Pumunta sa nilalaman

Richard Dawkins

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Richard Dawkins
Dawkins in 2010 at Cooper Union in New York City
Kapanganakan
Clinton Richard Dawkins

(1941-03-26) 26 Marso 1941 (edad 83)
NasyonalidadBritish
EdukasyonMA, DPhil (Oxon)
NagtaposBalliol College, Oxford
Kilala sanakasentro sa gene na pananaw ng ebolusyon, konsepto ng meme at pagtataguyod ng ateismo at agham .
AsawaMarian Stamp Dawkins (m. 1967–1984)
Eve Barham (m. 1984–?)
Lalla Ward (m. 1992–present)
AnakJuliet Emma Dawkins (born 1984)
ParangalZSL Silver Medal (1989)
Faraday Award (1990)
Kistler Prize (2001)
Karera sa agham
TesisSelective pecking in the domestic chick (1967)
Doctoral advisorNikolaas Tinbergen
Doctoral studentAlan Grafen, Mark Ridley
ImpluwensiyaCharles Darwin, Ronald Fisher, George C. Williams, W. D. Hamilton, Daniel Dennett, Bertrand Russell, Nikolaas Tinbergen, John Maynard Smith, Robert Trivers
WebsiteThe Richard Dawkins Foundation

Si Clinton Richard Dawkins, FRS, FRSL (born 26 Marso 1941) ay isang Ingles na etolohista, biologong ebolusyonaro[1] at may akda. Siya ay isang emeritus fellow ng New College, Oxford,[2] at ang Propesor para sa publikong pagkaunawa ng agham ng Unibersidad ng Oxford mula 1995 hanggang 2008.[3]

Si Dawkins ay nakilala sa kanyang 1976 aklat na The Selfish Gene na nagpasikat ng nakasentro sa gene na pananaw ng ebolusyon at nagpakilala ng terminong meme. Noong 1982, kanyang ipinakilala sa biolohiyang ebolusyonaryo ang maimpluwensiya (influential) na konsepto na ang mga epektong phenotype ng isang gene ay hindi kinakailangang limitado sa katawan ng organismo ngunit maaaring umabot sa kapaligiran kabilang mga katawan ng mga organismo. Ang konseptong ito ay ipinrisinta sa kanyang aklat na The Extended Phenotype.[4]

Si Dawkins ay isang ateista, bise presidente ng British Humanist Association at suporter ng Brights movement.[5] Siya ay kilala sa kanyang pagbatikos sa kreasyonismo at intelihenteng disenyo. Sa kanyang aklat 1986 na aklat na The Blind Watchmaker, siya ay nangatwiran laban sa analohiya ng tagagawa ng orasan na isang argumento para sa eksistensiya ng diyos(supernatural na manlilikha) batay sa kompleksidad ng mga organismo. Bagkus ay kanyang inilarawan ang mga prosesong ebolusyonaryo bilang katulad ng isang bulag na tagagawa ng orasan. Siya ay sumulat rin ng ilang mga aklat ng popular na agtham. Kanyang inilarawan ang pananaw na kreasyonistang batang mundo(na isang paniniwala na ang mundo ay may edad na ilang mga libong taon lamang) bilang "isang hangal na nagpapaliit ng isipang hindi katotohanan". Sa kanyang 2006 aklat na The God Delusion, ikinatwiran ni Dawkins na ang isang supernatural na manlilikha ay halos tiyak na hindi umiiral at ang pananampalatayang relihiyoso ay isang delusyon-"isang hindi magagalaw na maling paniniwala".[6] Noong Enero 2010, ang bersiyong Ingles ng aklat na The God Delusion ay naibenta ng higit dalawang milyong mga kopya at isinalin sa 31 mga wika.[7]

Mga napiling aklat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga pelikulang dokumentaryo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ridley, Mark (2007). Richard Dawkins: How a Scientist Changed the Way We Think : Reflections by Scientists, Writers, and Philosophers. Oxford University Press. p. 228. ISBN 0-19-921466-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Extract of page 228
  2. Emeritus and Honorary Fellows Naka-arkibo 2012-03-05 sa Wayback Machine. of New College, Oxford
  3. "Previous holders of The Simonyi Professorship". The University of Oxford. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-08-17. Nakuha noong 2010-09-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "European Evolutionary Biologists Rally Behind Richard Dawkins's Extended Phenotype". Sciencedaily.com. 20 Enero 2009. Nakuha noong 2011-06-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Richard Dawkins on militant atheism". TED Conferences, LLC. Nakuha noong 2011-12-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Dawkins, Richard (2006). The God Delusion. Transworld Publishers. p. 5. ISBN 0-593-05548-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "The God Delusion – back on the Times extended list at #24". Richard Dawkins at RichardDawkins.net. 27 Enero 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-08-17. Nakuha noong 2010-02-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. ""The Magic of Reality - new book by Richard Dawkins this Fall" 10 Mayo 2011". Richarddawkins.net. 10 Mayo 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-06-16. Nakuha noong 2011-06-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. http://www.youtube.com/watch?v=0k9Bwt_aHq4 1987
  10. "Sex, Death and the Meaning of Life". Channel 4. Nakuha noong 16 Oktubre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)