Prodaná nevěsta
Itsura
Ang Prodaná nevěsta (wikang Tseko, literal sa Tagalog: Ang Binentang Babaing Ikakasal) ay isang komikong opera sa tatlong akto ni Bedřich Smetana, isang kompositor na Tseko, na nasa libretto ni Karel Sabina. Pangkalahatang kinukunsidera ang gawa bilang isang pangunahing ambag patungo sa pagsulong ng musikang Tseko. Ginawa ang obrang ito noong 1863 hanggang 1866, at unang ginampanan sa Teatro Probisyonal sa Prague noong Mayo 30, 1866.