Lesson Plan for the Health Education UNIVERSITY OF SANTO TOMAS FACULTY OF MEDICINE AND SURERY BATCH 2017
THEME: Pesteng Bulate, Hindi Pwede! TOPIC: Proper hygiene, environmental sanitation, eating healthy food and proper food preparation, and proper hand washing Activity Prayer Time Limit 2 minutes
Introduction of Speaker
3 minutes
Health Education Proper (TOPIC: Proper hygiene, environmental sanitation, eating healthy food and proper food preparation, and proper hand washing)
15 minutes
Evaluation and games
5 minutes
Snacks
20 minutes
Total
45 minutes
I.
Objectives At the end of the intervention, the participants will:
A. Cognitive 1. Be able to understand the importance of proper hygiene, environmental sanitation, eating healthy food, proper food preparation, and proper hand washing. 2. Be able to identify healthy food versus unhealthy food. B. Psychomotor 1. Be able to demonstrate proper hand washing. C. Behavioural 1. Be able to apply in everyday life the practices that they have learned II. Subject Matter Proper hygiene, environmental sanitation, eating healthy food and proper food preparation, and proper hand washing Materials Visuals 1. Pictures and information written on colourful paper materials will be presented. 2. Pamphlets will also be given. This will enable participants to easily understand what is to be taught. Method The educators will discuss the topic in lecture form and in Tagalog but will limit the discussion proper to 15 minutes since the attention span of Grade 1 students is less than 15 minutes. Games will also be included as part of the evaluation to assess what the students have learned.
III.
IV.
V.
Procedure Speakers Activity PRAYER INTRODUCTION OF SPEAKERS Isang magandang umaga sa inyo mga bata ! Kami ay mga mag-aaral mula sa Unibersidad ng Sto Tomas, Faculty of Medicine and Surgery. Ako nga pala si Ate Miki Raborar at sila naman sila Kuya Spencer, Kuya Rap, at Ate Nikki.
Participants Activity
Narito kami upang magbahagi sa inyo ng aming kaalaman tungkol sa mga bulateng maaaring manirahan sa ating katawan o yung mga tinatawag nating intestinal parasites, kung ano nga ba talaga ito, ano ang sanhi nito, kung ano ang mga sintomas ng sakit na ito, kung paano ito nagagamot, at kung paano natin ito maiiwasan. Ituturo din namin sa inyo ang kahalagahan ng paglilinis ng katawan, pagpili at pagkain ng mga tamang pagkain, kahalagahan ng paglilinis ng kapaligiran, at syempre, at tamang paghuhugas ng kamay.
LECTURE-DISCUSSION Ano nga ba ang ibig sabihin ng intestinal parasitism? Ibabahagi sa atin ni Kuya Spencer ang kaalaman tungkol dito. Maraming salamat Ate Miki, magandang umaga/tanghali sa inyo mga bata ! Ako nga pala si Kuya Spencer, isa sa mga mananaliksisk galing UST. Sino ba dito ang may alam o nakaranas Ako po. na labasan ng bulate sa dumi ? Sige iho, ano ang pangalan mo ? Maaari mo bang ikwento sa amin kung ano ang nakita o naranasan mo noon ? Basta nung nagpunta po ako sa banyo, may lumabas na bulate sa pwet ko pagkatapos kong magbawas.
Ano bang itsura nung lumabas ? Sa tingin mo, ano kaya ang dahilan ng pagkakaroon ng bulate sa katawan ? Salamat sa pagkwento, sige mga bata, ngayon ay sabay-sabay nating alamin kung ano nga ba ang intestinal parasitism at kung ano ang nagsasanhi nito. Ang intestinal parasitism ay isang sakit kung saan ang ating katawan ay
Kulay puti na mahaba. Siguro dahil may nakain na madumi ganun.
pinamamahayan ng mga ibat-ibang uri ng mga parasitiko tulad ng mga bulate. Bukod sa kanya na nagbahagi kanina, meron pa ba sa inyo ang nakaranas ng parehong sitwasyon? (Speaker calls a participant to answer the question). Maaari mo bang sabihin kung anong naranasan noon? Ano po ang itsura ng bulateng nasa dumi mo? Salamat po sa pagbabahagi mo ____. Ngayon naman, pag uusapan natin ang mga uri ng parasitiko. Ang ilan sa mga karaniwang uri ng parasitiko ay ang Ascaris lumbricoides o round worm. (Shows pictures). Ito ang kadalasang lumalabas sa dumi. Nariyan din po ang Trichuris trichiura o whipworm at Enterobius vermicularis o pinworm (Shows pictures) na nagdudulot ng matinding malnutrisyon. Ang Ancylostoma duodenale/Necator americanus ay nagdudulot ng labis na pangangati ng pwet. (Shows pictures). Ang mga parasitikong ito ay namamahay sa ating katawan upang kumuha ng nutrisyon sa atin upang sila ay mabuhay. Kapag hindi ito naagapan ay maaaring tumuloy sa mga mas malalang kundisyon tulad ng pamamaga at pagkabulok ng atay na nagdudulot ng paninilaw ng balat o jaundice (Researchers shows pictures), at paglaki ng tiyan, pagkasira ng baga na nagdudulot ng pagdura ng may kasamang dugo, at pagtatae, malnutrsiyon o pagpayat, at maaaring magdulot ng kamatayan. Ngunit, isa sa pinakamabisang paraan sa paggamot ng intestinal parasitism ay sa pamamagitan ng pagpupurga. Mayroon ba sa inyong nakaranas na ng ganitong sintomas ? (Speaker calls a participant to answer the question) Ah ganoon pala.
Madali pong magkaroon ng ganitong mga parasitiko. Ngunit maaari rin namang maiwasan ang ganitong uri ng sakit. Tawagin natin si Ate Nikki upang magbahagi sa atin ng mga paraan kung paano makakaiwas sa intestinal parasitism o mga bulate. Salamat Kuya Spencer. Hello mga bata! Ako nga pala si Ate Nikki. Bago natin talakayin ang mga paraan kung paano makakaiwas sa mga bulate, maaari ko bang itanong kung ano ang mga madalas na kinakain niyo pag recess? (calls on student to answer the question) Ano naman ang madalas niyong iniinom? (Speaker calls a participant to answer the question). Salamat sa inyong partisipasyon. Mga bata, ating tatandaan na maaari nating makuha ang mga bulate at mga itlog nito mula sa pagkain ng mga maduduming pagkain o pag-inom ng maruming tubig. Maari rin natin itong makuha mula sa lupa, oo sa maruming kapaligiran at maaari silang pumasok sa ating katawan sa pamamagitan ng ating balat o sa ating bibig. Kaya importante na tayo ay kakain lamang ng mga masusustanyang pagkain na hinanda sa sa bahay tulad ng prutas at gulay. Iwasan nating kumain ng mga pagkain at inumin na nabibili lamang sa kalye o yung tinatawag nating mga street food, dahil hindi tayo sigurado kung malinis ba ang paraan ng paghahanda nito. Atin ring tatandaan ang kahalagahan ng paglilinis ng ating kapaligiran. Nabubuhay ang mga bulate at mga itlog nito sa isang maduming kapaligiran kaya dapat lang na itapon natin ang ating mga basura sa tamang lalagyan. Ihiwalay natin ang mga nabubulok sa di-nabubulok, at ang mga nabubulok na basura naman ay maaari nating gawing pataba para sa mga Fishball po na nabibili jan sa labas.
Gulaman po kasabay ng fishball.
halaman. Tandaan din natin na kailangang pagtuunan ng pansin ang kahalagahan ng paglilinis ng ating katawan. Kasama dito ang paliligo araw araw. Gumamit ng sabon para sa katawan at shampoo naman para sa buhok. At pagtapos ay magbanlaw gamit at malinis na tubig, at magpatuyo gamit ang malinis na tuwalya. Kapag mahaba na ang mga kuko, kailangan na putulin na ang mga ito gamit ang nail-cutter dahil maaaring sumuot ang mga bulate at itlog nito rito. Naiintindihan niyo ba mga bata? Ngayon naman, tayo ay tuturuan ni Kuya Rap ng tamang paraan ng paghuhugas ng kamay. Salamat Ate Nikki. Hello mga bata. Ako nga pala si Kuya Rap at tuturuan ko naman kayo ng tamang paghuhugas ng kamay. Ang tamang paghuhugas ng kamay ay isa sa pinaka-simple ngunit pinakaepektibong paraan ng pag-iwas sa ibatibang uri ng sakit, at isa na dito ang intestinal parasitism. Pagkatapos basain ang kamay, sabunin ang mga palad,likod ng palad, daliri, pagitan ng mga daliri, at mga kuko. Banlawan at patuyuin sa pamamagitan ng pagdadampi ng malinis at tuyong bimpo, tulad nito. (Demonstrates proper hand washing) Ngayon, pwede niyo bang gayahin ang ginawa ko? (Repeats proper hand washing) Magaling! Naintindihan niyo po ba ang mga itinuro namin? Narito ang ilang pamphlet na pwede niyong basahin sa inyong mga tahanan na maaari ninyong basahin. Nilalaman Opo.
Opo.
niyan ang iba pang kaalaman tungkol sa intestinal parasitism. EVALUATION Kung gayon ay mayroon kaming ilang katanungan para sa inyo. 1. Maari po bang magbigay ng mga sanhi ng tinatawag nating intestinal parasitism? (Speaker calls 3 volunteers) Maaari nating makuha ang mga bulate at mga itlog nito mula sa pagkain ng mga maduduming pagkain o pag-inom ng maruming tubig. Maari rin natin itong makuha mula sa lupa, oo sa maruming kapaligiran at maaari silang pumasok sa ating katawan sa pamamagitan ng ating balat.
2. Magbigay naman po ng mga paraan upang maiwasan ang Pagkain ng mga masusustanyang pagkain, pagliliis ng katawan at intestinal parasitism? kapaligiran, at tamang paghuhugas ng kamay. 3. Magbigay naman po kayo ng mga Maaaring magkaroon ng malnutrsiyon o sakit na maaari nating makuha pag-payat, at pagtatae. kapag hindi naagapan ang pagdami ng mga bulate sa ating katawan.