Queen Mary University of London
Ang Queen Mary University of London (QMUL) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik sa London, Inglatera, at isang bahaging kolehiyo ng federal na Unibersidad ng London. Ang pagtatatag nito ay maiuugat sa pundasyon ng London Hospital Medical College noong 1785. Ang Queen Mary College, na ipinangalan sunod kay Maria ng Teck, ay tinanggap sa Unibersidad ng London noong 1915 at noong 1989 isinanib sa Westfield College upang buuin ang Queen Mary and Westfield College. Noong 1995 ang Queen Mary and Westfield College ay isinanib sa Hospital Medical College at London Hospital Medical College upang buuin ang School of Medicine and Dentistry.
Ang Queen Mary ay miyembro ng Russell Group, pangkat ng mga nangungunang unibersidad sa pananaliksik na nakabase sa UK, maging ng Association of Commonwealth Universities at Universities UK. Ang Queen Mary ay isang pangunahing sentro sa instruksyon at pananaliksik na medikal, at bahagi ng UCL Partners, ang pinakamalaking sentro ng akademikong agham pangkalusugan (academic health science centre) sa mundo.
51°31′27″N 0°02′25″W / 51.52407°N 0.04037°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.