Filipino Gay Lingo

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Filipino Gay Lingo "In the Philippines, the term gay has been used loosely to include homosexuals,

bisexuals, transsexuals, crossdressers, and effeminate men. Filipino gays are mostly stereotyped as effeminate, crossdressers, hairdressers, camp and ridiculed. Bakla or Bading, a derogatory Filipino word for gay, is commonly used. Tibo or tomboy has a similar function, and refers to lesbians, usually of the butch and masculine type. A more benign slang word for gay men is billy boy. For Filipino gays, the Tagalog phrase "paglaladlad ng kapa" (literally means "unfurling of the cape") refers to the coming-out process. Although gays and lesbians are generally tolerated within Philippine society, there are still widespread cases of discrimination. Swardspeak is a vernacular language derived from Englog (English-Tagalog) and is used by a number of gay Filipinos. It uses elements from Tagalog, English, and Spanish, and some are from Nippongo, as well as celebrities' names and signature brands, giving them new meanings in the context of this unique language. A unique trait of swardspeak is that it immediately identifies the speaker as homosexual, making it easy for people of that orientation to signal to each other in a place where such tendencies are not easy to display (ie in the Philippines). This creates an exclusive world among its speakers and helps them to resist cultural assimilation. By using swardspeak, Filipino gay men are able to resist the dominant culture of their area and create a space of their own. The language is constantly changing, with old phrases becoming obsolete and new phrases frequently entering everyday usage, reflecting changes in their culture and also maintaining exclusivity. The dynamic nature of the language refuses to cement itself in single culture and allows for more freedom in expression among its speakers. Words and phrases can be created out of reaction to popular trends and create alternatives to a strictly defined lifestyle. By these characteristics, swardspeak creates a dissident group without any ties to geographical, linguistic, or cultural restrictions, allowing its speakers to shape the language as appropriate to the times. In this way, the language is "mobile", and is simultaneously part of a larger community but also open to more specific or local meanings."

Sirkulo ng mga Jejemon ang pinag-iinitan ngayon ng mga awtoridad, at kabilang na rito ang Kagawaran ng Edukasyon. Portmanteau, o pinagsanib na mga salita ang jejemon. Mauugat ito sa jeje- (na katumbas ng mahinang pagtawa at binibigkas sa Espanyol na hehe, gaya ng Espanyol na jefe na hepe sa Filipino) at -mon na mula sa Ingles na monster na ang isa pang inimbentot tinipil na anyo ay ang pokmon [pocket+monster] na pinasikat sa mga palabas na anim ng Hapones. Ayon sa Urban Dictionary. Com, ang jejemon ay mga tao na nasa mga networking site na gaya ng Friendster at Multiply na may mababang IQ na nagpapakalat ng katangahan sa pamamagitan ng pagtipa ng mga salitang may pambihirang ispeling at sintaks. Isang halimbawa nito ang a person WhO tyPeZ lYKeS tH1s pfOuh whether you are RICH, MIDDLE CLASS or POOR ifpK eU tYpE L1K3 tHiS pfOuh..eU are CONSIDERED AS JEJEMON. Ang nasabing paraan ng pagsasakataga ay tinatawag na jejenese na maituturing na isang bagot malusog na wika ng isang subkultura. Sumasaklaw din ang jejemon sa moda, at kinikilala siya sa pagsusuot ng makulay na ballcap o sombrero na halos nakapatong lamang sa ulo, at hindi inilalapat nang ganap. Nagsusuot siya ng maluluwang na tisert at pantalong maong, at kung umastay maangas na tambay na kung hindi nagpipilit na rakista ay alagad ng hip-hop at rap. Para sa ibang fashionista, ang jejemon ay

reenkarnasyon ng jologs ngunit ang pagkakaiba lamang ay higit na adik at marunong kumalikot ng kompiyuter ang mga jejemon. Mabalasik ang pagtanaw sa mga jejemon at ang hanay nila ay sinisipat ng mga maykaya at awtoridad na mababang uri. Ngunit kung susuriin nang maigi, ang jejemon ay isang anyo ng rebelyon ng subkultura, at ang rebelyong ito ay may kaugnayan sa laro ng kapangyarihan sa lipunan. Ang mismong paraan ng pagsasakataga ng jejemon ay hindi basta paglalaro lamang ng salita. Ito ay mauugat sa Hypetext Markup Language (HTML) na pangunahing wika ng pagpopoprograma sa Internet. Lumilikha ng sariling kodigo ang mga jejemon, at ang mga kodigong ito ay isang anyo ng paglilihim upang ikubli ang mga pakahulugan at paghihiwatigan nang hindi madaling maunawaan ng nakatataas o awtoridad, gaya ng magulang at guro. Sa madalit salita, ang wika ng jejemon ay hindi panlahat. Isinasaalang-alang ng gumagamit nito ang angking posisyon sa ugnayan ng mga tao o pangkat sa loob ng lipunan. Ang jejenese ay para sa isang uri ng subkultura na may angking konsepto at diskurso, at bagaman umiiral sa kasalukuyang realidad ay nakakayang tumawid at magpabalik-balik sa mala-realidad o hiperrealidad na likha ng Internet at World Wide Web. Mauugat ang ganitong asta ng mga jejemon sa konsepto ng tayo-tayo at kami-kami ng mga Filipino. Para sa mga Filipino, may tinatawag na malalapit na tao na tumutukoy sa matatalik na kaanak, kaibigan, at kakosa. Kabaligtaran nito ang ibang tao na malayo sa kalooban ng nagsasalita. May mukhang inihaharap sa malalapit na tao, samantalang iba ang mukhang inihaharap sa ibang tao. Ang paraan ng komunikasyon ng mga Filipino ay isinasaalang-alang ang kausap at hindi itinuturing na isang malamig na bagay, ayon na rin sa pag-aaral ng sosyoantropologong si Dr. Melba Padilla Maggay, at kung gaano ito kalapit o kalayo sa kalooban ng nagsasalita ang magpapabago ng timbangan ng usapan. Kung babalikan ang kaso ng jejemon, ang kaniyang pagsasakataga ay nagsasaalang-alang na malapit sa kaniyang sirkulo ang kausap, at ang sirkulong ito ay maaaring esklusibo sa kung anong dahilan. Kapag ginamit ng jejemon ang kaniyang wika sa labas ng kaniyang sirkulo, may panganib na maisantabi siya dahil ang pamantayan at panuto ng komunikasyon ay nakakiling sa kumbensiyon ng gramatika at sintaks ng nakababatid ng wikang Ingles. Ngunit sa oras na pumasok sa sirkulo ng jejemon ang sinumang tuwid magsalita ng Ingles, lilitaw naman siyang katawa-tawa at maaaring hindi tanggapin sa sirkulo dahil iba ang kaniyang pinagmumulang wika at diskurso. Ito ay dahil hindi tanga o gago ang jejemon na ibubunyag ang identidad nang bastabasta. Malaya ang sintaks at gramatika ng jejenese, ngunit habang lumalaon ay napupulido ito sa paraan ng pagsasanib ng patinig at katinig; sa kombinasyon ng mga salita at tunog; sa pagpapantig, pagpapahaba ng pantig, at paglalagay ng mga panlapi [i.e., unlapi, gitlapi, at hulapi]; at sa pagsasaad ng dalasan [frequency] ng malaki at maliit na titik sa loob ng isang salita o parirala o pangungusap na mahuhugot muli sa wika ng kompiyuter. Humihiram ang jejenese sa paraan ng paggamit ng pandiwa [verb] ng Tagalog, kahit nilalahukan ng Ingles ang pangungusap o parirala; at makikita ang paggamit ng pandiwang Tagalog sa transpormasyon ng mga pangngalan [noun] at pang-uri [adjective] tungo sa pagiging pandiwa sa ilang pagkakataon. Ang

wika ng jejemon kung wawariin ay wika ng mga hacker at spamer; at ang paglihis nito sa kumbensiyon na itinatakda ng pormal na edukasyon ay masisipat na isang uri ng subersiyon at pagpapanatili ng seguridad at kaayusan ng subkultura. Niyayanig kung hindi man iniinis ng mga jejemon ang karaniwang konsepto sa komunikasyon ng malawak na publiko, at ang pagpasok nila sa eksena sa gaya ng Facebook sa paraang kakatwa ay parang asta ni Joker na lumiligalig sa estado ng Gotham City. Dapat bang katakutan ang mga jejemon? Ang tanong na ito ay depende sa tumitingin. Para sa mga awtoridad, ang jejemon ay waring salot na dapat sawatain o supilin para mapanatiling matatag ang puwesto ng Ingles sa herarkiya ng mga wika; ngunit para sa ibay ang penomenon ng jejemon ay pagbabalikwas sa kumbensiyon ng wikang itinatakda ng lipunan. Ang mabababang uri ay kailangang patayin sa pagpukol ng mararahas at makukulay na taguri. Kailangang hiyain ang jejemon upang siya mismo ay itakwil ang sarili at ikahiya ang inimbentong wika at diskurso ng isang subkultura. Kailangang pasunurin ang jejemon sa kumbensiyon ng Ingles sa pamamagitan ng mga jejebuster at grammar nazi na pawang mga pulis sa pagpapairal ng tumpak na paggamit ng Ingles sa lipunan. Ngunit ang ganitong paraan ng pamimilit ay sinauna at laos na. Kailangang unawain ang mga jejemon, at nang mabatid kung ano ang kanilang iniisip at niloloob, maging yaon ay sa usaping personal o panlipunan. Nililibak ang mga jejemon, ngunit ang pinakamasiglang pakikilahok nila sa usaping panlipunan ay noong nakaraang pambansang halalan, at ang pagsuporta nila kay Jejomar Binay ang naghatid ng maraming boto para sa naturang kandidato. Ang wika ng jejemon ay hindi malalayo sa mga usapang bakla [gay lingo], usapang doktor, usapang abogado, at iba pa. Bawat pangkat ay may angking jargon, at ang jargong ito ay nagsisilbi para sa kapakinabangan ng mga nakauunawa at kasapi ng isang pangkat. Ito ang pangyayaring dapat mabatid ng lahat. Sa oras na tanggapin sa malawak na lipunan ang jejemon, ang kaniyang wika, diskurso, at pagkatao ay hindi na magiging palaisipan at kakatwa; maaaring mapalis ang prehuwisyo laban sa kanilang uri at anyo ng komunikasyon; at higit na lulusog ang ating pagkaunawa sa ugnayan ng mga Filipino saanmang dako sila naroroon.

Bakl png. 1. Lalaking parang babae ang kilos at pananalita: Binabae 2. lalaking nagkakagusto, umiibig, at nakikipagtalik sa kapuwa lalaki: Agi, Aginging, Badap, Bading, Bantut, Bayot, Gay, Homosexual, Ponce, Queen, Sward (UP Diksyunaryong Filipino, 2010)

Labing-apat na taon mula noong unang ilimbag ang aklat na Philippine Gay Culture for the Last Thirty Years (Binabae to Bakla, Silahis to MSM) noong 1996, nananatiling makabuluhan ang mga diskurso at asersyon ni J. Neil C. Garcia na maaaring maging tuntungan ng mga kasalukuyan (at posibleng hinaharap) na pag-aaral.

Binalikan ni J. Neil C. Garcia ang makulay na kasaysayan (kasama ang samut-saring buhay / danas, wika, at panitikan) ng mga bakla / bayot, silahis, msm, homosekswal na nasa lunsod (metropolitan) sa nakalipas na tatlong dekada. Napapanahon (at hindi natatapos na gawain) ang muling pagbabalik sa kasaysayan. Sa loob ng isang kolonyal at patriyarkal na lipunan, katulad ng sa Pilipinas, hindi nyutral, bagkus ay pulitikal ang larangan ng kasaysayan. Ang reyalidad, maraming boses at kuwento ang naisasantabi sa pagsulat ng namamayaning his-story-yagrapiya (aking diin). Kung kaya naman, ayon na rin kay Pierre Macherey, kinakailangang maging sensitibo ang mambabasa sa mga hindi binabanggit at sinasabi, sa mga puwang sa loob ng kuwento, sapagkat maraming sinasabi ang katahimikan. Nangangahulugan na, hinihinging ilagay sa sentro ng diskusyon ang mga dating nasa gilid at tabi-tabi lamang1[1]: ang mga kuwento ng mga babae (at hindi lalaki), pagkababae / feminine (at hindi pagkalalaki / masculine), homosekswal (at hindi heterosekswal) at iba pa. Ayon pa kay Jacques Derrida, sapagkat madalas na makiling sa kalalakihan (phallocentric) ang teksto, kinakailangang interogahin o usisain ang teksto at ilantad ang mga nakatago nitong kahulugan (deconstruction).2[2] Sa pamamagitan ng muling pagbabalik sa kasaysayan ng bansa, partikular yaong bahaging prekolonyal, muli niyang (Garcia) nababalikan at natutuklasan ang mayaman nakaraan. Sa pamamagitan ng ideya ng siwang sa pagitan ng mga papel (halaw sa aklat ni Henry William Scott na Cracks on Parchment Curtain3[3]), nakasisilip ukol sa pamumuhay / gawi ng mga sinaunang Pilipino batay sa tala ng mga kronista at prayle. Sa kabilang banda, malinaw ring binabanggit ni Garcia na bagaman nakikita niya ang

1[1] Binanggit sa Terry Eagleton, Marxism and Literary Criticism (California: University of California Press, 1976),
pp. 34-36.

2[2] Binanggit sa Sylvia Estrada-Claudio, Rape, Love and Sexuality (Quezon City: UP Press, 2002). Maaari ring
basahin an gang Jacques Derrida, Structure, Sign and Play in the Discourse of the Human Sciences, nasa Modern Criticism and Theory: A Reader, ed. David Lodge (New York: Longman, 1988), pp. 107-123.

3[3] William Henry Scott, Cracks in the Parchment Curtain and Other Essays in Philippine History (Quezon City:
New Day Publishers, 1982).

posisyong makatutubo (nativist) bilang post-kolonyal na lente na sasagot sa kolonyal / makakanluranin na lente, hindi niya tuwirang isinasara ang pagpapayaman ng diskurso sa pamamagitan ng paggamit ng mga kanlurang teorya. Sa pamamagitan ng muling pagbabaliktanaw, mababalikan ang kultura ng mga babaylan --- na kapwa ginagampanan ng mga babae at lalaking nagkikilos at nagdadamit babae (binabae / bakla) --- at ang mataas na pagpapahalaga at posisyon nito sa lipunan. (Nangangahulugan na ang binabae / bakla ay isang katutubong konsepto.) Ngunit, sa ilalim ng pamamalakad ng mga pyudal na kongkistador sa Pilipinas, sinimulan na rin ang historikal na pagpapatalsik sa kababaihan, kasama ang mga lalaking may katulad niyang katangian, ang mga binabae. Sa proseso ng pagbabago ng moda ng produksyon at sistema ng pamamahala, tuluyang dumausdos ang kanilang katayuan sa lipunan at mga prebilehiyong tinatamasa. Pilit na binura / binasura ng mga bagong panginoon ang imahen ng babaylan bilang tagapagtago ng kayamanang bayan at manggagamot ng kanilang komunidad. Bilang bahagi ng pagpapakilala ng bagong relihiyon, tinawag silang mga bruha, mangkukulam, mambabarang at iniugnay ang kanilang mga gawi at ritwal bilang gawa ng demonyo. Sinunog ang kanilang mga anito at lugarsambahan.4[4] Ang literal (at simbolikal) na kagubatan at kuweba ay napalitan ng mga nag-lalaki-hang (aking diin) mga edipisyo --- ang mga simbahan at torre, ang simbolo ng phallus. Sa pamamagitan ng ganitong parehong danas at nakaraan ng mga babae at binabae, nakikita ang isang ugnayan o pagkakapatiran (sisterhood) na maaaring maging tuntungan sandigan sa pakikibaka ukol sa pantay na katayuan at karapatan para sa kontemporanyong panahon. Sa kabilang banda, ang (biyolohikal) babae ay hindi awtomatikong maka-babae o feminista; gayundin, tulad na rin ng inilahad ni Garcia sa aklat, hindi lahat ng feminista ay maka-bakla / homosekswal. Kung sa bagay, hindi naman lahat

4[4] Francisco Demetrio S.J. etal., The Soul Book (Quezon City: GCF Books, 1991), p. 138 at
Zeus Salazar, Ang Babaylan sa Kasaysayang Pilipinas nasa Womens Role in Philippine History (Quezon City: University Center for Womens Studies, 1990), pp. 35-41.

ng bakla / homosekswal ay may layong isulong ang usapin ng kasarian at sekswalidad sa mas malawak na larang. Sa kabilang banda, gamit ang post-kolonyal na lente, ginamit rin ni Garcia bilang tuntungan ng kanyang diskurso ng Loob (mula sa Sikolohiyang Pilipino) upang maaintindihan ang sentro ng psyche ng Pilipino, ang kanyang Kalooban (ang kabaliktaran ng Labas), sa diskurso ng kabaklaan. Kung saan ang loob ng bakla ay nakikita sa kanyang panlabas na kilos, pananamit at iba pa. Ang magkasalungat (binary) na konseptong ito ay ginamit rin ng mga Espanyol upang ipalaganap ang diskurso ukol sa Kaluluwa (loob) Katawan (labas). Ayon pa sa kanya, bunga na rin ng kolonyalisasyon at introduksyon sa mga kanluraning kaisipan (sa akademya), may tendensiyang iugnay ang katutubong konsepto sa psychosexual na kahulugan (cultural equivalency) ni Sigmund Freud na kanyang di-sinansang-ayunan. Ang bakla (katutubo) ay hindi homosekswal o invert (kanluranin). Una, dahil sa ang homosekwalidad ay sumasaklaw sa babae at lalaki samantalang ang bakla ay sa lalaki lamang. Bagaman may itinuturing na babaeng bakla wala itong kaugnayan sa homosekswal na babae bagkus ay isang babae na maraming baklang kaibigang at nagkikilos / nagsasalita na animoy bakla. Ang babaeng bakla ay isang dekada sitenta / otsenta na konsepto at ang pakahulugan na sa bakla sa panahong ito ay sekwalisado (sexualized) na. Nangangahulugan na ang babaeng bakla ay tumutukoy rin sa isang babaeng sekwalisado (kabaliktaran ng inaasahan ng patriyarkal na lipunan). Pangalawa, ang bakla, sa katutubong esensiya, ay walang denotasyong sekswal (di tulad ng homo-sekswal --- aking diin); nangangahulugan na ang isang lalaki na nagdadamit at nagkikilos babae ay hindi homosekswal, maliban na lamang kung ginagawa na niya ang mismong akto ng pakikipagtalik. Sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw nakikita ang ebolusyon ng depinisyon at karanasan ng bakla. Mula sa katutubong konsepto ng bakla (gaya ng nabanggit na sa mga naunang talata), unti-unting nagbago ang mga konsepto at ideyang ikinakabit dito, kasunod ang mga akda (hal. pelikula at dula) na

(malamang sa hindi) sumalamin ng kaniyang panahon. Bagaman hindi naman ito laging totoo; may mga akda na posibleng nauuna o nahuhuli sa kanyang panahon. Dekada 60s, umiikot pa rin ang konsepto ng bakla / bayot, talyada, at biniboys sa pagiging binabae sa kilos (effeminacy), pananamit (transvestism) bagaman unti-unti nang nagkakaroon ng sekswal na konotasyon. Sa kabilang banda, iba ang mga nabanggit sa mga lalaking nakikipagtalik sa bakla; hindi sila bakla, bagkus ay mga straight, may karelasyon (sekswal) na babae. Sila ang mga itinuturing bilang callboy at/ o hustler na bayaran dahil may pangangailangang pinansyal. Samantala, Dekada 70s naman nang ang bakla ay tinaguriang homosekswal; ibig sabihin, iniuugnay na sila sa sekswalidad at / o oryentasyon sa akto ng pakikipagtalik. Ito rin ang naging hudyat ng feminisasyon (pagiging babae o pagkikilos babae) ng homosekswal. Mas nabigyang mukha ang bakla / homosekswalidad sa imahen ng lalaki na may gusto at / o nakikipagtalik sa lalaki, mga lalaking pusongbabae (inversion), mga kandidata sa beauty pageant, sa mundo ng fashion design at hair styling. Sa kanilang hanay nabuo ang konsepto ng Buko (overt) o naglaladlad at Wa Buko (covert) o tago / lihim na lumilikha ng problema ng kategoryarisasyon. Paano kung gayon ang mga bisexual / silahis? Paano ang mga homosekswal (na lalaki) na hindi-binabae ang kilos? Dagdag pa rito, ito rin ang panahon ng pagdami ng mga gay bars na nagsisilbing espasyo upang magsama-sama at mag-organisa. Dekada 80s naman, ang bakla ang naging mukha ng sakit na AIDS na nooy madalas makita sa kanilang hanay. Umusbong ang katawagang MSM (Men having Sex with Men) bilang isang medikal (hindi sekswal) na kategorya. Kasunod nito ang ilang mga imahen ng bakla bilang hindi sekswal na nilalang (batay sa mga palabas hal. ni Fanny Serrano). Imahen rin ng camp ang bakla; sila yaong nagpapatawa sa entablado, mga stand-up comic at mga impersponator. Samantala, ang 90s naman ay dekada ng pagkakaroon ng unti-unting espasyo --- nariyan ang pagtatayo ng UP Babaylan, pagkakaroon ng creative writing class ukol sa gay literature, mga gay-sex column sa pahayagan, at mga gay-rainbow parade. Ang

tema ng panahong ito ay paglalaladlad o coming out at na ang bakla / homosekswal ay hindi na lamang nasa parlor at showbiz. Kapansin-pansin na sa pagbabago ng kahulugan at karanasan ng bakla / homosekswal sa Pilipinas ay pagbabago rin ng representasyon nila sa pelikula. Ang mga bakla sa pelikula noon ay isa lamang phase, kung kaya magbabago magiging lalaki silang muli, nagmimistula silang comic relief / patawa sa pelikula, at ang kanilang imahen ay nananatiling nakatali sa inversion. Sina Facifica Falayfay (1969), Fefita Fofonggay (1973),5[5] Charot (1984), Kikay ng Ako si Kiko, Ako si KIkay (1987)6[6] at marami pang iba. Wala pa sa genre na ito, noong panahong nabanggit, ang banghay ukol sa kanilang pang-araw-araw na buhay, ang kanilang problema at dilema; wala pa ring kuwento ukol sa di-binabae na bakla. Sa kasalukuyan, labing-apat na taon matapos ilimbag ang aklat ni Garcia, tila mas lumalaki ang siwang / espasyo ng pelikula ukol sa imahen at usapin ng kabaklaan. Sa pagsulong ng digital film / indie film nitong kasalukuyang dekada, kaliwat kanan ang mga pelikula ukol sa kabaklaan. Sa pagkakataong ito, hindi na lamang ginagawang kapital ng mga heterosekswal na mamumuhunan (nariyan si Mother Lily ng Regal Films at Boss Vic ng Viva Films) ang bakla upang kumita ang pelikula bagkus ng mga bakla / homosekswal (at iba pang kaibigan / kapatid) na may layong ideyolohikal: ang ibukas ang usapin ang sekswalidad, ang karansan ng mga bakla at iba. Nariyan halimbawa ang Duda (2003) ni Cris Pablo, Pagdadalaga ni Maximo Oliveros (2005) ni Aureus Solito, Mga Pusang Gala (2005) Ellen MarfilOngkeko at iba pa. Kung anu-ano ang mga dahil at pangyayari sa lipunan na nagbigay-espasyo sa mga puwang na ito ay marapat pang pag-aralan, isa-isahin at suriing mabuti sa ibang papel. Sa kabilang banda, kasunod ng unti-unting siwang at puwang sa diskursong ng kabaklaan / homosekswalidad sa Pilipinas ay ang samut-saring phobia na kaakibat nito. Nariyan ang homophobia, xenophobia, erotophobia, at iba pa. Kung kaya naman, napapanahon ulit ang pagsilip sa mga siwang sa 5[5] Ang dalawang nabanggit ay mga pelikula ni Dolphy. 6[6] Ang dalawang nabanggit ay mga pelikula ni Roderick Paulate.

nakaraan ng Pilipinas, partikular yaong pre-kolonyal, upang kuwestiyunin hindi lamang ang mga phobia ng kasalukuyang panahon bagkus maging ang pagkuwestiyon sa pag-uugnay ng sodomiya (at ng antipornography law o Senate Bill 427 na may layon ring isulong ang anti-sodomy na batas) sa mga pangunahing salarin nito, ang mga bakla / homosekswal. Hindi pa rin nalalayo rito ang desisyon ng Comission on Election (COMELEC) nang ibasura nito ang kandidasiya ng Ladlad sa listahan ng mga partylist noong 2010 dahil sa imoralidad.7[7] Binabasag / dini-deconstruct ng pag-aaral ni Garcia ang nakagawian (itinuring na normal at unibersal) na kayarian (sex), kasarian (gender)8[8] at sekswalidad: ang lalaki at babae, ang heterosekswalidad. Bagaman hindi naipag-iiba ni Garcia ang konsepto kayarian at kasarian, malinaw na inilatag ng akda ang ang masalimuot na ugnayan ng kayarian, kasarian at sekswalidad. Sa pamamagitan nito, mas maraming tanong ang ibinubukas: (1) Lalaki pa rin ba yaong nagpadagdag ng suso at nagpapainjection ng female hormones (estrogen) subalit di pa nagpapaputol ng ari? O babae na ba sila? (2) Lalaki pa rin ba ang (dating lalaki) na nagpatanggal ng ari (subalit wala pa ring matris) o yaong mga transekswal? (3) Lalaki ba ang (dating) babaeng kasalukuyang nagpapa-injection ng male hormone (testosterone) at nagpatanggal ng suso o babae pa rin? (4) Lalaki ba ang (dating) babae na nagpatanggal na ng matris o ang (dating) babae na may matris at nagpakabit pa ng ari ng lalaki? (5) Babae ba o Lalaki ang (dating babae) na naging biyolohikal na lalaki (dahil sa hormones at pagpapakabit ng ari ng lalaki) na nagdesisyong magbuntis9[9]? Kung iisipin, usapin pa lamang ito ng kayarian. Mas magiging masalimuot pa kung ilalangkap ang usapin ng sekswalidad: (1) Ang lalaking transvestite ba na makikipagtalik sa babae ay

7[7] http://www.abs-cbnnews.com/nation/11/15/09/chr-backs-ang-ladlad-comelec-row 8[8] Ang pagkakaiiba ng kayarian at kasarian ay mababasa saLilia Q. Santiago, Sa Ngalan ng Ina (Quezon City:
UP Press, 1997), pp. 10-12.

9[9] Maaaring basahin ang kuwento ni Thomas Beatie sa http://www.huffingtonpost.com/2008/07/03/thomasbeatie-pregnant-ma_n_110733.html

homosekswal? (2) Ang lalaking transekswal na makikipagtalik sa babae ay homosekswal? At marami pang tanong. Isang hakbang pasulong ang paggamit ni Garcia ng panghalip na I / Ako (unang panauhan) bilang boses sa pagsulat ng isang aklat ukol sa kabaklaan sa halip na pormal at karaniwan na ikatlong panauhan. Ayon kay Simone de Beauvoir (sa feministang diskurso), ang depinisyon ng babae, partikular sa loob ng patriyarkal na lipunan (katulad ng sa Pilipinas) ay madalas na iniuugnay sa mga lalaki. Ang kanyang ka-ako-han (aking diin) ay nakabatay sa pagpapakahulugan sa lalaki, sa pamamagitan ng kanyang pagiging iba rito (at hindi ang kabaliktaran nito). Sila ay sekundaryo, di-esensyal, at bagkus ay insidental lamang.10[10] Para naman kay Helene Cixous, sila ang madalas na itinuturing bilang pasibo at kimi, ang buwan, ang kalikasan, ang puso at emosyon.11[11] Sila ang 0 (zero) sa Boolean number / logic.12[12] Kung saan ang bilang na 1 (isa) ay katumbas ng patriyarkiya; ang 1 (kasama ng iba pang matutulis na konsepto) ang simbolo ng phallus sa sikolohiya ni Freud. Sila ang I, ang Ako, ang Sentro, ang Amo sa pilosopiya ni Hegel. Samantalang ang bilang na 0 (kasama ang iba pang mga konseptong iniuugnay sa butas), ang babae, ang other, ang sila, ang nasa gilid, ang alipin. Dahil sa iniuugnay ang (isang aspekto ng) kabaklaan / homosekswal sa pagiging babae / feminine, hindi katakatataka na kasama at bahagi sila ng other / sila / nasa gilid / alipin. Kung kaya naman, ang paggamit ng I / Ako, sa pagkakataong ito, ay pag-angkin at paggigiit sa isang espasyo, paglalagay sa sentro ng diskusyon ng boses ng naisasantabi. Kaugnay nito, maituturing na isang kapangyarihan ang swardspeak / gay-lingo. Ang

10[10] Simone de Beauvoir, The Second Sex (London: Vintage, 1997), p. 16. 11[11] Helene Cixous, Sorties: Out and Out, Nasa The Newly Born Woman (Minneapolis: University od
Minneapolis Press, 1966), p.63.

12[12] 101010101 Ito ang Boolean number, ang wika ng computer. Sinasabing lahat ng impormasyon ---- salita,
letra, marka --- na iniimput sa computer ay may katumbas na numero: maaaring 1 (on) o kaya naman ay 0 (off). Sinusundan nito ang lohika n matematika kung saan ng numero na 1 ay katumbas ng pagkakaroon, ng pagiging narito. Sa madaling salita, may value o halaga ang numero 1. Sa kabilang banda, kabaliktaran naman nito ang bilang na 0. Ito ang pagiging wala na katumbas din ng kawalan ng halaga.

wikang Filipino, bagaman di-kasing patriyarkal13[13] katulad ng Ingles at Espanyol, ay sumasailalim na rin sa gahum ng kumpas ng patriyarkiya kasabay ng pagbabago ng moda ng produksyon sa lipunan.14[14] Kung kaya naman ang paglikha ng wika, labas sa Wika ng Ama ay isang uri ng pagpalag o subersiyon sa nakagawian. Bukod pa rito, sa proseso ng paglikha ng bagong mundo ng mga salita (swardspeak), nakalilikha ito ng pakiramdam ng pag-iisang-tabi / othering sa bahagi ng patriyarkal na wika dulot ng hindi pagkakaintindi sa wika ng mga bakla. Katulad ito ng ginawang pagbabasag-muli sa katauhan ni Donya Consolacion ni Albina Pecson-Fernandez sa kanyang disertasyon; si Consolacion bilang isang subersibo dahil sa hinahamon niya ang patriyarkal na wika ng mga konquistador sa pamamagitan ng pagsasalita ng putol-putol at maling gramatika15[15] o ang tuluyang pagiging pipi / patalikod sa wika ng Espanya ni Victorina sa wakas ng nobela. Sa kabilang banda, ang pagbibigay-kahulugan at pagbubuo ng salita ng mga bakla ay hindi naman laging maka-bakla; ibig sabihin, hindi naman awtomatikong may kaisipang mapagpalaya ang lahat ng bakla (katulad din ng hindi pagiging feminista ng lahat ng babae; maging ang hanay ng feminista ay iba-iba). Halimbawa na lamang ay ang salitang third sex (dahil ang first ay lalaki at second ang babae). Sa pagkakataong ito hindi lamang second-class bagkus ay third-class citizen ang bakla; isang termino na lalong naglalagay sa kanila sa ilalim ng hirarkiya. O dili kaya ang pagbuo ng imahen ng homosekswal bilang laging binabae at pagtawag sa mga hindi nila katulad bilang paminta o malansa; gayundin ang

13[13] Halimbawa, sa wikang Ingles, laging ikinakabit ang konsepto ng babae sa lalaki: (wo)man, (fe)male, (s)he.
Samantalang may sariling pagkakakilanlan ang salitang babae / babayi / bayi na hiwalay sa lalaki. Gayundin, may tendensiyang saklawin nito ang sangkatauhan sa man(kind), (chair)man, (fresh)man, (per)son at iba pa. Sa wikang Espanyol, nariyan ang el(la), el(las). 14[14] Maaring basahin ang Lilia Quindoza-Santiago, Ang Diskursong Patriyarkal sa Wika at Panitikang Bayan Nasa Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan, Pamela Constantino at Monico Atienza, eds. (Quezon City: UP Press, 1996), pp. 89-112.

15[15] Binanggit sa Flaudette Datuin, Home, Body, Memory (Quezon City: UP Press, 2002), p. 47-50. Maaari ring
basahin ang mismong disertasyon ni Albina Pecson-Fernandez, Rizal and the Woman Question (Ph.D. Dissertation, University of the Philippines, 2000).

imahen ng bakla / homosekswal bilang barren-gay na animoy lahat ng bakla / homosekswal ay nagnanais na maging ina. Sa pagpasok ng ika-dalawamput isang siglo, ang dating swardspeak ay unti-unti na ring nakapapasok sa macho-na-diksyunaryo.16[16] Nariyan halimbawa ang sa Sawikaan 2004, ang mga salitang tsugi at tsaka, kapwa salitang-bakla, ay kabilang sa mga pinagpipilian bilang wika ng taon ng isang kumperensiya / patimpalak akademiko.17[17] Ang salitang gandara naman ay nakapasok sa Sawikaan 2005,18[18] at orocan noong Sawikaan 2006.19[19] Tila ang wikang sward ay hindi na nakakulong sa apat na sulok ng parlor at showbiz. Dagdag pa rito, hindi rin maitatangging isang hakbang pasulong ang muling-pagsusulat ng kasaysayan ng panitikan ng Pilipinas na ginawa ni Garcia. Hindi maikakaila na sa mahabang panahon ang kasaysayan ng pagsusulat ay nasa kamay ng lalaki-heterosekswal-middle class na hanay; maging ang mga kritiko, yaong mga may K na magsabing maganda / pangit ang isang akda at yaong mga hurado ay monopolyo nila. Sa feministang diskurso, sinasabi ni Elaine Showalter na, madalas na napababayaan o hindi nabibigyan ng sapat na pagkilala at pag-aaral ang maraming akda ng babaeng manunulat (partikular sa kanluran). Bunga nito, nagkakaroon ng puwang / gap sa mahabang tradisyon ng pagsusulat; na

16[16] Kapansin-pansin na mayorya, kung hindi man lahat, ng gumagawa ng institusyuna na diksyunaryo ay mga
lalaki. Halimbawa, sina P Sanlucar at P. Noceda, Lope K. Santos, Jose Panganiban, Ponciano Pineda, Virgilio Almario.

nagmimistulang hindi sila nagsusulat o walang kakayahang magsulat.20[20] Pinangalawahan naman ito ni Benilda Santos, para sa konteksto ng Pilipinas at karanasan ng kababaihan.21[21] Hindi rin nalalayo ang karanasan ng hanay ng kababaihan sa mga hanay ng bakla / homosekswal sa mundo ng panitikan. Kung kaya naman sa pamamagitan ng muling pagbabalik kina Severino Montano (The Lion and the Faun), Orlando Nadres (Hanggang Dito na Lamang), at Tony Perez (Cubao) o yaong (1) mga akda ng mga bakla at (2) akda ukol sa mga bakla, unti-unting napupunan ang mga puwang sa kasaysayan ng panitikan ng Pilipinas. Bagaman binanggit ni Garcia bilang kanyang limitasyon ang pagbanggit / pagsusuri ang tatlong akda ng tatlong baklang manunulat na panggitnang-uri / intelektwal nasa akademya, magsisilbing hamon para sa mga susunod na mananaliksik ang ibang teksto ng iba pang mga bakla / homosekswal na nasa gilid (periphery). Gayunpaman, pinunan ito ng ilang magkakahiwalay at magkasunud-sunod na antolohiya (na malamang sa oo, ay kaugnay ng isinusulong na diskurso ukol sa bakla / homosekswal) na pinamagatang Ladlad.22[22] Nariyan din ang Tibok: Heartbeat of a Philippine Lesbian (1998) na pinamatnugutan ni Ana Leah Sarabia, at mga sariling koleksyon ng tula nina Ronald Baytan The Queen Sings the Blues (2008), maikling kuwento ni Herbert Bartolome Sa Labas ng Parlor (1998), graphic novel / dula / pelikula ni Carlo Vergara Zsa Zsa Zaturnah (2002) at marami pang iba. Bagaman iba-iba ang uri / layunin / kaisipan / imahen ng bakla / homosekswal sa mga nabanggit na koleksyon at antolohiya, maganda pa rin itong simula sa paglilista ng mga kuwento ukol sa kabaklaan.

Sa kabilang banda, sa pamamagitan ng heterosekswal na patriyarkiya na nananaig sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan, nangangahulugan rin ito na hindi ligtas ang nakagawiang paraan ng pagbabasa sa pagpapahalagang ito. Kung kaya naman hinikayat ni Garcia na muling-basahin ang mga teksto gamit ang mas malay na mata ukol sa usapin ng kayarian-kasarian-sekswalidad at sa proseso ay basagin ang nananaig na gahum (hegemony). Maituturing ito bilang mga maliliit na subersyon (konsepto ng Gentle Subversion halaw sa aklat ni Cristina Patoja-Hidalgo23[23]) na lumilikha ng mga kilapsaw (ripples) sa nananaig na diskurso. Bahagi nito ang paglalagay sa sentro ng diskurso ang samut-saring danas ng bakla / homsekswal, ang kanilang mga tuwiran at di-tuwirang subersyon, sa personal man o pambansang antas. Dagdag pa rito ang muling pagbasa(g) sa mga pagkakaibigan/pagsasama (male-bonding, camaraderie, mentorship at iba pa) ng mga lalaki sa loob ng teksto. Kaugnay nito ang ginagawang muling-pagbasa ni Ferdinand Lopez sa carnivalesque na buhay ng Tondo, lugar ng sigang si Asiong Salonga (at iba pa) subalit pook-ganapan ng mga fashion shows at beauty pageants ng mga bakla sa buwan ng Kapistahan ng Santo Nino (representasyon ng heterosekswal-patriyarkal na simbahan) mula pa noong 1910.24[24] Inilalahad niya ang isang bagong paraan ng pagsusulat ng kasaysayan ng lugar (historiography), kaugnay nito ay ang isang paraan ng paggigiit ng espasyo ng isang bakla sa mundo ng pagsusulat ng kasaysayan, gayundin sa mundo ng Tondo. Sa kabuuan, layon ng aklat ni Garcia na hikayating lumabas mula sa aparador (coming out of the closet) ang mga bakla / homosekswal at isulong ang diskurso ukol sa pagpapalaya sa kanilang hanay; bahagi rin nito ang paggigiit sa kanilang mga karapatan at ang pagbura sa mga anti-bakla / homosekswal

na pananaw katulad ng homophobia at iba pa. Sa ganitong pagsulong, nakikita ang malapit at mahigpit na ugnayan sa hanay ng kababaihan (bagaman, gaya ng nabanggit na, hindi lahat ng babae ay feminista; gayundin, hindi lahat ng feminista ay maka-bakla / homosekswal); bagaman, hindi rin lahat ng bakla / homosekswal ay may diskursong mapagpalaya. Sa personal na lebel, maaaring magsimula sa pagpuna sa mga biro ukol sa kabaklaan / homosekswalidad na hanggang sa kasalukuyan ay naririnig pa rin natin.

You might also like