Pumunta sa nilalaman

Unang Pahina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Napiling artikulo

Si Marian Rivera noong 2008, ang gumanap na MariMar.
Si Marian Rivera noong 2008, ang gumanap na MariMar.

Ang MariMar ay isang Pilipinong seryeng pantelebisyon na ipinalabas sa GMA Network noong Agosto 13, 2007 hanggang Marso 14, 2008 na pinagbibidahan nina Marian Rivera bilang MariMar, Dingdong Dantes bilang Sergio Santibañez, at Katrina Halili bilang Angelika Santibañez. Binatay ito ng GMA Network sa Pilipinas mula sa orihinal na palabas sa Mehiko na may kaparehong pamagat, ngunit may mga pagbabago sa balangkas. Pinagbidahan nina Thalía at Eduardo Capetillo ang naunang serye, na isa ring muling pagsasagawa ng seryeng LaVeganza, na nagmula din sa TeleVisa. Ipinalabas ang orihinal na MariMar mula sa Mexico noong taong 1997 sa RPN. Ito ay mabilis na tinangkilik ng mga Pilipino, at nagkaroon ng antas na umabot hanggang 50%. Ang seryeng ito ng Mehiko ang nagbigay kay Thalía ng kasikatan sa Pilipinas upang tangkilikin muli ng mga Pilipino ang iba pa niyang palabas tulad ng Maria Mercedes, Maria La del Barrio, at Rosalinda na umabot sa 75% na grado, na sinasabing pinakamataas na grado ng palabas sa Pilipinas. Sa unang gabing ipinalabas ang MariMar noong Agosto 13, 2007, nakakuha ng mataas na marka ang palabas na mayroong 36.6% (ayon sa pagsusuri sa Kalakhang Maynila). Matapos ang isang buwan, noong Setyembre 13, 2007, nakakuha ito ng 39.3% na marka, lagpas sa 38.3% nakuha nila sa unang linggo. Noong Oktubre 5, 2007, nakuha na nila ang 40% marka. Noong Oktubre 26, 2007, nakuha naman nila ang 44.6% marka sa Kalakhang Maynila. Noong Nobyembre 19, 2007, nakuha na nila ang 49.5% marka, malapit sa markang 50% nakuha ng Mehikanong telenobelang MariMar ni Thalía.

Alam ba ninyo ...

Napiling larawan

Si Sally Kristen Ride (Mayo 26, 1951 – Hulyo 23, 2012) ay isang Amerikanong astronauta at pisiko. Ipinanganak sa Los Angeles, sumali siya sa NASA noong 1978, at noong 1983 naging unang babaeng Amerikano at pangatlong babae na lumipad sa kalawakan, pagkatapos ng mga kosmonauta na sina Valentina Tereshkova noong 1963 at Svetlana Savitskaya noong 1982. Siya ang pinakabatang Amerikanong astronauta na lumipad sa kalawakan, na nagawa ito sa edad na 32.

May-akda ng larawan: NASA

Sa araw na ito (Oktubre 30)

Oktubre 30

Henry VII ng Inglatera
Henry VII ng Inglatera

Mga huling araw: Oktubre 29Oktubre 28Oktubre 27

Patungkol

Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.

Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.

Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na:
47,682
artikulo
141
aktibong tagapag-ambag

Paano makapag-ambag?

Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.

Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan

Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.

Kaganapan

  • Palarong Olimpiko sa Tag-init 2024: Pinanalunan ni himnasta na si Carlos Yulo (nakalarawan) ang kanyang ikalawang medalya para sa luksong Kalalakihan (Men's vault) na unang Pilipinong nakakuha ng dalawang medalya mula noong lumahok ang Pilipinas sa Palarong Olimpiko noong 1924.
  • Hindi bababa sa 11 ang namatay sa isang sunog sa isang gusaling residensyal-komersyal sa Binondo, Maynila, Pilipinas.
  • Nagdeklera ang pamahalaang panlalawigan ng Kabite sa Pilipinas ng "estado ng kalamidad" pagkatapos umabot ang pagtagas ng langis mula sa lumubog na barkong MT Terra Nova sa mga baybayin ng walong bayan, na nangangailangan ng implementasyon ng isang sonang walang-huli at ayuda na ibibigay sa mga tinatayang naapektuhang 25,000 mangingisda.
  • Ipinabatid ng Kalihim ng Estado ng Estados Unidos ang alokasyon ng $500 milyon para pondohan ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
  • Naaresto si Freddy Superlano, ang nangungunang personalidad sa koalisyon ng oposisyon sa Venezuela habang tumaas sa apat ang namatay mula sa protestang kontra-Maduro.