Unibersidad ng California, Merced
Ang Unibersidad ng California, Merced (Ingles: University of California, Merced, UC Merced, o UCM), ang ikasampu at pinakabago sa mga kampus ng sistemang Unibersidad ng California (University of California System). Ang pampublikong unibersidad sa pananaliksik ay matatagpuan sa lambak ng San Joaquin Valley sa Merced County, California, sa hilagang-silangan ng lungsod ng Merced, at sa pagitan ng Modesto, California at Fresno, California. Karamihan sa mga estudyante ng UC Merced ay mula sa estado ng California.
Sinasabing ang UC Merced ang tanging institusyon sa Estados Unidos kung saan ang lahat ng mga gusali nito sa kampus ay sertipikado ng Leadership in Energy and Environmental Design(LEED). Ang Triple Net Zero Commitment nito ay inaasahang makagawa ng zero net landfill waste at zero net greenhouse gas emissions sa taong 2020. [1] [2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]37°21′58″N 120°25′25″W / 37.366°N 120.4235°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.