Rotaract
Motto | Self Development - Fellowship Through Service (Sariling Pagpapaunlad - Pagbubuklod-buklod sa Pamamagitan ng Paglilingkod) |
---|---|
Pagkakabuo | 1968 |
Uri | Klub na panglingkuran |
Pokus | Fellowship and Service (Pagbubuklod-buklod at Paglilingkod) |
Punong tanggapan | Evanston, Illinois |
Kinaroroonan |
|
Mga pinagmulan | Rotary International |
Nasasakupang pook | World Wide |
Kasapihip | 307,690 (Disyembre 31, 2011) |
Wikang opisyal | Ingles, Suweko, Portuges, Italyano, Pranses, Espanyol, Aleman, Koreano, at Hapones |
Website | www.rotaract.org |
Ang Rotaract ay unang nagsimula bilang programang pangkabataan ng Rotary International noong 1968 sa Charlotte North Rotary Club sa Charlotte, Hilagang Carolina, Estados Unidos, lumago bilang pangunahing organisasyong tinataguyod (sponsored) ng Rotary na mayroong halos 9,539 klub sa buong mundo na mayroong 219,397 kasapi.[1][2] Ito ay isang organisasyon para sa paglilingkod at pamumuno para sa mga kabataang nasa hustong gulang na 18–30.[3] Nakatuon ang Rotaract sa paghuhulma ng mga batang nasa hustong gulang bilang mga pinuno sa kanilang mga pamayanan at lugar sa trabaho. Nakikibahagi rin ang mga klub sa buong mundo sa mga internasyonal na proyekto panglingkod, sa pangmundong pagsisikap na ihatid ang kapayapaan at pangmundong pagkakaunawaan sa mundo.[4]
Ang Rotaract ay nangangahulugang "Rotary in Action" (Rotaryo sa Pagkilos),[5] bagama't nanggaling talaga ang pangalan nito mula sa mga tinambal na salitang "Rotary" at "Interact" (pakikipagtalamitan, pakikihalubilo) (International + Action), ang programang pang-antas ng mataas na paaralan, na nilikha ng Rotary International noong 1962.[6]
Layunin ng Rotaract ang makapagbigay ng oportunidad sa mga kabataan upang mapabuti ang kaalaman at kakayahan na makakatulong sa kanila sa personal na pagpapaunlad, bigyang-tuon ang pisikal at pampamayananang pangangailangan ng kanilang komunidad, at upang palaganapin ang higit na mabuting ugnayan sa lahat ng tao sa buong mundo sa pamamagitan ng anyong-pambalangkas na pagkakaibigan at paglilingkod.[7][8]
Upang maging karapat-dapat o elehibleng maging kasapi ng Rotaract, nararapat na nasa 18-30 ang edad ng mga maaari o inaasahang kasapi, nakikitang entregado sa Rotaract, at pinapakitaang mayroong silang magandang katayuan sa kanilang pamayanan. Matapos mahirang o maaprobahan ng klub, ang mga inaasahang kasapi ay isasa-ilalim sa 'induksyon' o 'pagsasaluklok' upang maging ganap na kasapi, na kilala rin bilang mga 'Rotaractors'. Kadalasang naniningil ang klub ng maliit na bayad na taunan upang masakop ang mga gastusin. Ang San Diego State Rotaract, Rotaract Club of Heritage Institute of Technology Kolkata at Rotaract Club Chandigarh Himalayan ang tanging mga kilalang klub Rotaract na nagsasagawa ng proseso ng pakiki-panayam (interview).[9]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ The Official Rotaract Website, Accessed May 6, 2008].
- ↑ "Rotary At A Glance" Naka-arkibo 2013-07-03 sa Wayback Machine., Accessed May 16, 2012].
- ↑ Rotaract Council tackles age limit, dues Naka-arkibo 2012-12-16 sa Wayback Machine., Accessed May 23, 2011].
- ↑ Rotaract Club of UOW - About Rotaract Naka-arkibo 2011-07-28 sa Wayback Machine., Accessed May 6, 2008].
- ↑ Rotaract Club of South Perth Naka-arkibo 2009-09-14 sa Wayback Machine., Accessed May 6, 2008].
- ↑ ""Interact Handbook"" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2013-07-17. Nakuha noong 2016-06-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Darwin Rotaract Club Naka-arkibo 2012-04-10 sa Wayback Machine., Accessed May 6, 2008].
- ↑ Rotaract Club of Nicosia
- ↑ Rotaract District 9750 Training Manual for Rotaract Clubs of District 9750, Accessed May 6, 2008 Naka-arkibo March 4, 2012[Date mismatch], sa Wayback Machine..
Kawing Panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Rotary Opisyal na websayt
- Rotaractor Wiki[patay na link], an unofficial wiki project for Rotaractors by Rotaractors.
- Happy new year 2017 Rotaractor Club Naka-arkibo 2020-02-04 sa Wayback Machine., an unofficial celebration project for Rotaractors by Rotaractors.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.