Hepe ng Cavite PPO, 5 pang pulis ginawaran ng Medalya ng Kagalingan
![Hepe ng Cavite PPO, 5 pang pulis ginawaran ng Medalya ng Kagalingan](https://media.philstar.com/photos/2025/02/05/2_2025-02-05_22-48-22.jpg)
Sa pagkakatuklas ng mini shabu lab
CAVITE, Philippines — Dahil sa matagumpay at buwis buhay na follow-up operasyon sa pagkakadiskubre sa isang tagong mini shabu laboratory sa bayan ng Tanza na ikinaaresto ng isang suspek, ginawaran ng “Medalya ng Kagalingan” ang director Cavite Police Provincial Office (PPO) at lima pang opisyales ng Cavite Police.
Kasabay ng isinagawang prisintasyon ng may 3,138 na iba’t ibang uri ng armas sa Camp Vicente Lim, Calamba, Laguna kamakalawa, iginawad ni PLt. Gen. Robert Rodriguez, ODCO OIC, ang Medalya at Plake ng Kagalingan kina Cavite PPO director PCol. Dwight E. Alegre, PLt. Col. Chester Noel Borlongan, ng Provincial Intelligence Unit; PLt. Col. Al-Rieza S. Kinang, ng Tanza Police Station; PMajor Fernando Punzalan Jr.; PEMS Joselito Palattao Lanot, Jr., at PMaster Sergeant Manny Padilla Bucal.
Ang pagkilala sa mga pulis ay kasunod sa walang tulugan nilang operasyon na nagresulta sa pagkakadiskubre ng isang mini shabu lab sa Leon Fojas St., Brgy. Sahud-Ulan, Tanza, Cavite kasunod na rin ng aksidenteng pagsabog ng kemikal habang nagluluto ang mga suspek sa naturang lugar. Naaresto rin nila sa follow-up operation sa Pasay City ang isang alyas “Yvonne”, 31, tubong Mindoro, AT kabilang sa anim na suspek na nag-o-operate sa naturang shabu lab.
- Latest