Ang tingga (Ingles: lead) ay isang elementong gumagamit sa sagisag na Pb (Latin: plumbum) at bilang atomikong 82. Isang ito malambot, mahinang klase, at natutuping metal ngunit kabilang ito sa grupo ng mga mabibigat na metal. Kulay bughaw na may puti ang sariwang-hiwa na tingga pero nagiging abo ang kulay nito kapag na hanginan. Nagiging tila pilak ito kapag natunaw.
Ginagamit ang tingga sa paggawa ng mga gusali, mga baterya, mga bala, mga pabigat, bahagi ng mga hinalong mga metal, at pananggalang ng radyasyon. Ito ang may pinakamataas na bilang atomiko sa lahat ng mga matatatag na elemento, ngunit ang ikalawang may pinakamataas na bilang, ang bismuto, ay may half-life o kalahating-buhay na napakahaba (mas mahaba pa sa edad ng kalawakan) na aaari din itong ituring na matatag. Ang apat nitong matatag na isotopyo ay mayroong 82 na proton, isang "mahiwagang numero" sa modelong nukleyar na balat (nuclear shell model) ng mga nukleong atomiko (atomic nuclei).[8]
Nakalalason ang tingga sa mga hayop sa mga pamamaraang pagsira nito sa sistemang pang-ugat at sa pagdulot nito ng mga sakit sa utak. Nakakagawa din ito ng mga sakit sa dugo sa mga hayop. Gaya ng asoge, isa ring mabigat na metal, mabisang lason sa ugat o neurotoxin ang tingga na naiipon sa mga malalambot na laman at sa mga buto. Ang pagkalason sa tingga ay naiulat na sa kasaysayan ng Roma, Gresya, at Tsina.
↑ 3.03.13.2Arblaster, John W. (2018). Selected Values of the Crystallographic Properties of Elements. Materials Park, Ohio: ASM International. ISBN978-1-62708-155-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)