Ang singgulong The Meaning of Peace (o "Ang Kahulugan ng Kapayapaan" sa pagsasalin) ay isang awit na ginawa para sa mga biktima ng terorismo sa Estados Unidos noong Setyembre 11, 2001. Nakipagtulungan si Kumi Koda kay BoA at sa iba pa nilang kapwa mang-aawit sa ilalim ng record label na Avex Trax sa album na Song Nation na kasama ang singgulong The Meaning of Peace, na nilikha ni Tetsuya Komuro. Ang mga naipong kita ng mga singgulo ng Song Nation ay ibinigay bilang donasyon para sa mga danyos sa 9/11.