Unibersidad ng Sheffield
Ang Unibersidad ng Sheffield (Ingles: University of Sheffield, impormal bilang Sheffield University) ay isang pampublikong unibersidad sa pamananaliksik sa Sheffield, South Yorkshire, Inglatera. Ito ay nakatanggap ng royal charter ng 1905 bilang kahalili ng University College of Sheffield, na itinatag noonf 1897 sa pamamagitan ng pagsama-sama ng Sheffield Medical School (itinatag noong 1828), Firth College (1879) at Sheffield Technical School (1884).
Ito ay isa sa mga orihinal na pred brick universities, isang miyembro ng Russell Group, na samahan ng mga pamantasang intensibo sa pananaliksik, ng Worldwide Universities Network, ng N8 Group na kinabibilangan ng walong pinakaintensibong unibersidad sa pananaliksik sa Hilagang Inglatera, at ng White Rose University Consortium. Mayroong anim na mga Nobel laureates na konektado sa Sheffield bilang akademiko, nagtapos o kawani.
53°22′51″N 1°29′20″W / 53.38072°N 1.48881°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.