Unibersidad ng Southampton
Ang Unibersidad ng Southampton (Ingles: University of Southampton, dinadaglat bilang Soton sa post-nominal) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Southampton, Inglatera. Ang Southampton ay isang tagapagtatag na miyembro ng Russell Group ng mga research-intensive na unibersidad sa Britanya.
Ang unibersidad ay may pitong kampus para sa pagtuturo. Ang pangunahing kampus ay matatagpuan sa Highfield area ng Southampton at sinusuplementuhan pa ng apat na iba pang mga kampus sa loob ng lungsod: Avenue Campus kung nasaan ang Faculty of Humanities, ang National Oceanography Centre na nag-aalok ng mga kurso sa agham pandagat at panlupa, Southampton General Hospital na nag-aalok ng mga kurso sa medisina at agham pangkalusugan, at Boldrewood Campus na isang engineering and maritime technology campus. Bilang karagdagan, ang unibersidad ay nagpapatakbo ng isang School of Art na nakabase sa kalapit na lungsod ng Winchester at isang pandaigdigang sangay sa Malaysia na nag-aalok ng mga kurso sa inhinyeriya.
50°56′05″N 1°23′45″W / 50.93463°N 1.39595°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.