Graduation Message 2014
Graduation Message 2014
MESSAGE
Congratulations Graduates of Class 2014! You have fulfilled not only your young dream, but also that of your dear parents. You have realized not only your aspiration, but also that of your school and our country. Your Alma Mater, ____________________________________________ High School takes pride that you have lived up to its expectations which makes you well deserving of the hard-earned diploma. In the course of achieving your higher dream, you will come upon the crossroads of your life, where you have to make tough decisions and even choices between good and distractions. Your school has molded you to become critical problem-solvers and sound decision makers. Be firm to choose the right way, for the straight way is the shortest distance to your ambition. At the crossroad of your life where you have to choose between academic or vocational course, be guided by the resources you have and the values and aptitude that will help you through. Pursue the vocation that will make you most productive and happy. Be worthy of your parents sacrifice and aspirations for you. Be worthy of your teachers effort to develop you holistically and make you what you are now and what you will be in the future. Bear in mind that the future belongs to those who labor hard to reach their goals with integrity. The future belongs to those who look back with gratitude to people who have helped them along the way. Come back to your Alma Mater as accomplished individuals with grateful hearts. Move forward and scale greater heights with unwavering faith in Gods loving grace. Be the achievers that we hope you to be. Be the builders of the nation and torchbearers of the future.
Republic of the Philippines Department of Education Region III DIVISION OF BULACAN City of Malolos
MENSAHE
Maligayang bati sa mga Magsisipagtapos ng Klase 2014! Sa inyong pagtatapos ay natupad ninyo ang inyong munting pangarap na siya ring pangarap ng inyong mga mahal na magulang. Inyong napagtagumpayan ang simula ng inyong mga mithiin para sa ikauunlad ng inyong sarili, na siya ring mithiin ng inyong paaralan at bayan. Lubos ang kasiyahan ng mga guro at punong guro ng Mababang Paaralan ng _________________________________ na inyong natugunan ang kanilang inaasahan upang maging karapat-dapat kayo sa diploma na inyong pinuhunan ng kaukulang sipag at tiyaga sa loob ng anim na taon. Mahaba pa ang inyong lalakbayin tungo sa inyong mas mataas na pangarap sa buhay at di maiiwasan ang mga krus na daan kung saan kailangan niyong gumawa ng mahalagang desisyon at mamili sa pagitan ng makatutulong sa nyo o makahahadlang sa inyong ambisyon. Harapin ninyo ang ganitong situwasyon nang buong tibay ng loob at ayon sa inyong natutunan sa inyong paaralan na luminang sa inyong kaalaman, kasanayan at karakter upang maging matalino at wasto sa paggawa ng desisyon o paglutas ng mga suliranin. Tandaan ninyo na ang tuwid na daan ang pinakamaikling daan tungo sa katuparan ng inyong mga pangrap sa tulong at gabay ng Panginoon. Nawa ay gawin ninyo ang lahat ng makabubuti sa inyo upang maging makabuluhan ang mga sakripisyo ng inyong mga magulang at pagsisikap ng inyong mga guro na mahubog kayo sa kapakipakinabang na mamamayan. Inyong isaisip na ang magandang bukas ay nakalaan sa mga nagpupunyagi na makamit ang tagumpay. Harapin ninyo ang bukas nang may buong tiwala sa Panginoon. Tuparin ninyo ang inyong mga pangarap hindi lamang para sa inyong sarili , bagkus ay ilaan ito upang makapag-ambag sa kaunlaran ng bayan dahil kayo ang pag-asa ng maaliwalas na bukas.