Pumunta sa nilalaman

Wikang Birmano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Birmano
Burmes
မြန်မာစာ (written Burmese)
မြန်မာစာစကား (spoken Burmese)
BigkasIPA:[mjəmàzà]
[mjəmà zəɡá]
Katutubo saMyanmar
Pangkat-etnikoBamar
Mga natibong tagapagsalita
33 million (2007)[1]
Second language: 10 million (no date)[2]
Mga sinaunang anyo
Burmese alphabet
Burmese Braille
Opisyal na katayuan
 Myanmar
 ASEAN
Pinapamahalaan ngMyanmar Language Commission
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1my
ISO 639-2bur (B)
mya (T)
ISO 639-3mya – inclusive code
mGa indibidwal na kodigo:
int – [[Intha]]
tvn – [[Tavoyan dialects]]
tco – [[Taungyo dialects]]
rki – [[Rakhine language ("Rakhine")]]
rmz – Marma ("မရမာ")
Glottolognucl1310
Linguasphere77-AAA-a
Naglalaman ang artikulong ito ng mga simbolong ponetiko ng IPA Posible po kayong makakita ng mga tandang pananong, kahon, o iba pang mga simbolo imbes ng mga karakter ng Unicode dahil sa kakulangan ng suporta sa pag-render sa mga ito. Para sa isang panimulang gabay sa mga simbolong IPA, tingnan ang en:Help:IPA.
Ang nakalagay na karatula gamit ang wikang Burmes

Ang wikang Birmano o Burmes (Birmano: မြန်မာဘာသာ, MLCTS: mranmabhasa, IPA: [mjəmà bàðà]) ay isang wikang sinasalita sa Myanmar. Ang Burmese ay isang wikang Tsino-Tibetano, na nangangahulugang malapit ito sa mga wikang Intsik at Tibetano. Ang nasusulat na Burmese ay kilala bilang mranma ca မြန်မာစာ at ang sinasambit o sinasalitang Burmese ay tinatawag na mranma ca.ka: မြန်မာစကား.

Ang wikang Burmese (Birmano: မြန်မာဘာသာ; binibigkas na [mjəmà bàðà]; MLCTS: myanma bhasa) ay ang opisyal na wika ng Burma. Bagaman opisyal na kinikilala ito ng Konstitusyon ng Burma bilang wika ng Myanmar o wikang Myanmar,[3] karamihan sa mga nagsasalita ng Ingles ang patuloy na tumutukoy sa wika bilang Burmese. Ang Burmese ay ang katutubong wika ng Bamar at kaugnay na mga kabahaging etnikong mga pangkat ng Bamar, pati na ng ilang mga minoryang etniko sa Burma, na katulad ng mga Mon. Ang Burmese ay winiwika ng 32 milyong mga tao bilang pangunahing wika at bilang pangalawang wika ng 10 milyong mga tao, particular na ang mga etnikong minorya sa Burma at sa kanugnog na mga bansa.

Ang Burmese ay isang wikang may tono at rehistro ng sidhi, malawakang monosilabiko o may isahang pantig at wikang analitiko, na may pagkakasunud-sunod ng mga salitang Paksa-Tinutukoy-Pandiwa. Kasapi ito sa mag-anak ng wikang Tibeto-Burmano, na isang kabahaging pamilya ng mga wikang Tsino-Tibetano. Ang wika ay gumagamit ng sulat Birmano, na hinango mula sa Matandang sulat Mon at sukdol na nagmula sa sulat Brāhmī.

Ang Burmese ay may tatlong mga tono (mataas, panggitna, at mababa): na may dalawang dagdag - mga hinto o dinaglat na dagdag, pangtakda o pampag-uuring mga tono, walang kasarian may likas na kasarian, katulad ng eg.saya (lalaking guro), sayama (babaeng guro), at walang diin o walang igting. Ang Burmese ay maraming mga hiram na salitang Ingles at Indiyano bagaman isa itong napaka kakaiba at buong wika na may mahabang kasaysayan at makatuturang mga bilang ng mapagmamalaking mga diyalektong winiwika.

Mga halimbawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Narito ang ilang mga halimbawa ng mga salita at mga pangungusap sa Burmese:

Hello = min-ga-la-ba

Kumusta ka? = Nei kaun la?

Ako si (pangalan) = Cha-naw yè nan-bè ga _______

(Ang Kya-naw ay pinapalitan ng kya-ma para sa mga babae.)

Ano ang pangalan mo? = Ka-mya ba kaw da lè?

Burmese ka ba? = Nae ba-ma pyi ga la da la?

(Tandaan: Upang itanong kung ang isang tao ay mula sa ibang mga bansa, palitan lang ang ba-ma pyi ng anuman sa mga bansang nasa ibaba.)

Amerika = A-mè-ree-ka

Pransiya = Pyin-thit

Britanya = In-ga-lan

Alemanya = Ja-ma-nee

Rusya = Ra-sha

Thailand = Yoe-da-ya

Hapon = Ja-pan

Intsik = Ta-yote

Indiyano = In-di-yah

Pilipinas = Hpi-lait-pine

Laos- La-o

Vietnam- Be-yat-nam

Cambodia- Kam-bhaw-dee-yarr

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Mikael Parkvall, "Världens 100 största språk 2007" (The World's 100 Largest Languages in 2007), in Nationalencyklopedin
  2. Burmese at Ethnologue (15th ed., 2005)
  3. Konstitusyon ng Republika ng Unyon ng Myanmar (2008), Kabanata XV, Probisyon 450