Pumunta sa nilalaman

Imperyong Neo-Asirya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Tukulti-Ninurta II)
Imperyong Neo-Asiryo
934 BCE–609 BCE
Mapa ng Imperyong Neo-Asirya at paglawak nito.
Mapa ng Imperyong Neo-Asirya at paglawak nito.
KabiseraAssur 934 BCE
Nineveh 706 BCE
Harran 612 BCE
Karaniwang wikaWikang Akkadiyo, Aramaiko
Relihiyon
Henotheism
PamahalaanMonarkiya
Hari 
• 934–912 BCE
Ashur-dan II (una)
• 612–609 BCE
Ashur-uballit II (huling pinuno)
PanahonPanahong Bakal
• Paghahari ni Ashur-dan II
934 BCE
612 BCE
609 BCE
Pinalitan
Pumalit
Gitnang Imperyong Asirya
Elam
Ikadalawampu't limang dinastiya ng Ehipto
Kaharian ng Israel (Samaria)
Imperyong Medes
Imperyong Neo-Babilonya
Ikadalawampu't anim na dinastiya ng Ehipto
Bahagi ngayon ng Iraq
 Syria
 Turkey
 Egypt
 Saudi Arabia
 Jordan
 Iran
 Kuwait
 Lebanon
 Palestinian Authority
 Israel
 Cyprus
 Armenia
Bahagi ng isang serye tungkol sa
Kasaysayan ng Iraq
Detail from the Ishtar Gate
Sinaunang Iraq
Klasikong Iraq
Mediebal Iraq
Modernong Iraq
Republiak ng Iraq

Ang Imperyong Neo-Asiryo ang huling imperyo sa kasaysayan ng Asirya sa Mesopotamiya na nagsimula noong 934 BCE at nagwakas noong 609 BCE.[1] Sa panahong ito, ang Asirya ang naging pinakamakapangyarihang estado sa mundo na nadaig pa sa pananaig ang mga Babylonia, Sinaunang Ehipto, Urartu/Armenia[2] at Elam sa pananaig sa Sinaunang Malapit na Silangan, Asya menor, silangang Mediterraneo. Sa panahon ni Tiglath-Pileser III noong ika-8 siglo BCE[3][4] nang ito ay naging isang malawakang imperyo. Sinundan ng Imperyong Neo-Asiryo ang Panahong Gitnang Asiryo at Gitnang Imperyong Asirya (ika-14 hanggang ika-10 BCE). Itinuturing ng ilang mga skolar gaya ni Richard Nelson Frye ang imperyong Neo-Asiryo bilang ang unang tunay na imperyo sa kasaysayan ng tao.[5] Sa panahong iyon, ang wikang Aramaiko ang ginawang opisyal nawika ng Imperyong Neo-Asiryo kasama ng Wikang Akkadiano.[5]

Sa pag-akyat a kapangyarihan ni Adad-nirari II noong 911 BCE, ang Imperyong Neo-Asirya ay naging isang dominanteng kapangyariahan sa Sinaunang Malapit na Silangan noong ika-8 hanggang ika-7 siglo BCE. Ang mga maagang hari ng imperyong Neo-Asirya ay naghangadmna muling ibalik ang kontrol sa hilagang Mesopotamiya at Syria dahil ang mahalagang bahagi ng nakaraang Gitnang Imperyong Asirya ay naglaho dahil sa paghina. Sa ilalim ni Ashurnasirpal II (naghari 883–859 BCE), ang imperyong Asirya ay naging mas dominanteng kapangyarihan sa Sinaunang Malapit na Silangan sa hilaga. Ang mga pangangampanya ni Ashurnasirpal ay umabal hanggang sa Mediterraneo at nangsiwa sa paglipat ng kabisera ng imperyo mula sa tradisyonal na kabiserang Assur tungo sa Nimrud. Ang imperyong Neo-Asirya ay mas lalong lumago sa ilalim ni Shalmaneser III (naghari 859–824 BCE) ngunit humina pagkatapos ng kanyang kamayan. Sa panahong ito, ang mga pinunong nangangasiwa ay mga heneral ngunit mahihina. ANg paghina ay nagwakas sa pagakyat sa kapangyarihan ni Tiglath-Pileser III (naghari 45–727 BCE) na muling nagbigay ng kapangyarihan sa imperyo at nagpalakas pa sa pamamagitan ng malawakang pananakop nito Ang kanyang pinakakilalanng mga pananakop ay sa Lungsod ng Babilonya sa katimugan at sa malaking mga bahagi ng Levant. Sa ilalim ng dinastiya ni Sargon II ang imperyong Neo-Asirya ay umabot sa rurok nito. Sa ilalim ng haring Sargonid na si Sennacherib (naghari 705-681 BCE), ang kabisera ng imperyo ay nilipat sa Nineveh at sa ilalim ng anak at kahalili nitong si Esarhaddon (naghari 681-669 BCE), ang imperyo lalo pang lumawig sa pamamagitan ng pananakop sa Sinaunang Ehitp. Ang imperyong Neo-Asirya ay bumagsak noong ika-7 siglo BCE sa magkasanib na puwersa ng imperyong Neo-Babilonya at Medes.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Parpola, Simo (2004). "National and Ethnic Identity in the Neo-Assyrian Empire and Assyrian Identity in Post-Empire Times" (PDF). Assyriology. Journal of Assyrian Academic Studies, Vol 18, N0. 2. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2011-07-17. The Neo-Assyrian Empire (934-609 BC) was a multi-ethnic state composed of many peoples and tribes of different origins.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. http://www.kchanson.com/ANCDOCS/meso/obelisk.html
  3. "Assyrian Eponym List". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-11-14. Nakuha noong 2013-09-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Tadmor, H. (1994). The Inscriptions of Tiglath-Pileser III, King of Assyria.pp.29
  5. 5.0 5.1 Frye, Richard N. (1992). "Assyria and Syria: Synonyms". PhD., Harvard University. Journal of Near Eastern Studies. And the ancient Assyrian empire, was the first real, empire in history. What do I mean, it had many different peoples included in the empire, all speaking Aramaic, and becoming what may be called, "Assyrian citizens." That was the first time in history, that we have this. For example, Elamite musicians, were brought to Nineveh, and they were 'made Assyrians' which means, that Assyria, was more than a small country, it was the empire, the whole Fertile Crescent.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)