Maris, iwas banggitin ang pangalan ni Anthony
![Maris, iwas banggitin ang pangalan ni Anthony](https://media.philstar.com/photos/2025/02/05/333_2025-02-05_22-56-40.jpg)
Nagsisimula nang mag-promote si Maris Racal sa Netflix Originals movie nila ni Anthony Jennings, ang Sosyal Climbers na mag-streaming na sa Feb. 27.
Nasa It’s Showtime ito kahapon na kung saan naglaro siya sa segment na Hide and Sing.
Nang tanungin si Maris kung sino sa tingin niya ang celebrity singer, biglang sumingit si Vice Ganda at tinilian si Maris, na tinawag niyang Buneng, ang karakter nito sa And The Breadwinner Is…
“Buneng, bakit sumasama ka sa usapin ng mga matatanda Buneng!” tili sa kanya ni Vice Ganda.
Napatingin si Maris kay Vice Ganda. “Kasi lipstick mo Buneng! Sali ka lang nang sali sa usapan ng matatanda,” tili uli sa kanya ni Vice Ganda.
“Sorry, matanda ka nga! Sorry!” natatawang buwelta sa kanya ni Maris.
“Buneng! Buneng, humanda ka sa akin mamaya, Buneng,” sabi uli sa kanya ni Vice Ganda.
Biglang sumeryoso ang mukha ni Maris. Aniya, “Hindi kasi ano e, parang… gusto ko na magsalita, ate.”
“Huwag na, Buneng, kami na ang bahala dito,” pakli ni Vice Ganda.
“Ate, sorry hindi ako nakapag-promote,” natawang sambit ni Maris sa It’s Showtime host
“Okay lang, Buneng, mas mahalaga ka kesa dun sa pelikula,” seryosong sagot sa kanya ni Vice Ganda.
“Meme, I love you so much talaga. Totoo ‘to,” tugon ni Maris.
Pero binuweltahan siya ni Vice Ganda ng, “Pero gusto ko rin humingi sa iyo ng paumanhin. Wala kang bonus! Hindi. Mas mahalaga ka kaysa sa kung saan man at kung ano pa man. I love you, Buneng,” sabi uli ni Vice Ganda kay Maris.
“I love you, Meme,” mensahe naman ni Maris sa kanya.
Nung pinromote ni Maris ang Sosyal Climbers, hindi niya binanggit ang mga kasama niya sa pelikulang ito.
Pero pagkatapos ng portion niya sa naturang noontime show, tumuloy rin siyang nag-promote sa It’s Showtime Online.
Binanggit na niya rito si Anthony Jennings.
Martin, mas gusto ang relasyon nila ngayon ni Pops!
Bukas na ang Always and Forever pre-Valentine concert nina Pops Fernandez at Martin Nievera sa SM MOA Arena.
Wala pa kaming balita kung sold-out na ang tickets, pero inaasahang mapupuno ito dahil tiyak na marami pang walk-ins diyan.
Curious kami kung ano ang pasabog nila, dahil noong huling pagsasama nila ay pinag-usapan ang kanilang The Vow Now.
Nag-iyakan ang audience sa tagpong ‘yun, dahil naging open naman talaga sa publiko ang kalagayan ng relasyon nilang dalawa mula nung nagkaligawan, nagpakasal hanggang sa nagkahiwalay.
Pinag-usapan nga nila ito sa interview ni Martin kay Toni Gonzaga sa Toni Talks na mas gusto na raw ni Martin ang relasyon nila ngayon ni Pops bilang magulang nina Robin at Ram at grandparents ng kanilang first apo.
Abangan natin ngayon sa kanilang Always and Forever concert kung ano namang rebelasyon ang ibubunyag.
- Latest