sumailalim sa ilang paghihigpit, subalit gayon lamang sa gaya ng itinadhana ng batas at kinakailangan: ________________________________________________ 57

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ (a) Sa pagpapahalaga sa mga karapatan o mabuting pangalan ng iba; (b) Sa pangangalaga sa kapanatagan ng bansa o kaayusang pambayan o sa kalusugan o kaasalang pambayan. Artikulo 20 1. Ano mang pagpapalaganap ng digmaan ay ipagbabawal ng batas. 2. Ano mang pagbubuyo ng pagkamunghi sa bayan, lahi o relihiyon na nag-uudyok ng pang-aapi, digmaan o karahasan ay ipinagbabawal ng batas. Artikulo 21 Kikilalanin ang mga karapatan sa mapayapang pagpupulong. Walang paghihigpit na maaaring gawin sa pagtupad ng karapatang ito liban doon sa inilalapat nang naaayon sa batas at kinakailangan sa isang lipunang demokratiko sa kapakanan ng kapanatagan ng bansa o kaligtasang pambayan, sa pangangalaga sa kalusugan o kaasalang pambayan o sa pangangala sa mga karapatan at kalayaan ng iba. Artikulo 22 1. Ang bawat taoy may karapatan sa kalayaang makianib sa iba, kabilang ang mga karapatang matatag at umanib sa mga union ng manggagawa para sa pangangalaga ng kanyang mga kapakanan. ________________________________________________ 58

Karapatang Sibil at Pampulitika ________________________________________________ 2. Walang paghihigpit na maaaring gawin sa pagtupad ng karapatang ito liban doon sa mga itinakda ng batas at kinakailangan sa isang lipunang demokratiko sa kapakanan ng kapanatagan ng bansa o kaligtasang pambayan, kaayusang pambayan, sa pangangalaga sa kalusugan o sa kaasalang pambayan o sa pangangalaga sa mgakarapatan at kalayaan ng iba. Ang artikulong ito ay hindi makakahadlang sa paglalapat ng mga paghihigpit na naaayon sa batas sa pagtupad ng karapatang ito ng mga kabilang sa sandatahang lakas at pulisya. 3. Walang bahagi sa artikulong ito ang magpapahintulot sa mga Estadong Panig sa 1948 Kumbensyon ng Pandaigdig na Samahan sa Paggawa na may kinalaman sa Kalayaan sa Pakikisapi at Pangangalag sa Karapatang Matatag na magpatibay ng mga batas makasasagwil o gamitin ang batas sa isang paraang makasasagwil sa mga kapangakuang itinatadhana ng kombensyong iyon. Artikulo 23 1. Ang pamilya ay likas at pangunahing pangkat na sangay ng lipunan at karapat-dapat sa pangangalaga ng lipunan at ng Estado. 2. Kikilalanin ang karapatan ng mga lalakit babaing nasa hustong gulang na mag-asawa at magpamilya. 3. Walang pag-aasawang papasukan nang walang malaya at lubos na pagsang-ayon ng mga nagbabalak magkapangsawahan. ________________________________________________ 59

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ 4. Ang mga Estadong Panig sa Kasunduang ito ay magsasagawa ng mga naangkop na hakbang upang pangalagaan ang pagkakapantay ng mga karapatan at pananagutan ng mag-asawa sa pag-aasawa, sa panahong may asawa at sa pagpapawalang-bisa rito. Sakaling pawalang-bisa ang kasal, gagawa ng paghahanda para sa kinakailangang pangangalaga sa sinumang anak. Artikulo 24 1. Ang bawat batay may karapatan sa mga hakbang sa pangangalaga ayon sa hinihingi ng kanyang kalagayan bilang isang menor, nang walang ano mang pagtatapat gaya ng lahi, kulay, wika, relihiyon, pinagmulang bansa o lipunan, ari-arian o kapanganakan, sa panig ng kanyang pamilya, ng lipunan at ng Estado. 2. Ang bawat batay kaagad ipaparehistro pagkasilang at bibigyan ng pangalan. 3. Ang bawat batay may karapatang magkamit ng pagkamamamayan. Artikulo 25 Ang bawat mamamayan ay may karapatan sa pagkakaroon nang walang alinman sa mga pagtatanging nabanggit sa Artikulo, at walang di-makatwirang paghihigpit: (a) Makilahok sa pamamahala ng mga gawaing pambayan, sa tuwiran o sa pamamagitan ng mga kinatawang malayang pinili; ________________________________________________ 60

Karapatang Sibil at Pampulitika ________________________________________________ (b) Bumoto at maghalal sa tunay at pana-panahong mga halalan sa pamamagitan ng pangkalahatan at pantay-pantay na paghahalal at idaraos sa pamamagitan ng lihim na balota, na sumasagot sa malayang pagpapahayag ng kalooban ng mga manghahalal; (c) Pumasok, nang pantay-pantay sa lahat, paglilingkod pambayansa kanyang bansa. Artikulo 26 Ang lahat ng taoy pantay-pantay sa harap ng batas at may karapatan nang walang pagtatangi sa pantay na pangangalaga ng batas. Dahil dito, ipagbabawal ng batas ang ano mang pagtatangi at ipinangangako sa lahat ng tao ang pantay at mabisang pangangalaga laban sa ano mang pagtatangi gaya ng lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, kuro-kurong pampulitika o iba pa, pinagmulang bansa o lipunan, ari-arian, kapanganakan o iba pang katayuan. Artikulo 27 Sa mga Estadong may minoryang etniko, panrelihiyon o pangwika, hindi ipagkakait sa mga taong nabibilang sa gayong minorya, kasama ang iba pang kabilang sa kanilang pangkat, ang karapatang tamasin ang kanilang sariling kalinangan, ihayag at isagawa ang kanilang sariling relihiyon, o gamitin ang kanilang sariling wika. ________________________________________________ 61 sa

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Ikaapat na Bahagi Artikulo 28 1. Magtatag ng isang Lupon sa mga Karapatan ng tao (mula ngayoy tutukuyin sa Kasunduang ito bilang Lupon). Itoy bubuuin ng labingwalong kagawad at tutuparin ang mga taungkuling itatakda pagkaraan nito. 2. Ang Lupon ay bubuuin ng mga mamamayan ng mga Estadong Panig sa Kasunduang ito na may mataas na pagkatao at kinikilalang kakayahan sa larangan ng mga karapatan ng tao, na bibigyan ng pagsasaalang-alang ang magagawang tulong ng mga taong may karanasan tungkol sa batas. 3. Ang mga kagawad ng lupon ay ihahalal at maglilingkod ayon sa kanilang sariling tungkulin. Artikulo 29 1. Ang mga kagawad ng Lupon ay ihahalal sa pamamagitan ng lihim na balota mula sa talaan ng mga taong nag-aangkin ng mga katangiang itinakda sa Artikulo 28 at ipinasok ukol dito ng mga Estadong Panig sa Kasunduang ito. 2. Ang bawat Estadong Panig sa Kasunduang ito ay maaaring pumasok ng hindi hihigit sa dalawang tao. Ang mga taong itoy mamamayan ng nagpapasok na Estado. 3. Maaaring ipasok muli ang isang nominado ng Estadong Panig. ________________________________________________ 62

Karapatang Sibil at Pampulitika ________________________________________________ Artikulo 30 1. Ang unang paghalal ay idaraos nang hindi lalampas sa anim na buwan pagkaraan ng petsa ng pagkakabisa ng Kasunduang ito. 2. Apat na buwan man lamang bago sumapit ang petsa ng bawat paghalal sa Lupon, na iba kaysa paghalal upang punan ang isang pagkabakanteng inhayag, nang naalinsunod sa Artikulo 34, ang Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa ay magpapadala ng isang nakasulat na paanyaya sa mga Estadong Panig sa Kasunduang ito upang magharap ng kanilang mga ipapasok sa pagiging kagawad ng Lupon sa loob ng tatlong buwan. 3. Ang Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa ay maghahanda ng isang talaan sa alpabetikal na pagkakasunod-sunod ng lahat ng taong ipinasok sa gayon, na itutukoy ang mga Estadong Panig sa nagpasok sa kanila, at ihaharap ito sa mga Estadong Panig sa Kasunduang ito ng hindi lalampas sa isang buwan bago sumapit ang petsa ng bawat paghahalal. 4. Ang paghahalal sa mga kagawadng Lupon ay idaraos sa isang pulong ng mga Estadong Panig sa Kasunduang ito na tinawag ng Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa sa Punong-tanggapan ng Nagkakaisang mga Bansa. Sa pulong na iyon, na ang dalawang-ikatlo (2/3) ng mga Estadong Panig sa Kasunduang ito ay bubuo ng isang korum, ang mga taong nahalal sa Lupon ay bubuo ________________________________________________ 63

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ ng isang korum ang mga taong nahalal sa Lupon ay yaong mga ipinasok na nakakuha ng pinakamaraming boto at ganap nakararaming boto ng mga kinatawan ng mga Estadong Panig na dumalo sa bumoto. Artikulo 31 1. Maaaring hindi mabilang sa lupon ang mahigit sa isang mamamayan ng isang Estado. 2. Sa paghahalal ng Lupon, bibigyan ng pagsasaalangalang ang karampatang pamamahaging pangheograpiya ng mga kagawad at ang pagkatawan sa ibat ibang uri ng kabihasnan at sa mga pangunahing pamamaraang batas. Artikulo 32 1. Ang mga kagawad ng Lupon ay manunungkulan sa loob ng apat na taon. Sila ay maaaring ihalal muli kung ipapasok muli. Gayunman ang panunungkulan ng siyam na kagawad na nahalal sa unang paghalal ay magwawakas pagkaraan ng dalawang taon, pagkaraang-pagkaraan ng unang paghalal, ang pangalan ng siyam na kagawad na ito ay pipiliin sa pamamagitan ng palabunutan ng Tagapangulo ng pulong na tinutukoy sa Artikulo 30, talataan 4. 2. Ang mga paghahalal sa pagwawakas ng panunungkulan ay idaraos alinsunod sa mga sinusundang artikulo ng bahaging ito ng Kasunduang ito. ________________________________________________ 64

Karapatang Sibil at Pampulitika ________________________________________________ Artikulo 33 1. Kung sa nagkakaisang palagay ng iba pang kagawad, ang isang kagawad ng Lupon ay hindi na makatupad sa tungkulin sa ano mang kadahilanan bukod sa pansamantalang pagliban, ito ayipagbibigay-alam ng Tagapangulo ng Lupon sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa, na pagkaraay siyang maghahayag na bakante ang puwesto ng kagawad na iyon. 2. Sakaling mamatay o magbitiw ang isang kagawad ng Lupon, ipagbibigay-alam ng Tagapangulo sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa, na siyang maghahayag na bakante ang pwesto mula sa petsa ng pagkamatay o sa petsang nagkabisa ang pagbibitiw. Artikulo 34 1. Kapag inihayag ang isang pagkabakante alinsunod sa Artikulo 33 at kung ang panunungkulan ng papalitang kagawad ay hindi magwawakas sa loob ng anim na buwanpagkaraang ihayag ang pagkabakante, ipagbibigayalam ng Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa bawat Estadong Panig sa Kasunduang ito, na sa loob ng dalawang buwan ay maaaring magharap ng mga pagpapasok alinsunod sa Artikulo 29 sa layuning mapunan ang bakanteng pwesto. 2. Ang Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa ay maghahanda ng isang talaan sa alpabetikal na Pagkakasunod-sunod ng mga taong ipinasok sa gayon ________________________________________________ 65

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ at ihaharap ito sa mga Estadong Panig sa Kasunduang ito. Pagkaraay idaraos ang paghahalal upang punan ang bakanteng puwesto alinsunod sa mga kaugnay na tadhana ng bahaging ito ng Kasunduan. 3. Ang isang kagawad ng Lupon na nahalal upang punan ang isang pagkabakanteng inihayag alinsunod sa Artikulo 33 ay manunungkulan sa loob ng natitirang taning na panahon ng kagawad na bumakante sa puwesto sa Lupon batay sa mga tadhana ng artikulong iyon. Artikulo 35 Ang mga kagawad ng Lupon, sa pagpapatibay ng Pangkalahatang Kapulungan ng Nagkakaisang mga Bansa, ay tatanggap ng kabayaran mula sa pondo ng Nagkakaisang mga Bansa batay sa mga tadhana at kondisyong pagtitibayin ng Pangkalahatang Kapulungan, na isinasaalang-alang ang kahalagahan ng mga tungkulin ng Lupon. Artikulo 36 Ang Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa ay magbibigay ng mga kailangang tauhan at gamit ukol sa mabisang pagtupad ng mga tungkulin ng Lupon alinsunod sa Kasunduang ito. Artikulo 37 1. Ang Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa ay magpapatawag ng panimulang pulong ng Lupon sa Punong-tanggapan ng Nagkakaisang mga Bansa. ________________________________________________ 66

Karapatang Sibil at Pampulitika ________________________________________________ 2. Pagkaraan ng panimulang pulong na ito, ang Lupon ay magpupulong sa mga panahong itatakda sa mga tuntunin ng pamamaraan nito. 3. Ang Lupon ay karaniwang magpupulong sa Punong-tanggapan ng Nagkakaisang mga Bansa sa Geneva. Artikulo 38 Bawat miyembro ng Lupon, bago harapin ang kanyang tungkulin, ay gagawa ng taitim na deklarasyon na bukas kaninuman na kanyang gagampanan nang makatarungan at buong katapatan ang kanyang mga tungkulin. Artikulo 39 1. Ang Lupon ay maghahalal ng mga pinnuno nito na manunungkulan sa loob ng dalawang taon. Sila ay maaaring mahalal na muli. 2. Ang Lupon ay magkakaroon ng sariling alintuntunin at ang mga ito ay magtatadhana, kasama ng iba pa na: (a) Ang labingdalawang (12) kagawad ay sapat na para bumuo ng korum; (b) Ang mga pasya ng Lupon ay gagawin sa pamamagitan ng nakararaming boto ng mga dumalong kagawad. ________________________________________________ 67

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Artikulo 40 1. Ang mga Estadong Panig sa kasalukuyang Kasunduan ay nangangako na magbibigay ng mga ulat sa kanilang mga hakbang o ginawa sa kanilang bansa na nagbibigay buhay sa mga karapatang kinikilala rito at ang pagsulong na naganap sa masayang pagtamasa ng mga karapatang ito: a. Sa loob ng isang taon simula sa pagkakabisa ng Kasunduang ito para sa mga kinauukulang Estadong Panig; b. Pagkaraan noon, kahit kalian sa paki-usap ng Lupon. 2. Ang lahat ng ulat ay ihaharap sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa na siyang magpapadala nito sa Lupon para isaalang-alang. Ang mga ulat ay maglalahad ng mga dahilan at suliranin, kung mayroon man, na may kinalaman sa pagsasakatuparan ng Kasunduan ito. 3. Ang Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa, pagkatapos makipagsangguni sa Lupon, ay maaaring magpadala sa mga kinauukulang ahensiyang pantanging-gawain ng mga sipi ng bahagi ng ulat mapapaloob sa saklaw ng kanilang kakayahan. 4. Pag-aralan ng mga Lupon ang mga ulat na iniharap ng mga Estadong Panig sa Kasunduang ito. Magpapadala ito ng mga ulat nito at mga pangkalahatang puna na inaakala nitong nararapat, sa mga Estadong Panig. Ang Lupon ay ________________________________________________ 68

Karapatang Sibil at Pampulitika ________________________________________________ maaari ring magpadala sa Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan ng mga punang ito kasama ang mga sipi ng ulat na tinanggap nito mula sa mga Estadong Panig sa Kasunduang ito. 5. Ang mga Estadong Panig sa Kasunduang ito ay maaring magharap sa Lupon ng mga obserbasyon tungkol sa ano mang punang maaaring ginawa alinsunod sa talataan 4 ng artikulong ito. Artikulo 41 1. Ang isang Estadong Panig sa Kasunduang ito ay maaaring magpahayag sa ano mang oras alinsunod sa artikulong ito sa kinikilala nito ang kakayahan ng Lupon na tanggapin at pag-aralan ang mga sumbong na inihahayag ng isang Estadong Panig na hindi tumutupad ang ibang Estadong Panig sa mga pananagutan nito alinsunod sa Kasunduang ito. Ang mga sumbong alinsunod sa artikulong ito ay maaaring tanggapin at pag-aralan lamang kung iniharap ng isang Estadong Panig na nagpahayag ng pagkilala nito sa kakayahan ng Lupon. Hindi tatanggapin ng Lupon ang ano mang sumbong kung ito ay may kinalaman sa isang Estadong Panig na hindi gumagawa ng gayong pahayag. Ang mga sumbong na tinanggap alinsunod sa artikulong ito ay, aayusin alinsunod sa mga sumusunod na pamamaraan: (a) Kung ipinapalagay ng isang Estadong Panig sa Kasunduang ito na ang ibang Estadong Panig ay hindi tumutupad sa mga tadhana ng Kasunduang ito, ________________________________________________ 69

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ maaari nitong ipagbigay-alam sa Estadong Panig na iyon ang tungkol sa bagay na ito sa pamamagitan ng nakasulat na sumbong. Sa loob ng tatlong buwan pagkaraang matanggap ang sumbong, ang tumanggap na Estado ay magbibigay sa Estadong nagpadala ng sumbong ng isang paliwanag o ano mang nasusulat na paglalahad na nagpapaliwanag tungkol sa bagay na iyo, na kapapalooban, hanggat maaari at nauukol, ng pagtukoy sa mga panloob na pamamaraan at pagtutuwid na isinagawa, nakalaan, o magagamit ukol sa bagay na iyon. (b) Kung ang bagay na iyon ay hindi naayos nang kasiya-siya sa mga kinauukulang Estadong Panig sa loob ng anim na buwan pagkaraan tanggapin ng tumanggap ng Estado an unang sumbong, ang alinman sa dalawang Estado ay may karapatang iharap sa Lupon ang bagay na iyon, sa pamamagitan ng pagbibigay-alam sa Lupon at kabilang Estado. (c) Aayusin lamang ng Lupon ang isang bagay na iniharap dito pagkaraang matiyak nito na lahat ng magagawang panloob na pagtutuwid ay lubos nang naiukol sa bagay na iyon, nang naaayon sa mga panuntunan ng pandaigdig na batas na kinikilala ng lahat. Hindi ganito ang magiging patakaran kung ang pag-uukol ng mga pagtutuwid ay labis na pinagtatagal. (d) Ang Lupon ay magdaraos ng mga pinid na pulong kapag sinusuri ang mga sumbong alinsunod sa artikulong ito. ________________________________________________ 70

Karapatang Sibil at Pampulitika ________________________________________________ (e) Batay sa mga tadhana ng sub-talataan (c), ang Lupon ay nakalaang maglingkod sa mga kinauukulang Estadong panig upang ihanap ng maayos na kalutasan ang bagay na iyon batay sa paggalang sa mga karapatan ng tao at mga pangunahing kalayaang kinikilala sa kasunduang ito. (f) Sa ano mang bagay na iniharap dito, maaaring hingan ng Lupon ang mga kinauukulang Estadong panig, na tinutukoy sa sub-talataan (b), ng ano mang nauugnay na impormasyon. (g) Ang mga kinauukulang Estadong Panig, na tinutukoy sa sub-talataan (b), ay may karapatang katawanin sa pagsasaalang-alang ng Lupon sa bagay na iyon at magharap ng mga pahayag na salita at/o nasusulat. (h) Ang Lupon, sa loob ng labingdalawang buwan pagkaraan ng petsa ng paagkatanggap sa pagbibigayalam alinsunod sa sub-talataan (b), ay maghaharap ng isang ulat. i. Kapag nakahanap ng kalutasan batay sa mga tadhana ng sub-talataan (e), ihahanga ng Lupon ang ulat nito sa isang maikling paglalahad ng mga pangyayari at sa naabot na kalutasan:

Kapag hindi nakahanap ng kalutasan batay sa mga tadhana ng sub-talataan (e), ihahanga ng Lupon ang ulat nito sa isang maikling paglalahad ng mga pangyayari; ilalakip sa ________________________________________________ 71

ii.

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ ulat ang mga nasusulat na pahayag at tala ng mga pasalitang pahayag ng mga kinauukulang Estadong panig. Alinman dito, ang ulat ay ipadadala sa mga kinauukulang Estadong Panig. 2. Ang mga tadhana ng artikulong ito ay magkakabisa kapag gumawa ng pagpapahayag alinsunod sa talataan 1 ng artikulong ito ang sampung Estadong Panig sa Kasunduang ito. Ang gayong pagpapahayag ay ilalagak ng mga Estadong panig sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa, na siyang magpapadala ng mga sipi nito sa iba pang Estadong Panig. Ang isang pagpapahayag ay maaaring bawiin anumang oras sa pamamagitan ng pagbibigay-alam sa Pangkalahatang Kalihim. Ang gayong pagbawi ay hindi makasasagwil sa pagsasaalang-alang sa ano mang bagay na pinapaksa sa isang sumbong na naipadala na alinsunod sa artikulong ito; hindi na tatanggapin ang ano pa mang sumbong ng alinmang Estadong Panig pagkaraang tanggapin ng Pangkalahatang Kalihim ang pagbibigay-alam ng pagbawi sa pagpapahayag, maliban kung gagawa ng panibagong pagpapahayag ang kinauukulang Estadong Panig. Artikulo 42 1. (a) Kung ang isang bagay na uniharap sa Lupon alinsunod sa Artikulo 41 ay hindi nalutas nang kasiyasiya sa mga kinauukulang Estadong Panig, ang Lupon, sa pagsang-ayon muna ng mga kinauukulang ________________________________________________ 72

Karapatang Sibil at Pampulitika ________________________________________________ Estadong Panig, ay maaaring magtalaga ng isang ad hoc na Komisyong Tagapagkasundo (mula ngayoy tutukuyin dito bilang Komisyon). Ang paglilingkod ng Komisyon ay nakalaan, sa mga kinauukulang Estadong Panig sa layuning makahanap ng isang maayos na kalutasan sa bagay na iyon sa salig sa pagpapahalaga sa Kasunduang ito; (b) Ang Komisyon ay bubuoin ng limang tao na tinatanggap ng mga kinauukulang Estadong Panig. Kung ang mga kinauukulang Estadong Panig ay hindi magkasundo sa loob ng tatlong buwan tungkol sa lahat o bahagi ng bubuo sa komisyon, ang mga kagawad ng hindi mapagkasuduang kinauukulang Komisyon ay pipiliin sa pamamagitan ng lihim na balota ng dalawang-ikatlo ng nakararaming boto ng Lupon mula sa mga kagawad nito. 2. Ang mga kagawad ng Komisyon ay maglilingkod ayon sa kanilang sariling tungkulin. Sila ay hindi mamamayan ng mga kinauukulang Estadong hindi panig sa Kasunduang ito, o ng isang Estadong Panig na hindi pa gumagawa ng pagpapahayag alinsunod sa Artikulo 41. 3. Ang Komisyon ay pipili ng sarili nitong Tagapangulo at magpapatibay sa sarili nitong mga patakaran ng pamamaraan. 4. Ang mga pulong ng Komisyon ay karaniwang idaraos sa Punong-tanggapan ng Nagkakaisang mga Bansa o sa Tanggapan ng Nagkakaisang mga Bansa sa Geneva. Gayunman, ang mga ito ay maaaring idaraos sa iba ________________________________________________ 73

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ pang maginhawang lugar na pinili ng Komisyon sa pakikipagsangguni sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa at sa mga kinauukulang Estadong Panig. 5. Ang Pangkalahatang Kalihim, na binuo alinsunod sa Artikulo 36, ay maglingkod din sa itinalagang mga Komisyon alinsunod sa artikulong ito. 6. Ang impormasyong tinanggap at tinipon ng Lupon ay magagamit ng Komisyon at ang Komisyon ay makahihingi ng iba pang nauugnay na impormasyon sa mga Estadong Panig. 7. Kapag lubos nang napag-aralan ng Komisyon ang bagay na iyon, na sa anot anuman ay hihigit sa labindalawang buwan pagkaraang napagharapan ang bagay na iyon, maghaharap ito ng isang ulat sa Tagapangulo ng Lupon para sa mga kinauukulang Estadong Panig: (a) Kapag hindi natapos ng Komisyon ang pagsasaalangalang nito sa bagay na iyon sa loob ng labingdalawang buwan, ang ulat nito ay ihahangga sa isang maikling paglalahad ng kalayaan ng pagsasaalang-alang nito sa bagay na iyon; (b) Kapag nakahanap ng isang maayos ng kalutasan sa bagay na iyon salig sa paggalang ng mga karapatan ng tao ng kinikilala sa Kasunduang ito, ihahangga ng Komisyon ang ulat nito sa isang maikling paglalahad ng mga pangyayari at ng naabot na kalutasan; ________________________________________________ 74

Karapatang Sibil at Pampulitika ________________________________________________ (c) Kapag hindi nakahanap ng kalutasan alinsunod sa mga tadhana ng sub-talataan (b), ang ulat ng Komisyon ay kapapalooban ng mga kapasiyahan nito sa suliraning kaugnay sa mga pinagtatalunan ng mga kinauukulang Estadong Panig, at ang kuro-kuro nito sa magagawang maayos na paglutas sa bagay na iyon. Kasama rin sa ulat na iyon ang mga nakasulat na pahayag at ang tala ng mga pasalitang pahayag sa mga kinauukulang Estadong Panig. (d) Kapag ang ulat na Komisyon ay iniharap batay sa sub-talataan (c), ang mga kinauukulang Estadong Panig, sa loob ng tatlong buwan pagkaraan tanggapin ang ulat, ay magbibigy-alam sa nilalaman ng ulat ng Komisyon. 8. Ang mga tadhana ng artikulong ito ay hindi masasagwil sa mga pananagutan ng Lupon alinsunod sa Artikulo 41. 9. Ang mga kinauukulang Estadong Panig ay maghahati sa lahat ng gugulin ng mga kagawad ng Komisyon nang naaayon sa talaang isusumite ng Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa. 10. Ang Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa ay bibigyan ng kapangyarihang babayaran ang mga gugugulin ng mga kagawad ng Komisyon, kung kailangan, bago isauli ng mga kinauukulang Estadong Panig ang ibinabayad, alinsunod sa talataan 9 ng artikulong ito. ________________________________________________ 75

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Artikulo 43 Ang mga kagawad ng Lupon at ng ad hoc na Komisyon na tagapagkasundo na maaaring italaga alinsunod sa Artikulo 42, ay karapat-dapat sa mga kaluwagan, pribilehiyo at laya ng mga dalubhasang sugo para sa Nagkakaisang mga Bansa alinsunod sa itinakda sa mga kaugnay ng seksyon ng Kumbensyon sa mga Pribilehiyo at Laya ng Nagkakaisang mga Bansa. Artikulo 44 Ang mga tadhana sa pagsasakatuparan ng Kasunduang ito ay isasagawa nang walang sagwil sa mga pamamaraang itinatakda sa larangan ng mga karapatan ng tao sa pamamagitan o alinsunod sa mga bumubuong kasulatan at kasunduan ng mga Bansang Nagkakaisa at ng mga ahensiyang pantanging-gawain at hindi makakahadlang, sa mga Estadong Panig sa Kasunduang ito na dumulog sa iba pang pamamaraan ukol sa pag-aayos ng isang sigalutan alinsunod sa mga pangkalahatan o tanging Kasunduang Pandaigdig na sumasaklaw sa kanila. Artikulo 45 Ang Lupon ay maghaharap sa Pangkalahatang Kapulungan ng Nagkakaisang mga Bansa, sa pamamagitan ng Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan, ng tamang ulat tungkol sa mga gawain nito. ________________________________________________ 76

Karapatang Sibil at Pampulitika ________________________________________________ Ikalimang Bahagi Artikulo 46 Walang bahagi sa kasunduang ito ang ipakahuhulugang sagwil sa mga tadhana ng Karta ng Nagkakaisang mga Bansa at ng panuntunan ng mga ahensyang pantanging-gawain na nagtatakda sa kani-kanilang pananagutan ng ibat ibang organo ng Nagkakaisang mga Bansa at ng mga ahensyang pantanging-gawain hinggil sa mga bagay na may kinalaman sa Kasunduang ito. Artikulo 47 Walang bahagi sa Kasunduang ito ang ipakahuhulugang sagwil sa katutubong karapatan ng lahat ng tao na tamasahin at lubos at malayang pakinabangan ang kanilang likas na yaman at kayamanan. Ikaanim na Bahagi Artikulo 48 1. Ang Kasunduang ito ay bukas sa paglagda ng alinmang Estadong Kasapi ng Nagkakaisang mga Bansa o kasapi sa alinman sa mga ahensyang pantanging-gawain nito, ng alinmang Estadong Panig sa Batas ng Pandaigdig na Hukuman ng Katarungan, at ng alinmang iba pang Estado ng inanyayahan ng Pangkalahatang Kapulungan ng Nagkakaisang mga Bansa na maging isang panig sa Kasunduang ito. ________________________________________________ 77

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ 2. Ang Kasunduang ito ay sasailalim sa pagpapatibay. Ang mga kasulatan sa pagpapatibay ay ilalagak sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa. 3. Ang Kasunduang ito ay magiging bukas sa pagsangayon ng alinmang Estado na tinutukoy sa Talataan 1 ng artikulong ito. 4. Magkakabisa ang pagsang-ayon sa pamamagitan ng paglalagak sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa ng isang kasulatan sa pagsang-ayon. 5. Ipagbibigay-alam ng Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa sa lahat ng Estadong lumagda sa Kasunduang ito o sumang-ayon dito ang tungkol sa paglalagak ng bawat kasulatan sa pagpapatibay o pagsang-ayon. Artikulo 49 1. Ang Kasunduang ito ay magkakabisa tatlong buwan pagkaraan ng petsa ng paglalagak sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa ng ikatatlumput limang kasulatan sa pagsang-ayon. 2. Para sa bawat Estadong nagpapatibay sa Kasunduang ito o sumasang-ayon dito pagkaraan ng paglalagak ng ikatatlumput limang kasulatan sa pagpapatibay o kasulatan sa pagsangayon, ang Kasunduang ito ay magkakabisa tatlong buwan pagkaraan ng petsa ng paglalagak ng sarili nitong kasulatan sa pagpapatibay o kasulatan sa pagsang-ayon. ________________________________________________ 78

Karapatang Sibil at Pampulitika ________________________________________________ Artikulo 50 Ang mga tadhana ng Kasunduang ito ay sasaklaw sa lahat ng sakop ng mga Estadong pederal nang walang ano mang pagtatakda o pagtatangi. Artikulo 51 1. Alinmang Estadong Panig sa Kasunduang ito ay maaaring magpanukala ng pagsususog at iharap ito sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa. Pagdakay ipagbibigay-alam ng Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa sa mga Estadong Panig sa Kasunduang ito ang anumang panukalang pagsususog kasama ang isang kahilingan na patalastasan siya ng mga ito kung sang-ayon silang magdaos ng isang pulong ng mga Estadong Panig sa layunin pag-aralan at pagbotohan ang mga panukala. Sakaling isang-katlo (1/3) man lamang ng mga Estadong Panig ang sang-ayon sa gayong pulong, tatawag ng pulong ang Pangkalahatang Kalihim sa ilalim ng pagtangkilik ng Nagkakaisang mga Bansa. Ano mang susog na pinagtibay ng nakararami sa mga Estadong Panig na dumalo at bumoto sa pulong ay ihaharap sa Pangkalahatang Kapulungan ng Nagkakaisang mga Bansa para pagtibayin. 2. Ang mga susog ay magkakabisa pagkaraang ito ay pagtibayin ng Pangkalahatang Kapulungan ng Nagkakaisang mga Bansa at katigan ng dalawang-katlo (2/3) nakararami sa mga Estadong Panig sa Kasunduang ito ang naaalinsunod sa kani-kanilang pamamarang konstituyonal. ________________________________________________ 79

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ 3. Sa sandaling magkabisa ang mga susog, ito ay sasaklaw sa mga Estadong Panig na kumatig dito, sa iba pang Estadong Panig na nasasaklaw pa ng mga tadhan ng Kasunduang ito at ano mang naunang susog na kanilang kinatigan. Artikulo 52 Anuman ang ipinatalastas batay sa Artikulo 48, talataan 5, ipagbibigay-alam ng Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa sa lahat ng Estadong tinutukoy sa talataan 1 ng gayon ding artikulo ang mga sumusunod na bagay: (a) Mga paglagda, pagpapatibay at pagtanggap batay sa Artikulo 48; (b) Ang petsa ng pagkakabisa ng Kasunduang ito batay sa Artikulo 49 at ang petsa ng pagkakabisa ng ano mang susog batay sa Artikulo 51. Artikulo 53 1. Ang Kasunduang ito, na pare-parehong mapananaligan ang mga tekstong Intsik, Ingles, Pranses, Ruso at Kastila, ay ilalagak sa sinupan ng Nagkakaisang mga Bansa. 2. Ang Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa ay magpapadala ng mga pinatunayang sipi ng Kasunduang ito sa lahat ng Estadong tinutukoy sa Artikulo 38. ________________________________________________ 80

________________________________________________

Internasyunal na Kumbensyon ukol sa Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Panlahing Diskriminasyon


(International Convention on the Elimination of All Forms of Racial Discrimination)

________________________________________________ 81

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

inagtibay at binuksan para sa paglagda at ratipikasyon sa pamamagitan ng resolusyong 2106 A (XX) ng Pangkalahatang Asembliya noong Disyembre 21, 1965 Nagkabisa noong Enero 4, 1969, alinsunod sa Artikulo 19 Ang mga Estadong Panig sa Kumbensyong ito, Isinaalang-alang na, ang Karta ng Nagkakaisang mga Bansa ay nakabatay sa mga prinsipyo ng dignidad at pagkapantaypantay na likas sa lahat ng tao, at ang lahat ng Myembrong Estado ay nangangakong magsasagawa ng sama-sama at magkakahiwalay na pagkilos, sa pakikiisa sa Organisasyon, para sa pagkakamit ng isa sa mga layunin ng Nagkakaisang mga Bansa na itaguyod at hikayatin ang unibersal na paggalang at pagtalima sa mga karapatang pantao at saligan na kalayaan para sa lahat, nang walang pagtatangi sa lahi, kasarian, wika, at relihiyon, Isinaalang-alang na, ang Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatang Pantao ay nagpapahayag na ang lahat ng tao ay ipinanganak nang malaya at pantay sa dignidad at ang bawat isa ay may karapatan sa lahat ng karapatan at kalayaang nakasaad dito, nang walang ano mang pagtatangi batay sa lahi, kulay at pambansang pinagmulan, sa partikular, Isinaalang-alang na, ang lahat ng tao ay pantay sa harap ng batas at may karapatan sa pantay na proteksyong laban sa ano mang diskriminasyon at ano mang pagbubuyo sa diskriminasyon, ________________________________________________ 82

Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Panlahing Diskriminasyon ________________________________________________ Isinaalang-alang na, ang Nagkakaisang mga Bansa ay tumutuligsa sa kolonyalismo at lahat ng kaugnay nitong praktika ng segregasyon at diskriminasyon, ano mang porma at saan man umiiral, at ang Deklarasyon ukol sa Pagkakaloob ng Kalayaan sa mga Kolonyang Bansa at Sambayanan ng Disyembre 14, 1960 (Resolusyon ng Pangkalahatang Asembliya 1514 (XV)) ay nagpapatibay at taimtim na nagpapahayag ng pangangailangang mabilisang wakasan ang mga ito nang walang kondisyon, Isinaalang-alang na, ang Deklarasyon ukol sa Pagpawi ng Lahat ng Uri na Panlahing Diskriminasyon ng Nagkakaisang mga Bansa ng Nobyembre 20, 1963 (Resolusyon ng Pangkalahatang Asembliya 1904 (XVII)) ay taimtim na nagpapatibay sa pangangailangang kaagad na pawiin sa buong daigdig ang panlahing diskriminasyon sa lahat ng porma at manipestasyon nito upang tiyakin ang pag-unawa at paggalang sa dignidad ng tao, Kumbinsido na, ano mang doktrina ng superyoridad o kataasan batay sa pagkakaiba ng lahi ay walang syentipikong batayan, kasumpa-sumpa, di-makatarungan at mapanganib, at saan man ay di maaaring bigyang-katuwiran ang panlahing diskriminasyon, sa teorya man o sa praktika, Muling pinagtitibay na, ang diskriminasyon sa pagitan ng mga tao batay sa lahi, kulay, o etnikong pinagmulan ay hadlang sa pagkakaibigan at mapayapang relasyon ng mga bansa at may kakayahang gambalain o kaabalahan ang kapayapaan at seguridad ng mga sambayanan at maging ang mahusay na samahan ng mga taong sama-samang namumuhay sa loob ng isang Estado, ________________________________________________ 83

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Kumbinsido na, ang pagkakaroon ng mga panlahing balakid ay salungat sa mga mithiin ng lipunan ng tao, Nababahala sa mga manipestasyon ng panlahing diskriminasyon na makikita pa rin sa ibang lugar sa daigdig at sa mga patakaran ng gobyernong nakabatay sa panlahing kataasan, superyoridad o pagkamuhi, gaya ng patakaran ng aparteid (apartheid), segregasyon, at pagbubukod, Resolbadong magpatibay ng lahat na kinakailangang mga hakbangin para sa mabilisang pagpawi sa panlahing diskriminasyon sa lahat ng porma at manipestasyon nito, at sugpuin at labanan ang mga mapanlahing doktrina at gawain upang itaguyod ang pag-uunawaan sa pagitan ng mga lahi at maitayo ang pandaigdig na komunidad na malaya sa lahat ng uri ng panlahing segregasyon at diskriminasyon, Isinasaisip ang Kumbensyon ukol sa Diskriminasyon kaugnay ng hanapbuhay at paggawa na pinagtibay ng Pandaigdig na Samahan sa Paggawa (International Labor Organization o ILO) noong 1958 at ang Kumbensyon Laban sa Diskriminasyon sa Edukasyon na pinagtibay ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) noong 1960, Nagnanais na ipatupad ang mga prinsipyong nakapaloob sa Deklarasyon ukol sa Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Panlahing Diskriminasyon na Nagkakaisang mga Bansa at tiyakin ang pinakamaagang pagpapatibay ng mga praktikal na hakbangin tungo sa layuning ito, Ay nagkakasundo gaya ng mga sumusunod: ________________________________________________ 84

Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Panlahing Diskriminasyon ________________________________________________ Unang Bahagi Artikulo 1 1. Sa Kumbensyong ito, ang terminong panlahing diskriminasyon ay mangangahulugan ng pagtatangi, pagbubukod, paghihigpit o pagkiling batay sa lahi, kulay, angkan, o pambansa o etnikong pinagmulan na may layunin o epekto na mapawalang-bisa o masira ang patas na pagkilala, pagtatamasa o pagsasabuhay ng mga karapatang pantao at saligang kalayaan sa pampulitika, pangkabuhayan, panlipunan, pangkalinangan at ano mang larangan sa buhay pampubliko. 2. Ang Kumbensyong ito ay hindi aplikable sa mga pagtatangi, pagbubukod, paghihigpit o pagkiling na isinasagawa ng Estadong Panig sa Kumbensyong ito sa pagitan ng kanyang mamamayan at hindi nito mamamayan (non-citizens). 3. Walang ano man sa Kumbensyong ito ang maaaring ipakahulugang bumabangga sa ano mang paraan sa mga ligal na probisyon ng mga Estadong Panig tungkol sa nasyonalidad, pagkakamamamayan, o naturalisasyon, basta ang naturang mga probisyon ay hindi nagtatangi laban sa alin mang partikular na nasyunalidad. 4. Ang mga natatanging hakbanging isinasagawa para sa layunin ng pagtiyak ng sapat na pag-unlad ng mga panlahi o etnikong grupo o indibidwal na nangangailangan ng ________________________________________________ 85

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ gayong proteksyon na kailangan upang matiyak ang pantay ng pagtatamasa o pagsasabuhay ng naturang grupo o indibidwal ng karapatang pantao at saligan na kalayaan ay hindi nararapat ituring na panlahing diskriminasyon, basta, gayon man, kung ang naturang mga hakbangin ay hindi mauuwi, bilang resulta, sa pagpapanatili ng hiwalay na karapatan para sa ibang panlahing grupo at ang mga ito ay hindi na nararapat ipagpatuloy kapag nakamit na ang mga layunin ng pagsasagawa nito. Artikulo 2 1. Ang mga Estadong Panig ay tumutuligsa sa panlahing diskriminasyon at umaakong magsasagawa sa pamamagitan ng lahat ng angkop na kaparaanan at nang walang pagkabalam ng mga patakaran ng pagpawi sa panlahing diskriminasyon sa lahat ng porma nito at ng pagtataguyod ng pag-unawa sa lahat ng lahi, at sa layuning ito: a. Bawat Estadong Panig ay umaakong hindi gagawa ng panlahing diskriminasyon laban sa mga tao, grupo ng mga tao o institusyon at magtitiyak na lahat ng pampublikong awtoridad at mga institusyon, pambansa at lokal, ay kikilos alinsunod sa obligasyong ito; b. Bawat Estadong Panig ay umaakong hindi tatangkilik, magtatanggol, at susuporta sa panlahing diskriminasyon na isinasagawa ng sino mang tao o alin mang institusyon; ________________________________________________ 86

Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Panlahing Diskriminasyon ________________________________________________ c. Bawat Estadong Panig ay nararapat magsagawa ng epektibong hakbangin upang rebyuhin ang mga patakarang pangpamahalaan, pambansa at lokal, at upang amyendahan, ipawalang-bisa o ipawalang-saysay ang ano mang batas at patakaran na nagdudulot sa pagkakaroon o pagpapanatili ng panlahing diskriminasyon saan man ito umiiral; d. Nararapat ipagbawal at wakasan ng bawat Estadong Panig sa pamamagitan ng lahat ng angkop na kaparaanan, kasama na ang pagsasabatas ayon sa hinihingi ng kalagayan, ang panlahing diskriminasyon na isinasagawa ng mga indibidwal, grupo, o organisasyon; e. Bawat Estadong Panig ay umaakong hinihikayat ng, kung saan angkop, mga organisasyon at kilusang binubuo ng ibat ibang lahi at iba pang paraan ng pagpawi ng mga balakid sa pagitan ng mga lahi, at hahadlang sa ano mang bagay na nagpapalakas sa panlahing pagkakawatak-watak; 2. Ang mga Estadong Panig ay nararapat, kung pinahihintulutan ng pagkakataon, magsagawa, sa panlipunan, pangkabuhayan, pangkalinangan at iba pang larangan, ng mga natatangi at kongkretong hakbangin upang tiyakin ang sapat na pag-unlad at proteksyon ng mga panlahing grupo o indibidwal na myembro ng mga ito, para sa layuning garantiyahan sila ng ganap at pantay na pagtatamasa ng mga karapatang pantao at saligan na kalayaan. Ang mga hakbanging ________________________________________________ 87

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ ito ay hindi dapat mauwi sa ano mang pagkakataon sa pagpapanatili ng di-pantay o hiwalay na karapatan para sa ibang panlahing grupo matapos na makamit ang layunin ng pagsasagawa nito. Artikulo 3 Ang mga Estadong Panig ay partikular na kumukondena sa panlahing segregasyon at aparteid (apartheid) at umaakong susugpuin, ipagbabawal, at papawiin ang lahat ng gawain na may ganitong kalikasan sa mga teritoryong kanilang nasasakupan. Artikulo 4 Ang mga Estadong Panig ay tumutuligsa sa lahat ng propaganda at mga organisasyong nakabatay sa mga ideya at teorya ng kataasan o superyoridad ng isang lahi o grupo ng mga tao ng isang kulay o etnikong pinagmulan, o nagtatangkang bigyang-katuwiran o itaguyod ang panlahing pagkamuhi at diskriminasyon sa lahat ng porma nito, at umaakong magpapatibay ng kagyat at positibong hakbangin na binabalangkas upang pawiin ang lahat ng pagbubuyo sa diskriminasyon at mga kilos kaugnay nito, at sa ganitong layunin, nang may sapat na pagsasaalangalang sa mga prinsipyong nakasaad sa Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatang Pantao at mga karapatang ipinapahayag sa Artikulo 5 ng Kumbensyong ito ay, kasama ng iba pa: a. Nararapat magdeklarang paglabag na pinarurusahan ng batas ang lahat ng pagpapalaganap ng mga ________________________________________________ 88

Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Panlahing Diskriminasyon ________________________________________________ ideyang batay sa kataasan at superyoridad ng isang lahi o pagkamuhi, pagbubuyo sa panlahing diskriminasyon, gayon din ang mga kilos ng karahasan o pagbubuyo sa gayon laban sa ano mang lahi o grupo ng mga tao ng ibang kulay o etnikong pinagmulan, maging ang pagbibigay ng tulong sa mga gawain, kasama na ang pagbibigay ng kaukulang pinansiya nito; b. Nararapat magdeklarang iligal at ipagbawal ang mga organisasyon, at maging ang mga organisado at lahat ng pang-gawaing pampropaganda, na magtataguyod at nagbubuyo ng diskriminasyon, at nararapat na kilalanin ang pakikilahok sa gayong mga organisasyon o gawain bilang paglabag na pinarurusahan ng batas; c. Hindi nararapat magpahintulot sa mga pampublikong awtoridad o institusyon, pambansa o lokal, magtaguyod o magbuyo ng panlahing diskriminasyon. Artikulo 5 Bilang pagtalima sa mga saligan na obligasyong isinasaad sa Artikulo 2 ng Kumbensyong ito, ang mga Estadong Panig ay umaakong ipagbabawal at papawiin ang panlahing diskriminasyon sa lahat ng porma nito at titiyakin ang karapatan ng bawat isa, nang walang pagtatangi batay sa lahi, kulay, pambansa o etnikong pinagmulan, sa pagkakapantay-pantay sa harap ng batas, lalo na sa mga sumusunod na karapatan: ________________________________________________ 89

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ a. Karapatan sa pantay na pangangalaga ng batas, at pagdulog sa mga hukuman at sa iba pang kalupunanang mala-panghukuman; b. Karapatan sa kapanatagan sa sarili at proteksyon ng Estado laban sa karahasan o pisikal na pananakit, ginawa man ng mga opisyal ng gobyerno o ng sino mang indibidwal; c. Karapatang pampulitika partikular ang karapatan sa halal- bumoto at mahalal- batay sa saligan at pantay na karapatan sa halal, makilahok sa pamahalaan ng kanyang bansa at maglingkod sa publiko at pribadong sektor sa ano mang antas, at magkaroon ng sapat na kakayahan upang matamasa ang kinakailangang mga paglilingkod panlipunan; d. Iba pang mga karapatang sibil, sa partikular: karapatan sa malayang kumilos at malayang pumili ng kanyang tirahan sa loob ng mga hangganan ng Estado; ii. karapatan sa kalayaang makalilisan sa alin mang bansa, kabilang ang sarili niyang bansa, at bumalik sa kanyang bansa; iii. karapatan sa isang pagkamamamayan; iv. karapatang mag-asawa at magpamilya; v. karapatang mag-angkin ng ariarian nang mag-isa gayon din na kasama ng iba; vi. karapatang magmana; vii. karapatan sa kalayaan ng pagkukuro, budhi at relihiyon; ________________________________________________ 90 i.

Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Panlahing Diskriminasyon ________________________________________________ viii. ix. karapatan sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag o ng pamahayagan; karapatan sa kalayaan sa mapayapang magkatipon at pagsasamahan; panlipunan at

e. karapatang pangkabuhayan, pangkalinangan, sa partikular: i.

karapatan sa paggawa, sa pagtamasa ng makatarungan at makabubuting kalagayan sa paggawa, ng ligtas at mabuting kalagayan sa paggawa, at nababagay na sahod at katumbas na kabayaran para sa kapantay na gawain nang walang ano mang uri ng pagtatangi; ii. karapatan na magtatag ng mga unyon sa paggawa at umanib sa kanyang napiling unyon sa paggawa para sa pangangalaga ng kanyang mga kapakanan; iii. karapatan sa paninirahan; iv. karapatan sa isang pamantayan ng pamumuhay na sapat para sa kalusugan, kapanatagan sa panahong walang gawain, pagkakasakit, pagkabalda, pagkabalo, katandaan at iba pang kakapusan sa ikabubuhay sa mga di-maiiwasang pangyayari; v. karapatan sa edukasyon at pagsasanay na pagpapaunlad ng pagkatao; vi. karapatang makilahok nang pantay-pantay at malaya sa buhay pangkalinangan ng pamayanan at makibahagi sa pagpupunyaging pangkalinangan; ________________________________________________ 91

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ f. karapatan sa malayang pagkilos at pagpunta sa ano mang lugar upang matamasa ang kinakailangang mga paglilingkod panlipunan tulad ng transportasyon, mga hotel, restoran, karinderya, sinehan at pook libangan. Artikulo 6 Nararapat tiyakin ng mga Estadong Panig sa bawat isa sa kanilang nasasakupan ang epektibong proteksyon at lunas, sa pamamagitan ng mga kakayahang pambansang hukuman at iba pang institusyon ng Estado, laban sa ano mang gawaing panlahing diskriminasyon na lumalabag sa kanyang mga karapatang pantao at saligan na kalayaan at salungat sa Kumbensyong ito, gayon din ang karapatan sa malayang pagdulog sa mga hukuman at sa sapat na bayad-pinsala para sa ano mang dulot ng gayong diskriminasyon. Artikulo 7 Ang mga Estadong Panig ay umaakong magpapatibay ng kagyat at epektibong hakbangin, partikular sa larangan ng pagtuturo, edukasyon, kalinangan at impormasyon, na may layuning labanan ang mga baluktot na opinyong nagbubunsod na panlahing diskriminasyon, at magtataguyod ng pag-unawa, pagpaparaya at pagkakaibigan ng mga bansa at panlahi o etnikong grupo, at palalaganapin ang mga layunin at prinsipyo ng Karta ng Nagkakaisang mga Bansa, ang Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao, ang Deklarasyon ukol sa Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Panlahing Diskriminasyon, at ang Kumbensyong ito. ________________________________________________ 92

Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Panlahing Diskriminasyon ________________________________________________ Ikalawang Bahagi Artikulo 8 1. Nararapat itatag ang Komite sa Pagpawi ng Panlahing Diskriminasyon (na mula rito ay tatawaging Komite) na bubuuin ng labing-walong dalubhasa may mataas na katayuang moral at may kakayahan sa larangang nasasaklaw ng Kumbensyon na ihahalal ng mga Estadong Panig mula sa kani-kanilang mga mamamayan at manunungkulan sa sarili nilang kakayahan, isasaalangalang ang karapatang paghahati ng kasapian batay sa heograpiya at ibat ibang uri ng sibilisasyon, gayundin ng pagkakaroon ng mga pangunahing ligal na sistema. 2. Ang mga kasapi ng Komite ay ihahalal sa pamamagitan ng lihim na balota mula sa listahan ng mga taong iminungkahi ng mga Estadong Panig. Ang bawat Estadong Panig ay maaaring magmungkahi ng isang tao mula sa sarili nitong mamamayan.

3. Ang unang halalan ay idadaos anim na buwan makaraan ng petsa ng pagkabisa ng kasalukuyang Kumbensyon. Kahit tatlong buwan bago dumating ang petsa ng bawat halalan, ang Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa ay susulat sa mga Estadong Panig upang magsumite ng kanilang mga nominasyon sa loob ng dalawang buwan. Maghahanda ang Pangkalahatang Kalihim ng isang talaan sa kaayusang alpabetiko ng mga taong ang mga pangalan ay naisumite na may indikasyon ________________________________________________ 93

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ ng mga Estadong Panig na nagpasok sa kanila, at ihaharap ito sa mga Estadong Panig. 4. Ang halalan ng mga kasapi ng Komite ay idadaos sa pulong ng mga Estadong Panig na tinipon ng Pangkalahatang Kalihim sa Punong Tanggapan ng Nagkakaisang mga Bansa. Sa naturang pulong, na kung saan dalawang-katlo (2/3) ng mga Estadong Panig ay siyang bubuo ng korum, ang mga taong mahahalal sa Komite ay yaong mga kandidato na nakakuha ng pinakamaraming bilang ng boto at ng ganap na mayorya ng mga boto ng mga kinatawan na ng mga Estadong Panig na dumalo at humalal. 5. (a) Ang mga kasapi ng Komite ay mahahalal para sa apat na taong panunungkulan. Gayon man, ang panunungkulan ng siyam na kasaping inihalal sa unang halalan ay matatapos pagkaraan ng dalawang taon; kaagad pagkatapos ng unang halalan, pipiliin sa pamamagitan ng palabunutan ng Tagapangulo ng Komite ang mga pangalan ng naturang siyam na kasapi. (b) Para sa pagpupuno ng di-inaasahang bakante, ang Estadong Panig na kung kaninong dalubhasa hindi na isinasagawa ang kanyang tungkulin bilang isang kasapi ng Komite ay maghihirang ng isang kapalit na dalubhasa mula sa kanilang mga mamamayan, sa ilalim ng pagsang-ayon ng Komite. 6. Ang mga kasapi ng Komite, nang may pagsang-ayon ang Pangkalahatang Asembliya ng Nagkakaisang mga Bansa, ay tatanggap ng kabayaran mula sa Nagkakaisang mga ________________________________________________ 94

Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Panlahing Diskriminasyon ________________________________________________ Bansa batay sa mga kalagayang maaaring pagpasiyahan ng Pangkalahatang Asembliya, na isinasaalang-alang ang kahalagahan ng mga pananagutan ng Komite. Artikulo 9 1. Ang mga Estadong Panig ay umaakong magsusumite sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa, para sa pagsasaalang-alang ng Komite, ng mga ulat ukol sa mga hakbang na lehislatibo, panghukuman, administratibo o anupamang hakbangin pinagtibay nila at nagbibigay-bisa sa mga probisyon ng Kumbensiyon ito: a) Sa loob ng isang taon matapos magkabisa sa kinauukulang Estado ang Kumbensyon; at b) Pagkatapos nito, kada dalawang taon at kalian kung hinihiling ng Komite. Ang Komite ay maaaring humiling ng iba pang impormasyon mula sa Estadong Panig. 2. Ang Komite ay nararapat mag-ulat kada taon, sa pamamagitan ng Pangkalahatang Kalihim, sa Pangkalahatang Asembliya ng Nagkakaisang mga Bansa ukol sa mga gawain nito at maaaring gumawa ng mga mungkahi at pangkalahatang rekomendasyon batay sa pagsusuri ng mga ulat at impormasyong tinanggap mula sa Estadong Panig. Ang gayong mga mungkahi at pangkalahatang rekomendasyon ay iuulat sa Pangkalahatang Asembliya kasama ng mga komentaryo, kung mayroon man, mula sa Estadong Panig. ________________________________________________ 95

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Artikulo 10 1. Ang Komite ay magpapatibay ng sarili nitong mga patakaran at alituntunin. 2. Ang Komite ay maghahalal ng mga pinuno nito para sa dalawang taong panunungkulan. 3. Ang Kalihiman (Secretariat) ng Komite ay magmumula sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa. 4. Ang pagpupulong ng Komite ay pangkaraniwang idadaos sa Punong Tanggapan ng Nagkakaisang mga Bansa. Artikulo 11 1. Kung ang isang Estadong Panig ay nagpapalagay na ang isa pang Estadong Panig ay hindi nagbibigay-bisa sa mga probisyon ng Kumbensyong ito, maaari nitong idulog sa Komite ang gayong usapin. Ipadadala ng Komite ang komunikasyon sa kinauukulang Estadong Panig. Sa loob ng tatlong buwan, ang tumatanggap na Estado ay magsusumite sa Komite ng nakasulat na paliwanag o pahayag na naglilinaw sa naturang usapin at ang lunas, kung mayroon man, na maaaring naisagawa na ng naturang Estado. 2. Kung ang usapin ay hindi nalutas ayon sa kagustuhan ng dalawang panig, sa pamamagitan man ng bilateral na pag-uusap o ng iba pang pamamaraang maaari nilang gamitin, sa loob ng anim na buwan matapos na tanggapin ________________________________________________ 96

Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Panlahing Diskriminasyon ________________________________________________ ng tumatanggap na Estado ang inisyal na komunikasyon, alin mang Estado ay may karapatang muling idulog sa Komite ang usapin sa pamamagitan ng pagpapabatid sa Komite at gayon din sa kinauukulang Estado. 3. Pangangasiwaan ng Komite ang usaping idinulog dito alinsunod sa talata 2 ng artikulong ito matapos nitong tiyakin na ang lahat ng lunas sa pambansa ay nagamit na kaugnay na naturang usapin, alinsunod sa mga kinikilalang prinsipyo ng pandaigdig na batas. Hindi ito ang patakaran sa mga kasong ang paglalapat ng lunas ay di-makatwirang pinatatagal. 4. Sa ano mang usaping idinulog dito, ang Komite ay maaaring manawagan sa mga kinauukulang Estadong Panig na magbigay ng iba pang may kinalamang impormasyon. 5. Kapag ang ano mang usaping nagsimula mula at alinsunod sa artikulong ito ay pangangasiwaan ng Komite, ang mga kinauukulang Estadong Panig ay may karapatang magpadala ng kinatawan upang makilahok sa pagpupulong ng Komite, nang walang karapatang bumoto, habang isinasaalang-alang ang naturang usapin. Artikulo 12 1. (a) Matapos tipunin at ayusin ng Komite ang lahat ng impormasyon na itinuturing nitong importante, hihirang ang Tagapangulo ng Ad Hoc na Komisyong Tagapagsundo (na mula rito ay tatawaging Komisyon) na bubuuin ng ________________________________________________ 97

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ limang myembro na maaaring kasapi o hindi ng Komite. Hihirangin ang mga myembro ng Komisyon nang may lubos na pagsang-ayon ng mga sangkot sa alitan, at ang tanggapan nito ay ibubukas sa mga kinauukulang Estado sa layuning magkaroon ng mapayapang solusyon sa naturang usapin batay sa paggalang at pagtataguyod sa Kumbensyong ito. (b) Kung ang mga Estadong Panig na sangkot sa alitan ay hindi magkasundo sa loob ng tatlong buwan ukol sa lahat o bahagi ng komposisyon ng Komisyon, ang mga myembro ng Komisyon na di-sinangayunan ng mga Estadong Panig na sangkot sa alitan ay ihahalal sa pamamagitan ng lihim na balota ng dalawang-katlo (2/3) ng mayoryang boto ng Komite mula sa kasapi nito. 2. Maglilingkod ang mga myembro ng Komisyon ayon sa personal nilang kapasidad. Ang mamamayan ng mga Estadong Panig na sangkot sa alitan o ng mga Estadong hindi Panig sa Kumbensyong ito ay hindi maaaring maging myembro ng Komisyon. 3. Ang Komisyon ay maghahalal ng sarili nitong Tagapangulo at magpapatibay ng sarili nitong mga patakaran. 4. Ang mga pulong ng Komisyon ay karaniwang idaraos sa Punong Tanggapan ng Nagkakaisang mga Bansa o saan mang angkop na lugar na itatakda ng Komisyon. 5. Ang Kalihiman (Secretariat) na binuo alinsunod sa Artikulo 10, talata 3, ng Kumbensyong ito ay ________________________________________________ 98

Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Panlahing Diskriminasyon ________________________________________________ magtatrabaho rin para sa Komisyon kapag may mga alitan ng mga Estado na kailangang tugunan ng Komisyon. 6. Paghahatian ng mga Estadong Panig na sangkot sa alitan ang mga gastusin ng mga miyembro ng Komisyon ayon sa ibibigay na talaan ng Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa. 7. Ang Pangkalahatang Kalihim ay bibigyan ng awtoridad na bayaran ang mga gastusin ng mga miyembro ng Komisyon, kung kailangan, bago bayaran ng mga Estadong Panig na sangkot sa alitan ang naturang gastusin, alinsunod sa talata 6 ng artikulong ito. 8. Ang mga impormasyong tinipon at inayos ng Komite ay ibubukas sa Komisyon, at maaaring manawagan ang Komisyon sa mga kinauukulang Estado na magbigay ng iba pang mga kinakailangang impormasyon. Artikulo 13 1. Kapag lubusang naisaalang-alang na ng Komisyon ang usapin, maghahanda at magsusumite ito sa Tagapangulo ng Komite ng ulat na naglalaman ng mga kapasiyahan nito ukol sa lahat ng mga usaping may kinalaman sa isyu sa pagitan ng mga sangkot at kinapapalooban ng mga rekomendasyong pinaniniwalaan nitong nararapat para sa mapayapang solusyon sa alitan. 2. Ipadadala ng Tagapangulo ng Komite ang ulat ng Komisyon sa bawat Estadong kasangkot sa alitan. Ipagbibigay________________________________________________ 99

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ alam ng mga Estadong ito, sa loob ng tatlong buwan, sa Tagapangulo ng Komite kung tinatanggap nila o hindi ang mga rekomendasyong nakasaad sa ulat ng Komisyon. 3. Pagkaraan ng panahong nakasaad sa talata 2 ng artikulo ito, ipapadala ng Tagapangulo ng Komite ang ulat sa Komisyon at ang mga deklarasyon ng mga kinauukulang Estadong Panig sa iba pang Estadong Panig sa Kumbensyong ito. Artikulo 14 1. Ang isang Estadong Panig ano mang oras ay maaaring magdeklarang kinikilala nito ang kakayahan ng Komite na tumanggap at magsaalang-alang ng mga komunikasyon mula sa mga nasasakupan nitong indibidwal o grupo ng mga indibidwal na nagsasabing biktima sila ng paglabag na naturang Estadong Panig sa alin mang karapatang nakasaad sa Kumbensyong ito. Hindi tatanggapin ng Komite ang mga komunikasyong nakapatungkol sa Estadong Panig na hindi gumawa ng nabanggit na deklarasyon. 2. Alin man Estadong Panig na gumawa ng deklarasyon alinsunod sa talata 1 ng artikulong ito ay maaaring bumuo o tumukoy sa loob ng pambansang ligal na sistema nito ng isang kapulungan na may kakayahang tumanggap at magsaalangalang ng mga petisyon mula sa nasasakupan nitong mga indibidwal at grupo na nagsasabing biktima sila ng paglabag sa alin mang karapatang nakasaad sa Kumbensyong ito at nakagawa na ng lahat ng iba pang lokal na remedyo. ________________________________________________ 100

Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Panlahing Diskriminasyon ________________________________________________ 3. Ang deklarasyong ginawa ayon sa talata 1 ng artikulong ito at ang pangalan ng alin mang kapulungang binuo o tinukoy alinsunod sa talata 2 ng artikulong ito ay ilalagak ng kinauukulang Estadong Panig sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa, na magpapadala naman ng limang kopya nito sa iba pang Estadong Panig. Maaaring bawiin ang deklarasyon ano mang oras sa pamamagitan ng pagbabatid sa Pangkalahatang Kalihim, ngunit ang gayong pagbawi ay hindi nararapat makaapekto sa mga komunikasyong nakahapag sa Komite. 4. Ang rehistro ng petisyon ay iingatan ng kapulungang binuo o tinukoy ayon sa talata 2 ng artikulong ito, at ang pinatunayang kopya na naturang rehistro ay ihahapag sa Pangkalahatang Kalihim sa pamamagitan ng mga angkop na daluyan sa pag-unawang hindi maaaring ipabatid sa publiko ang mga nilalaman nito. 5. Sa pagkakataong hindi nakakuha ng paborableng pasya mula sa kapulungang binuo o itinatag, ang nagpetisyon ay may karapatang ipaabot sa Komite ang usapin sa loob ng anim na buwan. 6. (a) Lihim na ipagbibigay-alam ng Komite ang ano mang komunikasyon na idinulog dito sa Estadong Panig na ipinalalagay na lumabag sa alin mang probisyon ng Kumbensyong ito, ngunit ang pagkakilanlan na kinauukulang mga tao o grupo ng mga tao ay hindi ihahayag nang walang pahintulot mula sa kanya o sa kanila. Ang Komite ay hindi tatanggap ng mga komunikasyong walang pangalan ng nagsumite; ________________________________________________ 101

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ (b) Sa loob ng tatlong buwan, ang tumatanggap na Estado ay magsusumite sa Komite na nakasulat na paliwanag o pahayag na naglilinaw sa usapin ng lunas, kung mayroon man, na nagawa ng naturang Estado. 7. (a) Isaalang-alang ng Komite ang mga komunikasyon batay sa lahat ng impormasyong ipinadala o ibinukas ng kinauukulang Estadong Panig at ng nagpetisyon. Hindi bibigyang-pansin ang ano mang komunikasyon mula sa nagsumite ng petisyon maliban kung nagawa na niya ang lahat ng lunas na naaayon sa batas ng kanyang bansa. Gayon man, hindi ganito ang patakaran sa mga kasong ang paglalapat ng lunas ay di-makatwirang pinatatagal. (b) Ipadadala ng Komite ang mga mungkahi at rekomendasyon nito, kung mayroon man, sa kinauukulang Estadong Panig at sa nagsumite ng petisyon. 8. Isasama ng Komite sa taunang ulat nito ang buod ng naturang mga komunikasyon at, kung saan angkop, ang buod ng mga paliwanag at pahayag ng mga kinauukulang Estadong Panig at ng sarili nitong mga mungkahi at rekomendasyon. 9. Ang Komite ay magkakaroon lamang ng kakayahang gumampan ng mga tungkulin nito na nakasaad sa artikulong itong kung may hindi bababa sa sampung Estadong Panig sa Kumbensyong ito ang umaaayon sa mga deklarasyong isinasaad sa talata 1 ng artikulong ito. ________________________________________________ 102

Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Panlahing Diskriminasyon ________________________________________________ Artikulo 15 1. Samantalang hindi pa natatamo ang mga layunin ng Deklarasyong ukol sa Pagkakaloob ng Kalayaan sa mga Kolonyang Bansa at Sambayanan, na nakapaloob sa resolusyong 1514 (XV) ng Pangkalahatang Asembliya ng Disyembre 14, 1960, ang mga probisyon ng Kumbensyong ito ay di maaaring maglimita sa karapatang magpetisyon na iginawad sa naturang mga sambayanan ng iba pang internasyunal na instrument o ng Nagkakaisang mga Bansa at ng mga espesiyalisadong ahensya nito. 2. (a) Ang Komite na itinayo alinsunod sa Artikulo 8, talata 1 ng Kumbensyong ito ay tatanggap ng mga kopya ng petisyon at magsusumite ng pahayag ng opinyon at rekomendasyon ukol sa naturang mga petisyon, sa mga kapulungan ng Nagkakaisang mga Bansa na nangangasiwa sa mga usaping direktang may kaugnayan sa mga prinsipyo at layunin ng Kumbensyong ito sa kanilang pagsasaalangalang ng mga petisyon mula sa mamamayan ng Ipinagkakatiwala at Di-Namamahala-sa-Sariling mga Teritoryo (Trust and Non-Self-Governing Territories) at lahat ng iba pang teritoryong sakop ng resolusyong 1514 (XV) ng Pangkalahatang Asembliya; kaugnay ng mga usaping sakop ng Kumbensyong ito na nakahapag sa nabanggit na kapulungan;

(b) Ang Komite ay tatanggap mula sa mga may kakayahang kapulungan ng Nagkakaisang mga Bansa ng mga kopya ng lahat ng ulat tungkol ________________________________________________ 103

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ sa lehislatibo, panghukuman, administratibo o anupamang hakbangin na direktang may kaugnayan sa mga prinsipyo at layunin ng Kumbensiyon ito na inilalapat ng mga Nangangasiwang Awtoridad sa loob ng mga Teritoryong binabanggit sa talata (a) ng talata na ito, at magpapahayag ng opinyon at gagawa ng mga rekomendasyon sa naturang mga kapulungan. 1. Isasama ng Komite sa ulat nito sa Pangkalahatang Asembliya ang buod ng mga petisyon at ulat na tinanggap nito mula sa mga kapulungan ng Nagkakaisang mga Bansa, at ang mga pahayag ng opinyon at mga rekomendasyon ng Komite kaugnay ng nabanggit na mga petisyon at ulat. 2. Hihingin ng Komite sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa ang lahat ng impormasyong may kinalaman sa mga layunin ng Kumbensyong ito at tungkol sa mga Teritoryong binabanggit sa talata 2 (a) ng artikulong ito na nasa kanyang pag-iingat. Artikulo 16 Ang mga probisyon ng Kumbensyong ito tungkol sa pagaayos ng mga alitan o mga reklamo ay ilalapat nang hindi makasisira sa iba pang panununtunan sa pag-aayos ng mga alitan o reklamo sa larangan ng diskriminasyon na nakasaad sa mga kaugnay na instrument, mga Kumbensyong pinagtibay ng Nagkakaisang mga Bansa at ng mga espesiyalisadong ahensya nito, at hindi hahadlang sa mga Estadong Panig na dumulog sa ibang panuntunan sa pag-aayos ng alitan ________________________________________________ 104

Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Panlahing Diskriminasyon ________________________________________________ alinsunod sa pangkalahatan o natatangi na internasyunal na kasunduan na may bisa sa naturang mga Estadong Panig. Ikatlong Bahagi Artikulo 17 1. Ang Kumbensyong ito ay bukas sa paglagda ng alin mang Estadong Myembro ng Nagkakaisang mga Bansa o myembro ng alin man sa mga espesiyalisadong ahensya nito, ng alin man Estadong Panig sa Batas ng Pandaigdig na Hukuman ng Katarungan (Statute of the International Court of Justice), at ng alin mang Estado na inimbita ng Pangkalahatang Asembliya ng Nagkakaisang mga Bansa na maging Panig sa Kumbensyong ito. 2. Ang Kumbensyong ito ay bukas sa ratipikasyon. Ang mga instrumento ng ratipikasyon ay ilalagak sa Pangkalhatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa. Artikulo 18 1. Ang Kumbensyong ito ay ibubukas sa pagsang-ayon ng alin mang Estadong tinutukoy sa Artikulo 17, talata 1 ng Kumbensyon. 2. Maisasagawa ang pagsang-ayon sa pamamagitan ng paglalagak ng instrumento ng pagsang-ayon sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa. ________________________________________________ 105

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Artikulo 19 1. Ang Kumbensyong ito ay magkakabisa ikatatlumpung araw matapos ang petsa ng paglagak sa Pangkalahatang Asembliya ng Nagkakaisang mga Bansa ng ikadalawamput pitong instrumento ng ratipikasyon o instrumento ng pagsang-ayon. 2. Para sa bawat Estado na rumatipika o sumang-ayon sa Kumbensyong ito matapos ilagak ang ikadalawamput pitong instrumento ng ratipikasyon o instrumento ng pagsang-ayon, ang Kumbensyon ay magkakabisa sa ikatatlumpung araw pagkalipas ng petsa ng paglagak ng sarili nitong instrumento ng ratipikasyon o instrumento ng pagsang-ayon. Artikulo 20 1. Ang Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa ay tatanggap ng magpapadala sa lahat ng Estadong Panig o maaaring maging Panig sa Kumbensyong ito ng mga reserbasyon na ginawa ng ibang Estado sa panahon ng ratipikasyon at pagsang-ayon. Ang alin mang Estado na tumututol sa reserbasyon ay, sa loob ng siyamnapung araw mula sa petsa ng naturang komunikasyon, magpapabatid sa Pangkalahatang Kalihim na hindi nito tinatanggap ang nabanggit na reserbasyon. 2. Ang reserbasyong sumasalungat sa layunin at adhikain ng Kumbensyong ito ay hindi pahihintulutan, gayon din ang reserbasyon na magdudulot ng pagpigil ng ________________________________________________ 106

Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Panlahing Diskriminasyon ________________________________________________ gawain ng alin mang kapulungan ng Kumbensyong ito. Ang reserbasyon ay ituturing na salungat o nakapipigil kapag tinututulan ito ng hindi bababa sa dalawang-katlo (2/3) ng mga Estadong Panig ng Kumbensyong ito. 3. Maaaring bawiin ang reserbasyon ano mang oras sa pamamagitan ng komunikasyon ng pagbawi na ipadadala sa Pangkalahatang Kalihim. Ang gayong komunikasyon ay magkakabisa sa petsa ng pagkakatanggap nito. Artikulo 21 1. Maaaring magpahayag ng Estadong Panig ng ano mang di-katugma na layunin ng Kumbensyon sa pamamagitan pagpapatalastas sa Kalihim-Pangkalahatan ng Nagkakaisang mga Bansa na siyang magbibigayalam sa mga Estadong Panig tungkol doon. Ang gayong pagpapatalastas ay magkakabisa sa araw ng pagkakatanggap niyon. Artikulo 22 Ano mang alitan o hidwaan sa pagitan ng dalawa o higit pang Estadong Panig ukol sa pakahulugan o pagsasagawa ng kasalukuyang Kumbensiyong ito, na hindi nalutas sa pamamagitan ng negosasyon o ng panuntunang isinasaad ng Kumbensyong ito ay, sa kahilingan ng alin mang kasangkot sa alitan, ay idudulog sa Pandaigdig na Hukuman ng Katarungan para pagpasyahan, maliban kung ang mga kasangkot ay magkakasundo ukol sa iba pang paraan ng pag-aayos. ________________________________________________ 107

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Artikulo 23 Ang kahilingan para sa rebisyon ng Kumbensyong ito ay maaaring gawin ano mang oras ng alin mang Estadong Panig sa pamamagitan ng nakasulat na komunikasyon para sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa. Artikulo 24 Ipagbibigay alam ng Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa sa lahat ng Estadong tinutukoy sa Artikulo 17, talata 1 ng Kumbensyong ito ang mga sumusunod na bagay: a. Mga paglagda, pagpapatibay at pagtanggap batay sa Artikulo 17 at 18; b. Ang petsa ng pagkakabisa ng Kumbensyong ito batay sa Artikulo 19; c. Mga komunikasyon at deklarasyong natatanggap batay sa mga Artikulo 14, 20 at 23; d. Mga hindi pagsang-ayon batay sa Artikulo 21. Artikulo 25 1. Ang Kasunduang ito, na pare-parehong mapananaligan ang mga tekstong Intsik, Ingles, Pranses, Ruso at Kastila, ay ilalagak sa sinupan ng Nagkakaisang mga Bansa. 2. Ang Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansang ay magpapadala ng mga pinatunayang sipi ng Kumbensyon ito sa lahat ng Estado na kabilang sa alin mang mga kategoryang tinutukoy sa Artikulo 17, talataan 1, ng Kumbensyon. ________________________________________________ 108

________________________________________________

(Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination against Women)

Internasyunal na Kumbensyon ukol sa Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Pagtatangi-tangi Laban sa Kababaihan

________________________________________________ 109

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

ng mga Estadong Panig sa kasalukuyang Kumbensyon, na Kaugnay ng Karta ng Nagkakaisang mga Bansa ay muling nagsasaad ng pagpapatibay sa pananalig sa mga pangunahing karapatan ng tao, sa dangal at halaga ng tao at sa pantay-pantay na mga karapatan ng kalalakihan at kababaihan, Pagpuna na ang Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatang Pantao ay nagpapatibay ng prinsipyong hindi maaring tanggapin ang pagtatangi-tangi at naghahayag na lahat ng mga taong nilalang ay ipinanganak na malaya at pantaypantay sa dangal at sa mga karapatan at na ang bawat isa ay may karapatan sa lahat ng mga karapatan at mga kalayaang itinakda sa Deklarasyong iyon, nang walang pagtatangi-tangi ng anumang uri kabilang ang pagtatangi-tangi batay sa kasarian, Pagpuna na ang Estadong Panig sa Pandaigdig na Kasunduan ukol sa mga Karapatang Pantao ay may tungkuling makamit ang pantay-pantay na karapatan ng kalalakihan at kababaihan sa pagtatamasa ng lahat ng mga karapatang pangkabuhayan, panlipunan, pangkalinangan, sibil at pulitikal, Isinasaalang-alang ang mga Pandaigdig na Kumbensyong napagpasiyahan sa ilalim ng tangkilik ng Nagkakaisang mga Bansa at mga tanging ahensiya na nagtataguyod ng pagkapantaypantay ng mga karapatan ng kalalakihan at kababaihan, Pagpuna rin ang mga panukala, deklarasyon at rekomendasyong ipinagtibay ng Nagkakaisang mga Bansa at ng tanging mga ahensiyang nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng mga karapatan ng kalalakihan at kababaihan. ________________________________________________ 110

Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Pagtatangi-tangi Laban sa Kababaihan ________________________________________________ Nababahala, gayunpaman, na sa kabila nitong ibat ibang kagamitan ang malawak na pagtatangi-tangi laban sa kababaihan ay patuloy pa ring umiiral, Ginugunitang ang pagtangi-tangi laban sa kababaihan ay lumalabag sa mga prinsipyong pagkakapantay-pantay ng mga karapatan at paggalang sa dangal ng tao, ay isang sagabal sa pakikilahok ng kababaihan, sa mga kondisyong pantay sa kalalakihan, sa pulitikal, panlipunan, pangkabuhayan at pangkalinangang buhay ng kanilang mga bansa, nakasagabal sa pag-unlad ng kasaganahan ng lipunan at ng pamilya, at lalong nagpapahirap sa ganap na pag-unlad ng mga angking kakayahan ng kababaihan sa paglilingkod sa kanilang mga bansa at sa sangkatauhan, Nababahala na sa mga kalagayan ng pagdarahop ang kababaihan ang may pinakamaliit na pagkakataon sa paggamit ng pagkain, kalusugan, pag-aaral, pagsasanay at mga pagkakataon sa paghahanapbuhay at iba pang pangangailangan, Naniniwalang ang pagtatatag ng bagong pandaigdig na kaayusang pangkabuhayanbataysakatarunganaymakatutulongsapagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng kalalakihan at kababaihan, Binibigyang-diin na ang pagpuksa ng aparteid (apartheid), ng lahat ng anyo na rasismo, pagtatangi-tangi batay sa lahi, kolonyalismo, neo-kolonyalismo, pananalakay, pananakop ng dayuhan at paghahari at panghihimasok sa panlaob na pamumuhay ng mga Estado ay lubhang mahalaga para sa lubos na pagtatamasa ng mga karapatan ng kalalakihan at kababaihan, ________________________________________________ 111

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Pinagtitibay na ang pagpapalakas ng pandaigdig na kapayapaan at katiwasayan, ang pagpapalubay ng pandaigdig na tensiyon, ang pagtutulungan ng mga Estado nang walang pagtatangi batay sa kanilang sistemang panlipunan at pangkabuhayan, ang pangkalahatan at lubos na pag-aalis ng mga armas at lalo na ang pag-aalis ng mga armas-nukleyar sa ilalim ng mahigpit at mabisang pamamahalang pandaigdig, ang pagpapatibay ng mga prinsipyong katarungan, pagkakapantay-pantay at pare-parehong benepisyo sa kaugnayan ng mga bansa, at ang katuparan ng karapatan ng mga lahi sa ilalim ng dayuhan at kolonyal na pagdudumina at pananakop ng dayuhan, sa sariling pagpapasiya at kasarinlan, gayundin ang paggalang sa pambansang kapangyarihan at kabuuan ng lupain, ay magtataguyod ng panlipunang kaunlaran at pagsulong at sa gayon ay makatutulong sa pagkakamit ng lubos na pagkakapantay-pantay ng kalalakihan at kababaihan. Naniniwalang ang lubos at ganap na pag-unlad ng isang bansa, ang kapakanan ng mundo at ang layunin ng kapayapaan ay nangangailangan ng pinakamalaking pakikisalamuha ng kababaihan sa mga kondisyong pantay sa kalalakihan sa lahat ng larangan, Isinasaisip ang malaking kontribusyon ng kababaihan sa kapakanan ng pamilya at sa pagunlad ng lipunan, na hindi pa lubusang kinikilala ang kahalagahang panlipunan ng pagka-ina at ang tungkulin ng kapwa magulang sa pamilya at sa pagpapalaki ng mga anak, at batid na ang tungkulin ng kababaihan sa panganganak ay hindi dapat maging batayan ng pagtatangi-tangi datapuwat ang pagpapalaki ng anak ay nangangailangan ng pagbabahaginan ng pananagutan ng kalalakihan at kababaihan at ng lipunan sa kabuuan, ________________________________________________ 112

Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Pagtatangi-tangi Laban sa Kababaihan ________________________________________________ Batid na ang pagbabago sa kinaugaliang tungkulin ng kalalakihan gayundin ang tungkulin ng kababaihan sa lipunan at sa pamilya ay kailangan upang matamo ang lubos na pagkakapantay-pantay ng kalalakihan at kababaihan, Napagpasiyahang isagawa ang mga prinsipyong itinakda sa Pagpapahayag ukol sa Pag-aalis ng Pagtatangi-tangi Laban sa Kababaihan at, sa gayong layunin, magpatibay ng mga hakbang na kinakailangan para sa pag-aalis ng gayong pagtatangi sa lahat nitong anyo at tanda, Ay nagkakasundo sa mga sumusunod: Unang Bahagi Artikulo 1 Para sa mga layunin ng Kumbensyong ito, ang terminong pagtatangi-tangi laban sa kababaihan ay nangangahulugan ng anumang pagbibigay ng pagkakaiba, di-pagsama o paghihigpit batay sa kasarian na may bunga o layuning makapinsala o mapawalangbisa ang pagkilala, pagtatamasa o paggamit ng kababaihan, hindi hinggil sa kanilang kalagayang sibil, batay sa pagkakapantay-pantay ng kalalakihan at kababaihan, ng mga karapatang pantao at mga pangunahing kalayaan sa pulitikal, pangkabuhayan, panlipunan, pangkalinangan, sibil at iba pang larangan. Artikulo 2 Sinusumpa ng mga Estadong Panig ang pagtangi-tangi laban sa kababaihan sa lahat nitong anyo, sumasangayong magsumikap na matamo sa lahat ng mga angkop na ________________________________________________ 113

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ kaparaanan at nang walang pagbabalam, ang patakarang pag-aalis ng pagtatangi-tangi laban sa kababaihan at, sa ganitong layunin, ay nangangakong: (a) Ipapaloob ang prinsipyong pagkakapantay-pantay ng kalalakihan at kababaihan sa kanilang pambansang Saligang Batas o iba pang angkop na batas kung hindi pa ito nasasama roon, at titiyakin, sa pamamagitan ng batas at ibang angkop na kaparaanan, ang tunay na pagsasakatuparan ng prinsipyong ito; (b) Magpapatibay ng mga angkop na batas at iba pang mga hakbang, kabilang na ang tadhanang parusa kung saan naaangkop, na nagbabawal ng lahat ng pagtatangitangi laban sa kababaihan; (c) Magtatag ng pangangalagang legal sa mga karapatan ng kababaihan sa batayang pantay sa kalalakihan at titiyakin sa pamamagitan ng may kakayahang mga hukumang pambansa at iba pang institusyong pangmadla ang mabisang pangangalaga sa kababaihan laban sa anumang gawang pagtatangi-tangi; (d) Iiwasan ang anumang pagsasagawa o pagkilos na pagtatangi-tangi laban sa kababaihan at titiyakin na ang mga pangmadlang awtoridad at institusyon ay kikilos ayon sa tungkuling ito; (e) Magsasagawa ng lahat ng mga angkop na kaparaanan upang maalis ang pagtatangi-tangi laban sa kababaihan ng sinumang tao, samahan o gawain; ________________________________________________ 114

Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Pagtatangi-tangi Laban sa Kababaihan ________________________________________________ (f) Magsasagawa ng lahat ng mga angkop na kaparaanan, kabilang na ang paggawa ng batas, upang magbago o maalis ng umiiral na mga batas, alituntunin, kaugalian at gawing katumbas ng pagtatangi laban sa kababaihan; (g) Pawawalang-bisa ang lahat ng pambansang itinakdang parusa na katumbas ng pagtatangi laban sa kababaihan. Artikulo 3 Ang mga Estadong Panig ay magsasagawa sa lahat ng larangan, lalo na sa pulitikal, panlipunan, pangkabuhayan at pangkalinangang larangan, ng lahat ng mga angkop na kaparaanan, kabilang na ang pagbabatas, upang matiyak ang lubos na pag-unlad at pagsulong ng kababaihan para sa layuning matiyak sa kanila ang paggamit at pagtatamasa ng mga karapatang pantao at ng mga pangunahing kalayaan batay sa pagkakapantaypantay sa kalalakihan. Artikulo 4 1. Ang pagpapatibay ng mga Estadong Panig ng mga pansamantala at tanging kaparaanan na may layuning mapabilis ang pagkakapantay na de facto ng kalalakihan at kababaihan ay hindi ituturing na pagtatangi-tangi sa pakahulugan ng Kumbensyong ito, ngunit hindi pangangailangan, bilang bunga, ng pananatili ng di pantay o magkahiwalay na mga pamantayan; ang mga kaparaanang ito ay ititigil kapag ang mga layunin ng pagkakapantaypantay ng pagkakataon at pagpapalagay ay nakamit na. ________________________________________________ 115

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ 2. Ang pagpapatibay ng mga Estadong Panig ng mga tanging kaparaanan, kabilang na iyong mga kaparaanang napapaloob sa Kumbensyong ito, na may layuning mapangalagaan ang pagka-ina, ay hindi ituturing na pagtatangi-tangi. Artikulo 5 Ang mga Estadong Panig ay nagsasagawa ng lahat ng mga angkop na kaparaanan: (a) Upang mabago ang mga panlipunan at pangkalinangang huwaran ng pagkilos ng kalalakihan at kababaihan upang makamit ang pag-aalis ng mga hindi matuwid na opinyon at ng mga nakaugalian at lahat ng iba pang gawing batay sa palagay ng kababaan o kataasan ng uri ng alinman sa dalawang kasarian o sa mga tungkuling naaayon sa kaugalian ng kalalakihan at kababaihan; (b) Upang matiyak na ang pag-aaral pampamilya ay kinabibilangan ng wastong pagunawa ng pagka-ina bilang isang tungkuling panlipunan at ang pagkilala ng pananagutan ng kapwa kalalakihan at kababaihan sa pagpapalaki at pagpapaunlad ng kanilang mga anak, sa kaunawaang ang kapakanan ng mga anak na siyang pangunahing isasaalang-alang sa lahat ng kalagayan. Artikulo 6 Ang mga Estadong Panig ay magsasagawa ng lahat ng mga angkop na kaparaanan, kabilang na mga pagbabatas, upang ________________________________________________ 116

Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Pagtatangi-tangi Laban sa Kababaihan ________________________________________________ sugpuin ang lahat ng anyo ng pamimili at pagbibili ng kababaihan at ng pagsasamantala o prostitusyon ng kababaihan. Ikalawang Bahagi Artikulo 7 Ang mga Estadong Panig ay magsasagawa ng lahat ng mga angkop na kaparaanan upang maalis ang pagtatangi-tangi laban sa kababaihan sa pulitikal at pangmadlang buhay ng bansa at, lalo na, ay titiyakin, sa mga kondisyong pantay sa kalalakihan, ang karapatang: (a) bumoto sa lahat ng halalan at pangmadlang reperendum at maaaring ihalal sa lahat ng lupong pangmadlang inihahalal; (b) makilahok sa pagbuo ng patakarang pampamahalaan at sa pagpapatupad niyon at humawak ng tungkuling pangmadla at magsagawa ng lahat ng mga tungkuling pangmadla sa lahat ng antas ng pamahalaan; (c) makilahok sa mga di-pampamahalaang samahan at kapatirang may kinalaman sa panlipunan at pulitikal ng bansa. Artikulo 8 Ang mga Estadong Panig ay magsasagawa ng lahat ng mga angkop na kaparaanan upang matiyak sa kababaihan sa mga kondisyong pantay sa kalalakihan at nang walang anumang pagtatangi-tangi, ang pagkakataong kumatawan ng kanilang ________________________________________________ 117

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ mga pamahalaan sa pandaigdig na antas at makilahok sa gawain ng mga pandaigdig na samahan. Artikulo 9 1. Ang mga Estadong Panig ay magkakaloob sa kababaihan ng mga karapatang pantay sa kalalakihan na magtamo, magbago o magpanatili ng kanilang kabansaan. Titiyakin nila lalo na ni pag-aasawa ng isang dayuhan o ni pagbabago ng kabansaan ng asawang lalaki habang magasawa ay hindi automatikong magpa-iiba ng kabansaan ng asawang babae, magpawawalang estado sa kanya o magpipilit sa kanya ng kabansaan ng kanyang asawa. 2. Ang mga Estadong Panig ay magkakaloob sa kababaihan ng mga karapatang pantay sa kalalakihan ukol sa kabansaan ng kanilang mga anak. Ikatlong Bahagi Artikulo 10 Ang mga Estadong Panig ay magsasagawa ng lahat ng mga angkop na kaparaanan upang maalis ang pagtatangitangi laban sa kababaihan upang matiyak sa kanila ang mga karapatang pantay sa kalalakihan sa larangan ng pag-aaral at lalo na upang matiyak, sa batayang pagkakapantay-pantay ng kalalakihan at kababaihan: (a) Ang magkatulad na mga kondisyon sa karera at bokasyonal na pamamatnubay, pagkakataon sa ________________________________________________ 118

Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Pagtatangi-tangi Laban sa Kababaihan ________________________________________________ pag-aaral at sa pagkakamit ng mga diploma sa lahat ng mga kategorya ng institusyong pangedukasyon sa kanayunan at maging sa kalunsuran; ang pagkakapantay-pantay na ito ay titiyakin sa edukasyon pre-school, pangkalahatan, teknikal, propesyonal at higit sa mataas na antas na teknikal, gayundin sa lahat ng uri ng bokasyonal na pagsasanay; (b) Ang pagkakataon sa magkatulad na kurikulum, magkatulad na pagsusulit, mga gurong may kakayahan ayon sa parehong pamantayan at mga paaralan at kapaligiran ng mga ito at kagamitang may parehong uri; (c) Ang pag-aalis ng anumang nakaugaliang kuro-kuro ukol sa mga tungkulin ng kalalakihan at kababaihan sa lahat ng mga antas at sa lahat ng mga anyo ng pagaaral sa pamamagitan ng magkasamang pagaaral ng lalaki at babae at iba pang uri ng pag-aaral na makatutulong makamit ang layuning ito at, lalo na, sa pamamagitan ng pagrerebisa ng mga aklat at aralin, at mga programang pampaaralan at ang pagaangkop ng mga paraan ng pagtuturo; (d) Ang magkatulad na pagkakataong makinabang ng mga libreng pagpapaaral at iba pang kaloob sa pag-aaral; (e) Ang magkatulad na pagkakataong gumamit ng mga programang patuloy na pagaaral, kabilang na ang programa para sa may edad at di-marunong bumasa at sumulat, lalung-lalo na iyong may hangaring paliitin sa lalong madaling panahon, ang anumang ________________________________________________ 119

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ agwat sa edukasyon na namamagitan sa kalalakihan at kababaihan; (f) Ang pagpapababa ng bilang ng mga babaeng mag-aaral na humihinto ng pag-aaral at ang pagbubuo ng mga programa para sa mga batang babae at kababaihang huminto ng pag-aaral nang wala sa panahon; (g) Ang magkatulad na pagkakataong makilahok nang masigasig sa edukasyong pampalakasan at pangkatawan; (h) Ang paggamit ng tiyak na kaalamang pang-edukasyon upang matiyak ang kalusugan at mabuting kalagayan ng mga pamilya, kabilang na ang kaalaman at payo ukol sa pagpaplano ng pamilya. Artikulo 11 1. Ang mga Estadong Panig ay magsasagawa ng lahat ng mga angkop na kaparaanan upang maalis ang pagtatangi-tangi laban sa kababaihan sa larangan ng paghahanapbuhay upang matiyak, sa batayang pagkakapantay-pantay ng kalalakihan at kababaihan, ang magkatulad na mga karapatan, lalung-lalo na: (a) Ang karapatan ng paggawa bilang isang di-maikakait na karapatan ng lahat na mga taong nilalang; (b) Ang karapatan na magkatulad na pagkakataon sa paghahanapbuhay, kabilang na ang paggamit ng ________________________________________________ 120

Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Pagtatangi-tangi Laban sa Kababaihan ________________________________________________ magkatulad na pamantayan sa pagpili ng mapapasok sa trabaho; (c) Ang karapatang pumili nang malaya ng propesyon at hanapbuhay, ang karapatang tumanggap ng bokasyonal na pagsasanay at muling pagsasanay,kabilang na ang pag-aaprendis, matass na bokasyonal na pagsasanay at paulit-ulit na pagsasanay; (d) Ang karapatan sa pantay na kabayaran, kabilang na ang mga pakinabang, at sa pantay na pagtatrato ukol sa pantay na paggawa, maging sa pagkakapantay-pantay ng pagpapalagay sa pagpapahalaga ng uri ng paggawa; (e) Ang karapatan sa kaseguruhang panlipunan, lalung-lalo na sa mga sandali ng pagreretiro, pagkakasakit, pagkabaldado at katandaan at iba pang pagkawalangkaya sa trabaho, maging ang karapatan sa mga may bayad na bakasyon; (f) Ang karapatan sa pangangalaga ng kalusugan at sa kaligtasan sa mga kalagayan sa paggawa, kabilang na ang pangangalaga ng tungkuling pag-aanak.

2. Para maiwasan ang pagtatangi-tangi laban sa kababaihan batay sa pag-aasawa o pag-iina at upang matiyak ang mabisa nilang karapatan sa paggawa, ang mga Estadong Panig ay magsasagawa ng mga angkop na kaparaanan: (a) Upang ipagbawal, batay sa pagpapataw ng mga parusa, ang pagpapaalis dahilan sa panganganak o ________________________________________________ 121

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ bakasyon dahil sa panganganak at pagtatangi-tangi sa mga pagpapaalis batay sa katayuan sa pag-aasawa; (b) Upang panimulang gamitin ang may bayad na bakasyon ukol sa panganganak o may maitulad na panlipunang pakinabang nang hindi mawawala ang dating hanapbuhay, katandaan sa ranggo o panggugol na panlipunan; (c) Upang pasiglahin ang paglalaan ng mga kailangan at nakatutulong na paglilingkod na panlipunan, sa ikapagsasama ng mga magulang ng mga tungkuling pampamlya, mga pananagutan sa trabaho at pakikilahok sa buhay pangmadla, lalung-lalo na, sa pamamagitan ng pagtataguyod ng pagtatatag at pagpapaunlad ng mga kagamitan para sa pagkalinga ng mga bata; (d) Upang maglaan ng tanging pangangalaga sa kababaihan sa panahon ng pagdadalang-tao sa mga uri ng trabahong napatunayang nakapipinsala sa kanila. 3. Ang mga batas na nangangalaga na may kaugnayan sa mga bagay na nasasaklaw sa artikulong ito ay rerepasuhin tuwing panahon batay sa kaalamang siyentipiko at tekniko, ipawawalang-bisa o patatagalin kung kinakailangan. Artikulo 12 1. Ang mga Estadong Panig ay magsasagawa ng lahat ng mga angkop na pamamaraan upang maalis ang pagtatangi________________________________________________ 122

Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Pagtatangi-tangi Laban sa Kababaihan ________________________________________________ tangi laban sa kababaihan sa larangan ng pangangalaga ng kalusugan upang matiyak, sa batayang pagkakapantaypantay ng kalalakihan at kababaihan, ang paggamit ng mga paglilingkod na pangkalusugan, kabilang na ang may kinalaman sa pagpaplano ng pamilya. 2. Sa kabila ng mga probisyon ng unang parapo ng artikulong ito, titiyakin ng mga Estadong Panig sa kababaihan ang angkop na paglilingkod ukol sa kanilang pagdadalang-tao, pagkaka-ospital at pangangalaga pagkatapos manganak, ng libreng paglilingkod kung kinakailangan, gayundin ang hustong nutrisyon sa panahon ng pagdadalang-tao at pagpapasuso. Artikulo 13 Ang mga Estadong Panig ay magsasagawa ng lahat ng mga angkop na kaparaanan upang maalis ang pagtatangitangi laban sa kababaihan sa iba pang larangan ng buhay pangkabuhayan at panlipunan upang matiyak, sa batayang pagkakapantay-pantay ng kalalakihan at kababaihan, ang magkatulad na mga karapatan, lalung-lalo na: 1. Ang karapatan sa mga pakinabang na pampamilya; 2. Ang karapatan sa pangungutang sa bangko, pagsasangla at iba pang anyo ng kreditong nauukol sa pananalapi; 3. Ang karapatang makilahok sa mga gawaing panlibangan, mga laro at sa lahat ng aspeto ng buhay pangkalinangan. ________________________________________________ 123

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Artikulo 14 1. Ang mga Estadong Panig ay isasaalang-alang ang mga suliranin ng kababaihan sa kanayunan at ang mga makabuluhang tungkulin nila sa pangkabuhayang kaligtasan ng kanilang mga pamilya, kabilang na ang kanilang gawain sa mga sektor ng lipunan na hindi gumagamit ng pera at magsasagawa ng lahat ng mga angkop na pamamaraan upang matiyak ang pagbibigaybisa ng Kumbensyong ito para sa kababaihan sa kanayunan. 2. Ang mga Estadong Panig ay magsasagawa ng lahat ng mga angkop na pamamaraan upang maalis ang pagtatangi-tangi laban sa kababaihan sa kanayunan upang matiyak, sa batayang pagkakapantay-pantay ng kalalakihan at kababaihan, na makalalahok sila sa at makikinabang sa pag-unlad ng kanayunan at, lalo na, ay titiyakin para sa kababaihan ang karapatang: (a) Makilahok sa pagpapabuti at pagpapatupad ng pagplano ukol sa pag-unlad sa lahat ng antas; (b) Gumamit ng hustong mga kagamitan para sa pangangalaga ng kalusugan, kasama na ang impormasyon, pagpapayo at paglilingkod ukol sa pagpaplano ng pamilya; (c) Tuwirang makinabang sa mga programa ng kaseguruhang panlipunan; ________________________________________________ 124

Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Pagtatangi-tangi Laban sa Kababaihan ________________________________________________ (d) Makamit ang lahat ng uri ng pagsasanay a edukasyon, pormal at di-pormal, kasama na ang mgay kaugnayan sa pagiging marunong bumasa at sumulat, pati na ang pakinabang ng lahat na dagdag ng paglilingkod pangtaong-bayan, kasama ng iba pa (inter alia), maitaas ang kanilang kasanayang teknikal; (e) Magbuo ng mga grupong umaasa sa sarili at mga kooperatiba upang matamo ang pantay na paggamit ng mga pagkakataong pangkabuhayan sa pamamagitan ng pamamasukan o sariling paghahanapbuhay; (f) Lumahok sa lahat ng gawaing pang-komunidad; (g) Gumamit ng mga pautang na pang-agrikultura, mga kagamitan sa pagbebenta, angkop na teknolohiya at pantay-pantay na pagtrato sa reporma sa lupa lalunglalo na sa mga plano ng paglipat sa bagong lugar; (h) Magtamasa ng sapat na kalagayang pangkabuhayan, lalung-lalo na ang may kinalaman sa pabahay, kalinisan, elektrisidad at panustos ng tubig, transportasyon at komunikasyon. Ikaapat na Bahagi Artikulo 15 1. Ang mga Estadong Panig ay magbibigay sa kababaihan ng pagkakapantay-pantay sa kalalakihan sa harap ng batas. ________________________________________________ 125

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ 2. Ang mga Estadong Panig ay magbibigay sa kababaihan, sa mga bagay na sibil, ng legal na kapasidad katulad ng sa kalalakihan at magkatulad na pagkakataong gamitin ang gayong kapasidad. Sila ay magbibigay sa kababaihan lalo na ng pantay-pantay na mga karapatan upang makipagkontrata at mangasiwa ng ari-arian at ituring sila nang pantay sa lahat ng baitang ng pamamaraan sa mga hukuman. 3. Ang mga Estadong Panig ay sumasang-ayon na ang lahat na kontrata at ang lahat na iba pang kagamitang pribado, anumang uri nito, na may epektong legal na naglalayong maghigpit sa legal na kapasidad ng kababaihan ay ituturing na walang bisa. 4. Ang mga Estadong Panig ay magbibigay sa kalalakihan at kababaihan ng magkatulad na mga karapatan ukol sa batas na may kaugnayan sa pagkilos ng mga tao at sa kalayaang pumili ng kanilang tirahan. Artikulo 16 1. Ang mga Estadong Panig ay magsasagawa ng lahat ng mga angkop na kaparaanan upang maalis and pagtatangi-tangi laban sa kababaihan sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa pagaasawa at mga relasyong pampamilya, at lalo na ay titiyakin, batay sa pagkakapantay-pantay ng kalalakihan at kababaihan. (a) Ang magkatulad na karapatang magpakasal; (b) Ang magkatulad na karapatang pumili nang malayang asawa at magpakasal nang mayroong malaya at lubos na pagsang-ayon; ________________________________________________ 126

Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Pagtatangi-tangi Laban sa Kababaihan ________________________________________________ (c) Ang magkatulad na karapatan at pananagutan sa panahon ng pagiging mag-asawa at sa pag papawalang-bisa nito; (d) Ang magkatulad na karapatan at pananagutan, nang walang pagsasaalang-alang sa kanilang katayuan sa pagkakasal, sa mga bagay na may kaugnayan sa kanilang mga anak. Sa lahat ng kaso, ang mga interes ng mga anak ay mangingibabaw; (e) Ang magkatulad na karapatang magpasiya nang malaya at may pananagutan ukol sa bilang at agwat ng kanilang mga anak at gumamit ng impormasyon, pag-aaral at paraang makapapagamit sa kanila ng ganitong mga karapatan; (f) Ang magkatulad na karapatan at pananagutan sa pag-aalaga at pag-ampon at pagiging responsible sa kagalingan ng mga bata o sa mga kahalintulad na institusyon kung saan may ganitong konsepto sa pambansang batas. Sa lahat ng kaso, ang kapakanan ng mga bata ang siyang mangingibabaw; (g) Ang magkatulad na mga karapatang pansarili bilang mag-asawa, kasama na ang karapatang pumili ng apelyido, propesyon at hanapbuhay; (h) Ang parehong mga karapatan ng kapwa mag-asawa sa pag-aari, pagkakamit, pagpapalakad, pangangasiwa, pagtatamasa at pamamahagi ng ari-arian, maging ito ay walang bayad o mayroon. ________________________________________________ 127

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ 2. Ang kasunduan ukol sa pagpapakasal at ang pagkakasal ng isang bata ay hindi magkakaroon ng epektong legal, at kailangang gawin ang lahat, kasama na ang pagbabatas upang tukuyin ang pinakamababang gulang ng pag-aasawa at upang gawing sapilitan ang pagtatala ng mga kasal sa isang opisyal na palistahan. Ikalimang Bahagi Artikulo 17 1. Para sa layuning pag-aralan ang natamong pagsulong sa pagpapatupad ng Kumbensyong ito, may ibubuong isang Komite para sa Pag-aalis ng Pagtatangi-tangi laban sa Kababaihan (na mula rito ay tatawaging Komite) na bubuuin, sa pasimula ng pagkabisa ng Kumbensiyon, ng 18 at, pagkatapos ng pagpapatibay sa Kumbensyon ng ika-tatlumput limang Estadong Panig, ng 23 dalubhasang may mataas na katayuang moral at may kakayahan sa larangang nasasaklaw ng Kumbensyon. Ang mga dalubhasa ay ihahalal ng mga Estadong Panig mula sa kani-kanilang mga mamamayan at manunungkulan sa sarili nilang kakayahan, isasaalang-alang ang karapatang paghahati ng kasapian batay sa heograpiya at ibat ibang uri ng sibilisasyon, gayundin ng pagkakaroon ng mga pangunahing legal na sistema. 2. Ang mga kasapi ng Komite ay ihahalal sa pamamagitan ng lihim na balota mula sa listahan ng mga taong iminungkahi ng mga Estadong Panig. Ang bawat ________________________________________________ 128

Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Pagtatangi-tangi Laban sa Kababaihan ________________________________________________ Estadong Panig ay maaaring magmungkahi ng isang tao mula sa kanyang bansa. 3. Ang unang halalan ay idadaos anim na buwan makaraan ng petsa ng pagkabisa ng Kumbensyong ito. Kahit tatlong buwan bago dumating ang petsa ng bawat halalan, ang Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa ay susulat sa mga Estadong Panig upang humiling sa kanilal na magpasok ng mga pangalan sa loob ng dalawang buwan. Maghahanda ang Pangkalahatang Kalihim ng isang talaan sa kaayusang alpabetiko ng mga taong ang mga pangalan ay naipasok na may indikasyon ng mga Estadong Panig na nagpasok sa kanila, at ihaharap ito sa mga Estadong Panig. 4. Ang mga halalan ng mga kasapi ng Komite ay idadaos sa isang pulong ng mga Estadong Panig na tinawag ng Pangkalahatang Kalihim sa punong tanggapan ng Nagkakaisang mga Bansa. Sa pulong na iyon, na kung saan dalawang-katlo (2/3) ng mga Estadong Panig ay siyang bubuo ng isang korum, ang mga taong nahalal sa Komite ay yaong mga naipasok na kandidato na nakakuha ng pinakamaraming bilang ng boto at ng ganap na nakararami sa mga boto ng mga kinatawan ng mga Estadong Panig na dumalo at humalal. 5. Ang mga kasapi ng Komite ay mahahalal para sa apat na taong taning ng panunungkulan. Gayunpaman, ang taning ng panunungkulan ng siyam na kasaping nahalal sa unang halalan ay matatapos sa katapusan ng dalawang taon, kaagad pagkatapos ng unang halalan, ang mga pangalan ________________________________________________ 129

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ ng siyam na nakasaping ito ay pipiliin sa pamamagitan ng palabunutan ng Tagapangulo ng Komite. 6. Ang paghalal sa limang karagdagang kasapi ng Komite ay idadaos alinsunod sa mga probisyon ng ika-2, 3 at 4 na talata ng artikulong ito, pagkatapos ng ikatatlumput limang pagpapatibay at pagdaragdag. Ang taning ng panunungkulan ng dalawa sa mga bagong kasaping inihalal sa ganitong pagkakataon ay matatapos sa katapusan ng dalawang taon, at ang mga pangalan nila ay pipiliin sa pamamagitan ng palabunutan ng Tagapangulo ng Komite. 7. Para sa pagpupuno ng di-inaasahang bakante, ang Estadong Panig na kung kaninong dalubhasa ay hindi na isinasagawa ang kanyang tungkulin bilang isang kasapi ng Komite ay maghihirang ng isang kapalit na dalubhasa mula sa kanilang mga mamamayan, sa ilalim ng pagsang-ayon ng Komite. 8. Ang mga kasapi ng Komite, nang may pagsang-ayon ang Pangkalahatang Asembliya ng Nagkakaisang mga Bansa, ay tatanggap ng kabayaran mula sa Nagkakaisang mga Bansa batay sa mga hanggahan at kalagayang maaaring pagpasiyahan ng Pangkalahatang Asembliya, na isinasaalang-alang ang kahalagahan ng mga pananagutan ng Komite. 9. Ang Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa ay magbibigay ng kinakailangang tauhan at kagamitan para sa mabisang pagsasagawa ng mga tungkulin ng Komite sa ilalim ng Kumbensyong ito. ________________________________________________ 130

Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Pagtatangi-tangi Laban sa Kababaihan ________________________________________________ Artikulo 18 1. Ang mga Estadong Panig ay nangangakong magbibigay sila sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa, upang maisaalang-alang ng Komite, ng mga ulat ukol sa mga hakbang na lehislatibo, panghukuman, administratibo o anupamang hakbang na ginawa nila na nagbibigay-bisa sa mga probisyon ng Kumbensyong ito at sa pagsulong na natamo rito: (a) Sa loob ng isang taon ng pagkakabisa para sa may kinalamang Estado; (b) Pagkatapos noon, kahit bawat apat na taon at kailan pa mat hinihiling ng Komite. 2. Ang mga ulat ay maaaring magpahiwatig ng mga salik at nagiging sagabal na nakakaapekto sa pagsasakatuparan ng mga tungkulin sa ilalim ng Kumbensyong ito. Artikulo 19 1. Ang Komite ay magbubuo ng sarili nitong mga alituntunin. 2. Ang Komite ay maghahalal ng mga pinuno nito para sa taning na dalawang taon. Artikulo 20 1. Ang Komite ay magpupulong nang pangkaraniwan sa panahong hindi hihigit sa dalawang linggo bawat taon ________________________________________________ 131

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ upang mapag-aralan ang mga ulat na iniharap sa kanila alinsunod sa Artikulo 18 ng Kumbensyong ito. 2. Ang pagpupulong ay pangkaraniwang idadaos sa punong tanggapan ng Nagkakaisang mga Bansa o sa iba pang maluwag na lugar na napagkasunduan ng Komite. Artikulo 21 1. Ang Komite, sa pamamagitan ng Lupon ukol sa Kabuhayan at Lipunan, ay magbibigay sa Pangkalahatang Asembliya ng isang pang isang taong ulat ukol sa mga gawain nito at maaaring gumawa ng mga suhestiyon at pangkalahatang rekomendasyon batay sa pagsusuri sa mga ulat at mga impormasyong tinanggap mula sa mga Estadong Panig. Ang yaong mga suhestiyon at pangkalahatang rekomendasyon ay isasama sa ulat ng Komite, kasama na rin ang mga puna kung mayroon mula sa mga Estadong Panig. 2. Ang Pangkalahatang Kalihim ay magpapaabot ng mga ulat sa Komisyon ukol sa Kalagayan ng Kababaihan para sa kaalaman nito. Artikulo 22 Ang mga tanging ahensiya ay may karapatang magkaroon ng kinatawan kung isinasaalang-alang ang pagsasakatuparan ng mga probisyon ng kasalukuyang Kumbensyon na maaaring mahulog sa saklaw ng kanilang mga gawain. Ang Komite ay maaaring maganyaya sa mga tanging ahensiya na magharap ________________________________________________ 132

Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Pagtatangi-tangi Laban sa Kababaihan ________________________________________________ ng mga ulat ukol sa pagpapatupad ng Kumbensyon sa mga larangang nahuhulog sa saklaw ng kanilang mga gawain. Ikaanim na Bahagi Artikulo 23 Wala sa Kumbensyong ito ang makaaapekto sa anumang probisyong lalong makapagpapabilis ng pagtatamo ng pagkakapantay-pantay ng kalalakihan at kababaihan na maaaring nilalaman: a) sa mga batas ng isang Estadong Panig; o b) sa alinmang Pandaigdig na Kumbensyon Kasunduang may bisa para sa Estadong iyon. Artikulo 24 Ang mga Estadong Panig ay nangangakong magpapatibay ng lahat na kinakailangang pamamaraan sa pambansang antas na may layuning makamit ang lubos na pagsasakatuparan ng mga karapatang kinikilala sa Kumbensyong ito. Artikulo 25 1. Ang Kumbensyon ay magiging bukas para lagdaan ng lahat ng Estado. 2. Ang Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa ay inaatasan bilang lagakan ng Kumbensyon. ________________________________________________ 133 o

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ 3. Ang Kumbensyon ay sasailalim sa isang pagtitibay. Ang mga kagamitan sa pagpapatibay ay ilalagak sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa. 4. Ang Kumbensyon ay magiging bukas para sa idaragdag ng lahat ng Estado. Ang pagdaragdag ay magkakabisa sa pamamagitan ng paglalagak ng isang kagamitan ng pagdaragdag sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa. Artikulo 26 1. Ang mungkahi para sa pagbabago ng Kumbensyon ay maaaring iharap sa anumang panahon ng alinmang Estadong Panig sa pamamagitan ng nakasulat na patalastas sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa. 2. Ang Pangkalahatang Asembliya ng Nagkakaisang Bansa ay magpapasiya sa mga hakbang, kung mayroon, na gagawin ukol sa gayong mungkahi. Artikulo 27 1. Ang Kumbensyon ay magkakabisa sa ika-tatlumpung araw pagkatapos ng araw ng paglalagak sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa ng ika-dalawampung kagamitan ng pagtanggap. 2. Para sa bawat Estadong magpapatibay sa Kumbensyon o magdaragdag dito pagkatapos ng paglagak ng ikadalawampung kagamitan ng pagpapatibay o pagtanggap, ang Kumbensyon ay magkakabisa sa ika-tatlumpung ________________________________________________ 134

Pagpawi ng Lahat ng Porma ng Pagtatangi-tangi Laban sa Kababaihan ________________________________________________ araw pagkatapos ng araw ng paglalagak ng sariling kagamitan ng pagpapatibay o pagtanggap. Artikulo 28 1. Ang Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa ay tatanggap at magpapamahagi sa lahat ng mga Estado ng teksto ng mga pasubaling ginawa ng mga Estado sa panahon ng pagpapatibay o pagtanggap. 2. Ang pasubaling di katugma ng layunin at pakay ng Kumbensyon ay hindi pahihintulutan.

3. Maaaring iurong ang mga pasubali anumang oras sa pamamagitan pagpapatalastas sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa na siyang magbibigay-alam sa mga Estadong Panig tungkol doon. Ang gayong pagpapatalastas ay magkakabisa sa araw ng pagkakatanggap niyon. Artikulo 29 1. Anumang hidwaan ng dalawa o higit pang Estadong Panig ukol sa pakahulugan o pagsasagawa ng Kumbensyon na hindi nalutas sa pamamagitan ng negosasyon ay ihaharap sa arbitrasyon. Kung sa loob ng anim na buwan mula sa pagkakasampa ng kahilingan para sa arbitrasyon ay hindi pa rin magkasundo ang mga panig sa pagtatalaga ng arbitrasyon ay maaaring dalhin ang hidwaan sa Pandaigdig na Hukuman ng Katarungan sa pamamagitan ng kahilingan alinsunod sa Batas ng Hukuman. ________________________________________________ 135

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ 2. Ang bawat Estadong Panig, sa panahon ng paglalagda o pagpapatibay ng Kumbensyong ito, ay maaaring magpahayag na hindi nito ipinalalagay na nakatali ito sa isinasaad ng talata 1 ng artikulong ito. Ang ibang Estadong Panig ay hindi matatali sa unang talata kaugnay ng alinmang Estadong Panig na gumawa ng gayong pasubali. 3. Alinmang Estadong Panig na gumawa ng pasubali alinsunod sa talata 2 ng artikulong ito ay maaaring magwagi ng pasubaling ito sa pamamagitan ng pagpapatalastas sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa. Artikulo 30 Ang Kumbensyon, na ang mga tekstong Arabiko, Intsik, Ingles, Pranses, Ruso at Kastila, ay pawang tunay, ay ilalagak sa sinupan ng Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa. BILANG PATUNAY DITO, ang may lagda, na binigyan ng kapangyarihan, ay lumagda sa Kumbensyong ito. Sanggunian:
http://cedaw-seasia.org/docs/Philippines/Pilipino_translation_of_ CEDAW.pdf

________________________________________________ 136

________________________________________________

(Convention Against Torture and Other Cruel, Inhuman or Degrading Treatment or Punishment)

Kumbensyon Laban sa Tortyur at iba pang Di Makatao na Pagtrato at Pagpaparusa

________________________________________________ 137

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

ng mga Estadong Panig sa kasalukuyang Kumbensyon, Isinasaalang-alang na, alinsunod sa mga patakarang ipinahayag sa Karta ng Nagkakaisang mga Bansa, ang pagkilala sa likas na karangalan at sa pantay at hindi maikakait na mga karapatan ng lahat ng mga nabibilang angkan ng tao ay siyang saligan ng kalayaan, katarungan at kapayapaan sa daigdig, Kinikilala na ang mga karapatan iyon ay mula sa angking dignidad ng tao, Isinasaalang-alang ang obligasyon ng mga Estadong Panig sa ilalim ng Karta, partikular sa Artikulo 55, upang itaguyod ang unibersal na paggalang sa at pagtalima ng, karapatang pantao at saligang kalayaan, Pagkakaroon ng patungkol sa Artikulo 5 ng Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao atArtikulo 7 ng Pandaigdig na Kasunduan sa mga Karapatang Sibil at Pampulitika, parehong na kung saan itinatadhana na walang sino mang pahihirapan o lalapatan ng malupit, di-makatao o nakakalait na pagtrato o parusa, Pagkakaroon ng patungkol din sa Pagpapahayag sa Proteksyon ng Lahat ng mga Tao mula sa Tortyur at iba pang Di Makatao na Pagtrato at Pagpaparusa, pinagtibay ng Pangkalahatang Asembliya noong Disyembre 9, 1975 (resolusyon 3451 (XXXX)), Naghahangad na supilin at puksain ang tortyur at ibang hindi makatao na pagtrato at parusa sa buong mundo, Ay nagkasundo sa mga sumusunod: ________________________________________________ 138

Tortyur at iba pang Di Makatao na Pagtrato at Pagpaparusa ________________________________________________ Unang Bahagi Artikulo 1 1. Para sa mga layunin ng Kumbensyon, ang salitang tortyur ay nangangahulugan ano mang paraan na ginagawa sa isang tao upang padanasin sa pamamagitan ng matinding sakit o paghihirap, maging sa pisikal o mental, ay sadyang ginawa sa tao para sa layunin na makakuha mula sa kanya o sa isa pang tao ng impormasyon o kaya ay paaminin siya o isa pang tao na nakatuon o pinaghihinalaang ng pagkakaroon ng pananakot o sa kanya o isa pang tao, o para sa ano mang kadahilanan batay sa diskriminasyon ng ano pa mang tipo, tulad ng kung ang sakit o paghihirap na idinulot nito ay sa pamamagitan ng o may pahintulot o pagpayag ng isang pampublikong opisyal o kung sino pa mang tao na may opisyal na kapasidad.Hindi kasama rito ang mga sakit o paghihirap na sanhi o idinulot na parusang pinagtibay ng batas. 2. Ang artikulong ito ay walang kinikilingan sa anumang internasyonal na instrumento o pambansang batas na kung saan ay o maaaring naglalaman ng mga probisyon ng mas malawak na aplikasyon. Artikulo 2 1. Ang bawat Estado Partido ay dapat magpatupad ng epektibong hakbang sa pamamagitan ng pagtatadhana ng lehislatibo, administratibo, panghukuman o iba pang mga pamamaraan upang pigilan ang tortyur at labis na pagpapahirap sa ano mang teritoryo sa ilalim ng kanyang nasasakupan. ________________________________________________ 139

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ 2. Walang mga natatanging pangyayari kahit ano pa man, kung nasa kalagayan ng digmaan o panganib ng digmaan, ang panloob na pampulitikang katatagan o ano mang ibang pampublikong kagipitan, mahihingi bilang dahilan ng paggamit ng tortyur at labis na pagpapahirap. 3. Ano mang kautusan mula sa higit na mataas na opisyal o pampublikong awtoridad ay hindi maaaring gawing dahilan ng paggamit ng tortyur. Artikulo 3 1. Walang Estadong Panig ay dapat nagpapaalis, pinababalik (refouler) o pabalikin ng sino mang tao sa ibang Estado kung saan mayroong malaking posibilidad at matibay na batayan para sa paniniwalang na siya ay nasa panganib ng mapapasailalim sa tortyur sa naturang Estado. 2. Para sa layunin ng pagtukoy kung may mga sapat na dahilan, ang karampatang awtoridad ay dapat kilalanin ang lahat ng kaugnay na pagsasaalang-alang kabilang, kung saan naaangkop, ang Estado sangkot na kung saan may matingkad at matibay na ebidensiya ng malawakang paglabag sa karapatang pantao. Artikulo 4 1. Bawat Estadong Panig ay dapat tiyakin na ang tortyur ay isang paglabag sa ilalim ng kanyang mga batas kriminal.Parehong dapat itong mailapat sa ano mang pagtatangka na paggamit ng tortyur at sa pamamagitan ________________________________________________ 140

Tortyur at iba pang Di Makatao na Pagtrato at Pagpaparusa ________________________________________________ ng sino mang tao na makikipagsabwatan o paglahok sa tortyur. 2. Bawat Estadong Partido ay dapat magtupad ng hakbang sa pagpaparusa at pagpapanagot sa naaayon sa batas ang paggamit ng tortyur na kaakibat nito ang pagkilala sa angkin nitong pagyurak at paglabag sa karapatang pantao. Artikulo 5 1. Bawat Estadong Partido ay dapat magpatupad ng mga hakbangin na maaaring kailanganin upang mapatibay nito ang kanyang kapangyarihan sa mga paglabag sa ilalim ng Artikulo 4 kabilang ang mga sumusunod na sitwasyon: (a) Kapag ang paglabag ay nakatuon sa anumang teritoryo nito sa ilalim ng hurisdiksyon o lulan ng isang barko o sasakyang panghimpapawid na nakarehistro sa yaong Estado; (b) Kapag ang inaakusang may-sala ay isang mamamayan ng yaong Estado;

(c) Kapag ang biktima ay mamamayan ng yaong Estado kung isinasaalang-alang ng yaong Estado kung ito ay naaangkop. 2. Bawat Estadong Partido ay dapat magpatupad ng mga kaukulang hakbang na maaaring kinakailangan upang mapatibay nito ang kanyang kapangyarihan tulad ng ________________________________________________ 141

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ paglabag sa mga kaso kung saan ang mga diumanoy may-sala ay naroroon sa anumang teritoryo sa ilalim ng kanyang nasasakupan at ito ay hindi na magpabalik sa kanyang nasasakupan ayon sa Artikulo 8 sa ano mang mga Estado na nabanggit sa talata 1 ng artikulong ito. 3. Ang Kumbensyong ito ay hindi ibinubukod ang ano mang ipinatupad na hurisdiksyong kriminal alinsunod sa panloob na lokal na batas ng Estadong Panig. Artikulo 6 1. Sa paborable sitwasyon, pagkatapos ng pagsusuri sa mga impormasyon na nakalap at nakuha, na ano mang pangyayari na may sapat na dahilan, ano mang Estadong Partido sa teritoryo ng sino mang tao na diumanoy lumabag na tinutukoy sa ilalim ng Artikulo 4, dapat sumailalim sa kustodiya o iba pang legal na hakbang upang matiyak ang kanyang pagharap sa ano mang paglilitis.Ang pagharap at iba pang mga legal na pamamaraan ay dapat ipinapatupad at naaayon sa batas ng yaong Estado ngunit maaaring maipagpatuloy lamang sa ganap na oras at panahon na nangangailangan sa ano mang paglilitis na kriminal o pagsuko ng kriminal sa ibang hurisdiksyon, na mapagtitibay. 2. Ang Estado ay dapat madaliang gumawa ng paunang pakikipanayam at pagtatanong sa diumanong maysala upang malaman ang mga katotohanan hinggil sa akusasyon laban sa taong nasa ilalim na kanyang kustodiya. ________________________________________________ 142

Tortyur at iba pang Di Makatao na Pagtrato at Pagpaparusa ________________________________________________ 3. Sino mang tao na nasa kustodiya ng awtoridad alinsunod sa talata 1 ng artikulong ito ay dapat mapangasiwaan at matulungan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan agad sa pinakamalapit na angkop na kinatawan ng Estado ng kung saan siya ay yaong mamamayan o kung siya ay maituturing na stateless, sa kinatawan ng Estado kung saan siya ay karaniwang nakatira. 4. Kapag ang isang Estado sa pamamgitan ng kanyang awtoridad, alinsunod sa artikulong ito, ay inilagay sa kustodiya ang sino mang tao, dapat nitong ipagbigayalam kaagad sa Estado na tinutukoy sa talata 1 ng Artikulo 5, ang mga katibayan na magpapatunay na ang tao ay nasa kanilang kustodiya at ng mga pangyayari kung bakit ang yaong taong ay nasa kustodiya ng awtoridad. Ang Estado na kung saan ay gumagawa ng paunang pakikipanayam alinsunod sa talata 2 ng artikulong ito ay dapat kaagad magsumite ng ulat sa nasabing Estado at dapat ipahiwatig at ipabatid kung maging ito man ay nagnanais na ipatupad ang kanyang hurisdiksyon sa yaong tao nasa kustodiya. Artikulo 7 1. Ang Estadong Partido sa teritoryo sa ilalim ng hurisdiksyon na ang isang tao na diumanoy na nakatuon sa anumang pagkakasala tinutukoy sa Artikulo 4 ay natagpuan na ang mga kaso nakapaloob sa Artikulo 5, kung ito ay hindi magpabalik sa kanya, isumite ang kaso sa kanyang karampatang awtoridad para sa pagdinig at pag-uusig. ________________________________________________ 143

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ 2. Yaong mga awtoridad ay dapat gumawa ng kanilang mga desisyon sa makatarungan at pantay na pamamaraan katulad sa kaso ng ano mang ordinaryong paglabag sa batas na may angking malubhang katangian na naaayon sa batas ng Estado.Sa mga kaso sa tinutukoy sa Artikulo 5, talata 2, ang mga pamantayan ng ebidensiya na kailangan para sa pag-uusig ay dapat sa paraan na hindi magiging mas mahigpit kaysa sa mga kaso na tinutukoy sa Artikulo 5, talata 1. 3. Sino mang tao na nasa ilalim ng paglilitis kaugnay sa ano mang paglabag na tinutukoy sa Artikulo 4 ay hindi dapat pagkaitan ng pantay na pangangalaga ng batas sa lahat ng yugto ng paglilitis. Artikulo 8 1. Ang mga paglabag na tinutukoy sa Artikulo 4 ay dapat ituring na extraditable na paglabag sa anumang kasunduan kaugnay ng ekstradisyon sa pagitan ng dalawang Estadong Panig. Ang mga Estadong Panig na ipinaloob ang nasabing paglabag sa extraditable na paglabag ay maaaring isuko sa bawat kasunduan kaugnay ng pagsuko ng kriminal sa ibang hurisdiksyon na maaaring mapagpasiyahan sa pagitan ng dalawang panig. 2. Kung ang isang Estadong Partido na nangangasiwa ng kondisyonal na pagsuko ng kriminal sa ibang hurisdiksyon, sa pagkakaroon ng isang kasunduan mula sa ibang Estadong Partido sa kung saan ito ay walang kasunduang pang-ekstradisyon, ito ay maaaring isaalang________________________________________________ 144

Tortyur at iba pang Di Makatao na Pagtrato at Pagpaparusa ________________________________________________ alang, ang Kumbensyong ito ang legal na batayan para sa ekstradisyon sa paggalang ng nasabing paglabag. Ang ekstradisyon ay dapat na napapailalim sa iba pang mga kondisyon na ibinigay ng batas ng Estadong humiling ng nasabing ekstradisyon. 3. Ang Estadong Panig na hindi mapapasailalim sa kondisyonal na pagsuko ng kriminal sa ibang hurisdiksyon sa pagkakaroon ng isang kasunduan ay dapat kilalanin tulad ng paglabag sa ekstradisyon sa pagitan ng mga Estadong Panig kaugnay sa mga kondisyon na ibinigay ng batas ng Estadong Panig na humiling ng nasabing ekstradisyon. 4. Ang ganitong paglabag ay dapat tratuhin, para sa layunin ng pagsuko ng kriminal sa ibang hurisdiksyon sa pagitan ng mga Estadong Partido, tulad ng kung sila ay nakatuon hindi lamang sa lugar na kung saan ang paglabag ay naganap kundi pati na rin sa ibang teritoryo ng mga Estado na kinakailangan upang mapagtibay ang kanilang hurisdiksyon ayon sa Artikulo 5, talata 1. Artikulo 9 1. Ang Estadong Partido ay dapat magtalaga ng kaukulang tulong sa abot ng makakaya nito kaugnay sa mga paglilitis na idinulog hinggil ng ano mang paglabag alinsunod sa Artikulo 4, kabilang ang pagsusumite ng lahat ng ebidensiya na kakailanganin para sa pagdinig ng kaso. 2. Ang Estadong Partido ay dapat pangasiwaan, batay sa kanyang mga obligasyon alinsunod sa artikulong ________________________________________________ 145

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ ito na ayon sa anumang kasunduan, hinggil sa pakikipagtulungan na maaaring umiiral sa pagitan ng bawat Estado tungkol sa paglilitis ng kaso. Artikulo 10 1. Ang bawat Estadong Partido ay dapat tiyakin ang pag-aaral tungkol sa pagpuksa sa tortyur ay bahagi ng kurikula ang pag-aaral at pagsasanay sa lahat ng mga institusyong pang-sandatahan at tagapagpaganap o pulisya, mga opisyales at kawani ng pamahalaan, at kawani ng bilangguan na nangangalaga sa mga taong inaresto, nakakulong o pinagkaitan ng kalayaan. 2. Ang bawat Estadong Partido ay dapat itakda sa mga pinagtibay na alituntunin o tagubilin hinggil sa pagsasaalang-alang sa mga responsibilidad at tungkulin ng sino mang taong nasa naglilingkod sa institusyong pang-sandatahan at tagapagpaganap o pulisya, mga opisyales at kawani ng pamahalaan, at kawani ng bilangguan na nangangalaga sa mga taong inaresto, nakakulong o pinagkaitan ng kalayaan. Artikulo 11 Ang bawat Estadong Partido ay dapat panatilihin ang sistematikong patakaran tungkol sa interogasyon o pagsisiyasat at mga pamamaraan kabilang na ang pangangasiwa at pangangalaga sa sino mang taong na inaresto, nakakulong o pinagkaitan ng kalayaan sa ano mang teritoryo nito upang maiwasan ang ano mang toryur sa ilalim ng hurisdiksyon ng yaong Estado. ________________________________________________ 146

Tortyur at iba pang Di Makatao na Pagtrato at Pagpaparusa ________________________________________________ Artikulo 12 Ang bawat Estadong Partido ay dapat tiyakin ang pagkakaroon ng mabilis, walang kinikilingan, epektibo at hayagang imbestigasyon sa ano mang insidente at alegasyon na may kaso ng tortyur saan mang teritoryo nito sa ilalim na kanyang hurisdiksyon. Artikulo 13 Ang bawat Estadong Partido ay dapat tiyakin ang sino mang tao diumanoy biktima ng tortyur sa teritoryo nito ng kanyang hurisdiksyon ay may karapatan na magreklamo sa, at ang kanyang kaso ay mapasailalim sa masusi, walang kinikilingan at mabilis na pagsisiyasat, ng karampatang awtoridad. Dapat tiyakin ang mga hakbang upang seguruhin na ang taong nagreklamo at ang kanyang mga testigo ay mapangalagaan na naayon sa batas laban sa ano mang pangaabuso o intimidasyon sanhi ng kanyang reklamo o mga ebidensyang isiniwalat o ibinigay para sa paglilitis ng kaso. Artikulo 14 Ang bawat Estadong Partido ay dapat tiyakin ang pagpapanatili ng isang legal na sistema upang ang biktima ng tortyur ay makakuha ng kaukulang lunas, at matiyak ang kanyang karapatan sa makatarungan, pantay at sapat na kompensasyon kabilang na ang kumpletong rehabilitasyon kung maaari. Kung ang biktima ay namatay sanhi ng tortyur ang alinmang myembro ng kanyang pamilya ay may karapatan sa kompensasyon. ________________________________________________ 147

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Artikulo 15 Ang bawat Estadong Partido ay dapat tiyakin ang ano mang pag-amin o pahayag na nakuha na dulot ng tortyur ay hindi mahihingi bilang ebidensya sa ano mang hukuman o pamamaraan, maliban kung ang isang tao di-umano ay nag-tortyur ay bilang ebidensya na ang pahayag ay nagawa. Artikulo 16 1. Ang bawat Estadong Partido ay dapat magsagawa at ipatupad ang mga hakbangin upang pigilan ang ano mang malupit o hindi makatao na pagtrato o parusa na hindi kabilang sa kahulugan ng tortyur alinsunod sa Artikulo 1, na idinulot nito ay sa pamamagitan ng o may pahintulot o pagpayag ng isang pampublikong opisyal o kung sino pa mang tao na may opisyal na kapasidad. Sa partikular, ang mga obligasyon na nakapaloob sa Artikulo 10, 11, 12 at 13 ay dapat saklawin hinggil sa tortyur kaugnay sa malupit o hindi makatao na pagtrato o parusa. 2. Ang mga probisyon na nakasaad sa Kumbensyong ito ay walang kinikilingan sa mga probisyon ng ano mang internasyunal na instrumento o pambansang batas na nagbabawal ng malupit o hindi makatao na pagtrato o parusa kung saan may kaugnayan sa ekstradisyon o pagsuko ng kriminal sa ibang hurisdiksyon o pagpapaalis ng tao sa loob ng teritoryo ng yaong Estado. ________________________________________________ 148

Tortyur at iba pang Di Makatao na Pagtrato at Pagpaparusa ________________________________________________ Ikalawang Bahagi Artikulo 17 1. Nararapat itatag ang Komite Laban sa Tortyur (na mula rito ay tatawaging Komite) na bubuuin ng sampung dalubhasa o eksperto ng may mataas na katayuang moral at kinikilala sa larangang nasasaklaw ng Kumbensyon na ihahalal ng mga Estadong Panig mula sa kanikanilang mga mamamayan at manunungkulan sa sarili nilang kakayahan, isasaalang-alang ang karapatang paghahati ng kasapian batay sa heograpiya at ibat ibang uri ng sibilisasyon, gayundin ng pagkakaroon ng mga pangunahing ligal na sistema. 2. Ang mga kasapi ng Komite ay ihahalal sa pamamagitan ng lihim na balota mula sa listahan ng mga taong iminungkahi ng mga Estadong Partido.Ang bawat Estadong Partido ay maaaring magmungkahi ng isang tao mula sa sarili nitong mamamayan.Ang Estadong Partido ay dapat isaalang-alang ang kahalagahan ng pagmungkahi mula sa mga myembro ng Komite sa Karapatang Pantao na itinatag sa ilalim ng Pandaigdig na Kasunduan sa mga Karapatang Sibil at Pampulitika at sino man ay may nais maglingkod sa Komite Laban sa Tortyur. 3. Halalan ng mga kasapi ng Komite ay dapat na idaos tuwing kada dalawang taon ng mga pagpupulong ng mga Estadong Partido na ipinatatawa ng Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa.Sa naturang pulong, na kung saan dalawang-katlo (2/3) ng mga ________________________________________________ 149

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Estadong Panig ay siyang bubuo ng korum, ang mga taong mahahalal sa Komite ay yaong mga kandidato na nakakuha ng pinakamaraming bilang ng boto at ng ganap na mayorya ng mga boto ng mga kinatawan na ng mga Estadong Panig na dumalo at humalal. 4. Ang unang halalan ay idadaos anim na buwan makaraan ng petsa ng pagkabisa ng kasalukuyang Kumbensyon. Kahit apat na buwan bago dumating ang petsa ng bawat halalan, ang Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa ay susulat sa mga Estadong Panig upang magsumite ng kanilang mga nominasyon sa loob ng tatlong buwan. Maghahanda ang Pangkalahatang Kalihim ng isang talaan sa kaayusang alpabetiko ng mga taong ang mga pangalan ay naisumite na may indikasyon ng mga Estadong Panig na nagpasok sa kanila, at ihaharap ito sa mga Estadong Panig. 5. Ang mga kasapi ng Komite ay mahahalal para sa apat na taong panunungkulan.Sila ay maaaring muling mahalal kung sila ay kabilang sa talaan ng nominado. Gayon man, ang panunungkulan ng limang kasaping inihalal sa unang halalan ay matatapos pagkaraan ng dalawang taon; pipiliin pagkaraan ng unang halalan ang mga pangalan ng limang kasapi sa pamamagitan ng palabunutan ng tagapangulo ng pulong alinsunod sa talata 3 ng artikulong ito. 6. Kung ang isang myembro ng Komite ay namatay o nagbitiw dahil sa ano mang iba pang kadahilanan, ang Estadong Partido na nagmungkahi sa kanya ay dapat humirang ng dalubhasa mula sa mga mamamayan nito upang maglingkod sa Komite ________________________________________________ 150

Tortyur at iba pang Di Makatao na Pagtrato at Pagpaparusa ________________________________________________ upang punan ang naiwan pang panahon ng panunungkulan ng nabakante, na napapailalim sa pagsang-ayon ng mayorya ng Estadong Partido. Ang pagsang-ayon ay dapat isaalangalang maliban na lamang kung kalahati o higit pa ng mga Estadong Partido hindi sumang-ayon sa loob ng anim na linggo pagkatapos ipabatid ng Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa hinggil sa iminungkahing pagtalaga upang punan ang bakanteng myembro ng Komite. 7. Ang mga Estadong Partido dapay tiyakin ang mga gastusin ng mga myembro ng Komite kaugnay ng pagtupad sa pinagtibay na gawain at tungkulin na isaalang-alang ang kahalagahan ng mga pananagutan ng Komite. Artikulo 18 1. Ang Komite ay maghahalal ng mga pinuno nito para sa dalawang taong panunungkulan Maaari silang muling nahalal. 2. Ang Komite ay magpapatibay ng sarili nitong mga patakaran na ang mga alituntunin ay nilalaman ng: (a) Anim na myembro ang bubuo sa korum; (b) Ang mga desisyon ng Komite ay dapat sa pamamagitan ng mayoryang boto ng kasapi ng Komite na nasa kapulungan. 3. Ang Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa ay dapat magkaloob ng mga kakailanganing ________________________________________________ 151

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ tauhan at mga pasilidad para sa epektibong pagtupad sa tungkulin ng Komite sa ilalim ng Kumbensyon. 4. Ang Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa ay dapat magsagawa ng unang pagpupulong ng Komite.Matapos nito, ang Komite ay dapat magpulong alinsunod sa pinagtibay na alituntunin ng Komite. 5. Ang mga Estadong Partido ay dapat tiyakin ang paggugol ng mga gastusin kaugnay sa mga pagpupulong ng mga Estadong Partido at ng Komite, kabilang ang kabayaran sa Nagkakaisang Bansa para sa ano mang gastusin, tulad ng kaukulang bayarin sa mga kawani at mga pasilidad, alinsunod sa talata 3 ng artikulong ito. Artikulo 19 1. Ang mga Estadong Partido ay dapat magsumite sa Komite, sa pamamagitan ng Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa, ng mga ulat hinggil sa pagbibigay-bisa sa mga probisyon ng Kumbensyon ito, sa loob ng isang taon matapos magkabisa ang Kumbensyon na ito para sa Estadong Partido sangkot.Pagkatapos nito, kada apat na taon ay magsusumite ang Estadong Partido ng mga karagdagang ulat hinggil sa ano mang mga bagong hakbangin at iba pang mga ulat na maaaring hingin ng Komite. 2. Ang Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa ay dapat ipabatid ang mga nasabing ulat sa lahat ng Estadong Partido. ________________________________________________ 152

Tortyur at iba pang Di Makatao na Pagtrato at Pagpaparusa ________________________________________________ 3. Ang bawat ulat ay dapat isaalang-alang ng Komite na maaaring magsagawa ng pangkalahatang rekomendasyon sa isinumiteng ulat ng at ipabatid ito sa Estadong Partido. Na ang Estadong Partido ay maaaring tumugon sa Komite hinggil sa ano mang obserbasyon nais nitong tugunan. 4. Ang Komite ay maaari, sa pagpapasya nito, na isama ang ano mang mga mungkahi na isinagawa nito ayon sa talata 3 ng artikulong ito, kabilang ang mga obserbasyon na natanggap mula sa Estadong Partido, sa kanyang taunang ulat na isinagawa alinsunod sa Artikulo 24.Kung hiniling ng Estadong Partido, ang Komite ay maaari ring isama ang kopya ng ulat na isinumite sa ilalim ng talatang 1 ng artikulong ito. Artikulo 20 1. Kung ang Komite ay nakatanggap ng kapani-paniwalang impormasyon na naglalaman ng matibay na indikasyon na ang tortyur ay sistematikong nagaganap sa teritoryo ng isang Estadong Partido, ang Komite ay dapat magsagawa ng pakikipagtulungan sa yaong Estadong Partido na makipagtulungan sa pagsusuri ng mga impormasyon na naglalayong matiyak ang pagsusumite ng obserbasyon hinggil sa impormasyon na nakalap at sinuri. 2. Batay sa nilalaman ng mga obserbasyon na isinumite ng Estadong Panig na sangkot, pati na rin sa iba pang mga kaugnay na impormasyon na nakuha nito, ang Komite ay maaaring, kung ito ay nagpasiya na kakailanganin, ________________________________________________ 153

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ ay magtalaga ng isa o higit pa ng mga myembro nito na magsagawa ng kumpidensyal na pakikipanayam at agarang mag-ulat sa Komite. 3. Kung ang pakikipanayam ay isinagawa alinsunod sa talata 2 ng artikulong ito, ang Komite ay dapat makipagugnayan sa Estado Partido sangkot.Sa kasunduan sa nasabing Estadong Partido, tulad ng pakikipanayam ay kabilang ang pagdalaw sa teritoryo nito. 4. Pagkatapos masuri ang ulat buhat sa pakikipanayam na isinagawa ng myembro o kasapi alinsunod sa talata 2 ng artikulong ito, dapat ipabatid o ipagbigay-alam ng Komite sa Estadong Partido sangkot kasama ang ano mang mga puna o mungkahi na angkop sa sitwasyon. 5. Lahat ng proseso at pamamaraan ng Komite alinsunod sa talata 1 hanggang 4 ng artikulong ito ay dapat kumpidensyal, at ang lahat ng isasagawang hakbang ay dapat mayroong mahigpit na pakikipag-ugnayan sa Estadong Partido. Pagkatapos ng pamamaraan kaugnay ng pakikipanayam alinsunod sa talata 2, ang Komite ay maaaring, pagkatapos ng konsultasyon sa Estadong Partido sangkot, magpasiya na gumawa ng buod ng resulta ng ginawang pakikipanayam at ipaloob ito sa taunang ulat ng Komite alinsunod sa Artikulo 24. Artikulo 21 1. Kung ang isang Estadong Panig ay nagpapalagay na ang isa pang Estadong Panig ay hindi nagbibigay-bisa sa mga ________________________________________________ 154

Tortyur at iba pang Di Makatao na Pagtrato at Pagpaparusa ________________________________________________ probisyon ng Kumbensyong ito, maaari nitong idulog sa Komite ang gayong usapin. Ipadadala ng Komite ang komunikasyon sa kinauukulang Estadong Panig. Ang komunikasyon ay maaaring tanggapin at isaalang-alang alinsunod sa pamamaraan ng probisyon ng artikulong ito, kung ang Estadong Partido na nagsumite ay kinikilala ang kakayahan ng Komite. Walang komunikasyon na dapat isaalang-alang ng Komite sa ilalim ng artikulong ito kung ito may kaugnayan sa Estadong Partido na hindi nagpahayag ng pagkilala sa kakayahan ng Komite. Ang mga komunikasyon na matatangap sa ilalim ng artikulong ito ay dapat isaalang-alang ang sumusunod na pamamaraan: (a) Kung ang isang Estadong Panig ay nagpapalagay na ang isa pang Estadong Panig ay hindi nagbibigaybisa sa mga probisyon ng Kumbensyong ito, maaari nitong ipadala at ipabatid ang gayong usapin sa yaong Estadong Partido. Sa loob ng tatlong buwan, ang tumatanggap na Estadong Partido ay dapat magsumite sa Estadong Partido na nagpadala ng komunikasyon na nakasulat ang pahayag nito na naglilinaw sa naturang usapin at ang lunas, kung mayroon man, na maaaring naisagawa na ng naturang Estado kabilang ang kaukulang lokal na pamamaraan at panlunas na isinagawa, ginagawa o maaaring isagawa. (b) Kung ang usapin ay hindi nalutas ayon sa kagustuhan ng dalawang panig sa loob ng anim na buwan matapos na tanggapin ng tumatanggap na Estado ang inisyal na komunikasyon, alin mang Estado ay may karapatang idulog sa Komite ang usapin sa ________________________________________________ 155

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ pamamagitan ng pagpapabatid sa Komite at gayon din sa kinauukulang Estado. (c) Pangangasiwaan ng Komite ang usaping idinulog dito alinsunod sa talata 2 ng artikulong ito matapos nitong tiyakin na ang lahat ng lunas sa pambansa ay nagamit na kaugnay na naturang usapin, alinsunod sa mga kinikilalang prinsipyo ng pandaigdig na batas. Hindi ito ang patakaran sa mga kasong ang paglalapat ng lunas ay di-makatwirang pinatatagal. (d) Ang pagpupulong ng Komite ay dapat idaos na walang kasama na hindi myembro ng Komite kung ang isasagawang pagsusuri ay sa ilalim ng artikulong ito; (e) Batay sa mga probisyon ng talata (c), dapat magsagawa ang Komite matapos tipunin at ayusin ng Komite ang lahat ng impormasyon na itinuturing nitong importante, na naglalayong magkaroon ng mapayapang solusyon sa naturang usapin batay sa paggalang at pagtataguyod sa Kumbensyong ito. Para sa layuning ito, ang Komite ay hihirang ng Ad Hoc na Komisyong Tagapagsundo; (f) Sa ano mang usaping idinulog dito, ang Komite ay maaaring manawagan sa mga kinauukulang Estadong Panig na magbigay ng iba pang may kinalamang impormasyon; (g) Ang mga kinauukulang Estadong Panig, alinsunod sa talata (b), ay may karapatang magpadala ng ________________________________________________ 156

Tortyur at iba pang Di Makatao na Pagtrato at Pagpaparusa ________________________________________________ kinatawan upang makilahok sa pagpupulong ng Komite at magsumite ng pahayag sa pamamagitan ng pasalita at/o ng pagsulat habang isinasaalangalang ang naturang usapin; (h) Ang Komite ay dapat, sa loob ng labindalawang buwan pagkatapos matanggap nito ang paunawa alinsunod sa talata (b), magsumite ng ulat:

(i) Kung ang solusyon ay nakapaloob sa mga tuntunin ng talata (e) ay naabot, dapat isulat ng Komite ay ulat nito sa paraang maikling pahayag ng katotohanan at ng solusyong naabot; (ii) Kung ang solusyon ay nakapaloob sa mga tuntunin ng talata (e) ay hindi naabot, dapat isulat ng Komite ang ulat nito sa paraang maikling pahayag ng katotohanan; ang nakasulat na mga isinumite at rekord ng mga isinumiteng talaan ng mga ginawa ng Estadong Partido ay dapat na nakalakip sa ulat. Ang ulat ay ipapadala at ipapabatid sa Estadong Partido sangkot. 2. Ang mga probisyon ng artikulong ito ay dapat magkakabisa kapag ang limang Estadong Partido sa Kumbensyong ito ay nagsagawa ng pahayag alinsunod sa talata 1 ng artikulong ito.Ang ganitong pahayag ay ilalagak sa sinupan ng Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang ________________________________________________ 157

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ mga Bansa, na dapat magpamahagi ng kopya nito sa iba pang mga Estadong Partido.Maaaring bawiin ang pahayag ano mang oras sa pamamagitan ng komunikasyon ng pagbawi na ipadadala sa Pangkalahatang Kalihim. Ang naturang pagbawi ay hindi dapat kinikilingan ang pagsasaalang-alang ng anumang bagay na kung saan ay paksa ng isang komunikasyon na kaugnay ng artikulong ito; walang karagdagang komunikasyon mula sa alin mang Estado Partido ang dapat na tanggapin sa ilalim ng artikulong ito pagkatapos matanggap ng Pangkalahatang Kalihim ang pagpapabatid ng deklarasyon ng pagbawi. Artikulo 22 1. Ang isang Estadong Panig ano mang oras ay maaaring magdeklarang kinikilala nito ang kakayahan ng Komite na tumanggap at magsaalang-alang ng mga komunikasyon mula sa mga nasasakupan nitong indibidwal o grupo ng mga indibidwal na nagsasabing biktima sila ng paglabag na naturang Estadong Panig sa alin mang karapatang nakasaad sa Kumbensyong ito. Hindi tatanggapin ng Komite ang mga komunikasyong nakapatungkol sa Estadong Panig na hindi gumawa ng nabanggit na deklarasyon. 2. Dapat isaalang-alang ng Komite na hindi maaaring tanggapin ang ano mang komunikasyon sa ilalim ng artikulong ito na kung saan ay hindi tukoy na kilala o kung ito ay isang tipo ng pang-aabuso sa karapatan ng magsumite ng mga ganoong mga komunikasyon o na taliwas sa mga probisyon ng Kumbensyong ito. ________________________________________________ 158

Tortyur at iba pang Di Makatao na Pagtrato at Pagpaparusa ________________________________________________ 3. Batay sa mga probisyon ng talata 2, dapat ipadala at ipabatid ng Komite ang ano mang komunikasyon na isinumite sa ilalim ng artikulong ito hinggil sa kaukulang Estadong Partido na nagpahayag ng deklarasyon sa ilaim ng talata 1 at diumanoy na lumalabag sa ano mang probisyon ng Kumbensyong ito.Sa loob ng anim na buwan, ang tumatanggap na Estado ay magsusumite sa Komite na nakasulat na paliwanag o pahayag na naglilinaw sa usapin ng lunas, kung mayroon man, na nagawa ng naturang Estado. 4. Dapat isaalang-alang ng Komite ang komunikasyon na natanggap alinsunod sa artikulong ito kaugnay ng mga impormasyon na nakalap ng Komite o sa ngalan ng indibidwal at ng Estadong Partido sangkot. 5. Ang Komite ay hindi dapat isaalang-alang ang anumang mga komunikasyon mula sa isang indibidwal sa ilalim ng artikulong ito maliban kung napatunayan na ito ay totoo: (a) Ang parehong usapin ay hindi pa, at ito ay hindi, nagawan ng pagsusuri sa ilalim ng ibang pamamaraan ng internasyonal na imbestigasyon o kasunduan; (b) Hindi bibigyang-pansin ang ano mang komunikasyon mula sa nagsumite ng petisyon maliban kung nagawa na niya ang lahat ng lunas na naaayon sa lokal na batas; gayon man, hindi ganito ang patakaran sa mga kasong ang paglalapat ng lunas ay di-makatwirang pinatatagal o hindi makakapagbigay ng lunas sa taong biktima ng paglabag sa Kumbensyong ito. ________________________________________________ 159

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ 6. Ang pagpupulong ng Komite ay dapat idaos na walang kasama na hindi myembro ng Komite kung ang isasagawang pagsusuri ay sa ilalim ng artikulong ito; 7. Ipadadala ng Komite ang mga mungkahi at rekomendasyon nito, kung mayroon man, sa kinauukulang Estadong Panig at sa nagsumite ng petisyon. 8. Ang mga probisyon ng artikulong ito ay dapat magkabisa kung ang limang Estadong Partido sa Kumbensyong ito ay nagsagawa ng deklarasyon sa ilaim ng talata 1 ng artikulong ito. Ang ano mang pahayag na deklarasyon ay dapat ilagak sa sinupan ng Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa, na dapat ipabatid sa pamamagitan ng pagbibigay ng kopya nito sa mga Estadong Panig. Maaaring bawiin ang deklarasyon ano mang oras sa pamamagitan ng pagbabatid sa Pangkalahatang Kalihim, ngunit ang gayong pagbawi ay hindi nararapat makaapekto sa mga komunikasyong nakahapag sa Komite. Ano mang pagbawi ay hindi dapat kilingan ang ano mang bagay kaugnay ng komunikasyon ng, sa ngalan ng indibidwal ay dapat tanggapin sa ilalim ng artikulong ito pagkaraan ng pagpapabatid ng pagbawi ng deklarasyon ay natanggap na ng Pangkalahatang Kalihim, maliban kung ang Estadong Panig ay nagsagawa ng panibagong pahayag ng deklarasyon. Artikulo 23 Ang mga myembro ng Komite at ng Ad Hoc na Komisyong Tagapagsundo na hihirangin alinsunod sa Artikulo 21, talata ________________________________________________ 160

Tortyur at iba pang Di Makatao na Pagtrato at Pagpaparusa ________________________________________________ 1 (e), dapat may karapatan sa mga pasilidad, pribilehiyo at kaligtasan mula sa ano mang kaso (immunity) ng mga eksperto para sa Nagkakaisang mga Bansa na nasa opisyal na gawain na ipinahahayag sa kaukulang seksyon ng Kumbensyon sa Pribilehiyo at Kaligtasan mula sa ano mang kaso (Immunity) ng mga Nagkakaisang mga Bansa. Artikulo 24 Ang Komite ay dapat magsumite ng taunang ulat tungkol sa pagpatupad ng kanyang gawain sa ilalim ng Kumbensyong ito at ng Pangkalahatang Asembliya ng Nagkakaisang mga Bansa. Ikatlong Bahgai Artikulo 25 1. Ang Kumbensyong ito ay bukas sa paglagda ng alin mang Estadong Myembro. 2. Ang Kumbensyong ito ay bukas sa ratipikasyon. Ang mga instrumento ng ratipikasyon ay ilalagak sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa. Artikulo 26 Ang Kumbensyong ito ay bukas sa pagpapatibay o pagtanggap ng alin mang Estadong Myembro. Maisasagawa ang pagsang-ayon sa pamamagitan ng paglalagak ng instrumento ng pagsang-ayon sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa. ________________________________________________ 161

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Artikulo 27 1. Ang Kumbensyong ito ay magkakabisa sa ikatatlumpung araw pagkatapos ng araw ng paglalagak sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa ng ika-dalawampung kagamitan ng pagdaragdag. 2. Para sa bawat Estadong magpapatibay sa Kumbensyon o magdaragdag dito pagkatapos ng paglagak ng ika-dalawampung kagamitan ng pagpapatibay o pagdaragdag, ang Kumbensyon ay magkakabisa sa ikatatlumpung araw pagkatapos ng araw ng paglalagak ng sariling kagamitan ng pagpapatibay o pagtanggap. Artikulo 28 1. Ang bawat Estadong Partido ay maaaring, sa kanyang pagpirma o pagpapatibay sa Kumbensyong ito o pagtanggap dito, magpahayag na hindi nito kinikilala ang kakayahan ng Komite alinsunod sa Artikulo 20. 2. Ano mang Estadong Partido na nagsagawa ng pasubali o reserbasyon alinsunod sa talata 1 ng artikulong ito ay maaaring, sa ano mang oras, bawiin ito sa pamamagitan ng pagpapabatid nito sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa. Artikulo 29 1. Ano mang Estadong Partido ay maaaring magpanukala ng pagsusog at pangasiwaan ng Pangkalahatang ________________________________________________ 162

Tortyur at iba pang Di Makatao na Pagtrato at Pagpaparusa ________________________________________________ Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa.Ang Pangkalahatang Kalihim ay dapat makipag-ugnayan sa mga Estadong Partido hinggil sa iminungkahing pagsusog sa kahilingan na ipagbigay-alam ng mga Estadong Partido sa Estadong nagsumite ng pagsusog kung pabor na maglunssad ng kumperensya ng mga Estadong Partido para sa layunin ng pagsasaalangalang at pagboto sa mungkahing pagsusog na isumite.Kung sa loob ng apat na buwan mula sa petsa ng komunikasyon tulad ng hindi bababa sa isang ikatlo (1/3) ng mga Estadong Partido ay pabor sa paglunsad ng kumperensya, ang Pangkalahatang Kalihim ay dapat magsagawa ng kumperensya sa ilalim ng pangangalaga ng Nagkakaisang mga Bansa. Ano mang pagsusog na pinagtibay sa pamamagitan ng mayorya ng Estadong Partido ay dapat isumite sa pamamagitan ng Pangkalahatang Kalihim sa mga Estadong Partido para sa kanilang pagtanggap at pagsang-ayon. 2. Ang susog na pinagtibay alinsunod sa talata 1 ng artikulong ito ay dapat magkaroon ng bisa sa pamamagitan ng pagpapabatid sa Pangkalahatang Kalihim ng dalawakatlo (2/3) ng mga Estadong Partido sa Kumbensyong ito ang kanilang pagtanggap at pagsang-ayon alinsunod sa kani-kanilang konstitusyonal na proseso. 3. Kapag ang mga susog ay nagkabisa, dapat ang mga ito ay umiiral sa mga Estadong Partido na sumang-ayon dito, ang ibang mga Estadong Partido pa rin ay may obligasyon sa mga probisyon sa ilalim ng Kumbensyong ito at ano mang mga naunang susog na kanilang tinanggap. ________________________________________________ 163

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Artikulo 30 1. Anumang alitan sa pagitan ng dalawa o higit pang Estadong Partido Unidos ukol sa pakahulugan o aplikasyon ng Kumbensyong ito na hindi maaaring malutas sa pamamagitan ng pakikipagkasundo o negosasyon ay dapat, sa kahilingan ng isa sa Estadong Panig na sangkot, ay ihaharap sa arbitrasyon.Kung sa loob ng anim na buwan mula sa pagkakasampa ng kahilingan para sa arbitrasyon ay hindi pa rin sumasang-ayon ang mga panig sa pagtatalaga ng arbitrasyon, ano mang isa ng mga Estadong Partido sangkot ay maaaring sumangguni sa Pandaigdig na Hukuman ng Katarungan sa pamamagitan ng kahilingan ayon sa Batas ng Hukuman. 2. Ang bawat Estadong Panig, sa panahon ng paglalagda o pagpapatibay ng Kumbensiyong ito, ay maaaring magpahayag na hindi nito ipinalalagay na nakatali ito sa isinasaad ng talata 1 g artikulong ito. Ang ibang Estadong Panig ay hindi matatali sa unang talata kaugnay ng alinmang Estadong Panig na gumawa ng gayong pasubali. 3. Alinmang Estadong Panig na gumawa ng pasubali alinsunod sa talata 2 ng artikulong ito ay maaaring magwagi ng pasubaling ito sa pamamagitan ng pagpapatalastas sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa. ________________________________________________ 164

Tortyur at iba pang Di Makatao na Pagtrato at Pagpaparusa ________________________________________________ Artikulo 31 1. Maaaring magpahayag ng Estadong Panig ng ano mang di-katugma na layunin ng Kumbensyon sa pamamagitan pagpapabatid sa Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa na siyang magbibigayalam sa mga Estadong Panig tungkol doon. Ang gayong pagpapahayag ng pagtuligsa ay magkakabisa pagkaraan ng isang taon mula sa petsa ng pagkakatanggap ng pahayag ng pagtuligsa ng Pangkalahatang Kalihim. 2. Ang ano mang pahayag na di-katugma na layunin ng Kumbensyon ay hindi magdudulot ng pagkawalan ng obligasyon ng Estadong Partido sa pagsasaalang-alang sa ano mang paraan o pagkukulang na naganap bago ang petsa na kung saan ang naturang Estado ay nagpahayag ng pagtuligsa sa Kumbensyon, at hindi dapat ang nasabing pahayag ng pagtuligsa ay hindi makakasagabal sa ano mang bagay nasa ilalim na pagsasaalang-alang ng Komite bago ang petsa ng pahayag ng pagtuligsa sa Kumbensyon. 3. Ang kasunod na petsa na kung saan ang pagtuligsa sa Kumbensyon ng isang Estadong Partido ay ipinaabot, ang Komite ay hindi dapat tumanggap ng ano mang komunikasyon na tungkol sa nasabing Estado. Artikulo 32 Ipagbigay alam ng Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa sa lahat ng Myembrong Estado ng Nagkakaisang ________________________________________________ 165

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ mga Bansa at lahat ng Estado na pumirma o tumanggap sa Kumbensyong ito sa mga sumunsunod: a) Mga paglagda, pagpapatibay at pagtanggap sa ilalim ng Artikulo 25 at 26; b) Ang petsa ng pagkakabisa ng Kumbensyong ito batay sa Artikulo 27 at ang petsa ng pagkakabisa ng ano mang susog sa ilalim ng Artikulo 29;

c) Mga hindi pagsang-ayon batay sa Artikulo 31. Artikulo 33 1. Ang kasalukuyang Kumbensiyon, na ang mga tekstong Arabiko, Intsik, Ingles, Pranses,Ruso at Kastila, ay pawang tunay, ay ilalagak sa sinupan ng Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansa. 2. Ang Pangkalahatang Kalihim ng Nagkakaisang mga Bansang ay magpapadala ng mga pinatunayang sipi ng Kumbensyon ito sa lahat ng Estado.

________________________________________________ 166

________________________________________________

Deklarasyon ng Karapatan ng mga Sambayanan sa Kapayapaan


(Declaration on the Right of Peoples to Peace)

________________________________________________ 167

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

inagtibay ng resolusyong 39/11 ng Pangkalahatang Asembliya ng Nobyembre 12, 1984

Ang Pangkalahatang Asembliya, Muling pinagtitibay na ang pangunahinng layunin ng Nagkakaisang mga Bansa ay ang pagpapanatili ng internasyunal na kapayapaan at seguridad, Isinasaisip ang mga saligan na prinsipyo ng internasyunal na batas na nakasaad sa Karta ng Nagkakaisang mga Bansa, Ipinahahayag ang kalooban at adhikain ng lahat ng sambayanan na pawiin ang digmaan sa buhay ng sangkatauhan at, higit sa lahat, sugpuin ang pandaigdigang sakunang nukleyar, Kumbinsido na ang buhay na walang digmaan ang pangunahing internasyunal na batayang kahingian ng kagalingang material, pag-unlad, at pagsulong ng mga bansa, at ng lubusang pagpapatupad ng mga karapatan at saligan na kalayaan ng tao na ipinahahayag ng Nagkakaisang mga Bansa. Batid na sa panahong nukleyar ang pagtatatag ng isang pangmatagalang kapayapaan sa Daigdig ay kumakatawan sa pangunahing kondisyon para sa pagpapanatili ng sibilisasyon ng tao at kaligtasan ng sangkatauhan, Kinikilala na ang pagpapanatili ng isang mapayapang buhay para sa mga sambayanan ay isang sagradong tungkulin ng bawat Estado, ay: ________________________________________________ 168

Karapatan ng mga Sambayanan sa Kapayapaan ________________________________________________ 1. Taimtim na nagpapahayag na ang mga sambayanan ng ating daigdig ay may sagradong karapatan sa kapayapaan; 2. Taimtim ba nagpapahayag na ang pagpapanatili ng karapatan ng mga sambayanan sa kapayapaan at ang pagtataguyod ng pagpapatupad nito ay isang saligan na obligasyon ng bawat Estado; 3. Binibigyang-diin na ang pagtiyak sa pagsasabuhay ng karapatan ng mga sambayanan sa kapayapaan ay nangangailangan na ang mga patakaran ng mga Estado ay ituon sa pagpawi ng banta at digmaan, particular ang digmaang nukleyar, sa pagtatakwil ng paggamit ng dahas sa internasyunal na pakikipag-ugnayan at sa pagaayos ng mga internasyunal ma alitan sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan alinsunod sa Karta ng Nagkakaisang mga Bansa; at 4. Nananawagan sa lahat ng Estado at internasyunal na organisasyon na gawin ang lahat ng kanilang magagawa upang tumulong sa pagpapatupad ng karapatan ng mga sambayanan sa kapayapaan sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga angkop na hakbangin sa pambansa at internasyunal na batas.

________________________________________________ 169

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

________________________________________________ 170

________________________________________________

Pandaigdig na Kasunduan sa mga Karapatan ng Bata


(Convention on the Rights of the Child)

________________________________________________ 171

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

Panimula ng mga Estadong Panig sa kasalukuyang Kombensyon,

Isinasaalang-alang na, alinsunod sa mga patakarang ipinahayag sa Karta ng mga Bansang Nagkakaisa, ang pagkilala sa likas na karangalan at sa pantay at di-maikakait na mga karapatan ng lahat ng mga nabibilang sa angkan ng tao ay siyang saligan ng kalayaan, katarungan at kapayapaan sa daigdig, Isinasaisip na pamuling pinagtibay ng Karta ng mga mamamayan ng mga Bansang nagkakaisa ang kanilang pananalig sa mga pangunahing karapatang pantao at sa karangalan at kahalagahan ng katauhan, at nagpasiyang itaguyod ang kaunalarang panlipunan at higit na mabuting pamantayan ng buhay sa lalong malawak na kalayaan, Kinikilala na ang mga Bansang Nagkakaisa ay nagpahayag at nagkasundo sa Pandaigdig na mga Kasunduan sa mga Karapatang Pantao, na ang bawat tao ay karapat-dapat sa lahat ng karapatan at kalayaang napapaloob doon, nang walang anumang uri ng pagtatangi-tangi, gaya ng lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, kuru- kurong pampulitika o iba pa, pinagmulang bansa o lipunan, ari-arian, kapanganakan o iba pang katayuan, Naaalaala na, sa Pandaigdig na Pahayag ng mga Karapatang Pantao, ang mga Bansang Nagkakaisa ay nagpapahayag na ang kabataan ay may karapatang tumanggap ng natatanging kalinga at tulong, ________________________________________________ 172

Karapatan ng Bata ________________________________________________ Nahikayat na ang pamilya, bilang pangunahing pangkat ng lipunan, at bilang likas na kapaligiran para sa kaunlaran at kagalingan ng lahat ng mga kasapi nito at lalo na ang mga bata, ay dapat madulutan ng kinakailangang proteksyon at tulong upang magampanan nito ang kanyang mga tungkulin sa loob ng pamayanan, Kinikilala na ang bata ay nararapat lumaki sa isang kapaligiran ng pamilya, na napapalooban ng kasiyahan, pagiibigan at pagkakaunawaan tungo sa ganap at kaaya-ayang kalinangan ng kanyang katauhan, Isinasaalang-alang na ang bata ay kinakailangang ganap na maihanda upang makapamuhay nang nagsasarili sa lipunan at lumaki sa diwa ng mga pamantayang ipinahayag sa Karta ng mga Bansang Nagkakaisa, at lalo na sa diwa ng kapayapaan, karangalan, pagpaparaya, pagkaka pantay at pagkakabuklod, Isinasaisip na ang kinakailangang pagdudulot ng natatanging kalinga sa bata ay ipinahayag sa 1924 Pahayag sa Geneva ng mga Karapatan ng Bata at sa Pahayag ng mga Karapatan ng Bata na pinagtibay ng Pangkalahatang Asemblea noong ika-20 ng Nobyembre 1950 at pinahalagahan sa Pandaigdig na Kapulungan sa nga Karapatang Sibil at Pampulitika (lalo na sa mga Artikulo 23 at 24), sa Pandaigdig na Kasunduan sa mga Karapatang Pangkabuhayan, Panlipunan at Panlinangan (lalo na Artikulo 10) at sa mga batas at magkakaugnay na instrumento ng mga natatanging ahensya at mga organisasyong pandaigdig na nagsasaalang-alang sa mga kapakanan ng mga bata, ________________________________________________ 173

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Isinasaisip na gaya ng isinasaad sa Pahayag ng mga Karapatan ng Bata, ang bata, dahil sa kamuraan ng kanyang katawan at kaisipan, ay nangangailangan ng natatanging pag-iingat at pagkalinga, pati na ang nararapat na proteksyon ng batas, bago at makaraang isilang, Naaalaala ang mga tadhana ng Pahayag sa mga Patakarang Panlipunan at Pambatas na nauukol sa Proteksyon at Kapakanan ng mga Bata, na may Natatanging Pagbanggit sa Paghahanap ng Mag-aampon at Pag-aampong Pambansa at Pandaigdig, ng mga Tuntunin sa Minimum na Pamantayan ng mga Bansang Nagkakaisa para sa Pangangasiwa ng Katarungang Pangkabataan (Ang mga Tuntuning Beijing), at ng Pahayag sa Proteksyon ng mga Kababaihan at mga Bata sa Kagipitan ng Armadong Labanan, Kinikilala na, sa lahat ng mga bansa sa daigdig, mayroong mga batang nabubuhay sa mga di-pangkaraniwang kahirapan, at dahil doon ang mga bata ay nangangailangan ng natatanging pagsasaalang-alang, Nagsasaalang-alang sa kahalagahan ng mga tradisyon at pagpapahalagang pangkultura ng bawat lahi para sa proteksyon at kaaya-ayang kalinangan ng bata, Kumikilala sa kahalagahan ng pandaigdig na pagtutulungan para sa pagpapabuti ng kalagayan ng pamumuhay ng mga bata sa bawat bansa, lalo na sa mga umuunlad na bansa, Ay nagkasundo sa mga sumusunod: ________________________________________________ 174

Karapatan ng Bata ________________________________________________ Unang Bahagi Artikulo 1 Para sa mga layunin ng kasalukuyang Kombensyon, ang tinutukoy na bata ay yaong taong wala pang labingwalong taong gulang, maliban, kung alinsunod sa batas na sumasaklaw sa bata, ang hustong gulang ay higit na maagang natatamo. Artikulo 2 1. Dapat igalang at tiyakin ng mga Estadong panig ang mga karapatang ipinahayag sa kasalukuyang Kombensyon sa bawat bata sa loob ng kanilang kinasasakupan nang walang anumang uri ng pagtangi-tangi, nang di-isinasaalangalang ang lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, kurukurong pampulitika o iba pa, katutubo o lipunang pinagmulan, ari-arian, kapansanan, kapanganakan o iba pang katayuan ng bata o ng kanyang mga magulang. 2. Dapat isagawa ng mga Estadong Panig ang lahat ng mga nararapat na hakbang upang matiyak na ang bata ay napangangalagaan laban sa lahat ng uri ng pagtangi-tangi o parusa batay sa katayuan, mga gawain, mga pahayag na kuro-kuro, o mga paniniwala ng mga magulang ng bata, mga legal na tagapag-alaga, o mga kasapi ng pamilya. Artikulo 3 1. Ang pinakamabuting kapakanan ng bata ang siyang pangunahing isasaalang-alang sa lahat ng aksyong ________________________________________________ 175

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ nahihinggil sa mga bata, isinasagawa man ng publiko o pribadong institusyon para sa kagalingang panlipunan, mga hukuman ng batas, mga may kapangyarihang pangasiwaan o batasan. 2. Titiyakin ng mga Estadong Panig ang proteksyon at pangangalagang kinakailangan ng bata sa kanyang katauhan, na magsasaalang-alang sa mga karapatan at mga katungkulan ng kanyang mga magulang, mga legal na tagapag-alaga, o iba pang taong may legal na katungkulan sa kanya, at, sa layuning ito, ay dapat isagawa ang lahat ng nararapat na mga hakbang na pambatas at pampangasiwaan.

3. Dapat tiyakin ng mga Estadong Panig na ang mga institusyon, mga lingkuran at mga pasilidad na may pananagutan sa proteksyon o pangangalaga ng mga bata ay sasang-ayon sa mga pamantayang itinatag ng mga may kakayahang awtoridad, lalo na sa mga larangan ng kaligtasan, kalusugan, sa bilang at kaangkupan ng kanilang mga tauhan, at kakayahang mangasiwa. Artikulo 4 Dapat isagawa ng mga Estadong Panig ang lahat ng nararapat na hakbang pambatasan, pampangasiwaan, at iba pang hakbang sa pagpapatupad ng mga karapatang kinikilala sa kasalukuyang Kombensyon hinggil sa mga karapatang pangkabuhayan, panlipunan at pangkultura. Dapat isagawa ________________________________________________ 176

Karapatan ng Bata ________________________________________________ ng mga Estadong Panig yaong mga hakbang sa abot ng kanilang kakayahan at, kung kinakailangan, sa loob ng balangkas ng pandaigdig na pagtutulungan. Artikulo 5 Dapat igalang ng mga Estadong Panig ang pananagutan, karapatan ng mga katungkulan ng mga magulang o, at sa nararapat, ng mga kamag- anakan o pamayanan na itinakda ng pampook na kaugalian, ng mga legal na tagapag-alaga o ng iba pang taong may legal na katungkulan sa bata, upang maglaan, sa paraang naaayon sa mga umiiral na kakayahan ng bata, nararapat na direksyon at pamamatnubay sa paggamit ng bata ng mga karapatang kinikilala sa kasalukuyang Kombensyon. Artikulo 6 1. Kinikilala ng mga Estadong Panig na ang bawat bata ay nagtataglay ng di-maikakait na karapatan sa buhay. 2. Dapat tiyakin ng mga Estadong Panig sa abot ng kanilang kakayahan ang kaligtasan at kaunlaran ng bata. Artikulo 7 1. Ang bata ay kagyat na ipatatala pagkaraang isilang at dapat magkaroon ng karapatan mula sa nasabing pagsilang sa pangalan, sa pagkamamamayan at, hanggat maaari, karapatang makilala at maalagaan ng kanyang mga magulang. ________________________________________________ 177

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ 2. Dapat tiyakin ng mga Estadong Panig ang pagpapatupad ng mga karapatang ito sang-ayon sa kanilang pambansang batas at kanilang mga pananagutan alinsunod sa may kaugnayang mga pandaigdig na instrumento sa larangang ito, lalo na kung ang bata ay mawawalan ng pagkamamamayan. Artikulo 8 1. Igagalang ng mga Estadong Panig ang karapatan ng bata na mapanatili ang kanyang pagkakilanlan, pati ang pagkamamamayan, pangalan at kamag-anakan na ayon sa pagkakakilala ng batas nang walang labag sa batas na pakikialam. 2. Kapag ang isang bata ay di-makatarungang pinagkaitan ng ilan o lahat ng sangkap ng kanyang pagkakilanlan, dapat isagawa ng mga Estadong Panig ang nararapat na tulong at proteksyon, upang mabilis na maitatag muli ang kanyang pagkakakilanlan. Artikulo 9 1. Dapat tiyakin ng mga Estadong Panig na ang bata ay hindi mahihiwalay sa kanyang mga magulang nang laban sa kanilang kagustuhan, maliban kung itinatalaga ng mga karapat-dapat na kinauukulan sa ilalim ng pagsusuri ng hukuman, alinsunod sa nakasasaklaw na batas at mga pamamaraan, na ang gayong paghihiwalay ay kinakailangan para sa pinakamabuting kapakanan ng bata. Ang gayong pagtatalaga ay maaaring kinakailangan lalo na sa mga ________________________________________________ 178

Karapatan ng Bata ________________________________________________ kalagayan na gaya ng isang kinasasangkutan ng pagmamalabis o pagwawalang-bahala sa bata ng mga magulang, o kung ang mga magulang ay namumuhay nang magkahiwalay at kailangan pagpapasiyahan kung saan titira ang bata. 2. Sa anumang pagdinig na naaalinsunod sa unang talata ng kasalukuyang artikulo, ang lahat ng interesadong panig ay bibigyan ng pagkakataong makalahok sa nasabing pagdinig at maihahayag ang kanilang kuru-kuro. 3. Dapat igalang ng mga Estadong Panig ang karapatan ng bata na hiwalay sa isa o kapwa mga magulang upang mapanatili ang kanyang regular na personal at tuwirang ugnayan sa kapwa mga magulang, maliban na lamang kung iyon ay salungat sa pinakamabuting kapakanan ng bata. 4. Kung ang gayong paghihiwalay ay bunga ng aksyong pinasimulan ng isang Estadong Panig, gaya ng detensyon, pagkapiit, pagtatapon, deportasyon o kamatayan (pati kamatayang bunga ng anumang kadahilanan habang ang tao ay nasa pag-iingat ng Bansa) ng isa o kapwa magulang, o ng bata, ang Estadong Panig na iyon, sa pamamagitan ng paghiling, ay dapat maglaan sa mga magulang, sa bata o, kung kinakailangan, sa ibang miyembro ng pamilya na may makabuluhang impormasyon ukol sa kinalalagyan ng nawawalang myembro (mga myembro) ng pamilya maliban kung ang patakaran ng impormasyon ay makakasama sa kabutihan ng bata. Dapat tiyakin pa ng mga Estadong Panig na ang paghaharap ng gayong kahilingan ay hindi magbubunga ng masamang kahihinatnan para sa kinauukulang tao (mga tao). ________________________________________________ 179

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Artikulo 10


1. Alinsunod sa mga pananagutanng mga Estadong Panig

ayon sa artikulo 9, talata 1, ang paghiling ng isang bata o ng kanyang mga magulang na pumasok o umalis sa isang Estadong Panig sa layuning muling makasama ang kanyang pamilya ay pag-uukulan ng mga Estadong Panig sa isang positibo, makatao at mabilis na kaparaanan. Dapat lalong tiyakin ng mga Estadong Panig na ang paghaharap ng gayong kahilingan ay hindi magbubunga ng masamang kahihinatnan para sa mga humihiling at para sa mga miyembro ng kanyang pamilya.
2. Ang bata na ang mga magulang ay naninirahan sa

magka-ibang mga Estado ay may karapatang mapanatili nang regular maliban lamang sa di-pangkaraniwang pagkakataon, ang kanyang personal at tuwirang ugnayan sa kapwa magulang. Sa gayong kalagayanat alinsunod sa mga pananagutan ng mga Estadong Panig ayon sa artikulo 9, talata 2, dapat igalang ng mga Estadong Panig ang karapatan ng bata at ng kanyang mga magulang na umalis sa alinmang bansa, pati sa kanilang sariling bansa, at pumasok sa kanilang sariling bansa. Ang karapatang umalis sa alinmang bansa ay sasailalim lamang sa gayong mga katakdaan na gaya ng mga itinadhana ng batas at kinakailangan upang pangalagaan ang pambansang seguridad, kaayusang pambayan (ordre public), kalusugang pambayan o mga moral o mga karapatan at mga kalayaan ng iba at naaayon sa iba pang mga karapatang kinikilala ng kasalukuyang Kombensyon. ________________________________________________ 180

Karapatan ng Bata ________________________________________________ Artikulo 11 1. Dapat isagawa ng mga Estadong Panig ang mga hakbang upang masugpo ang bawal na paglilipat at di-pagbabalik ng mga bata mula sa ibang bansa. 2. Tungo sa layuning ito, dapat itaguyod ng mga Estadong Panig ang pagkakaroon ng dalawahan o maraming kasunduan o pagsang-ayon sa mga umiiral na kasunduan. Artikulo 12 1. Dapat tiyakin ng mga Estadong Panig sa bata na may kakayahan sa pagbuo ng kanyang sariling kuru-kuro ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng mga kurukurong iyon sa lahat ng bagay na makakaapekto sa bata, na ang mga kuru-kuro ng bata ay binibigyan-pansin ayon sa gulang at kahustuhan ng isip ng bata. 2. Sa layuning ito, dapat pagkalooban ang bata ng tanging pagkakataon upang madinig sa alinmang pagdinig na panghukuman at pampangasiwaan na nakakaapekto sa bata, tuwiran man, o sa pamamagitan ng isang kinatawan o isang nararapat na lupon, sa pamamaraang naaayon sa mga tuntunin ng pambansang batas. Artikulo 13 1. Ang bata ay dapat magkaroon ng karapatan sa kalayaan ng pagpapahayag; ang karapatang ito ay sumasaklaw ________________________________________________ 181

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ sa karapatan na maghanap, tumanggap at magbigay ng impormasyon at mga ideya sa lahat ng uri, na hindi isinasaalang-alang ang mga hanggahan, pasalita man, pasulat o palimbag, sa anyo ng sining o sa pamamagitan ng alinmang ibang pamamaraan ng bata. 2. Ang paggamit sa karapatang ito ay maaaring sumasailalim sa ilang katakdaan, ngunit ang mga itoy mangyayari lamang sang-ayon sa mga itinatadhana ng batas at kung kinakailangan:
(a) Sa paggalang ng mga karapatan o karangalan ng iba; o (b) Sa pangangalaga ng pambansang seguridad o

kaayusang bayan (public order); o ng kalusugan o mga moral pambayan. Artikulo 14

1. Dapat igalang ng mga Estadong Panig ang karapatan ng bata sa malayang pag-iisip, budhi at relihiyon. 2. Dapat igalang ng mga Estadong Panig ang mga karapatan at mga tungkulin ng mga magulang at, kung maaari, mga legal na tagapag-alaga, na magkaloob ng direksyon sa bata sa paggamit ng kanyang karapatan sa paraang naaayon sa mga umiiral na kakayahan ng bata.

3. Ang kalayaan maipahayag ang relihiyon o paniniwala ng isang tao ay maaaring sumailalim lamang sa ________________________________________________ 182

Karapatan ng Bata ________________________________________________ gayong mga katakdaan ayon sa mga itinatadhana ng batas at kung kinakailangan upang mapangalagaan ang kaligtasan, kaayusan, kalusugan o mga moral pangmadla o mga pangunahing mga karapatan at mga kalayaan ng kapwa. Artikulo 15
1.

Dapat kilalanin ng mga Estadong Panig ang mga karapatan ng bata sa kalayaan sa asosasyon at sa matahimik na pagtitipon. Walang mga pagtatakda na maaaring ilagay sa paggamit ng mga karapatang iyon, maliban doon sa mga ipinapataw sa pag-alinsunod sa batas at kinakailangan sa isang demokratikong lipunan sa kapakanan ng pambansang seguridad o kaligtasang pambayan, kaayusang pambayang (public order), pangangalaga ng kalusugan o mga moral pambayan o mga moral pambayan o pangangalaga ng mga karapatan at mga kalayaan ng iba. Artikulo 16

2.

1.

Walang bata ang sasailalim sa di-makatarungan at lab sa batas na panghihimasok sa kanyang pag-iisa, pamilya, tahanan o korespondensya, ni sa labag sa batas na pagtuligsa sa kanyang karangalan ang pangalan.

2.

Ang bata ay may karapatan sa pangangalaga ng batas laban sa gayong mga panghihimasok o panunuligsa. ________________________________________________ 183

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Artikulo 17 Dapat kilalanin ng mga Estadong Panig ang mahalagang tungkuling ginagampanan ng mass media at dapat tiyakin na ang bata ay may karapatan sa impormasyon at kagamitan mula sa ibat-ibang pambansa at pandaigdig na pinangkukunan, lalunglaaaalo na roon sa naglalayong itaguyod ang kanyang kagalingang panlipunan, espiritwal at moral at kalusugang pisikal at mental. Sa layuning ito, ang mga panig na Estado ay dapat: a) Humikayat sa mass media na ipalaganap ang impormasyon at kagamitang may kapakinabangang panlipunan at pangkalinangan sa bata at ayon sa diwa ng Artikulo 29; b) Humikayat sa pandaigdig na pakikipagtulungan sa produsyon, pagpapalitan at pagpapalaganap ng gayong impormasyon at kagamitan mula sa ibatibang mapagkukunang pangkalinangan, pambansa at pandaigdig; c) Humikayat sa produksyon at pagpapalaganap ng mga aklat pambata; d) Humikayat sa mass media na magkaroon na natatanging pagsasaalang-alang sa mga pangangailangang linggwistiko ng bata na nabibilang sa minoryang pangkat o sa isang katutubo; e) Humikayat sa pagpapaunlad ng nararapat na patnubay sa pangangalaga ng bata mula laban sa impormasyon ________________________________________________ 184

Karapatan ng Bata ________________________________________________ at kagamitang nakakapinsala sa kanyang kagalingan, na isinasaalang-alang ang mga Artikulong 13 at 18. Artikulo 18 1. Dapat pagsikapan ng mga Estadong Panig na makilala ang patakaran na ang kapwa magulang ay may magkakatulad na pananagutan sa pagpapalaki at paglinang sa bata. Ang mga magulang o kaya ang mga legal na tagapag-alaga ay may pangunahing pananagutan sa pagpapaplaki at paglinang sa bata. Ang mga pinakamabuting kapakanan ng bata ay siya nilang pangunahing isasaalang-alang. 2. Sa layuning matiyak at mapalaganap ang mga karapatang itinatadhana sa kasulukuyang Kombensyon, dapat ilaan ng mga Estadong Panig ang nararapat na tulong sa mga magulang at sa mga legal na tagapag-alaga sa kanilan gpagganp sa mga pananagutan sa pagpapalaki sa bata at dapat tiyakin ang pagpapaunlaad ng mga institusyon, mga pasilidad at mga paglilingkod ukol sa pagkalinga ng bata. 3. Dapat isagawa ng mga Estadong Panig ang lahat ng nararapat na mga hakbang upang tiyakin na ang mga anak ng mga namamasukang magulang ay may karapatang makinabang sa mga paglilingkod at mga pasilidad na nararapat sa kanila. Artikulo 19 1. Dapat isaalang-alang ng mga Estadong Panig ang lahat ng nararapat na mga hakbang na pambatasan, ________________________________________________ 185

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ pampangasiwaan, panlipunan at pang-edukasyon upang mangalaga sa bata sa lahat ng uri ng pisikal o mental na karahasan, sakun o pagmamalabis, pagkaligta o pagkawalang-bahalang pakikitungo, masamang pakikitungo o pagsasamantala, pati pagsasamantalang sekswal, habang nasa pagkalinga ng maulang o mga magulang, legal ang tagapag-alaga o mga tagapag-alaga o iba pang tao na kumakalinga sa bata. 2. Ang gayong mga hakbang sa pangangalaga, gawa ng nararapat, ay kailangang kapalooban ng mabisang paraan sa pagtatatag ng mga palatuntunang panliupunan upang maglaan ng mga kinakailangang panaguyod para sa bata at para roon sa kumakalinga sa bata, pati rin doon sa iba pang uri ng pag-iingat at pagkilala, pag-uulat, pagsasangguni, pagsisiyasat, pakikitungo at pagsunod sa mga pagkakataon ng masamang pakikitungo sa bata na inilalahad dito, at, hanggang maaari, para sa pagkakasangkot panghukuman. Artikulo 20 1. Ang isang batang pansamantala o palagiang pinagkakaitan ng kanyang kapaligirang pampamilya o sa sinumang may sariling pinakamabuting kapakanan para sa kanya ay nararapat tumanggap ng natatanging mangangalaga at tulong na laan ng Estado. 2. Kailangang tiyakin ng mga Estadong Panig, alinsunod sa kainalg mga pambansang batas, ang ibat ibang pagkalinga sa gayong bata. ________________________________________________ 186

Karapatan ng Bata ________________________________________________ 3. Ang gayong pagkalinga ay kabibilangan, inter alia, ng paghahanap ng mag-aampon, kafalah ng batas Islamic, pag-aampon o, kung kinakailangan, paglalagay sa mga naangkop na mga institusyon para sa pagkalinga ng mga bata. Kung nagsaalang-alang ng mga kalutasan, paahahalagahan ang kagustuhan sa pagpapauloy ng pagpapalaki sa bata at sa pinagmulang etniko, panrelihiyon, pangkultura at panglinggwistikong kapaligiran ng bata. Artikulo 21 Dapat tiyakin ng mga Estadong Panig na kumikilala at/o sumasang-ayon sa paraan ng pag-aampon, na ang pinakamabuting kapakanan ng bata ang siyang bibigyan ng pangunahin pagsasaalang-alang at: a) Dapat tiyakin na ang pag-aampon ng bata ay pinapayagan lamang ng may kakayahang kapangyarihan na magpapasya, alinsunod sa nakasasaklaw na batas at mga pamamaraan at batay sa lahat ng mahahalaga at napagkakatiwalang kaalaman, na ang pag-aampon ay pinapayagan dahil sa kalagayan ng bata sa kanyang mga magulang, kamag-anak at mga legal na tagapag-alaga at kay, kung kinakailangan, ang mga kinauukulang tao ay nagbigay ng kanilang pasulat na pagsang-ayon sa pag-aampon batay sa gayong pagpapayo at pangangailangan; b) Dapat kilalanin na ang pag-aampon ng ibang bansa ay maaaring isaalang-alang bilang kapalit na kaparaanan ng pagkalinga sa bata, kung ang bata ay hindi ________________________________________________ 187

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ maihahanap ng isang mag-aapon o mag-aampong pamilya o sa anumang nararapat na pamamaraan, hindi makakalinga ng bansang pinagmulang ng bata; c) Dapat tiyaking na ang batang tinutukoy sa pagaampon ng ibang bansa ay madudulutan ng mga pag-iingat at mga panatayang katumbas doon sa mga umiiral sa pangyayai ng pambansang pag-aampon; d) Dapat isagawa ang lahat ng nararapat na mga hakbang upang tiyakin na, sa pag-aampon ng ibang bansa, ang paghahanap ng mag-aampon ay hindi magbubunga ng di-wastong pagkakakitaan ng salapi para roon sa mga kinauukulan; e) Dapat palaganapin, kung nararapat, ang mga layuning ng kasalukuyang artikulo sa pagkakaroon, ng dalawahan o maramihang pag-aayos o kasunduan, at pagsikapan, sa loob nitong balangkas, upang tiyakin na ang pagpapaampon ng bata sa ibang bansa ay ipinatutupad ng mga may kakayahang kapangyarihan o mga kalipunan. Artikulo 22 1. Dapat isagawa ng mga Estadong Panig ang mga nararapat na hakbang upang tiyakin na ang isang batang naghahanap ng kalagayan bilang isang takas o itinuturing na siang takas ayon sa nakasasaklaw na pandaigdig o pamayanang batas at mga patakaran, sinamahan man o hindi ng kanyang mga magulang o ng iba pang tao, ________________________________________________ 188

Karapatan ng Bata ________________________________________________ ay dapat tumanggap ng nararapat na pangangalaga at makataon tulong sa katuparan ng mga magagamit na karapatang itinadhana sa kasalukuyang Kombensyon at sa ibang pandaigdig na mga karapatang pantao o mga makataong instrumento na kinapapanigan ng mga nabanggit na bansa. 2. Sa layuning ito, dapat paglaanan ng mga Estadong Panig, kung ipinalalagay na nararapat, an gpakikipagtulungagn sa anumang pagsisikap ng mga Bansang Nagkakaisa at iba pang may kakahayang organisasyon ng mga pamahalaan o mga organisasyong di-pampamahalaan na nakikipagtulungan sa mga Bansang Nagkakaisa upan mapangalagaan at matulungan ang gayong bata at matunton ang mga magulang o ibang mga kamagganak ng sinumang takas na bata, nang sa gayon ay magtamo ng kailangang imormason para sa muling pagkakabuklod sa kanyang pamilya. Kung sakaling wlalang matuntong mga magulang o iba pang kamaganakan, ang bata ay paglalaanan ng pangangalaga na tulad din sa ibang bata na palagian o pansamantalang pinagkakaitang ng kanyang kapaligriang pampamilya sa anumang kadahilanang, na itinatadhana ng kasalukuyang Kombensyon. Artikulo 23 1. Dapat kilalaning ng mga Estadong Panig na ang isang batang may kapansanang mental o pisikal ay kailangang magtamasa ng lubos at maayos na pamumuhay, mga kalagayang titiyak ng karangalan, magtataguyod ng ________________________________________________ 189

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ pagsasarili at magpapagali sa masiglang pakikilahok ng bata sa pamayanan. 2. Dapat kilalaning ng mga Estadong Panig ang karapatang ng batang may kapansanan sa natatanging kalinga at dapat hikayating at tiyakin ang pagbibigay-tulong, kung may pagkukuna, sa mga karapat-dapat at doon sa mga may pannanagutan sa pangangalaga sa kanya, na ipaaalam ang paghingi ng tulong at iyon ay nararapat sa kalagayang ng bata at sa mga katayuan ng mga magulang o ibang nangangalaga sa kanya. 3. Sa pagkilala sa mga natatanging pangangailangan ng isang batang may kapansanan, ang pagbibigya-yulong na alinsunod sa talata 2 ng kasalukuyang artikulo ay ilalaan nag wlang bayad, hanggat maaari na isinasaalang-alang ang pagkukunan ng salapi ng mga magulang o ibang nangangalaga sa bata, at ipaplano ypang matiyak na ang batang may kapansanan ay may mabisang karapatan at magtatamo ng edukasyon, pagsasanay, mga paglilingkod sa pangangalagang pangkalusuang, mga paglilingkod sa pagpapanumbalik ng kalusugan, paghahanda sa pamamasukan at mga pagkakataon sa paglilibang sa anumang mabuting kaparaanan sa pagtatamo ng bata ng ganap na pakikihalubilo sa lipunan at pagpapaunlad sa sarili pati sa kanyang kaunlarang pangkultura at espiritwal. 4. Dapat palaganapin ng mga Estadong Panig ang diwa ng pandaigdig na pagtutulungan, pagpapalitan ng nararapat na impormasyon sa larangan ng pangangalaga ________________________________________________ 190

Karapatan ng Bata ________________________________________________ sa kalusugan at sa panggagamot medikal, sikolohiko at pagganap ng mga batang may kapansanan, pati pagpapalaganap at pagtatamo ng impormasyong nahihinggil sa pamamaraan ng pagpapanumbalik ng kalusugan, edukasyon at mga gawaing panghanapbuhay, na naglalayong mapabuti ng mga Estadong Panig and kanilang mga kakayahan at mga kasanayan at upang mapalawak ang kanilang karanasan sa mga larangang ito. Sa layuning ito, dapat isaalang-alang ang mga pangangailangan ng mga umuunlad na bansa. Artikulo 24 1. Dapat kilalanin ng mga Estadong Panig ang karapatan ng bata sa pagtatamo ng pinakamataas na pamantayan sa kalusugan at sa mga pasilidad sa paggagamot ng karamadaman at pagpapanumbalik ng kalusugan. Dapat sikapin ng mga Estadong Panig na matiyak na walang batang pinagkakaitan ng kanyag karapatan sa pagtatamo ng gayong mga lingkod pangkalusugan. 2. Dapat sikapin ng mga Estadong Panig ang lubusang pagpapatupad sa karapatang ito at, lalo na, dapat isagawa ang nararapat na mga hakbang: a) Upang mabawasan ang maraming pagkamatay ng sanggol at bata; b) Upang matiyuak ang paglalaan ng kinakainangang tulong medikal, pangangalagang pangkalusugan sa lahat ng mga bata, na binibigyang-diin ang ________________________________________________ 191

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ pagpapaunlad sa pangunahing pangangalaga sa kalusugan; c) Upang masugpo ang sakit at kakulangan ng sustansiya sa pagkain, na napapaloob sa balangkas ng pangunahing pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan, inter alia, ng paggamit ng nakahandang teknolohiya at sa pamamagiat ng paglalaan ng hustong masusustansiyang pagkain at malinis na tubiginumin, na isinasaalang-alang ang mga panganib at kapahamakan ng pangkapaligirang polusyon; d) Upang matiyak ang mga nararapat na pangangalagang pangkalusugan ng mga ina bago at pagkatapos manganak; e) Upang matiyak na ang lahat ng mga bahagi ng lipunan, lalo na an mga magulang at mga bata, ay nabibigyangimpormasyon, nadudulutan ng edukasyon, at natutulungan sa paggamit ng pangunahing kaalaman sa pangkalusugan at wastong pagkain ng bata, mga kapakinabangan ng pagpapasuso ng ina, personal na kalinisan at pangkapaligirang kalinisan at paghadlang sa mga sakuna; f) Upang mapaunlad an pangangalagang pangkalusugan, patnubay para sa mga magulang at edukasyon at mga paglilingkod para sa pagplaplano ng pamilya. 3. Dapat isagawa ng mga Estadong Panig ang lahat ng mga mabibisa at nararapat na hakbang na natutuon sa ________________________________________________ 192

Karapatan ng Bata ________________________________________________ pagtatakwil ng mga lumang kaugaliang nakasasama sa kalusugan ng mga bata. 4. Dapat isagawa ng ma Estadong Panig ang pagtataguod at paghihikayat ng pandaigdig na pagtutulungang nakatuon sa maunlad na pagtatamo ng lubos na katuparan ng karapatang kinikilala sa kasalukuyang artikulo. Sa bagay na ito, ang natatanging pagsasaalang-alang ay itutuon sa mga pangangailangan ng mga umuunlad na bansa. Artikulo 25 Dapat kilalanin ng mga Estadong Panig ang karapatan ng isang batang nailagay na ng mga may kakayahang kapangyarihang sa mga layuning ng pagkalinga, pangangalaga o pagpapagaling sa kanyang pisikal o mental na kalusugan, sa pana-panahong pagsusuri ng panggagamot na ibinibigay sa bata at lahat ng iba pang pagkakataon na may kaugnayan sa pagkakalagyan sa kanya. Artikulo 26 1. Dapat kilalanin ng mga Estadong Panig para sa bata ang karapatang makinabang sa seguridad panlipunan, kasama ang segurong panlipunan, at dapat isagawa ang mga kakailanganing hakbang upang matamo ang ganap na katuparan ng karapatang ito alinsunod sa kanilang pambansang batas. 2. Ang mga benepisyo, kung naangkop, ay ipagkakaloob na isinasaalang-alang ang mga pagkukunan at mga ________________________________________________ 193

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ pagkakataon ng bata at mga taon mga pananagutan para sa gastusin ng bata at iba pang bagay-bagay na may kaugnayan sa pagpapatala upang tumanggap ng mga benepisyong ginawa ng o sa kapakanan ng bata. Artikulo 27 1. Dapat kilalaning ng mga Estadong Panig ang karapatan ng bawat bata sa isang pamantayan ng pamumuhay na sapat sa kaunlarang pisikal, mental, espiritwal, moral at panlipunan ng bata. 2. Ang magulang (mga magulang) o ibang may pananagutan sa bata ay may pangunang pananagutang pangalagaan, sa abot ng kanilang mga kakayahan at pananalapi, ang mga kalagayan ng pamumuhay na karapat-dapat para sa kaunlaran ng bata. 3. Dapat isagawa ng mga Estadong Panig ang mga naaangkop na mga hakbang alinsunod sa mga panbansang patakaran at sa abot ng kanilang kakayahan, na tulungan ang mga magulang at ibang mga pananagutan sa bata sa pagpapatupad ng karapatang ito at dapa ilaan, kung kinakailangan, ang kagamitan at mga panaguyod, programa, lalo na sa wastong pagkain, pananamit at tirahan. 4. Dapat isagawa ng mga Estadong Panig ang lahat ng naaangkop na mga hakbang upang matiyak ang panunumbalik ng panustos sa bata mula sa mga magulang o ibang mga taong may pananagutan sa pagbibigay-sustento sa bata, sa loob man ng Estadong ________________________________________________ 194

Karapatan ng Bata ________________________________________________ Panig o mula sa ibang bansa. Higit sa lahat, kung ang taong may katungkulang magbigay-sustento sa bata ay naninirahan sa isang Estado na iba kaysa kinaroroonan ng bata, ang mga Estadong Panig ay magpupunyaging magkaroon ng pangdaigdig na kasunduan o magkaroon ng gayong mga pag-aayos, pati na ang paggagawa ng iba pang naaangkop na kasunduan. Artikulo 28 1. Kinikilala ng mga Estadong Panig ang karapatan ng bata sa edukasyon ar, sa pagtanaw sa maunlad na pagtatamo sa karapatang ito at batay sa pantay-pantay na pagkakataon, dapat, higit sa lahat: a) Gawin nilang ang edukasyong primarya na sapilitan at ipinagkakaloob sa lahat, nang walang bayad; b) Hikayatin ang pagpapaunlad ng ibat-ibang anyo ng edukasyong sekondarya, parti ang edukasyong panlahat at panghanapbuhay, ilaan at paratingin sa bawat bata, at isagawa ang mga naaangkop na hakbang tulad ng pagkakaloob nang wlang bayad na edukasyon at pagbibigay ng tulong sa gastos kung kinakailangan; c) Gawing higit na madaling makapag-aral sa laong mataas na edukasyon ang lahat batay sa kakayahan, sa pamamagitan ng angkop na kaparaanan; d) Paratingin ang impormasyong pang-edukasyon at panghanapbuhay at patnubay sa mga bata; ________________________________________________ 195

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ e) Isagawa ang mga hakbang upang mahikayat ang regular na pagpasok sa mga paaralan at pagpababa ng bilang ng di-pumapasok. 2. Dapat isagawa ng mga Estadong Panig ang mga hakbang upang tiyakin ang pagpapasunod ng disiplina sa paaralan sa paraang naaayon sa makataong karangalan ng bata at naaangkop sa kasalukuyang Kombensyon. 3. Dapat itaguyod at hikayating ng mga Estadong Panig ang pandaigdig na pagtutulungan sa mga bagay-bagay na nahihinggil sa edukasyon, lalo na sa dahilang makatutulong sa pagbabawas ng kawalang-pinag-aralan at kamangmangan sa buing mundo at upang mapadali ang pagpapaabot kaalaman pang-agham at teknikal at makabagong pamamaraan sa pagtuturo. Sa layuning ito, dapat isaalang-alang ang mga pangangailangan ng mga umunlad na bansa. Artikulo 29 1. Nagkakasundo ang mga Estadong Panig na ang edukasyon ng bata ay dapat patnubayan tungo sa: a) Paglinang sa katauhan, talino, at kakayahang mental at pisikal sa lubos na kaganapan nito; b) Paglinang sa paggalang sa mga karapatang pantao at pangunahing kalayaan, at sa mga patakarang nakatadhana sa Karta ng mga Bansang Nagkakaisa; ________________________________________________ 196

Karapatan ng Bata ________________________________________________ c) Paglinang n paggalang sa mga magulang ng bata, sa kanyang sariling pagkakakilanlang pangkultura, wika at mga pagpapahalaga, para sa pambansang pagpapahalaga ng bansang tinitirahan ng bata, ng pinanggalingan niyang bansa, at para sa kabihasnang kakaiba sa kanyang sarili; d) Paghahanda sa bata sa isang makabuluhang pamumuhay sa isang malayang lipunan, sa diwa ng pagkakaunawaan, kapayapaan, pagpapaubaya, pagkakapantay-pantay ng mga kasarian at pakikipagkaibigan sa lahat ng tao, etniko, mga pangkat na pambansa at panrelihiyon at mga taong katutubo; e) Paglinang ng paggalang sa likas na kapaligiran; 2. Walang bahagi ng kasalukuyang artikulo o artikulo 28 ang dapat pakahulugan na makasasagabal sa kalayaan ng mga indibidwal at mga kalupunan upang magtatag at mag-utos sa mga institusyong pang-edukasyon, na laging sasailalim sa pagsasaalang-alang ng mga patakarang itinatadhana sa talata 1 ng kasalukuyang artikulo at sa mga hinihingi na ang edukasyong pinagkaloob sa gayong mga institusyon ay sumusunod sa gayong minimum na mga pamantayan na maaaring itakda ng Estado. Artikulo 30 Sa mga Bansa na may mga minoryang etniko, relihiyon o linggwistika, ang mga taong nabibilang sa minorya ay ________________________________________________ 197

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ hindi dapat pagkaitanng karapatan sa pakikisalamuha sa ibang kasapi ng pangkat, na tamasahin ang kanilang sariling kultura, na ipahayag at isagawa ang kanilang sariling relihiyon o gamitin ang kanilang sariling wika. Artikulo 31 1. Kinikilala ng mga Estadong Panig ang karapatan ng bata ypang magpahinga at sumali sa laro at mga gawaing paglilibang na nararapat sa gulang ng bata at malayang lumahok sa buhay sa pangkalinagan at sa mga sining. 2. Dapat igalang at itaguyod ng mga Estadong Panig ang karapatan ng bata na lubusang makilahok sa pangkalinangan at makasining na pamumuhay at dapat hikayatin ang pagbibigay ng mga nararapat at pantay-pantay ng pagkakataon para sa mga gawaing pangkalinangan, pansining at paglibang. Artikulo 32 1. Kinikilala ng mga Estadong Panig ang karapatang ng bata na mapangalagaan laban sa pagsasamantalang pangkauhayan at sa pagganap sa anumang gawaing maaaring makapinsala o makasagabal sa edukasyon ng bata, o makasama sa kaulusugan ng bata o kaunlarang pisikal, mental, espiritwal, moral o panlipunan. 2. Dapat isagawa ng mga Estadong Panig ang mga hakbang na pambatas, pampangasiwaan, apnlipunan at pang-edukasyon upang matiyak ang pagpapatupad ________________________________________________ 198

Karapatan ng Bata ________________________________________________ ng kasalukuyang artikulo. Sa layuning ito, at bilang pasasaalang-alang sa may kaygnayang mga tadhana ng ibang mga pandaigdig na instrumento, ang mga Estadong Panig ay dapat: a) Maglaan ng minimum na gulang o mga gulang upang matanggap sa empleo; b) Maglaan ng mga nararapat na regulasyon ng mga oras at mga kalagayan sa empleyo; c) Maglaan ng nararapat na mga multa o ibang parusa upang matiyak ang mabisang pagpapatupad ng kasalukuyang artikulo. Artikulo 33 Dapat isagawa ng mga Estadong Panig ang nararapat na mga hakbang, pati pambatas, pampangasiwaan, panlipunan, at pang-edukasyon, upang pangalagaan ang mga bata sa labag sa batas na paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot at mga sikotropikong sangkap na binigyang-katuturan sa may kaugnayan pandaigdig na mga kasunduan, at upang mapigil ang paggamit sa mga bata ng labag sa batas ng produksyon at pangangalakan ng gayong mga sangkap. Artikulo 34 Dapat isagawa ng mga ang pangangalaga sa bata laban sa lahat ng anyo ng sekswal na pagsasamantala at sekwal na pagmamalabis. Sa mga layuning ito, dapat isagawa ng mga ________________________________________________ 199

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Estadong Panig ang lahat ng nararapatna hakbang pambansa, bilateral at multilateral upang mahadlangan: a) Ang panghihikayat o pamimilit sa bat upang mabunsod sa anumang labag sa batas na gawaing sekswal; b) Ang pagsasamantala sa mga bata sa prostitusyon o iba pang labag sa batas na mga gawaing sekswal; c) Ang pagsasamantala sa mga bata sa mga pagganap at mga kagamitang pornograpiko. Artikulo 35 Dapat isagawa ng mga Estadong Panig ang lahat ng mga nararapat na hakbang na pambansa, bilateral at multilateral upang hadlangan ang pagduko, pagbebenta o pangangalakal sa mga bata sa anuman layunin o anyo. Artikulo 36 Dapat pangalagaan nga mga Estadong Panig ang bata laban sa lahat ng uri ng pagsasamantala na makasasama sa anuman aspekto ng kapakanan ng bata. Artikulo 37 Dapat tiyakin ng mga Estadong Panig na: a) Walang batang sasailaim ng labis na pagpaphirap o iba pang pagmamalupit, di-makatao o mababang pakikitungo ________________________________________________ 200

Karapatan ng Bata ________________________________________________ o parusa. Hindi maaaring ipataw ang kamatayan ni habambuhay na pagkabilanggo nang walang pag-asang makalaya sa mga pagkakasalang nagawa ng mga taong wala pa sa labing walong taong gulang; b) Walang batang pagkakaitan ng kanyang kalayaan nang labag sa batas o di makatwiran. Ang pagdakip, detensyon o pagbinaggo sa bata ay dapat alinsunod sa batas at dapat gamitn lamang bilang panghuling hakbang at para sa pinakamaikling naararapat na takdang panahon; c) Ang bawat bata na pinagkakaitan ng kalayaan ay pakikitunguhan nang makatao at may paggalang sa likas na karangalan ng pagkatao, at sa paraan isasaalang-alang ang gma pangangailangan ng mga taong kasinggulang niya. Higit sa lahat, ang bawat batan gpinagkakaitan ng kalayaan ay ihihiwalay sa mga may sapat na gulang maliban lamang kung mpara sa kabutihan ng bata ang hindi gawin ito at, dapat magkaroon ng karapatn upang mapanatili ang pakikipagtalastasan sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng korespondensya at mga dalaw, maliban sa di-pangkaraniwang mga kalagayan; d) Ang bawat batang pinagkakaitan ng kanyaing kalayaan ay dapat magkaroon ng karapatan sa madaling paglalaan ng legal o iba pang naaangkop na tulong, gayon din ang karapatang hangarin ang legalidad ng pagkakait sa kanyang kalayaan sa harap ng isang hukuman o iba pang may kakayahan, malaya at walang kinikilingang kapangyarihan, at sa isang madaling pasya sa anumang gayong aksyon. ________________________________________________ 201

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Artikulo 38 1. Dapat isagawa ng mga Estadong Panig na igalang at tiyakin ang paggalang sa mga tuntunin ng pandaigdig na makataon batas na maaaring magamit nila sa mga armadong labanan na may mahalagang kaugnayan sa bata. 2. Dapat isagawa ng mga Estadong Panig ang lahat ng hakbang upang matiyak na ang mga taong hindi pa umaabot sa labinlimang taong gulang ay di-tuwirang makikisangkot sa mga labanan. 3. Dapat iwasan ng mga Estadong Panig ang pangangalap ng tao na hindi pa umaabot sa labinlimang taong gulang para sumanib sa kanilang sandatahang lakas. Dapat pagsikapan ng mga Estadong Panig na sa labingwalong taong gulang at ihuli ang mga labinlimang taong gulang lamang. 4. Alinsunod sa kaninang mga pananagutang nasasailalim ng pandaigdig na makataong batas na pangalagaan ang populasyong sibilyan sa armadong labanan, dapat isagawa ng mga Estadong Panig ang mga maaarin hakbang upang matiyak ang pangangalaga at pagkalinga sa mga batang nadadamay sa armadong labanan. Artikulo 39 Dapat isagawa ng mga Estadong Panig ang nararapat na mga hakbang upang itaguyod ang panunumbalik ng kalusugang pisikal at sikolohikal at pakikisalamuha sa lipunan ng batang biktima ng anumang uri ng kapabayaan, pagsasamantala, o pamimiit; labis ________________________________________________ 202

Karapatan ng Bata ________________________________________________ na pagpapahirap o anumang uri ng pagmamalabis, di-makatao o mababang pakikitungo o kaparusahan; o mga armadong labanan. Ang gayong panunumbalik ng kalusugan at pakikisalamuha ay dapat mangyari sa isang kapaligirang magpapabuti sa kalusugan, paggalang sa sarili at karangalan ng bata. Artikulo 40 1. Kinikilala ng mga Estadong Panig ang karapatan ng bata na pinagbibintangan na nasasakdal sa, o nakikilalang lumabag sa ipinag-uutos ng batas, na pakikitunguhan sa paraang naaayon sa pagtataguyod ng karangalan at kahalagahan ng bata, na nagpapatatag sa paggalang ng bata sa mga karapatang pantao at mga pangunahing kalayaan ng iba na isinasaalang-alang ang gulang ng bata at ang naising itaguyod ang muling pakikisalamuha at pagkakaroon ng bata ng isang makabuluhang gampanin sa lipunan. 2. Sa layuning ito, at sa pagssaalang-alang sa may kaugnayang tadhana ng pandaigdig na mga instrumento, ang mga Estadong Panig, higit sa lahat, ay dapat tiyakin na:
(a) Walang batang dapat paghinalaan na ipagsasakdal

ng, o kikilalanin na lumabag sa ipinagbabawal ng batas dahilan sa gawa o pagwawalang-bahala na hindi ipinagbabawal ng pambansa o pandaigdig na batas sa panahong ginawa iyon.
(b) Ang bawat bata na pinaghihinalaan ng o nasasakdal

sa paglabag sa ipinatutupad ng batas ay may mga garantiya, gaya ng mga sumusunod: ________________________________________________ 203

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________


(i) Ituturing

na walang sala hanggat napapatunayang nagkasala ayon sa batas;

di-

(ii) Daglian

at tuwirang ipababatid ang mga sakdal laban sa kanya at, kung nararapat, sa pamamagitan ng kanyang mga magulang o mga legal na tagapag-alaga, at magkakaroon ng legal at iba pang nararapat na tulong sa paghahanda at paghaharap ng kanyang depensa;

(iii) Pagpasyahan agad ang bagay-bagay ng isang

may kakayahan, malaya at walang-kinikilalang kapangyarihan o panghukumang kalupunan sa isang malinis na paglilitis alinsunod sa batas, sa harap ng legal o iba pang naaangkop na tulong at, maliban kung ito ay ipinalalagay na hindi sa mabuting kapakanan ng bata, higit sa lahat, na isasaalang-alang ang kanilang gulang o kalagayan, ang kanilang mga magulang o legal na tagapag-alaga;
(iv)

Hindi pipiliting tumestigo o tanggapin ang kasalanan, siyasatin o masiyasat ang mga saksi laban sa kanya at matamo ang paglahok at pagsisiyasat sa mga saksi sa kapakanan niya sa ilalim ng mga kalagayan ng pagkakapantaypantay;

(v) Kung ipinalalagay na lumabag sa ipinag-uutos

ng batas, na ang anumang pasiya at hakbang na ipinataw bunga niyon ay dapat suriin ng isang nakatataas na may kakayahan, malaya at ________________________________________________ 204

Karapatan ng Bata ________________________________________________ walang kinikilingang kapangyarihan o lupong panghukuman alinsunod sa batas;
(vi)

Magkakaroon ng walang bayad na tulong ng isang interpreter kung hindi maunawaan o makapagsalita ng wikang ginagamit ng bata; Lubos na igalang ang kanyang pag-iisa sa lahat ng mga yugto ng paglilitis.

(vii)

3. Dapat sikapin ng mga Estadong Panig na itaguyod ang pagtatatag ng mga batas, mga pamamaraan, mga maykapangyarihan at mga institusyong tanging magagamit ng mga batang pinagbibintangan, nasasakdal, o kinikilalang lumabag sa ipinag-uutos ng batas, at, higit sa lahat:
(a) Ang pagtatatag ng isang minimum na gulang na ang

mga bata ay ipinalalagay na walang kakayahang lumabag sa ipinag-uutos ng batas;


(b) Dapat maglaan, kailanmat nararapat at naisin, ng

mga hakbang sa pakikitungo sa gayong mga bata na hindi na hahantong sa kaparaanang panghukuman sa pasubali na igagalang nang lubusan ang mga karapatang-pantao at pangangalagang legal. 4. Ibat-ibang pagsasaayos, tulad ng pagkalinga, pamamatnubay at pamamahalang kautusan, pagpapayo, proteksyon, pag-aalaga ng tagapag-ampon, edukasyon at mga programa sa pagsasanay panghanapbuhay at iba pang ________________________________________________ 205

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ mga kapalit sa pangangalagang institusyonal ay dapat ipaabot upang matiyak na ang mga bata ay pakikitunguhan sa paraang nararapat sa kanilang kagalingan at katumbas kapwa ng mga pangyayari at pagkakasala. Artikulo 41 Walang anuman sa Kombensyong ito ang makakaapekto sa anumang tadhanang makatutulong sa katuparan ng mga karapatan ng bata at maaaring matatagpuan sa:
(a) Batas ng isang Estadong Panig; o (b) Pandaigdig na Batas na umiiral sa Estadong iyon.

Ikalawang Bahagi Artikulo 42 Isasagawa ng mga Estadong Panig ang malawakang pagpapalaganap ng mga patakaran at mga tadhana ng Kombensyon sa naaangkop at masisiglang mga paraan, kapuwa sa mga may sapat na gulang at mga bata. Artikulo 43 1. Para sa layuning pagsusuri ng kaunlarang nagawa ng mga Estadong Panig sa pagkakamit ng katuparan ng mga pananagutang ginampanan sa Kombensyong ito, itinatatag ang Komite sa mga Karapatan ng Bata, na tutupad ng mga gampaning isinasaad dito. ________________________________________________ 206

Karapatan ng Bata ________________________________________________ 2. Ang Komite ay binubuo ng sampung mga dalubhasa na mya mataas na moral at kilalang may kakayahan sa larangang saklaw ng Kombensyong ito. Ang mga kagawad ng Komite ay ihahalal ng mga Estadong Panig mula sa kanilang mga mamamayan at maglilingkod ayon sa kanilang pansariling kakayahan, na isinasaalang-alang ang pantay-pantay na pamamahagi sa mga bansa, at sa pangunahing sistemang pambatas. 3. Ang mga kagawad ng Komite ay ihahalal nang lihim na mula sa talaan ng mga taong iminungkahi ng mga Estadong Panig. Ang bawat Estadong Panig ay maaaring magmungkahi ng isang tao mula sa kanyang sariling mga mamamayan. 4. Ang unang halalan sa Komite ay gaganapin nang hindi lalampas sa anim na buwan pagkaraan ng petsa ng pagpapairal ng Kombensyong ito at tuwing ikalawang taon pagkaraan niyon. Di-lalampas sa apat na buwan bago dumating sa petsa ng bawat halalan, ang Kalihim Panlahat ng mga Bansang Nagkakaisa ay magpapadala ng liham sa mga Estadong Panig na humihiling na magharap ng kanilang mga mungkahi sa loob ng dalawang buwan. Ang Kalihim Panlahat ay maghahanda ng isang talaang paalpabeto ng mga taong iminungkahi, na isinasaad ang mga Estadong Panig na nagmungkahi sa kanila, at ihaharap sa mga Estadong Panig sa Kombensyong ito. 5. Ang halalan ay gaganapin sa mga pagpupulong ng mga Estadong Panig na tinawag ng Kalihim Panlahat sa Punong-tanggapan ng mga Bansang Nagkakaisa. Sa mga pagpupulong na iyon, na dalawang-katlo ng ________________________________________________ 207

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ mga Estadong Panig ang bumuo ng korum, ang mga taong nahalal sa Komite ay yaong makakakuha ng pinakamaraming bilang ng boto at isang lubos na nakararami ng mga boto ng mga kinatawan ng mga Estadong Panig na naroroon at bumoboto. 6. Ang mga kagawad ng Komite ay ihahalal para sa takdang apat na taon. Sila ay maaaring ihalal na muli kung muling imumungkahi. Ang panunungkulan ng lima sa mga kagawad na nahalal sa unang halalan ay magtatapos sa katapusan ng dalawang taon, kagyat pagkatapos ng unang halalan, ang mga pangalan ng limang kagawad na ito ay pipiliin nang palabunutan ng Tagapangulo ng pulong. 7. Kung ang kagawad ng Komite ay mamamatay o magbibitiw sa tungkulin o magpapahayag na sa anumang iba pang kadahilanan siya ay hindi na makagaganap sa mga tungkulin ng Komite, ang Estadong Panig na nagmungkahi sa kagawad ay hihirang ng ibang dalubhasa mula sa mga mamamayan nito upang maglingkod sa di natapos na takdang panunungkulan, na sasailalim ngpagpapatibay ng Komite. 8. Ang Komite ay magtatatag ng kanyang sariling mga tuntunin ng pamamaraan. 9. Ang Komite ay maghahalal ng kanyang mga pinuno sa takdang dalawang taon. 10. Ang mga pagpupulong ng Komite ay karaniwang gaganapin sa Punong-tanggapan ng mga Bansang ________________________________________________ 208

Karapatan ng Bata ________________________________________________ Nagkakaisa o sa iba pang maayos na lugar na pipiliin ng Komite. Ang Komite ay karaniwang magpupulong minsan isang taon. Ang tagal ng mga pagpupulong ng Komite ay pagpapasiyahan at susuriin, kung kinakailangan, ng isang pagpupulong ng mga Estadong Panig ng Kombensyong ito, na sasailalim ng pagpapatibay ng Pangkalahatang Asemblea. 11. Ang Kalihim Panlahat ng mga Estadong Panig ay maglalaan ng kinakailanganing tauhan at mga pasilidad para sa mabisang pgtupad sa mga gampanin ng Komite sa ilalim ng Kombensyong ito. 12. Sa pagpapatibay ng Pangkalahatang Asemblea, ang mga kasapi ng Komite na itinatag sa ilalim ng Kombensyong ito ay tatanggap ng kabayarang mula sa mga pinagkukunan ng mga Bansang Nagkakaisa alinsunod sa mga tadhana at kondisyong pagpapasyahan ng Asemblea. Artikulo 44 1. Sisikapin ng mga Estadong Panig na, sa pamamagitan ng Kalihim Panlahat ng mga Bansang Nagkakaisa, magharap ng mga ulat ukol sa mga hakbang na kanilang isinagawa sa pagpapairal ng mga karapatang kinilala rito at sa kaunlarang nagawa sa pagtatamasa ng mga karapatang iyon:
(a) Sa loob ng dalawang taon mula nang ipairal ang

Kombensyon ng kinauukulang Estadong Panig;


(b) Pagkaraan nito tuwing ikalimang taon. ________________________________________________

209

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ 2. Ang mga ulat na ginawa sa ilalim ng kasalukuyang artikulo ay magpapahayag ng mga salik at mga balakid, kung mayroon man, na nakakasagabal sa antas ng katuparan ng mga pananagutan sa ilalim ng Kombensyong ito. Ang mga ulat ay dapat magtaglay ng sapat na impormasyon upang makapagbigay sa Komite ng isang malawakang kaalaman sa pagpapatupad ng Kombensyon sa kinauukulang bansa. 3. Ang isang Estadong Panig nanakapagharap ng isang malawakang unang ulat sa Komite ay hindi na kailangan, sa kanyang mga sumusunod na mga ulat na iniharap alinsunod sa talata 1 (b) ng kasalukuyang artikulo, na ulitin ang pangunahing impormasyon na naibigay na. 4. Ang Komite ay maaaring humiling sa mga Estadong Panig ng karagdagang impormasyon na may kaugnayan sa pagpapatupad ng Kombensyon. 5. Ang Komite y maghaharap sa Pangkalahatang Asemblea, sa pamamagitan ng Sanggunian sa Pangkabuhayan at Panlipunan, ng ulat ukol sa mga gawain nito tuwing ikalawang taon. 6. Malawakang ipalalaganap ng mga Estadong Panig ang kanilang ulat sa mga tao sa kani-kanilang sariling mga bansa. Artikulo 45 Upang maitaguyod ang mabisang pagpapatupad ng Kombensyon at upang mahikayat ang pandaigdig na pagtutulungan sa larangang saklaw ng Kombensyon: ________________________________________________ 210

Karapatan ng Bata ________________________________________________


(a) Ang mga natatanging ahensiya, ang Laang-gugulin

sa mga Bata ng mga Bansang Nagkakaisa, at iba pang kalipunan ng mga Bansang Nagkakaisa, ay may karapaan sa kinatawan sa pagsasaalangalang ng pagpapatupad ng gayong mga tadhana ng Kombensyong ito na saklaw ng kanilang tungkulin. Ang Komite ay maaaring mag-anyaya sa mga natatanging ahensiya, ang Laang-gugulin sa mga Bata ng mga Bansang Nagkakaisa at iba pang may kakayahang kalupunan na maaaring isaalangalang na nararapat na magbigay ng dalubhasang payo sa pagpapatupad ng Kombensyon sa mga larangang saklaw ng kani-kanilang mga tungkulin. Ang Komite ay maaaring mag-anyaya sa mga natatanging ahensiya, ang Laang-gugulin sa mga Bata ng mga Bansang Nagkakaisa, at iba pang kalupunan ng mga Bansang Nagkakaisa upang magharap ng mga ulat sa pagpapatupad ng Kombensyon sa mga larangang saklaw ng kanilang mga gawain; Komite ay magpapadalakung inaakalang nararapat, sa mga natatanging ahensiya, ang Laanggugulin sa mga Bata ng mga Bansang Nagkakaisang at iba pang may kakahayang kalupunan, ng anumang mga ulat mula sa mga Estadong Panig na naglalaman ng isang kahilingan, o nagpapahayag ng isang pangangailangan, ng payo o tulong na teknikal batay sa mga pagmamasid at mga mungkahi ng Komite, kung mayroon man, sa mga kahilingan o mga pagpapahayag na ito; ________________________________________________ 211
(b) Ang

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________


(c) Ang Komite ay maaaring magtagubilin sa Pangkalahatang

Asemblea upang humiling sa Kalihim Panlahat na magsasagawa sa kanyang kapakanan ng pag-aaral sa mga natatanging paksa na nahihinggil sa mga karapatan ng bata;
(d) Ang Komite ay maaaring gumawa ng mga mungkahi

at pangkalahatang tagubilin na batay sa impormasyong natanggap sang-ayon sa mga artikulo 44 at 45 ng Kombensyong ito. Ang mga gayong mungkahi at mga pangkalahatang tagubilin ay ipadadala sa alinmang kinauukulang Estadong Panig at iuulat sa Pangkalahatang Asemblea, na kasama ang mga puna, kung mayroon man, mula sa mga Estadong Panig. Ikatlong Bahagi Artikulo 46 Ang Kombensyon ay bukas para sa lagda ng lahat ng Estado. Artikulo 47 Ang Kombensyon ay sasailalim ng pagpapatibay. Ang mga instrumento ng pagpapatibay ay ilalagak sa Kalihim Panlahat ng mga Bansang Nagkakaisa. Artikulo 48 Ang Kombensyon ay mananatiling bukas para sa pagsapi ng alinmang Bansa. Ang mga instrumento sa pagsang-ayon ay ilalagak sa Kalihim Panlahat ng mga Bansang Nagkakaisa. ________________________________________________ 212

Karapatan ng Bata ________________________________________________ Artikulo 49 1. Ang Kombensyon ay magsismulang umiral pagkaraan ng tatlumpung araw kasunod ng petsa ng pagkalagak sa Kalihim Panlahat ng mga Bansang Nagkakaisa ng ikadalawampung instrumento ng pagpapatibay o pagsang-ayon. 2. Para sa bawat Estado na nagpapatibay o sumasang-ayon sa Kombensyon pagkatapos mailagak ang ikadalawampung instrumento ng pagpapatibay o pagsang-ayon, ang Kombensyon ay magsisimulang umiral sa ikatatlumpung araw pagkatapos ng pagkalagak ng gayong Estado ng kanyang instrumento ng pagpapatibay o pagsang-ayon. Artikulo 50 1. Ang alinmang Estadong Panig ay maaaring magmungkahi ng susog at itoy ihaharap sa Kalihim Panlahat ng mga Bansang Nagkakaisa. Ang Kalihim panlahat ay makikipagtalastasan sa mga Estadong Panig tungkol sa iminungkahing susog, na kasama ang isang kahilingan kung sila ay sumasang-ayon sa isang pagpupulong ng mga Estadong Panig sa layunin ng pagsasaalang-alang at pagbotohan ang mga mungkahi. Sa pagkakataon na, sa loob ng apat na buwan mula sa araw ng gayong patalastas, na isang ikatlo man lamang ng mga Panig na bansa ang sumasang-ayon sa gayong pagpupulong, tatawag ang Kalihim Panlahat ng pagpupulong sa ilalim ng pamamahala ng mga Bansang Nagkakaisa. Anumang susog na pagtitibayin ng nakararami ng mga Estadong ________________________________________________ 213

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Panig n naroroon at bumoboto sa kapulungan ay ihaharap sa Pangkalahatang Asemblea upang pagtibayin. 2. Ang susog na pinagtibay ang-ayon sa talata 1 ng kasalukuyang artikulo ay magsisimulang umiral pagkatapos na itoy pagtibayin ng Pangkalahatang Asemblea ng mga Bansang Nagkakaisa at sinang-ayunan ng dalawang-katlo ng nakararami sa mga Estadong Panig. 3. Kung ang isang susog ay magsisimulang pairalin, ito ay nagkakaroon ng bisa para roon sa mga Estadong Panig na sumang-ayon dito, ang iba pang Estadong Panig ay mananatiling saklaw ng mga tadhana ng Kombensyong ito at anumang mga naunang susog na kanilang sinang-ayunan. Artikulo 51 1. Ang Kalihim Panlahat ng mga Bansang Nagkakaisa ay tatanggap at ipakakalat sa lahat ng mga Estadong ang nilalaman ng mga reserbasyong isinagawa ng mga Estado sa panahon ng pagpapatibay o pagsang-ayon. 2. Ang isang reserbasyong di-naaayon sa kabuuan at layunin ng Kombensyong ito ay hindi pahihintulutan. 3. Ang mga reserbasyon ay maaaring bawiin sa anumang panahon sa pamamagitan ng pagpapabatid sa layuning iyon sa Kalihim Panlahat ng mga Bansang Nagkakaisa, na siyang magpapabatid sa lahat ng mga Estado. Ang gayong pagpapabatid ay nagkakaroon ng bisa sa araw na itoy natanggap ng Kalihim Panlahat. ________________________________________________ 214

Karapatan ng Bata ________________________________________________ Artikulo 52 Ang isang Estadong Panig ay maaaring tumiwalag sa Kombensyong ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng liham sa Kalihim Panlahat ng mga Bansang Nagkakaisa. Ang pagtiwalag ay magkakaroon ng bisa pagkaraan ng isang taon makaraan ang araw na natanggap ang patalastas ng Kalihim Panlahat. Artikulo 53 Ang Kalihim Panlahat ng mga Bansang Nagkakaisa ay itinatalagang lagakan ng Kombensyong ito. Artikulo 54 Ang orihinal na Kombensyon na magkatumbas na pinatunayan ang tekstong Pranses, Ruso at Kastila ay ilalagak sa Kalihim Panlahat ng mga Bansang Nagkakaisa. Bilang katunayan nito, ang mga nakalagdang plenipotensyaryo, na may ganap na kapangyarihan ng kani-kanilang Pamahalaan, ay nagsilagda sa Kombensyon.
Sanggunian: Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (DFA) sa pakikipagugnayan ng UNICEF

________________________________________________ 215

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

________________________________________________ 216

________________________________________________

(International Convention on the Protection of the Rights of All Migrant Workers and Members of Their Families)

Pandaigdig na Kasunduan para sa Proteksyon ng mga Karapatan ng Lahat ng mga Migranteng Manggagawa at mga Kasapi ng kanyang Pamilya

________________________________________________ 217

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

no ang Pandaigdigang Kasunduan para sa Proteksyon ng Lahat ng mga Migranteng Manggagawa at mga Kasapi ng Kanilang Pamilya? Ito ay isang pandaigdigang instrument na pinagtibay ng United Nations noong ika-18 ng Disyembre 1990. Saklaw nito ang mga batayang probisyon na nagtataguyod ng proteksyon sa mga karapatan ng mga migranteng manggagawa at ng kanilang pamilya. Ang Kasunduan ay binabalangkas ayon sa mga umiiral na instrument sa karapatang pantao. Binibigyang pansin nito ang mga pangekonomiya, panlipunan at pangkulturang karapatan; pangmamamayan at pampulitikang karapatan; pagkakapantay-pantay ng lahi; karapatan ng mga kababaihan; at karapatan ng mga bata. Isinaalang-alang din nito ang mga umiiral na kasunduan sa ilalim ng International Labour Organization (ILO), partikular sa mga migranteng manggagawa. Ano ang kahulugan ng migranteng manggagawa sa Kasunduan? Ang migranteng manggagawa ay isang tao na maghahanapbuhay, naghahanapbuhay o nakapaghanapbuhay sa isang Estado kung saan hindi siya mamamayan. Anu-anong kategorya ng mga migranteng mangagawa ang saklaw ng Kasunduan? (a) Manggagawa sa prontera (frontier worker) nagtatrabaho sa isang Estado ngunit nagpapanatili ng ________________________________________________ 218

Karapatan ng Lahat ng mga Migranteng Manggagawa at mga Kasapi ng kanyang Pamilya ________________________________________________ kanyang kinagawiang bahay sa kalapit-Estado ngunit nagpapanatili ng kanyang kinagawiang bahay sa kalapitEstado kung saan siya ay kadalasang bumabalik; (b) Pana-panahong mangagawa (seasonal worker) nagtatrabaho sa ibang bansa sa nakatakdang panahon lamang sa loob ng isang taon; (c) Manggagawa sa instalasyong malayo sa pampang (worker on an offshore installation) nagtatrabaho sa isang instalasyong malayo sa pampang na saklaw ng isang Estado kung saan hindi siya mamamayan nito; (d) Mapaglakbay na mangagawa (itinerant worker) tumutungo sa ibang Estado sa maiikling panahon dahil sa katangian ng kanyang trabaho; (e) Manggagawang tali sa proyekto (project-tied worker) tinanggap sa isang Estado sa loob ng panahong itinakda ng kanyang pinaglilikuran upang magtrabaho sa isang partikular na proyekto; (f) Manggagawang may nakalaang gawain (specified employment worker) nagtatrabaho sa ibang bansa batay sa itinakdang gawain o tungkulin sa maikling panahon at nangangailangan ng propesyonal, pangkalakal, teknika, at iba pang mataas na antas ng kaalaman; (g) Manggagawang may sariling hanapbuhay (selfemployed worker) naghahanapbuhay sa ibayong dagat na walang kontrata sa paggawa. ________________________________________________ 219

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Sinu-sino ang mga taong nakatira at/o nagtatrabaho sa ibang bansa ngunit hindi saklaw ng Kasunduan? (a) Mga taong ipinadala o mga kawani ng mga pandaigdigang organisasyon o ahensiya (hal. diplomatiko); (b) Mamumuhunan; (c) Mga taong lumikas upang magkaroon ng panganlungan o kaligtasan o mga taong tinaguriang walang bansa (refugees or stateless persons); (d) Mga estudyante at trainees. Saklaw ba ang mga seafarers ng Kasunduan? Oo, kung sila ay binigyan ng pahintulot na manirahan at magkaroon ng bayarang gawain sa Estado kung saan nakarehistro ang barko. Sinu-sino ang mga kasapi ng pamilya na tinutukoy sa Kasunduan? Ang mga kasapi ng pamilya ay tumutukoy sa asawa at mga anak na wala pa sa hustong gulang (dependent children) ng migranteng manggagawa at iba pang dependents na kinikilala ng mga umiiral na batas bilang mga kasapi ng pamilya. Sinu-sino ang mga dokumentadong manggagawa ayon sa Kasunduan? ________________________________________________ 220

Karapatan ng Lahat ng mga Migranteng Manggagawa at mga Kasapi ng kanyang Pamilya ________________________________________________ Ang mga dokumentadong manggagawa ay mga migranteng manggagawa na pinahintulutan na pumasok, manatili, at magtrabaho sa tumatanggap ng Estado ayon sa mga batas nito. Ano naman ang tungkol sa mga di-dokumentadong manggagawa? Ang mga di-dokumentadong manggagawa ay mga migranteng manggagawa na hindi pinahintulutan na pumasok, manatili, at magtrabaho sa tumatanggap na Estado. Naglalaan ba ang Kasunduan ng pantay na respeto sa mga karapatan ng lahat ng mga migranteng manggagawa? Oo. Ang Kasunduan ay naglalaan na lahat ng mga migranteng manggagawa ay may pantay na karapatan at pantay na proteksyon sa kanilang karapatang pantao anuman ang kanilang kasarian, lahi, kulay, wika, relihiyon o paniniwala, pulitika o iba pang opinion, pambansa, etniko o grupong pinanggalingan, nasyonalidad, edad, posisyon sa ekonomiya, ari-arian, kalagayan sa pagaasawa, kapanganakan, at iba pang katayuan. Anu-ano ang mga karapatang pantao ng mga migranteng manggagawa at mga kasapi ng kanilang pamilya? Ang mga migranteng manggagawa at mga kasapi ng kanilang pamilya ay may parehong karapatan tulad ng ibang mamamayan ayon sa pangkalahatang pantao na kinikilala ng ________________________________________________ 221

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ mga demokratikong bansa. Kabilang sa mga karapatan ito ang mga sumusunod: (a) Kalayaang lisanin ang anumang Estado at ang pagpasok at pananatili sa Estadong kanilang pinanggalingan; (b) Karapatang mabuhay; (c) Proteksyon laban sa pagpapahirap (torture), malupit at hindi makataong pagtrato o parusa; (d) Proteksyon laban sa pang-aalipin; (e) Proteksyon laban sa puwersahang pagtatrabaho maliban sa mga nahatulan o pinarusahan ng mabigat na pagtatrabaho; (f) Karapatan sa malayang kaisipan, konsiyensya, at relihiyon; (g) Kalayaan sa opinion at pagpapahayag. Ang karapatang ito ay maaaring limitahan upang igalang ang karapatan at karangalan ng iba; proteksyon sa pambansang seguridad, pampublikong kaayusan, pampublikong kalusugan, o kagandahang asal; paghadlang sa anumang pagpapalaganap ng digmaan, paghadlang sa pagsusulong ng pambansa, panlahi,at panrelihiyon na pagkapoot na pumupukaw sa diskriminasyon, labanan, at kaharasan; ________________________________________________ 222

Karapatan ng Lahat ng mga Migranteng Manggagawa at mga Kasapi ng kanyang Pamilya ________________________________________________ (h) Proteksyon laban sa arbitraryong panghihimasok sa pag-iisa (privacy) pakikipagsulatan, at pakikibalita; (i) Karapatan sa kanilang mga ari-arian. (j) Proteksyon sa di-makatwiran o arbitraryong pangaagaw ng ari-arian. (k) Karapatan sa kalayaan at seguridad ng pagkatao, kasama rito ang proteksyon laban sa karahasan, pisikal na pananakit, pananakot at intimidasyon ng mga opisyal ng pamahalaan o mga pribadong indibidwal, grupo o institusyon; (l) Kalayaan sa kapinsalaan; (m) Karapatan sa sapat na impormasyon; (n) Karapatang manatili ang kanilang mga kalinangang pagkakakilanlan at ugat. Anu-ano ang mga karapatan ng mga nasasakdal na migranteng manggagawa at ng mga kasapi ng kanilang pamilya? Ang mga migranteng manggagawa at mga kasapi ng kanilang pamilya ay may parehong karapatan tulad ng sinumang akusado. Ang mga karapatang ito ay kinikilala ng halos lahat ng mga bansang tumatanggap sa kanila na mayroong demokratikong uri ng gobyerno. Ang mga nasabing karapatan ay ang mga sumusunod: ________________________________________________ 223

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ (a) Karapatang makilala saanman bilang tao sa mata ng batas; (b) Kalayaan sa arbitraryong pag-aresto at pagkulong; (c) Karapatan sa karapat-dapat na proseso (due process); (d) Karapatan sa makatarungan at mabilis na paglilitis; (e) Karapatang magkaroon ng abogado; (f) Karapatang magsabi at humingi ng tulong sa embahada at konsulado ng Estadong kanilang pinanggalingan; (g) Karapatan sa makatarungang paglilitis; (h) Karapatan sa tagapagsalin ng walang gastos sa migranteng manggagawa; (i) Karapatan sa makataong pagtrato habang nasa kulungan; (j) Ang akusadong migranteng manggagawa at mga kasapi ng kanilang pamilya ay may karapatang maihiwalay sa mga nahatulang bilanggo; (k) Ang mga kusadong batang migranteng manggagawa ay may karapatang maihiwalay sa mga matatandang bilanggo; (l) Ang mga migranteng manggagawa na lumabag sa mga batas migrasyon ay may karapatang tratuhin ng hiwalay sa mga nahatulang bilanggo habang nililitis; ________________________________________________ 224

Karapatan ng Lahat ng mga Migranteng Manggagawa at mga Kasapi ng kanyang Pamilya ________________________________________________ (m) Karapatang madalaw habang nasa kulungan; (n) Kung ang migranteng manggagawa ay nasa kulungan, dapat pagtuunan ng mga awtoridad ang problema na makaaapekto sa kanya o sa kanyang pamilya, partikular sa asawa at sa mga anak na wala pa sa hustong gulang; at (o) Ang mga nakakulong na migranteng manggagawa ay may parehong karapatan tulad ng mga nakakulong na mamamayan ng bansang kanyang pinuntahan. Anu-ano ang mga karapatan ng mga migranteng manggagawa at kanilang pamilya na nakasuhan ng kriminal na pagkakasala? Ang migranteng manggagawa at mga kasapi ng kanilang pamilya ay may parehong karapatan tulad ng iba pang taong nahatulan na kinikilala sa ilalim ng Katipunan ng mga Karapatan at Kodigo Penal ng halos lahat ng mga bansang pinupuntahan ng mga migranten na mayroong demokratikong konstitusyon. Kabilang dito ang mga sumusunod: (a) Karapatan sa pagkakapantay-pantay sa mga lokal na mamamayan sa mga hukuman; (b) Karapatang ipalalagay na walang sala hanggang mapatunayang siyay nagkasala ayon sa batas; (c) Karapatan sa minimum guarantees tulad ng mga sumusunod: ________________________________________________ 225

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ - Karapatang malaman ang mga bintang laban sa kanila sa wikang naiintindihan nila; - Karapatang magkaroon ng sapat na panahon at kaparaanan sa paghahandan ng kanilang depensa; - Karapatang magkaroon ng abogado na sila ang pumili; - Karapatang malitis ng walang pagkabalam; - Karapatang malitis at maipagtanggol ang kanilang sarili sa korte o sa pamamagitan ng abogado na sila ang pumili; - Karapatang maipabatid ang kanilang karapatan na magkaroon ng abogado na sila ang pumili; - Karapatang suriin ang mga saksi laban sa kanila at makuha ang pagdalo at pagsusuri ng mga saksi para sa kanilang kapakanan; - Karapatang magkaroon ng libreng tagasalin; - Karapatang huwag piliting tumestigo laban sa sarili nila o aminin ang paratang sa kanila; - Karapatang umapila kapag nahatulan ng mas mababang korte; - Karapatan sa isang tamang kabayaran kung sila ay biktima ng di-makatarungang hustisya; ________________________________________________ 226

Karapatan ng Lahat ng mga Migranteng Manggagawa at mga Kasapi ng kanyang Pamilya ________________________________________________ - Karapatan sa rehabilitasyon kung ang inakusahang kasapi ng pamilya ng migranteng manggagawa ay wala pa sa hustong gulang; at - Karapatan laban sa muling paglilitis o pagpaparusa sa kasalanan kung saan siya ay nahatulan na o napawalang sala. Anu-ano ang mga partikular na karapatan ng mga migranteng manggagawa at kasapi ng kanilang pamilya tungkol sa kontrata at mga karapatan sa paggawa? (a) Kalayaan laban sa pagkakakulong sa kabiguang matupad ang mga obligasyong nakasaad sa kontrata; (b) Kalayaan laban sa pag-alis ng residence o work permit sa kabiguang matupad ang mga obligasyong nakasaad sa kontrata; (c) Karapatang hawakan, maproteksyonan, at mapangalagaan ang mga identity at travel documents (pasaporte, visa, work permit, kontrata, atbp.) (d) Karapatang tumanggap ng bayad ng hindi bababa sa tinanggap ng mga lokal na manggagawa ng bansang tumanggap sa kanila, kasama ang iba pang kondisyon sa trabaho tulad ng overtime, takdang oras ng trabaho, lingguhang pahinga, bakasyon na may bayad, kaligtasan, kalusugan, pagwawakas sa ugnayan sa trabaho, at iba pa; ________________________________________________ 227

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ (e) Dapat naaayon ang kontrata sa trabaho sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay na pagtrato; (f) Karapatan sa panlipunang kasiguruhan (social security); at (g) Karapatan sa madaliang pangangalagang medikal. Maaari bang sumali sa mga unyon ang mga migranteng manggagawa? Ang mga migranteng manggagawa ay maaaring humingi ng tulong, sumapi, at lumahok sa mga pagpupulong at gawain ng mga unyon at samahan ng mga manggagawa. Gayunman, ang mga di-dokumentadong migrante ay hindi maaaring magbuo ng mga unyon at mga samahan. Anu-ano ang mga karapatan ng mga migranteng manggagawa at ng kanilang pamilya kung sakaling silay patalsikin? Ang mga migranteng manggagawa at mga kasapi ng kanilang pamilya ay maaaring patalsikin sa bansang kanilang pinuntahan sa pamamagitan lamang ng desisyon na ginawa ng may-kakayahang awtoridad ng naaayon sa batas. Ang mga desisyon ay dapat ibigay sa migranteng manggagawa at mga kasapi ng kanilang pamilya sa wikang kanilang naiintindihan. Gayunman, may karapatan silang pabulaanan at mangatwiran laban sa pagpapatalsik sa kanila bago ibigay ang huling desisyon. ________________________________________________ 228

Karapatan ng Lahat ng mga Migranteng Manggagawa at mga Kasapi ng kanyang Pamilya ________________________________________________ Kung ang desisyon sa pagpapatalsik ay nabaligtad ng mas mataas na hukuman, ang mga migranteng manggagawa at kanilang pamilya ay may karapatan sa kompensasyon ng naaayon sa batas. Ang mga migranteng manggagawa ay protektado laban sa lahatan o kolektibong pagpapatalsik. Ang pagpapatalsik ay dapat sinusuri at pinag-papasyahan ng paisa-isa. Ang mga migranteng manggagawa at kanilang pamilya ay may karapatang humingi ng pahintulot na makapasok sa ibang Estado, maliban sa Estadong kanilang pinanggalingan, kung sakaling silay mapatalsik sa bansang tumanggap sa kanila. Kung sakaling silay mapatalsik, ang gastos sa pagpapatalsik ay hindi dapat balikatin ng mga migranteng manggagawa at kanilang pamilya. Maaari lang silang hingan na balikatin ang mga gastos sa paglalakbay. Kung mapatalsik, ang mga migranteng manggagawa at kanilang pamilya ay may karapatan sa sahod at iba pang benepisyo na nakalaan para sa kanila. Mga karapatan ng mga anak ng mga migranteng mangagawa. (a) Ang bawat anak ng migranteng mangagawa ay may karapatang magkaroon ng pangalan, rehistrasyon ng kapanganakan, nasyonalidad. (b) Ang bawat anak ng migranteng manggagawa ay may pundamental na karapatan sa edukasyon sa batayan ________________________________________________ 229

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ ng pagkakapanytay-pantay ng pagtrato sa mga nasabing Estado. Anu-ano ang mga limitasyon at/o obligasyon na inilaan sa pagpapatupad ng mga migranteng manggagawa at kanilang pamilya? Ang pagpapatupad ng mga karapatan ng mga migranteng manggagawa ay hindi nangangahulugang wala silang obligasyon na sundin ang mga umiiral na batas sa bansang kanilang pinuntahan. Ang mga karapatang tumutukoy sa mga didokumentadong migrante ay hindi dapat magpahiwatig na ang kanilang kalagayan ay gawing regular o legal o pibsalain ang pamamaraan para sa pagtiyak sa maayos at matuwid na kondisyon para sa pandaigdigang migrasyon. Mga karagdagang karapatan na inilaan sa mga migrante na nasa regular o legal na katayuan: Karapatan na malaman ng lubusan ang mga kondisyon sa pagtanggap, paninirahan, at pagtatrabaho. Karapatan sa pansamantalang nagliban sa trabaho ng hindi tinatanggal ang kaloob na kapangyarihan na manatili at magtrabaho. Kalayaan sa pagkilos at kalayaang pumili ng tirahan sa loob ng Estado kung saan nagtatrabaho. ________________________________________________ 230

Karapatan ng Lahat ng mga Migranteng Manggagawa at mga Kasapi ng kanyang Pamilya ________________________________________________ Karapatang bumuo ng mga samahan at mga unyon ng manggagawa sa Estado sa kung saan nagtatrabaho. Karapatang gamitin ang mga karapatang pulitikal sa Estadong pinanggalingan. Pantay na pagtrato tulad sa mga mamamayan sa bansang pinuntahan na may kaugnay sa mga institusyon at serbisyo sa edukasyon, panghanapbuhay na patnubay, vocational guidance, vocational training, pabahay, serbisyong panlipunan at kalusugan, kooperatiba at self-managed enterprises, at buhay pangkultura. Pantay na pagtrato tulad sa mga mamamayan ng bansang pinuntahan tungkol sa proteksyon laban sa pagpapatalsik sa trabaho, mga benepisyo sa panahon ng walang trabaho, at pagbibigay-daan sa alternatibong hanapbuhay. Ang mga migranteng manggagawa ay pagkakalooban ng libreng adwana at buwis sa pag-angkat at pagluwas ng mga kagamitang personal at pambahay kasama ang mga kagamitang kailangan sa kanilang trabaho. Karapatang ilipat ang kanilang mga kinikita at naipon. Karapatang huwag tanggalan ng pahintulot na manirahan pagkaraang matapos ang pagtatrabaho at makapaghanap ng ibang trabaho, maliban lamang kung ang pahintulot ________________________________________________ 231

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ sa paninirahan ay nakatali sa uri ng trabaho na siyang naging batayan sa pagtanggap sa kanila. Proteksyon laban sa pagpapatalsik na ang hangarin ay ipagkait sa migrante ang mga karapatang manirahan at magtrabaho. Anu-ano ang mga papel ng mga Estadong kasali sa Kasunduan sa pagtataguyod ng maayos , matuwid, makatao, at makatarungang kondisyon ng mga migranteng manggagawa at mga kasapi ng kanilang pamilya? Ang mga bansang pinanggalingan at tumatanggap ng mga migranteng manggagawa ay dapat magtulungan sa pagtataguyod ng maayos, matuwid, makatao, at makatarungang kondisyon ng mga migranteng manggagawa at mga kasapi ng kanilang pamilya. Dapat bigyan ng pansin hindi lamang ang pangangailangan sa paggawa at yaman kundi pati rin ang panlipunan, pang-ekonomiya, at pangkultural na pangangailangan ng mga migranteng manggagawa at kanilang pamilya. Ang mga Estadong kasali sa Kasunduan ay dapat magpanatili ng mga angkop na serbisyo para sa mga migranteng manggagawa. Nararapat ding pumayag silang magtayo ng sapat na bilang ng mga konsulado at iba pang serbisyo upang makatulong sa mga migranteng Pilipino at kanilang pamilya. Ang bawat panig ay hinihikayat din na magtulungan para sa maayos na pagbabalik ng mga migranteng manggagawa at ________________________________________________ 232

Karapatan ng Lahat ng mga Migranteng Manggagawa at mga Kasapi ng kanyang Pamilya ________________________________________________ mga kasapi ng kanilang pamilya sa Estadong pinanggalingan at itinaguyod ang sapat na kondisyong pang-ekonomiya para sa kanilang muling paninirahan. Ano ang sinasabi ng Kasunduan tungkol sa recruitment? Ang pagrecruit ng mga manggagawa ay limitado lamang sa pampublikong serbisyo o mga lupon ng Estadong pinanggalingan, pampublikong serbisyo o mga lupon sa Estadong pinagtatrabahuhan kung itoy pinagkaisahan sa pamamagitan ng bilateral o multilateral agreement at ng mga ahensiya o employers na saklaw sa pagbibigaykapangayarihan, pahintulot, at pangangassiwa ng mga pampublikong awtoridad. Ano ang sinasabi ng Kasunduan sa di-dokumentadong migrasyon? Ang mga Estadong kasali sa Kasunduan ay dapat magtulungan upang pigilin at wakasan ang illegal o lihim na migrasyon at pag-empleyo ng mga migranteng manggagawa at magpataw ng epektibong parusa sa mga tao o grupo na nagtatag, nagpapatakbo o tumutulong sa pag-organisa o pamamahala sa mga nabanggit na gawain. Ipinagkaloob ba ng Kasunduan ang karapatang magsama-sama muli ang pamilya? Hindi. Sinasabi lang nito na ang mga Estadong kasali ay magsasagawa ng mga karampatang hakbang upang mapabilis ang pagsasama-sama muli ng pamilya. ________________________________________________ 233

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Kung ganoon, hindi ito karapatan ng migrante, kundi rekomendasyon sa Estado. Naglaan ba ng Kasunduan ng partikular na karapatan para sa migranteng kababaihan? Hindi. Ang Kasunduan ay pantay na gagamitn sa migranteng lalaki at babae. Gayunman, dahil may kaibahan ang kalagayan ng migranteng babae at lalaki,may ilang pumuna na ang Kasunduan ay kulang sa pagbibigay ng nararapat na kaukulan sa mga usaping kasarian. Bakit mahalaga ang Kasunduan? Ang Kasunduan ay nagtatakda ng pangkalahatang balangkas para sa proteksyonngmgamigrante.Angnaturangbalangkasaygumagarantiya sa pangunahing proteksyon ng mga migrante na nangingibang bansa dala ng patuloy na pagsasama-sama ng ekonomiya. Ang Kasunduan ay isang instrumento ng karapatang pantao at tinitiyak nito na ang karapatang pantao ay igagalang anuman ang kanilang legal na katayuan. Ang Kasunduan ay sumasaklawsa ibat ibang kategorya ng mga migrante na hindi napasama sa mga naunang kaugnay na instrumento. Kailan maipatupad ang Kasunduan? Ang kasunduan ay maipapatupad na sa unang araw ng buwan ng Hulyo 2003. ________________________________________________ 234

Karapatan ng Lahat ng mga Migranteng Manggagawa at mga Kasapi ng kanyang Pamilya ________________________________________________ Sino ang magrerepaso sa pagpapairal ng Kasunduan? Isang komite na tatawaging Komite para sa Proteksyon ng mga Karapatan ng Lahat ng mga Migranteng Manggagawa at Kanilang Pamilya, na binubuo sa simula ng 10 hanggan maging 14 na kasapi, ang mangangasiwa sa pagrepaso sa pagpairal sa kasunduan. Ang lahat ng mga Estado na kasali sa Kasunduan ay maghaharap ng ulat sa Komite kada limang taon tungkol sa mga naging gawain sa mga probisyon ng Kasunduan. Ang Komite ay maaaring mag-imbita ng mga lupon tulad ng mga NGOs upang magsumite ng mga mahalagang impormasyon na may kinalaman sa kanilang mga gawain. Kung ang isang Estado na kasali sa Kasunduan ay tumanggap ng proseso hingil sa mga reklamo, ang nasabing Estado ay maaaring magharap ng reklamo laban sa ibang bansa na kasali rin sa Kasunduan at hindi sumusunod sa kanyang obligasyon na nakasaad sa Kasunduan. Gayundin, ang mga indibidwal na migrante na sakop sa isang Estado na kasali sa Kasunduan ay maaaring magsampa ng reklamo laban sa nabanggit na Estado, kung tinanggap nito ang proseso hinggil sa indibidwal na reklamo. ________________________________________________ 235

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Ano ang maaaring maiambag ng mga migrante? 1. Mag-organisa. Magtatag ng mga samahan ng mga migranteng manggagawa at mga NGOs para sa mga migrante upang ipagpatuloy ang kampanya para sa ratipikasyon ng Kasunduan at ng masubaybayan ang proteksyon ng mga karapatan ng mga migrante. Kung mayroon nang samahan at mga NGOs, iharap ang usapin ng mga karaptan ng mga migrante na pangunahing prayoridad o mahalagang agenda. Makipag-ugnay sa iba pang mga grupo para sa sama-samang pagkilos sa rehiyon. 2. Maging aktibo sa pagpalaganap ng impormasyon. Maglunsag ng mga pulong ng mga migrante at mga taong nagkakaisa sa kanila, gamitin ang mga media at ibat ibang mga forum upang ipaalam ang mga karapatan ng mga migrante at ang mga karaniwang paglabag nito.

3. Mag-lobby. Sumulat sa mga kinatawan upang mabatid nila kung bakit kailangang maratipika ang kasunduan. Mahalagang makuha ang kanilang pangako na itaguyod ang layuning ito, lalung-lalo na sa panahon ng halalan.

________________________________________________ 236

________________________________________________

Pangkalahatang Asembliya Resolusyon 53/144 ng Disyembre 9, 1998

(Declaration on the Right and Responsibility of Individuals, Groups and Organs of Society to Promote and Protect Universally Recognized Human Rights and Fundamental Freedoms)
Pahayag ng Bansang Nagkakaisa Hinggil Sa Mga Tagapagtanggol ng Karapatang Pantao
(The Declaration on human rights defenders) ________________________________________________ 237

Pahayag hinggil sa karapatan at responsibilidad ng mga indibidwal, mga grupo at organo ng lipunan upang itaguyod at ipagtanggol ang mga pandaigdigang kinikilalang mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan.

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

ng Pangkalahatang Kapulungan,

Pinagtitibay muli ang kabuluhan ng pagtupad sa mga layunin at mga prinsipyo ng Karta ng mga Bansang Nagkakaisa para sa pagtaguyod at pagtatanggol ng lahat ng karapatang pantao at saligang kalayaan para sa lahat ng tao sa lahat ng bansa ng daigdig, Pinagtitibay din muli ang kabuluhan ng Pandaigdig na Pahayag ng mga Karapatan ng Tao at ng mga Pandaigdigang Kasunduan ukol sa Karapatang Pantao bilang batayang salik ng pandaigdigang pagpupunyagi na itaguyod ang pangkalahatang paggalang sa at pagtaguyo ng karapatang pantao at mga saligang kalayaan at ang kahalagahan ng iba pang mga pamantayan ng karapatang pantao na pinagtibay na ng panloob na sistema ng mga Bansang Nagkakaisa, at gayundin maging sa pang-rehiyonal na antas, Binibigyang diin na ang lahat ng mga kasapi ng pandaigdigang pamayanan ay nararapat na isakatuparan, magkasama o magkahiwalay, ang kanilang marubdob na obligasyon na itaguyod at pasiglahin ang paggalang para sa karapatang pantao at mga batayang kalayaan para sa lahat ng walang pagtatangi na kahit anuman, kasama ang pagtatangi na batay sa lahi, kulay, kasarian, salita, relihiyon, pulitikal at iba pang pananaw, pambansa o panlipunang pinagmulan, pag-aari, kapanganakan at iba pang katayuan, at muling pinagtitibay ang patikular na kahalagahan na maabot ang pandaigdigang pagtutulungan upang maisakatuparan ang obligasyong ito na ayon sa Karta, Kinikilala ang makabuluhang papel ng pandaigdigang pagtutulungan para sa, at ang mahalagang gawain ng ________________________________________________ 238

mga pandaigdigang kinikilalang mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan. ________________________________________________ mga indibidwal, grupo at samahan sa pag-ambag sa mabisang pagwakas ng mga paglabag ng karapatang pantao at saligang kalayaan ng mga mamamayan at mga indibidwal, kasama din ang kaugnayan sa malawakan, walang pakundangan at sistematikong paglabag tulad ng binunga ng apartheid, at lahat ng porma ng diskriminasyong batay sa lahi, kolonyalismo, dominasyon ng mga dayuhan o pananakop, pananalakay o pagbabanta sa pambansang soberenya, pambansang pagkakaisa o integridad ng teritoryo at bunga ng pagtanggi na kilalanin ang karapatan ng mamamayan sa pagsasarili (self-determination) at ang karapatan ng lahat ng mamamayan sa paggamit ng buong soberenya sa kanyang kayamanan at likas na yaman, Kinikilala ang relasyon sa pagitan ng pandaigdigang kapayapaan at seguridad at ang pagtamasa sa mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan, at isinasaalang-alang na ang kawalan ng pandaigdigang kapayapaan at seguridad ay hindi dahilan sa hindi pag tupad nito. Muling inuulit na ang lahat ng mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan ay pandaigdigan, hindi mapaghihiwalay, nakaasa sa isat-isa at magkakaugnay at nararapat na itinaguyod at ipinapatupad sa isang pantay at matuwid na paraan, ng walang pagkiling sa pagpapatupad ng bawat isa sa mga karapatan at kalayaang iyon, Binibigyang diin na ang pangunahing responsibilidad at obligasyon na ipatupad at ipagtanggol ang mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan ay nasa Estado. ________________________________________________ 239

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Kinikilala ang karapatan at responsibilidad ng mga indibidwal, mga grupo at mga kapisanan na itaguyod ang paggalang sa at linangin ang kaalaman ukol sa mga karapatang pantao at saligang mga kalayaan sa pambansa at pandaigdigang antas, Pinapahayag, Artikulo 1 Lahat ng taoy may karapatan, mag-isa man o kapisan ng iba, na itaguyod at magsikap para sa pagtatanggol at pagsasakatuparan ng mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan sa pambansa at pandaigdigang antas. Artikulo 2 Ang bawat Estado ay may pangunahing responsibilidad na ipagtanggol, itaguyod at ipatupad ang lahat ng mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan, inter alia, sa pamamagitan ng pagtitibay ng mga hakbangin na maaaring nararapat upang likhain ang lahat ng mga batayan na kinakailangan sa loob ng panlipunan, pang-ekonomiko, pampulitika at iba pang mga larangan, kasama na ang mga ligal na pananagutang kailangan upang siguruhin na ang lahat ng tao sa ilalim ng kanyang saklaw, mag-isa man o kapisan ang iba, ay may kakayahan na matamasa ang lahat ng mga kalayaan. Ang bawat Estado ay magpapatibay ng ganoong lehistabo, administratibo at iba pang mga hakbangin na maaaring ________________________________________________ 240

mga pandaigdigang kinikilalang mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan. ________________________________________________ kinakailangan upang siguruhin na ang mga karapatan at mga kalayaang tinutukoy sa kasalukuyang Pahayag ay epektibong napapanagutan. Artikulo 3 Ang mga lokal na batas na kaayon sa Karta ng Bansang Nagkakaisa at iba pang pandaigdigang obligasyon ng Estado sa larangan ng karapatang pantao at mga saligang kalayaan ang siyang huridikal na balangkas sa loob kung saan ang mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan ay nararapat na ipatupad at tamasin at sa loob ng kung saan ang lahat ng gawain na tinutukoy ng kasalukuyang Pahayag para sa pagtataguyod, pagtatanggol, at mahusay na pagsasakatuparan ng mga tinutukoy na mga karapatan at mga kalayaan ay nararapat na isagawa. Artikulo 4 Walang bagay sa Pahayag na ito na mapapakahulugan na nagpapahina o sumasalungat sa mga layunin at sa mga prinsipyo ng Karta ng Bansang Nagkakaisa o siyang nagpapakitid o bumabawi sa mga probisyon ng Pandaigdig na Pahayag ng mga Karapatang Pantao, sa mga Pandaigdigang Kasunduan sa Karapatang Pantao at iba pang pandaigdigang instrument at pangako na angkop sa larangang ito. Artikulo 5 Sa layunin ng pagttataguyod at pagtatanggol sa mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan, ang lahat ng tao ________________________________________________ 241

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ ay may karapatan, mag-isa o kapisan ang iba, sa pambansa at pandaigdigang saklaw: Na magpulong at magtipon ng mapayapa; Na magbuo, sumali at lumahok sa mga non-governmental organizations, assosasyon o mga grupo; Na makipagtalastasan sa mga non-governmental intergovernmental na mga organisasyon. Artikulo 6 Lahat ng taoy may karapatan, mag-isa o kapisan ng iba: Na malaman, hanapin, kumuha, tumanggap at humawakng impormasyon kaugnay ng lahat ng mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan kasama ang pagkakaroon ng daan sa impormasyon kung paano ang mga karapatan at mga kalayaang ito ay binibigyang katuparan sa lokal na lehislatibo, panghukuman o administratibong sistema; Bilang nakatakda para sa karapatang pantao at iba pang naaayon na pandaigdigang instrument, malayang ipalimbag, ipamahagi at ipalaganap sa iba pa ang mga pananaw, impormasyon, at kaalaman sa lahat ng mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan; Na pag-aralan, pagtalakayan, magbuo at panghawakan ang mga opinyon patungkol sa pagkilala, kapwa sa batas at sa gawa, ng lahat ng mga karapatang pantao at mga saligang ________________________________________________ 242 o

mga pandaigdigang kinikilalang mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan. ________________________________________________ kalayaan na, sa pamamagitan nito at iba pang nararapat na pamamaraan, ay makahatak ng pampublikong atensyon hinggil sa mga batayang ito. Artikulo 7 Lahat ng taoy may karapatan, mag-isa o kapisan ang iba, na magpaunlad at talakayin ang mga bagong ideya at mga prinsipyo ng karapatang pantao at itaguyod ang pagtanggap sa kanila. Artikulo 8 Ang lahat ng taoy may karaptan, mag-isa o kapisan ng iba, na magkaroon ng epektibong daan, sa batayan ng walang diskriminasyon, sa partisipasyon sa gobyerno ng kanyang bansa at sa kondukta ng pampublikong gawain. Kabahagi dito, inter alia, ang karapatan, mag-isa man o kapisan ang iba, na isumite sa mga sangay o ahensya ng gobyerno at mga organisasyong may malasakit sa pampublikong gawain ang mga puna at panukala upang pag butihin ang kanilang pagganpan at makahatak ng atesyon sa anumang aspekto ng kanilang gawain na maaaring sagka o balakid sa pagtataguyod, pagtatanggol at pagsasakatuparan ng mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan. Artikulo 9 Sa paggamit ng mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan, kasama na ang pagtaguyod at pagtatanggol ng mga ________________________________________________ 243

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ karapatang pantao na tinutukoy sa kasalukuyang Pahayag na ito, ang lahat ay may karapatan, mag-isa o kapisan ang iba, na magtamasa sa isang mabisang lunas at ang maipagtanggol sa kaganapang malabag ang mga karapatang ito. Tungo dito, ang lahat ng tao na ang kanilang mga karapatan at mga kalayaan ay ipinalagay na nalabag ay may karapatan, alin man sa bilang siya sa aktwal o sa pamamagitan ng awtorisadong legal na kumakatawan, na magreklamo at mangyari na ang reklamong iyon ay agarang masuri sa isang pampublikong pagdinig sa harap ng isang independe, walang kinikilingan at may kakayahan na panghukuman o iba pang awtoridad na itinakda ng batas at makuha mula sa ganoong awtoridad ng desisyon, naaayon sa batas, nagbibgay lunas, kasama na ang anumang kabayarang nararapat, kapag mayroong paglabag sa mga karapatan at mga kalayaan ng taong tinuran, kasama na ang pagpapatupad ng anumang maaring maging desisyon at ipagkakaloob, ng walang pagkaantala na hindi nararapat. Tungo din dito, ang lahat ay may karapatan, mag-isa o kapisan ng iba, inter alia: Na magreklamo sa mga patakaran at gawain ng mga namumuno at mga sangay ng pamahalaan kaugnay sa mga paglabag ng mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan sa pamamagitan ng pagpetisyon o iba pang nararapat na pamamaraan, sa mga may kakayahang pambansang panghukuma, administribo o lehislatibong awtoridad o iba pang may kakayahang awtoridad na ibinibigay ng legal na sistema ng Estado, na nararapat magbigay ng desisyon sa reklamo ng walang pagkaantala na hindi nararapat; ________________________________________________ 244

mga pandaigdigang kinikilalang mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan. ________________________________________________ Na dumalog sa mga pampublikong pagdinig, pangyayari at paglilitis upang makapagbuo ng opinyon sa kanilang pagsunod sa mga pambansang batas at naayon na pandaigdigang obligasyon at pangako; Mag-alok at magbigay ng propesyunal at kwalipikadong tulong ligal o iba pang naayong payo at tulong ukol sa pagtatanggol ng mga karapatang pantao at mga saligangkalayaan. Tungo din dito, at nakaayon sa mga nababagay na pandaigdigang instrument at proseso, ang lahat ay may karapatan, mag-isa o kapisan ang iba, sa walang hadlang na daan sa at komunikasyon sa mga pandaigdigang lupon na may pangkalahatan o espesyal na kakayahan na tumanggap at pag-aralan ang mga bagay ukol sa mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan. Ang Estado ay dapat magsagawa ng agaran at walang kinikilingang imbestigasyon o siguruhin na may maganap na pagsisiyasat pag mayroong makatwirang batayan upang paniwalaan na may naganap na paglabag sa anumang teritoryo na nasasaklawan ng kanyang pamumuno. Artikulo 10 Walang sinuman ang maaring lumahok, sa pamamagitan ng pagkilos o kawalan nito kapag kinakailangan, upang labagin ang mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan at walang sinumang papadanasin ng parusa o ng kahit anumang nakasasamang aksyon dahil sa kanyang pagtanggi na gawin ito. ________________________________________________ 245

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Artikulo 11 Lahat ng taoy may karapatan, mag-isa o kapisan ng iba, sa makatarungang pagpapatupad ng kanyang okupasyon o propesyon. Lahat ng tao na maaring magkaroon ng epekto, dulot ng kanyang propesyon, sa dignidad ng tao , mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan ng iba ay nararapat na igalang ang mga karapatan at kalayaang iyon at tumalima sa mga naayong pambansa at pandaigdigang pamantayan ng pang-okupsyon at propesyunal na kondukta at etika. Artikulo 12 Lahat ng taoy may karapatan, mag-isa o kapisan ng iba, na lumahok sa mga mapayapang aktibidab laban sa paglabag ng mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan. Ang Estado ay dapat magsagawa ng mga kinakailangang hakbang upang siguruhin ang proteksyon ng mga may kakayahang awtoridad sa lahat ng tao, mag-isa o kapisan ng iba, laban sa anumang karahasan, pagbabanta, pagganti, de facto o de jure na nakasasamang dikriminayon, pamumuwersa sa anumang gawa di ayon sa batas bilang bunga ng kanyang lihitimong paggamit ng mga karapatang tinutukoy sa kasalukuyang Pahayag na ito. Kaugnay dito, lahat ng taoy may karapatan, mag-isa o kapisan ng iba, na epektibong maipagtanggol sa ilalim ng mga batas ng bansa ang pagtutol o pagkontra, sa mapayapang paraan, sa mga aktibidad at gawa, kasama na ang mga gawa dulot ng pagpapabaya, na maaring maiugnay sa Estado na ________________________________________________ 246

mga pandaigdigang kinikilalang mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan. ________________________________________________ magdudulot ng mga paglabag sa mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan, kasama na ang karahasang isinagawa ng mga grupo o inibidwal na may epekto sa pagtamasa sa karapatang pantao at mga salligang kalayaan. Artikulo 13 Lahat ng taoy may karapatan, mag-isa o kapisan ang iba, na mangalap, makakuha at makagamit ng yaman at rekurso tungo sa layuning itaguyod at ipagtanggol ang mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan, na ayon sa artikulo 3 ng kasalukuyang Pahayag. Artikulo 14 Ang Estado ang siiyang may resposibilidad na magsagawa ng lehislatibo, panghukuman, administrabo at iba pang nararapat na hakbangin upang itaguyod ang pag-unawa ng lahat ng tao na nasa ilalim ng kanyang nasasakupan ng kanilang sibil, pulitikal, pang-ekonomiya, panlipunan at pangkultural na karapatan. Kasama sa mga hakbanging ito, inter alia: Ang paglalathala at malawak na pagkakaroon ng mga pambansang batas at mga panuntunan at saka nararapat na mga batayang pandaigdigang instrumento ng karapatang pantao; Ang husto at pantay na pagkakataon upang makakuha ng mga pandaigdigang dokumento sa larangan ng karapatang ________________________________________________ 247

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ pantao, kasama na ang mga pana-panahong ulat ng mga Estado sa mga sangay na itinayo ng mga pandaigdigang tratado sa karapatang pantao na kung saan siya ay kapartido, kasama din ang mga opisyal na ulat ng mga talakayan at ang mga opisyal na ulat ng mga sangay na ito. Ang Estado ay sisiguruhin ang pagtaguyod, saan man nararapat, ang paglikha at pagpapaunlad ng mga karagdagang nagsasariling pambansang institusyon para sa pagtaguyod at pagtatanggol ng mga karapatang pantao at mga batayang kalayaan sa lahat ng teritoryong kanyang nasasaklawan, ito man ay maging ombudsman, mga komisyon sa karapatang pantao o iba pang anyo ng pambansang institusyon. Artikulo 15 Ang Estado ang siyang may responsibilidad itaguyod at padaluyin ang pagtuturo ng karapatang pantao at mga batayang kalayaan sa lahat ng antas ng edukasyon at siguruhin na ang lahat ng taong responsable sa pagsasanay ng mga abugado, mga opisyal na nagpapatupad ng batas, mga tauhan ng sandatahang lakas at mga pampublikong opisyal ay ipinapaloob ang mga nararapat na salik ng pagtuturo ng karapatang pantao sa kanilang programa ng pagsasanay. Artikulo 16 Ang mga indibidwal, non-governmental organizations at mga kaugnay na institusyon ay may mahalagang papel na gagampanan na mag ambag upang maging mas mulat ang publiko sa mga katanungan na kaugnay sa lahat ng mga ________________________________________________ 248

mga pandaigdigang kinikilalang mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan. ________________________________________________ karapatang pantao at saligang kalayaan sa pamamagitan ng mga gawain tulad ng pag-aaral, pagsasanay at pananaliksik sa mga larangan ito upang lalo pang pagtibayin, inter alia, ang pag-unawa, pagtanggap, mapayapa at mapagkaibigang relasyon sa pagitan ng mga bansa at sa pagitan ng lahat ng lahi at grupo ng relihiyon, habang isinasaalang-alang sa isipan ang samut-saring karanasan ng mga lipunan at komunidad na kung saan nila isinasagawa ang kanilang mga pagkilos. Artikulo 17 Sa paggamit ng mga karapatan at saligang kalayaan na tinutukoy sa kasalukuyang Pahayag na ito, mag-isa o kapisan ang iba, ay maaring saklawin lamang ng mga limitasyon na nakaayon sa mga nababagay na pandaigdigang obligasyon at ito ay tinitukoy ng mga batas para lamang sa layuning makamit ang nararapat na pagkilala at paggalang sa mga karapatan at saligang kalayaan ng iba at upnag maabot ang katarungang hinihingi ng moralidad, psmpublikong kaayusan, at pangkalahatang kagalingan sa loob ng isang demokratikong lipunan. Artikulo 18 Ang lahat ay may tungkulin tungo sa at sa loob ng komunidad, na kung saan lamang posible ang malaya at hustong pagunlad ng kanyang personalidad. Ang mga indibidwal, grupo, mga institusyon at non-governmental organizations ay may mahalagang papel na gagampanan at responsibilidad sa pangangalaga ng demokrasya, pagtataguyod ng mga karapatang pantao at mga batayang kalayaan at mag________________________________________________ 249

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ ambag sa pagtataguyod at pagsusulong ng mga demokratikong lipunan, institusyon at mga proseso. Ang mga indibidwal, grupo, mga institusyon at nongovernmental organizations ay mayroon ding mahalagang papel at responsibilidad na mag-ambag, kung nararapat, sa pagtataguyod ng karapatan ng lahat para sa isang pandaigdigan at panlipunang kaayusan na kung saan ang mga karapatan at kalayaan na sinasaad sa Pandaigdigang Pahayag ng mga Karapatang Pantao at iba pang mga instrument sa karapatang pantao ay ganap na kinikilala. Artikulo 19 Walang bagay sa pahayag na ito ang mapapakahulugan na ang sino mang indibidwal, grupo o organo ng lipunan o sino mang Estado ay may karapatan na lumahok sa ano mang aktibidad o magsagawa ng anumang gawain nakatuon sa pagkawasak ng mgan karapatan at mga kalayaang tinutukoy sa kasalukuyang Pahayag na ito. Artikulo 20 Walang bagay sa kasalukuyang Pahayag ang magpapakahulugan na nagbibigay pahintulot sa mga Estado na suportahan at itaguyod ang mga aktibidad ng mga indibidwal, grupo ng mga indibidwal, mga institusyon o nongovernmental organizations na salungat sa mga probisyon ng Karta ng Bansang Nagkakaisa. ________________________________________________ 250

________________________________________________

Pandaigdig na Pagpapahayag hinggil sa mga Karapatan ng mga Katutubo


(United Nations Declaration on the Rights of Indigenous Peoples)

________________________________________________ 251

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

ng Pangkalahatang Kapulungan,

Pinapatnubayan ng hangarin at prinsipyo ng Karta ng Nagkakaisang mga Bansa, at mabuting pagtitiwala sa pagpapatupad ng mga obligasyong inako ng mga Estado kaalinsunod sa Karta, Naninindigan na ang mga katutubo ay kapantay ng lahat ng tao, bagaman kinikilala ang karapatan na pagkakaiba ng lahat ng tao, pagsasaalang-alang sa pagkakaiba, at paggalang sa kakanyahan, Naninindigan din na ang lahat ng tao ay nakapag-aambag sa pagkakaiba-iba at kayaman ng sibilisasyon at kultura, kung saan ay nakakaambag sa kabuuan ng pamana ng sangkatauhan, Naninindigan din na ang lahat ng mga paniniwala, panununtunan at kagawian o itinataguyod na kahusayan ng tao o indibidwal batay sa pinagmulang bansa, lahi, relihiyon, katutubo o pagkakaiba ng kultura ay rasismo, walang siyentipikong batayan, walang ligal na pinagbabatayan, kasuklam-suklam at hindi makatarungan, Masidhing pinaninindigan na ang mga katutubo, sa pagsasagawa ng kanilang karapatan, ay karapat-dapat na maging malaya sa anumang diskriminasyon, Nababahala na ang mga katutubo ay nagdurusa ng walang katarungan sa mahabang panahon sanhi ng kolonisasyon at pag-agaw sa kanilang mga lupain, nasasakupan at likas na ________________________________________________ 252

Karapatan ng mga Katutubo ________________________________________________ yaman, na nagiging hadlang upang maisagawa, sa partikular, ang kanilang karapatang umunlad ayon sa kanilang mga pangangailangan at kapakanan, Kinikilala ang kagyat na pangangailangan na galangin at itaguyod ang likas na karapatan ng mga katutubo na nagmula sa kanilang pulitika, ekonomiya at panlipunang estraktura at kultura, espiritwal na tradisyon, kasaysayan at pilosopiya, lalo na ang karapatan sa kanilang mga lupain, nasasakupan at likas-yaman. Katulad rin na pagkilala sa kagyat na pangangailangan na galangin at itaguyod ang karapatan ng mga katutubo na pinagtitibay ng mga tratado, mga kasunduan at iba pang makatutulong na balakin ng mga Estado, Malugod na tinatanggap ang katotohanan na ang mga katutubo ay nagoorganisa ng kanilang mga sarili para sa kanilang pulitikal, pangkabuhayan, panlipunan at pangkalinangan na pagpapaunlad upang tapusin ang anumang uri ng diskriminasyon at panggigipit sa alinmang pagkakataon, Sinasang-ayunan na ang pamamahala ng mga katutubo hinggil sa pag-unlad na makakaapekto sa kanila at kanilang mga lupain, nasasakupan at likas-yaman ay makakatulong sa pagpapanatili at pagpapatatag ng kanilang mga institusyon, kultura at tradisyon, at upang maitaguyod ang kanilang pagunlad na naaayon sa kanilang mga adhikain at pangangailangan, Kinikilala rin na ang paggalang sa katutubong kaalaman, kultura at tradisyonal na gawain ay nakatutulong sa tuloy________________________________________________ 253

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ tuloy at makatarungang pagpapaunlad at angkop na pangangasiwa ng kalikasan, Binibigyan-diin ang kontribusyon ng walang militarisasyon sa mga lupain at nasasakupan ng mga katutubo sa kapayapaan, ekonomiya at panlipunang pagsulong at pag-unlad, pagunawa at maayos na ugnayan sa pagitang ng mga bansa at lahat ng mga tao sa mundo, Partikular na kinikilala ang karapatan ng mga katutubong pamilya at komunidad sa pagpapanatili ng pinagsamang tungkulin sa paggabay, pagsasanay, edukasyon at kagalingan ng kanilang mga anak, alinsunod sa karapatan ng mga bata, Pagsasaalang-alang na ang mga karapatang pinagtitibay ng mga tratado, mga kasunduan at iba pang makatutulong na balakin sa pagitan ng mga bansa at mga katutubo ay, sa ibang pagkakataon, mga bagay na may pananagutan, interes, tungkulin at karakter na pang-internasyonal, Isinasaalang-alang din na ang mga tratado, mga kasunduan at iba pang makatutulong na balakin, at ang ugnayan na kinakatawan nito, ay mga batayan ng matibay na pakikipagtulungan sa pagitan ng mga katutubo at mga Estado, Kinikilala na ang Karta ng Nagkakaisang mga Bansa, ang Pandaigdig na Kasunduan sa mga Karapatang Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkalinangan, at Pandaigdig na Kasunduan sa mga Karapatang Sibil at Pampulitika at pati na rin ang Vienna Declaration at Programme of Action, ay nagpapatibay sa pangunahing kahalagahan ng karapatan ng sariling ________________________________________________ 254

Karapatan ng mga Katutubo ________________________________________________ pagpapasya ng lahat ng mga tao, at sa pamamagitan nito, ay malaya nilang matutukoy ang kanilang pampulitikang katayuan at malayang maisasagawa ang kanilang pangekonomiya, panlipunan at kultural na pag-unlad, Isinasadiwa na walang nakasaad sa Deklarasyong ito na maaaring gamitin upang ipagkaila sa mga tao, and kanilang karapatan sa sariling pagpapasya, isinagawa ng naaayon sa batas internasyonal, Sinasang-ayunan na ang pagkilala sa karapatan ng mga katutubo na napapaloob sa Deklarasyong ito ay magpapatingkad sa maayos na pakikipagtulungan sa pagitan ng Estado at ng mga katutubo, batay sa prinsipyo ng katarungan, demokrasya, paggalang sa karapatang pantao, walang diskriminasyon at mabuting pagtitiwala, Hinihikayat ang mga Estado na tupdin at epektibong ipatupad ang lahat ng kanilang mga tungkulin kaugnay sa mga katutubo na nakabatay sa mga internasyonal na instrumento, lalo na ang may kinalaman sa karapatang pantao, na may pagsangguni at pakikipagtulungan sa mga taong kinauukulan, Binibigyan-diin na ang Nagkakaisang mga Bansa ay may mahalaga at tuloy-tuloy na tungkulin na dapat gampanan sa pagsusulong at pangangalaga sa mga karapatan ng mga katutubo, Naniniwala na ang Deklarasyong ito ay isang mahalaga hakbang pasulong tungo sa pagkilala, pagpapalaganap ________________________________________________ 255

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ at pangangalaga sa mga karapatan at kalayaan ng mga katutubo at sa pagsasagawa ng mga mahahalagang gawain ng sistemang sa Nagkakaisang mga Bansa larangang ito, Kinikilala at pinagtitibay na ang mga katutubong indibidwal ay may karapatan ng walang diskriminasyon sa lahat ng karapatang pantao na kinikilala ng batas internasyonal, at ang mga katutubo ay may angking kolektibong karapatan na mahalaga para sa kanilang pamumuhay, kagalingan at kinakailangang pag-unlad bilang mga tao, Kinikilala din na ang kalagayan ng mga katutubo ay nagkakaiba-iba sa bawat rehiyon at bansa at ang kahalagahan ng pambansa at rehiyonal na partikularidad at ibat-ibang istorikal at pangkultural na karanasan ay dapat kilalanin, Pormal na ipinahahayag ang sumusunod na Pandigdig na Pagpapahayag hinggil sa mga Karapatang ng mga Katutubo bilang isang pamantayan ng tagumpay na kailangang matamo upang maisulong ang tunay na pakikipagtulungan at pantay na paggalang. Artikulo 1 Ang mga katutubo ay may karapatang matamasa, bilang kolektibo o indibidwal, ang lahat ng mga karapatang pantao at mga pangunahing kalayaan na kinikilala sa Karta ng Nagkakaisang mga Bansa, Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao at mga interasyonal na batas para sa karapatang pantao. ________________________________________________ 256

Karapatan ng mga Katutubo ________________________________________________ Artikulo 2 Ang mga katutubo at mga indibidwal ay malaya at pantay sa lahat ng ibang mga tao at mga indibiwal at may karapatan na maging malaya sa anumang uri ng diskriminasyon, sa pagsasagawa ng kanilang mga karapatan, lalo na yaong mga nakabatay sa kanilang katutubong pinagmula at pagkakakilanlan. Artikulo 3 Ang mga katutubo ay may karapatan ng sariling pagpapasya. Sa pamamagitan ng karapatang ito sila ay malayang nagtatakda ng kanilang estadong pampulitika at malayang naisusulong ang pangkabuhayan, panlipunan at pangkalinangan na pag-unlad. Artikulo 4 Ang mga katutubo, sa pagsasagawa ng kanilang karapatang ng sariling pagpapasya, ay may karapatan sa awtonomya o sariling pamamahala sa mga bagay hinggil sa kanilang panloob at lokal na usapin, kabilang dito ang pamamaraan at hakbang kung papaano mapipinansyahan ang kanilang mga pangangailangang pang-awtonomya. Artikulo 5 Ang mga katutubo ang may karapatan na panatilihin at palakasin ang kanilang natatanging pulitikal, legal, pangkabuhayan, panlipunan at pangkalinangan na mga ________________________________________________ 257

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ institusyon, kasabay ng karapatang maging bahagi, kung kanilang nanaisin, sa pampulitika, pangkabuhayan, panlipunan at pangkalinangan na buhay ng Estado. Artikulo 6 Ang bawat isang katutubo ay may karapatan sa nasyonalidad. Artikulo 7 1. Ang bawat isang katutubo ay may mga karapatan na mabuhay, pisikal at mental na integridad, kalayaan at katiyakang pansarili. 2. Ang mga katutubo ay may karapatan na kolektibong mamuhay ng malaya, tahimik at ligtas bilang mga natatanging tao at hindi dapat isailalim sa anumang paglipol o anumang marahas na hakbang, kabilang na ang sapilitang paghihiwalay sa mga anak ng isang grupo papunta sa ibang grupo. Artikulo 8 1. Ang mga katutubo at mga indibidwal ay may karapatan na hindi maisailalim sa sapilitang asimilasyon o pagkasira ng kanilang kultura. 2. Ang mga Estado ay kailangang magbigay ng mabisang pamamaraan upang mapigilan o maiwasto ang mga sumusunod: ________________________________________________ 258

Karapatan ng mga Katutubo ________________________________________________ (a) Anumang aksyon na may layunin o epektong pagbawi sa kanilang integridad bilang natatanging tao, o sa kanilang kultural na pahalaga o katutubong pagkakakilanlan; (b) Anumang aksyon na may layunin o epekto na agawin ang kanilang lupain, nasasakupan o yaman; (c) Anumang anyo ng sapilitang paglipat ng populasyon na may hangarin o bisa na labagin o pahinain ang kanilang ano mang karapatan; (d) Anumang uri ng sapilitang asimilasyon o integrasyon; (e) Anumang uri ng propaganda na may hangarin na palaganapin o udyukan ang panlahi o etnikong diskriminasyon na nakapatungo laban sa kanila. Artikulo 9 Ang mga katutubo at indibidwal ay may karapatan na mapabilang sa isang katutubong komunidad o bansa, na naaayon sa kanilang mga tradisyon at mga kaugalian ng komunidad o bansang kinuukulan. Walang anumang uri ng diskriminasyon na maaring maganap sa pagsasagawa ng ganitong karapatan. Artikulo 10 Ang mga katutubo ay hindi maaari na sapilitang paaalisin sa kanilang mga lupain o nasasakupan. Walang paglikas na maaaring isagawa kung walang malaya, nauuna at ________________________________________________ 259

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ napaalamang pagsang-ayon ng mga katutubong kinauukulan at matapos ang kasunduan sa pagbibigay ng naaayon at makatarungang kabayaran, at kung ito ay nauukol, may karapatang makababalik. Artikulo 11 1. Ang mga katutubo ay may karapatan na isagawa o patingkarin ang kanilang mga pangkultural na tradisyon at kaugalian. Kabilang dito ang mga karapatan na mapanatili, mapangalagaan at mapaunlad ang mga nagdaan, kasalukuyan at hinaharap na mga manipestasyon ng kanilang mga kultura, katulad ng mga arkyolohikal, makasaysayang pook, artepakto, disenyo, seremonya, teknolohiya, at biswal at sining at literatura. 2. Ang mga Estado ay dapat magtakda ng pagwawasto sa pamamagitan ng mga epektibong pamamaraan, na binuo katuwang ang mga katutubo, kabilang na ang pagpapabalik kaugnay sa kanilang kultural, kaalaman, relihiyon at espiritwal na pag-aari na kinuha ng walang malaya, nauuna at napaalamang pagsang-ayon o paglabag sa kanilang batas, tradisyon at kaugalian. Artikulo 12 1. Ang mga katutubo ay may karapatan na ipakita, isagawa, paunlarin at ituro ang kanilang espiritwal at katutubong relihiyon, mga kaugalian at mga seremonya; may karapatang panatilihin, pangalagaan at pribadong makapapasok sa kanilang mga banal at pangkultural na ________________________________________________ 260

Karapatan ng mga Katutubo ________________________________________________ mga pook; may karapatan na gamitin at pamahalaan ang kanilang mga bagay-pangseremonya; at karapatan na maibalik ang mga labi ng kanilang mga yumao. 2. Ang mga Estado ay maghahanap ng paraan upang makuha at/o maibalik ang mga bagay pangseremonya at labi ng yumao na nasa kanilang pag-aari sa pamamagitan ng isang patas, maayos at mabisang pamamaraan, na binuo katuwang ang mga kinauukulang katutubo. Artikulo 13 1. Ang mga katutubo ay may karapatan na pasiglahin, gamitin, paunlarin at ipasa sa susunod na henerasyon ang kanilang mga kasaysayan, wika, oral na tradisyon, pilosopiya, sistema ng pagsulat at literatura, at itakda at panatalilihin ang kanilang mga sariling pangalan ng mga komunidad, lugar at tao. 2. Ang mga Estado ay magsasagawa ng mabisang hakbang upang matiyak na mapangalagaan ang karapatang ito at masiguro na mauunawaan ng mga katutubo at mauunawaan din sila sa mga pulitikal, legal at administratibong hakbang, at kung kinakailangan sa pamamagitan ng pagtatalaga ng tagapaliwanag o iba pang naaangkop na pamamaraan. Artikulo 14 1. Ang mga katutubo ay may karapatan na magtatag at mamahala ng kanilang sistema ng edukasyon at ________________________________________________ 261

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ institusyong nagbibigay ng edukasyon sa sariling wika, sa pamamaraang naaangkop sa kanilang kultural na pamamaraan ng pagtuturo at pagkatuto. 2. Ang mga indibidwal na katutubo, lalo na ang mga bata, ay may karapatan sa lahat ng antas at porma ng edukasyong ipinagkakaloob ng Estado ng walang diskriminasyon. 3. Ang mga Estado ay magsasagawa ng isang mabisang hakbang, katuwang ang mga katutubo, upang ang bawat indibidwal na katutubo, lalo na ang mga bata, kabilang ang mga naninirahan sa labas ng komunidad, ay makakuha, kung kinakailangan, ng edukasyon batay sa kanilang sariling kultura at sa kanilang sariling wika. Artikulo 15 1. Ang mga katutubo ay may karapatan na ikarangal ang pagkakaiba-iba ng kanilang mga kultura, tradisyon, kasaysayan at adhikain na angkop na isinasalarawan sa edukasyon at pampublikong impormasyon. 2. Ang mga Estado ay magsasagawa ng mga mabisang pamamaraan, na may konsultasyon at kooperasyon ng mga kinauukulang katutubo, upang bakahin ang mapinsalang palagay at maalis ang diskriminasyon at mapatingkad ang pagpaparaya, pang-unawa at maayos na ugnayan ng mga katutubo at iba pang bahagi ng lipunan. ________________________________________________ 262

Karapatan ng mga Katutubo ________________________________________________ Artikulo 16 1. Ang mga katutubo ay may karapatan na magtayo ng sariling media sa sariling wika at magkaroon ng pagkakataon na makapasok sa lahat ng media na di pagaari ng mga katutubo ng walang diskriminasyon. 2. Ang mga Estado ay magsasagawa ng mabisang hakbang upang matiyak na ang media na pag-aari ng Estado ay dapat magsalarawan ng pagkakaiba-iba ng katutubong kultura. Titiyakin ng mga Estado, na may pagsasaalangalang sa buong kalagayan sa pagpapahayag, na hikayatin ang mga medyang pampribado na hustong isalarawan ang pagkakaiba-iba ng katutubong kultura Artikulo 17 1. Ang bawat indibidwal na katutubo at tao ay may karapatan na matamasa ang lahat ng karapatang itinatadhana sa ilalim ng naangkop na internasyonal at lokal na batas sa paggawa. 2. Sa pakikipagsangguni at kooperasyon ng mga katutubo, ang mga Estado ay magsasagawa ng partikular na hakbang upang pangalagaan ng mga batang katutubo sa eksploytasyong pangekonomiya at paggawa ng anumang mapanganib na gawain o makakagambala sa pag-aaral ng bata, o anumang mapanganib sa kalusugan o pisikal, mental, espiritwal, moral o panlipunang pag-unlad, isinasaalangalang ang kanilang espesyal na pangangailangan at ang kahalagahan ng edukasyon sa pag-unlad. ________________________________________________ 263

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ 3. Ang mga katutubong indibidwal ay may karapatan na maging ligtas sa anumang mga itinatanging kondisyon ng paggawa, at iba pang kaugnay nito, sa trabaho o pasahod. Artikulo 18 Ang mga katutubo ay may karapatan na makilahok sa pagsasagawa ng desisyon sa mga bagay na makakaapekto sa kanilang mga karapatan, sa pamamagitan ng kinatawang pinili nila ayon sa kanilang pamamaraan, kabilang na ang pananatili at pagpapaunlad sa kanilang katutubong institusyon na pamamaraan ng paggawa ng desisyon. Artikulo 19 Ang mga Estado ay makikipagsangguni at makikipagtulungan sa mga kinauukulang katutubo sa pamamagitan ng kanilang kumakatawan na institusyon upang makuha ang kanilang malaya, nauuna at napaalamang pagsang-ayon bago tanggapin at ipatupad ang lehislatibo o administratibong panuntunan na makakaapekto sa kanila. Artikulo 20 1. Ang mga katutubo ay may karapatan na panatilihin at paunlarin ang kanilang mga pampulitika, ekonomiya at sistemang panlipunan o institusyon, upang matiyak nilang matatamasa ang sariling pamamaraan ng ikinabubuhay at pagpapaunlad at malayang maisagawa ang lahat ng kanilang tradisyonal at iba pang pangkabuhayan na gawain. ________________________________________________ 264

Karapatan ng mga Katutubo ________________________________________________ 2. Ang mga katutubon na binawian ng kanilang sariling pamamaraan ng ikinabubuhay at pagpapaunlad ay may karapatan sa patas at angkop na pagwawasto. Artikulo 21 1. Ang mga katutubo ay may karapatan, ng walang diskriminasyon, sa pagpapaunlad ng kanilang pangekonomiya at kalagayang sosyal, kabilang ang iba pang kaugnay nito, sa larangan ng edukasyon, trabaho, bokasyonal na pagsasanay at muling pagsasanay, pabahay, sanitasyon, kalusugan at panlipunang katiyakan. 2. Ang mga Estado ay magsasagawa ng mabisang hakbang, at kung naaangkop, ng mga espesyal na hakbang upang matiyak ang patuloy na pagpapaunlad ng kanilang mga ekonomiya at kalagayang panlipunan. Partikular na bibigyan ng pansin ang karapatan at espesyal na pangangailangan ng mga matatandang katutubo, kababaihan, kabataan, bata at may mga kapansanan. Artikulo 22 1. Partikular na bibigyan ng pansin ang mga karapatan at espesyal na pangangailangan ng mga matatandang katutubo, kababaihan, kabataan, bata at may mga kapansanan sa pagpapatupad ng Deklarasyong ito. 2. Ang mga Estado ay magsasagawa ng mga hakbang, katuwang ng mga katutubo, upang matiyak na ________________________________________________ 265

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ makakamit ng mga katutubong kababaihan at bata ang buong pangangalaga at katiyakan laban sa anumang uri ng dahas at diskriminasyon. Artikulo 23 Ang mga katutubo ay may karapatan na magpasya at bumuo ng mga prayoridad at estratehiya sa pagsasagawa ng kanilang karapatan sa pagpapaunlad. Sa partikular, ang mga katutubo ay may karapatan na aktibong makibahagi sa paglikha at pagpapasya sa pangkalusugan, pabahay at iba pang pangekonomiya at panlipunang programa na may kinalaman sa kanila, at kung maaari, ay pangasiwaan ang mga programa sa pamamagitan ng kanilang sariling institusyon. Artikulo 24 1. Ang mga katutubo ay may karapatan sa kanilang tradisyonal na gamot at mapanatili ang tradisyonal na pamamaraan ng paggamot, kabilang na ang pangangalaga sa kanilang mahahalagang halamang gamot, hayop at mga mineral. Ang bawat katutubo ay mayroon ding karapatan na makakuha, ng walang diskriminasyon, sa lahat ng serbisyong panlipunan at kalusugan. 2. Ang bawat isang katutubo ay may pantay na karapatan na makamit ang pinakamataas na maaaring maabot na antas ng pisikal at mental na kalusugan. Ang mga Estado ay magsasagawa ng nararapat na hakbang sa hangaring papaunlad na makamit ang kaganapan ng karapatang ito. ________________________________________________ 266

Karapatan ng mga Katutubo ________________________________________________ Artikulo 25 Ang mga katutubo ay may karapatan na mapanatili at mapalakas ang kanilang natatanging ugnayang espiritwal sa kanilang tradisyonal na pag-aari o inuukupahan at ginagamit na mga lupain, nasasakupan, tubig at baybaying dagat at iba pang likas na yaman upang mapatibay ang kanilang tungkulin sa susunod na salin-lahi na nauukol rito Artikulo 26 1. Ang mga katutubo ay may karapatan sa kanilang mga lupain, nasasakupan at likas na yaman na tradisyonal nilang pag-aari, inuukupahan, ginagamit o naangkin. 2. Ang mga katutubo ay may karapatang magmay-ari, gumamit, mapaunlad at mapamahalaanl ang kanilang mga lupain, nasasakupan at likas na yaman na inaangkin sa pamamagitan ng tradisyonal na sistema ng pag-aari o iba pang tradisyonal na pag-ookupa o paggamit, kabilang na ang kanilang mga naangkin o nabili. 3. Ang mga Estado ay magkakaloob ng legal na pagkilala at pangangalaga sa mga lupaing ito, nasasakupan at likas-yaman. Ang pagkilalang ito ay dapat isagawa na may paggalang sa kaugalian, tradisyon at sistema ng pagmamay-ari ng mga kinauukulang katutubo. ________________________________________________ 267

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Artikulo 27 Ang mga Estado ay dapat na magsagawa at ipatupad, katuwang ng mga katutubong kasangkot, ang patas, malaya, walang kinikilingan, bukas at maliwanag na proseso, na nagbibigay ng angkop na pagkilala sa batas ng mga katutubo, tradisyon, kaugalian at sistema ng pagmamay-ari sa lupain, upang kilalanin at pagpasyahan ang karapatan ng mga katutubo na nauukol sa kanilang lupain, nasasakupan at likas na yaman, kabilang ang mga tradisyonal na pag-aari o inuukupahan o ginagamit. Ang mga katutubo ay may karapatan na makilahok sa prosesong ito. Artikulo 28 1. Ang mga katutubo ay may karapatan sa pagwawasto, sa pamamagitan na kasama ang pagpapanumbalik, o kung ito ay hindi na maaring isagawa, sa makatarungan, patas at angkop na kabayaran, sa kanilang mga lupain, nasasakupan at lakas na yaman na tradisyonal nilang pagmamayari o inuukupahan o ginagamit, na kung saan ay sapilitang inagaw, kinuha, inukupahan, ginamit o sinira ng walang malaya, nauuna at napaalamang pagsang-ayon. 2. Maliban lamang kung ito ay malayang napagkasunduan ng mga taong kasangkot, ang kabayaran ay dapat isagawa sa porma ng mga lupain, nasasakupan at likas-yaman na katulad ng uri, laki at legal na katayuan o salapi o iba pang naaangkop na kabayaran. ________________________________________________ 268

Karapatan ng mga Katutubo ________________________________________________ Artikulo 29 1. Ang maga katutubo ay may karapatan na pangalagaan at proteksyonan ang kanilang kapaligiran at kapasidad sa produksyon ng kanilang mga lupain o nasasakupan at likas-yaman. Ang mga Estado ay magsasagawa at magpapatupad ng mga programang tutulong sa mga katutubo sa ganitong pangangalaga at proteksyon, ng walang diskriminasyon. 2. Ang mga Estado ay magsasagawa ng mabisang hakbang upang matiyak na walang magaganap na pag-iimbak o pagtatapon ng mga mapanganib na bagay sa mga lupain o nasasakupan ng mga katutubo ng walang malaya, nauuna at napaalamang pagsang-ayon. 3. Ang mga Estado ay magsasagawa ng mga mabisang hakbang upang matiyak, kung kinakailangan, na ang mga programang magmomonitor, magpapanatili, at magpapanumbalik sa kalusugan ng mga katutubo, na bubuuin at ipatutupad ng mga taong naapektuhan ng nabanggit na materyal, ay karampatang napapatupad. Artikulo 30 1. Walang gawaing militar na maaaring ipatupad sa mga lupain o nasasakupan ng mga katutubo, maliban lamang kung ito ay may batayang kinauukulang pampublikong interes o kung ito ay malayang napagkasunduan o hiniling ng mga kinauukulang katutubo. ________________________________________________ 269

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ 2. Ang mga Estado ay magsasagawa ng mabisang konsultasyon sa mga kinauukulang katutubo, sa pamamagitan ng angkop na pamamaraan at sa partikular sa kanilang mga institusyong kumakatawan, bago gamitin ang kanilang lupain o nasasakupan sa gawaing militar. Artikulo 31 1. Ang mga katutubo ay may karapatang panatilihin, pamahalaan, pangalagaan at paunlarin ang pamana ng kanilang lahi, tradisyonal na kaalaman at tradisyonal na kultural na pagpapahayag, kabilang ang mga manipestasyon ng kanilang mga agham, teknolohiya at kultura, kabilang rito ang pantao at henetikong kayamanan, binhi, gamot, kaalaman sa mga katangian ng mga hayop at halaman, oral na tradisyon, literatura, disenyo, palakasan at tradisyonal na laro, biswal at sining. Mayroon din silang karapatan na panatilihin, pamahalaan, pangalagaan, at paunlarin ang kanilang pag-aaring kaalaman sa mga pamana ng lahi na kultural, tradisyonal na kaalaman, at mga tradisyonal na pangkultural na pagpapahayag. 2. Katuwang ang mga katutubo, ang mga Estado ay magsasagawa ng mabisang hakbang sa pagkilala at pangangalaga sa katuparan ng nabanggit na karapatan. Artikulo 32 1. Ang mga katutubo ay may karapatan na magtakda at bumuo ng mga prayoridad at estratehiya sa pagpapaunlad ________________________________________________ 270

Karapatan ng mga Katutubo ________________________________________________ o paggamit ng kanilang mga lupain o nasasakupan at iba pang likasyaman. 2. Isasangguni ng mga Estado at maayos na makikipagtulungan sa mga kinauukulang katutubo sa pamamagitan ng kanilang sariling mga institusyon na kumakatawan upang makuha ang kanilang malaya, nauuna at napaalamang pagsangayon bago mabigyan ng pahintulot ang anumang proyekto na makakaapekto sa kanilang mga lupain o nasasakupan at iba pang likas-yaman, lalo na ang mga may kinalaman sa pagpapaunlad, paggamit o eksploytasyon ng mineral, tubig at iba pang likas-yaman. 3. Ang mga Estado ay magtatakda ng mga mabisang pamamaraan para sa makatarungan at naaangkop na kabayaran sa anumang katulad na gawain, at magsasagawa ng naaangkop na pamamaraan upang maibsan ang bigat ng pinsalang naidulot sa kapaligiran, pangkabuhayan, panlipunan, pangkalinangan o espiritwal. Artikulo 33 1. Ang mga katutubo ay may karapatan na magtakda ng pagkakakilanlan o kasapian na naaayon sa kanilang kaugalian at tradisyon. Ito ay hindi makakapahina sa karapatan ng bawat indibidwal na katutubo na makakuha ng pagkamamamayan ng Estado na kanilang kinabibilangan. 2. Ang mga katutubo ay may karapatan na itakda ang istraktura at pumili ng kasapian ng kanilang ________________________________________________ 271

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ mga institusyon na naaayon sa kanilang sariling pamamaraan. Artikulo 34 Ang mga katutubo ay may karapatan na isulong, paunlarin at panatilihin ang mga istraktura ng kanilang institusyon at natatanging kaugalian, espiritwalidad, tradisyon, pamamaraan, kagawian at, kung mayroon, sistemang hukom o kaugalian, na naaayon sa internasyonal na pamantayan ng karapatang pantao. Artikulo 35 Ang mga katutubo ay may karapatan na itakda ang tungkulin ng bawat indibidwal sa kanilang komunidad. Artikulo 36 1. Ang mga katutubo, lalo na ang mga nahahati ng mga internasyonal na hangganan, ay may karapatan na panatilihin at paunlarin ang mga pakikitungo, relasyon at pakikipagtulungan, kabilang ang mga gawain pangespiritwal, pangkalinangan, pulitikal, pangkabuhayan at panlipunang layunin, sa kanilang mga kasapi kabilang ang mga tao na nasa kabilang hangganan. 2. Ang mga Estado, sa pamamagitan ng pakikipagsangguni at pakikipagtulungan sa mga katutubo, ay magsasagawa ng mabisang paraan upang maayos na maisagawa at matiyak ang pagpapatupad ng karapatang ito. ________________________________________________ 272

Karapatan ng mga Katutubo ________________________________________________ Artikulo 37 1. Ang mga katutubo ay may karapatan sa pagkilala, pagtalima at pagpapatupad ng mga tratado, mga kasunduan at iba pang makabubuting balakin na napagkasunduan ng mga Estado o kanilang kahalili at magkaroon ng Estadong dangal at paggalang sa mga naturang tratado, mga kasunduan at iba pang makabubuting balakin. 2. Wala sa deklarasyong ito na may kahulugan na pagmamaliit o pag-alis sa karapatan ng mga katutubo na nakapaloob sa mga tratado, mga kasunduan at iba pang makabubuting balakin. Artikulo 38 Ang mga Estado, sa pamamagitan ng pakikipagsangguni at pakikipagtulunga sa mga katutubo, ay magsasagawa ng nararapat na hakbang kabilang ang mga lehislatibong pamamaraan, upang makamtan ang layunin ng Deklarasyong ito. Artikulo 39 Ang mga katutubo ay may karapatan na makakuha ng tulong pinansyal at teknikal mula sa mga Estado at sa pamamagitan ng internasyonal na pakikipagtulungan, upang makamtan ang mga karapatang napapaloob sa Deklarasyon ito. Artikulo 40 Ang mga katutubo ay may karapatan na makakuha ng impormasyon at maagap na desisyon sa pamamagitan ng ________________________________________________ 273

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ makatarungan at patas na pamamaraan sa pagpapasya ng mga hidwaan at pagtatalo sa mga Estado o ng iba panig, kabilang na ang mga mabisang panlunas sa lahat ng paglabag sa kanilang mga indibidwal at kolektibong karapatan. Ang desisyong ito ay dapat na mabigyan ng nararapat na pagsasaalang-alang sa kaugalian, tradisyon, batas at ligal na sistema ng mga kinauukulang katutubo at internasyonal na karapatang pantao. Artikulo 41 Ang mga sangay at natatanging ahensya ng sistema ng Nagkakaisang mga Bansa at iba pang organisasyong intergobermental ay tutulong upang lubos na maipatupad ang mga itinatadhana ng Deklarasyong ito sa pamamagitan ng pagpapakilos, kabilang na, ng pinansyal na kooperasyon at teknikal ng tulong. Magsasagawa ng ibat ibang pamamaraan upang matiyak ang pakikilahok ng mga katutubo sa mga isyung makakaapekto sa kanilang buhay. Artikulo 42 Isusulong ng Nagkakaisang mga Bansa, ng mga sangay nito, kabilang ang Permanent Forum on Indigenous Issues, at mga natatanging ahensiya, kabilang ang mga nasa pambansang antas, at mga Estado, ang paggalang at lubos na pagpapatupad sa mga itinatadhana ng Deklarasyong ito at susubaybayan ang pagkamabisa ng Deklarasyong ito. ________________________________________________ 274

Karapatan ng mga Katutubo ________________________________________________ Artikulo 43 Binubo ng mga karapatan na kinikilala rito ang batayang pamantayan para sa kaligtasan, dangal at kagalingang pantao ng mga katutubo sa buong mundo. Artikulo 44 Ang lahat ng karapatan at kalayaan na kinikilala rito ay tinitiyak na pantay sa lalaki at babae na katutubong indibidwal. Artikulo 45 Wala sa Deklarasyong ito na maaaring pakahulugan na pagbawas o pagpatay sa mga kasalukuyang karapatan ng mga katutubo, o mga karapatang maaari nilang makuha sa panghinaharap. Artikulo 46 1. Wala sa Deklarasyong ito na maaaring ipakahulugan na nagpapahiwatig sa alinmang Estado, mga tao, grupo o tao ng anumang karapatan na magsagawa ng anumang gawain o hakbang na sumasalungat sa Karta ng Nagkakaisang mga Bansa o may kahulugang nagbibigay kapangyarihan o nanghihimok ng ano mang kilos na maghihiwalay o makakapinsala, sa kabuuan o bahagi, ng integridad ng teritoryo o pampulitikang pagkakaisa ng mga malaya at nagsasariling mga Estado. ________________________________________________ 275

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ 2. Igagalang ang karapatang pantao at pangunahing kalayaan sa paggamit ng mga nabanggit na karapatan sa Deklarasyong ito. Ang mga karapatang itinatakda ng Deklarasyong ito ay sasailalim lamang sa limitasyong itinatakda ng batas, at naaayon sa obligasyon ng internasyonal na karapatang pantao. Anumang limitasyon ay nararapat na walang pagkiling at kailangan lamang sa layuning titiyaking naaangkop ang pagkilala at paggalang sa mga karapatan at kalayaan ng iba at sa pagkamit ng makatarungan at masidhing pangangailangan ng isang demokratikong lipunan. 3. Ang mga itinatadhana sa Deklarasyong ito ay uunawain ayon sa prinsipyo ng katarungan, demokrasya, paggalang sa karapatang pantao, pagkapantay-pantay, walang diskriminasyon, maayos na pamamahala at adhikain.

________________________________________________ 276

________________________________________________

(Optional Protocol to the United Nations Convention against Torture and other Cruel, Inhuman or Degrading Treatment or Punishment (OPCAT))

Opsyonal na Protokol kaugnay ng Kumbensyon Laban sa Tortyur1

_________________________
1

________________________________________________ 277

Mula sa praymer ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP)

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

no ang tortyur?

Ang tortyur ay isang matindi, kundi pinakamatinding pagyurak sa dignidad ng tao. Ito ay malinaw na paglabag sa karapatang pantao. Sa kahit anong anyo o paraan isagawa ang tortyur mula sa pamamalo hanggang pangunguryente, pisikal hanggang sekswal na pang-aabuso ito ay nagiiwan ng malalim at pangmatagalang sugat, hindi lamang sa katawan at psyche ng mga biktima at ng kanilang pamilya, kundi pati na rin sa pundasyon ng ating lipunan. Ang tortyur ay yumayanig sa bawat isa sa atin. Itinatadhana ng mga probisyon ng Universal Declaration of Human Rights (UDHR) at ng International Convention on Civil, Political Rights (ICCPR) na walang sino man ang maaaring itortyur o pagdanasin ng anumang malupit, at di makatao o nakabababang pagkatao na pagtrato o pagpaparusa. Ang Kumbensyon Laban sa Tortyur ng Nagkakaisang Bansa o United Nations Convention Against Torture (UNCAT) ay isang pandaigdigang kasunduan na nagbabawal sa tortyur o anumang malupit, at di makatao o nakabababang pagtrato o pagpaparusa. Itinatakda nito ang mga pamantayan para sa mga pamamaraan na dapat ipatupad ng mga bansa hinggil sa pagbabawal ng tortyur sa pambansa at pandaigdigang antas katulad ng pagsasagawa ng imbestigasyon at pagpataw ng parusa sa mga gumagawa nito. Ang batas na ito ay pinagtibay at ibinukas sa paglagda, ratipikasyon at aksesyon (accession) ng Pangkalahatang Asemblea ng Nagkakaisang Bansa (United Nations General Assembly) noong ika-10 ng Disyembre 1984. Nagkaroon ito ng bisa noong ika-26 ng Hunyo 1987. ________________________________________________ 278

Kumbensyon Laban sa Tortyur ________________________________________________ Batay sa UNCAT, ang tortyur ay isang paraan na sadyang ginagawa sa isang tao upang padanasin ng matinding sakit at paghihirap ang isang tao, pisikal man o mental. Itoy naglalayong makakuha ng impormasyon mula sa kanya o kaya ay paaminin siya, o kaya ay parusahan sa isang bagay na kanyang nagawa o pinag-sususpetsahan pa lang na ginawa niya. Ito ay isa ring pananakot sa tao o isa pang tao, o kaya ay diskriminasyon sa ano pa mang tipo. Dagdag dito, matatawag ding tortyur ang isang bagay kung ang sakit at paghihirap na idinulot nito ay isinagawa ng, o sa instigasyon ng, o pagpapahintulot ng isang opisyal ng gobyerno o kung sino pa mang tao na may opisyal na kapasidad. Hindi kasama rito ang mga sakit at paghihirap na idinulot ng mga legal na hakbang na parusang itinakda ng batas. Ano ang obligasyon ng Pilipinas tungo sa pagpigil ng tortyur? Pinanghahawakan ng Pilipinas ang prinsipyo ng pagpigil sa tortyur matapos itong sumang-ayon sa pamamagitan ng paglagda nito sa Kumbensyon Laban sa Tortyur at iba pang Di Makatao na Pagtrato at Pagpaparusa (Convention Against Torture and Other Cruel, Inhuman or Degrading Treatment or Punishment). Tinitiyak ito sa Artikulo III Seksyon 19 (2) ng Saligang Batas ng Pilipinas na nagsasaad na ang pagpataw ng pisikal, sikolohikal, o kaparusahang nagpapababa sa katauhan ng isang bilanggo o detenido, o paggamit ng wala sa pamantayan o di sapat na pasilidad sa bilangguan sa ilalim ng hindi makataong kalagayan ay mananagot sa batas. ________________________________________________ 279

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Dagdag pa, bilang kasapi ng UN, ang Pilipinas ay nasasaklawan ng mga prinsipyong itinakda ng iba pang mga pandaigdigang batas (instrumento) na may kinalaman sa proteksyon ng karapatang pantao at pagpigil sa tortyur. Ang mga ito ay iniisa-isa sa ibaba upang ipakita kung gaano karaming kasunduan ang nalalabag ng ating pamahalaan sa tuwing ito ay tuwiran o hindi tuwirang nagsasagawa ng tortyur o habang ang malawakang pagsasagawa nito ay napapahintulutang mangyari. Mga Pandaigdigang Tratado/Kasunduan UN Charter International Convention on Economic, Social and Cultural Rights (ICESCR) 1st Optional Protocol to the ICCPR 1st Optional Protocol to the ICCPR International Convention on the Elimination of All Forms of Racial Discrimination Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women Convention on the Rights of the Child Ang paggamit ba ng tortyur ay laganap sa Pilipinas? Isinasaad ng batas ang mga particular na probisyon kung paano ang isang pinaghihinalaang gumawa ng krimen ay nararapat na padaanin sa proseso ng hustisya mula sa kanyang pagkakaaresto hanggang sa pagpataw ng parusa at pagdala sa kanya sa mga institusyong koreksyunal. Ang mga ________________________________________________ 280

Kumbensyon Laban sa Tortyur ________________________________________________ probisyong ito ay sapat na upang tiyakin na ang batayang karapatan ng isang indibidwal ay kinikilala at iginagalang. Sa kabila ng mga probisyon ng batas, at pagsang-ayon ng Pilipinas sa mga pandaigdigang kasunduan, ang paggamit ng tortyur ay nananatiling laganap sa ating bansa. Ang mga inaresto dahil sa ibat ibang pagkakasala o kahit pinaghihinalaan pa lamang magaan man o mabigat ang kaparusahan, ordinaryo man o kaya ay krimeng politikal ay palagian nang dumaranas ng pagkawala ng dignidad, pagkapahiya, at di makataong pagtrato sa kamay ng mga ahente ng pulisya, militar at iba pang ahensyang tagapagpairal ng batas. Malaki at malayo ang kaibahan ng reyalidad na ipinapakita ng mga datos kaysa sa mga itinatadhana ng kasunduan at sa mga prinsipyong napapaloob dito na dapat ay mahigpit na sinusunod at pinapatupad dahil ang ating bansa ay sumang-ayon dito. Patuloy ang pangangampanya ng mga nasa civil society at ilang mga mambabatas at opisyal ng pamahalaan para sa agarang pagpapasa ng batas laban sa tortyur dito sa Pilipinas. Ang pagsasabatas at pagpapatupad nito ay magdudulot ng pagbuti ng kalagayan, subalit hindi ito magiging sapat sa isang bansa na ang paggamit ng tortyur ay bahagi na ng kultura ng pagpapairal ng batas. Nangangailangang gamitin ang mga umiiral na batas o instrumento at mekanismo at na pipigil sa tortyur para higit na mas mapatibay pa ang pangangalaga sa karapatang pantao. Ang paglaban sa tortyur ay nagsimula noon pang dekada 70 ng nabuo ang dalawang (magkasalungat subalit) ________________________________________________ 281

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ magkatuwang na pagdulog. Ang unang pamamaraan ay paglaban sa impunidad (pagligtas sa kasalanan ng nagtotortyur) sa pamamagitan ng paghahabla sa kanila. Sa pilosopiyang ito, mapipigilan ang patuloy na pagsasagawa ng tortyur sa pamamagitan ng legal na proseso na magpapatigil sa impunidad. Samantala, ang ikalawa naman ay sa paraan ng independyenteng pagdalaw sa mga lugar ng detensyon. Ito ang isinusulong na pilosopiya ng OPCAT. Sa pamamagitan nito, mabisang mapipigilan ang tortyur sa pamamagitan ng pagbubuo at pagpapatatag ng relasyong may pagtitiwala sa mga susing kinauukulan. Ano ang Optional Protocol? Ang Optional Protocol para sa Convention Against Torture (OPCAT) ay isang mekanismo na pinagtibay ng UN noong Disyembre 18, 2002 upang mapigilan ang tortyur. Layunin nito ang pagkakaroon ng sistema ng regular na pagdalaw sa lugar ng detensyon o kung saanman ang tao ay pinagkaitan ng kalayaan. Ang mga pagdalaw ay isasagawa ng mga eksperto mula sa independyenteng pandaigdigan at pambansang grupo. Ang mga bansang nagratipika dito ay obligadong pahintulutan ang mga nabanggit na mga grupo na makadalaw sa mga lugar ng detensyon o bilangguan. May karapatan ang mga eksperto na mangalap at tumanggap ng impormasyong may kinalaman sa mga detenido o bilanggo mula sa opisyal ng pamahalaan. Maaari nilang hingin sa mga bansa na sundin ang mga mungkahi na mabubuo batay sa resulta ng kanilang pagdalaw. Tungkulin ng mga grupong ito na payuhan at tulungan ang bansa na masolusyunan ang mga problemang ________________________________________________ 282

Kumbensyon Laban sa Tortyur ________________________________________________ inihain sa kanila. Ang OPCAT ay kaiba sa mga dati nang umiiral na mekanismo ng UN. Sa halip na tumugon lamang pagkatapos ng insidente ng tortyur, ang OPCAT ay naglalayong mapigilan ang tortyur, ang kahila-hilakbot na kalagayan sa detensyon, at ang di mabuti at nakabababang pagkatao na pagtrato sa mga nakulong at nabilanggo. Anong bansa ang maaaring magratipika ng OPCAT? Ang mga bansang sumang-ayon at nagratipika sa UN Convention Against Torture (CAT) ang maaari lamang sumang-ayon o magratipika sa OPCAT. Ang Pilipinas ay kabilang sa Estadong Panig (State Party) sa CAT ay naratipikahan noong 1986 at pagkatapos ay sinangayunan (acceded) noong 1987. Mula nang pagtibayin ng Pangkalahatang Kapulungan ng Nagkakaisang Bansa (UN General Assembly), ang OPCAT ay bukas na sa paglagda ng mga bansang kasapi ng UN. Ang mga bansang lumagda na dito ay maaari ng magratipika. Sa kadahilanang 20 bansa na ang nagratipika nito, ang OPCAT ay nagkabisa na noong ika-22 ng Hunyo 2006. Sa panahon ng pagkakasulat ng praymer na ito, 61 bansa na sa buong mundo ang lumagda at 34 dito ay nagratipika na. Dahil sa ang kinakailangang bilang ng ratipikasyon ay naabot na, lahat ng kasaping estado ay nararapat nang sang-ayunan ang tratado at sundin ang kasunduan na nakapaloob sa bawat probisyon nito. Ang UN Committee Against Torture ay may tungkuling magbigay ng tulong sa mga bansang ito upang makasunod sa mga itinakdang pamantayan batay sa napagkasunduan. Ang Optional Protocol to the Convention ________________________________________________ 283

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Against Torture ay nagkabisa noong ika-22 ng Hunyo, isang buwan matapos ang pagratipika ng Bolivia at Honduras. Ang unang pagpupulong ng mga Estadong Panig ay itinakda sa Disyembre 2006. Bakit kailangang ratipikahan ang OPCAT? Sa kabila ng katotohanang ipinagbabawal na ng mga pandaigdigang batas ang tortyur at iba pang di mabuting pagtrato, patuloy pa rin ang ganitong malawakang uri ng pang-aabuso sa Pilipinas. Ang mga taong pinagkaitan ng kalayaan ang mga detenido at bilanggo ay mas nasa panganib dahil sila ay nakadepende lamang sa mga awtoridad para sa kanilang mga batayang pangangailangan at karapatan. Hindi tulad ng ibang pandaigdigang tratado, inihahain ng OPCAT ang isang paraang naglalatag ng mga kongkretong hakbang para pigilan ang mga ganitong paglabag sa mga lugar ng detensyon at bilangguan. Maliban sa pagsasagawa ng batas na gawing krimen ang tortyur, may pangangailangan pa ring bigyan ng solusyon ang ganitong suliranin sa iba pang paraan. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng sistema ng pagmomonitor kasabay ng pagpapatupad ng batas na nagbabawal dito, ang karaniwang paggamit ng tortyur ay malilimitahan kundi man ito mapipigilan. Paano mapipigil ng pagdalaw ang tortyur at iba pang hindi mabuting pagtrato? ________________________________________________ 284

Kumbensyon Laban sa Tortyur ________________________________________________ Batay sa mga karanasan, ipinapakita na ang pagdalaw sa mga lugar ng detensyon ay isa sa pinakaepektibong paraan upang mapigilan ang tortyur at mapabuti ang kalagayan sa detensyon. Ang pagdalaw, bukod sa nakapipigil na epekto nito, ay nagbibigay daan upang alamin at masuri ng eksperto kung paano tinatrato ang mga taong pinagkaitan ng kalayaan at kanilang mga kalagayan sa detensyon. Maraming suliranin ang mauugat sa kakulangan ng mga sistema na maaring masolusyunan sa pamamagitan ng regular na pagmomonitor. Ang mga eksperto na magsasagawa ng pagdalaw ay makakagawa ng rekomendasyon para mas mapabuti ang kalagayan at magkaroon ng konstruktibong pakikipag-usap sa mga kinauukulan upang matulungan sila na maresolbahan ang mga natukoy na problema. Paano gumagana ang Optional Protocol? Sa pamamagitan ng OPCAT, maitatatag ang sistema ng regular na pagdalaw sa lugar ng detensyon kung saan ang tao ay pinagkaitan ng kalayaan. Ito ay magkatuwang na isasagawa ng mga eksperto mula sa mga independyenteng pandaigdigan at pambansang grupo. Ang mga Estadong Panig ay may obligasyon na pahintulutan ang mga pagdalaw ng mga eksperto kahit wala itong paabiso. Ang OPCAT ay isang bagong pamamaraan sa pagpigil sa tortyur, di tulad ng ibang mekanismo na isinasagawa lamang pagkatapos na ang pagtortyur ay naganap na. ________________________________________________ 285

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Dagdag pa, habang ang mga umiiral na mekanismong ito ay kumukondena sa mga estadong may pakikipagtunggali, ang bagong sistema naman ay tutulong sa mga bansa sa pamamagitan ng prosesong kompidensyal ng bukas na pakikipag-usap at pagtutulungan. Ang OPCAT ay katangi-tangi sa pagtatakda nito ng ugnayan sa pagitan ng ginagawang pagsisikap sa pandaigdigan at pambansang antas, na naglalayong matiyak ang epektibo at lubusang pagpapatupad nito sa nabanggit na mga antas. Ano ang gagawin ng mga dumadalaw na pandaigdigan at pambansang kinatawan? Ang mga pandaigdigan at pambansang kinatawan ay magsasagawa ng regular na pagdalaw sa anumang lugar ng detensyon, sila ay maaring magsagawa ng pribadong pakikipanayam sa mga piling tao. Pagkatapos ng pagdalaw, sila ay gagawa ng rekomendasyon kung paano mas mapapabuti pa ang pagtrato at kalagayan ng mga taong ikinulong at pinagkaitan ng kalayaan. Upang matiyak ang pagtutulungan, ang ulat ng Subcommittee ay magiging kumpidensyal, maliban kung may pahintulot ang bansa para sa paglalathala nito o kaya ay nabigo ang isang bansa na makipagtulungan sa mga dumadalaw na eksperto. Ang pagiging kumpidensyal ay hindi na kinakailangan para sa mga dumadalaw na pambansang grupo. Ito ay patuloy na makikipag-ugnayan sa mga kinauukulan upang maipatupad ________________________________________________ 286

Kumbensyon Laban sa Tortyur ________________________________________________ ang mga rekomendasyon nila. Mahigpit ang kanilang magiging ugnayan sa gawain, kabilang na ang pagpapalitan ng impormasyon at mga payo. Ano ang UN Subcommittee on Prevention? Ang subcommittee sa United Nations Convention Against Torture ay isang bagong grupo na pandaigdigan na gagampan para maisaayos ang isang sistema ng pagdalaw. Ang grupong ito na tinatawag na subcommittee on prevention ay bubuuin ng sampung (10) eksperto. Sila ay independyente, dalubhasa mula sa ibat ibang larangan ng disiplina na nagtataglay ng mataas na katangiang moral, at may karanasang propesyunal sa larangan ng pamamahala ng hustisya, lalo na sa mga batas sa krimen, pagbibilanggo, pamamahala ng pulisya at bilangguan, o kaya ay may mga karanasan sa iba pang larangan na may kinalaman sa pagtrato ng mga taong pinagkaitan ng kalayaan. Ang mga kasapi ng grupong ito ay ihahalala ng mga Estadong Panig. Ang sampung kasapi ng Subcommittee on Prevention ay may mandato o tungkuling magsagawa ng pagdalaw sa mga lugar ng detensyon sa lahat ng Estadong Panig at magsagawa ng rekomendasyon hinggil sa proteksyon ng mga taong pinagkaitan ng kalayaan. Ang Subcommittee on Prevention ay maaring dumalaw sa mga bilangguan, istasyon ng pulisya, psychiatric institutions (para sa mga taong pinaospital nang sapilitan), lugar ng detensyon sa mga base military, lugar ng detensyon para sa mga naghahangad ng pagkanlong ng ibang bansa, lugar ng detensyon sa mga tanggapan ng imigrasyon, ________________________________________________ 287

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ lugar ng detensyon sa mga kabataan at lugar ng detensyon para sa mga may kasong administratibo. Magbibigay payo at tutulong ang Subcommittee sa mga Estadong Panig para sa pagtatatag ng Pambansang Mekanismo sa Pagpigil ng Tortyur (National Preventive Mechanisms), pananatilihin ang direktang pakikipagugnayan dito at maglalaan ng pagsasanay at tulong teknikal. Ano ang National Preventive Mechanism (NPM)? Ang ikalawang bahagi ng sistema ng pagmonitor ay ang pagsasagawa ng pagdalaw ng pambansang grupo. Ang Estadong Panig ay nangangailangan na magbuo ng pambansang mekanismo sa pagpigil sa tortyur sa loob ng isang taon matapos maipatupad ang OPCAT. Ayon sa Artikulo 3 ng OPCAT, Ang Estadong Panig (State Party) ay inaatasang magbuo, magtalaga at magmintina sa pambansang antas ng isa o higit pang grupo na magsasagawa ng pagdalaw para pigilan ang tortyur, iba pang malupit, at di makataong pagtrato o pagpaparusa sa tao. Dahil dito, ang mga komisyon sa karapatang pantao, ang Ombudsman, mga komisyong parliyamentaryo, o mga NGO ay maaring italaga para mabuo ang pambansang grupo na magsasagawa ng pagdalaw. Bagaman malaya ang estado na pumili ng anumang mekanismo na sa tingin nito ay angkop sa partikular nitong kalagayan, ang grupong dumadalaw ay kinakailangang makatugon sa mga pamantayan upang matiyak na walang panghihimasok na magmumula sa pamahalaan, na may kakayahan itong maging independyente, may propesyunal ________________________________________________ 288

Kumbensyon Laban sa Tortyur ________________________________________________ silang kaalaman, pantay na bilang at pagtingin sa kasarian at may sapat na kinatawan mula sa etnikong mga grupo. Upang matiyak ang independyenteng paggampan ng National Preventive Mechanism, ang estadong miyembro ay dapat magbigay ng nararapat na pagsasaalang-alang sa mga prinsipyong nauugnay sa katayuan ng mga pambansang institusyon para sa pagtataguyod at pangangalaga ng karapatang pantao. Ang NPM, kapag naitatag na ay may sumusunod na kapangyarihan: Magsagawa ng regular na pagsusuri sa kalagayan ng mga taong pinagkaitan ng kalayaan sa mga lugar ng detensyon na may pagbibigay pansin sa pagpapatibay, kung kinakailangan, ng sistema ng proteksyon laban sa tortyur, iba pang malupit at di makatao o nakakababang pagtrato at pagpaparusa sa tao. Maghain ng mga rekomendasyon sa mga kinauukulan upang mas higit na mapabuti ang kalagayan at pagtrato sa mga taong pinagkaitan ng kalayaan, at mapigilan ang tortyur, at iba pang malupit, di makatao o nakabababang pagkatao na pagtrato at pagpaparusa nang may pagsasaalang-alang sa mahahalagang pamantayan ng Nagkakaisang Bansa (UN). Magsumite ng mga mungkahi at obserbasyon ukol sa mga umiiral o panukalang batas. Ano ang mga lugar na dadalawin? Malawak ang saklaw ng depinisyon ng lugar ng detensyon batay sa OPCAT at kinapapalooban ito ng: istasyon ng pulis, istasyon ng puwersang panseguridad, bilangguan para sa ________________________________________________ 289

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ taong pinababalik sa bansang pinagmulan, piitan para sa mga naghihintay ng paglilitis, bilangguan para sa nahatulan na ng batas, piitan para sa kabataan, piitan ng mga tanggapan ng imigrasyon, transit zones sa mga pandaigdigang paliparan at pantalan, piitan para sa naghahangad ng pagkanlong ng ibang bansa, psychiatric institutions at piitan para sa may kasong pang-administratibo. Sinong makikinabang sa pagraratipika ng OPCAT sa Pilipinas? Ang magkatuwang na pagdalaw ng Subcommittee on Prevention at National Preventive Mechanism ay magpapatatag sa proteksyon ng mga taong pinagkaitan ng kalayaan na hindi na kinakailangan pa ng proseso ng hukuman. Sinuman na nasa kustodiya ng awtoridad sa mga bilangguan o lugar ng detensyon ay may pagkakataon na makaiwas sa tortyur at makakaasa ng mas pinabuting kalagayan sa kulungan kung maisasagawa ang pagdalaw sa dahilang ito pa rin ang isa sa pinakaepektibong paraan ng pagsugpo ng tortyur at pagpapabuti ng kondisyon sa kulungan. Dahil magiging patuloy ang pagtulong sa mga opisyal ng estadong miyembro ng mga pandaigdigan at pambansang kinatawan hinggil sa pagsasakatuparan ng kanilang rekomendasyon matapos ang isinagawang pagdalaw, mas maihahanda ang pagpapabuti sa sistema, na magdudulot ng mas magandang patutunguhan ng nakapiit at nangangasiwa sa detensyon. Ang mga opisyal ng bansa na responsible sa pangangalaga ng mga nakakulong ay magkakaroon ng pagkakataong paunlarin ang kanilang kasanayan at ________________________________________________ 290

Kumbensyon Laban sa Tortyur ________________________________________________ propesyonalismo sa kanilang larangan at mahihikayat at mapapaunlad ang kamalayan sa hustisya ng kanilang tauhan. Sa panahong napatatag na ang pagtitiwala at pagtutulungan ng grupong dumadalaw, ng National Preventive Mechanism at mga awtoridad ng bansa, mas mapapaunlad na ang pamantayan sa pangangasiwa ng hustisya, pangangasiwa ng pulisya at military, at ang pagpigil sa tortyur ay maisasakatuparanna. Sa pamamagitan ng pagiinstitusyunalisa ng maayos na sistema ng pagmomonitor at pagpigil sa tortyur, mabibigyang-daan ang pagkakaroon ng mahusay at sistematikong palitan ng kaalaman sa bawat panig na magbubunsod sa isang progresibong pagpapalit ng istruktura at gawi ng estado. Kinakailangang tumagos sa mga batas, mga sistemang legal, at sistema ng kapangyarihan at pagkontrol ng estado ang pagpigil sa tortyur, dahil sa ang paglabag sa karapatang pantao ay karaniwang nagaganap bunga ng aksyon ng pamahalaan. Ang OPCAT ay binalangkas upang ang pamahalaan ay aktibong makalahok sa pagpigil ng tortyur. Ang pagraratipika nito sa Pilipinas ay magdudulot ng malalimang pagbabago sa sistema na ang ultimong kapakinabangan ay para sa lahat. Paano ba makakatulong at ano ang mga magagawa upang isulong ang kampanya sa pagraratipika ng OPCAT? Habang nililimbag ang praymer na ito, mayroon nang 61 bansa sa daigdig ang lumagda dito at 34 sa kanila ay nakapagratipika na. ________________________________________________ 291

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Ang OPCAT ay nagkaroon na ng bisa noong ika-22 ng Hunyo 2006. Nararapat na sundin ng pamahalaan ng Pilipinas ang hakbang ng ibang mga bansa na ratipikahan na ito kaagad dahil ang ating bansa ay Estadong Panig sa UNCAT. Kinakailangang maipaabot sa kaalaman ng mga ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa sistemang koreksyunal ang kahalagahan ng OPCAT at kailangan na mapasangayon sila na maipatupad ito sa ating bansa. Ang OPCAT ay kinakailangang matalakay sa Senado ng Pilipinas upang makapagpasa ng batas dito para malagdaan na ng Pangulo. Sa tulong ninyo, sama-sama tayong kumilos para ganap na mawala ang tortyur sa pamamagitan ng pagtataguyod ng OPCAT. Kinakailangan ang ating tinig upang itulak ang mga nasa kapangyarihan na iratipika na ang OPCAT. Bilang isang bansa na karaniwan na ang pag-iral ng tortyur, kailangan nating gamitin ang lahat ng pamamaraan upang maitaguyod ang karapatan ng tao na maging ligtas sa dahas ng tortyur. Kinakailangang malaman ng mga pambansang institusyon, mga ahensya ng pamahalaan, lokal na pamahalaan, tagapangasiwa ng piitan at bilangguan, mga NGO, at iba pang tagapagtaguyod ng karapatang pantao ng mga taong pinagkaitan ng kalayaan, ang kanilang potensyal at gagampanang papel bilang bahagi ng National Preventive Mechanism sa ilalim ng OPCAT. Ang paglulunsad ng mga talakayan at pambansang kampanya para pigilan ang tortyur ay dapat isagawa. Gayundin, dapat hikayatin ang lahat para sa pagraratipika ng OPCAT. ________________________________________________ 292

Kumbensyon Laban sa Tortyur ________________________________________________ Kinakailangan ang sama-samang pagtutulungan ng mga nasa pamahalaan, tagapamahala ng piitan at bilangguan, at mga samahang sibyl para sa pagtataguyod at paglahok nito sa pagraratipika at pagpapatupad ng OPCAT. Ang sistemang koreksyunal sa Pilipinas ang isa sa susing kinauukulan na magkakaroon ng malaking kinalaman sakali mang magratipika at ipatupad na sa bansa ang OPCAT. Sila rin ang siyang tuwirang makikinabang sa pagpapatupad ng mga repormang maaaring isagawa sa mga piitan at detensyon sa bansa. Maaari ring magsagawa ng mga pagsasanay at pagpapalakas ng kapasidad sa mismong mga kawani at mga nanunungkulan sa loob ng sistemang koreksyunal. Kapag naisagawa ang mga ito, ang ultimong makikinabang ay ang mismong mga detenido at kasalukuyang nakapiit sa mga kulungan at may ambag na kabuuang pagsisikap na maiwasang maganap ang gawain ng pagtortyur. Para lubos na mauunawaan ang sistema ng koreksyunal na umiiral sa Pilipinas, inilakip sa praymer na ito ang ilang impormasyon hinggil dito. Paano ipinatutupad ang sistemang koreksyunal sa Pilipinas? Sa ating bansa, ang sistemang koreksyunal ay ipinatutupad nang hiwa-hiwalay. Ang mga institusyon para sa mga nahatulan na ng batas at para sa mga naghihintay ng paglilitis ay kinabibilangan ng ibat ibang pambansang bilangguan at penal farms at mga maliliit na piitang lokal. ________________________________________________ 293

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Mayroong tatlong ahensya na may kapangyarihan sa pangagasiwa ng sistemang koreksyunal sa Pilipinas. Bureau of Corrections (Kawanihan ng Koreksyunal), Department of Justice (Kagawaran ng Katarungan) Ang pambansang bilangguan na pinagkulungan ng mga nahatulan (nasentensyahan) ng mahigit tatlong taon ay pinangangasiwaan ng Bureau of Corrections, na isang kawanihan sa ilalim ng DOJ. Ang kawanihang ito ay responsable sa pag-iingat at rehabilitasyon ng mga bilanggo sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangkalahatang edukasyon, moral na pag-aaral, at teknikal na pagsasanay sa industriya at agrikultura. Pinangangasiwaan din nito ang agro-industriya at produksyon ng pagkain sa mga bilangguan. Minimintina ng Bureau of Corrections ang pitong koreksyunal na institusyon at penal farms sa Pilipinas. Ang pinakamalaki ay ang National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa na siya ring nangangasiwa ng Manila City Jail. Ang bilangguang ito ang nagsisilbing sentrong pasilidad para sa nasentensyahan ng habambuhay na pagkabilanggo o pangmatagalang pagkakulong. Nahahati ito sa tatlong kampo para sa may maximum, katamtaman at minimum na parusa. Ang Correctional Institution for Women ay matatagpuan sa Metro Manila. Ang magkasamang bilangguan at penal farm ay matatagpuan sa Zamboanga City, Palawan, Mindoro Occidental at sa mga lalawigan sa Mindanao. Ang pitong yunit sa ilalim ng Bureau of Corrections na matatagpuan sa Pilipinas: ________________________________________________ 294

Kumbensyon Laban sa Tortyur ________________________________________________ 1. New Bilibid Prison sa Lungsod ng Muntinlupa 2. Correctional Institution for Women sa Lungsod ng Mandaluyong 3. Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa, Palawan 4. Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro 5. San Ramon Prison and Penal Farm sa Lungsod ng Zamboanga 6. Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte at 7. Davao Prison and Penal Farm sa Panabo, Lalawigan ng Davao Ang mga detenido na naghihintay sa paglilitis ng kanilang kaso at mga nahatulan ng pagkabilanggo na di lalagpas ng tatlong taon ay ikinukulong muna sa lokal na bilangguan at pinangangasiwaan naman ng dalawang tanggapan. Ang Bureau of Jail Management and Penology sa ilalim ng DILG Ang BJMP sa ilalim ng pamamahala ng DILG ang nagmimintina ng mga piitan sa mga lungsod, distrito at munisipalidad sa buong Pilipinas. Ang mga kliyente nito ay mga akusado pa lamang na pansamantalang nakakulong sa mga piitan habang isinasagawa pa ang imbestigasyon sa kanila at habang naghihintay pa sila ng hatol ng hukuman. Kabilang dito ang mga nahatulan ng pagkabilanggo nang di lalagpas sa tatlong taon. May apat na sangkap ang programa nito sa rehabilitasyon: proyektong pangkabuhayan, edukasyon at bokasyunal na ________________________________________________ 295

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ pagsasanay, libangan at palakasan at pananampalataya at ispiritwal na gawain. Ito ay ipinatutupad nang tuluy-tuloy upang maialis ang umiiral na pag-uugaling nagbunsod sa krimen ng isang nagkasala at upang maibalik silang muli sa pagiging isang produktibo at mamamayang sumusunod sa batas. Ang kawanihang ito ay naaatasang mangasiwa sa operasyon at administrasyon ng lahat ng piitan sa mga distrito, lungsod at munisipalidad na sa kasalukuyan ay umaabot na sa 1,132. Sa kabuuang ito, 417 lamang ang lubos na natatauhan ng Jail Bureau na kinabibilangan ng dalawang dormitoryo para sa kababaihan, dalawang piitan para sa kabataan, 152 na piitan sa mga distrito, at 84 sa mga lungsod. Sa bilang na ito, 63% o 715 na mga piitan ay tinatauhan ng PNP. Mayroong 59,639 na mga bilanggo ay nasa mga piitan na tinatauhan ng BJMP, habang 1,529 ay nasa mga piitang tinatauhan ng PNP. Ang Lokal na Pamahalaan at ang Philippine National Police Dahil sa kakulangan ng tauhan ng BJMP at kakulangan ng kakayahan nito na tanggapin at asikasuhin ang mga detenido, ginagamit na kulungan ang mga piitan at selda ng himpilan ng PNP sa buong bansa para sa mga detenido at sa mga bilanggo. Mayroong 63% ng mga piitan sa lungsod, distrito, at munisipalidad sa Pilipinas ay nasa ilalim ng pagsubaybay ng tanggapan ng gobernador ng isang partikular na lalawigan. Ayon sa ulat ng BJMP, ang mga pasilidad nila ay naglalaman lamang ng 2.5% ng kabuuang bilang ng mga detenido at mga bilanggo na nasa ilalim ng kanilang mandato. ________________________________________________ 296

Kumbensyon Laban sa Tortyur ________________________________________________ Ang Parole at Probasyon May mga bilanggo na napapabilang sa mga nabibigyan ng parole at katayuang probasyon. Bago pagsilbihan ang sentensya o hatol ng batas, ang mga bilanggo na hindi nakasuhan ng subersyon o insureksyon, o kaya ay hindi pa nabigyan ng katayuang probasyon dati, ay maaaring magaplay nito. Ang mga nagawaran ng katayuang probasyon ay kinakailangang makipagkita sa kanilang parole officer kada buwan upang maiwasan nila ang paggawa muli ng kasalanan sa ilalim ng batas, at upang makasunod sila sa lahat ng kondisyong iaatang sa kanila ng hukuman. Pagkatapos na mapagsilbihan ang minimum na hatol, ang isang bilanggo ay maaaring mag-aplay sa parole board para sa kanyang paglaya. Ang parole board ay maaring magrekomenda sa Pangulo ng Pilipinas na bigyan ng kapatawaran ang isang bilanggo na pinaniniwalaang nagbago na at hindi na magiging suliranin ng lipunan. Pagtataguyod ng pagpigil sa tortyur sa pamamagitan ng reporma sa bilangguan 1. Sa pangkalahatan, hindi mainam ang kalagayan sa bilangguan at lubhang mahirap ang buhay ng mga bilanggo sa Pilipinas. Sa ilalim ng isang sistema na kinatatampukan ng pagpipiit sa detenidong naghihintay ng walang katiyakang paglilitis, pagsasama ng mga kabataang nagkasala sa piitan ng mga matatanda, at ng pagtotortyur at hindi mabuting pagtrato bilang parusa, mahirap asahan na ang ganitong uri ng programang ________________________________________________ 297

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ koreksyunal ay makatutulong para hubugin ang mga taong hindi na naging produktibo sa lipunan. 2. Ang pamahalaan ay nangako na ihihiwalay ng kulungan ang mga batang nagkasala sa kulungan ng mga matatanda. Ipinahayag ng DOJ na tinatalakay nito ang pagreporma sa pangangasiwa ng bilangguan at may mga hakbang na ginagawa upang pag-isahin ang sistemang koreksyunal sa bansa. Kapag ito ay nagkaroon ng kaganapan, magkakaroon ito ng pagkakatulad sa US Department of Corrections. Kung may pagbabagong magaganap sa istruktura at kung paano pangangasiwaan ang mga piitan at bilangguan na mapagbubuti sa kalagayan nito at mawawala ang pagkakataon na maisagawa ang tortyur, ito ay nananatiling pangarap pa sa kasalukuyan. 3. Ang magandang layunin at mga mekanismong maka-karapatang pantaong gagabay sa gobyerno ay kinakailangang maisakatuparan. Sa pamamagitan lamang nito tayo makaaasa na magkakaroon ng angkop at nararapat na repormang makapagpapaunlad ng kasanayang propesyunal sa sistemang koreksyunal. Mga pinagsanggunian: Optional Protocol to the United Nations Convention against Torture and other Cruel, Inhuman or Degrading Treatment or Punishment: A Manual for Prevention, Inter-American Institute of Human Rights (IIHR), Association for the Prevention of Torture (APT), 2005 ________________________________________________ 298

Kumbensyon Laban sa Tortyur ________________________________________________ The Optional Protocol to the Convention Against Torture: Frequently Asked Questions, Association for the Prevention of Torture (APT) International Instruments and Mechanisms for the Fight against Torture, International Rehabilitation Council for Torture Victims (IRCT), 2001 Preventing torture in places of detention through systems of regular visits Monitoring, documentation and research, a concept paper prepared for the international conference held on 25-27 May 2005 in Copenhagen Rehabilitation and Research Centre for Torture Victims (RCT), March 2005 United Nations Convention Against Torture and other Cruel, Inhuman or Degrading Treatment or Punishment (UNCAT) Torture in the Philippines: Law and Practice, Free Legal Assistance Group (FLAG), Foundation for Integrative and Development Studies (FIDS), 2003

________________________________________________ 299

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

________________________________________________ 300

________________________________________________

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas

________________________________________________ 301

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ PANIMULA (Preamble)

ami, ang nakapangyayaring sambayanang Pilipino, na humihingi ng tulong sa Makapangyarihang Diyos, upang bumuo ng isang makatarungan at makataong lipunan at magtatag ng isang Pamahalaan na kakatawan sa aming mga mithiin at mga lunggatiin, magtataguyod ng kabutihan sa bawat isa, mangangalaga at magpapaunlad ng aming kamanahan, at titiyak para saming sarili at angkanang susunod ng mga biyaya ng kalayaan at demokrasya sa ilalim ng pananaig ng batas at ng pamamahalang puspos ng katotohanan, katarungan, kalayaan, pag-ibig, pagkakapantay-pantay at kapayapaan, ay naglalagda at naghahayag ng Konstitusyong ito. ARTIKULO I ANG PAMBANSANG TERITORYO (National Territory) Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo at mga karagatan na nakapaloob dito, at lahat ng iba pang mga teritoryo na nasa ganap na kapangyarihan o hurisdiksyon ng Pilipinas, na binubuo ng mga kalupaan, katubigan, at himpapawirin nito, kasama ang dagat teritoryal, ang lalim ng dagat, ang kailaliman ng lupa, ang mga kalapagang insular, at ang iba pang mga pook submarina nito. Ang mga karagatang nakapaligid, nakapagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan, maging ano man ang lawak at mga dimensyon ay nag-aanyong bahagi ng panloob na karagatan ng Pilipinas. ________________________________________________ 302

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ ARTIKULO II PAHAYAG NG MGA SIMULAIN AT MGA PATAKARAN NG ESTADO (Declaration of Principles and State Policies) MGA SIMULAIN SEKSYON 1. Ang Pilipinas ay isang Estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan. SEKSYON 2. Itinatakwil ng Pilipinas ang digmaan bilang kasangkapan ng patakarang pambansa, tinatanggap bilang bahagi ng batas ng bansa ang mga simulain ng batas internasyonal nakinikilala ng lahat at umaayon sa patakaran ng kapayapaan, pagkakapantay-pantay, katarungan, kalayaan, pakikipagtulungan, at pakikipagkaibigan sa lahat ng mga bansa. SEKSYON 3. Ang awtoridad na sibilyan ay sumasaibabaw ng sa militar sa lahat ng panahon. Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay tagapangalaga ng Sambayanan at ng Estado. Ang layunin nito ay seguruhin ang ganap na kapangyarihan ng Estado at ang integridad ng pambansang teritoryo. SEKSYON 4. Ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan ay paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan. Maaaring ________________________________________________ 303

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ tawagan ng pamahlaan ang sambayanan upang ipagtanggol ang Estado, at sa ikatutupad niyon, ang lahat ng mga mamamayan ay maaaring atasang maghandog ng personal na serbisyo militar o sibil, sa ilalim ng kondisyong itinatakda ng batas. SEKSYON 5. Dapat sundin ng Estado ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, ang pangangalaga ng buhay, kalayaan at ariarian, at ang pagtataguyod sa kagalingang panlahat upang matamasa ang buong sambayanan ang mga biyaya ang demokrasya. SEKSYON 6. Hindi dapat labagin ang pagkakahiwalay ng Simbahan at ng Estado. MGA PATAKARAN NG ESTADO SEKSYON 7. Dapat sundin ng Estado ang isang malayang patakarang panlabas. Sa mga pakikipag-ugnay nito sa ibang mga estado, dapat unang-unang isaalang-alang ang ganap na kapangyarihang pambansa, intergridad na teritoryal, kapakanang pambansa, at ang karapatan sa sariling pagpapasya. SEKSYON 8. Tinatanggap at sinusunod ng Pilipinas, nang naaalinsunod sa kapakanang pambansa, ang patakarang malaya laban sa pagkakaroon ng sandatang nukleyar sa teritoryo nito. SEKSYON 9. Dapat itaguyod ng Estado ang makatwiran at dinamikong kaayusang panlipunan na titiyak sa kasaganaan ________________________________________________ 304

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ at kasarinlan ng bansa at magpapalaya sa sambayanan laban sa kahirapan sa pamamagitan ng mga patakarang nagtatakda ng sapat na mga lingkurang panlipunan, nagtataguyod ng pagkakataon na magkahanapbuhay ang lahat, umaangat ng istandard ng pamumuhay at ng lalong mainam na uri ng buhay para sa lahat. SEKSYON 10. Dapat itaguyod ng Estado ang katarungang panlipunan sa lahat ng mga yugto ng pambansang pagpapaunlad. SEKSYON 11. Pinahahalagahan ng Estado ang karangalan ng bawat tao at ginagarantyahan ang lubos na paggalang sa mga karapatang pantao. SEKSYON 12. Kinikilala ng Estado ang kabanalan ng buhay pampamilya at dapat pangalagaan at patatagin ang pamilya bilang isang saligang institusyon ng lipunan. Dapat nitong pangalagaan kapwa ang buhay ng ina at ang buhay ng sanggol sa sinapupunan mula sa paglilihi. Ang likas at pangunahing karapatan at tungkulin ng mga magulang sa pagmumulat ng kabataan para sa kahusayang sibiko at pagpapaunlad ng karakter na moral ay dapat tumanggap ng tangkilik ng Pamahalaan. SEKSYON 13. Kinikilala ng Estado ang napakahalagang tungkulin ng kabataan sa pagbuo ng bansa at dapat magtaguyod at mangalaga ng kanilang kagalingang pisikal, moral, espiritwal, intelektwal, at sosyal. Dapat nitong ikintal sa kabataan ang pagkamakabayan, nasyonalismo at pasiglahin ang paglahok nila sa mga gawaing bayan at sibiko. ________________________________________________ 305

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ SEKSYON 14. Kinikilala ang Estado ang tungkulin ng mga kababaihan sa pagbuo ng bansa at dapat seguruhin ang saligang pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan. SEKSYON 15. Dapat itaguyod at pangalagaan ng Estado ang karapatan sa kalusugan ng mga mamamayan at ikintal ang kamalayang kalusugan sa kanila. SEKSYON 16. Dapat pangalagaan at isulong ng Estado ang karapatan ng sambayanan sa timbang at kanais-nais na ekolohiya nang naaayon sa aluy-oy at tugma ng kalikasan. SEKSYON 17. Dapat mag-ukol ng prayoridad ang Estado sa edukasyon, agham, at teknolohiya, mga sining, kultura at pampalakasan upang mapabulas ang pagkamakabayan at nasyonalismo, mapabilis ang kaunlarang panlipunan, at maitaguyod ang ganap na paglaya at pag-unlad ng tao. SEKSYON 18. Naninindigan ang Estado na ang paggawa ay siang pangunahing pwersang pangkabuhayan ng lipunan. Dapat nitong pangalagaan ang mga karapatan ng mga manggagawa at itaguyod ang kanilang kagalingan. SEKSYON 19. Dapat bumuo ang Estado ng pambansang ekonomiyang nakakatayo sa sarili at malaya na epektibong kinokontrol ng mga Pilipino. SEKSYON 20. Kinikilala ng Estado ang napakahalagang gampanin ng pribadong sektor, pinasisigla ang pribadong negosyo, at nagbibigay ng insentibo sa kinakailangang pamumuhunan. ________________________________________________ 306

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ SEKSYON 21. Dapat itaguyod ng Estado ang komprehensibong pagpapaunlad na pangnayon at repormang agraryan. SEKSYON 22. Kinikilala at itinataguyod ng Estado ang mga karapatan ng mga katutubong pamayanang kultural sa loob ng balangkas ng pambansang pagkakaisa at pag-unlad. SEKSYON 23. Dapat pasiglahin ng Estado ang mga organisasyong di-pampamahalaan, saligpamayanan, o sektoral na nagtataguyod ng kagalingan ng bansa. SEKSYON 24. Kinikilala ng Estado ang napakahabang gampanin ng komunikasyon at impormasyon sa pagbuo ng bansa. SEKSYON 25. Dapat seguruhin ng Estado ang awtonomiya ng mga pamahalaang lokal. SEKSYON 26. Dapat seguruhin ng Estado ang pantay na pag-uukol ng mga pagkakataon para sa lingkurang pambayan, at ipagbawal ang mga dinastiyang politikal ayon sa maaaring ipagkahulugan ng batas. SEKSYON 27. Dapat pamalagiin ng Estado ang pagkamatapat at pagkamarangal sa lingkurang pambayan at magsagawa ng positibo at epektibong mga hakbangin laban sagraftand corruption. SEKSYON 28. batay sa makatwirang mga kondisyon na itinakda ng batas, inaangkin at ipinatutupad ng Estado ang patakarang lubos na hayagang pagsisiwalat ng lahat ng mga transaksyon nito na kinapapalooban ng kapakanang pambayan. ________________________________________________ 307

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ ARTIKULO III KATIPUNAN NG MGA KARAPATAN (Bill of Rights) SEKSYON 1. Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, or ariarian ang sino mang tao nang hindi kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng batas. SEKSYON 2. Ang karapatan ng mga taong-bayan na magkaroon ng kapanatagan sa kanilang sarili, pamamahay, papeles, at mga bagay-bagay laban sa hindi makatwirang paghahalughog at pagsamsam sa ano mang layunin ay hindi dapat labagin, at hindi dapat maglagda ng warrant sa paghalughog o warrant sa pagdakip maliban kung may malinaw na dahilan na personal na pagpapasyahan ng hukom matapos masiyasat ang mayhabla at ang mga testigong maihaharap niya sa ilalim ng panunumpa o patotoo, at tiyakang tinutukoy ang lugar na hahalughugin, at mga taong darakpin o mga bagay na sasamsamin. SEKSYON 3. (1) Hindi dapat labagin ang pagiging lihim ng komunikasyon at korespondensya maliban sa legal na utos ng hukuman, o kapag hinihingi ang naiibang kaligtasan o kaayusan ng bayan ayon sa itinakda ng batas. (2) Hindi dapat tanggapin para sa ano mang layunin sa alin mang hakbangin sa paglilitis ang ano mang ebidensya na nakuha nang labag dito o sa sinusundang seksyon. SEKSYON 4. Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ________________________________________________ 308

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ ng pamamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayabang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan. SEKSYON 5. Hindi dapat magbalangkas ng batas para sa pagtatatag ng relihiyon, o nagbabawal sa malayang pagsasagamit nito. Dapat ipahintulot magpakailanman ang malayang pagsasagamit at pagtatamasa ng pagpapahayag ng relihiyon at pagsamba nang walang pagtatangi o pamimili. Hindi dapat kailanganin ang pagsusulit pangrelihiyon sa pagsasagamit ng karapatang sibil o pampulitika. SEKSYON 6. Hindi dapat bawalan ang kalayaan sa paninirahan at ang pagbabago ng tirahan sa saklaw ng mga katakdaang itinatadhana ng batas maliban sa legal na utos ng hukuman. Ni hindi dapat bawalan ang karapatan sa paglalakbay maliban kun gpara sa kapakanan ng kapanatagan ng bansa, kaligtasang pambayan, o kalusugang pambayan ayon sa maaaring itadhana ng batas. SEKSYON 7. Dapat kilalanin ang karapatan ng taongbayan na mapagbatiran hinggil sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa tanan. Ang kaalaman sa mga opisyal na rekord, at sa mga dokumento at papeles tungkol sa mga opisyal na gawain, transaksyon, o pasya, gayon din sa mga datos sa pananaliksik ng pamahalaan na pinagbabatayan ng patakaran sa pagpapaunlad ay dapat ibigay sa mamamayan sa ilalim ng mga katakdaang maaaring itadhana ng batas. SEKSYON 8. Hindi dapat hadlangan ang karapatan ng mga taong-bayan kabilang ang mga naglilingkod sa publiko at ________________________________________________ 309

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ pribadong sektor na magtatag ng mga asosasyon, mga unyon, o mga kapisanan sa mga layuning hindi lalabag sa batas. SEKSYON 9. Ang mga pribadong ariarian ay hindi dapat kunin ukol sa gamit pambayan nang walang wastong kabayaran. SEKSYON 10. Hindi dapat magpatibay ng batas na sisira sa pananagutan ng mga kontrata. SEKSYON 11. Hindi dapat ipagkait sa sino mang tao ang malayang pagdulog sa mga hukuman at sa mga kalupunang malapanghukuman at sa sat na tulong pambatas nang dahil sa karalitaan. SEKSYON 12. (1) Ang sino mang tao na sinisiyasat dahil sa paglabag ay dapat magkaroon ng karapatang mapatalastasan ng kaniyang karapatang magsawalang-kibo at magkaroon ng abogadong may sapat na kakayahan at malaya na lalong kanaisnais kung siya ang maypili. Kung hindi niya makakayanan ang paglilingkod ng abogado, kinakailangang pagkalooban siya ng isa. Hindi maiuurong ang mga karapatang ito maliban kung nakasulat at sa harap ng abogado. (2) Hindi siya dapat gamitan ng labis na pagpapahirap, pwersa, dahas, pananakot, pagbabanta, o ano mang paraaan na pipinsala sa kanyang malayang pagpapasya. Ipinagbabawal ang mga lihim kulungan, solitaryo, ingkomunikado, o iba pang katulad ng anyo ng detensyon. (3) Hindi dapat tanggaping ebidensya laban sa kanya ang ano mang pagtatapat o pag-amin na nakuha nang labag sa seksyong ito o sa seksyong labing-pito. ________________________________________________ 310

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ (4) Dapat magtadhana ang batas ng mga kaparusahang penal at sibil sa mga paglabag sa seksyong ito at gayon din ng bayad-pinsala at rehabilitasyon sa mga biktima ng labis na mga pagpapahirap o katulad ng mga nakagawian, at sa kanilang mga pamilya. SEKSYON 13. Ang lahat ng mga tao, maliban sa mga nahahabla sa mga paglabag na pinarurusahan ngreclusion perpetua kapag matibay ang ebidensya ng pagkakasala, bago mahatulan, ay dapat mapyansahan ng sapat ng pyador, o maaaring palayain sa bisa ng panagot ayon sa maaaring itadhana ng batas. Hindi dapat bawalan ang karapatan sa pyansa kahit na suspendido ang pribilehiyo ngwrit of habeas corpus. Hindi dapat kailanganin ang malabis na pyansa. SEKSYON 14. (1) Hindi dapat papanagutin sa pagkakasalang kriminal ang sino mang tao nang hindi kaparaanan ng batas. (2) Sa lahat ng mga pag-uusig kriminal, ang nasasakdal ay dapat ituring na walang sala hanggat hindi napapatunayan ang naiiba, at dapat magtamasa ng karapatang magmatwid sa pamamagitan ng sarili at ng abogado, mapatalastasan ng uri at dahilan ng sakdal laban sa kanya, magkaroon ng mabilis, walang kinikilingan, at hayagan paglitis, makaharap ang mga testigo, magkaroon ng sapilitang kaparaanan upang matiyak ang pagharap ng mga testigo sa paglilitaw ng ebidensyang para sa kanyang kapakanan. Gayon man, matapos mabasa ang sakdal, maaring ituloy ang paglilitis kahit wala ang nasasakdal sa pasubaling marapat na napatalastasan siya at di makatwiran ang kanyang kabiguang humarap. ________________________________________________ 311

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ SEKSYON 15. Hindi dapat suspindihin ang pribilehiyo ng writ ofhabeas corpus, maliban kung may pananalakay o paghihimagsik, kapag kinakailangan ng kaligtasan pambayan. SEKSYON 16. Dapat magkaroon ang lahat ng mga tao ng karapatan sa madaliang paglutas ng kanilang mga usapin sa lahat ng mga kalupunang panghukuman, malapanghukuman, o pampangasiwaan. SEKSYON 17. Hindi dapat pilitin ang isang tao na tumestigo laban sa kanyang sarili. SEKSYON 18. (1) Hindi dapat detenihin ang sino mang tao dahil lamang sa kanyang paniniwala at hangaring pampulitika. (2) Hindi dapat pairalin ang ano mang anyo ng sapilitang paglilingkod, maliban kung kaparusahang pataw ng hatol ng pagkakasala. SEKSYON 19. (1) Hindi dapat ipataw ang malabis na multa, ni ilapat ang malupit, imbi o di-makataong parusa, o ang parusang kamatayan, matangi kung magtadhana ang Kongreso ng parusang kamatayan sa mga kadahilanang bunsod ng mga buktot ng krimen. Dapat ibaba sareclusion perpetuaang naipataw nang parusang kamatayan. (2) Dapat lapatan ng kaukulang batas ang pagpapahirap na pisikal, sikolohikal, o imbing pagpaparusa sa sino mang ________________________________________________ 312

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ bilanggo o detenido o ang paggamit ng mga kaluwagang penal na di-makatao. SEKSYON 20. Hindi dapat ibilanggo ang isang tao nang dahil sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng sedula. SEKSYON 21. Hindi dapat na ang isang tao ay makalawang masapanganib ng kaparusahan sa iisang paglabag. Kung pinarurusahan ng batas at ng ordinansa ang isang kagagawan, ang pagkaparusa o pakaabswelto sa ilalim ng alin man dito ay magiging hadlang sa iba pang pag-uusig sa gayon ding kagagawan. SEKSYON 22. Hindi dapat magpatibay ng batasex post factoobill of attainder. ARTIKULO IV PAGKAMAMAMAYAN (Citizenship) SEKSYON 1. Ang sumusunod ay mga mamamayan ng Pilipinas: (1) Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagkakapatibay ng Konstitusyong ito; 2) Yaong ang mga ama o mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas; (3) Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at ________________________________________________ 313

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ (4) Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas. SEKSYON 2. Ang katutubong inianak na mga mamamayan ay yaong mga mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksyon 1, Talatataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mga mamamayan. SEKSYON 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas. SEKSYON 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mga mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalaim ng batas, nagtakwil nito. SEKSYON 5. Ang dalawahang katapatan ng mga mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas. ARTIKULO V KARAPATAN SA HALAL (Suffrage) SEKSYON 1. Ang karapatan sa halal ay maaaring gampanan ng lahat ng mga mamamayan ng Pilipinas na hindi inalisan ng karapatan ng batas, na labingwalong ________________________________________________ 314

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ taong gulang man lamang, at nakapanirahan sa Pilipinas sa loob ng isang taon man lamang, at anim na buwan man lamang sa lugar na kanilang bobotohan kagyat bago maghalalan. Walang dapat ipataw na literasi, ariarian o iba pang subtantibong kinakailangan sa pagganap ng karapatan sa halal. SEKSYON 2. Dapat magtakda ang Kongreso ng isang sistema para maseguro ang pagiging sekreto at sagrado ng mga balota at gayon din ng isang sistema para sa pagbotong liban ng mga kwalipikadong Pilipino na nasa ibang bansa. Para sa mga taong may kapansanan at mga hindi marunong bumasa at sumulat, ang Kongreso ay dapat bumalangkas ng isang pamamaraan na hindi na kakailanganin ang tulong ng mga ibang tao. Hanggang sumapit ang panahong iyon, sila ay pahihintulutang bumoto sa ilalim ng umiiral na mga batas at ng mga tuntuning maaaring ihayag ng Komisyon ng Halalan upang maprotektahan ng pagiging sekreto ng balota. ARTIKULO VI ANG KAGAWARANG TAGAPAGBATAS (The Legislative Department) SEKSYON 1. Dapat masalalay sa isang Kongreso ng Pilipinas ang kapangyarihang Tagapagbatas, na dapat binubuo ng isang Senado at isang Kapulungan ng mga Kinatawan, maliban sa lawak na inilaan sa mga taongbayan ng tadhana tungkol sa pagpapatiuna at reperendum. ________________________________________________ 315

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ SEKSYON 2. Ang Senado ay dapat buuin ng dalawamput apat na Senador na dapat ihalal sa kalahatan ng mga kwalipikadong botante ng Pilipinas, ayon sa maaaring itadhana ng batas. SEKSYON 3. Hindi dapat maging Senador ang sino mang tao matangi kung siya ay katutubong ipinanganak na mamamayan ng Pilipinas at, sa araw ng halalan, dalawamput limang taong gulang man lamang, nakababasa at nakasusulat, rehistradong botante, at naninirahan sa Pilipinas sa loob ng panahong hindi kukulangin sa dalawang taon kagyat bago sumapit ang araw ng halalan. SEKSYON. Ang taning ng panunungkulan ng mga Senador ay dapat na anim na taon at dapat magsimula, matangi kung may naiibang itinatadhana ang batas, sa katanghalian ng ikatatlumpung araw ng Hunyo na sumusunod sa araw ng pagkakahalal sa kanila. Hindi dapat manungkulan ang sino mang Senador ng mahigit sa dalawang magkasunod na taning ng panunungkulan. Ang boluntaryong pagtalikod sa katungkulan sa ano mang tagal ng panahon ay hindi dapat ituring na pagkaputol sa pagpapatuloy ng kanyang paglilingkod para sa buong taning na panahon ng panunungkulan na pinaghalalan sa kanya. SEKSYON 5. (1) Ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay dapat buuin ng hindi hihigit sa dalawang daan at limampung kagawad matangi kung magtakda ang batas ng naiiba, na dapat ihalal mula sa mga purok pangkapulungan na pinaghatihati sa mga lalawigan, mga lungsod at Metropolitan Manila ________________________________________________ 316

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ Area ayon sa rami ng kinauukulang mga naninirahan, at batay sa magkakatulad at paunlad na pagdami, at yaong ayon sa itinatadhana ng batas ay dapat ihalal sa pamamagitan ng sistemang party-list ng rehistradong partido o organisasyong pambansa, panrehiyon at pansektor. (2) Ang kinatawang party-list ay dapat na binubuo ng dalawampung porsyento ng lahat ng mga kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan. Sa loob ng tatlong magkakasunod na taning ng panunungkulan pagkaraang maratipikahan ang Konstitusyong ito, ang kalahati sa mga pwestong nakalaan sa mga kinatawang party-list ay dapat punan, ayon sa itinatadhana ng batas, sa pamamagitan ng pagpilio paghahalal mula sa sektor ng mga manggagawa, magsasaka, mahirap na tagalungsod, mga katutubong pamayanang pangkalinangan, mga kababaihan, kabataan at sa iba pang mga sektor na maaaring itadhana ng batas, maliban sa sektor na panrelihiyon. (3) Ang bawat purok pangkapulungan ay dapat buuin, hanggat maaari, ng teritoryong magkakaratig, buo, at magkatabi. Ang bawat lungsod na ang populasyon ay dalawang daat limampung libo man lamang, o ang bawat lalawigan, ay dapat magkaroon ng isa man lamang kina (4) Sa loob ng tatlong taon kasunod ng ulat ng bawat sensus, ang Kongreso ay dapat gumawa ng muling paghahati ng mga purok pangkapulungan batay sa mga pamantayang itinatadhana sa seksyong ito. SEKSYON 6. Hindi dapat maging Kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang sino mang tao matangi kung siya ay ________________________________________________ 317

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ katutubong ipinanganak na mamamayan ng Pilipinas at, sa mga araw ng halalan, ay dalawamput limang taong gulang man lamang, nakababasa at nakasusulat, at, maliban sa mga kinatawan ng party-list, rehistradong botante sa purok na paghahalalan sa kanya, at nakapanirahan doon sa loob ng panahong di kukulangin sa isang taon kagyat bago sumapit ang araw ng halalan. SEKSYON 7. Ang mga Kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan ay dapat ihalal para sa taning ng tatlong taon na magsisimula, matangi kung may naiibang itinatadhana ng batas, sa katanghalian ng ikatatlumpung araw ng Hunyo na sumusunod sa pagkahala sa kanila. Hindi dapat manungkulan ang sino mang Kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan nang mahigit sa tatlong magkakasunod na taning ng panunungkulan. Ang boluntaryong pagtalikod sa katungkulan sa ano mang tagal ng panahon ay hindi dapat ituring na pagkaputol sa pagpapatuloy ng kanyang paglilingkod para sa buong taning ng panahon ng panunungkulan sa pinaghalalan sa kanya. SEKSYON 8. Matangi kung may naiibang itatadhana ang batas, ang regular na halalan ng mga Senador at ng mga Kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan ay dapat iraos sa ikalawang Lunes ng Mayo. SEKSYON 9. Kung magkabakante sa Senado o sa Kapulungan ng mga Kinatawan, maaaring tumawag ng tanging halalan upang punan ang pagkakabakanteng iyon sa paraang itinakda ng batas, ngunit ang Senador o Kagawan ________________________________________________ 318

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ ng Kapulungan ng mga Kinatawan na mahahalal sa gayong paraan ay manunuparan sa loob lamang ng nalalabing panahon ng di pa natatapos na taning. SEKSYON 10. Dapat itakda ng batas ang mga sahod ng mga Senador at ng mga Kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan. Hindi dapat magkabisa ang ano mang pagdaragdag sa nasabing sahod hanggang hindi natatapos ang buong taning sa panunungkulan ng lahat ng Kagawad ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan na nagpatibay sa pagdaragdag na iyon. SEKSYON 11. Ang isang Senador o Kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa lahat ng mga paglabag na may parusang pagkabilanggong hindi hihigit sa anim na taon, ay dapat na may pribilehiyo laban sa pagkaaresto habang may sesyon ang Kongreso. Ang isang Kagawad ay hindi dapat tanungin o papanagutin sa alin mang ibang lugar dahil sa ano mang talumpati o debate sa Kongreso o sa alin mang komite nito. SEKSYON 12. Ang lahat ng mga Kagawad ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa simula ng panunungkulan, ay dapat na magsagawa ng ganap na pagsisiwalat ng kanilang mga interes na pampananalapi at pangnegosyo. Dapat ipabatid nila sa kinauukulang Kapulungan ang maaaring umusbong na salungat na interes sa paghaharap ng isang panukalang pagsasabatas na sila ang may-akda. SEKSYON 13. Ang isang Senador o Kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan ay hindi maaaring humawak sa panahon ________________________________________________ 319

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ ng kanyang panunungkulan ng ano mang ibang katungkulan o pagkaka-empleyado sa pamahalaan, o sa alin mang bahagi, sangay, instrumentalidad nito, kabilang ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan o mga subsidyari nito, nang hindi magbibitiw sa kanyang katungkulan. Hindi rin siya dapat mahirap sa alin mang katungkulan na maaaring nalikha o naragdagan ang sahod sa loob ng taning na panahon ng panunungkulan na pinaghalalan sa kanya. SEKSYON 14. Hindi maaaring personal na humarap ang sino mang Senador o Kagawan ng Kapulungan ng mga Kinatawan bilang abogado sa ano mang hukuman ng katarungan o sa mga Hukumang Panghalalan, o sa mga kalupunang mala-panghukuman at sa iba pang mga kalupunang pampangasiwaan. Hindi rin siya dapat maging interesado sa pananalapi nang tuwiran o di-tuwiran sa ano mang kontrata sa, o sa ano mang prangkisa o tanging pribilehiyo na ipinagkaloob ng Pamahalaan, o ng alin mang bahagi, sangay, o instrumentalidad nito, kasama ang alin mang korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan, o ang subsidyari nito, sa loob ng taning ng panahon ng kanyang panunungkulan. Hindisiya dapat makialam sa ano mang bagay na maaaring niyang pagkakitaan sa alin mang tanggapan ng Pamahaalan o bagay na maaari siyang tawagin upang magpasya dahil sa kanyang katungkulan. SEKSYON 15. Ang Kongreso ay dapat magsimula ng pulong minsan isang taon sa ikaapat na Lunes ng Hulyo ukol sa regular na sesyon nito, matangi kung may ibang petsang itakda ang batas, at dapat magpatuloy na nagsesesyon sa loob ng tiyak na bilang ng mga araw na maaari nitong itakda ________________________________________________ 320

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ hanggang sa tatlumpung araw bago magbukas ang susunod na regular na sesyon na ito, hindi kasama ang Sabado, mga Linggo, at mga pista opisyal. Ang Pangulo ay maaaring tumawag ng tanging sesyon sa ano mang oras. SEKSYON 16. (1) Ang Senado ay dapat maghalal ng Pangulo nito at ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng Ispiker nito, sa pamamagitan ng mayoryang bto ng lahat ng kauukulang Kagawad nito. Ang bawat Kapulungan ay dapat pumili ng iba pang mga pinuno na sa palagay nito ay maaaring kinakailangan. (2) Ang mayorya ng bawat Kapulungan ay dapat bumuo ng korum upang makatupad ng gawain, ngunit ang lalong maliit na bilang ay maaaring magtindig ng pulong sa maghamaghapon at maaaring sapilitiang padaluhin ang mga Kagawad na hindi dumadalo sa ano mang paraan, at sa ilalim ng mga parusa, na maaaring itadhana ng Kapulungan iyon. (3) Ang bawat Kapulungan ay maaaring magtakda ng mga alituntunin ng mga gawain nito, magparusa sa mga Kagawad nito dahil sa maligalig na kaasalan, at sa pagsang-ayon ng dalawang-katlo ng lahat mga Kagawad nito, ay magsuspindi o magtiwalag ng isang Kagawad. Ang parusang suspensyon kapag ipinataw, ay hindi dapat humigit sa animnapung araw. (4) Ang bawat Kapulungan ay dapat mag-ingat ng isang Journal ng mga gawain nito, at sa pana-panahon ay maglathala niyon, maliban sa mga bahagi na sa pasya nito ay maaaring may kinalaman sa pambansang kapanatagan; ________________________________________________ 321

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ at ang mga Oo at mga Hindi sa ano mang suliranin ay dapat itala sa Journal, sa kahiligan ng isang-kalima ng mga Kagawad na dumalo. Ang bawat Kapulungan ay dapat mag-ingat ng isang Record ng mga gawain nito. (5) Ang alin man sa dalawang Kapulungan sa panahon ng mga pagpupulong ng Kongreso ay hindi dapat magtindig ng pulong nang mahigit sa tatlong araw, o lumipat sa alin mang pook na iba sa sadyang pulungan ng dalawang Kapulungan, nang di kasang-ayon ang isat isa. SEKSYON 17. Ang Senado at ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay dapat magkaroon ng sari-sariling Hukumang Pannghalalan na magiging tanging tagahatol ng lahat ng tunggalian hinggil sa halalan, mga ulat ng halalan, at mga kwalipikasyon ng kani-kanilang mga Kagawad. Ang bawat Hukumang Panghalalan ay dapat buuin ng siyam na Kagawad, ang tatlo ay dapat mga Mahistrado ng Kataastaasang Hukuman na itatalaga ng Punong Mahistrado, at ang natitirang anim ay dapat na mga Kagawad ng Senado o ng Kapulungan ng mga Kinatawan, gaya ng nararapat, na pipiliin batay sa representasyong proporsyonal mula sa mga partidong pampulitika at sa mga partido o organisasyong nakarehistro sa ilalim ng sistemang party-list na kinakatawan doon. Ang nakatataas na Mahistrado sa Hukumang Panghalalan ay dapat na Tagapangulo nito. SEKSYON 18. Dapat magkaroon ng isang Komisyon sa Paghirang na bubuuin ng Pangulo ng Senado, bilang ________________________________________________ 322

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ Tagapangulo ex-officio, labindalawang Senador at labindalawang Kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan, na halal ng bawat Kapulungan batay sa representasyong proporsyonal mula sa mga partidong pampulitika at sa mga partido o organisasyong nakarehistro sa ilalim ng sistemang party-list na kinakatawan doon. Ang Tagapangulo ng Komisyon ay hindi dapat bumoto, maliban sa kaso ng pagpapatas. Dapat magpasya ng Komisyon sa lahat ng mga paghirang na iniharap dito sa loob ng tatlumpung araw ng sesyon ng Kongreso mula sa paghaharap ng mga ito. Dapat maglagda ng pasya ang Komisyon sa pamamagitan ng mayoryang boto ng lahat ng Kagawad. SEKSYON 19. Ang mga Hukumang Panghalalan at ang Komisyon ng Paghirang ay dapat buuin sa loob ng tatlumpung araw makaraang matatag ang Senado at ang Kapulungan ng mga Kinatawan sa pagkakahalal ng Pangulo ng Senado at ng Speaker. Ang Komisyon sa Paghirang ay dapat magpulong sa panahon lamang na may sesyon ang Kongreso, sa tawag ng Tagapangulo nito o ng nakararami sa mga kagawad nito, upang tuparin ang mga kapangyarihan at tungkulin na ipinagkaloob dito. SEKSYON 20. Ang mga rekord at mga libro ng kwenta ng Kongreso ay dapat pangalagaan at ilahad sa madla nang naaayon sa batas, at ang gayong mga libro ay dapat maaudit ng Komisyon sa Awdit na maglalathala taun-taon ng inisaisang listahan ng mga halagang ibinayad sa at ginugol para sa bawat Kagawad. SEKSYON 21. Ang Senado o ang Kapulungan ng mga Kinatawan o alin man sa kanilang mga kaukulang komite ________________________________________________ 323

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ ay maaaring magsagawa ng mga pasisiyasat bilang tulong sa pagbabatas ayon sa mga alintuntunin ng mga pamamaraan nito na marapat na nalathala. Dapat igalang ang mga karapatan ng mga taong humarap sa o apektado ng gayong mga pagsisiyasat. SEKSYON 22. Ang mga puno ng mga kagawaran, sa kanilang sariling pagkukusa na kasangayon ang Pangulo, o sa kahilingan ng alin man sa dalawang Kapulungan, gaya ng dapat itadhana ng mga alituntunin ng bawat Kapulungan, ay maaaring humarap at dingin ng gayong Kapulungan hinggil sa ano mang bagay na nauugnay sa kanilang mga kagawaran. Ang mga nakasulat na katanungan ay dapat iharap sa Pangulo ng Senado o sa Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan tatlong araw man lamang bago sumapit ang kanyang nakatakdang pagharap. Ang mga interpelasyon ay hindi dapat tungkol lamang sa naiharap na mga katanungang nakasulat kundi maaari ring sumaklaw sa iba pang mga bagay-bagay na kaugnay nito. Kapag kakailanganin ng kapanatagan ng Estado o ng kapakanang pambayan at ito ay ilalahad nang nakasulat ng Pangulo, ang pagharap ay dapat isagawa sa isang sesyong tagapagpaganap. SEKSYON 23. (1) Ang Kongreso, sa pamamagitan ng botong dalawang katlo ng dalawang Kapulungan na magkasamang natitipon sa sesyon sa magkahiwalay na pagboto, ay may tanging kapangyarihang magpahayag ng pag-iral ng kalagayang digma. (2) Sa mga panahon ng digma o iba pang pambansang kagipitan, Ang Kongreso, sa pamamagitan ng batas, ay maaaring ________________________________________________ 324

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ magpahintulot sa Pangulo, sa isang natatakdaang panahon at sa ilalim ng mga paghihigpit na maaaring ilagda nito, na gumamit ng mga kapangyarihang kinakailangan at naaangkop upang isagawa ang idiniklarang pambansang patakaran. Matangi kung bawiin nang lalong maaga sa pamamagitan ng kapasyahan ng Kongreso, ang gayong kapangyarihan ay mawawala sa susunod na pagtitindig ng pulong. SEKSYON 24. Ang lahat ng mga panukalang-batas sa laang-gugulin, rentas o taripa, mga panukalang-batas na nagpapahintulot ng pagdaragdag ng utang na pambayan, mga panukalang-batas na may bisang lokal, at mga panukalangbatas na pansarili ay dapat magmula sa Kapulungan ng mga Kinatawan lamang, ngunit ang Senado ay maaaring magpanukala o sumang-ayon sa pamamagitan ng mga susog. SEKSYON 25. (1) Maaaring hindi dagdagan ng Kongreso ang mga laang-gugulin na inirekomenda ng Pangulo para sa pagpapakilos ng Pamahalaan ayon sa tinukoy na budget. Dapat itakda ng batas ang anyo, nilalaman, at paraan ng paghahanda ng budget. (2) Hindi dapat mapaloob ang ano mang tadhana o pagsasabatas sa panukalang-batas ng pangkalahatang mga laang-gugulin matangi kung ito ay tumutukoy sa isang partikular na laang-gugulin doon. Ang ano mang gayong tadhana o pagsasabatas aya dapat sumaklaw lamang sa tinutukoy na laang-gugulin. (3) Ang pamamaraan sa pagpapatibay ng mga laang-gugulin para sa Kongreso ay dapat sumunod nang mahigpit tulad ng ________________________________________________ 325

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ sa pamamaraan ng pagpapatibay ng mga laang-gugulin para sa ibang mga kagawaran at sangay. (4) Ang isang tanging panukalang-batas ng laang-gugulin ay dapat tumukoy sa layuning pinag-uukulan nito, at dapat tustusan ng mga pondong aktwal na magagamit na pinatunayan ng Pambansang Ingat-yaman, o lilikumin sa pamamagitan ng kinauukulang panukalang rentas na nakapaloob doon. (5) Hindi dapat magpatibay ng isang batas na magpapahintulot ng no mang paglilipat ng mga laanggugulin; gayon man, ang Pangulo, ang Pangulo ng Senado, ang Speaker ng Kapulungan ng mga Kinatawan, ang Punong Mahistrado ng Kataastaasang Hukuman, at ang mga puno ng mga Komisyong Konstitusyonal ay maaaring pahintulutan sa pamamagitan ng batas na dagdagan ang alin mang aytem sa panukalang-batas ng pangkalahatang mga laang-gugulin ukol sa kani-kanilang tanggapan mula sa natipid sa ibang mga item ng kani-kanilang mga laanggugulin. (6) Ang mga pondong diskresyonaryo na inilaan para partikular na mga opisyal ay dapat na ipambayd lamang ukol sa mga layuning pambayan na patutunayan ng nararapat na mga voucher at sasailalim ng mga panuntunan na maaaring itakda ng batas. (7) Kung sa katapusan ng alin mang taong pisikal, ang Kongreso ay hindi makapagpatibay ng panukalangbatas ng pangkalahatang mga laang-gugulin ukol sa ________________________________________________ 326

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ pumapasok na taong piskal, ang panukalang-batas ng pangkalahatang mga laang-gugulin ukol sa nakaraang taong piskal ay dapat na ituring na muling napagtibay at dapat manatiling umiiral at may-bisa hanggang sa mapagtibay ng Kongreso ang panukalang-batas ng pangkalahatang mga laang-gugulin. SEKSYON 26. (1) Ang bawat panukalang-batas na pinagtibay ng Kongreso ay dapat sumaklaw sa isang paksa lamang na dapat nakalahad sa pamagat nito. (2) Hindi dapat maging batas ang ano mang panukalangbatas na pinagtibay ng alin mang Kapulungan matangi kung ito ay mapagtibay sa tatlong pagbasa sa magkakahiwalay na araw, ang ang nakalimbag na mga sipi nito sa pangwakas na anyo ay naipamahagi na sa mga Kagawad nito tatlong araw bago mapagtibay ito, maliban kung ang Pangulo ay magpapatunay sa pangangailangan ng madaliang pagsasabatas nito upang matugunan ang isang pambayang kalamidad o kagipitan. Sa huling pagbasa ng isang panukalang-batas, hindi dapat payagan ang ano mang susog dito, at ang pagbobotohan hinggil dito ay isasagawa kagyat pagkaraan nito, at itatala sa Journal ng mga Oo at mga Hindi. SEKSYON 27. (1) Ang bawat panukalang-batas na mapagtibay ng Kongreso ay dapat iharap sa Pangulo bago maging batas. Dapat niyang lagdaan ito kung sinasangayunan niya, kung hindi, dapat niyang betohan at ibalik na kalakip ang kanyang mga tutol sa Kapulungang pinanggalingan nito, na dapat magpasok ng mga tutol sa ________________________________________________ 327

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ kabuuan sa katitikan nito at muling isaalang-alang ang panukalang batas. Kung, pagkaraan ng gayong muling pagsasaalang-alang , ang dalawang-katlo ng lahat ng mga Kagawad ng Kapulungang iyon ay magkaisang pagtibayin ang panukalang-batas, itoy dapat ipadala, kalakip ang mga tutol, sa kabilang Kapulungan upang muling isaalangalang niyon, at kung pagtibayin ng dalawang-katlo ng lahat ng mga Kagawad ng Kapulungang iyon, itoy magiging batas. Sa lahat ng gayong pangyayari, ang mga boto ng bawat Kapulungan ay dapat pagpasyahan sa pamamagitan ng mga Oo o Hindi, at dapat itala sa Journal nito ang mga pangalan ng mga Kagawad na bumoto nang sangayon o salungat. Dapat ipabatid ng Pangulo ang kanyang pagbeto sa alin mang panukalang-batas sa Kapulungang pinanggalingan nito sa loob ng tatlumpung araw matapos matanggap ito; at kung hindi, ito ay dapat maging batas na para na ring nilagdaan niya. (2) Dapat magkaroon ang Pangulo ng kapangyarihang bumeto ng ano mang partikular na aytem o mga aytem sa isang panukalang-batas sa laang-gugulin, rentas, o taripa, ngunit hindi dapat magkabisa ang beto sa aytem o mga aytem na hindi niya tinutulan. SEKSYON 28. (1) Dapat maging pantay-pantay at makatarungan ang tuntunin sa pagbubuwis. Dapat bumalangkas ang Kongreso ng isang paunlad na sistema ng pagbubwis. (2) Ang Kongreso, sa pamamagitan ng batas, ay maaaring magpahintulot sa Pangulo ng magtakda sa loob ng mga ________________________________________________ 328

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ tiyak na hangganan, at sa ilalim ng mga katakdaan at paghihigpit ng maaaring ipataw nito, ng singil ng taripa, mga kota sa import at eksport, mga bayad sa tonnage at mga pagdaong, at iba pang mga bayarin o singilin, sa loob ng balangkas ng programa ng Pamahalaan ukol sa pambansang pagpapaunlad. (3) Dapat malibre sa pagbabayad ng buwis ang mga institusyong pangkawanggawa, mga simbahan, at mga rektorya o mga kumbento na kaugnay nito, mga mosque, di-pangnegosyong mga sementeryo, at lahat ng mga lupain, mga gusali, at mga iba pang aktwal, tuwiran, at tanging gamit sa mga layuning pangrelihiyon, pangkawanggawa, o pang-edukasyon. (4) Hindi dapat magpatibay ng batasna magkakaloob ng ano mang pagkalibre sa buwis ng walang pagsang-ayon ng mayorya ng lahat ng mg Kagawad ng Kongreso. SEKSYON 29. (1) Hindi dapat magbayad ng salapi mula sa Kabang-yaman maliban kung ito ay ayon sa laang-guguling isinagawa sa pamamagitan ng batas. (2) Hindi kailanman dapat ilaan, iukol, ibayad, o gamitin ang ano mang salapi, o ari-ariang pambayan, sa tuwiran o dituwiran, para sa gamit, pakinabang, o tangkilik sa ano mang sekta, simbahan, denominasyon, institusyong sektaryan, o sistema ng relihiyon, o sa sino mang pari, pastor, ministro, o iba pang mga guro o dignitaryo ng relihiyon bilang gayon, maliban kung ang gayong pari, pastor, ministro, o dignitaryo ay nakatalaga sa mga sandatahang lakas, o sa ________________________________________________ 329

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ alin mang institusyong penal, o ampunan o leprosaryum ng pamahalaan. (3) Ang lahat ng salapi na nalikom sa ano mang buwis na ipinataw para sa isang tanging layunin ay dapat ituring na isang tanging pondo at dapat ipambayad para sa layuning iyon lamang. Kung tapos na o itinigil ang layuning kinauukulan ng paglikha ng tanging pondo, ang balanse, kung mayroon, ay dapat ilipat sa pangkalahatang mga pondo ng Pamahalaan. SEKSYON 30. Hindi dapat magpatibay ng batas na nagdaragdag sa hurisdiksyon sa paghahabol ng Kataastaasang Hukuman na itinatadhana sa Konstitusyong ito nang walang tagubilin at pagsang-ayon nito. SEKSYON 31. Hindi dapat magpatibay ng batas na nagkakaloob ng titulo ng pagkahari o pagkamaharlika. SEKSYON 32. Dapat magtadhana ang Kongreso, sa loob ng madaling panahon, ng isang sistema ng pagpapatiuna at reperendum, at ng mga kataliwasan doon, upang ang mga mamamayan ay tuwirang makapagpanukala at makagawa ng mga batas o makapagtibay o makatanggi sa ano mang batas o bahagi nito na pinagtibay ng Kongreso o ng lokal na kalupunang pangkapulungan pagkaraang maipatala ang petisyon doon na nilagdaan ng sampung porsyento man lamang ng kabuuang bilang mga rehistradong botante, na ang bawat purok pangkapulungan ay kinakailangang katawanin ng tatlong porsyento man lamang ng mga rehistradong botante niyon. ________________________________________________ 330

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ ARTIKULO VII ANG KAGAWARAN NG TAGAPAGPAGANAP (The Executive Department) SEKSYON 1. Ang kapangyarihang tagapagpaganap ay dapat masalalay sa isang Pangulo ng Pilipinas. SEKSYON 2. Hindi maaaring mahalal na Pangulo ang sino mang tao matangi kung siya ay isang katutubong ipinanganak na mamamayan ng Pilipinas, isang reshistradong botante, nakababasa at nakasusulat, apatnapung taon man lamang ang gulang sa araw ng halalan, at isang residente ng Pilipinas sa loob ng sampung taon man lamang kagyat bago ang gayong halalan. SEKSYON 3. Dapat magkaroon ng isang Pangalawang Pangulo na may katangian at taning ng panunungkulan na katulad ng sa Pangulo at dapat mahalal na kasabay at sa paraang katulad ng sa Pangulo. Maaari siyang alisin sa panunungkulan sa paraang katulad ng sa Pangulo. Ang Pangalawang Pangulo ay maaaring hiranging Kagawad ng Gabinete. Hindi kinakailangan ang ano mang kumpirmasyon sa gayong paghirang. SEKSYON 4. Ang Pangulo at Pangalawang Pangulo ay dapat mahalal sa pamamagitan ng tuwirang boto ng sambayanan para sa taning na anim na taon na magsisimula sa katanghalian ng ikatatlumpung araw ng Hunyo na sumusunod sa araw ng halalan at magtatapos sa katanghalian ng gayon ding petsa pagkaraan ng anim na taon. Ang Pangulo ay hindi magiging ________________________________________________ 331

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ karapat-dapat sa ano mang muling paghahalal. Ang sino mang tao na humalili bilang Pangulo at naglingkod nang gayon sa loob ng higit na apat na taon ay hindi dapat maging kwalipikado sa paghahalal sa katularing katungkulan sa alin mang panahon. Hindi dapat manungkulan ang sino mang Pangalawang Pangulo sa loob ng mahigit sa dalawang magkasunod na taning ng panunungkulan. Ang boluntaryong pagtalikod sa katungkulan sa ano mang tagal ng panahon ay hindi dapat ituring na pagkaputol sa pagpapatuloy ng paglilingkod para sa buong taning na panahon ng panunungkulan na pinaghalalan sa kanya. Maliban kung magtakda ng naiiba ang batas, ang regular na halalan para sa Pangulo at Pangalawang Pangulo aya dapat iraos sa ikalawang Lunes ng Mayo. Ang mga ulat ng bawat halalan para sa Pangulo at Pangalawang Pangulo, na pinatibayan gaya ng nararapat ng lupong tagabilang ng bawat lalawigan o lungsod, ay dapat ipadala sa Kongreso, tukoy sa Pangulo ng Senado. Pagkatanggap ng sertipiko sa bilang, dapat buksan ng Pangulo ng Senado, nang hindi lalampas ang tatlumpung araw pagkaraan ng araw ng halalan, ang lahat ng mga sertipiko sa harap ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa magkasamang sesyon, at dapat bilangin ng Kongreso ang mga boto sa sandaling matiyak ang pagiging totoo at ang nararapat na pagsasagawa niyon sa paraang itinatadhana ng batas. Ang taong may pinakamaraming bilang ng mga boto ay dapat ihayag na nahalal, ngunit sakaling dalawa o higit pa ________________________________________________ 332

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ ang magakaroon ng patas at pinakamaraming bilang ng mga boto, ang isa sa kanila ay dapat piliin agad sa pamamagitan ng nakararaming boto ng lahat ng mga kagawad ng Kongreso. Dapat maglagda ang Kongreso ng mga tuntunin nito para sa pagbilang ng mga sertipiko. Dapat maging tanging hukom ang Kataastaasang Hukuman, na nakaliponen banc, ng lahat ng mga hidwaan tungkol sa mga halalan, mga ulat, at mga kwalipikasyon ng Pangulo at Pangalawang Pangulo, at maaaring maglagda ng mga tuntunin nito para sa layuning iyon. SEKSYON 5. Bago magsimula sa pagtupad ng kanilang katungkulan ang Pangulo, ang Pangalawang Pangulo, o ang Nanunungkulang Pangulo, ay dapat magsagawa ng sumusunod na panunumpa o pagpapatotoo: Matimtim kong pinanunumpaan (o pinatotohanan) na tutuparin ko nang buong katapatan at sigasig ang aking mga tungkulin bilang Pangulo (o Pangalawang Pangulo o NanunungkulangPangulo) ng Pilipinas, pangangalagaat ipagtatanggol angkanyang Konstitusyon, ipatutupad ang mga batas nito, magigingmakatarungan sa bawat tao, at itatalaga ang aking sarili sapaglilingkod sa Bansa. Kasihan nawa ako ng Diyos.
(Kapag pagpapatotoo, ang huling pangungusap ay kakaltasin.)

SEKSYON 6. Ang Pangulo ay dapat magkaroon ng isang tirahang opisyal. Ang mga sahod ng Pangulo at ________________________________________________ 333

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Pangalawang Pangulo ay dapat itakda ng batas at hindi dapat bawasan sa panahon ng kanilang panunungkulan. Hindi dapat magkabisa ang ano mang dagdag sa naturang sahod hanggang sa pagkatapos ng taning ng nanunungkulan na sa panahon ng kanyang panunungkulan pinagtibay ang gayong dagdag. Hindi sila dapat tumanggap sa panahon ng kanilang panunungkulan ng ano mang iba pang sweldo mula sa Pamahalaan o sa ano mang iba pang mapagkukunan. SEKSYON 7. Ang halal ng Pangulo at ang halal na Pangalawang Pangulo ay dapat manungkulan sa pagsisimula ng kanilang mga taning na panahon. Kung ang halal na Pangulo ay hindi maging marapat sa tungkulin, ang halal na Pangalawang Pangulo ay dapat gumanap na Pangulo hanggang sa maging marapat ang halal na Pangulo. Kung mangyari na hindi nakapili ng isang Pangulo, ang halal na Pangalawang Pangulo ay dapat gumanap na Pangulo hanggang sa makapili at maging marapat ang isang Pangulo. Kung sa pagsisimula ng panahon ng panunungkulan ng Pangulo ay namatay o pamalagiang nabalda ang halal na Pangulo, ang halal na Pangalawang Pangulo ay dapat maging Pangulo. Sakaling hindi nakapili o hindi naging marapat ang isang Pangulo at Pangalawang Pangulo, o sakaling sila ay kapwa namatay o pamalagiang nabalda, ang Pangulo ng Senado o, kung hindi nito kaya, ang Ispiker ng Kapulungan ng ________________________________________________ 334

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ mga Kinatawan, ay dapat gumanap na Pangulo hanggang makapili at maging marapat ang isang Pangulo o isang Pangalawang Pangulo. Dapat magtakda sa pamamagitan ng batas ang Kongreso para sa pagpili ng isang tao na manunungkulang Pangulo hanggang sa maging kwalipikado ang isang Pangulo o isang Pangawalang Pangulo, kung mangyari ang pagkamatay, pamalagiang pagkabalda, o kawalang-kaya ng mga opisyal na tinutukoy sa sinundang talataan. SEKSYON 8. Kung mangyari ang pamalagiang pagkabalda, pagkamatay, pagkaalis sa katungkulan o pagbibitiw ng Pangulo, ang Pangawalang Pangulo ay dapat maging Pangulo na manunungkulan sa di-natapos na bahagi ng taning ng panahon ng panunungkulan. Kung mangyari ang pamalagiang pagkabalda, pagkamatay, pagkakaalis sa katungkulan o pagbibitiw ng Pangulo at Pangalawang Pangulo, ang Pangulo ng Senado o, kung hinding nito kaya, ang Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang dapat gumanap kung gayon na Pangulo hanggang sa mahalal at maging marapat ang Pangulo o Pangalawang Pangulo. Dapat magtakda sa pamamagitan ng batas ng Kongreso kung sino ang maglilingkod na Pangulo kung mangyari ang pagkamatay, pamalagiang pagkabalda, o pagbibitiw ng Nanunungkulang Pangulo. Siya ay dapat na maglingkod hanggang sa ang Pangulo o Pangalawang Pangulo ay mahalal at maging marapat, at dapat sumailalim sa katularing mga katakdaan ng mga kapangyarihan at diskwalipikasyon katulad ng sa Nanunungkulang Pangulo. ________________________________________________ 335

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ SEKSYON 9. Kailanman at may bakante sa katungkulan ng Pangalawang Pangulo sa taning na panahon ng panunungkulan na pinaghalalan sa kanya, ang Pangulo ay dapat magnomina ng isang Pangalawang Pangulo mula sa mga kagawad ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan na dapat manungkulan sa sandaling makumpirmahan ng nakararaming boto ng lahat ng mga kagawad ng dalawang Kapulungan ng Kongreso sa magkahiwalay na pagboto. SEKSYON 10. Ang Kongreso ay dapat magsimula ng pagpupulong sa ikasampu ng umaga ng ikatlong araw pagkaraang mabakante ang mga katungkulan ng Pangulo at ng mga Pangalawang Pangulo, alinsunod sa mga alituntunin nito na hindi mangangailangang itawag, at sa loob ng pitong araw ay magpatibay ng batas na tumatawag ng tanging halalan upang maghalal ng isang Pangulo at isang Pangalawang Pangulo na idaraos nang hindi aaga sa apatnaput limang araw o di lalampas sa animnapung araw mula sa panahon ng pagtawag na iyon. Ang panukalangbatas sa pagtawag ng tanging halalan ay ituturing na pinagtibay sa ilalim ng Talataan bilang 2, Seksyon 2, Artikulo VI ng Konstitusyong ito at dapat maging batas matapos pagtibayin sa ikatlong pagbasa ng Kongreso. Ang laang-gugulin at hindi dapat masaklaw ng mga pangunang kinakailangan na itinatakda ng Talataan 4, Seksyon 25, Artikulo VI ng Konstitusyong ito. Ang pagpupulong ng Kongreso ay hindi maaaring suspindihin ni ipagliban kaya ang tanging halalan. Hindi dapat tumawag ng ano mang tanging halalan kapag ang pagkabakante ay nangyari sa loob ng isang daan at walumpung araw bago sumapit ang petsa ng susunod na halalang pangpanguluhan. ________________________________________________ 336

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ SEKSYON 11. Kailan man at nagpahatid ang Pangulo sa Pangulo ng Senado at sa Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng kanyang nakasulat na deklarasyon na hindi niya kayang gampanan ang mga kapangyarihan at tungkulin ng kanyang kantungkulan, at hanggat hindi siya nagpapahatid sa kanila ng nakasulat na salungat na deklarasyon, ang gayong mga kapangyarihan at mga tungkulin ay dapat gampanan ng Pangalawang Pangulo bilang Nanunungkulang Pangulo. Kailanman at ang nakararami sa lahat ng mga Kagawad ng Gabinete ay nagpahatid sa Pangulo ng Senado at sa Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng kanilang nakasulat na deklarasyon na hindi kayang gampanan ng Pangulo ang mga kapangyarihan at tungkulin ng kanyang katungkulan, ang Pangalawang Pangulo ang dapat bumalikat agad sa mga kapangyarihan at tungkulin ng katungkulan bilang Nanunungkulang Pangulo. Pagkatapos niyon, kapat ang Pangulo ay nagpahatid sa Pangulo ng Senado at sa Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng kanyang nakasulat na deklarasyon na walang umiiral na ano mang kawalang-kaya, dapat niyang balikating muli ang mga kapangyarihan at tungkulin ng kanyang katungkulan. Samantala, kapa ang nakararami sa lahat ng kagawad ng Gabinete ay nagpahatid sa Pangulo ng Senado at sa Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa loob ng limang araw ng kanilang nakasulat na deklarasyon na hindi kayang gampanan ng Pangulo ang mga kapangyarihan at tungkulin ng kanyang katungkulan, dapat pagpasiyahan ng Kongreso ang bagay na ito. Para sa layuning ito, dapat magpulong ang Kongreso sa loob ng apatnaput walong oras, ________________________________________________ 337

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ kung ito ay walang sesyon, alinsunod sa mga alituntunin nito at hindi na nangangailangang itawag. Kung ipasya ng Kongreso, sa loob ng sampung araw pagkatanggap sa huling nakasulat na deklarasyon, o, kung walang sesyon, sa loob ng labindalawang araw pagkaraang ito ay kinakailangang magtipon, sa pamamagitan ng dalawang-katlong boto ng kapwa Kapulungan ng Kongreso, sa magkahiwalay na pagboto, na hindi kayang gampanan ng Pangulo ang mga kapangyarihan at tungkulin ng kanyang katungkulan, ang Pangalawang Pangulo ang dapat manungkulang Pangulo; kung hindi, dapat magpatuloy ang Pangulo sa pagtupad ng mga kapangyarihan at tungkulin ng kanyang katungkulan. SEKSYON 12. Sakaling magkasakit nang malubha ang Pangulo, dapat ipabatid sa taong-bayan ang kalagayan ng kanyang kalusugan. Ang mga Kagawad ng Gabinete na nangangasiwa sa kapanatagang pambansa at ugnayang panlabas at ang Puno ng Estado ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, ay hindi dapat pagkaitang makalapit sa Pangulo sa panahon ng gayong pagkakasakit. SEKSYON 13. Ang Pangulo, Pangalawang Pangulo, ang mga Kagawad ng Gabinete, at ang kanilang mga deputy o mga pangalawa, sa loob ng taning na panahon ng kanilang panunungkulan, ay hindi dapat humawak ng ano mang iba pang katungkulan o pagka-empleyado maliban kung magtadhana ng naiiba sa Konstitusyong ito. Sa panahon ng nasabing panunungkulan, sila ay hindi dapat maglingkod ng tuwiran o di-tuwiran ng ano mang iba pang propesyon, lumahok ng tuwiran o di-tuwiran sa ano mang negosyo, ________________________________________________ 338

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ o maging interesado sa pananalapi nang tuwiran o dituwiran sa ano mang kontrata, o sa alin mang prankisya, o natatanging pribilehiyo na kaloob ng Pamahalaan o ng alin mang bahagi, sangay, o instrumentalidad niyon, kasama ang alin mang korporasyong ari o kontrolado ng Pamahalaan o mga subsidiary nito. Dapat nilang pakaiwasang mahigpit ang salungat na interes sa pagtupad ng kanilang katungkulan. Ang asawa at mga kamag-anak ng Pangulo sa dugo o sa relasyon hanggang ika-apat na antas sibil, sa taning na panahon ng kanyang panunungkulan, ay hindi dapat mahirang na mga Kagawad nga mga Komisyong Konstitusyonal, o ng Tanggapan ng Ombudsman, o mga Kalihim, mga Pangalawang Kalihim, mga taga-pangulo o mga puno ng mga kawanihan o mga tanggapan, kasama ang mga korporasyong ari o kontrolado ng Pamahalaan at mga subsidiary nito. SEKSYON 14. Ang ginawang paghirang ng Nanunungkulang Pangulo ay mananatiling may-bisa, maliban kung pawalngsaysay ng halal na Pangulo sa loob ng siyamnapung araw mula sa kanyang paghawak o muling paghawak ng katungkulan. SEKSYON 15. Ang isang Pangulo o Nanunungkulang Pangulo ay hindi dapat gumawa ng mga paghirang sa loob ng dalawang buwan kagyat bago sumapit ang susunod na halalang pampanguluhan at hanggang sa matapos ang kanyang taning ng panunungkulan, matangi sa mga pansamantalang paghirang sa mga katungkulang tagapagpaganap kung ang patuloy na mga pagkabakante roon ay makapipinsala sa ________________________________________________ 339

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ lingkurang pambayan o magsasapanganib sa kaligtasang pambayan. SEKSYON 16. Ang Pangulo ay dapat magnomina at, sa pagsang-ayon ng Komisyon sa Paghirang, dapat humirang ng mga puno ng mga kagawarang tagapagpaganap, mga ambasador, iba pang mga pambayang minister at konsul, o mga pinuno ng sandatahang lakas mula sa rankong koronel o kapitan ng hukbong pandagat at iba pang mga pinuno na ang mga paghirang ay nakasalalaysa kanya sa Konstitusyong ito. Dapat din niyang hirangin ang lahat ng iba pang mga pinuno ng Pamahalaan na ang paghirang sa kanila ay walang ibang itinatadhana ang batas, at ng mga maaari niyang hirangin sa pamamagitan ng batas. Ang Kongreso, sa pamamagitan ng batas, ay maaaring magsalalay sa Pangulo lamang, sa mga hukuman, o sa mga puno ng mga kagawaran, mga sangay, mga komisyon o mga kalupunan, ng kapangyarihang humirang ng iba pang mga nakabababang pinuno. Ang Pangulo ay dapat magkaroon ng kapangyarihang gumawa ng mga paghirang sa panahon na pahinga ang Kongreso, kusa o sapilitan man, subalit ang gayong mga paghirang ay dapat na may-bisa lamang hanggang sa disaprubahan ng Komisyon sa Paghirang o hanggang sa susunod na pagtitindig ng pulong ang Kongreso. SEKSYON 17. Ang Pangulo ay dapat magkaroon ng kontrol sa lahat ng mga kagawarang tagapagpaganap, mga kawanihan, at mga tanggapan. Dapat niyang seguruhin ang matapat na pagpapatupad ng mga batas. ________________________________________________ 340

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ SEKSYON 18. Dapat maging Commander-in-Chief ng lahat ng mga sandatahang lakas ng Pilipinas ang Pangulo at, kailanmat kakailanganin, maaari niyang atasan ang nasabing mga sandatahang lakas na pigilin o sugpuin ang labag sa batas na karahasan, pananalakay, o paghihimagsik. Kung sakaling may pananalakay o paghihimagsik, kapag kakailanganin ng kaligtasang pambayan, maaaring suspindihin niya, nang hindi hihigit sa animnapung araw, ang pribilehiyo ngwrit of habeas corpuso ipailalim sa batas militar ang Pilipinas o ang alin mang bahagi nito. Sa loob ng apatnaput walong oras ng pagkapahayag ng batas militar o pagkakasuspindi ng pribilehiyo ngwrit of habeas corpus, ang Pangulo ay dapat magharap ng personal o tanging sesyon, ang nasabing pagkakapahayag o pakasuspindi, na hindi dapat isaisantabi ng Pangulo ang papapawalang-saysay na iyon. Sa pagkukusa ng Pangulo, maaaring palawigin ng Kongreso sa katulad na paraan ang nasabing pagkapahayag o pagkasuspindi sa loob ng panahong itatakda ng Kongreso kung magpapatuloy ang pananalakay o paghihimagsik at kakailanganin ng kaligtasang bayan. Ang Kongreso, kung walang sesyon, ay dapat magsimula ng pagpupulong sa loob ng dalawamput apat na oras kasunod ng nasabing pagpapahayag o pagsuspindi, alinsunod sa mga alituntunin nito na hindi na nangangailangang itawag. Maaaring pagbalik-aralan ng Kataastaasang Hukuman, sa isang nararapat na pagdinig na iniharap ng sino mang mamamayan, ang kasapatan ng pinagbatayang pangyayari sa pagpapahayag ng batas militar o pagsususpindi ng ________________________________________________ 341

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ pribilehiyo ngwrito pagpapalawig niyon at kinakailangang maglagda ng pasya nito tungkol doon sa loob ng tatlumpung araw mula sa pagkaharap nito. Ang kalagayang batas militar ay hindi sumususpindi sa pagiral ng Konstitusyon, ni hindi pumapalit sa panunungkulan ng mga hukumang sibil o mga kapulungang tagapagbatas, ni hindi nagpapahintulot sa pagbibigay sa mga sangay at hukumang militar ng hurisdiksyon sa mga sibilyan kung ang mga hukumang sibil ay nakapanungkulan, ni hindi kusang nagsususpindi sa pribilehiyo ngwrit. Ang pagsupindi sa pribilehiyo ngwritay dapat sumaklaw lamang sa mga taong isinakdal sa hukuman ng paghihimagsik o ng mga pagkakasalang likas o tuwirang kaugnay sa pananalakay. Sa panahong suspindido ang pribilehiyo ngwrit, ang sino mang tao na dinakip o ipiniit sa gayon ay dapat ipagsakdal sa hukuman sa loob ng tatlong araw, kung hindi ay dapat siyang palayain. SEKSYON 19. Maliban sa mga kaso ng impeachment, o sa naiiba pang itinatadhana ng Konstitusyong ito, ang Pangulo ay maaaring magkaloob ng mga palugit, pagpapapagaan ng parusa, at patawad, at maaaring magpawalang-saysay ng mga multa at pagsamsam, pagkalagda ng pangwakas na hatol. Dapat din na magkaroon siya ng kapangyarihang magkaloob ng amnesty sa pagsang-ayong ng mayorya ng lahat ng kagawad ng Kongreso. ________________________________________________ 342

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ SEKSYON 20. Maaaring makipagkontrata o gumarantiya ang Pangulo ng mga pag-utang sa labas ng bansa sa kapakanan ng Republika ng Pilipinas na may pagsang-ayon muna ng Monetary Board, at sasailalim ng mga katakdaang maaaring itadhana ng batas. Ang Monetary Board ay dapat magharap sa Kongreso, sa loob ng tatlumpung araw mula sa pagtatapos ng bawat quarter ng taong pangkalendaryo, ng buong ulat ng mga pasya nito tungkol sa mga aplikasyon sa mga pag-utang na kokontratahin o gagarantiyahan ng Pamahalaan o ng mga korporasyong ari o kontrolado ng Pamahalaan na makapagpapalaki sa pagkakautang sa isang bansa, at naglalaman ng iba pang mga bagay-bgay na maaaring itadhana ng batas. SEKSYON 21. Hindi dapat maging balido at may-bisa ang ano mang kasunduang-bansa o kasunduang internasyonal nang walang pagsang-ayon ng dawalang-katlo ng lahat ng mga Kagawad ng Senado. SEKSYON 22. Dapat magharap ang Pangulo sa Kongreso sa loob ng tatlumpung araw mula sa pagbubukas ng bawat regular na sesyon bilang batayan ng panukalang-batas sa pangkalahatang laang-gugulin, ng budget nga mga gugulin, at mga mapagkukunan ng pananalapi kasama ang mga tinanggap mula sa kasalukuyan at panukalang mga batas sa revenue. SEKSYON 23. Dapat magtalumpati ang Pangulo sa Kongreso sa pagbubukas ng regular na sesyon nito. Maaaring humarap din siya rito kahit sa iba pang pagkakataon. ________________________________________________ 343

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ ARTIKULO VIII ANG KAGAWARANG PANGHUKUMAN (The Judicial Department) SEKSYON 1. Dapat masalalay ang kapangyarihang panghukuman sa isang Kataastaasang Hukuman at sa mga nakakababang hukuman na maaaring itatag ng batas. Saklaw ng kapangyarihang panghukuman ang tungkulin ng mga hukuman ng katarungan na ayusin ang nangyayaring mga sigalot na kinakasangkutan ng mga karapatang nararapat hingin at ipatupad nang naaayon sa batas at pasyang kung mayroon o walang naganap na lubhang pagsasamantala sa direksyon na humantong sa kawalan o kalabisan sa hurisdiksyon sa panig ng alin mang sangay o instrumentalidad ng pamahalaan. SEKSYON 2. Ang Kongreso ay dapat may kapangyarihang tumiyak, magtakda, at mag-ayawayaw ng hurisdiksyon ng ibat ibang hukuman datapwat hindi maaaring alisan ang Kataastaasang Hukuman ng hurisdiksyon sa mga usaping iniisaisa sa Sekyon 7 rito. Hindi dapat magpatibay ng ano mang batas na nagbabagongtatag sa mga hukuman kung itoy magpapabuway sa kaseguruhan ng takdang panahon ng panunungkulan ng mga Kagawad nito. SEKSYON 3. Dapat magtamasa ng pasasarili sa pananalapi ang mga Hukuman. Ang mga laang-gugulin para sa mga Hukuman ay hindi maaaring bawasan ng lehislatura nang ________________________________________________ 344

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ mababa kaysa sa halagang inilaan para sa nakaraang taon at, pagkaraang mapagtibay, dapat ipalabas nang kusa at regular. SEKSYON 4. (1) Ang Kataastaasang Hukuman ay dapat buuin ng isang Punong Mahistrado at labing-apat na Kasamang Mahistrado. Ito ay maaaring magpasyaen banco sa direksyon nito, sa mga dibisyong binubuo ng tatlo, lima, o pitong kagawad. Ang ano mang bakante ay dapat punan sa loob ng siyamnapung araw simula sa pagsapit niyon. (2)Anglahatngmgausapingmaykinalamansakonstitusyonalidad ng ano mang kasunduang-bansa, kasunduang internasyonal o tagapagpaganap, o batas na dapat dinggin ng Kataastaasang Hukumanen banc, at lahat ng iba pang mga usapin na sa ilalim ng mga alituntunin ng hukuman ay kinakailangang marinigen banc, kabilang ang mga may kinalaman sa konstitusyonalidad, paglalapat, o pagpapairal ng mga decree ng Pangulo, mga proklamasyon, mga kautusan, mga tagubilin, mga ordinansa, at iba pang mga regulasyon, ay dapat pasyahan nang may pagsangayon ang nakararaming mga Kagawad na talagang nakibahagi sa mga deliberasyon tungkol sa mga isyu sa usapin at bumoto roon. (3) Ang mga kaso o bagay na dininig ng mga dibisyon ay dapat pasyahan o lutasin nang may pagsang-ayon ang nakararaming mga Kagawad na talagang nakibahagi sa mga deliberasyon ng mga issue sa usapin at bumoto roon, at hindi kailanman, nang walang pagsang-ayon ang tatlo man lamang ng gayong mga kagawad. Kapang hindi natamo ang kilankailangang bilang, ang usapin ay dapat pagpasyahanen banc, sa pasubali, na ang ano mang doktrina o simulain ng batas na inilagda ng Hukuman sa isang pasya na iginawaden ________________________________________________ 345

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ banco sa dibisyon ay hindi maaaring baguhin o baligtarin mabilan sa pagpapasyaen bancng Hukuman. SEKSYON 5. Dapat magtaglay ang Kataastaasang Hukuman ng sumusunod na mga kapangyarihan: (1) Gumamit ng orihinal na hurisdiksyon sa mga usaping may kinalaman sa mga ambasador, iba pang mga minister pambayan, at mga konsul, at sa mga petisyon para sa certiorari, prohibition, mandamus, quo warranto, at habeas corpus. (2) Repasuhin, rebisahin, baligtarin, baguhin, o patibayan sa paghahabol o certiorari, ayon sa mga maaaring itadhana ng batas o ng mga alituntunin ng hukuman, ang mga pangwakas na pagpapasya at mga kautusan ng mga nakabababang hukuman sa: (a) Lahat ng mga usapin na ang konstitusyonalidad o validity ng ano mang kasunduang-bansa, kasunduang internasyonal o tagapagpaganap, batas, decree ng pangulo, ordinansa, kautusang tagapagpaganap, proklamasyon, o regulasyon ay pinagtatalunan. (b) Lahat ng mga usapin na kinsasangkutan ng legalidad ng ano mang buwis, singil, tasasyon, o toll, o ano mang parusang ipinataw kaugnay niyon. (k) Lahat ng mga usapin na ang saklaw ng alin mang nakabababang hukuman ay pinagtatalunan. (d) Lahat ng mga usaping kriminal na ang parusang ipinapataw ay reclusion perpetua o higit pa. ________________________________________________ 346

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ (e) Lahat ng mga usapin na pagkakamali o suliranin sa batas lamang ang nasasangkot. (3) Magtalagang pansamantala ng mga hukom ng mga nakabababang hukuman sa ibang himpilan ayon sa maaaring kailanganin ng kapakanang pambayan. Ang gayong pansamantalang pagtatalaga ay hindi dapat lumampas sa anim na buwan nang walang pagsang-ayon ang kinauukulang hukom. (4) Iatas ang pagbabago ng lugar ng paglilitis upang maiwasan ang pagkabigo ng pagpapairal ng katarungan. (5) Maglagda ng mga alituntunin tungkol sa pangangalaga at pagpapatupad ng mga karapatang konstitusyonal, pleading, praktis, at pamamaraan sa lahat ng mga hukuman, pagtanggap sa praktis bilang abugado, integrated bar, at tulong na pambatas sa mga kapus-palad. Ang gayong mga alituntunin ay dapat magtakda ng payak at di magastos na pamamaraan para sa mabilis na pagpapasyal sa mga usapin maing magkakatulad sa lahat ng hukuman na magkakakaatas, at hindi magbabawas, magdaragdag, o magbabago ng mga karapatang makabuluhan. Ang mga alituntunin ng pamamaraan ng mga tanging hukuman at mga kalupunanna mala-panghukuman ng Kataastaasang Hukuman. (6) Humirang ng lahat ng mga pinuno at mga kawani ng mga hukuman ayon sa Batas ng Serbisyo Sibil. SEKSYON 6. Ang Kataastaasang Hukuman ay dapat magtaglay ng superbisyong pampangasiwaan sa lahat ng mga hukuman at sa mga tauhan nito. ________________________________________________ 347

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ SEKSYON 7. (1) Hindi dapat mahirang na Kagawad ng Kataastaasang Hukuman o ng alinmang nakabababang hukumang kolehiyado ang sino magn tao matangi kung siya ay katutubong ipinanganak na mamamayan ng Pilipinas. Ang isang Kagawad ng Kataastaasang Hukuman ay kinakailangang apatnapung taon man lamang ang gulang, at kinakailangang sa loob ng labinlimang taon o higit pa ay naging hukom ng isang nakababang hukuman o nagpraktis bilang abogado sa Pilipinas. (2) Dapat magtakda ang Kongreso ng mga katangian nga mga hukom ng mga nakabababang hukuman, ngunit hindi maaaring mahirang na hukom ang sino mang tao matangi kung siya ay isang mamamayan ng Pilipinas at kabilang sa Philippine Bar. (3) Ang isang kagawad ng hukuman ay kinakailangang nag-aangkin ng subok na kakayahan, kalinisang-budhi, katapatan, at malayang pag-iisip. SEKSYON 8. (1) Nililikha sa pamamagitan nito ang isang Judicial and Bar Council sa pangangasiwa ng Kataastaasang Hukuman na binubuo ng Punong Mahistrado bilang Tagapangulo ex-officio, ng Minister ng Katarungan at ang kinatawan ng Kongreso bilang mga kagawad ex-officio, ng isang kinatawan ng integrated bar, ng isang propesor ng batas, ng isang retiradong kagawad ng Kataastaasang Hukuman at ng isang kinatawan ng pribadong sektor. (2) Dapat hirangin ng Pangulo ang mga regular na kagawad ng council para sa taning na panahon ng panunungkulan na apat na taon nang may pagsang-ayon ng Komisyon ng Paghirang. Sa mga Kagawad na unang hinirang, ang kinatawan ng integrated bar ay ________________________________________________ 348

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ dapat manungkulan sa loob ng apat na taon, ang propesor ng batas sa loob ng tatlong taon, ang retiradong mahistrado sa loob ng dalawang taon, ang kinatawan ng pribadong sektor sa loob ng isang taon. (3) Ang Klerk ng Kataastaasang Hukuman ay dapat maging Kalihim ex-officio ng Council at dapat mag-ingat ng katitikan ng mga pulong nito. (4) Ang mga regular na Kagawad ng Council ay dapat tumanggap ng mga pabuya na maaaring itakda ng Kataastaasang Hukuman. Ang Kataastaasang Hukuman ay dapat maglaan sa taunang budget nito ng laang-gugulin para sa Council. (5) Ang Council ay dapat magtaglay ng pangunahing tungkulin na magtagubiliin ng mga hihirangin ng hukuman. Ito ay maaaring gumanap ng iba pang mga gawain at tungkulin na maaaring iatas ng Kataastaasang Hukuman. SEKSYON 9. Dapat hirangin ng Pangulo ang mga Kagawad ng Kataastaasang Hukuman at mga hukom ng mga nakabababang hukuman mula sa isang talaan ng tatlong nominee man lamang na inihanda ng isang Judical and Bar Council para sa bawat bakante. Hindi kinakailangan ang kompirmasyon sa naturang mga paghirang. Para sa mga nakabababang hukuman, dapat ipalabas ng Pangulo ang mga paghirang sa loob ng siyamnapung araw mula sa paghaharap ng talaan SEKSYON 10. Ang sweldo ng Punong Mahistrado at ng mga Kasamang Mahistrado ng Kataastaasang Hukuman, at ng mga hukom ng mga nakabababang hukuman ay dapat ________________________________________________ 349

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ itakda ng batas. Hindi dapat bawasan ang kanilang mga sweldo sa panahon ng kanilang panunungkulan. SEKSYON 11. Dapat manungkulan ang mga Kagawad ng Kataastaasang Hukuman at ang mga hukom ng mga nakabababang hukuman habang maganda ang kanilang kaasalan hanggang sa sapitin nila ang gulang na pitumpung taon o mawalan ng kakayahang magsagawa ng mga tungkulin ng kanilang katungkulan. Dapat magtaglay ang Kataastaasang Hukuman en banc ng kapangyarihang disiplinahin ang mga hukom ng mga nakabababang hukuman, o iatas ang kanilang pagkakatiwalag sa pamamagitan ng boto ng nakararami at ng isa pang Kagawad na talagang nakibahagi sa mga deliberasyon ng mga issue ng usapin at bumoto roon. SEKSYON 12. Ang mga Kagawad ng Kataastaasang Hukuman at ng iba pang mga hukumang itinatag ng batas ay hindi dapat italaga sa alin mang tanggapan na gumaganap ng mga gawaing mala-panghukuman o pampangasiwaan. SEKSYON 13. Ang mga pagpapasya ng Kataastaasang Hukuman sa ano mang usapin na iniharap dito upang pasyahan en banc o sa division ay dapat mabuo sa pagsasanggunian bago italaga ang isang usapin sa isang Mahistrado upang sulatin ang opinyon ng Hukuman. Dapat magpalabas ng isang sertipikasyon tungkol dito na nilagdaan ng Punong Mahistrado at ang isang sipi niyon ay dapat ilakip sa record ng usapin at ipahatid sa mga panig. Ang sino mang Mahistrado na hndi nakibahagi osalungat, o di-lumahok sa isang pasya o resolusyon ay kinakailangang maglahad ng mga katwiran na ________________________________________________ 350

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ batayan nito. Ganito ring mga pangangailangan ang dapat sundin ng lahat ng nakabababang hukumang kolehiyado. SEKSYON 14. Hindi dapat maglagda ng ano mang pasya ang alin mang hukuman nang hindi inilalahad doon nang malinaw at di maipagkakamali ang mga pangyayari at ang batas na pinagbabatayan nito. Hindi dapat pagkaitan ng marapat ng hakbangin o tanggihan ang ano magn petisyon sa pag-rebyu o mosyon para rekonsiderasyon sa isang pasya ng hukuman nang hindi inilalahad ang legal na batayan nito. SEKSYON 15. (1) Ang lahat ng mga usapin o bagay na idinulog mula sa pagkakabisa ng Konstitusyong ito ay kinakailangan ay kinakailangang pasyahan o lutasin sa loob ng dalawamput apat na buwan mula sa petsa ng pagkakadulog nito para sa Kataastaasang Hukuman, at, matangi kung iklian ng Kataastaasang Hukuman, labindalawang buwan para sa lahat ng mga nakabababang hukumang kolehiyado, at talong buwan ang para sa lahat ng iba pang mga nakabababang hukuman. (2) Ang isang usapin o bagay ay ituturing na idinulog para sa pagpapasya o paglutas sa sandaling iniharap ang panghuling pleading, brief, o memorandum na itinakda ng mga Alituntunin ng Hukuman o ng hukuman na rin. (3) Pagkatapos ng kaukulang panahon, ang isang sertipikasyon hinggil dito na nilagdaan ng Punong Mahistrado o ng namumunong hukom ay dapat igawad agad at ilalakip ang isang sipi niyon sa rekord ng usapin o bagay, at ________________________________________________ 351

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ ipahahatid sa mga panig. Dapat isaad ng sertipikasyon kung bakit hindi naihayag o naigawad ang pasya o resolusyon sa loob ng naturang panahon. (4) Sa kabila ng paglipas ng ipinatutupad na taning ng panahon, dapat pasyahan o lutasin ng hukuman, nang hindi makahahadlang sa pananagutang natamo bunga niyon, ang usapin o bagay na iniharap sa pagpapasya nito, nang wala nang pagkabalam. SEKSYON 16. Ang Kataastaasang Hukuman, sa loob ng tatlumpung araw mula sa pagbubukas ng bawat regular na sesyon ng Kongreso, aya dapat magharap sa Pangulo at sa Kongreso ng taunang ulat ng mga pamalakad at mga gawain ng mga Hukuman. ARTIKULO IX ANG MGA KOMISYONG KONSTITUSYONAL (Constitutional Commissions) A. Mga Karaniwang Tadhana (General Provisions) SEKSYON 1. Ang mga Komisyong Konstitusyonal, na dapat na malaya, ay ang Komisyon sa Serbisyo Sibil, Komisyon sa Halalan, at Komisyon sa Awdit. SEKSYON 2. Ang sino mang Kagawad ng isang Komisyong Konstitusyonalm sa panahon ng kanyang panunungkulan, ay hindi dapat humawak ng ibang katungkulan o trabaho. Hindi rin siya dapat mag-practice ng ano mang propesyon ________________________________________________ 352

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ o aktibong mamahala o mangasiwa ng ano mang negosyo na sa ano pa mang paraan ay maaaring makaugnay sa mga gawain ng kanyang katungkulan, ni hindi dapat maging interesado sa pananalapi nang tuwiran o di tuwiran sa ano mang kontrata sa, o sa ano mang prangkisa o pribilehiyong kaloob ng, Pamahalaan, o ano mang bahagi, sangay, o instrumentalidad niyon, kasama ang mga korporasyong ari o kontrolado ng Pamahalaan o ang mga sangay nito. SEKSYON 3. Ang sahod ng Tagapangulo at mga Komisyonado ay dapat itakda ng batas at hindi dapat bawasan sa panahon ng kanilang panunungkulan. SEKSYON 4. Dapat humirang ang mga Komisyong Konstitusyonal ng kanilang mga pinuno at kawani ayon sa batas. SEKSYON 5. Dapat magtamasa ng pasasarili sa pananalapi ang mga Komisyon. Dapt na kusa at regular na ipalabas ang kanilang pinagtibay na taunang laang-gugulin. SEKSYON 6. Ang bawat Komisyonen bancay maaaring maglagda ng sarili nitong mga tuntunin tungkol sa mga pleading at practice dito o sa lain mang tanggapan nito. Gayon man, ang mga tuntuning iyon ay hindi dapat magbawas, magdagdag, o magbago ng mga karapatang makabuluhan. SEKSYON 7. Ang bawat Komisyon ay dapat tumupad ng iba pang mga gawain na maaaring itadhana ng batas. SEKSYON 8. Dapat pagpasyahan ng mga Komisyon sa pamamagitan ng mayoryang boto ng lahat ng mga Kagawad ________________________________________________ 353

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ nito ang ano mang kaso o bagay na iniharap sa pagpapasya o paglutas nito sa loob ng animnapung araw mula sa petsa ng pagkakaharap niyon. Ang isang kaso o bagay ay ituturing na iniharap sa pagpapasya o paglutas sa sandaling iharap ang panghuling pleading, brief, o memorandum na itinatakda ng mga tuntunin ng Komisyon o ng Komisyon na rin. Matangi kung naiiba ang itinatadhana ng Konstitusyong ito o ng batas, ano mang pasya, utos, o hatol ng bawat Komisyon ay maaaring idulog sa bisa ngcertiorari sa Kataaastaasang Hukuman ng paghahabol ng panig sa loob ng tatlumpung araw pagkatanggap ng sipi niyon. B. Ang Komisyon sa Serbisyo Sibil (Civil Service Commission) SEKSYON 1. (1) Ang Serbisyo Sibil ay dapat pangasiwaan ng Komisyon sa Serbisyo Sibil na binubuo ng isang Tagapangulo at dalawang Komisyonado na dapat ay katutubong ipinanganak na mamamayan ng Pilipinas at, sa panahon ng pagkakahirang sa kanila, tatlumput limang taon man lamang ang gulang, may subok na kakayahan sa pangasiwaang pambayan, at hindi kailanman naging kandidato sa ano mang katungkulang halal sa halalang iniraos kagyat bago ang kanilang pagkakahirang. (2) Ang Tagapangulo at mga Komisyonado ay dapat hirangin ng Pangulo sa pagsang-ayon ng Komisyon sa Paghirang para sa isang taning na panahon ng panunungkulan na pitong taon na di na muling mahihirang. Sa mga uang nahirang, ang mga Tagapangulo ay dapat manungkulan sa loob ng pitong taon, ang isang Komisyanado sa limang taon, at ang isa pang Komisyonado ________________________________________________ 354

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ sa tatlong taon, na di na muling mahihirang. Ang paghirang tungkol sa ano mang bakante ay dapt lamang sa di-natapos na bahagi ng taning na panahon ng panunungkulan ng hahalinhan. Kailanman ay hindi dapat hirangin o italaga ang sino mang Kagawad sa katayuang pansamantala o nanunungkulan. SEKSYON 2. (1) Sumasaklaw ang Serbisyo Sibil sa lahat ng mga sanga, bahagi, instrumentalidad, at sangay ng Pamahalaan, kasama ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan na may mga orihinal na karta. (2) Ang mga paghirang sa Serbisyo Sibil ay dapat gawin lamang ayon sa kanilang merito at kabagayan na pagpapasyahan, hanggat maaari, at maliban sa mga katungkulang nagpapasya ng patakaran, lubhang kompidensyal, o totoong teknikal, sa pamamagitan ng pagligsahang pagsusulit. (3) Hindi dapat matiwalag o masuspindi ang sino mang pinuno o kawani ng Serbisyo Sibil maliban sa kadahilanang itinatadhana ng batas. (4) Ang sino mang pinuno o kawani ng Serbisyo Sibil ay hindi dapat lumahok, nang tuwiran o di-tuwiran, sa alin mang pangangampanya sa halalan o sa iba pang pampartidong gawain sa pulitika. (5) Hindi dapat ipagkait sa mga kawani ng pamahalaan ang mga karapatang magtatag ng sariling organisasyon. (6) Ang mga pansamantalang kawani ng pamahalaan ay dapat bigyan ng proteksyon gaya ng maaaring itadhana ng batas. ________________________________________________ 355

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ SEKSYON 3. Bilang punong sangay pantauhan ng Pamahalaan, ang Komisyon ng Serbisyo Sibil ay dapat magpairal ng isang career serviceat magpatibay ng mga panukalang magpapasulong ng kasiglahan, kahusayan, karangalan, kahandaan, pag-unlad, at paggalang sa serbisyo sibil. Dapat nitong palakasin ang sistema ng merito at gantimpala, pagsamasamahin ang lahat ng mga palatuntunan sa pagpapaunlad ng yamang-tao para sa lahat ng antas at ranggo, at isakatatagan ang isang kaligiran sa pamamahala na naaangkop sa kapanagutang pambayan. Ito ay dapat magharap sa Pangulo at sa Kongreso ng taunang ulat tungkol sa mga palatuntunang pantauhan nito. SEKSYON 4. Ang lahat ng mga pinuno at mga kawaning pambayan ay dapat manumpa o magpatotoo na ipagsasanggalang at ipagtatanggol ang Konstitusyong ito. SEKSYON 5. Dapat magtadhana ang Kongreso ng mga pamantayan sa sweldo ukol sa mga pinuno at kawani ng pamahalaan, kasama na rin ang mga nasa korporasyon ari o kontrolado ng pamahalaan na may mga orihinal na karta, na isinasaalang-alang ang uri ng mga pananagutan na nauukol, at mga kwalipikasyong hinihingi para sa kanilang mga katungkulan. SEKSYON 6. Ang sino mang kandidato na natalo sa alin mang halalan ay hindi dapat hirangin, sa loob ng isang taon makaraan ang halalang iyon, sa alin mang katungkulan sa Pamahalaan, o sa alin mang korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan o sa mga sangay nito. SEKSYON 7. Hindi magiging karapat-dapat ang sino mang pinunong halal sa paghirang o pagtatalaga sa alin mang ________________________________________________ 356

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ katungkulan o posisyong pambayan sa panahon ng kanyang panunungkulan. Matangi kung kinakailangan ng batas o ng mga pangunahing gawain ng katungkulan, hindi dapat humawak ang sino mang halal na pinuno ng ano mang iba pang katungkulan o trabaho sa Pamahalaan o alin mang bahagi o kontrolado ng Pamahalaan o sa gma sangay nito. SEKSYON 8. Ang sino mang halal o hinirang na pinuno o kawaning pambayan ay hindi dapat tumanggap ng dagdag, doble, o di-tuwirang suweldo maliban kung tiyakang ipinahihintulot ng batas, ni tumanggap ng ano mang regalo, pabuya, katungkulan, o ano mang uri ng titulo mula sa alin mang banyagang pamahalaan nang walang pagsang-ayon ang Kongreso. Ang mga pensyon o gratwity ay hindi dapat ituring na dagdag, doble, o di-tuwirang kompensasyon. K. Ang Komisyon sa Halalan (Commission on Elections) SEKSYON 1. (1) Dapat magkaroon ng isang Komisyon sa Halalan na binubuo ng isang Tagapangulo at anim (6) na mga Komisyonado na dapat ay mga katutubong ipinanganak na mamamayan ng Pilipinas at, sa panahon ng pagkakahirang sa kanila, tatlumput limang taon man lamang ang gulang, nagtataglay ng titulo sa kolehiyo, at hindi kailanman naging kandidato sa anomang katungkulang halal sa halalang kagyat na sinundan. Gayon man, ang mayorya nito, kasama ang Tagapangulo, ay ________________________________________________ 357

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ dapat na mga kabilang sa Philippine Bar na nag-practice bilang abogado sa loob ng sampung (10) taon man lamang. (2) Ang Tagapangulo at mga Komisyonado ay dapat hirangin ng Pangulo sa pagsang-ayon ng Komisyon sa Paghirang sa isang pitong (7) taong taning ng panunungkulan na di na muling mahihirang. Sa unang nahirang, tatlong (3) Kagawad ang manunungkulan sa loob ng pitong (7) taon, dalawang (2) Kagawad sa limang (5) taon, at ang mga natitirang Kagawad sa tatlong (3) taon, na di na muling mahihirang. Ang paghirang ukol sa nao mang bakante ay dapat lamang na sa di-natapos na bahagi ng taning na panahon ng panunungkulan ng hahalinhan. Kailanman ay di dapat hirangin o italaga ang sino mang Kagawad sa katayuang pansamantala o nanunungkulan. SEKSYON 2. Dapat tumupad ng sumusunod na mga kapangyarihan at mga gawain ng Komisyon ng Halalan: (1) Magpatupad at mamahala sa pagpapatupad ng lahat ng mga batas at regulasyon na kaugnay ng pagdaraos ng halalan, plebisito, initiative, reperendum, at recall. (2) Gampanan ang eksklusibong orihinal na hurisdiksyon sa lahat ng mga hidwaan tungkol sa mga halalan, mga kinalabasan at mga katangian ng lahat ng halal na mga pinunong panrehiyon, panlalawigan, at panglungsod, at hurisdiksyong paghahabol sa lahat ng mga hidwaan na kinakasangkutan ng mga halal na pinuno ng bayan na pinasyahan ng mga hukuman ng paglilitis na pangkalahatan ang hurisdiksyon, o kinasasangkutan ng mga halal na pinuno ________________________________________________ 358

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ ng baranggay na pinasyahan ng mga hukuman ng paglilitis na natatakdaan ang hurisdiksyon. Ang mga desisyon, mga pangwakas na utos, o mga kapasyahan ng komisyon tungkol sa mga hidwaan sa halaan na kinasasangkutan ng mga katungkulang halal sa bayan at baranggay ay dapat na pangwakas, maipatutupad, at hindi maipaghahabol. (3) Magpasya, matangi roon sa mga may kinalaman sa karapatan sa pagboto, sa lahat ng mga suliranin tungkol sa mga halalan, kasama ang pagpapasya sa bilang at kinalalagyan ng mga botohan, paghirang ng mga pinuno at mga inspektor ng halalan, at parerehistro ng mga botante. (4) Magsugo, sa pagsang-ayon ng Pangulo, sa mga sangay at kasangkapang tagapagpatupad ng batas ng Pamahalaan, kasama ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas, ukol sa tanging layuning matiyak ang malaya, maayos, malinis, mapayapa, at kapani-paniwalang halalan. (5) Irehistro, pagkaraan ng sapat na paglalathala, ang mga partido, mga organisasyon, o mga koalisyong pampulitika na bukod sa iba pang mga kahingian, ay kinakailangang magharap ng kanilang plataporma o programa ng pamahalaan, at kilalanin ang mga lingkod-bayan ng Komisyon ng Halalan. Hindi dapat irehistro ang mga denominasyon at mga sektang pangrelihiyon. Dapat ding tanggihan ang pagrerehistro sa mga naghahangad na makamit ang kanilang mga layunin sa pamamagitan ng karahasan o mga labag na kaparaanan, o tumatangging itaguyod at talimahin ang Konstitusyon na ito, o sinusuportahan ang alin mang banyagang pamahalaan. ________________________________________________ 359

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Ang kontribusyong pinansyal sa mga partido, organisasyon, koalisyon, o kandidatong pampulitika mula sa banyagang pamahalaan at mga sangay niyon na may kaugnayan sa mga halalan ay ituturing na panghihimasok sa mga gawaing pambansa at, kapag tinanggap, magiging karagdagang batayan sa pagkansela sa pagkarehistro nila sa Komisyon, bukod sa iba pang mga parusa na maaaring itakda ng batas. (6) Batay sa nakompirmang sumbong o pagkukusa nito, magharap ng mga petisyon sa mga hukuman ukol sa paglalakip o sa pagwawakasi ng mga botante sa rehistro ng mga kwalipikadong botante; siyasatin at, kung nararapat, usigin ang mga paglabag sa mga batas sa halalan, kasama ang mga kagagawan o pagkukulang na itinuturing na pandaraya, mga pagkakasala at masasamang gawain sa halalan. (7) Itagubilin sa Kongreso ang mabisang mga hakbangin upang mapaliit ang gastos sa halalan, gayundin ang pagtatakda ng mga lugar na paglalagyan ng mga kagamitan sa propaganda, at mapigil at maparusahan ang lahat ng uri ng mga pandaraya, mga pagkakasala at masasamang gawain sa halalan, at mga panggulong pangkandidato. (8) Itagubilin sa Pangulo ang pag-alis ng sino mang pinuno o kawani na isinugo nito, o ang pagpapataw ng ano mang iba pang aksyong disiplinaryo, dahil sa paglabag o pagwawalangbahala, o pagsuway sa mga tagubilin, utos, o pasya nito. At, (9) Iharap sa Pangulo at sa Kongreso ang komprehensibong ulat tungkol sa pamalakad ng bawat halalan, plebesito, initiative, reperendum, o recall. ________________________________________________ 360

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ SEKSYON 3. Ang Komisyon sa Halalan ay maaaring magpasiya en banco sa dalawang dibisyon, at dapat maglagda ng mga alituntunin ng pamamaraan nito upang mapadali ang pagpapasya sa mga kaso sa halalan, kabilang ang mga hidwaan bago iproklama ang nanalo. Ang lahat ng gayong mga kaso sa halalan ay dapat dinggin at pasyahan sa dibisyon, sa pasubaling ang mga motion sa rekonsiderasyon ng mga pasya ay dapat pasyahan ng Komisyonen banc. SEKSYON 4. Ang pagtatamasa o pagsasagamit ng lahat ng mga prangkisa o permiso para sa operasyon ng transportasyon at iba pang mga kagamitang pambayan, media ng pahatiran o kabatiran, lahat ng mga kaloob ng Pamahalaan o ano mang bahagi, sangay, o instrumentalidad niyon, kasama ang akin mang korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan, ay maaaring pangasiwaan at isaayos ng Komisyon sa panahon ng halalan. Layunin ng gayong pangangasiwa at pagsasaayos na matiyak ang timbang na pagkakataon, panahon, puwang, at karapatang sumagot, kasama na ang makatwiran at timbang na singil ukol doon sa mga kampanya at forum sa pagbibigay ng impormasyon sa madla ng mga kandidato sa layuning matiyak ang malaya, maayos, malinis, mapayapa, at kapani-paniwalang halalan. SEKSYON 5. Ang alin mang patawad, amnestiya, parole, o supsensyon ng kaparusahan sa paglabag sa mga batas, tuntunin at mga alituntunin ng halalan ay hindi dapat ipagkaloob ng Pangulo nang walang pasang-ayong tagubilin ng Komisyon. SEKSYON 6. Dapat pahintulutang mamukadkad ang isang malaya at lantad na sistemang partido alinsunod sa ________________________________________________ 361

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ malayang pagpili ng taong-bayan, na sasailalim lamang nga mga tadhana ng Artikulong ito. SEKSYON 7. Hindi dapat maging valid ang ano magn boto para sa alin mang partido, organisasyon, o koalisyong pampulitika, matangi sa maaaring itadhana ng Konstitusyong ito sa ilalim ng party-list system. SEKSYON 8. Ang mga partido, o organisasyon, o koalisyong pampulitika na nakarehistro sa ilalim ng partylist system ay hindi dapat magkaroon ng kinatawan sa mga lupon ng pagrerehistro ng mga botante, sa mga lupon nga mga inspektor sa halalan, sa mga lupon ng mga tagabilang, o iba pang katulad na mga kalupunan. Gayon man, sila ay dapat bigyan ng karapatang humirang ng mga bantay-halalan alinsunod sa batas. SEKSYON 9. Maliban kung naiiba ang itinatadhana ng Komisyon sa mga natatanging kalagayan, ang panahon ng halalan ay dapat magsimula siyamnapung araw bago sumapit ang araw ng halalan at dapat magtapos tatlumpung araw pagkaraan niyon. SEKSYON 10. Ang mga kandidatong bona fide para sa nao mang katungkulang pambayan ay dapat maging ligtas sa ano mang anyo ng panliligalig o diskriminasyon. SEKSYON 11. Dapat maglaan sa regular o natatanging laang-gugulin ng mga pondo sa sinertipikahan ng Komisyon na kinakailangang panggastos sa pagdaraos ng regular at natatanging mga halalan, mga plebisito, initiative, mga ________________________________________________ 362

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ reperendum, at recall at, sa sandaling mapagtibay, dapat na kusang ipalabas sa pamamagitan ng sertipikasyon ng Tagapangulo ng Komisyon. D. Ang Komisyon ng Awdit (Commission on Audit) SEKSYON 1. (1) Dapat magkaroon ng isang Komisyon sa Awdit na bubuuin ng isang Tagapangulo at dalawang Komisyonado, na dapat na mga katutubong inianak na mga mamamayan ng Pilipinas at, sa panahon ng pagkahirang sa kanila, tatlumput limang taon man lang mang gulang, mga certified public accountant na hindi kukulangin sa sampung taon ang karanasan sa pag-aawdit o kabilang sa Philippine Bar na nagpraktis bilang abogado sa loob ng sampung taon man lamang at hindi kailanman naging kandidato sa ano mang katungkulang halal sa halalang iniraos kagyat bago isinagawa ang kanilang pagkakahirang. Kailan man ay hindi dapt na magkatulad ng propesyon ang lahat ng mga Kagawad ng Komisyon. (2) Ang Tagapangulo at mga Komisyonado ay dapat hirangin ng Pangulo sa pagsang-ayon ng Komisyon sa Paghirang sa isang pitong taong taning na panahon ng panunungkulan na di na muling mahihirang. Sa mga unang nahirang, ang Tagapangulo ay dapat manungkulan sa loob ng pitong taon, ang isang Komisyonado sa limang taon, at ang isa pang Komisyonado sa tatlong taon, na di na muling mahihirang. Ang pagkahirang sa ano mang bakante ay dapat na ukol lamang sa di natapos na bahagi ng taning na panahon ng panunungkulan ng hahalinhan. Kailanman ay hindi dapat ________________________________________________ 363

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ hirangin o italaga ang sino mang Kagawad sa kalagayang pansamantala o nanunungkulan. SEKSYON 2. (1) Dapat magkaroon ang Komisyon ng Awdit ng kapangyarihan, awtoridad, at tungkuling magsuri, mag-audit at mag-ayos ng lahat ng mga kwentang nauukol sa tinanggap at kinita, mga paggastos o paggamit ng mga pondo at ariarian, na nauukol, ari o iniingatan lamang bilang katiwala ng Pamahalaan, o ano man sa mga bahagi, sangay, o kasangkapan niyon, kasama ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan na may mga orihinal na karta at sa batayang post-audit, ang: (a) mga kalupunan, mga komisyon, at mga tanggapang konstitusyonal na pinagkalooban ng mga pagsasarili sa pananalapi sa ilalim ng Konstitusyong ito; (b) mga nagsasariling mga dalubhasaan at pamantasang pampamahaalan; (k) mga ibang korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan at ang mga sangay niyon; at (d) mga entiti na di pampamahalaan na tumatanggap ng subsidyo o equity, nang tuwiran o di tuwiran mula sa o sa pamamagitan ng pamahalaan, na hihingi ng batas o ng nagkakaloob n institusyon na sumailalim sa gayong pag-aaudit bilang isang kondisyon sa pagtanggap ng subsidyo o equity. Gayon pa man, kapag di sapat ang sistemang internal kontrol ng inaawdit na mga tanggapan, ang Komisyon ay maaaring gumamit ng mga hakbangin kabilang ang pansamantala o natatanging pre-awdit na kinakailangan at nararapat upang maiwasto ang mga pagkukulang. Ito ay dapat mag-ingat ng pangkalahatang kwenta ng Pamahalaan at, sa panahong maaaring itadhana ng batas, ________________________________________________ 364

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ pangalagaan ang mga voucher at iba pang pagpapatunay na papeles na kaugnay niyon. (2) Dapat magkaroon ang Komisyon ng tanging awtoridad, batay sa mga katakdaan sa Artikulong ito, na magtakda ng saklaw ng awdit at pagsusuri nito, magtatag ng mga kaparaanan at pamamaraan na kinakailangan ukol doon, at maglagda ng mga tuntunin at alituntunin sa pagtutuos at pag-aawdit kabilang ang mga ukol sa paghadlang at di pagpapahintulot sa mga paggugol o paggamit ng mga salapi at ariarian ng pamahalaan na tiwali, hindi kinakailangan, labis-labis, maluho, o di makatwiran. SEKSYON 3. Hindi dapat magpatibay ng ano mang batas na sa ano pa mang kaparaanan ay inilalabas sa hurikdiksyon ng Komisyon sa Audit ang alin mang entity ng pamahalaan o sangay nito ukol sa ano mang pamumuhunan sa salapi ng bayan. SEKSYON 4. Ang Komisyon ay dapat magharap sa Pangulo at sa Kongreso, sa loob ng panahong itinatakda ng batas, ng taunang ulat sa sumasaklaw sa kalagayan at pagpapakilos sa pananali ng Pamahalaan, ng mga bahagi, mga sangay, at mga instrumentalidad niyon, kasama ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan, at mga entity na di-pampamahalaan, batay sa audit nito at magtagubilin ng mga hakbangin na kinakailangan upang mapag-ibayo ang kakayahan at pagkamabisa ng mga ito. Ito ay dapat magharap ng iba pang mga ulat na maaaring kailanganin ng batas. ________________________________________________ 365

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ ARTIKULO X PAMAHALAANG LOKAL (Local Government) Mga Tadhanang Pangkalahatan (General Provisions) SEKSYON 1. Ang mga subdibisyong teritoryal at pulitikal ng Republika ng Pilipinas ay ang mga lalawigan, mga lungsod, mga bayan, at mga baranggay. Dapat magkaroon ng mga awtonomiyang rehiyon sa Muslim Mindanao at sa mga Cordillera ayon sa itinatadhana nito. SEKSYON 2. Ang mga subdibisyong teritoryal at pulitikal ay dapat magtamasa ng awtonomiyang lokal. SEKSYON 3. Ang Kongreso ay dapat magsabatas ng isang kodigo ng pamahalaang lokal na dapat magtadhana ng balangkas ng pamahalaang lokal na higit na matugunin at mapanagutan na itinatag sa pamamagitan ng isang sistema ng desentralisasyon na may mabisang pamamaraan ng pagbawi ng katungkulan, pagpapatiuna at referendum, mag-ayaw-ayaw sa ibat ibang unit ng pamahalaang lokal ng kanilang mga kapangyarihan, mga pananagutan, at mga mapagkukunang-batas, at magtatadhana ng mga katangian, paghahalal, paghirang at pag-alis, taning ng panunungkulan, mga sweldo, mga kapangyarihan at gawain, at mga tungkulin ng mga pinunong lokal, at lahat ng iba pang mga bagay-bagay na may kaugnayan sa kabuuan at papapakilos ng mga unit na lokal. ________________________________________________ 366

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ SEKSYON 4. Ang Pangulo ng Pilipinas ay dapat tumupad ng pangkalahatang superbisyon sa mga pamahalaang lokal. Dapat seguruhin ng mga lalawigan ang mga lungsod at mga bayang nakapaloob sa mga ito, ng mga lungsod at mga bayan ang mga baranggay na nakapaloob sa mga ito, na gaganap ng kanilang kapangyarihan at mga gawain ayon sa pagkakatakda. SEKSYON 5. Dapat magkaroon ang bawat unit ng pamahalaang lokal ng kapangyarihang lumikha ng mga sariling mapagkukunan nito ng kita at magpataw ng mga buwis, butaw at singilin, sa ilalim ng mga panuntunan at katakdaang maaaring itadhana ng Kongreso, naaalinsunod sa saligang patakaran ng awtonomiyang lokal. Ang gayong mga buwis, butaw, at singilin ay dapat mapunta sa mga pamahalaang lokal lamang. SEKSYON 6. Dapat magkaroon ang mga unit ng pamahalaang lokal ng makatwirang kaparte, ayon sa itatakda ng batas, sa mga pambansang bwis na dapat kusang ipalabas para sa kanila. SEKSYON 7. Dapat na may karapatan ang mga pamahalaang lokal sa karampatang kaparte, sa mga bunga ng paggamit at paglinang ng kayamanang pambansa na nasa kani-kanilang mga lugar, sa paraang itatakda ng batas, kabilang ang pagbibigay ng kaparte sa mga naninirahan sa pamamagitan ng mga tuwirang benepisyo. ________________________________________________ 367

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ SEKSYON 8. Ang taning na panahon ng panunungkulan ng mga halal na pinunong lokal, maliban sa mga pinuno ng baranggay na itatakda ng batas, ay dapat na tatlong taon at hindi makapanunungkulan ang sino mang gayong pinuno nang mahigit sa tatlong magkakasunod na taning ng panunungkulan. Ang kusang pagkakatalikod sa katungkulan sa ano mang tagal ng panahon ay hindi dapat ituring na pagkauntol sa pagpapatuloy ng kanyang paglilingkod para sa buong taning na panahon ng panunungkulan na pinaghalalan sa kanya. SEKSYON 9. Ang mga kalupunang lehislatibo ng mga pamahalaang lokal ay dapat magkaroon ng mga kinatawang sektoral ayon sa maaaring itakda ng batas. SEKSYON 10. Ang alin mang lalawigan, lungsod, bayan o baranggay ay hindi maaaring likhain, hatiin, pagsamahin, buwagin o lubhang baguhin ang hanggahan nito, maliban kung naaayon sa mga batayang itinatag ng kodigo ng pamahalaang lokal at sa pagpapatibay ng mayoryang boto sa isang plebisito sa mga yunit pulitikal na tuwirang apektado. SEKSYON 11. Ang Kongreso ay maaaring lumikha sa pamamagitan ng batas ng tanging mga metropolitan sa subdibisyong pulitikal na sasailalim ng isang plebisito ayon sa itinatakda sa Seksyon 4 nito. Dapat manatili sa nakapaloob na mga lungsod at mga bayan ang kanilang saligang pang-awtonomiya at dapat na may karapatan sa kanilang sariling tagapagpaganap lokal at mga kapulungang tagapagbatas. Ang hurisdiksyon ng awtoridad metropolitan na lilikhain sa gayong paraaan ________________________________________________ 368

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ ay dapat itakda sa mga pangunahing lingkuran na nangangailangan ng koordinasyon. SEKSYON 12. Ang mga lungsod na sukdulang urban gaya ng pagkakatakda ng batas, at ang mga bumubuong lungsod na ang mga karta ay nagbabawal sa kanilang mga botante na bumoto para sa mga halal na pinuno ng lalawigan, ay dapat maging malaya sa lalawigan. Ang mga botante ng mga bumubuong lungsod na nakapaloob sa isang lalawigan, na ang mga karta ay hind nagtataglay ng gayong pagbabawal, ay hindi dapat alisan ng kanilang karapatang bumoto para sa mga halal na pinuno ng lalawigan. SEKSYON 13. Ang mga unit ng pamahalaang lokal ay maaaring magsama-sama, magbuo o mag-ugnay ng kanilang mga pagsisikap, mga lingkuran, at mga mapagkukunangbatis para sa mga layuning kapaki-pakinabang sa kanila ng naaayon sa batas. SEKSYON 14. Dapat maglaan ang Pangulo ng mga panrehiyong sanggunian sa pagpapaunlad o iba pang katulad ng mga kalupunan ng binubuo ng lokal na mga pinuno ng pamahalaan, mga panrehiyong puno ng mga kagawaran at iba pang mga tanggapan ng pamahalaan, at ng mga kinatawan mula sa mga organisasyong di pampamahalaan sa loob ng mga reiyon para sa mga layuning desentralisasyon ng pangangasiwa upang mapatatag ang awtonomiya ng mga yunit doon at upang mapabilis ang pagsulong at pag-unlad na pangkabuhayan at panlipunan ng mga yunit sa rehiyon. ________________________________________________ 369

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Mga Rehiyong Awtonomus (Autonomous Regions) SEKSYON 15. Dapat lumikha ng mga rehiyong awtonomus sa Muslim Mindanao at sa mga Cordillera na binubuo ng mga lalawigan, mga lungsod, at mga bayan, at mga lawak heograpiko na may panlahat at namumukod na manang kasaysayan at kalinangan, mga instrukturang pangkabuhayan at panlipunan at iba pang nauugnayna mga katangian alinsunod sa balangkas ng Konstitusyong ito, at ng kataaas-taasang kapangyarihan ng bansa ayon gayon din ang karangalang teritoryal ng Republika ng Pilipinas. SEKSYON 16. Ang Pangulo ay dapat tumupad ng pangkalahatang superbisyon sa mga rehiyong awtonomus upang matiyak na matapat na sinusunod ang mga batas. SEKSYON 17. Dapat masalalay sa Pamahalaang Pambansa ang lahat ng mga kapangyarihan, mga gawain at mga pananagutan na hindi ipinagkakaloob ng Konstitusyong ito ng batas sa mga rehiyong awtonomus. SEKSYON 18. Ang Kongreso ay dapat magsabatas ng isang batayang batas para sa bawat rehiyong awtonomus sa tulong at pakikilahok ng penrehiyong sangguniang komisyon na binubuo ng mga kinatawang hinirang ng Pangulo mula sa talaan ng mga nominado ng mga kalupunang multi-sektoral. Dapat tukuyin ng batayang batas ang saligang balangkas ng pamahalaan para sa rehiyon na binubuo ng kagawarang tagapagpaganap at kapulungang tagapagbatas, na kapwa dapat na halal at kumakatawan sa mga bumubuong yunit ________________________________________________ 370

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ pulitikal. Ang mga batayang batas ay dapat ding magtadhana ng mga tanging hukumanna may hurisdiksyon sa mga batas na personal, pampamilya at pang-ariarian nang naaalinsunod sas mga tadhana ng Konstitusyong ito at ng mga batas pambansa. Dapat magkabisa ang palikha ng rehiyong awtonomus kapat pinagtibay ng mayoryang boto ng mga unit ng manghahalal sa isang plebisito na tinawag ukol doon, sa pasubali na iyon lamang mga lalawigan, mga lungsod, at mga lugar heograpiko na bumoto nang katig sa gayong plebisito ang isasama sa rehiyong awtonomus. SEKSYON 19. Dapat magpatibay ng mga batayang batas ang unang Kongreso na inihalal sa ilalim ng Konstitusyong ito, sa loob ng labingwalong buwan mula sa pagkakatatag ng dalawang Kapulungan, para sa mga rehiyong awtonomus sa Muslim Mindanao at sa mga Cordillera. SEKSYON 20. Ang batayang batas ng mga rehiyong awtonomus, sa loob ng hurisdiksyong teritoryal nito at sa ilalim ng mga tadhana ng Konstitusyong ito at ng mga batas pambansa, ay dapat magtadhana ng mga kapangyarihang tagapagbatas sa: 1) Organisasyong pampangasiwaan; 2) Paglikha ng mga mapagkukunang rebenyu; 3) Mga manang lupain at mga likas na kayamanan; 4) Mga ugnayang personal, pampamilya at pang-ariarian; 5) Panrehiyong pagpaplano para sa pagpapaunlad urban at rural; ________________________________________________ 371

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ 6) Pagpapaunlad ng pangkabuhayan, panlipunan at panturismo; 7) Mga patakarang pang-edukasyon; 8) Pangangalaga at pagpapaunlad sa manang kalinangan; at 9) Mga iba pang bagay-bagay na maaaring ipahintulot ng batas para sa pagtataguyod ng kagalingang panlahat ng mga mamamayan sa rehiyon. SEKSYON 21. Ang pagpapanatili ng katiwasayan at kaayusan sa mga rehiyon ay dapat na pananagutan ng mga lokal na sangay ng pulisya na isasatatag, tutustusan, pangangasiwaan at gagamitin nang naaayon sa mga karamptang batas. Ang pagtatanggol at seguridad ng mga rehiyon ay dapat na pananagutan ng Pamahalaang Pambansa. ARTIKULO XI KAPANAGUTAN NG MGA PINUNONG BAYAN (Responsibilities of Government Officials) SEKSYON 1. Ang pagtitiwala ng bayan ay angkin ng katungkulang pambayan. Ang mga pinuno at mga kawaning pambayan at kinakailangang mamalaging nananagutan sa mga taong-bayan, maglingkod sa kanila na taglay ang pinakamataas na pakundangan, dangal,katapatan, at kahusayan, manuparan na taglay ang pagkamakabayan at katarungan, at mamuhay nang buong kapakumbabaan. SEKSYON 2. Ang Pangulo, Pangalawang Pangulo, ang mga Mahistrado ng Kataastaasang Hukuman, ang mga Kagawad ng Komisyong Konstitusyonal, at ang Ombudsman ay maaaring ________________________________________________ 372

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ alisin sa katungkulan sa pamamagitan ng impeachment, at pagkahatol doon sa tandisang paglabag sa konstitusyon, pagtataksil, pagpapasuhol, graft and corruption, iba pang mabibigat na krimen, o pagkakanulo sa pagtitiwala ng bayan. Ang lahat ng iba pang mga pinuno at kawaning pambayan ay maaaring alisin sa katungkulan ayon sa itinatadhana ng batas subalit hindi sa pamamagitan ng impeachment. SEKSYON 3. (1) Ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay dapat magkaroon ng tanging kapangyarihang magpasimula sa lahat ng mga kaso ng impeachment. (2) Ang isang pinanumpaang sakdal ukol sa impeachment ay maaaring iharap ng sino mang Kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan o ng sino mang mamamayan sa pamamagitan ng isang resolusyon ng pagsang-ayon ng sino mang Kagawad niyon, na dapat isama sa Palatuntunan ng Pagpupulungan sa loob ng sampung araw ng sesyon, at dapat itukoy sa nararapat na Komite sa loob ng tatalong araw ng sesyon pagkatapos noon. Pagkaraan ng pagdinig at sa pamamagitan ng nakararaming boto ng lahat ng mga Kagawad nito, ang Komite ay dapat magharap ng ulat ng mga Kagawad loob ng animnapung araw ng sesyon mula sa nabanggit na pagtutukoy, kasama ang kaukulang resolusyon. Dapat ikalendaryo ng Kapulungan ang pagsasaalang-alang sa resolusyon sa loob sampung araw ng sesyon pagkatanggap nito. (3) Dapat kailanganin ang boto ng isang-katlo man lamang ng lahat ng mga Kagawad ng Kapulungan upang patotohanan ang isang katig na resolusyon sa mga Artikulo ________________________________________________ 373

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ ng Impeachment ng Komite, o pawalang-halaga ang salungat na resolusyon nito. Dapat itala ang boto ng bawat Kagawad. (4) Kung ang pinanumpaang sakdal o resolusyon sa impeachment ay iniharap ng isang-katlo man lamang ng lahat ng mga Kagawad ng Kapulungan, iyon ay dapat bumuo sa mga Articles ng Impeachment, at dapat isunod agad ang paglilitis ng Senado. (5) Hindi dapat ipagharap ang opisyal ding iyon nang higit sa isang sakdal na impeachment sa loob ng isang taon. (6) Ang Senado ay dapat magkaroon ng tanging kapangyarihang maglitis sa lahat ng mga kaso impeachment. Kapag nagpulong ukol sa layuning iyon, ang mga Senador ay dapat sumailalim ng panunumpa o pagpapatotoo. Kapag ang Pangulo ng Pilipinas ay nililitis, ang Punong Mahistrado ng Kataastaasang Hukuman ang dapat mangulo, ngunit hindi dapat bumoto. Hindi dapat parusahan ang sino mang tao nang walang pagsang-ayon ng dalawang-katlo ng lahat ng Kagawad ng Senado. (7) Ang mga hatol sa mga kaso ng impeachment ay hindi dapat humigit sa pag-aalis sa katungkulan at diskwalipikasyon sa paghawak ng ano mang katungkulan sa ilalim ng Republika ng Pilipinas, ngunit ang panig na naparusahan ay dapat pa ring managot at sumailalim ng pag-uusig, paglilitis, at pagpaparusa ayon sa batas. (8) Ang Kongreso ay dapat maglagda ng mga tuntunin nito sa impeachment upang mabisang maisakatuparan ang layunin ng seksyong ito. ________________________________________________ 374

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ SEKSYON 4. Ang kasalukuyang hukuman laban sa katiwalian na tinatawag na Sandiganbayan ay dapat magpatuloy sa tungkulin at tumupad ng hurisdiksyon nito katulad ng sa ngayon o pagkaraan ay maaaring itadhana ng batas SEKSYON 5. Sa pamamagitan nito ay nililikha ang malayang tanggapan ng Ombudsman, na binubuo ng Ombudsman na tatawaging Tanodbayan, isang panlahatang Depyuti, at isa man lamang Depyuti sa bwat isa sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Maaari ring humirang ng isang hiwalay na Depyuti para sa militar. SEKSYON 6. Ang mga opisyal at mga kawani ng Tanggapan ng Ombudsman, maliban sa mga Depyuti, ay dapat hirangin ng Ombudsman alinsunod sa Batas ng Serbisyo Sibil. SEKSYON 7. Ang Tanodbayan, na umiiral sa kasalukuyan, ay dapat tawagin mula ngayon na Tanggapan ng Tanging Tagausig. Ito ay dapat magpatuloy sa tungkulin at tumupad ng kapangyarihan nito katulad ng sa ngayon o pagkaraan ay maaaring itadhana ng batas, matangi roon sa mga ipinagkaloob sa katungkulan ng Ombudsman na nilikha sa ilalim ng Konstitusyong ito. SEKSYON 8. Ang Ombudsman at ang kanyang Depyutiay dapat na mga katutubong ipinanganak na mamamayan ng Pilipinas, at sa panahon ng pagkahirang sa kanila ay may apatnapung taong gulang man lamang, kinikilala sa pagkamatapat at sariling pag-iisip, at kabilang sa Philippine Bar, at hindi naging kandidato sa ano mang katungkulang halal sa sinundang nakalipas na halalan. Ang Ombudsman ________________________________________________ 375

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ ay kinakailangang naging isang hukom o nagpraktis bilang abogado sa Pilipinas sa loob ng sampung taon o mahigit pa. Sa panahon ng kanilang panunungkulan, sila ay dapat sumailalim ng mga diskwalipikasyon at mga pagbabawal na tulad ng itinatadhana sa Sekyon 2, Artikulo X1-A ng Konstitusyong ito. SEKSYON 9. Ang Ombudsman at ang kanyang Depyuti ay dapat hirangin ng Pangulo mula sa talaan ng anim man lamang na pagpipilian na inihanda ng Judicial and Bar Council, at mula sa talaan ng tatlong pagpipilian para sa bawat bakante pagkaraan niyon. Hindi dapat kailanganin sa mga paghirang na iyon ang ano mang kumpirmasyon. Ang lahat ng mga bakante ay dapat punan sa loob ng tatlong buwan matapos mabakante ang mga iyon. SEKSYON 10. Ang Ombudsman at ang kanyang Depyuti ay dapat magtaglay ng ranggo ng Tagapangulo at mga Kagawad ng mga Komisyong Konstitusyonal, ayon sa pagkakasunod-sunod, at sila ay dapat tumanggap ng katulad na sahod, na hindi dapat bawasan sa panahon ng kanilang panunungkulan. SEKSYON 11. Ang Ombudsman at ang kanyang mga Depyuti ay dapat manungkulan sa taning na pitong taon na di na muling mahihirang. Sila ay hindi dapat maging marapat kumandidato sa ano mang katungkulan sa halalang kagyat na susunod sa pagtatapos ng kanilang panunungkulan. SEKSYON 12. Ang Ombudsman at ang kanyang Depyuti, bilang mga tagapagsanggalang ng taong-bayan, ay dapat ________________________________________________ 376

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ kumilos nang daglian sa mga sumbong na iniharap sa ano mang anyo o paraan, laban sa mga pinuno o kawaning pambayan ng pamahalaan, o ng ano mang bahagi, sangay o kasangkapan niyon, kasama ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan, at sa mga angkop na kaso ay dapat ipabatid sa mga maysumbong ang isinagawang aksyon at ang mga resulta niyon. SEKYON 13. Dapat magkaroon ang Tanggapan ng Ombudsman ng sumusunod na mga kapangyarihan, mga gawain at mga tungkulin: (1) Magsiyasat sa kusa nito o sa sumbong ng sino mang tao, ng ano mang gawa o pagkukulang ng sino mang opisyal, kawani, tanggapan, o sangay pambayan kapag ang gayong kagagawan o pagkukulang ay lumilitaw na ilegal, di makatarungan, di nararapat, o di episyente. (2) Mag-atas, batay sa sumbong o sa sariling kusa nito, sa sino mang opisyal pambayan o kawani ng pamahalaa, o ng alin mang bahagi, sangay o kasankapan niyon, at maging ng alin mang korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan na may mga orihinal na karta, na tuparin at madaliin ang ano mang kilos o tungkulin na hinihingi sa kanya ng batas, o pigilin, hadlangan, o iwasto ang ano mang pagmamalabis o di nararapat sa pagtupad ng mga tungkulin. (3) Mag-atas sa kinauukulang pinuno na magsagawa ng nararapat na hakbang laban sa isang nagkasalang opisyal o kawaning pambayan, at magtagubilin ng kanyang pagtitiwalag, pagsuspindi, pagbaba ng katungkulan, ________________________________________________ 377

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ pagmumulta, mahigpit na pangangaral, o pag-uusig, at tiyakin ang pagtalima sa ipinag-utos. (4) Sa alin mang nararapat na kaso at sa ilalaim ng mga katakdaan na maaaring itadhana ng batas, mag-atas sa kinauukulang pinuno na bigyan ito ng mga sipi ng mga dokumentotungkol sa mga kontrata o mga transaksyon na pinasok ng kanyang tanggapan na may kinalaman sa pagbabayad o paggamit ng mga pondo o mga ariariang pambayan, at mag-ulat sa Komisyon ng Awdit ng ano mang katiwalian upang magawan ng karampatang hakbang. (5) Humiling sa alin mang sangay ng pamahalaan ng kinakailangang tulong at impormasyon sa pagtupad ng mga pananagutan nito, at magsuri, kung kinakailangan, ng nauukol na mga rekord at mga dokumento. (6) Magpahayag ng mga bagay-bagay na saklaw ng pagsisiyasat nito kung hinihingi ng mga pangyayari at taglay ang nararapat na pag-iingat. (7) Alamin ang mga dahilan ng di kahusayan, redtape, masamang pamamahala, pandaraya, at katiwalian sa pamahalaan at magrekomenda ukol sa pag-aalis ng mga ito at pagsunod sa matataas na mga pamantayan ng kagandahang-asal at kahusayan. (8) Maglagda ng mga tuntunin ng pamamaraan nti at gumanap ng iba pang mga kapangyarihan o tumupad ng mga gawin o mga tungkulin na maaaring itadhana ng batas. ________________________________________________ 378

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ SEKSYON 14. Dapat magtamasa ng pagsasarili sa pananalapi ang Tanggapan ng Ombudsman. Dapat ipalabas nang kusa at regular ang pinagtibay na taunang laanggugulin nito. SEKSYON 15. Hindi dapat mahadlangan ng prescription, latches, o estoppel ang karapatan ng Estado na mabawi ang mga ariariang nakuha nang labag sa batas ng mga opisyal o mga kawaning pambayan, mula sa kanila o sa kanilang mga nominado o mga pinaglipatan. SEKSYON 16. Hindi maaaring magkaloob, ng tuwiran o di-tuwiran, ng ano mang pautang, garantiya, o iba pang uri ng kaluwagang pampananalapi para sa alin mang layuning pangnegosyo ang alin mang bangko o institusyong pampananalapi na ari o kontrolado ng pamahalaan sa Pangulo, Pangalawang Pangulo, sa mga Kagawad ng Gabinete, ng Kongreso, ng Kataaastaasang Hukuman, at ng mga Komisyong Konstitusyonal, sa Ombudsman, o sa alin mang bahay-kalakal o entity na mayroon silang kontroladong interes, sa panahon ng kanilang panunungkulan. SEKSYON 17. Ang isang pinuno o kawaning pambayan, sa pag-upo niya sa tungkulin at sa limitasyon ng panahong maaaring itadhana ng batas, ay dapat magsumite ng pinanumpaaang deklarasyon ng kanyang mga ariarian, pananagutan at aktwal na kabuuang ariarian. Sa kalagayan ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Kagawad ng Gabinete, ng Kongreso, ng Kataastaasang Hukuman, ng mga Komisyong Konstitusyonal at ng iba pang katungkulang Konstitusyonal, at mga pinuno ng Sandatahang Lakas na ________________________________________________ 379

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ may ranggong heneral o pamandila, ang deklarasyon ay dapat isiwalat sa madla sa paraang itinatadhana ng batas. SEKSYON 18. Ang mga pinuno at kawaning pambayan ay may kautangang katapatan sa lahat ng oras sa Estado at sa Konstitusyon, at ang sino mang pinuno o kawaning pambayan na naghahangad magbago ng kanyang pagkakamamamayan o magtamo ng katayuang immigrant sa ibang bansa sa panahon ng kanyang panunungkulan ay dapat lapatan ng kaukulang batas. ARTIKULO XII PAMBANSANG EKONOMIYA AT PATRIMONYA (National Economy and Patrimony) SEKSYON 1. Ang mga tunguhin ng pambansang ekonomiya ay higit pang pantay na pamamahagi ng mga pagkakataon, kita at kayamanan; sustenandong pagpaparami ng mga kalakal at mga paglilingkod na liha ng bansa para sa kapakinabangan ng sambayanan; at lumalagong pagkaproduktibo bilang susi sa pag-aangat ng uri ng pamumuhay para sa lahat, lalo na sa mga kapus-palad. Dapat itaguyod ng Estado ang industriyalisasyon at pagkakataon na magkahanapbuhay ang lahat bata sa mahusay na pagpapaunlad ng pagsasaka at repormang pansakahan, sa pamamagitan ng mga industriya na gumagamit nang lubusan at episyente sa mga kakayahan ng tao at mga likas na kayamanan, at nakikipagpaligsahan kapwa sa mga pamilihang lokal at dayuhan. Gayon man, dapat pangalagaan ng Estado ang mga negosyong Pilipino laban sa marayang kompitensyang dayuhan at mga nakamihasnan sa pangangalakal. ________________________________________________ 380

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ Sa pagsisikap na matamo ang mga tunguhing ito, dapat bigyan ng lubos na pagkakataong umunlad ang lahat ng mga sektor pangkabuhayan at mga rehiyon ng bansa. Dapat pasiglahin ang mga pribadong negosyo, pati na ang mga korporasyon, mga kooperatiba at katularing mga lansakang organisasyon, sa pagpapalawak ng base ng kanilang pagmamay-ari. SEKSYON 2. Ang lahat ng mga lupain ari ng bayan, mga tubig, ang mineral, karbon, petrolyo at iba pang mga langis mineral, lahat ng mga lakas na magagamit na enerhiya, mga pangisdaan, mga kagubatan o mga kahuyan, buhay-ilang, halaman at hayop, at iba pang mga likas na kayamanan ay ari ng Estado. Hindi maaaring ilipat kanino man ang lahat ng iba pang mga likas na kayamanan maliban sa mga lupaing pansakahan. Dapat sumailalim sa ganap na kontrol at superbisyon ng Estado ang paggalugad, pagpapaunlad, at pagsasagamit ng mga likas na kayamanan. Ang mga gawaing ito ay maaaring tuwirang isagawa ng Estado, o ito ay maaaring makipag-kasunduan sa magkasamang produksyon, magkasamang pakikipagsapalaran, bakasang produksyon sa mga mamamayang Pilipino o sa mga korporasyon o mga asosasyon na ang animnapung porsyento man lamang ng puhunan ay ari ng gayong mga mamamayan. Ang gayong mga kasunduan ay maaaring ukol sa panahong hindi hihigit sa dalawamput limang taon, na mapapanibago sa hindi hihigit sa dalawamput limang taon, at sa ilalim ng mga termino at kondisyon na maaaring itadhana ng batas. Sa kalagayan ng mga karapatan sa patubig, panustos-tubig, mga pangisdaan o mga gamit pangindustriya na iba sa pagpapaunlad ng ________________________________________________ 381

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ lakas-tubig,ang gamit na kapaki-pakinabang ang maaaring maging sukatan at katakdaan ng pagkakaloob. Dapat pangalagaan ng Estado ang yamang-dagat ng bansa sa mga karagatang pangkapuluan, dagat teritoryal at eksklusibong sonang pangkabuhayan nito, at dapat ilaan ang eksklusibong paggamitat pagtatamasa nito sa mga mamamayang Pilipino. Maaaring pahintulutan ng Kongreso sa pamamagitan ng batas ang maliitang pagsasagamit ng mga likas na kayamanan ng mga mamamayang Pilipino, gayon din ang pangkooperatibang pag-aalaga ng isda, na ang priority ay sa tawid-buhay na mga mangingisda at mga manggagawang pang-isda sa mga ilog, mga lawa, mga look, at mga dagatdagatan. Ang Pangulo ay maaaring makipagkasunduan sa mga korporasyong aring-dayuhan na kinapapalooban ng tulong teknikal o pinansyal para sa malawakang paggalugad, pagpapaunlad, at pagsasagamit ng mga mineral, petrolyo at iba pang mga langis mineral alinsunod sa mga pangkalahatang termino at mga kondisyon na itinatadhana ng batas, batay sa mga tunay na ambag sa pagsulong ng pangkabuhayan at sa kagalingang panlahat ng bansa. Sa gayong mga kasunduan, dapat itaguyod ng Estado ang pagpapaunlad at paggamit sa mga lokal na batis, siyentipiko at teknikal. Dapat ipagbigay-alam ng Pangulo sa Kongreso ang bawat kontratang pinakipagkayarian alinsunod sa tadhanang ito sa loob ng tatlumpung araw mula sa pagkakapagsagawa nito. ________________________________________________ 382

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ SEKSYON 3. Ang mga lupaing ari ng bayan ay inuuri sa pansakahan, kagubatan o kakahuyan, lupaing mineral, at mga pambansang parke. Ang mga lupaing pansakahan na ari ng bayan ay maaaring uriin pa sa pamamagitan ng batas alinsunod sa mga paggagamitan nito. Dapat limitahan sa mga lupaing pansakahan ang maililipat na mga lupaing ari ng bayan. Hindi maaaring humawak ang alin mang pribadong korporasyon o asosasyon ng mga lupaing maililipat na ari ng bayan maliban sa pamamagitan ng lease, sa taning na panahong hindi hihigit sa dalawamput limang taon, na mapaninibago sa hindi hihigit sa dalawamput limang taon, at hindi lalabis sa isabg libong ektaryang sukat. Ang mga mamamayan ng Pilipinas ay maaaring pumaloob sa kasunduan na lease nang hindi lalabis sa limang daang ektarya, o magtamo sa pamamagitan ng pagbili, homestead, o kaloob, nang hindi lalabis sa labindalawang ektarya niyon. Dapat itakda ng Kongreso, sa pagsasaalang-alang sa mga pangangailangan sa pangangalaga, ekolohiya at pagpapaunlad at alinsunod sa mga hinihingi ng repormang pansakahan, sa pamamagitan ng batas, ang sukat ng mga lupaing ari ng bayan na maaaring tamuhin, paunlarin, hawakan, o paupahan at mga kondisyon niyon. SEKSYON 4. Dapat magtakda ang Kongreso, sa pamamagitan ng batas sa lalong madaling panahon ng mga tiyak na saklaw ng mga lupaing kagubatan at mga pambansang parke, na malinaw na magtatakda ng kanilang mga hanggahan sa lupa. Pagkatapos noon, ang gayong mga lupaing kagubatan at mga pambansang parke ay dapat ________________________________________________ 383

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ ikonserba at hindi maaaring dagdaganni bawasan, maliban sa pamamagitan ng batas. Dapat magtakda ang Kongreso, para sa panahong maaaring ipasya nito, ng mga batas na magbabawal pagtotroso sa mga nanganganib na kagubatan at mga sakop ng watershed. SEKSYON 5. Dapat pangalagaan ng Estado, batay sa mga tadhana ng Konstitusyong ito at sa mga patakaran at mga programa sa pagpapaunlad ng bansa, ang mga karapatan ng mga katutubong pamayanang kultural sa kanilang minanang lupain upang matiyak ang kanilang kagalinang ekonomiko, panlipunan, at pangkultura. Maaaring magtakda ang Kongreso para sa pagpapairal ng mga nakaugaliang batas hinggil sa mga karapatan o mga ugnayan sa ariarian sa pagtiyak sa pagmamay-ari ng minanang lupain. SEKSYON 6. Ang paggamit ng ariarian ay may nauukol na tungkuling panlipunan, at lahat ng mga kinatawang pangkabuhayan ay dapat mag-ambag sa kabutihang panlahat. Dapat magkaroon ng karapatan ang bawat mamamayan at mga pribadong pangkat, kabilang ang mga korporasyon, na magmay-ari, magtatag at magpalakad ng mga negosyong pangkabuhayan, sa saklaw ng tungkulin ng Estado na itaguyod ang marapat na katarungan at manghimasok kapag hinihingi ang kabutihang panglahat. SEKSYON 7. Hindi dapat malipat o masalin ang ano mang pribadong lupain maliban sa pagmamana, at sa mga tao, mga korporasyon o mga asosasyon na may karapatang magtamo o maghawak ng mga lupaing ari ng bayan. ________________________________________________ 384

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ SEKSYON 8. Sa kabila ng mga tadhana ng Seksyon 7 ng Artikulong ito, ang isang katutubong ipininganak na mamamayan ng Pilipinas na nawalan ng pagkamamamayang Pilipino ay maaaring palipatan ng mga lupaing pribado, batay sa mga katakdaang itinatadhana ng batas. SEKSYON 9. Maaaring magtatag ang Kongreso ng isang malayang sangay ng ekonomiya at pagpaplano na pamumunuan ng Pangulo, na dapat magtagubilin sa Kongreso matapos makipagsanggunian sa angkop na mga sangay pambayan, sa ibat ibang pribadong sektor, at sa mga unit ng pamahalaang lokal, at magsakatuparan ng patuluyan, pinag-isa at magkakaugnay na mga programa at patakaran para sa mga pagpapaunlad ng bansa. Hanggat ang Kongreso ay hindi nagtatakda ng naiiba, dapat manungkulan ang Pambansang Pangasiwaan sa Ekonomiya at Pagpapaunlad bilang malayang sangay sa pagpaplano ng pamahalaan. SEKSYON 10. Sa tagubilin ng sangay sa ekonomiya at pagpaplano, dapat ilaan ng Kongreso sa mga mamamayan ng Pilipinas o sa mga korporasyon o mga asosasyon na ang animnapung porsyento man lamang ng puhunan ay ari ng gayong mga mamamayan, o ang maas mataas na porsyento na maaaring itakda ng Kongreso, ang ilang mga larangan ng pamumuhunan kailan man at ganinto ang iniaatas ng pambansang kapakanan. Dapat magsabatas ang Kongreso ng mga hakbanging magpapasigla sa pagbubuo at pagpapalakad ng mga negosyo na ang puhunan ay aring ganap ng mga Pilipino. ________________________________________________ 385

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Sa pagkakaloob ng mga karapatan, mga pribilehiyo at mga concession na sumasaklaw sa pambansang ekonomiya at patrimonyo, dapat unahin ng Estado ang mga kwalipikadong Pilipino. Dapat regulahin at gamitin ng Estado ang awtoridad nito sa mga puhunang dayuhan na saklaw ng pambansang hurisdiksyon nito at nang naaalinsunod sa mga pambansang tunguhin at mga pangunahing layunin nito. SEKSYON 11. Hindi dapat ipagkaloob ang ano magn prangkisa, sertipiko, o iba pang anyo ng pahintulot sa pagpapalakad ng kagamitang pambayan maliban sa mga mamamayan ng Pilipinas o sa mga korporasyon o mga asosasyong itinatag sa ilalim ng batas ng Pilipinas na ang animnapung porsyento man lamang ng puhunan ay ari ng gayong mga mamamayan, ni hindi dapat na ang prangkisa, sertipiko, o pahintulot ay tanging-tangi sa uri o hihigit pa sa limampung taon ang itatagal. Ni hindi dapat ipagkaloob ang gayong prangkisa o karapatan maliban sa kondisyon na ito ay dapat sumailalim ng pagsususog, pagbabago, o pagpapawalang-saysay ng Kongreso kapag kinakailangan ang kabutihang panlahat. Dapat pasiglahin ng Estado ang tanan na makilahok sa pamumuhunan sa mga kagamitang pambayan. Ang paglahok ng mga mamumuhunang dayuhan sa mga pamatnugutan sa ano mang kalakalan sa kagamitang pambayan ay dapat matakda sa kanilang katumbas na sapi sa puhunan niyon, at amg lahat ng mga pinunong tagapagpaganap at tagapamahala ng gayong mga korporasyon o asosasyon ay kinakailangang mga mamamayan ng Pilipinas. ________________________________________________ 386

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ SEKSYON 12. Dapat magtaguyod ang Estado ng makiling na paggamit ng paggawang Pilipino, domestikong materyales at mga kalakal na yaring lokal at dapat magpatibay ng mga hakbangin upang makalaban sa kompitensya ang mga ito. SEKSYON 13. Dapat magtaguyod ang Estado ng patakarang pangkalakalan na mauukol sa kagalingang panlahat at magsasagamit sa lahat ng mga anyo at ayos ng palitan na nasasalig sa pagkakapantay-pantay at pagtutumbasan. SEKSYON 14. Dapat magtaguyod ang Estado ng patuluyang pagpapaunlad ng isang pambansang pagpipisan ng talino ng mga Pilipinong dalubhasa sa syensya, mga mamumuhunan, mga propesyonal, mga tagapamuno, mataas na kaantasan ng laang-bisig na teknikal at mga bihasang manggagawa at mga artisan sa lahat ng mga larangan. Dapat magtaguyod ang Estado ng angkop na teknolohiya at pangasiwaan ang paglilipat ng teknolohiya para sa kapakinabangan ng bansa. Dapat ilaan lamang sa mga mamamayang Pilipino ang pagpapapraktis ng lahat ng mga propesyon sa Pilipinas, matangi sa mga kalagayang itinatakda ng batas. SEKSYON 15. Dapat lumikha ang Kongreso ng isang sangay na magtataguyod sa pag-iral at pagsulong ng mga kooperatiba bilang mga kasangkapan para sa katarungang panlipunan at kaunlarang pangkabuhayan. ________________________________________________ 387

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ SEKSYON 16. Hindi dapat magtadhana ang Kongreso, maliban sa pamamagitan ng pangkalahatang batas, ukol sa pagbubuo pagtatatag o pagreregula ng mga pribadong korporasyon. Maaaring lumikha o magtatag ng mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga tanging karta para sa kabutihan ng lahat at nasasalalay sa pagsubok sa pagiging kapakipakinabang nito. SEKSYON 17. Ang Estado, sa mga panahon ng pambansang kagipitan, kapag kinakailangan ng kapakanang pambayan, ay maaaring pansamantalang mangasiwa o mamatnugot sa pagpapalakad ng ano mang pambayang utility na aring pribado o negosyong pinagkalooban ng kapakanang pambayan, habang umiiral ang kagipitang pambayan at sa ilalim ng makatwirang mga katakdaang itatagubilin nito. SEKSYON 18. Ang Estado, sa kapakanan ng pambansang kagalingan o pagtatanggol, ay maaaring magtatag at magpalakad ng mga napakahalagang industriya, at pagkapagbabayad ng wastong kabayaran, maaaring ilipat nito sa pagmamay-aring pambayan ang mga yutiliti at iba pang mga pribadong negosyo na palalakarin ng pamahalaan. SEKSYON 19. Dapat regulahin o ipagbawal ng Estado ang mga monopolyo kapag kinakailangan ng kapakanang pambayan. Hindi dapat payagan ang mga kombinasyong sumusupil sa kalakalan o ang malayang kompitensya. SEKSYON 20. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang malayang punong pangasiwaan sa pananalapi, ang mga ________________________________________________ 388

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ kagawad ng namumunong kalupunan ay kinakailangang mga katutubong ipinanganak na mamamayang Pilipino na kilala sa pagkamatapat, pagkamarangal, at pagkamakabayan, at ang nakararami sa kanila ay dapat magmula sa pribadong sektor. Sila ay dapat ding sumailalim sa iba pang mga kwalipikasyon at disabilidad na maaaring itakda ng batas. Dapat magtakda ang pangasiwaanng patnubay na patakaran sa mga larangan na may kinalaman sa salapi, pagbabangko, at kredito. Dapat magkaroon ito ng superbisyon sa pamamalakad ng mga bangko at gampanan ang mga kapangyarihan sa pagregula nang ayon sa maaaring itadhana ng batas sa pamamalakad ng mga kompanya sa pananalapi at sa iba pang mga institusyong gumaganap ng katularing mga gawain. Hanggat hindi nagtatakda ng naiiba ang Kongreso, ang Bangko Sentral ng Pilipinas, sa pagpapalakad sa ilalim ng umiiral na mga batas, ay gaganap bilang punong pangasiwaan sa pananalapi. SEKSYON 21. Maaari lamang makautang sa ibang bansa nang naaalinsunod sa batas at sa alituntunin ng pangasiwaan sa pananalapi. Dapat maging handa sa pagbibigay sa taongbayan ng impormasyon hinggil sa mga utang sa ibang bansa na nakuha o ginarantiyahan ng pamahalaan. SEKSYON 22. Ang mga kagagawan na lumilihis o nagpapawalang-saysay sa alin mang tadhana ng Artikulong ito ay dapat ituring na di naaangkop sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng mga parusang sibil at kriminal, ayon sa maaaring itakda ng batas. ________________________________________________ 389

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ ARTIKULO XIII KATARUNGANG PANLIPUNAN AT MGA KARAPATANG PANTAO (Social Justice and Human Rights) SEKSYON 1. Dapat pag-ukulan ng Kongreso ng pinakamataas na priority ang pagsasabatas ng mga hakbangin na mangangalaga at magpapatingkad sa karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa dignidad na pantao, magbabawas sa mga di pagkakapantaypantay na panlipunan, pangkabuhayan, at pampulitika, at papawi sa mga di pagkakapantay-pantay na pagkalinangan sa pamamagitan ng pantay na pagpapalaganap ng kayamanan at kapangyarihang pampulitika para sa kabutihan ng lahat. Tungo sa mga mithiing ito, dapat regulahin ng Estado ang pagtatamo, pagmamay-ari, paggamit, at paglilipat ng ariarian at ng mga bunga nito. SEKSYON 2. Dapat kalakip sa pagtataguyod ng karunungang panlipunan ang tapat na paglikha ng mga pagkakataong ekonomiko na nasasalig sa kalayaan sa pagpapatiuna at pagtitiwala sa sariling kakayahan. Paggawa (Labor) SEKSYON 3. Dapat magkaloob ang Estado ng lubos na proteksyon sa paggawa, sa lokal at sa ibayong dagat, organisado at di organisado, at dapat itaguyod ang pupusang employment at pantay na mga pagkakataon sa trabaho para sa lahat. ________________________________________________ 390

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ Dapat nitong garantiyahan ang mga karapatan ng lahat ng mga manggagawa na magtatag ng sariling organisasyon, sama-samang pakikiapagkasundo at negosasyon, mapayapa at magkakaugnay na pagkilos, kasama ang karapatang magwelga nang naaalinsunod sa batas. Dapat na may karapatan sila sa katatagan sa trabaho, sa makataong mga kalagayan sa trabaho, at sa sahod na sapat ikabuhay. Dapat din silang lumahok sa mga proseso ng pagbabalangkas ng patakaran at desisyon na may kinalaman sa kanilang mga karapatan at benepisyo ayon sa maaaring itadhana ng batas. Dapat itaguyod ng Estado ang prinsipyong hatiang pananagutan ng mga manggagawa at mga employerat ang kinatingang paggamit ng boluntaryongmga pamamaraan ng pagsasaayos sa mga hidwaan, kabilang ang pagkakasundo, at dapat ipatupad ang pagtalima rito ng isat isa upang maisulong ang katiwasayang industriyal. Dapat regulahin ng Estado ang ugnayan ng mga manggagawa at mga employer, dahil sa pagkilala sa karapatan ng paggawa sa karampatang kaparte nito sa mga bunga ng produksyon at sa karapatan ng mga negosyo sa makatwirang tubo sa mga pamumuhunan. Repormang Pansakahan at Panlikas na Kayamanan (Agrarian Reform and Natural Resources) SEKSYON 4. Dapat magsagawa ang Estado, sa pamamagitan ng batas, ng programa sa repormang pansakahan na nakasalig sa karapatan ng mga magsasaka at mga regular na manggagawa sa bukid, na mga walang lupa, na tuwiran ________________________________________________ 391

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ o sama-samang magmay-ari ng mga lupang kanilang sinasaka o, sa kalagayan ng iba pang mga manggagawa sa bukid, tumanggap ng karampatang kaparte sa mga bunga niyon. Tungo sa layuning ito, dapat magpasigla at magsagawa ang Estado ng makatwirang pamamahagi ng lahat ng mga lupang pansakahan, na sasailalim sa mga priority at makatwirang mapapanatiling mga sukat na maaaring itakda ng Kongreso, na nagsasaalang-alang sa mga konsiderasyong pang-ekolohiya, pangkaunlaran, o pagkamatarungan, at batay sa pagbabayad ng makatwirang kabayaran. Dapat igalang ng Estado ang mga karapatan ng mga maliliit na may-ari ng lupa sa pagtatakda ng mga limitasyon sa retensyon. Dapat ding maglaan ang Estado ng mga insentibo para sa boluntaryong pagbabahagi ng lupa. SEKSYON 5. Dapat kilalanin ng Estado ang karapatan ng mga magsasaka, mga manggagawa sa bukid, at mga may-ari ng lupa, gayun din ang mga magsasaka na lumahok sa pagpaplano, pagbuo, at pamamahala ng programa, at dapat maglaan ng suporta sa pagsasaka sa pamamagitan ng mga lingkuran sa pananalapi, produksyon, pagsasapamilihan, at iba pang mga lingkurang pantulong. SEKSYON 6. Dapat ipatupad ng Estado ang mga simulain ng repormang pansakahan o stewardship kailanmat mapapairal nang naaalinsunod sa batas sa pamamahagio paggamit ng iba pang mga likas na kayamanan, kasama ang mga lupaing pambayan na angkop sa pagsasaka sa ilalim ng pamumuwisan o konsesyon, batay sa mga nananahanan, at ________________________________________________ 392

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ mga karapatan mga katutubong mga pamayanan sa kanilang minanang lupain. Maaaring ipanahanan ng Estado ang mga magsasakang walang lupa at mga manggagawa sa bukid sa sarili nitong mga lupaing pansakahan na ipamahagi sa kanila sa paraang itinakda ng batas. SEKSYON 7. Dapat pangalagaan ng Estado ang mga karapatan ng mga mangingisdang tawid-buhay, lalo na ng mga lokal na pamayanan, sa may pagtatanging paggamit ng mga kayaman sa tubig at pangisdaan na para sa lahat, kapwa sa mga tubigang panloob at sa dagat. Dapat na maglaan ito ng suporta sa mga mangingisdang iyon na tulong na nauukol sa pananalapi, produksyon at pagsasapamilihan, at iba pang mga lingkuran. Dapat ding pangalagaan, paunlarin at ikonserba ng Estado ang mga kayamanang iyon. Dapat umabot ang pangangalaga sa mga pangisdaan sa dagat ng mga mangingisdang tawid-buhay laban sa pagpasok ng dayuhan. Dapat tumanggap ang mga manggagawa sa pangisdaan ng karampatang kaparte sa kanilang pagtatrabaho sa pakinabang sa mga kayamanan sa tubig at pangisdaan. SEKSYON 8. Dapat maglaan ang Estado ng mga insentibo sa mga may-ari ng lupa sa pamumuhunan ng tinanggap na kabayaran sa programang sa repormang pansakahan upang itaguyod ang industriyalisasyon, lumikha ng mga hanapbuhay, isapribado ang mga negosyo ng sektor publiko. Ang mga kasangkapang pampananalapi na ginamit na kabayaran sa kanilang mga lupain ay dapat tanggaping ekwiti sa kanilang piniling mga negosyo. ________________________________________________ 393

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Reporma sa Lupang Urban at sa Pabahay (Reforms in Urban Land and Settlements) SEKSYON 9. Dapat magsagawa ang Estado, sa pamamagitan ng batas at para sa kabutihan ng lahat, sa pakikipagtulungan sa pribadong sektor, ng patuluyang programa sa reporma sa lupang urban at sa pabahay na magbibigay ng makakayanang disenteng pabahay at mga pangunahing paglilingkod sa mga mamamayang dukha at walang tahanan sa mga sentrong urban at mga panahanang pook. Dapat ding itaguyod nito ang sapat na mga pagkakataon sa hanapbuhay sa mga mamamayang iyon. Dapat ding itaguyod nito ang sapat na mga pagkakataon sa hanapbuhay sa mga mamamayang iyon. Dapat igalang ng Estado ang mga karapatan ng mga may-ari ng maliliit na ari-arian sa implementasyon ng programang iyon. SEKSYON 10. Hindi dapat paalisin ni gibain ang kanilang mga tirahan ng nagsisipanirahan sa mga dukhang nasa urban o rural na lugar maliban kung naaayon sa batas at sa paraang makatarungan at makatao. Hindi dapat ilipat ng tirahan ang nagsisipanirahan na mga dukhangurbanoruralnangwalangsapatna pakikipagsanggunian sa kanila at sa mga pamayanang paglilipatan sa kanila. Kalusugan (Health) SEKSYON 11. Dapat magsagawa ang Estado ng pinag-isa at komprehensibong lapit sa pagpapaunlad ________________________________________________ 394

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ ng kalusugan na magbibigay ng mga pangunahing pangangailangan, mga lingkurang pangkalusugan at iba pang mga lingkurang panlipunan na makakayanan ng lahat ng mga mamamayan. Dapat magkaroon ng priority para sa mga pangangailangan ng mahihirap na maysakit, matatanda, may kapansanan, mga babae, at mga bata. Dapat sikapin ng Estado na makapagkaloob ng libreng panggagamot sa mga pulubi. SEKSYON 12. Dapat magtatag at magpanatili ang Estado ng mabisang sistema ng pangangasiwa sa pagkain at gamot at magsagawa ng angkop na pagpapaunlad at pananaliksik sa laangbisig sa kalusugan na tumugon sa mga pangangailangan at suliranin sa kalusugan ng bansa. SEKSYON 13. Dapat magtatag ang Estado ng isang natatanging tanggapan para sa mga taong baldado para sa kanilang mga rehabilitasyon, sariling pagpapaunlad, at pagtitiwala sa sariling kakayahan, at sa kanilang pakikiisa sa kabuuang daloy ng lipunan. Kababaihan (Women) SEKSYON 14. Dapat pangalagaan ng Estado ang mga kababaihang nagtatrabaho sa pamamagitan ng ligtas at nakapagpapalusog na mga kalagayan sa pagtatrabaho, nagsasaalang-alang ng kanilang mga gawain bilang ina, at ng mga kaluwagan at mga pagkakataon na nagpapatingkad sa kanilang ikagagaling at ikagiginhawa upang matamo ang kanilang ganap na potensyal sa paglilingkod. ________________________________________________ 395

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Ang Mga Bahaging Ginagampanan at Mga Karapatan ng mga Organisasyon ng Sambayanan (Roles and Rights of Civic Organizations) SEKSYON 15. Dapat igalang ng Estado ang bahaging ginagampanan ng malayang mga organisasyon ng sambayanan upang matamo at mapangalagaan ng mga taongbayan, sa loob ng balangkas na demokratiko, ang kanilang lehitimo at sama-samang interes at hangarin sa pamamgitan ng paraang mapayapa at naaayon sa batas. Ang mga organisasyon ng sambayanan ay mga asosasyong bona fideng mga mamamayan na may subok na kakayahang itaguyod ang kapakanang pambayan at may mapagkikilalang pamiminuno, kasapian, at istruktura. SEKSYON 16. Hindi dapat bawalan ang karapat ng sambayanan at ng kanilang mga organisasyon sa mabisa at makatwirang pakikilahok sa lahat ng mga antas ng pagpapasiyang panlipunan, pampulitika, at pangkabuhayan. Dapat padaliin ng Estado, sa pamamagitan ng batas, ang pagtatatag ng sapat na mga pamamaraan sa pakikipagsanggunian. Mga Karapatang Pantao (Human Rights) Ang Komisyon sa Mga Karapatang Pantao (The Commission on Human Rights) SEKSYON 17. (1) Nililikha sa pamamagitan nito ang isang malayang tanggapan na tatawaging Komisyon sa Mga Karapatang Pantao. ________________________________________________ 396

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ (2) Ang Komisyon aya dapat buuin ng isang Tagapangulo at apat na mga Kagawad na kinakailangang mga katutubong ipininganak na mamamayan ng Pilipinas at ang mayorya nito ay dapat n amga kabilang sa Philippine Bar. Dapat itadhana ng batas ang taning na panahon ng panunungkulan at ang iba pang mga kwalipikasyon at mga disability ng mga kagawad ng Komisyon. (3) Hanggat hindi nabubuo ang Komisyong ito, ang kasalukuyang Pampanguluhang Komite sa mga Karapatang Pantao ay dapat magpatuloy sa pagtupad ng kasalukuyang mga gawain at kapangyarihan nito. (4) Dapat na kusa at regular na ipalabas ang pinagtibay na taunang-gugulin ng Komisyon. SEKSYON 18. Dapat magkaroon ang Komisyong sa Mga Karapatang Pantao ng mga sumusunod na mga kapangyarihan at mga gawain: (1) Magsiyasat, sa kusa nito o sa sumbong ng alin mang panig, ng lahat ng uri ng mga paglabag sa mga karapatang pantao na kinapapalooban ng mga sibil at pulitikal; (2) Maglagda ng mga panuntunan sa pamalakad, at mga tuntunin ng pamamaraan nito, at magharap ng sakdal na paglalapastangan ukol sa mga paglabag dito nang naaalinsunod sa mga Tuntunin ng Hukuman; (3) Magtakda ng angkop na mga hakbangin na naaayon sa batas para sa pangangalaga ng mag karapatang pantao ng ________________________________________________ 397

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ lahat ng mga tao sa Pilipinas, at gayon din ng mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa, at magtakda ng mga panagkang hakbangin, at mga paglilingkod na tulong legal sa mga kulang-palad na ang mga karapatang pantao ay nilabag o nangangailangan ng proteksyon; (4) Tumupad ng mga kapangyarihan sa pagdalaw sa mga piitan, mga bilangguan, o mga pasilidad sa detensyon; (5) Magtatag ng patuluyang programa sa pananaliksik, edukasyon at impormasyon, upang mapatingkad ang paggaling sa pagkapangunahin ng mga karapatang pantao; (6) Magrekomenda sa Kongreso ng mabisng mga hakbangin upang maitaguyod ang mga karapatang pantao at maglaan para sa mga bayad-pinsala sa mga biktima, o sa kanilang mga pamilya, ng mga paglabag sa mga karapatang pantao; (7) Subaybayan ang pagtalima ng Pamahalaan ng Pilipinas sa mga pananagutan sa pandaigdig na kasunduang-bansa hinggil sa mga karapatang pantao; (8) Magkaloob ng immunity sa pag-uusig sa sino mang tao na ang testimonyo o ang pag-iingat ng mga dokumento o iba pang ebidensya ay kinakailangan o makaluluwag sa pagtiyak ng katotohanan sa alin mang pagsisiyasat sa isinagawa nito o sa ilalim ng awtoridad nito; (9) Hilingin ang tulong ng alin mang kagawaran, kawanihan, tanggapan o sangaysa pagtupad ng mga gawain nito; ________________________________________________ 398

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ (10) Humirang ng mga pinuno at kawani nito nang naaayon sa batas; at (11) Tumupad ng iba pang mga tungkulin at mga gawain na maaaringitakda ng batas. SEKSYON 19. Maaaring magtadhana ang Kongreso para sa iba pang mga kaso ng paglabag sa mga karapatang pantao na dapat masaklaw ng awtoridad ng Komisyon, nagsasaalangalang sa mga rekomendasyon nito. ARTIKULO XIV EDUKASYON, AGHAM AT TEKNOLOHIYA, MGA SINING, KULTURA, AT PAMPALAKASAN (Education, Science and Technology, Arts, Culture, and Sports) SEKSYON 1. Dapat pangalagaan at itaguyod ng Estado ang karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa mahusay na edukasyon sa lahat ng antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ng gayong edukasyon. SEKSYON 2. Ang Estado ay dapat: (1) Magtatag, magpanatili, at magtustos ng isang kumpleto, sapat, at pinag-isang sistema ng edukasyong naaangkop sa mga pangangailangan ng sambayanan at lipunan; (2) Magtatag at magpanatili ng isang sistema ng libreng pambayang edukasyon sa elementarya at mataas na ________________________________________________ 399

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ paaralan. Hindi bilang pagtatakda sa likas na karapatan ng mga magulang sa pag-aaruga ng kanilang mga anak, ang edukasyong elementarya ay sapilitan sa lahat ng mga batang nasa edad ng pag-aaral. (3) Magtatag at magpanatili ng isang sistema ng mga kaloob ng scholarship, mga programang pautang sa estudyante, mga tulong sa salapi, at iba pang mga insentibo na dapat ibigay sa karapat-dapat na mga estudyante sa mga paaaralang publiko at pribado, lalo na sa mga kulang-palad; (4) Pasiglahin ang di-pormal, impormal, at katutubong mga sistema ng pagkatuto, at gayon din ang mga programang pagkatuto sa sarili, sarilinang pag-aaral at pag-aaral sa labas ng paaralan lalo na yaong tumutugon sa mga pangangailangan ng pamayanan; at (5) Mag-ukol sa mga mamamayang may sapat na gulang, may kapansanan, at kabataang nasa labas ng paaralan ng pagsasanay sa sibika, kahusayang bokasyonal, at iba pang mga kasanayan. SEKSYON 3. (1) Dapat maging bahagi ng kurikula ang pag-aaral ng Konstitusyon sa lahat ng mga institusyong pang-edukasyon. (2) Dapat nilang ikintal ang pagkamakabayan at nasyonalismo, ihasik ang pag-ibig sa sangkatauhan, paggalang sa mga karapatang pantao, pagpapahalaga sa gampanin ng mga pambansang bayani sa historikal na pagpapaunlad ng bansa, ituro ang mga karapatan at ________________________________________________ 400

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ mga tungkulin ng pagkamamamayan, patatagin ang mga pagpapahalagang etikal at espiritwal, linangin ang karakter na moral at disiplinang pansarili, pasiglahin ang kaisipang mapanuri at malikhain, palawakin ang kaalamang pangagham at teknolohikal, at itaguyod ang kahusayang bokasyonal; (3) Sa opsyong nakalahad nang nakasulat ng mga magulang o mga tagakupkop, dapat pahintulutang ituro ang relihiyon sa kanilang mga anak o mga ampon sa mga pambayang paaralang elementarya at mataas na paaralan sa regular na orasng klase ng mga tagapagturong itinalaga o pahintulutan ng relihiyosong awtoridad ng relihiyong kinaaaniban ng mga anak o mga ampon, nang walang dagdag na gastos ang pamahalaan. SEKSYON 4. Kinikilala ng Estado ang mga gampaning komplimentaryo ng mga institusyong publiko at pribado sa sistemang pang-edukasyon at dapat itong tumupad ng makatwirang superbisyon at regulasyon sa lahat ng mga institusyong pang-edukasyon. (1) Ang mga institusyong pang-edukasyon, bukod sa mga itinatag ng mga pangkat na relihiyoso at mga kalupunang misyon, ay dapat na ari lamang ng mga mamamayan ng Pilipinas o ng mga korporasyon o mga asosasyon na ang animnapung bahagdan man lamang nga puhunan nito ay ari ng gayong mga mamamayan. Gayon man, maaaring itakda ng Kongreso ang karagdagang lahok na ekwiting Pilipino sa lahat ng mga institusyong pang-edukasyon. ________________________________________________ 401

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Dapat sumakamay ng mga mamamayan ng Pilipinas ang kontrol at admnistrasyon ng mga institusyong pang-edukasyon. Hindi dapat matatag ang ano mang institusyong pangedukasyon ng eksklusibong para sa mga dayuhan at hindi dapat humigit sa isang-katlo ng enrolment sa alinmang paaralan ang ano mang pangkat ng mga dayuhan. Ang mga tadhana ng sub-seksyon na ito ay hindi sasaklaw sa mga paaralang itinatag para sa mga dayuhan na tauhang diplomatiko at kanilang mga kaanak at, matangi kung naiiba ang itinatadhana ng batas, para sa mgaiba pang mga dayuhan na pansamantalang naninirahan dito. (2) Ang lahat ng mga rebenyu at mga ariarian ng mga institusyong pang-edukasyon na di-sapian, di pampakinabang, at ginamit nang aktwal, tuwiran, at eksklusibo para sa mga layuning pang-edukasyon ay dapatmalibre sa mga buwis at mga bayarin sa kalakal. Sa sandaling mabuwag o maputol ang buhaykorporasyon ng gayong mga institusyon, dapat ma-dispose ang kanilang mga asset sa paraang itinatadhana ng batas. Maaari ring magkaroon ng karapatan ang mga institusyong pang-edukasyon na propryetri pati yaong mga ari ng kooperatiba sa gayong mga pagkalibre salig sa mga katakdaang itinatadhana ng batas kabilang ang mga pagtatakda sa mga dibidendo at mga tadhana para sa muling pamumuhunan. (3) Bata sa mga kondisyong itinatakda ng batas, dapat malibre sa buwis ang lahat ng mga kaloob, mga endowment, mga donasyon, o mga kontribusyon na ginamit nang aktwal, tuwiran, at eksklusibo para s mga layuning pang-edukasyon. ________________________________________________ 402

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ SEKSYON 5. (1) Dapat isaalang-alang ng Estado ang mga pangangailangan at kalagayang panrehiyon at pansektor at dapat pasiglahin ang lokal na pagplano sa pagbubuo ng mga patakaran at mga programang pangedukasyon. (2) Dapat tamasahin ang kalagayang akademiko sa lahat ng mga institusyon ng lalong mataas na karunungan. (3) Ang bawat mamamayan ay may karapatang pumili ng propesyon o kurso ng pagaaral, salig sa karampatan, makatwiran at pantay na mga kinakailangan sa pagpaskok at mga pangangailangang akademiko. (4) Dapat patingkarin ng Estado ang karapatan ng mga guro sa pagsulong na propesyonal. Dapat magtamasa ng proteksyon ng Estado ang mga tauhang akademiko na dinagtuturo at mga tauhang di-akademiko. Dapat mag-ukol ang Estado ng pinakamataas na priority sa pagtatabi ng budget para sa edukasyon at seguruhin na magaganyak at mapamamalagi ng pagtuturo ang nararapat na kaparte ntio sa pinakamahusay na mga talino sa pamamagitan ng sapat na gantimpala at iba pang paaralan ng kasihayan at katuparan sa gawain. Wika (Language) SEKSYON 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin ________________________________________________ 403

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. SEKSYON 7. Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hanggat walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic. SEKSYON 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles, at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila. SEKSYON 9. Dapat magtatag ng Kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng ibat ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, maguugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili ________________________________________________ 404

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ Agham at Teknolohiya (Science and Technology) SEKSYON 10. Napakahalaga ng agham at teknolohiya sa pambansang pag-unlad at pagsulong. Dapat magukol ng priority ang Estado sa pananaliksik at pagbubuo, imbensyon, inobasyon, at sa pagpapasagamit ng mga ito; at sa edukasyon, pagsasanay at mga lingkurang pang-agham at panteknolohiya. Dapat suportahan nito ang mga kakayahang siyentipiko at teknolohikal na katutubo, angkop at umaasa sa sariling kakayahan at ang kanilang kabagayan sa mga sistemang pamproduksyon at pambansang kapamuhayang pambansa. SEKSYON 11. Maaaring magtadhana ang Kongreso para sa mga insentibo, kasama ang mga kabawasan sa buwis, upang maganyak ang paglahok na pribado sa mga programa ng batayan at gamiting pananaliksik na siyentipiko. Dapat magkaloob ng mga scholarship, kaloob-na-tulong, o iba pang mga anyo ng mga insentibo sa mga karapatdapat na estudyante sa agham, mga mananaliksik, mga dalubhasa sa syensya, mga imbentor, mga technologist, at mga mamamayang may natatanging likas na talino. SEKSYON 12. Dapat regulahin ng Estado ang paglilipat at itaguyod ang pag-aangkop ng teknolohiya mula sa lahat ng batis para sa pambansang pakapkinabangan. Dapat pasiglahin nito ang pinakamalawak na paglahok ng mga pribadong pangkat, mga pamahalaang lokal, at mga organisasyong salig-pamayanan sa paglikha, at pagsasagamit ng agham at teknolohiya. ________________________________________________ 405

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ SEKSYON 13. Dapat pangalagaan at seguruhin ng Estado ang mga eksklusibong karapatan ng mga dalubhasa sa syensya, mga imbentor, mga artista at iba pang mga mamamayang may likas na talino sa kanilang ari at mga likhang intelektwal, lalo na kung kapakipakinabang sa sambayanan para sa panahong maaaring itakda ng batas. Mga Sining at Kultura (Arts and Culture) SEKSYON 14. Dapat itaguyod ng Estado ang pangangalaga, pagpapayaman at dinamikong ebolusyon ng isang pambansang kulturang Pilipino salig sa simulaing pagkakaisa sa pagkakaiba-iba sa kaligirang malaya, artistiko at intelektwal na pagpapahayag. SEKSYON 15. Dapat tangkilikin ng Estado ang mga sining at panitikan. Dapat pangalagaan, itaguyod, at ipalaganap ng Estado ang pamanang historikal at kultural at mga likha at mga kayamanang batis artistiko ng bansa. SEKSYON 16. Ang lahat ng mga kayamanang artistiko at historiko ng bansa ay bumubuo sa kayamanang kultural nito at dapat pangalagaan ng Estado na maaaring magregula sa disposisyon nito. SEKSYON 17. Dapat kilalanin, igalang, at pangalagaan ng Estado ang mga karapatan ng mga katutubong pamayanang kultural sa pagpapanatili at pagpapayaman ng kanilang kultura, mga tradisyon, at mga institusyon. ________________________________________________ 406

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ Dapat isaalang-alang nito ang mga karapatang ito sa pagbabalangkas ng mga pambansang plano at mga patakaran. SEKSYON 18. (1) Dapat seguruhin ng Estado ang pantay na pagtamo ng mga pagkakataong kultural sa pamamagitan ng sistemang pang-edukasyon, mga kultural na entity sa publiko o pribado, at mga libreng pagpapaaral, mga kaloob at iba pang mga insentibo, at mga pampamayanang sentrong kultural at iba pang mga tanghalang pangmadla. (2) Dapat pasiglahin at tangkilikin ng Estado ang mga pananaliksik at mga pag-aaral tungkol sa mga sining at kultura. Pampalakasan (Sports) SEKSYON 19. (1) Dapat itaguyod ng Estado ang edukasyong pisikal at pasiglahin ang mga programang pang-pampalakasan, mga paligsahang panliga, at mga amatyur na pampalakasan, kasama ang pagsasanay para sa mga paligsahang pandaigdig, upang maisulong ang disiplina sa sarili, pagtutulungan ng magkakasama at kahusayan para sa pagbubuo ng kapamayanang malusog at mulat. (2) Ang lahat ng mga institusyong pang-edukasyon at dapat magsasagawa ng regular na mga gawaing pangpampalakasan sa buong bansa at pakikipagtulungan sa mga samahan sa palaro at iba pang mga sektor. ________________________________________________ 407

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ ARTIKULO XV ANG PAMILYA (The Family) SEKSYON 1. Kinikilala ng Estado ang pamilyang Pilipino na pundasyon ng bansa. Sa gayon, dapat nitong patatagin ang kaisahan ng pamilyang Pilipino at aktibong itaguyod ang lubos na pag-unlad niyon. SEKSYON 2. Ang pag-aasawa, na di malalabag ng institusyong panlipunan, ay pundasyon ng pamilya at dapat pangalagaan ng Estado. SEKSYON 3. Dapat isanggalang ng Estado: (1) Ang karapatan ng mga mag-asawa na magpamilya nang naaayon sa kanilang pananalig na panrelihiyon at sa mga kinakailangan ng responsableng pagpapamilya; (2) Ang karapatan ng mga bata na mabigyan ng kalinga, kasama ang wastong pagaalaga at nutrisyon at natatanging proteksyon sa lahat ng mga anyo ng pagpapabaya, pagaabuso, pagmamalupit, pagsasamantala, at iba pang kondisyong nakakapinsala sa kanilang pag-unlad; (3) Ang karapatan ng pamilya sa sahot at kita na sapat ikabuhay ng pamilya; at (4) Ang karapatan ng mga pamilya o mga asosasyon nito na lumahok sa pagpaplano at pagpapatupad ng ________________________________________________ 408

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ mga patakaran at mga programa na nakaapekto sa kanila. SEKSYON 4. Ang pamilya ay tungkuling kalinangin ang matatandang mga miyembro nito ngunit maaari ring gawin ito ng Estado sa pamamagitan ng makatarungang mga pamaraan ng kapanatagang panlipunan. ARTIKULO XVI MGA TADHANANG PANGKALAKAHATAN (General Provisions) SEKSYON 1. Ang bandila ng Pilipinas ay dapat na pula, puti, at bughaw, na may isang araw at tatlong bituin, na dinadakila at iginagalang ng sambayanan at kinikilala ng batas. SEKSYON 2. Ang Kongreso, sa pamamagitan ng batas, ay maaaring magpatibay ng isang bagong pangalan ng bansa, isang pambansang awit, o isang pambansang sagisag, na pawang tunay na naglalarawan at sumisimbulo ng mga mithiin, kasaysayan, at mga tradisyon ng sambayanan. Ang nasabing batas ay dapat magkabisa lamang pagkaratipika ng sambayanan sa isang pambansang reperendum. SEKSYON 3. Hindi maaaring ihabla ang Estado nang wala itong pahintulot. SEKSYON 4.Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay dapat buuin ng isang armadong pwersa ng mga mamamayan sa sasailalim ng pagsasanay militar at maglilingkod ayon sa maaaring itadhana ________________________________________________ 409

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ ng batas. Ito ay dapat magpanatili ng isang regular na pwersang kinakailangan para sa kaseguruhan ng Estado. SEKSYONS 5. (1) Ang lahat ng mga miyembro ng sandatahang lakas ay dapat manumpa nang taimtim o magpatotoo na ipagsasanggalang at ipagtatanggol ang Konstitusyong ito. (2) Dapat patatagin ng Estado ang diwang makabayan at makabansang kamalayan ng militar, at ang paggalang sa mga karapatan ng mga mamamayan sa pagtupad ng kanilang tungkulin. (3) Ang propesyonalismo sa sandatahang lakas at sapat na remunerasyon at mga benepisyo ng mga miyembro nito ang dapat maging pangunahing kaabalahan ng Estado. Ang sandatahang lakaat ay dapat mabukod sa mga pulitikang partisan. Walang sino mang miyembro ng militar ang dapat na tuwiran o di tuwirang makilahok sa alin mang gawaing pampulitikang partisan, maliban sa pagboto. (4) Ang sino mang kaanib ng sandatahang lakas na nasa aktibong paglilingkod ay hindi kailanman dapat hirangin o italaga sa alin mang tungkulin sa isang katungkulang sibilyan sa Pamahalaan gayon din sa mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan o sa alin mang mga sangay nila. (5) Hindi dapat ipahintulot ng mga batas sa pagreretiro ng mga pinunong militar ang pagpapalugit sa kanilang paglilingkod. ________________________________________________ 410

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ (6) Ang mga pinuno at mga tauhan ng regular na pwersa ng sandatahang lakas ay dapat rekluta nang proporsyonal mula sa lahat ng lalawigan at mga lungsod hanggat maaari. (7) Ang panunungkulan ng Pinuno ng Sandatahang Lakas ay hindi dapat lumampas sa tatlong taon. Gayon man, sa panahon ng digmaan o iba pang kagipitang pambansa na idineklara ng Kongreso, maaaring palugitan ng Pangulo ang gayong panunungkulan. SEKSYON 6. Dapat magtatag at magpanatili ang Estado ng isang pwersa ng pulisya na pambansa ang saklaw at sibilyan ang uri na pangangasiwaan at pamamahalaan ng isang pambansang komisyon ng pulisya. Ang awtoridad ng mga tagapagpaganap ng lokal sa mga yunit ng pulisya sa kanilang hurisdiksyon at itatadhana ng batas. SEKSYON 7. Ang Estado ay dapat maglaan ng kagyat at sapat na pangangalaga, mga benepisyo, at iba pang mga anyo ng tulong sa mga beterano ng digmaan at mga beterano ng mga kampanyang militar, kanilang mga balo at mga naulila. Dapat ilaan ang mga pondo para rito at ang nararapat na pagsasaalang-alang ay dapat ipagkaloob sa kanila sa disposisyon ng mga pambayang lupaing sakahan at, sa nararapat na mga kalagayan, sa pagsasagamit ng mga likas na kayamanan. SEKSYON 8. Upang mapataas ang mga pensyon at iba pang mga benepisyong nararapat kapwa sa mga retirado ng pamahalaan at nga mga pribadong sektor, ito ay dapat repasuhin ng Estado sa pana-panahon. ________________________________________________ 411

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ SEKSYON 9. Dapat pangalagaan ng Estado ang mga mamimili labas a mga katiwalian sa kalakalan at sa mga di lisensyadong o mga mapanganib na mga produkto. SEKSYON 10. Dapat maglaan ang Estado ng patakarang pangkapaligiran para sa lubusang pagpapaunalad ng kakayahang Pilipino at sa pamamagitan ng mga instrukturang pangkomunikasyon na angkop sa mga pangangailangan at mga lunggatiin ng bansa batay sa pagtakaran na gumagalang sa kalagayan ng pananalita at ng pamahayagan. SEKSYON 11. (1) Ang pagmamay-ari at pamamahala ng mass media ay dapat na limitado lamang sa mga mamamayan ng Pilipinas, o sa mga korporasyon, mga kooperatiba, o mga asosasyong ganpa na ari at pinamamahalaan ng gayong mga mamamayan. Dapat regulahin o ipagbawal ng Kongreso ang mga monopoly sa komersyal na mass media kapag hinihingi ng kapakanang pambayan. Hindi dapat pahintulutan ang mga kombinasyong pumipinsala sa kalakalan o sa kompitensyang di makatwiran. (2) Ang industiya ng advertising na nakikintalan ng kapakanang pambayan, ay dapat regulahin ng batas para sa proteksyon ng mga mamimili at sa pagtataguyod ng kagalingang panlahat. Ang mga mamamayan o mga korporasyon o mga asosasyong Pilipino lamang na pitumpung porsyento man lamang ng kapital ay ari ng gayong mga mamamayan ang pahihintulutang pumasok sa industriya ng advertising. ________________________________________________ 412

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ Ang paglahok ng mga dayuhang mamumuhunan sa namamahalang mga kalupunan ng mga entity sa nasabing industriya ay limitado sa kanilang katumbas na sapi sa puhunan niyon, at lahat ng mga pinunong tagapagpaganap at tagapamahala ng nasabing mga entity ay kinakailangang mga mamamayan ng Pilipinas. SEKSYON 12. Ang Kongreso ay maaaring magtatag ng isang kalupunang magpapayo sa Pangulo tungkol sa mga patakarang may kinalaman sa mga katutubong pamayanang kultural, na mula sa naturang mga pamayanan ang nakakarami sa kanila. ARTIKULO XVII MGA SUSOG O MGA PAGBABAGO (Amendments or Revisions) SEKSYON 1. Ang ano mang susog o pagbabago sa Konstitusyong ito ay maaaring ipanukala: (a) ng Kongreso sa pamamagitan ng tatlong-kapat na boto ng lahat ng mga Kagawad nito; o (b) sa pamamagitan Konstitusyonal. ng isang Kumbensyong

SEKSYON 2. Ang mga susog sa Konstitusyong ito ay maaari ring tuwirang ipanukala sa pangunguna ng mga taong-bayan sa pamamagitan ng petisyon ng labindalawang bahagdan man lamang ng kabubuang bilang ng mga rehistradong manghahalal, kinakailangang katawanin ang bawat purok ________________________________________________ 413

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ lehislatibo ng tatlong bahagdan man lamang nga mga rehistradong manghahalal niyon. Hindi dapat pahintulutan ang ano mang susog sa ilalim ng seksyong ito sa loob ng limang taon kasunod ng ratipikasyon ng Konstitusyong ito ni nang malimit kaysa sa minsan tuwing limang taon pagkatapos noon. Dapat magtadhana ng batas ang Kongreso ukol sa pagkakatuparan ng paggamit ng karapatang ito. SEKSYON 3. Ang Kongreso, sa pamamagitan ng dalawangkatlong boto ng lahat ng Kagawad nito, ay maaaring tumawag ng isang Kumbensyong Konstitusyonal, o sa pamamagitan ng nakararaming boto ng lahat ng mga Kagawad nito, ay iharap ang suliranin ng pagtawag ng gayong Kumbensyon sa mga manghahalal. SEKSYON 4. Ang ano mang susog o pagbabago sa Konstitusyong ito sa ilalim ng Seksyon 1 nito ay dapat na balido kapag naratipikahan ng nakakaraming boto sa isang plebisito na dapat ganapin nang hindi alaga sa animnapung araw at hindi lalampas ang siyamnapung araw pagkapagpatibay ng gayong susog o pagbabago. Ang ano mang susog sa ilalim ng Seksyon 2 nito ay dapat na balido kapag naratipikahan sa bisa ng nakararaming botosa isang plebisito na dapat ganapin nang hindi aaga sa animnapung araw at hindi lalampas ang siyamnapung araw pagkatapos ng sertipikasyon sa kasapatan ng petisyon ng Komisyon ng Halalan. ________________________________________________ 414

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ ARTIKULO XVIII MGA TADHANANG LILIPAS (Transitory Provisions) SEKSYON 1. Ang unang halalan ng mga kagawad ng Kongreso sa ilalim ng Konstitusyong ito ay dapat iraos sa ikalawang Lunes ng Mayo, 1987. Ang unang halalang lokal ay dapat iraos sa petsang itatakda ng Pangulo, na maaaring kasabay ng halalan ng mga Kagawad ng Kongreso. Dapat isabay dito ang halalan ng mga Kagawad ng mga sangguniang panlungsod o pambayan sa Metropolitan Manila area. SEKSYON 2. Ang mga Senador, mga Kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan at ang mga pinunong lokal na unang inihalal sa ilalim ng Konstitusyong ito ay dapat manungkulan hanggang sa katanghalian ng Hunyo 30, 1992. Sa mga Senador na mahahalal sa halalan sa 1992, ang unang labindalawa na magtatamo ng pinakamataas na bilang ng mga boto ay dapat manungkulan sa loob ng anim na taon at ang nalalabing labindalawa sa loob ng tatlong taon. SEKSYON 3. Ang lahat ng mga umiiral na batas, mga dekreto, mga kautusang tagapagpaganap, mga proklamasyon, mga liham tagubilin, at iba pang mga pahayag tagapagpaganap na hindi salungat sa Konstitusyong ito ay mananatiling ipatutupad hanggat hindi sinususugan, pinawawalang-bisa, o pinawawalang-saysay. ________________________________________________ 415

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ SEKSYON 4. Ang lahat ng mga umiiral na kasunduangbansa o mga kasunduang internasyonal na hindi naratipikahan ay hindi dapat muling ipagpatuloy o palugitan nang walang pagsang-ayon ang dalawang-katlo man lamang ng mga Kagawad ng Senado. SEKSYON 5. Ang anim na taong taning ng panahon ng panunungkulan ng kasalukuyang Pangulo at Pangawalang Pangulo na nahalal noong Pebrero 7, 1986, para sa layunin ng pagtutugma ng halalan, ay pinapalugitan sa pamamagitan nito hanggang sa katanghalian ng Hunyo 30, 1992. Ang unang regular na halalan para sa Pangulo at Pangalawang Pangulo sa ilalim ng Konstitusyong ito ay dapat iraos sa ikalawang Lunes ng Mayo, 1992. SEKSYON 6. Ang kasalukuyang Pangulo ay dapat magpatuloy sa pagtupad ng kapangyarihang tagapagbatas hanggang sa pulungin ang unang Kongreso. SEKSYON 7. Hanggat hindi nagpapaptibay ng batas, maaaring humirang ang Pangulo mula sa listahan ng mga nominee ng kinauukulang mga sektor ng mga hahawak sa mga puwestong nakalaan para sa mga kinatawang sektoral sa ilalim ng Talaan (2), Seksyon 5 ng Artikulo VI ng Konstitusyong ito. SEKSYON 8. Hanggat hindi nagtatadhana ng naiiba ang Kongreso, maaaring likhain ng Pangulo ang Metropolitan Authority na kabibilangan ng mga puno ng lahat ng unit ng pamahalaang lokal na bumubuo sa Metropolitan Manila Area. ________________________________________________ 416

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ SEKSYON 9. Dapat magpatuloy sa pag-iral at pagkilos ang mga sub-lalawigan hanggat hindi nagagawang regular na lalawigan o hindi naibabalik ang mga bayang kasapi nito sa inang-lalawigan. SEKSYON 10. Ang lahat ng mga hukumang umiiral sa panahon ng ratipikasyon ng Konstitusyong ito ay patuloy na tutupad ng kanilang hurisdiksyon, hanggat hindi nagtatakda ng naiiba ang batas. Ang mga tadhana ng umiiral na mga Alituntunin ng Hukuman, mga aktang panghukuman, at mga batas procedural na hindi salungat sa Konstitusyong ito ay mananatiling ipinatutupad hanggat sinususugan o pinagwawalang-bisa ng Kataastaasang Hukuman o Kongreso. SEKSYON 11. Ang kasulukuyang mga Kagawad ng Judiciary ay dapat magpatuloy sa panunungkulan hanggang sa sapitin nila ang gulang na pitumpung taon, o mawalan ng kakayahang tumupad sa mga tungkulin ng kanilang katungkulan, o tanggalin sa panunungkulan nang may kadahilanan. SEKSYON 12. Sa loob ng isang taon pagkaraang maratipikahan ang Konstitusyong ito, ang Kataastaasang Hukuman ay kinakailangang maglagda ng isang sistematikong plano upang mapadali ang pagpapasya o resolusyon sa mga kaso o mga bagay-bagay na nabibimbin sa Kataastaasang Hukuman o sa mga nakabababang hukuman bago magkabisa ang Konstitusyong ito. Dapat magpasunod ng katularing plano para sa lahat ng mga tanging hukuman at mga kalupunang mala-panghukuman. ________________________________________________ 417

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ SEKSYON 13. Ang epektong legal ng pagkalaos, bago maratipikahan ang Konstitusyong ito, ang nararapat na panahon para sa pagpapasya o resolusyon ng mga kaso o mga bagay-bagay na idinulog para hatulan ng mga hukuman ay dapat pagpasyahan ng Kataastaasang Hukuman sa lalong pinakamadaling panahon pagkaraang maratipikahan ang Konstitusyong ito. SEKSYON 14. Ang mga tadhana ng mga Talataan (3) at (4) ng Seksyon 15 ng Artikulo VIII ng Konstitusyong ito ay adapat sumaklaw sa mga kaso o mga bagay-bagay na idinulog bago maratipikahan ang Konstitusyong ito, kapag ang nararapat na panahon ay lilipas pagkaraan ng gayong ratipikasyon. SEKSYON 15. Ang kasalukuyang mga Kagawad ng Komisyon sa Serbisyo Sibil, Komisyon sa Halalan, at Komisyon sa Awdit ay dapat magpatuloy sa panunungkulan sa loob ng isang taon pagkaraan maratipikahan ang Konstitusyong ito, matangi kung maalis nang lalong maaga bunga ng makatwirang kadahilanan, o mabalda upang di na magampanan ang mga tungkulin ng kanilang katungkulan, o mahirang sa bagong taning ng panunungkulan doon. Kailanman, ang sino mang Kagawad ay hindi dapat maglingkod nang matagal kaysa pitong taon kasama ang paglilingkod bago maratipikahan ang Konstitusyong ito. SEKSYON 16. Ang mga kawani ng career civil service na itiniwalag sa lingkuran nang hindi sa makatwirang kadahilanan kundi bilang resulta ng reorganisasyon na alinsunod sa Proklamasyon Bilang 3 na may petsang Marso ________________________________________________ 418

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ 25, 1986 at ang reorganisasyon kasunod ng ratipikasyon ng Konstitusyong ito ay dapat tumanggap ng nararapat na sahod sa pagkatiwalag, at ng mga benepisyo sa pagreretiro at iba pang mga benepisyo na nauukol sa kanila sa ilalim ng mga batas. Sa halip nito, sa kagustuhan ng mga kawani, sila ay maaaring isaalangalang para ma-employ ng pamahalaan, o sa alin man sa mga bahagi, mga instrumentality, o mga ahensya nito, kasama ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan at kanilang mga subsidiary. Sumasaklaw rin ang tadhanang ito sa career officers na ang pagbibitiw ay tinatanggap nang naaalinsunod sa umiiral na patakaran. SEKSYON 17. Hanggat hindi nagtatadhana ng naiiba ang Kongreso, ang Pangulo ay dapat tumanggap ng sahod na tatlong daang libong piso; ang Pangalawang Pangulo, ang Pangulo ng Senado, ang Speaker ng Kapulungan ng mga Kinatawan, at Pinunong Mahistrado ng Kataastaasang Hukuman, dalawang daat apatnapung libong piso bawat isa; ang mga Senador, ang mga Kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan, ang mga Kasamang Mahistrado ng Kataastaasang Hukuman, at ang mga Tagapangulo ng mga Komisyong Konstitusyonal, dalawang daat apat na libong piso bawat isa; at ang mga Kagawad ng mga Komisyong Konstitusyonal, isang daat walumpung libong piso bawat isa. SEKSYON 18. Sa pinakamaagang posibleng panahon, dapat itaas ng Pamahalaan ang antas ng sahod ng iba pang mga opisyal at mga kawani ng pamahalaang pambansa. SEKSYON 19. Ang lahat ng mga ariarian, mga rekord, mga kagamitan, mga gusali, mga pasilidad, at iba pang mga ________________________________________________ 419

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ ariarian ng alin mang tanggapan o kalupunan na binuwag o nireorganisa sa ilalim ng Proklamasyon Bilang 3 na may petsang Marso 25, 1986 o ng Konstitusyong ito ay dapat ilipat sa tanggapan o kalupunan na kinauukulan ng malaking bahagi ng mga kapangyarihan, mga gawain, at mga pananagutan nito. SEKSYON 20. Dapat pag-ukulan ng prayoriti ng unang Kongreso ang pagtatakda ng panahon para sa lubos na pagpapatupad ng libreng pambayan na edukasyong sekundarya. SEKSYON 21. Dapat magtadhana ang Kongreso ng mabisang pamamaraan at sapat na mga remedyo para sa panunumbalik sa Estado ng lahat ng mga lupaing aringbayan at mga karapatang real na kaugnay niyon na nakuha nang labag sa Konstitusyon o sa mga batas sa lupaing pambayan, o sa pamamagitan ng corrupt practices. Hindi dapat ipahintulot ang paglilipat o disposisyon ng gayong mga lupain o mga karapatang real hanggat hindi lumilipas ang isang taon mula sa ratipikasyon ng Konstitusyong i SEKSYON 22. Sa pinakamaagang posibleng panahon, dapat ipamahagi ng pamahalaan ang mga tiwangwang o pinabayaang mga lupaing pang-agrikultura, gaya ng maaaring pagpapakahulugan ng batas, para maipamahagi sa mga benepisyo ng programa sa repormang pang-agraryo. SEKSYON 23. Ang mga adbertaysing entity na apektado ng Talaan (2), Seksyon 11 ng Artikulo XVI ng Konstitusyong ito ay bibigyan ng limang taon mula sa ratipikasyon nito na tumupad nang bai-baitang at sa baseng proporsyonal sa ________________________________________________ 420

Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ________________________________________________ minimum na pagmamay-aring Pilipino na kinakailangan para roon. SEKSYON 24. Dapat lansagin ang mga pribadong armi at iba pang mga armadong pangkat na hindi kinikilala ng awtoridad na itinatag gaya ng nararapat. Ang lahat ng pwersang paramilitar, kabilang ang Civilian Home Defense Forces na hindi naaayon sa armadong hukbo ng mga mamamayan sa itinatag ng Konstitusyong ito ay dapat buwagin, o gawin, saan man naaangkop, na mga hukbong regular. SEKSYON 25. Sa pagwawakas sa 1991 ng Kasunduan ng Republika ng Pilipinas at ng United States of America tungkol sa mga Base Militar, ang mga dayuhang base militar, mga tropa o mga pasilidad ay hindi dapat pahintulutan sa Pilipinas maliban sa ilalim ng mga termino ng kasunduangbansa na kinatigan gaya ng nararapat ng Senado, at kung hinihingi ng Kongreso ay niratipikahan sa pamamagitan ng mayoryang boto ng mga mamamayan sa isang reperendum na iniraos para sa layuning iyon, at kinikilalang kasunduangbansa ng kabilang panig na nakikipagkasunduang Estado. SEKSYON 26. Ang amo mang awtoridad sa pag-iisyu ng sikwestresyon o atas sa pagpigil sa ilalim ng Proklamasyon Bilang 3, may petsang Marso 25, 1986 kaugnay sa pagbawi ng kayamanang nakuha sa masamang paraan ay mamamalaging ipinatutupad sa loob ng hindi hihigit sa labingwalong buwan pagkaraang maratipikahan ang Konstitusyong ito. Gayon man, para sa kapakanang pambansa, gaya ng pagkasertipika ng Pangulo, maaaring palugitan ng Kongreso ang naturang panahon. ________________________________________________ 421

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Ang order sa sikwestresyon o pagpigil ay dapat lamang ipalabas pagkapakita ng kasongprima facie. Ang order at ang listahan ng mga ariariang sinekwester o pinigil ay dapat irehistro kasunod niyon sa mga kaukulang hukuman. Ukol sa mga order na pinalabas bago maratipikahan ang Konstitusyong ito, dapat iharap ang kaukulang aksyon o kaparaanang panghukuman sa loob ng anim na buwan mula sa ratipikasyong ito. Tungol sa mga kautusang pinalabas pagkaraan ng gayong ratipikasyon, ang aksyon o kaparaanang panghukuman ay dapat iharap sa loob ng anim na buwan mula sa pagkapalabas niyon. Ang sikwestresyon o atas sa pagpigil ay itinuturing na awtomatikong binawi kung walang sinimulang aksyon o kaparaanang panghukuman ayon sa itinatakda rito. SEKSYON 27. Ang Konstitusyong ito ay dapat kagyat na magkabisa sa sandaling maratipikahan ng mayoryang boto sa isang plebisito na itinawag para sa layuning iyon at dapat pumalit sa lahat ng naunang mga Konstitusyon. Ang sinundang panukalang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyonal ng 1986 noong ikalabindalawang araw ng Oktubre, Labinsiyam na raan at walumput anim, at nilagdaan nang naaayon noong ikalabinlimang araw ng Oktubre Labinsiyam na raam at walumput anim sa Plenary Hall, National Government Center, Lungsod Quezon, ng mga Komisyoner na lumagda dito. ________________________________________________ 422

________________________________________________

PRAYMER SA KARAPATAN SA SAPAT NA PAGKAIN

________________________________________________ 423

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

Pambungad

ng karapatan sa sapat na pagkain ay nakakabit sa likas na dignidad ng tao at ito ay lubhang kailangan para sa katuparan ng iba pang mga karapatang pantao. Hindi rin ito mahihiwalay sa panlipunang katarungan, at nangangailangan ng paglalapat ng mga naaangkop na pang-ekonomiya, pangkapaligiran at panlipunang mga patakaran, para wakasan ang kahirapan at maisakatuparan ang karapatang pantao para sa lahat. Ang karapatan sa sapat na pagkain ay natutupad kapag ang bawat tao, mag-isa man siya o kasama ang iba pa, ay may pisikal at pang-ekonomiyang kakayahan na makamit ito anumang oras. Ang karapatan sa sapat na pagkain ay hindi nangangahulugan ng pagkakaroon lamang ng minimum na calories, proteins at iba pang mga sangkap ng nutrisyon. Ang estado ay may obligasyon na gumawa ng mga hakbang para mabawasan o tuluyang mawala ang pagkagutom kahit sa panahon ng mga natural o iba pang uri na kalamidad. Ang Kasapatan, Pagka-abot sa, at Pagpapanatili sa Pagkakaroon ng Pagkain Ang kasapatan ng pagkakaroon ng pagkain ay dapat na isaalang-alang kung kayang maabot ang partikular na pagkain o diyeta at siyang angkop para sa partikular na mga pagkakataon. Ang kasapatan ay natutukoy ng kasalukuyang panlipunan, pang-ekonomiya, pangkultura, klimatiko, ekolohiya at iba pang mga kondisyon. ________________________________________________ 424

Karapatan sa Pagkain ________________________________________________ Ang pagpapanatili ng pagkakaroon ng pagkain ay kakabit sa seguridad sa pagkain, dapat ang pagkain ay patuloy na maaabot ng kasalukuyan at hinaharap na mga henerasyon. Pangunahing Nilalaman ng Karapatan sa Sapat na Pagkain Isina-alang-alang na ang pinaka-ubod ng karapatan para sa sapat na pagkain ay: 1. Ang pagkakaroon ng sapat na dami at kalidad ng pagkain ayon sa pangangailangan ng bawat isa, ligtas sa mga mapinsalang substansya at tanggap sa kultura ng kumakain; at 2. Abot-kayang makamit ang kinakailangang pagkain sa mga sustinableng o likas-kayang pamamaraan at hindi nagiging sagabal sa pagtamasa ng iba pang karapatang pantao. a. Sapat na nutrisyon (dietary needs ) - Ang isang buong diyeta ay naglalaman ng mga nutrisyon para sa pisikal at mental na paglago, pag-unlad, at pagpapanatili nito. Para rin sa pisikal na gawain sa pagtugon sa mga physiological needs o pagkamit sa lahat ng pangangailangan upang matiyak ang mahusay na pangangatawan sa lahat ng yugto ng buhay at ayon sa kasarian at trabaho. Kailangan na mayroong pamamaraan na nagpapanatili at nagpapalakas ng mga pagkakaiba sa diyeta, angkop na pagkonsumo at pagpapakain, kasama na ang pagpapasuso. Dapat na tinitiyak nitong mga pamamaraan na ang mga pagbabago sa pagkakaroon at pag-abot ng pagkain ay hindi negatibong makakaapekto sa pandiyetang komposisyon at paggamit. ________________________________________________ 425

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ b. Ligtas (free from adverse substances) - Nagtatakda ng mga pangangailangan para sa kaligtasan ng pagkain at mga pampubliko at pribadong pamamaraang nagbibigay proteksiyon para maiwasan ang kontaminasyon ng pagkain dulot ng hindi malinis na kapaligiran o hindi tamang pagdadala nito sa buong yugto ng food chain. Kailangan din na malaman at maiwasan o alisin ang mga natural na toksin. k. Katanggap-tanggap sa kultura o sa kokonsumo (cultural or consumer acceptability) - Pagsasaalangalang sa mga pinahahalagahan kahit hindi batay sa nutrisyon ngunit nakakabit sa pagkain, pagkonsumo ng pagkain, at may kaalamang konsumer tungkol sa katangian ng mga naabot na mga pagkain. d. Pagkaroon ng pagkain - Tumutukoy sa mga posibilidad para sa pagpapakain sa sarili direkta mula sa produktibong lupa o iba pang mga likas na yaman, o para sa gumaganang sistema sa pamamahagi, pagproseso at pamilihan na maaaring maglipat ng pagkain mula sa lugar ng produksyon papunta sa kung saan ito may pangangailangan. e. Pagka-abot-kaya (Accessibilty) - sumasaklaw sa parehong pang-ekonomiya at pisikal na pagka-abot: i.

Abot-kayang bilhin - Ang mga personal o sambahayang pananalaping gastos kaugnay sa pagkuha ng pagkain para sa sapat na diyeta ay dapat nasa antas na ang pagkakaroon ng iba pang ________________________________________________ 426

Karapatan sa Pagkain ________________________________________________ mga pangunahing pangangailangan ay hindi makompromiso. Ang economic accessibility ay naaangkop sa anumang pamamaraan ng mga tao sa pagkuha ng kanilang pagkain at para matamasa ang kanilang mga karapatan sa sapat na pagkain. Ang mga vulnerable groups sa lipunan tulad ng mga taong walang lupain at iba pang kabilang sa bahagdan ng populasyon na naghihirap ay dapat bigyang pansin sa pamamagitan ng mga espesyal na programa. ii. Kayang puntahan - Ang sapat na pagkain ay dapat na maaliwalas na mapupuntahan ng lahat, kabilang ang mga taong may pisikal na kahinaan tulad ng bata, matatanda, may pisikal na kapansanan, at may malubhang sakit at problemang medikal kabilang ang mga may sakit sa pag-iisip. Ang mga biktima ng natural na kalamidad, mga taong naninirahan sa mga lugar na malamang makaranas ng sakuna , at iba pang espesyal na mga grupo na may disbentahe ay dapat bigyang pansin at prayoridad sa pagkaabot sa pagkain. Ang isang partikular na may kahinaan ay ang mga grupo ng katutubo dahil ang kanilang pagka-abot sa mga minanang lupain ay maaaring nanganganib. Mga Obligasyon ng Estado Ang estado ay may obligasyon na tiyakin na lahat ng kanyang nasasakupan ay magkaroon ng pagkain na sapat, may sapat ________________________________________________ 427

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ na nutrisyon, at ligtas, upang matiyak ang kanilang kaligtasan mula sa pagkagutom. Katulad ng ibang karapatang pantao, ang karapatan sa sapat na pagkain ay nagtatakda sa estado ng tatlong obligasyon: 1. Obligasyon na irespeto - Dapat na igalang ang mga umiiral na pamamaraan sa pag-abot sa sapat na pagkain at hindi gumawa ng mga hakbang para sa paghadlang ng mga ito. 2. Obligasyon na protektahan - Dapat na tiyakin na ang mga negosyo o sino man ay hindi pagkakaitan ang bawat tao na maabot ang sapat na pagkain. 3. Obligasyon na magpatupad - Dapat na magkaroon ng mga gawain na nagpapalakas sa pagka-abot at paggamit ng mga tao ng mga mapagkukunan at pamamaraan na matiyak ang kanilang kabuhayan at seguridad sa pagkain. Dapat pa ring maibigay ang karapatan sa sapat na pagkain sa tuwing ang pagtamasa nito ay hindi magawa o labas sa kontrol ng mga tao o grupo. Ang obligasyon na ito ay para rin sa mga biktima ng natural at iba pang kalamidad. Ang pag-abot, mga pamamaraan, at karapatan upang magkaroon ng pagkain, ay walang pagtatangi na batay sa lahi, kulay, kasarian, wika, edad, relihiyon, kuro-kurong pampulitika o iba pa, bansa o lipunang pinagmulan, ariarian, kapanganakan o iba pang katayuan. ________________________________________________ 428

Karapatan sa Pagkain ________________________________________________ Responsibilidad ng Lahat ng Miyembro ng Lipunan Ang lahat ng mga miyembro ng lipunan - mga indibidwal, pamilya, lokal na komunidad, non-governmental organizations, civil society organizations, at pribadong sektor ng negosyo - ay may pananagutan sa pagkamit ng karapatan sa sapat na pagkain. Dapat na magkaroon nang kapaligiran na magpapadali sa pagsasakatuparan nitong mga responsibilidad.

REFERENCES: Karapatan sa Sapat na Pagkain 1. Article 25, Universal Declaration of UN Rights 2. Article 11, International Covenant on Economic, Social, and Cultural Rights (1999) 3. Article 8, Declaration on the Right to Development

________________________________________________ 429

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

________________________________________________ 430

________________________________________________

PRAYMER SA KARAPATAN SA PAGGAWA

________________________________________________ 431

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ no ang karapatan sa paggawa?

Ang karapatan sa paggawa ay mahalaga para sa katapuran ng iba pang mga karapatang pantao at ito ay hindi maihihiwalay na likas na bahagi ng dignidad ng tao. Bawat tao ay may karapatang makapagtrabaho na magpapahintulot sa kanya na mabuhay ng may dignidad. Ang karapatan sa paggawa ay tumutulong buhayin ng tao ang kanyang sarili at pamilya, hanggat malaya niyang pinili o tinanggap ang trabaho para sa kanyang pag-unlad at pagkilala sa komunidad. Napapaloob din sa karapatan sa paggawa ang hindi pagtanggap o paggampan ng sapilitang pagtatrabaho at pagkakaroon ng pantay na pagkakataon na makapagtrabaho. Ano ang disenteng paggawa? Ang disenteng paggawa ay gumagalang sa mga pangunahing karapatan ng tao at sa mga karapatan ng manggagawa ukol sa mga kondisyon ng kaligtasan sa trabaho at kabayaran. Nagbibigay ito ng kita upang masuportahan ng manggagawa ang kanyang sarili at pamilya. Ang mga pangunahing karapatan ay kumikilala rin sa pisikal at pangkaisipang integridad ng mga manggagawa sa pagsasakatuparan ng kanyang trabaho. Ano ang sapilitang paggawa? Ayon sa International Labor Organization ang sapilitang paggawa ay lahat ng mga gawain o serbisyo ng sinumang tao sa ilalim ng pagbabanta ng anumang parusa, kung saan hindi niya kusang-loob na inaalok ang kanyang sarili. ________________________________________________ 432

Karapatan sa Paggawa ________________________________________________ Bakit nagtatrabaho sa mga impormal na sektor ng ekonomiya ang mga manggagawa? Ang kawalan at kakulangan ng pirmihang trabaho ang nagtutulak sa mga manggagawa na maghanap ng trabaho sa impormal na sektor ng ekonomiya kung saan wala silang proteksiyon. Napapaloob ang mga manggagawa sa impormal na ekonomiya higit para mabuhay kaysa kusang pinili ito. Dapat may paraan ang estado na pilitin ang mga nageempleyo na igalang ang mga batas sa paggawa ng kanilang mga empleyado upang matamasa ng kanilang mga manggagawa ang lahat ng kanilang karapatan. Dapat may maayos na regulasyon na ayon sa mga pambansang batas ng sa gayon ang mga manggagawang domestiko at agrikultural ay makatamasa rin ng proteksyong katulad ng iba pang manggagawa. Maaari ba ang pagpapatalsik sa trabaho? Ang pagpapatalsik sa trabaho ay dapat na naaayon sa batas at ang pagpapaalis ng manggagawa ay dapat may makatwirang dahilan. Ang mga manggagawa ay may mga legal na karapatan at lunas sa mga kaso ng hindi makatarungang pagtitiwalag. Ano ang mga sangkap sa pagtatrabaho? Ang lahat ng anyo at antas ng trabaho ay nangangailangan ng mga magkakaugnay at mahahalagang sangkap. Ang mga ito ay nakasalalay sa mga umiiral na kondisyon sa bawat estado. ________________________________________________ 433

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ 1. Ang Pagkakaroon ng Trabaho Ang estado ay dapat maglaan ng mga espesyal na serbisyo para tulungan at suportahan ang mga manggagawa na alamin kung saan makakahanap ng trabaho; 2. Abot-kamay na Trabaho Ang merkado para sa trabaho ay dapat maging bukas para sa lahat at ayon sa tatlong panukat: a.) Ipinagbabawal ang pagtatangi sa pagkakaroon ng at pagpapanatili sa trabaho batay sa lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, kuro-kurong pampulitika o iba pa, bansa o lipunang pinagmulan, ari-arian, kapanganakan, pisikal o mental na kapansanan, katayuan ng kalusugan (kasama ang HIV/AIDS), sekswal na oryentasyon, o sibil, pampulitika, panlipunang katayuan; ipinagbabawal ang anumang pagtatangi na may layunin o epekto ng pagwawalang saysay sa pagsasakatuparan ng karapatan sa paggawa. b) Madaling marating o maabot na pagtatrabahuan ang dapat isaalang-alang sa mga may kapansanan. k) Kabilang din sa sinasabing abot-kamay na trabaho ang karapatang humanap, makakuha at magbigay ng impormasyon ukol sa pagkakaroon ng trabaho sa pamamagitan ng pagtatatag ng imbakan ng mga datos ukol sa pagkakataon ng empleyo sa merkadong lokal, pangrehiyon, pambansa at sa ibang bansa. 3. Trabahong Katanggap-tanggap at Mataas ang Uri Kabilang sa karapatan sa paggawa ang karapatan ng ________________________________________________ 434

Karapatan sa Paggawa ________________________________________________ manggagawa sa makatarungan at mainam na mga kalagayan sa trabaho, lalo na sa ligtas na kondisyon sa pagtatrabaho; ang karapatan na bumuo ng unyon; at karapatan na malayang piliin at tanggapin ang trabaho. Ano ang karapatan sa paggawa ng mga kababaihan? Dapat na may pantay na karapatan ang mga kalalakihan at kababaihan sa pagtamasa ng lahat ng pang-ekonomiya, panlipunan at pangkulturang karapatan. Kailangan ng malawakang sistema ng proteksyon para malabanan ang pagtatangi sa kasarian at upang matiyak ang pantay na pagkakataon at pagtingin sa pagitan ng mga kalalakihan at kababaihan sa pamamagitan ng pantay na bayad para sa trabaho at sa katumbas nitong halaga. Ang pagbubuntis ay hindi dapat maging hadlang sa pagkakaroon ng trabaho at hindi dapat na maging dahilan para sa mawalan ng trabaho. Dapat bigyang diin ang katotohanan na ang kababaihan ay madalas na may mas maliit na pagkakataong makapag-aral kaysa kalalakihan. Inilalagay sa kompromiso ng ilang mga tradisyonal na kultura ang mga pagkakataon para sa pagtatrabaho at pagsulong ng katayuan ng mga kababaihan. Ano ang karapatan sa paggawa ng mga kabataan? Ang kaunaunahang trabaho ay nagbubuo ng pagkakataon tungo sa pang-ekonomiyang pag-asa-sa-sarili at isang paraan upang makaahon sa kahirapan. Ang mga kabataan, lalo na ang mga kabataang babae, ay karaniwang nahihirapan sa paghahanap ng ________________________________________________ 435

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ unang trabaho. Dapat na magkaroon at isakatuparan ang mga pambansang patakaran para sa sapat na edukasyon at bokasyonal na pagsasanay upang masuportahan ang pagkakaroon ng trabaho ng mga kabataan, lalo na ang mga kabataang babae. Ano ang karapatan sa paggawa ng mga bata? Ang mga bata ay may karapatan sa kalusugan at binibigyang diin nito ang pangangailangan na protektahan ang mga bata mula sa lahat ng uri ng trabaho na maaring makasagabal sa pag-unlad ng kanilang pisikal o mental na kalusugan. Dapat ding protektahan ang mga bata laban sa anumang anyo ng pang-ekonomiyang pagsasamantala o sapilitang pagtatrabaho. Ano ang karapatan sa paggawa ng mga matatanda? Dapat na may mga hakbang na pumipigil sa pagtatangi sa mga matatanda sa pagtamasa ng kanilang karapatan sa paggawa. Hindi dapat na maging batayan ang edad sa pagkakaroon ng trabaho. Ano ang karapatan sa paggawa ng mga taong may kapansanan? Ang karapatan ng lahat na mamuhay sa pamamagitan ng trabaho na kanyang malayang pinipili o tinatanggap ay hindi maisasakatuparan kung ang tanging pagkakataon na bukas sa mga may kapansanang manggagawa ay ang magtrabaho sa loob ng mga pasilidad sa ilalim ng masamang kondisyon. Dapat na magkaroon at patuloy na panghawakan ng mga may kapansanan ang kanila mga trabaho na angkop sa ________________________________________________ 436

Karapatan sa Paggawa ________________________________________________ kanilang kalagayan at lalo pang sumulong ang kanilang paglahok sa malawak na lipunan. Ano ang mga obligasyon ng estado ukol sa karapatan sa paggawa? Obligasyon na igalang Obligasyon na igalang ang karapatan sa paggawa sa pamamagitan ng pagbabawal sa pwersahan o sapilitang pagtatrabaho at pagbibigay ng pantay na pagkakataon sa disenteng trabaho para sa lahat ng tao, lalo na ang mga dehado at nasa laylayang grupo, kabilang ang mga bilanggo o mga detenido, minoridad, at migranteng manggagawa. Obligasyon na igalang ang karapatan ng mga kababaihan at mga kabataan na magkaroon ng disenteng trabaho at sa gayon ay gumawa ng mga hakbang upang labanan ang diskriminasyon at itaguyod ang pagkakaroon ng pantay na mga pagkakataon. Obligasyon na protektahan Ang obligasyon na protektahan ang karapatan sa paggawa ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga batas o pagkakaroon ng mga pamamaraan upang matiyak ang pantay na pagkakaroon ng trabaho at pagsasanay. Dapat din na tiyakin na ang mga panukalang pagsasapribado ay hindi makapanghihina sa mga karapatan ng manggagawa. Ang mga hakbang upang mapataas ang kakayahang umangkop ng merkado sa trabaho sa nagbabagong kondisyon sa lipunan ay hindi dapat na magbunga sa paghina ng katatagan ng trabaho o mapababa ang panlipunang proteksiyon ng mga manggagawa. ________________________________________________ 437

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Obligasyon na magpatupad Ang estado ay may obligasyon na ipatupad ang karapatan sa paggawa kapag hindi ito makamit ng mga tao o mga grupo ng tao sa dahilang hindi nila kontrolado. Kasama sa obligasyong ito ang pagkilala sa karapatan sa paggawa sa pambansang legal na sistema at pagtibayin ang pambansang patakaran ukol dito. Ang karapatan sa paggawa ay nangangailangan ng pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga patakarang may pagtingin na pasiglahin ang paglago at pag-unlad ng ekonomiya, mapataas ang antas ng buhay, matugunan ang pangngailangan sa lakas-tao, malabanan ang kawalan at kababaan ng bilang ng trabaho. Kaya kailangan ang mga epektibong hakbang upang mapunuan ang mga pangangailangan para mabawasan ang bilang ng walang trabaho, lalo na sa hanay ng kababaihan at mga dehado at nasa laylayang grupo. May pangangailangan ding magtaguyod ng mekanismo sa pasahod kapagka nawalan ng trabaho, gayundin ang pagtatatag ng mga serbisyong pang-empleyo (pampubliko o pribado) sa pambansa at lokal na antas. Ang obligasyon na mapadali ang pagpapatupad ng karapatan sa paggawa ay nangangailangan ng mga positibong hakbang upang tulungan ang mga tao na matamasa ang karapatan sa paggawa at ipatupad ang mga planong teknikal at bokasyonal na edukasyon para mapadali ang pagkakaroon ng trabaho. Ang obligasyon na maisulong ang karapatan sa paggawa ay nangangailangan ng mga programang pang-edukasyon at ________________________________________________ 438

Karapatan sa Paggawa ________________________________________________ pang-impormasyon upang magkaroon ng kamalayan sa karapatan sa paggawa ang publiko. Ano ang mga lunas sa mga paglabag sa karapatan sa paggawa? Sinumang tao o grupo na biktima ng paglabag sa karapatan sa paggawa ay dapat magkaroon ng mga abot-kamy at epektibong panghukuman o iba pang panlunas sa pambansang antas. Sa pambansang antas, ang mga unyon ng manggagawa at mga komisyon sa karapatang pantao ay may mahalagang papel sa pagtatanggol ng karapatan sa paggawa. Lahat ng mga biktima ay may karapatan sa sapat na bayad-pinsala (reparation) na maaaring ipagkaloob sa pamamagitan ng restitution o ganting-bayad, kompensasyon, o garantiya na hindi na mauulit ang paglabag. Ang pagsasama ng mga internasyonal na instrumento na nagtatakda para sa pambansang paglalapat, laluna ang mga mahahalagang kapulungan ng International Labor Organization, ay nagpapalakas sa pagiging mabisa ng mga hakbang upang magarantiya ang karapatan sa paggawa at ang mga hukuman ay binibigyan ng kapangyarihan na ipatupad ang mga obligasyon ng estado. Dapat igalang at protektahan ng estado ang mga gawain ng mga tagapagtanggol ng karapatang pantao at iba pang miyembro ng lipunang sibil, laluna ang mga unyon ng manggagawa na tumutulong sa mga indibidwal at mga grupo sa pagtamasa ng kanilang karapatan sa paggawa. ________________________________________________ 439

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

________________________________________________ 440

________________________________________________

ANG KARAPATAN SA TUBIG (Art. 11 & 12, ICESCR)

________________________________________________ 441

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

Pambungad

ng tubig ay isang likas na yaman at isang pampublikong bagay na pinagbabatayan ng buhay at kalusugan. Ang karapatang pantao para sa tubig ay kailanman di maaalis na pangangailangan upang magkaroon ng buhay na may dignidad. Rekisito rin ito upang matupad ang iba pang karapatang pantao. Ang mga estadong nagtataguyod nito ay kailangan gumawa ng mga hakbang upang makamit ang karapatang ito ng lahat ng kanilang sinasakupan nang walang pagtatangi. Ano ang mga legal na batayan ng karapatan sa tubig? Ang karapatang pantao ukol sa tubig ay nagbibigay karapatan sa lahat ng sapat, ligtas, katanggap-tanggap, pisikal na maaabot, at abot-kayang tubig para sa personal at pambahay o domestic na gamit. Ang sapat na dami ng ligtas na tubig ay kinakailangan upang maiwasan ang pagkamatay dahil sa natuyuan o dehydration, mabawasan ang panganib ng sakit na kaugnay sa tubig, at para sa pagkonsumo, pagluluto, personal at pambahay o domestic na pangangailangn ng kalinisan. Malawak ang pangangailanga sa tubig dahil sa ibat ibang layunin, bukod sa personal at pambahay o domestic na gamit, upang makamit ang maraming karapatan. Halimbawa, ang tubig ay kinakailangan upang magkaroon ng pagkain (karapatan sa sapat na pagkain) at matiyak ang kalinisan ng kapaligiran (karapatan sa kalusugan). Ang tubig ay mahalaga para sa pagkakaroon ng kabuhayan (karapatan na mabuhay sa pamamagitan ng pagtatrabaho) at maisagawa ________________________________________________ 442

Karapatan sa Tubig ________________________________________________ ang mga pangkulturang gawi (karapatang makibahagi sa pangkulturang buhay). Gayunpaman, inuuna sa paglalaan ng tubig ang karapatan para sa mga personal at sa pambahay o domestic na gamit. Binibigyang prayoridad din ang pagkakaroon ng mapagkukunan ng tubig na kailangan upang maiwasan ang gutom at pagkakasakit, pati na rin tubig na kailangan para matugunan ang mga obligasyon para matupad ang ibang karapatan. Ano ang karapatan sa tubig? Ang karapatan sa tubig ay nagtataglay nang magkakabit na mga kalayaan at kaakibat na karapatan (freedoms and entitlements). Kasama sa mga kalayaan o kawalan ng hadlang ang karapatan na malayang maabot ang mga kasalukuyang pinagkukunan ng tubig na kailangan para sa karapatan sa tubig. Gayon din ang karapatan na maging ligtas mula sa panghihimasok, tulad ng karapatan na maging malaya mula sa mga walang batayang diskoneksyon ( arbitrary disconnections) o kontaminasyon ng mga pinagkukunan ng tubig. Kabahagi ng karapatan sa tubig ang pagkakaroon ng isang sistema ng pagkakaroon ng pinagkukunan ng tubig at pamamahala nito. Ito ay nagbibigay nang pantay na pagkakataon sa mga tao para sa karapatan sa tubig. Ano ang mga sangkap ng karapatan sa tubig? Dapat na ang tubig ay maging sapat para sa karangalan ng tao, buhay at kalusugan. Ang pagiging sapat ng tubig ay hindi patungkol lamang sa volumetric na dami at teknolohiya. Ang tubig ay dapat na ituring bilang isang panlipunan at ________________________________________________ 443

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ pangkulturang kalakal, at hindi bilang pangunahing pangekonomiyang kalakal. Ang paraan ng pagkakaroon ng karapatan sa tubig ay ang pagtiyak na ito ay maging likaskaya ang pag-unlad o sustainable. Ibig sabihin, sinisigurado na ang karapatang ito ay makakamit para sa kasalukuyan at hinaharap na mga henerasyon. Habang ang kasapatan ng tubig na kinakailangan para sa karapatan sa tubig ay maaaring mag-iba ayon sa ibat ibang kondisyon, ang mga sumusunod na sangkap ay angkop sa lahat ng mga sitwasyon: 1. Pagkakaroon o Availability - Ang tubig para sa bawat tao ay dapat na sapat at tuloy-tuloy para sa mga personal at domestic na gamit. Ang mga kalimitang gamit nito ay para sa inuming tubig, pangpersonal na kalinisan, paglalaba ng mga damit, paghahanda ng pagkain, pangpersonal at pangbahay na kalinisan. Ang dami ng tubig para sa bawat tao ay dapat tumutugma sa pamantayan ng World Health Organization. Ang ilang mga tao at grupo ay maaari ring mangailangan ng karagdagang tubig dahil sa kalusugan, klima, at mga kondisyon sa trabaho; 2. Kalidad o Quality - Ang tubig na kinakailangan para sa bawat personal o domestic na gamit ay dapat maging ligtas laban sa mga mapinsalang micro-organism, kemikal na sangkap, at radiological hazards na maaaring maging banta sa kalusugan ng tao. Ang tubig ay dapat ding may katanggap-tanggap na kulay, amoy, at lasa para sa bawat personal o pambahay na gamit; at ________________________________________________ 444

Karapatan sa Tubig ________________________________________________ 3. Pagka-abot o Accessibility - Ang tubig at ang mga pasilidad at serbisyo kaugnay nito ay dapat na maaaring makamit ng lahat nang walang pagtatangi at nasa loob ng pamamahala ng estado. Ang accessibility ay may apat na magkakasanib na aspeto: a. Kayang puntahan / Physical accessibility - Ang tubig, sapat na mga pasilidad at serbisyo ng tubig, ay dapat nakapaloob sa isang ligtas na pisikal na maaabot ng lahat ng mga seksyon ng populasyon. Ang sapat, ligtas at katanggap-tanggap na tubig ay dapat na makukuha sa loob o sa agarang paligid ng bawat sambahayan, institusyong pang-edukasyon at lugar ng trabaho. Lahat ng mga pasilidad at serbisyo ng tubig ay dapat na may sapat na kalidad, angkop sa kultura, at sensitibo sa kasarian, life-cycle at pribadong pangangailangan. Ang pisikal na kaligtasan ay hindi dapat nanganganib sa panahon ng pag-abot sa mga pasilidad at serbisyo ng tubig; Abot-kayang bilhin / Economic accessibility Ang tubig at mga pasilidad at serbisyo ng tubig ay dapat na abot-kaya para sa lahat. Ang direktang at hindi direktang gastos at singilin kaugnay sa pagkakaroon ng tubig ay dapat na abot-kaya, at hindi dapat na malagay sa kompromiso o pagbabanta sa pagkakaroon ng iba pang mga karapatan;

b.

k. Walang tinatangi / Non-discrimination - Ang tubig at mga pasilidad at serbisyo ng tubig ay dapat na maaaring makamtan ng lahat, kabilang ang mga ________________________________________________ 445

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ pinaka-bulnerable o mga taong isinantabi ng lipunan (vulnerable o marginalized), naisaad sa batas at sa aktwal na mga pangyayari, nang walang pagtatangi; at d. Abot-kayang makakuha ng impormasyon / Information accessibility - Kasama rito ang karapatang humanap, tumanggap at magbigay ng impormasyon tungkol sa mga isyu sa tubig. Ano ang mga paglalapat ng walang pagtatangi at pagkakapantay-pantay ukol sa tubig? Ang karapatan sa tubig ay dapat na walang pagtatangi sa lahi, kulay, kasarian, edad, wika, relihiyon, pampulitikang paninindigan o iba pang opinyon , pinagmulang bansa o lipunan, ari-arian, kapanganakan, pisikal o mental na kapansanan, kalagayan ng kalusugan (kasama ang HIV / AIDS), sekswal na oryentasyon at sibil, pampulitika, panlipunan o iba pang katayuan. Ang estado ay dapat na tiyakin na ang mga paglaan ng mga mapagkukunan ng tubig, at mga pamumuhunan sa tubig, ay magpapadali sa pagkakaroon ng tubig para sa lahat ng mga kasapi ng lipunan. Halimbawa, ang pamumuhunan ay hindi dapat maging pabor sa mga mahal na serbisyo at pasilidad ng tubig na madalas ay nakakamit lang ng maliit at may pribilihiyong bahagi ng populasyon. Ang mga serbisyo at pasilidad ay dapat na para sa benepisyo ng mas malaking bahagi ng populasyon. Ang estado ay may espesyal na obligasyon na mabigyan ng karapatan sa tubig ang mga walang sapat na kakayanan sa ________________________________________________ 446

Karapatan sa Tubig ________________________________________________ pagkakaroon ng kinakailangang tubig at pasilidad upang maiwasan ang anumang pagtatangi. Ang estado ay dapat magbigay ng espesyal na pansin sa mga tao at grupo na matagal nang nahihirapan sa pagtamasa nang karapatan sa tubig. Kabilang dito ang mga kababaihan, bata, grupong minorya, katutubo, napalikas o bakwet, asylum seekers, internally displaced persons, migranteng manggagawa, bilanggo at detinido. Ano ang mga obligasyon ng estado ukol sa tubig? Ang mga estado ay may pare-pareho at patuloy na tungkulin na kumilos nang mabilis at epektibo hanggat maaari patungo sa ganap na pagkamit ng karapatan sa tubig. Ang pagkamit nitong karapatan ay dapat na kayang gawin at praktikal, dahil ang estado ay may kontrol sa malawak na hanay ng mga mapagkukunan, kabilang ang tubig, teknolohiya, pananalapi, at internasyonal na tulong. Obligasyon na irespeto o igalang Ang estado ay dapat na umiwas sa pagsagabal direkta o hindi direkta sa pagkamit ng karapatan sa tubig. Kasama sa obligasyong ito ang: 1. paglahok sa anumang gawain na hahadlang o lilimita sa pagkamit ng pantay at sapat na tubig; 2. pagsagabal sa mga kaugalian o tradisyonal na kasunduan para sa paglalaan ng tubig; ________________________________________________ 447

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ 3. labag sa batas na pagdudumi ng tubig, halimbawa, basura mula sa mga pasilidad na pag-aari ng bansa o sa paggamit at pagsubok ng mga armas; at 4. paglimita sa pag-abot sa o pagsira ng mga serbisyo at imprastraktura ng tubig bilang isang parusa, halimbawa, sa panahon ng mga armadong sigalot. Obligasyon na protektahan o ipagtanggol Dapat na hindi pahintulutan ng estado ang mga ikatlong partido sa pagiging sagabal sa anumang paraan sa pagkakaroon ng karapatan sa tubig. Kabilang sa mga ikatlong partido ang mga indibidwal, grupo, korporasyon at awtorisadong ahente. Kasama sa obligasyon ang paggamit ng epektibong batas at iba pang mga hakbang upang pigilin, halimbawa, ang mga ikatlong partido sa hindi nito pagbibigay ng pantay na pagkamit ng sapat na tubig. Gayon din ang pagdudumi at hindi makatarungang pangunguha ng mga pinagkukunan ng tubig, kasama ang mga likas na mapagkukunan, balon at iba pang sistema ng pagbabahaginan ng tubig. Upang maiwasan ang mga ganitong pag-abuso, kailangan nang isang epektibong regulasyon, na may kasamang independiyenteng o nagsasariling pagsubaybay, tunay na paglahok ng publiko, at pagpataw ng mga parusa sa hindi pagsunod. Obligasyon na magpatupad Ang obligasyon na magpatupad ay maaring mahati sa tatlo: ________________________________________________ 448

Karapatan sa Tubig ________________________________________________ 1. obligasyon na magpadali, 2. obligasyon na magtaguyod at 3. obligasyon na maglaan. Ang obligasyon na magpadali ay nangangailangan na ang estado ay gumawa ng mga positibong hakbang upang tulungan ang mga tao at komunidad na matamasa ang karapatan. Ang obligasyon na magsulong ay inoobliga ang estado upang gumawa ng mga hakbang na titiyak na may naaangkop na edukasyon tungkol sa malinis na paggamit ng tubig, proteksyon ng mga pinagkukunan ng tubig at mga pamamaraan sa pagbawas ng pagaaksaya ng tubig. Ang estado ay may obligasyon din na magbigay ng karapatan kung ang mga tao o grupo ay hindi makamit ang karapatan sa dahilang hindi nila kontrolado. Ang obligasyon na magpatupad ay hinihingan ang estado na gumawa ng mga kailangang hakbang para lubusang matamasa ang karapatan sa tubig. Kasama sa obligasyon ang mga sumusunod: [ayon sa] sapat na pagkilala nitong karapatan sa loob ng pambansang pampulitika at legal na sistema, mas mabuti kung sa pamamagitan ng lehislatibong pagpapatupad; gamitin ang pambansang estratehiya sa patubig at plano ng pagpapatupad (national water strategy and plan of action) upang makamit ang karapatang ito; tinitiyak na ang tubig ay abot-kaya para sa lahat; at pagpapadali ng pinagbuti at likas-kayang pagkamit (sustainable access) sa tubig, lalo na sa kanayunan at mga napagkaitang lugar sa mga kalunsuran. ________________________________________________ 449

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Ano ang mga buod na obligasyon ukol sa karapatan sa tubig? Mga ilang buod na obligasyon na esensyal o napakahalaga kaugnay ng karapatan sa tubig na kailangan ay may kagyat na epekto: 1. Pagtiyak nang pagkakaron ng pinakaesensyang dami ng kinakailangang tubig na sapat at ligtas para sa personal at pambahay o domestic na gamit upang makaiwas sa sakit; 2. Pagtiyak na ang karapatan na abot-kaya ang tubig at sa mga pasilidad at serbisyo ng patubig ay ipinapatupad na walang pagtatangi, lalo na sa mga tao at grupo ng taong may disbentahe sa buhay at isinantabi ng lipunan; 3. Pagtiyak na pisikal na maaabot o mapupuntahan ang mga pasilidad o serbisyo na nagbibigay ng sapat, ligtas at regular na tubig; na mayroong sapat na bilang na pagkukunan ng tubig upang di naman napatagal nang paghihintay; at resonable ang layo sa mga kabahayan; 4. Pagtiyak na di nalalagay sa panganib ang personal na seguridad sa pagkuha ng tubig; 5. Pagtiyak na paglagay ng mga pasilidad ng patubig ayon sa pangangailangan (equitable distribution); 6. Pagsagawa at pagpapatupad ng isang pambansang estratehiya at plano para sa patubig na tumutugon sa pangangailangan ng buong populasyon ng bansa; ang estratehiya at planong ito ay regular na renirepaso sa pamamagitan ng isang pamamaraan ________________________________________________ 450

Karapatan sa Tubig ________________________________________________ na bukas at nilalahukan ng mamamayan; isinasama ang mga pamamaraan upang mahigpit na subaybayan ang pagpapatupad nito, at binibigyan ng partikular na atensyon ang mga grupong may disbentahe sa buhay at mga tao at grupong isinantabi ng lipunan; 7. Pagmonitor o pagsubaybay kung napapatupad o hindi ang karapatan sa tubig; 8. Pagsagawa ng mga programa hinggil sa murang patubig upang protektahan ang mga disbentahe at isinantabing grupo; at 9. Pagsagawa ng mga hakbang upang maiwasan, magamot at makontrol o mapigil ang mga sakit kaugnay sa tubig, partikular sa pagtiyak sa pagkaroon ng sapat na kalinisan. Ano ang mga remedyo at pananagutan para sa mga nalabag ang karapatan sa tubig? Dapat ay may nakalaan na mga proseso at institusyon para sa sinumang tao o grupo na napagkaitan o nalabag ang kanilang karapatan sa tubig upang magkamit ng angkop at epektibong remedyo at pagtutuwid sa antas na pambansa at international. Ano ang mga obligasyon ng ibang ahensya maliban sa estado? Ang mga ahensya ng United Nations at iba pang organisasyong pan-international, katulad ng WHO, FAO, UNICEF at iba pang organisasyon na may kinalaman sa tubig, katulad nang may kaugnayan sa pangangalakal, ang World Trade Organization (WTO), ay dapat makipagtulungan sa mga estadong nagpapatupad ng karapatan sa tubig. ________________________________________________ 451

Karapatan sa Tubig: karapatan sa sapat, ligtas, katanggap-tanggap, abot-kayang puntahan at bayaran, pasilidad at serbisyong patubig para sa personal at sa pangbahay at pampamilyang gamit

Mga Kalayaan

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

________________________________________________

452

Karapatan sa Tubig

Karapatang mapanatili na abot-kaya puntahan at/o bayaran ang mga pinagkukunan nang tubig, walang balakid o panghihimasok, (hal., di makaranas nang dimakatarungang diskoneksyon o pagdumi sa suplay na tubig

Mga Kaugnay na Karapatan

Karapatan sa isang sistema nang patubig at pamamahala na nagbibigay nang pantay na oportunidad sa lahat upang matamasa ang karapatan sa tubig

Pagkakaroon

Sapat na suplay nang tubig para sa personal at pambahay na gamit Tuloy-tuloy na suplay nang tubig

Dami nang tubig para sa bawat tao ayon sa itinakda ng WHO

May May mga mgaindibidwal indibidwalat at grupo grupo na nananganganangangailanganng ngmas mas ilangan madamingtubig tubigdahil dahil madaming sa kalusugan, kalusugan,klima klimaat at sa kondisyonsa sapaggawa paggawa kondisyon

UBOD

Kalidad

Karapatan sa Tubig
Abot-kayang Bilhin o bayaran Puntahan Abot-kayang Walang pagtatangi

Ligtas, walang mga mapinsalang mikroorganismo, substansyang kemikal, o radiological hazards

Katanggap-tanggap na kulay, amoy at lasa para sa personal at pambahay o maganak na gamit

Karapatan sa Tubig ________________________________________________

________________________________________________
Abot-kayang Abot-kayang Alamin o Alamin Ipaalam Ipaalam

453
Right to to Water Water Right
Articles Declaration of of Human Human Rights Rights Articles 3 3 and 25, Universal Declaration Article Civil and and Political PoliticalRights Rights Article 6, 6, International Covenant on Civil

PagkaabotKaya

Articles International Covenant Covenanton onEconomic, Economic,Social Socialand andCultural Cultural Rights Articles 1 1 (2), 11(1), and 12 (1), International Rights General Committee on on Economic, Economic,Social Socialand andCultural CulturalRights Rights(2002) (2002) General Comment No. 15, Committee

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ REFERENCES: Karapatan sa Tubig 1. Articles 3 and 25, Universal Declaration of Human Rights 2. Articles 1 (2), 11(1), and 12 (1), International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights General Comment No. 15, Committee on Economic, Social and Cultural Rights (2002) 3. Article 6, International Covenant on Civil and Political Rights 4. Articles 14 (2), Convention on the Elimination of All Forms of Racial Discrimination against Women 5. Articles 24 (2), Convention on the Rights of the Child 6. Mga tulong-bisual ay hinalaw mula sa gawa ni Maria Socorro I. Diokno at isinalin ni Max M. de Mesa sa Filipino.

________________________________________________ 454

________________________________________________

PRAYMER SA KARAPATAN NG MGA MAY KAPANSANAN

________________________________________________ 455

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

ino ang mga may kapansanan?

Ang mga may kapansanan ay yaong mga taong may mga pang-matagalang pisikal, pang-kaisipan, intelektwal o pandama na kapansanan, na maaaring maging hadlang sa kanilang ganap at epektibong paglahok sa lipunan na kapantay ng ibang tao. Ang pagtatangi na batay sa kapansanan ay ang anumang pagkakaiba, pagbubukod o pagbabawal na nakabatay sa kapansanan kung saan ang layunin o epekto ay ang pagalis ng pagkilala at pagtamasa sa lahat ng mga karapatang pantao at mga kalayaang pampulitika, pang-ekonomiya, panlipunan, pangkultura, sibil o iba pang katayuan. Ang pagtatangi sa sino man dahil sa kapansanan ay paglabag sa likas na dignidad at kahalagahan ng tao. Ano ang kahalagahan ng karapatan ng mga may kapansanan? Kinikilala na kailangang maisulong at maprotektahan ang mga karapatang pantao ng mga may kapansanan, kasama ang paggalang sa kanilang kasarinlan, kalayaan, at karapatang pumili ng ano mang kanilang ninanais. Ang mga mahalagang pangkasalukuyan at potensyal na kontribusyon ng mga may kapansanan sa kanilang ganap na paglahok para sa pangkalahatang kagalingan at pagkakaiba-iba ng kanilang mga komunidad, ay magdudulot sa kanila ng pinagtibay na pagkatanggap at ng mga makabuluhang pagsulong sa pantao, panlipunan at pangekonomiyang pag-unlad at sa pagtanggal ng kahirapan ________________________________________________ 456

Karapatan ng mga May Kapansanan ________________________________________________ Ano ang mga prinsipyong gumagabay sa karapatan ng mga may kapansanan? Ang mga sumusunod ay mga prinsipyong napapaloob sa mga karapatan ng may kapansanan: 1. Paggalang sa likas na dignidad, kasarinlan, kabilang ang kalayaan upang gumawa ng sariling mga pagpipilian at kalayaan ng mga tao; 2. Walang pagtatangi; 3. Buo at epektibong paglahok at pagsama sa lipunan; 4. Paggalang para sa pagkakaiba at pagtanggap sa mga may mga kapansanan bilang bahagi ng pantaong pagkakaibaiba at sangkatauhan; 5. Pagkapantay-pantay ng oportunidad; 6. Pagka-abot; 7. Pagkakapantay-pantay ng mga kalalakihan at kababaihan; 8. Paggalang para sa nagbabagong kakayahan ng mga batang may kapansanan at paggalang sa karapatan ng mga bata na may kapansanan upang mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan. Ano ang mga obligasyon ukol sa karapatan ng mga may kapansanan? Matiyak at isulong ang buong kapakinabangan ng lahat ng mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan para sa lahat ng may kapansanan na walang pagtatanging batay sa kapansanan. Patungkol sa pang-ekonomiya, panlipunan at pangkulturang karapatan, gumawa ng mga hakbang para sa lubusang ________________________________________________ 457

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ paggamit ng mapagkukunan nito, at kung kinakailangan, sa loob ng balangkas ng pandaigdigang pakikipagtulungan, na may pananaw sa patuloy na pagkamit ng ganap na kapakinabangan sa mga karapatang ito. Sa pagbuo at pagpapatupad ng mga batas at patakaran at sa iba pang proseso ng pagpapasya, ay malapit na kumonsulta at aktibong isama ang mga may kapansanan, kabilang ang mga batang may kapansanan, sa pamamagitan ng mga organisasyong kumakatawan sa kanila. Ano ang pagtrato ng batas sa mga may kapansanan? Ang lahat ng mga tao ay pantay-pantay sa ilalim ng batas at may karapatan sa walang pagtatangi sa pantay na pangangalaga at pantay na benepisyo sa batas. Dapat ipagbawal ang lahat ng pagtatangi batay sa kapansanan at bigyan ng garantiya ang mga may kapansanan sa patas at epektibong proteksyong legal laban sa pagtatangi. Ano ang karapatan ng mga kababaihang may kapansanan? Kinikilala na ang mga kababaihan at mga batang babaeng may kapansanan ay nakararanas ng maramihang uri ng pagtatangi. Dapat gumawa ng mga hakbang upang matiyak ang kanilang buo at pantay-pantay na pagtamasa sa lahat ng mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan. Kailangan din ng mga angkop na mga hakbang upang matiyak ang lubusang pag-unlad, pagsulong at pagkakaroon ________________________________________________ 458

Karapatan ng mga May Kapansanan ________________________________________________ ng kapangyarihan ng mga kababaihan, para matamasa nila ang mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan. Ano ang karapatan ng mga batang may kapansanan? Dapat magkaroon ng lahat ng kinakailangang hakbang upang matiyak ang buong pagtamasa ng mga batang may kapansanan ng lahat ng mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan. Sa lahat ng mga pagkilos para sa mga batang may kapansanan, dapat isaalang-alang na ang pinakamabuting kapakanan ay makamit nila. Ang mga batang may kapansanan ay may karapatan na malayang ipahayag ang kanilang mga pananaw ukol sa lahat ng mga bagay na nakakaapekto sa kanila. Ang kanilang mga pananaw ay dapat bigyan ng kaukulang timbang ayon sa kanilang edad at kapanahunan, sa isang pantay na batayan, at dapat ding bigyan ng mga tulong na angkop sa kapansanan at edad upang matamasa nila ang kanilang mga karapatan. Paano maitataas ang kamalayan ukol sa mga may kapansanan? Dapat magpatibay ng agaran, mabisa at angkop na mga panukala para: 1. Itaas ang kamalayan sa buong lipunan, mula sa pamilya, tungkol sa mga may kapansanan, at palalimin ang paggalang sa mga karapatan at dignidad ng mga may kapansanan; 2. Labanan ang mga makitid at mapanglait na pananaw at kaugalian (stereotypes, prejudices) at mga panganib ________________________________________________ 459

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ na gawi kaugnay ng mga may kapansanan sa lahat ng aspeto ng buhay, kabilang ang mga pananaw na batay sa kasarian at edad; 3. Isulong ang kamalayan sa mga kakayahan at kontribusyon ng mga may kapansanan. Ano ang karapatan na maabot ang mga bagay na kailangan upang makalahok sa ibat ibang aspeto ng buhay o karapatan sa pagkaabot-kamay? Upang ang mga may kapansanan ay mamuhay ng malaya at ganap na makalahok sa lahat ng mga aspeto ng buhay, may karapatan silang maabot ang pisikal na kapaligiran, transportasyon, impormasyon at komunikasyon, kabilang ang mga teknolohiya at sistemang pang-impormasyon at pangkomunikasyon, at ang iba pang mga pasilidad at serbisyong bukas o ibinibigay sa publiko, sa mga lungsod at kanayunan. Ano ang karapatan sa katarungan? Dapat matiyak ang epektibong pagkamit ng katarungan para sa mga may kapansanan sa isang pantay na batayan, kabilang ang pagkakaroon ng mga pamamaraan at angkop sa edad na pagkakaloob, upang mapadali ang kanilang mabisang papel bilang mga direkta at hindi direktang mga kasangkot, o pagiging saksi, sa lahat mga legal na pagdinig, sa pag-iimbestiga at paunang mga yugto. Upang makatulong na matiyak ang epektibong pagka-abot sa katarungan para sa mga may kapansanan, kailangan ng mga ________________________________________________ 460

Karapatan ng mga May Kapansanan ________________________________________________ angkop na pagsasanay para sa mga nagtatrabaho sa larangan ng pamamahala ng katarungan, kabilang ang mga pulis at kawani ng bilangguan. Ano ang karapatan na mamuhay na malaya at kasama sa komunidad? Ang mga may kapansanan ay may karapatan na manirahan sa komunidad at sa ganap na pagiging kasama at pakikilahok sa komunidad, kabilang ang: 1. Pagpili ng kanilang mga lugar ng paninirahan at kung saan at kung kanino sila titira, at walang obligasyon na mamuhay sa isang partikular na kasunduan sa paninirahan; 2. Pagkamit ng mga pangpanirahan at mga pangsuportang serbisyo sa komunidad, kabilang ang personal na tulong na kinakailangan upang mabuhay at mapasama sa komunidad, at upang maiwasan ang pagiging hiwalay o malayo sa komunidad; 3. Pagkakaroon ng serbisyo at pasilidad na pang-komunidad para sa pangkalahatang populasyon at ang mga ito ay tumutugon sa kanilang mga pangangailangan. Ano ang iba pang mga karapatan ng mga may kapansanan? Ang iba pang mga karapatan ng mga may kapansanan, at ang ganap na pagtamasa ng mga ito ay nakabatay na prinsipyo ng walang pagtatangi ayon sa kapansanan. Kabilang sa mga karapatang pantao at kalayaan para sa mga may kapansanan ay: ________________________________________________ 461

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ 1. Kalayaan mula sa tortyur o malupit, di-makatao o mapanlait na pagtrabaho o parusa. 2. Kalayaan mula sa pagsasamantala, karahasan at pagabuso; 3. Kalayaan sa pagpapahayag at opinyon, at sa pagkakaroon ng impormasyon; 4. Paggalang sa pagiging pribado; 5. Kalayaan mula sa pagsasamantala, karahasan at pagabuso; 6. Karapatan sa edukasyon; 7. Karapatan sa kalusugan; 8. Karapatan sa pagtatrabaho; 9. Karapatan sa sapat na pamantayan ng pamumuhay at panlipunang proteksyon; 10. Paglahok sa pampulitika at pampublikong buhay; at 11. Paglahok sa pangkulturang buhay, libangan, at palakasan. Ano ang mga remedyo o paraan ng pagtutuwid sa mga paglabag sa karapatan ng mga may kapansanan? Ang pangunahing batas na sumasaklaw sa mga karapatan ng mga may kapansan ay ang Magna Carta for Disabled Persons (Republic Act 7277) na nagtatakda para sa pagbabagongtatag, sariling pag-unlad at sariling kakanyahan ng mga may kapansanan at ang kanilang pagsama sa lipunan at para sa iba pang mga layunin. Nakapaloob sa batas na ito ang mga proteksyon at paraan ng paglabag sa karapatan ng mga may kapansanan. ________________________________________________ 462

________________________________________________

PRAYMER SA KARAPATAN SA KALUSUGAN

________________________________________________ 463

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

no ang karapatan sa kalusugan?

Ang kalusugan ay pangunahing karapatang pantao na lubhang kailangan para sa katuparan ng iba pang mga karapatang pantao. Bawat tao ay may karapatan sa pagtamasa ng pinakamataas na maaabot na pamantayan ng kalusugan na kaaya-aya para mabuhay ng marangal. Ang karapatan sa kalusugan ay hindi nangangahulugan ng karapatan na maging malusog. Ang karapatan sa kalusugan ay naglalaman ng mga kalayaan at karapatan tulad ng: 1. karapatan sa pagkontrol sa sariling kalusugan at katawan, kabilang ang mga sekswal at kalayaang reproduktibo; 2. karapatan na maging malaya mula sa panghihimasok, tulad ng karapatan na maging malaya mula sa tortyur, walang pahintulot na medikal na paggamot at mga pageeksperimento; at 3. karapatan sa isang sistema ng proteksyon ng kalusugan na nagbibigay ng pantay na pagkakataon para sa mga tao upang matamasa ang pinakamataas na maaabot na antas ng kalusugan. Ano ang mga sangkap ng karapatan sa kalusugan? Ang karapatan sa kalusugan sa lahat ng mga porma at antas nito ay naglalaman ng mga magkakaugnay at mahahalagang sangkap. Ang paglalapat nito ay depende sa mga kondisyong mayroon sa bansa: ________________________________________________ 464

Karapatan sa Kalusugan ________________________________________________ 1. Pagkakaroon (availability) Ang mga pampublikong kalusugan at pasilidad sa pangangalaga ng kalusugan, mga kalakal, serbisyo, at programa ay kailangang may sapat na dami. Kasama rito ang ligtas at naiinom na tubig, sapat na mga pasilidad sa kalinisan, mga ospital, mga klinika at iba pang kaugnay sa kalusugan na mga gusali, sanay na medikal at propesyonal na mga tauhan na may kompetitibong sweldo, at mga mahahalagang gamot. 2. Accessibility Ang mga pasilidad, kalakal at serbisyo sa kalusugan ay dapat naaabot ng lahat. May apat na magkakasanib na mga panukat: a. Non-discrimination Ang mga pasilidad, kalakal at serbisyo sa kalusugan ay dapat naaabot ng lahat, lalo na ng mga nabibilang sa pinakamahina o marginalized na bahagi ng populasyon; b. Physical accessibility Ang mga pasilidad, kalakal at serbisyo sa kalusugan ay dapat na ligtas at pisikal na maaabot para sa lahat ng mga bahagi ng populasyon, lalo na ng mga mahina o marginalized na grupo, tulad ng mga etnikong minoridad at katutubo, kababaihan, bata, kabataan, matatanda, may mga kapansanan, at mga taong may HIV/AIDS. Ang mga serbisyong medikal at panukat ng kalusugan tulad ng ligtas at naiinom na tubig at sapat na mga pasilidad sa kalinisan, ay dapat na ligtas at pisikal na maaabot pati sa kanayunan. k. Economic accessibility (affordability) Ang mga pasilidad, kalakal at serbisyo sa kalusugan ay dapat ________________________________________________ 465

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ na abot-kaya ng lahat. Ang pagbabayad para sa mga serbisyo sa pangangalaga ng kalusugan, pati na rin ang mga serbisyo para sa panukat ng kalusugan, ay batay sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay. Tinitiyak nito na ang mga serbisyo, pampribado o pampubliko mang ibinibigay, ay abot-kaya para sa lahat, kabilang ang mga disadvantaged na grupo. d. Information accessibility Kasama ang karapatang humanap,tumanggapatmagbigayngmgaimpormasyon at ideya tungkol sa mga isyu sa kalusugan. Subalit, ito ay hindi dapat na makapagpahina sa karapatan ng pagiging kompidensiyal ng mga personal na datos sa kalusugan. 3. Acceptability - lahat ng mga pasilidad, kalakal at serbisyo sa kalusugan ay dapat na may paggalang sa etikang medikal at naaangkop sa kultura, tulad ng paggalang sa kultura ng indibidwal, minoridad, mga tao at mga komunidad, sensitibo sa kasarian at life-cycle na mga pangangailangan, para igalang ang pagiging kompidensiyal at para sa mapabuting katayuan ng kalusugan. 4. Kalidad Ang mga pasilidad, kalakal at serbisyo sa kalusugan ay dapat na may mahusay na kalidad at naaangkop ayon sa siyensya at medisina. Ito ay nangangailangan ng mga tauhang may kasanayang medikal, napahihintulutan ng siyensya, at ang mga gamot at kagamitan sa ospital ay hindi lagpas sa takdang petsa, ligtas at naiinom na tubig, at sapat na kalinisan. ________________________________________________ 466

Karapatan sa Kalusugan ________________________________________________ Ano ang karapatan sa maternal, child and reproductive health? Upang mabawasan ang bilang ng mga stillbirth o pagkamatay ng kasisilang na sanggol at para sa malusog na pagkabuo ng bata, dapat na may mga hakbang para mapabuti ang kalusugan ng sanggol at ina, serbisyo para itaguyod ang kalusugang sekswal at reproduksyon, kabilang ang pagpaplano ng pamilya, pangangalaga bago at pagkatapos ng kapanganakan, mga emergency obstetrics na serbisyo, at pagkaabot sa mga impormasyon at makakilos ng angkop ukol dito. Ano ang karapatan sa nakakapagpalusog na kapaligiran at lugar na pinagtatrabahuan? Ang pagpapabuti ng lahat ng aspeto ng pangkapaligiran at pang-industriyang kalinisan ay kinabibilangan ng mga hakbang sa pag-iwas sa mga sakuna at pagkakasakit sa trabaho, pagtiyak na sapat, ligtas at malinis ang tubig inumin, pag-iwas at pagbabawas sa anumang mapanganib na mga sangkap tulad ng radiation at mapanganib na kemikal o iba pang nakapipinsalang pangkapaligirang kondisyon na tuwiran o di-tuwirang may epekto sa kalusugan ng tao. Ang pang-industriyang kalinisan ay tumutukoy sa pagbabawas, hanggat maaari, ng mga dahilan ng panganib sa kalusugan mula sa kapaligiran ng pagtatrabaho. Sakop din dito ang sapat na pabahay at ligtas at malinis na mga kondisyon sa pagtatrabaho, sapat na pagkain at tamang nutrisyon. Hindi hinihimok ang pag-abuso sa alkohol, paggamit ng tabako, droga at iba pang nakakapinsalang mga sangkap. ________________________________________________ 467

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Ano ang karapatan sa pag-iwas, paggamot, at pagkontrol ng sakit? Ang pag-iwas, paggamot at pagkontrol ng epidemya, pandemic, pantrabaho at iba pang mga sakit ay nangangailangan ng mga programa sa pag-iwas at pag-aaral para sa mga kaugnay na pag-uugaling pangkalusugan tulad ng mga sakit na nasasalin sa pamamagitang sekswal, lalo na ang HIV/AIDS, at iba pang makakaapekto ng masama sa sekswal at reproduktibong kalusugan. Kailangan din ng mga programa para sa pasusulong ng panlipunang panukat ng mabuting kalusugan, tulad ng kaligtasan ng kapaligiran, edukasyon, pang-ekonomiyang pagsulong at pangkasariang katarungan. Kabilang sa karapatan sa paggamot ang pagkakaroon ng sistema ng kagyat na medikal na pangangalaga sa mga kaso ng aksidente, epidemiya at katulad na mga panganib sa kalusugan, at ang pagkakaloob ng disaster relief at makataong tulong sa mga gipita na sitwasyon. Sa pagkontrol ng pagkakasakit, dapat mayroong mga kaugnay na teknolohiya, paggamit at pagpapabuti ng epidemiological na pagmamanman at koleksyon ng mga datos, at pagpapatupad o pagpapahusay ng mga programa sa pagbabakuna at iba pang pamamaraan sa pagkontrol ng nakahahawang sakit. Ano ang karapatan sa mga pangkalusugang pasilidad, kalakal at serbisyo? Nakapaloob sa karapatang ito ang paglikha ng mga kondisyon na magtitiyak sa lahat ng mga medikal na serbisyo at medikal ________________________________________________ 468

Karapatan sa Kalusugan ________________________________________________ na pansin sa kaganapan ng sakit, parehong pisikal at mental, kasama ang pagbibigay ng pantay at napapanahong pagabot sa mga batayang preventive, curative, rehabilitative na pangkalusugang serbisyo at pang-kalusugang edukasyon; regular na mga screening program; angkop na paggamot ng mga laganap na sakit, karamdaman, pinsala at kapansanan, lalo na sa mga komunidad; ang pagkakaloob ng mga mahahalagang gamot; at angkop na paggamot at pag-aalaga sa kalusugang pangkaisipan. Isa pang mahalagang aspeto ay ang pagpapabuti at pagsulong ng pakikilahok ng populasyon sa pagkakaloob ng preventive at curative na pangkalusugang serbisyo, tulad ng pagbuo ng sektor pangkalusugan, sistema ng insurance, at ang paglahok sa mga pampulitikang pagpapasya na may kinalaman sa karapatan sa kalusugan sa komunidad at pambansang antas. Ano ang walang pagtatangi at pantay na pagtingin ukol sa kalusugan? Dapat na walang pagtatangi sa pag-abot sa pangangalaga ng kalusugan at mga panukat ng kalusugan, pati na rin sa mga pamamaraan at karapatan upang makamit ang mga ito na nakabatay sa lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, pampulitika o iba pang mga opinyon, pinagmulang bansa o lipunan, ari-arian, kapanganakan, pisikal o mental na kapansanan, katayuan ng kalusugan (kasama ang HIV/ AIDS), sekswal na oryentasyon, at sibil, pampulitika, panlipunan o iba pang katayuan, na ang layunin o epekto ay ang paghadlang sa pantay na pagtamasa ng karapatan sa kalusugan. Ang mga nasa mahinang grupo sa lipunan ay ________________________________________________ 469

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ kailangang mabigyang proteksyon ng pagpapatupad ng mga abot-kayang programa. Ano ang halaga ng pananaw sa kalusugan batay sa kasarian? Ang pagsama ng pananaw sa kalusugan batay sa kasarian sa mga patakaran, pagpaplano, programa at pananaliksik ay upang maisulong ang mas mahusay na kalusugan para sa kababaihan at kalalakihan. Kinikilala ng nakabatay sa kasarian na pamamaraan na ang mga biological at socio-cultural na dahilan ay may mahalagang papel sa pag-impluwensya sa kalusugan ng kalalakihan at kababaihan. Ang pagbubukod ng mga datos sa kalusagan sa mga impormasyong socio-economic ay mahalaga sa pagtukoy ng mga di-pagkakapantay-pantay sa kalusugan para maituwid ang mga ito. Ano ang karapatan sa kalusugan ng kababaihan? Upang alisin ang pagtatangi laban sa kababaihan, kailangang bumuo at ipatupad ang isang komprehensibong pambansang istratehiya sa pagsusulong ng mga karapatan sa kalusugan ng kababaihan sa kanilang buong buhay. Dapat na kasama rito ang pamamaraan na nakatuon sa pag-iwas at paggamot sa mga sakit na nakakaapekto sa mga kababaihan, pati na rin mga patakaran sa pag-abot sa malawak, mataas na kalidad at abot-kayang pangangalaga ng kalusugan, kabilang ang mga serbisyong sekswal at reproduktibo. Ang dapat na pangunahing layunin ay ang pagbabawas sa mga panganib sa kalusugan ng kababaihan, lalo na ________________________________________________ 470

Karapatan sa Kalusugan ________________________________________________ ang pagbaba ng maternal mortality rate at pagprotekta sa mga kababaihan laban sa karahasan sa tahanan. Ang pagsasakatuparan ng karapatan sa kalusugan ng mga kababaihan ay nangangailangan ng pagtanggal sa lahat ng mga hadlang sa pag-abot sa mga serbisyong pangkalusugan, edukasyon at impormasyon, kabilang ang sekswal at reproduktibong kalusugan. Mahalaga rin na magkaroon ng mga preventive, promotive, and remedial action upang maiiwas ang kababaihan mula sa mapanganib na mga tradisyunal na pangkulturang kagawian at kaugalian na nagkakait sa kanila ng buong pangreproduktibong karapatan. Ano ang karapatan sa kalusugan ng mga bata at kabataan? Kailangang gumawa ng mga hakbang upang mabawasan ang pagkakamatay ng mga sanggol at isulong ang malusog na paglaki ng mga sanggol at bata. Ang mga bata at kabataan ay may karapatan sa pagtamasa ng pinakamataas na pamantayan ng kalusugan at pag-abot sa mga pasilidad para sa paggamot ng mga sakit. Dapat matiyak ang pag-abot sa mga mahahalagang serbisyong pangkalusugan para sa bata at sa kanyang pamilya, kabilang ang pangangalaga sa mga ina bago at pagkatapos nilang manganak. Ito ay kakabit sa mga layunin na matiyak ang paghahatid ng child-friendly na impormasyon tungkol sa pag-iwas at pagsusulong ng malusog na pag-uugali at suporta sa mga pamilya at komunidad sa pagpapatupad nito. Ang pagpapatupad ng prinsipyo ng walang pagtatangi ay nangangailangan na ang mga batang babae at lalaki ay may ________________________________________________ 471

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ pantay na pag-abot sa sapat na nutrisyon, mga ligtas na kapaligiran, at mga serbisyo para sa pisikal at pangkaisipang kalusugan. Kailangan ng mga mabisa at angkop na mga hakbang upang buwagin ang mga mapanganib na tradisyonal na kagawian na nakakaapekto sa kalusugan ng mga bata, lalo na ng mga batang babae, kabilang ang maagang pag-aasawa, female genital mutilation, pagpapakain na may pagkatig, at pangangalaga ng mga batang lalaki. Ang mga batang may kapansanan ay dapat na bigyan ng pagkakataon na matamasa ang disenteng buhay at makalahok sa kanilang komunidad. Dapat na magkaroon ng ligtas at mapagkandiling kapaligiran para sa mga kabataan na nagbibigay ng pagkakataon na lumahok sa mga pagpapasya na nakakaapekto sa kanilang kalusugan, magkaroon ng kasanayan sa buhay, makakuha ng nararapat na impormasyon, tumanggap ng payo, at ayusin ang pag-uugaling pangkalusugang kanilang pinili. Ang pagtamasa ng karapatan sa kalusugan ng mga kabataan ay nakasalalay sa pagkakaroon ng youth-friendly na pangangalagang pangkalusugan na rumerespeto sa mga bagay na kompidensiyal at pribado, kabilang ang mga serbisyong angkop sa sekswal at pangreproduktibong kalusugan. Ang lahat ng mga patakaran at programa para garantiyahan ang karapatan sa kalusugan ng mga bata at kabataan ay dapat pangunahing nakasalalay sa pinamabuting interes nila. Ano ang karapatan sa kalusugan ng mga matatanda? Sa pagsasakatuparan ng karapatan sa kalusugan ng mga matatanda, pinagtitibay ang kahalagahan na ipagsama-sama ________________________________________________ 472

Karapatan sa Kalusugan ________________________________________________ ang mga sangkap ng preventive, curative, and rehabilitative health na paggamot. Ito ay dapat na batay sa mga checkups para sa parehong kasarian; pisikal at physiological rehabilitative na mga pamamaraan upang mapanatili ang pagiging may silbi at pagsasarili ng mga matatanda; at pagbibigay ng pansin at pag-aalaga para sa mga taong may matagalan at malubhang karamdaman, para umiwas na sa sakit at hayaan na mamatay na may dignidad. Ano ang karapatan sa kalusugan ng mga taong may kapansanan? Ang mga may kapansanan ay may karapatan din sa pisikal at pangkaisipang kalusugan. Binbigyang-diin na di lamang mga pampublikong sektor ng kalusugan kundi pati ang mga pribadong serbisyo at pasilidad pangkalusugan ay hindi dapat nagtatangi sa mga taong may kapansanan. Ano ang karapatan sa kalusugan ng mga katutubo? Ang mga katutubo ay may karapatang makakuha ng mga serbisyong pangkalusugan at pagkalinga. Ang mga serbisyong pangkalusugan na ito ay dapat naaangkop sa kultura at may pagsaalang-alang sa mga tradisyonal na pamamaraan ng pagiwas sa sakit, mga paraan ng paggagamot at mga medisina. Dapat na maprotektahan ang pinanggagalingan ng mga halamang gamot, mga hayop at mga mineral na kinakailangan para sa ganap na pagtamasa ng kalusugan ng mga katutubo. Sa mga katutubong komunidad, ang kalusugan ng mga indibidwal ay madalas na nakaugnay sa kalusugan ng lipunan ________________________________________________ 473

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ sa kabuuan. Ang anumang uri ng kaunlaran na humahantong sa pagtataboy sa mga katutubo ng laban sa kanilang kalooban mula sa kanilang mga tradisyunal na teritoryo at kapaligiran at nagkakait sa kanila ng pinagkukunan ng nutrisyon at pagputol sa kanilang kaugnayan sa kanilang lupain ay magdudulot ng pinsala sa kanilang kalusugan. Ano ang mga obligasyon ng estado ukol sa karapatan sa kalusugan? Obligasyon na igalang Ang estado ay may obligasyon na irespeto ang karapatan sa kalusugan sa pamamagitan ng pagbigay ng pantay na pagka-abot para sa lahat, kabilang ang mga bilanggo o detenido, minoridad, mga naghahanap ng asylum at ilegal na migrante, sa mga serbisyong pangkalusugan na nagsasawata, gumagamot at lumulunas ng sakit. Bukod dito, dapat pigilan ang pagsagka sa mga tradisyonal na paraan ng pagsawata sa mga sakit at paraan ng paggagamot at medisina. Hindi dapat pahintulutan ang pagbebenta ng mga hindi ligtas na gamot at ang mga paraang nagpipilit na isailalim ang sinuman sa paggamot, maliban sa mga pangangailangan ng lunasan ang karamdaman sa pag-iisip o ang pagkontrol ng mga nakahahawang sakit. Hindi rin dapat na pigilan ang pagkakaroon ng mga kontraseptibo at iba pang paraan sa pagpapanatili ng sekswal at reproduktibong kalusugan. Dapat na ipagbawal ng estado ang pagdudumi sa hangin, tubig at lupa ng mga pang-industriyang basura mula sa mga ________________________________________________ 474

Karapatan sa Kalusugan ________________________________________________ pasilidad na pag-aari ng estado, kabilang ang pagsubok ng mga nukleyar, biological o kemikal na mga armas na magkakalat ng mga sangkap na mapanganib sa kalusugan ng tao. Ang paglimita sa pagka-abot sa mga serbisyong pangkalusugan bilang kaparusahan sa panahon ng mga armadong labanan ay paglabag sa pandaigdigang batas pantao. Obligasyon na protektahan Kabilang sa obligasyon ng estado magtanggol ay ang pagtitiyak ng pantay na pagka-abot sa mga pangkalusugang pangangalaga at serbisyo na ipinagkakaloob ng ikatlong partido; pagtitiyak na ang pagsasapribado ng sektor pangkalusugan ay hindi banta sa pagkakaroon, pagka-abot, pagkatanggap, at kalidad ng mga pangkalusugang pasilidad, kalakal at serbisyo; pagkontrol sa pagbebenta ng mga kagamitanng medikal at medisina ng ikatlong partido; at pagtitiyak na tumutugon ang mga propesyonal sa medisina at kalusugan sa naaangkop na mga pamantayan ng pagaaral, kakayahan at etika na pag-uugali. Ang mga mapanganib na panlipunan o tradisyonal na kagawian ay hindi dapat na maging sagabal sa paghahatid ng pangangalaga bago at matapos ang panganganak at ng pagpapaplano ng pamilya. Hindi pinahihintulutan ang mga ikatlong partido na pilitin ang mga kababaihan sa mga tradisyonal na mga kagawian, tulad ng female genital mutilation, at paglimita sa pagka-abot ng impormasyon at serbisyo kaugnay ng kalusugan. ________________________________________________ 475

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Obligasyon na magpatupad Kabilang sa mga obligasyon na dapat ipatupad ng estado ang pagkilala sa karapatan sa kalusugan sa pambansang sistemang politikal at legal; pagkaroon ng isang pambansang patakaran sa kalusugan; pagkakaroon ng mga pangangalagang pangkalusugan; pampublikong imprastraktura sa kalusugan; angkop na pagsasanay sa mga doktor at iba pang kawaning medikal, mga institusyong nagbibigay ng pagpapayo at serbisyo sa pangkaisipang kalusugan; pampubliko, pribado, o magkasamang sistema ng paniguro pangkalusugan; pagsusulong ng pananaliksik sa medisina, pag-aaral sa kalusugan, at mga kampanya para magkalat ng impormasyong pangkalusugan; at mga hakbang laban sa mga panganib sa kalusugan na nagmumula ng kapaligiran at lugar ng trabaho. Obligasyon ng estado na mapadali ang paggawa ng mga positibong hakbang sa pagtulong sa mga indibidwal at komunidad na matamasa ang karapatan sa kalusugan; pagpapatupad ng karapatan sa kalusugan sa mga pagkakataon na hindi ito makamit ng mga indibidwal o grupo dulot ng mga bagay o pagkakataon na hindi nila kontrolado; at ang pagsusulong ng pagkakaroon o pagpapanatili ng kalusugan ng populasyon o ang pagbabalik nito kung ito ay mawala. Ano ang mga tugon para sa mga nalabag ang karapatan sa kalusugan? Sino mang tao o grupo na biktima ng paglabag sa karapatan sa kalusugan ay dapat magkaroon ng mga naaabot at ________________________________________________ 476

Karapatan sa Kalusugan ________________________________________________ epektibong panghukuman o iba pang panlunas sa pambansa at internasyonal na antas. Lahat ng mga biktima ay may karapatan sa sapat na pagbabayad-pinsala (reparation), na maaaring sa pamamagitan ng restitution, kabayaran, o garantiya ng hindi na mauulit ang paglabag. Ang mga ombudsmen, komisyon sa karapatang pantao, forum ng mga konsumer, at mga samahan at institusyon para sa mga karapatan ng pasyente ay dapat na tumugon sa mga paglabag sa karapatan sa kalusugan. Dapat hinihikayat sa lahat ng kaso ang pagsasanib sa legal na sistema pambansa ng mga internasyonal na instrumento na kumikilala sa karapatan sa kalusugan. Maaari nitong mapahusay ang saklaw at pagiging epektibo ng mga pagbibigay-lunas na gawain. Dapat respetuhin, protektahan at padalian ang mga gawain ng mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao at iba pang miyembro ng lipunang sibil na may pagtingin na matulungan ang mga mahihina at marginalized na grupo sa pagtamasa ng kanilang karapatan sa kalusugan. ng populasyon o ang pagbabalik nito kung ito ay mawala. Ano ang mga tugon para sa mga nalabag ang karapatan sa kalusugan? Sino mang tao o grupo na biktima ng paglabag sa karapatan sa kalusugan ay dapat magkaroon ng mga naaabot at epektibong panghukuman o iba pang panlunas sa pambansa at internasyonal na antas. Lahat ng mga biktima ay may karapatan sa sapat na pagbabayad-pinsala (reparation), ________________________________________________ 477

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ na maaaring sa pamamagitan ng restitution, kabayaran, o garantiya ng hindi na mauulit ang paglabag. Ang mga ombudsmen, komisyon sa karapatang pantao, forum ng mga konsumer, at mga samahan at institusyon para sa mga karapatan ng pasyente ay dapat na tumugon sa mga paglabag sa karapatan sa kalusugan. Dapat hinihikayat sa lahat ng kaso ang pagsasanib sa legal na sistema pambansa ng mga internasyonal na instrumento na kumikilala sa karapatan sa kalusugan. Maaari nitong mapahusay ang saklaw at pagiging epektibo ng mga pagbibigay-lunas na gawain. Dapat respetuhin, protektahan at padalian ang mga gawain ng mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao at iba pang miyembro ng lipunang sibil na may pagtingin na matulungan ang mga mahihina at marginalized na grupo sa pagtamasa ng kanilang karapatan sa kalusugan.

________________________________________________ 478

________________________________________________

PRAYMER SA KARAPATAN SA EDUKASYON

________________________________________________ 479

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

ng pagkakaroon ng edukasyon ay karapatang pantao. Gayon din, ito ay napakahusay na pamamaraan para matamasa ang iba pang karapatang pantao. Ang edukasyon ay karapatang nagbibigay ng kapangyarihan sa tao at magagamit niya ito para: a. Makaahon mula sa kahirapan; b. Ganap na lumahok sa komunidad; k. Bigyan ng kapangyarihan ang kababaihan (women empowerment); d. Mabantayan ang mga bata laban sa sekswal na pagsasamantala at mapanganib na trabaho; e. Itaguyod ang karapatang pantao at demokrasya; g. Pangalagaan ang kapaligiran; at h. Mapigilan ang lumalaking populasyon. Ang halaga ng edukasyon ay hindi lamang sa ganitong mga praktikal na pagkakataon. Ang makapag-aral, magkaroon ng kaalaman at masiglang pag-iisip, ang kumikilos ng malaya ay mga kaligayahan at gantimpala ng pagiging tao. Mga layunin ng edukasyon Lahat ng edukasyon, ito man ay pampubliko o pribado, pormal o di-pormal, ay dapat na naaayon sa pagkilala na: a. Ang edukasyon ay patungkol sa damdamin ng pagpapahalaga sa dignidad ng tao (sense of dignity); ________________________________________________ 480

Karapatan sa Edukasyon ________________________________________________ b. Ang edukasyon ay nagbibigay kakayahan sa tao para sa kanilang epektibong pakikilahok sa malayang pamayanan; k. Ang edukasyon ay nagsusulong ng pag-uunawaan sa lahat ng mga grupong-etniko, mga bansa, mga lahi, at mga grupong-relihiyoso. Ang pangunahing layunin ng edukasyon ay ang ganap na pagpapaunlad ng personalidad ng tao. Pangkalahatang tala ukol sa karapatan na tumanggap ng edukasyon Habang ang tiyak at angkop na paglalapat ng mga tuntunin ay nakabatay sa mga kondisyon sa isang bansa, ang lahat ng porma at antas ng edukasyon ay dapat na nagtatampok ng pagkaka-ugnay nitong mga mahahalagang katangian: 1) Pagkakaroon o Availability -- Kinakailangan na mayroong mga institusyon at programang pang-edukasyon para sa lahat at sapat ang dami nila. May mga pangangailangan at kondisyon na dapat isaalang-alang para sa lubusang pagpapatakbo ng mga ito. Lahat ng mga institusyon at programa ay malamang na mangangailangan ng gusali, sanidad, kalinisan para sa lahat ng kasarian, ligtas na inuming tubig at mga gurong may tamang sahod, gamit sa pagtuturo at iba pa. Samantala, ang ibang naman ay mangangailangan ng karagdagang pasilidad tulad ng aklatan, mga computer, at teknolohiya para sa impormasyon. ________________________________________________ 481

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ 2) Pagka-abot-kaya o Accessibility Ang mga institusyon at programang pang-edukasyon ay dapat na madaling abutin ng lahat at walang itinatangi. Ang accessibility ay may tatlong magkakasanib na panukat: a) Walang pagtatangi o Non-discrimination Ang edukasyon ay dapat na maaaring makamit ng lahat, lalo na ng mga pinaka-mahinang grupo (vulnerable groups); b) Pisikal na maabot at mapupuntahan o Physical accessibility Ang edukasyon ay dapat na ligtas at madaling maaabot, alinman sa paraang pisikal na pagpunta sa lugar nito (hal. paaralan sa komunidad) o sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya (hal. programang distance learning); at c) Abot-kayang halaga o Economic accessibility Ang edukasyon ay dapat na abot-kaya ng lahat. 3) Katanggap-tanggap o Acceptability Ang porma at nilalaman ng edukasyon kabilang na ang curricula at pamamaraan sa pagtuturo ay dapat katanggap-tanggap (hal. ayon sa kahalagahan, kultura, at mabuting kalidad) sa mga mag-aaral, at sa mga magulang sa angkop na mga pagkakataon. 4) Pag-angkop o Adaptability Ang edukasyon ay dapat na bumabagay sa mga pangangailangan ng mga nagbabagong lipunan at komunidad at dapat ring tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa loob ng kanilang malawak na lipunan at kulturang kinapapalooban. ________________________________________________ 482

Karapatan sa Edukasyon ________________________________________________ Karapatan sa pangunahing edukasyon Nakapaloob sa pangunahing edukasyon, katulad ng lahat ng porma at antas ng edukasyon, ang mga elemento ng availability, accessibility, acceptability, at adaptability. Ang pangunahing sistema sa pagbibigay ng batayang edukasyon (basic education) sa mga bata sa labas ng pamilya ay ang pagkamit ng pangunahing pag-aaral sa paaralan (primary schooling). Ang pangunahing edukasyon (primary education) ay kailangan na panglahatan at tumitiyak na ang pangangailangan sa batayang pag-aaral (basic learning needs) ng mga bata ay nasasagot nito. Dapat rin na isaalang-alang ang kultura, mga pangangailangan at mga oportunidad sa komunidad. Bagamat ang pangunahing edukasyon ay hindi kasingkahulugan ng batayang edukasyon, may malapit silang ugnayan. Ayon sa UNICEF, ang pangunahing edukasyon ang pinakamahalagang bahagi ng batayang edukasyon. Ang dalawang katangian ng pangunahing edukasyon ay: 1) mahigpit na ipinapatupad; at 2) libre at para sa lahat. Karapatan sa sekondaryang edukasyon Nakapaloob din sa sekondaryang edukasyon, katulad ng lahat ng porma at antas ng edukasyon, ang mga elemento ng availability, accessibility, acceptability, at adaptability. Ang nilalaman ng sekondaryang edukasyon (secondary education) ay nag-iiba sa bawat bansa at sa paglipas ng panahon. ________________________________________________ 483

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Kabilang rito ang pagtapos ng batayang edukasyon at pagsasama ng mga pundasyon para sa panghabang-buhay na pagaaral at pag-unlad ng tao. Ito ay paghahanda sa mag-aaral para sa bokasyonal (vocational) at mas mataas na pag-aaral. Kinikilala na ang sekondaryang edukasyon ay nangangailangan ng bumabagay na curricula at malawak na sistema sa paghahatid ng pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa loob ng kanilang iba-ibang lipunan at kulturang kinapapalooban. Hinihikayat ang pagkakaroon ng alternatibong programang pang-edukasyon na maaring pumantay sa sistema ng regular na sekondaryang edukasyon. Progresibong pagsisimula ng libreng edukasyon Ang progresibong pagsisimula ng libreng edukasyon ay nangangahulugan na kailangang unahin ng isang bansa ang pagkakaloob ng libreng pangunahing edukasyon. Ngunit, may tungkulin din ang bansa na gumawa ng mga konkretong hakbang tungo sa pagkakaroon ng libreng sekondarya at mataas na edukasyon. Edukasyong teknikal at bokasyonal Ang edukasyong teknikal at bokasyonal ay bahagi ng parehong karapatan sa edukasyon at karapatan sa trabaho. Ito ay may malawak na papel at tumutulong sa pagkamit ng matatag na pang-ekonomiya, panglipunan at pang-kulturang pag-unlad at sa ganap at produktibong trabaho. Ang pagkilala sa teknolohiya at sa mundo ng pagtatrabaho ay hindi dapat na makulong sa mga programang pang-edu________________________________________________ 484

Karapatan sa Edukasyon ________________________________________________ kasyong teknikal at bokasyonal. Ito ay dapat na maintindihan na bahagi ng pangkalahatang edukasyon. Ayon sa UNESCO Convention on Technical and Vocational Education (1989), ang edukasyong teknikal at bokasyonal ay binubuo rin ng pag-aaral ng mga teknolohiya at mga kaugnay na agham; pagkakaroon ng mga praktikal na kasanayan, kaalaman, attitudes at pang-unawa na may kaugnayan sa trabaho sa ibat ibang sektor ng ekonomiya at buhay panlipunan. Ang karapatan sa edukasyong teknikal at bokasyonal ay may mga sumusunod na aspeto: 1. Binibigyan ng kakayahan ang mga mag-aaral na magkaroon ng kaalaman at kasanayan para sa kanilang personal na pag-unlad, self-reliance, employability at pinalalawig ang pagiging produktibo ng kanilang mga pamilya at komunidad, pati na rin ang pang-ekonomiya at panlipunang pag-unlad ng bansa; 2. Isinasaalang-alang ang pang-edukasyon, pangkultura at panlipunan na kalagayan ng populasyon; mga kasanayan, kaalaman at antas ng kwalipikasyon na kinakailangan sa ibat ibang sektor ng ekonomiya; at pangtrabahong kalusugan, kaligtasan at kapakanan; 3. Nagbibigay ng balik-pagsasanay o retraining para sa mga matatanda na hindi na angkop ang kasalukuyang kaalaman at kasanayan dahil sa pagbabagong pangteknolohiya, pang-ekonomiya, pangtrabaho, panlipunan o iba pa; ________________________________________________ 485

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ 4. Ito ay binubuo ng mga programa na nagbibigay sa mga mag-aaral, lalo na sa nagmula sa mga umuunlad na bansa, ng pagkakataon upang makatanggap ng edukasyong teknikal at bokasyonal sa ibang bansa, para sa angkop na pagsalin at paglapat ng teknolohiya; 5. Ito ay binubuo ng mga programa na nagsusulong ng edukasyong teknikal at bokasyonal ng mga kababaihan, outof-school youth, kabataang walang trabaho, mga anak ng mga migranteng manggagawa, refugees, mga taong may mga kapansanan at iba pang disadvantaged groups. Karapatan sa mataas na edukasyon Nakapaloob sa mataas na edukasyon, katulad ng lahat ng porma at antas ng edukasyon, ang mga elemento ng availability, accessibility, acceptability, at adaptability. Ang karapatan sa mataas na edukasyon (higher education) ay dapat na nakalaan para sa lahat, ngunit nakabatay sa kapasidad. Ang kapasidad ng tao ay dapat na mataya mula sa lahat ng kanilang magkaka-ugnay na kasanayan at karanasan. Karapatan sa saligang edukasyon Nakapaloob sa saligang edukasyon, katulad ng lahat ng porma at antas ng edukasyon, ang mga elemento ng availability, accessibility, acceptability, at adaptability. Ang saligang edukasyon (fundamental education) ay tumutugon sa basic education batay sa World Declaration on Edu________________________________________________ 486

Karapatan sa Edukasyon ________________________________________________ cation For All. Nakasaad din dito na ang mga taong hindi nakatanggap o nakatapos ng buong panahon ng kanilang primary education ay may karapatan sa fundamental education o basic education. Ang karapatan sa saligang edukasyon ay para rin sa mga nagnanais na matugunan ang kanilang mga basic learning needs. Dapat bigyang diin na ang pagkakaroon ng karapatan sa saligang edukasyon ay hindi limitado batay sa edad o kasarian. Sa gayon, ang saligang edukasyon ay mahalagang bahagi ng adult education at pang-habangbuhay na pag-aaral. Ito ay isang karapatan para sa lahat ng edad, kayat ang curricula at ang sistema sa paghahatid nito ay dapat na gawing angkop sa mga mag-aaral sa lahat ng edad. Ang sistema ng paaralan, fellowship system, at material conditions ng mga kawani sa pagtuturo Ang bansa ay may obligasyon na magkaroon ng pangkalahatang developmental strategy para sa sistema ng paaralan na sasakop sa lahat ng antas ng pag-aaral. Ang pangkalahatang istratehiya ay dapat na mabigyang prayoridad ng pamahalaan at masiglang maipatupad. Ang fellowship system ay dapat na mapabuti ang pantaypantay na pagkamit ng edukasyon para sa mga taong mula sa mga disadvantaged groups. Ang mga material conditions ng mga kawani sa pagtuturo ay dapat na patuloy na pinagbubuti upang hindi maging had________________________________________________ 487

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ lang sa karapatan sa edukasyon ng mga mag-aaral. Kailangang may mga paraang maninigurado na tinatamasa ng lahat ng kawani sa pagtuturo ang mga kondisyon at katayuan na nararapat para sa kanilang mga ginagampanang papel. Karapatan sa kalayaan sa edukasyon Ginagalang ng bansa ang kalayaan ng mga magulang at tagapag-alaga upang matiyak na ang relihiyon at moral na edukasyon ng kanilang mga anak ay ayon sa kanilang sariling paniniwala. Pinahihintulutan ang mga pampublikong paaralan sa pagtuturo ng kasaysayan ng mga relihiyon at maka-prinsipyong pamumuhay at pagkilos (ethics) nang walang pagkiling at ginagalang ang kalayaan ng pagbibigay ng opinyon, kaisipan, at pagpapahayag. May kalayaan din ang mga magulang at tagapag-alaga upang pumili ng paaralan para sa kanilang mga anak bukod sa mga pampublikong paaralan. Dapat na ang mga paaralan ay sumusunod sa mga itinakdang pamantayan sa pagtanggap ng mag-aaral, curricula, at pagkilala ng mga sertipiko. Ang mga pamantayang ito ay dapat na umaayon sa mga itinakdang layunin ng edukasyon Lahat, kabilang ang mga non-nationals at mga may legal na personalidad, ay may kalayaan na magtatag at magpatakbo ng mga institusyong pang-edukasyon. Ang mga institusyon ay maaring mga nurseries, unibersidad, at mga institusyon para sa adult education. ________________________________________________ 488

Karapatan sa Edukasyon ________________________________________________ Ang bansa ay may obligasyon na tiyakin na ang mga itinakdang kalayaan ay hindi humantong sa higit pang pagkakaiba ng mga pagkakataon sa edukasyon para sa ilang mga grupo sa lipunan. Malawak na paglalapat ng walang pagtatangi at pantay na pagtingin Ang pagkakaroon ng mga pansamantalang espesyal na panukala na inilaan para mabigyan ng de facto na pagkakapantay ang mga kalalakihan, kababaihan at disadvantaged groups ay hindi paglabag sa karapatan sa walang pagtatangi patungkol sa edukasyon. Ito ay hanggat ang mga panukala ay hindi hahantong sa pagpapanatili ng hindi pantay o hiwalay na mga pamantayan para sa iba-ibang mga grupo. Hindi na mananatili ang mga panukala pagkatapos na makamit ang mga layunin nito. Ang prinsipyo ng walang pagtatangi ay para sa lahat ng mga taong nasa edad ng pag-aaral na naninirahan sa bansa, kasama ang mga non-nationals kahit ano pa ang kanilang legal na kalagayan. Ang labis na pagkakaiba sa mga patakaran sa paggasta na nagdudulot ng iba-ibang katangian ng edukasyon para sa mga tao na nakatira sa iba-ibang lokasyon ay maaaring maging uri ng pagtatangi. Dapat masusing sinusubaybayan ng bansa ang edukasyon kasama ang lahat ng mga kaugnay na patakaran, mga institusyon, mga programa, mga huwaran sa paggasta at iba pang mga kasanayan upang malaman at gumawa ng mga hakbang upang maituwid ang anumang de facto pagtatangi. ________________________________________________ 489

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

________________________________________________ 490

________________________________________________

PRAYMER SA KARAPATAN SA SAPAT NA PABAHAY

________________________________________________ 491

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

no ang karapatan sa sapat na pabahay?

Ang lahat ay may karapatan sa isang sapat na pamantayan ng pamumuhay para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya, kabilang ang sapat na pagkain, damit, pabahay, at patuloy na pagpapabuti ng kondisyon ng buhay. Ang mga indibidwal, pati na rin ang mga pamilya, ay may karapatan sa sapat na pabahay at ito ay walang pagtatangi na batay sa edad, pang-ekonomiyang katayuan, grupong kinabibilangan o iba pang mga kadahilanan. Ang karapatan sa pabahay ay hindi nangangahulugan ng pagkakaroon lamang ng isang tirahang may bubong. Ang karapatang ito ay karapatan na mamuhay sa isang lugar na may ligtasan, kapayapaan at dignidad. Ano ang mga sangkap ng karapatan sa sapat na pabahay? Habang ang kasapatan ay matatanto ayon sa mga panlipunan, pang-ekonomiya, pangkultura, klimatiko, pang-ekolohiya at iba pang mga batayan, may ilan pang aspeto ng karapatan na dapat na isaalang-alang: 1. Legal na kasiguruhan sa pananatili Ang pananatili sa ibatibang anyo, kasama ang pangungupahan (publiko at pribado), kooperatiba sa pabahay, renta, pag-okupa ng may-ari, pangkagyat na pabahay, impormal na tirahan, at ang pag-okupa ng lupain. Dapat pinanghahawakan ng lahat ng tao ang isang antas ng seguridad sa pananatili na may legal na proteksyon laban sa sapilitang pagpapaalis, panliligalig at iba pang pagbabanta; ________________________________________________ 492

Karapatan sa Pabahay ________________________________________________ 2. Pagkakaroon ng mga serbisyo, materyales, pasilidad at imprastraktura Ang pagkakaroon ng ilang mga pasilidad na mahalaga para sa kalusugan, kaligtasan, kaginhawahan at nutrisyon. Ang karapatan sa sapat na pabahay ay pagkakaroon ng karapatan sa mga likas at pangkaraniwang rekurso, ligtas na inuming tubig, panggatong para makpagluluto, magpainit at mag-ilaw, kalinisan at mga pasilidad sa paglalaba, mga paraan ng pag-iimbak ng pagkain, pagtatapon, paagusan, at mga pang-kagipitang serbisyo; 3. Abot-kaya Ang personal o pampamilyang gastos kaugnay sa pabahay ay hindi naman dapat maglalagay sa panganib o kompromiso ang pagtamasa ng iba pang mga pangunahing pangangailangan. Sa pangkalahatan, dapat na tumutumbas ang porsyento ng gastos kaugnay sa pabahay sa laki ng kita. Kailangan na magkaloob ng subsidy at iba pang anyo at antas ng pagpipinansiya sa pabahay para sa mga hindi makatamo ng abot-kayang pabahay. Ang mga nangungupahan ay dapat na may proteksiyon laban sa hindi makatwirang pagtaas ng upa. Dapat din na mayroong mga natural na materyales na siyang pangunahing pinagkukunan sa paggawa ng bahay; 4. Habitability o angkop na tirhan Ang sapat na pabahay na matitirahan ay pagbibigay sa mga naninirahan ng sapat na espasyo at proteksiyon mula sa lamig, hamog, init, ulan, hangin o iba pang banta sa kalusugan, mga istrukturang mapanganib, at mga tagapagdala ng sakit. Ang pisikal na kaligtasan ng mga naninirahan ay dapat rin na isaalang-alang; ________________________________________________ 493

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ 5. Accessibility o abot-kaya Ang sapat na pabahay ay dapat na maaabot ng mga karapat-dapat dito. Ang disadvantaged groups o mga grupong dehado ay dapat na mabigyan ng karapatan sa mga mapagkukunan ng pabahay. Ang mga matatanda, bata, may pisikal na kapansanan, may malubhang sakit, indibidwal na positibo sa HIV, may problemang medikal, may sakit sa pag-iisip, biktima ng mga natural na kalamidad, mga naninirahan sa pook na madaling salantahain, at iba pang grupo ay dapat mabigyan ng prayoridad sa pabahay. Ang mga batas at patakaran sa pabahay ay dapat isaalang-alang ang mga espesyal na pangangailangan sa pabahay ng mga grupong ito. Kailangang magkaroon ng mga obligasyon na magpapatibay sa karapatan ng lahat na magkaroon ng lugar kung saan makakapamuhay sila ng mapayapa at may dignidad, kasama ang kanila karapatan sa lupa; 6. Lokasyon Ang sapat na pabahay ay dapat nasa isang lokasyon na mayroong mga pagpipilian ng trabaho, serbisyo sa pangangalaga ng kalusugan, paaralan, mga sentro ng pangangalaga sa bata, at iba pang panlipunang pasilidad. Ito ay totoo sa parehong mga malaking lungsod at sa mga rural na lugar kung saan ang gastos sa pagpasok sa trabaho ay maaaring maging mahal para sa mga naninirahan. Ang pabahay ay hindi rin dapat na nakatayo sa mga lugar na malapit sa o may polusyon na lalabag sa karapatan sa kalusugan ng mga naninirahan; at 7. Pangkulturang kasapatan Ang paraan sa paggawa ng bahay, mga materyales na ginamit, at mga patakaran ukol dito ay dapat na angkop na mapapahayag ang kulturang ________________________________________________ 494

Karapatan sa Pabahay ________________________________________________ pagkakakilanlan at pagkakaiba-iba sa pabahay. Dapat na tinitiyak na ang mga kultural na aspeto ng pabahay ay hindi nasasakripisyo ng mga gawain patungo sa pagunlad o modernisasyon sa pabahay. Ano ang pwersahang pagpapaalis (forced eviction)? Ang pwersahang pagpapaalis ay panandalian o permanenteng pagpapaalis na labag sa kalooban ng mga tao, pamilya, at/o komunidad mula sa kanilang mga tahanan at/o lupain na kanilang inookupahan, at walang probisyon para sa pagkakaroon ng angkop na legal o iba pang proteksiyon. Ang ilang mga pagpapaalis ay maaaring maging karapatdapat, tulad ng palagiang hindi pagbabayad ng upa o pagkapinsala sa mga inuupahang ari-arian nang walang makatwirang dahilan. Ang gawaing pagpapaalis ay dapat na nakaatang sa mga may kinuukulang kapangyarihan ayon sa itinakda ng batas. Ano ang kaugnayan ng pwersahang pagpapaalis sa mga karapatang pantao? Ang pagsasagawa ng pwersahang pagpapaalis ay maaring humantong sa paglabag sa mga karapatang sibil at pampulitika ng tao tulad ng karapatan sa buhay, karapatan sa kaligtasan, karapatan na hindi panghimasukan ang anumang pribado bagay, o ang pamilya at tahanan at ang karapatan sa mapayapang kasiyahan ng mga ari-arian. Ang pwersahang pagpapaalis ay mabigat na paglabag sa karapatang pantao. ________________________________________________ 495

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________ Ano ang mga dahilan ng pwersahang pagpapaalis? Bagamat ang pwersahang pagpapaalis ay nangyayari sa mga lungsod na may napakalaking populasyon, ang ilang kadahilan ay kakabit sa sapilitang paglipat ng populasyon. Ito rin ay nakikita sa mga pwersahang relokasyon dahil sa armadong sigalot, internal displacement, mass exoduses, refugee movements, at communal o ethnic violence. Ang iba pang sapilitang pagpapaalis ay sa ngalan ng pagunlad. Ito ay makikita sa mga labanan sa karapatan sa lupa; mga proyekto sa pag-unlad at imprastraktura, tulad ng paggawa ng dam o malalaking proyekto sa enerhiya proyekto; pagkuha ng lupa kaugnay ng urban renewal, pagpapaayos ng pabahay, programa sa pagpapaganda ng lungsod; pangagrikulturang layunin; o pagdaraos ng malalaking kaganapan tulad ng Olympic Games. Ano ang mga panlunas para sa mga nalabag ang karapatan sa pabahay? Depende sa mga angkop na legal na sistema, ang mga panlunas na magagamit, ngunit hindi limitado sa, ay ang mga sumusunod: 1. Legal na apela para hadlangan ang balak na pagpapa-alis o demolisyon sa pamamagitan ng paglabas ng hukuman ng injunction o utos na nagpipigil; 2. Legal na pamamaraan na humihingi ng kabayaran pagkatapos ng ilegal na pagpapa-alis; ________________________________________________ 496

Karapatan sa Pabahay ________________________________________________ 3. Reklamo laban sa mga ilegal na pagkilos na ipinatupad o sinuportahan ng mga may-ari kaugnay sa antas ng upa, pagmintina ng tirahan, at pagtatangi batay sa lahi o iba pa; 4. Paratang ng anumang uri ng pagtatangi sa paglalaan at pagkakaroon ng pag-abot sa pabahay; at 5. Reklamo laban sa mga may-ari tungkol sa hindi ayon sa kalusugan o hindi sapat na mga kondisyon ng tirahan. Sa ilang mga legal na sistema, maaring angkop ang paghahabla na maramihan para sa mga sitwasyong may maraming walang tirahan.

________________________________________________ 497

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

________________________________________________ 498

________________________________________________

________________________________________________ 499

SELECTED INTERNATiONAL HUMAN RiGhTs INsTRUMENTs ________________________________________________

________________________________________________ 500

You might also like