Pumunta sa nilalaman

Sétif

Mga koordinado: 36°11′N 5°25′E / 36.19°N 5.41°E / 36.19; 5.41
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sétif

سطيف
commune of Algeria, lungsod, big city
Map
Mga koordinado: 36°11′N 5°25′E / 36.19°N 5.41°E / 36.19; 5.41
Bansa Algeria
LokasyonSétif District, Lalawigan ng Sétif, Algeria
Lawak
 • Kabuuan127.30 km2 (49.15 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2008, Senso)[1]
 • Kabuuan288,461
 • Kapal2,300/km2 (5,900/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+01:00

Ang Sétif (Wikang Arabo: سطيف Saṭīf, Wikang Latin: Sitifis) ay isang lungsod at kabisera ng Lalawigan ng Sétif sa silangang Algeria. Matatagpuan ito sa isa sa mga pinakamalamig na rehiyon ng bansa, 300 kilometro (o mga 190 milya) silangan ng Algiers, 65 kilometro mula Bordj Bou Arreridj at 132 kilometro mula Constantine, sa rehiyon ng Hautes Plaines timog ng Kabylia. Ang populasyon nito ay 288,461 katao ayon sa senso noong 2008.

Nakatayo ang lungsod sa taas na 1,096 metro (3,596 talampakan) sa itaas ng lebel ng dagat, at dahil diyan ito ang pangalawang pinakamataas na kabisera ng isang wilaya (o lalawigan) sa Algeria. Nakakonekta ito sa Algiers at Constantine sa pamamagitan ng pambansang lansangan at daambakal.

Dating bahagi ito ng sinaunang kaharian ng mga Berber na Numidia, at dati itong Romanong colonia.

Nakadepende ang lokal na ekonomiya sa pangangalakal at mga industriya. Ang kalakal ay kadalasang angkak at domestikadong hayop mula sa kalapit na rehiyon. Pinoproseso ang gawang-lokal na trigo sa mga lokal na pagawaan upang magawa ang semolina, kuskus at mga nudel. Kabilang sa mga iba pang industriya ay paggawa sa kahoy, paggawa ng mga alpombra at metal na gawaing-kamay. Kinukuha ang sink mula sa mga kalapit na deposito, at may pagusbong sa hidroelektrisidad sa hilaga. Naging sentro ng komersiyo ang Sétif sa isang rehiyon kung saan ginagawa ang mga tela, minimina ang mga phosphate at tinatanim ang mga cereal.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Sétif (Province Capital, Sétif, Algeria) - Population Statistics, Charts, Map and Location". Nakuha noong 9 Pebrero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga babasahin

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Boucif Mekhaled, Chronique d'un massacre : 8 mai 1945, Sétif-Guelma-Kherrata, éd. Syros, Paris, 1995
  • Jean Louis Planche, Sétif 1945. Histoire d'un massacre annoncé, éd. Perrin, 2006
  • Roger Vétillard, Sétif. Mai 1945. Massacres en Algérie, éd. de Paris, 2008
  • Eugène Vallet, Un drame algérien. La vérité sur les émeutes de mai 1945, éd. Grandes éditions françaises, 1948
  • Denise Morel, Sétif de ma jeunesse, éd. Gandini, 2001

Mga ugnay panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gabay panlakbay sa Sétif mula sa Wikivoyage