Pesto
Ang pesto (pagbigkas sa wikang Italyano: [ˈpesto], Genoesa: [ˈpestu]) ay isang sarsa hindi luto na nagmula sa Genoa sa rehiyon ng Liguria ng hilagang Italya (pesto genovese),[1] at pangtradisyon na binubuo ng pinitpit (pinisa) na bawang, basil, at mani ng pino ng Europa na pinaghalu-halo sa pamamagitan ng langis ng oliba, Parmigiano Reggiano (kesong Parmesano), at Fiore Sardo (kesong gawa mula sa gatas ng tupa).[2] Maaari rin itong lagyan ng asin at ilang iba pang mga uri ng keso, katulad ng Pecorino Sardo o Pecorino Romano. Ang pesto ay karaniwang ginagamit bilang sarsa para sa pasta.
Ang pangalang "pesto" ay ang pinaiksing partisipulong pangnakaraan (pandiwaring pangnakaraan) ng salitang Genoesa na pestâ (Italyano: pestare), na may kahulugang "dikdikin" o "pitpitin" bilang pagtukoy sa orihinal na pamamaraan ng paghahanda, sa pamamagitan ng marmol na dikdikan (almires) at kahoy na pambayo (pandikdik). Subalit, ang mga sangkap sa nakaugaliang paggawa ng pesto ay hindi "dinidikdik" subalit "ginigiling" sa pamamagitan ng isang paikot na kilos ng pandikdik sa loob ng dikdikan. Ang ganitong katulad na pinag-ugatang wikang Latin hanggang sa Matandang Wikang Pranses ay nagbigay din ng daan upang lumitaw ang salitang Ingles na pestle.[3]
Mayroong isang katulad na pagkain sa Provence ng Pransiya. Wala itong mga mani o keso, at tinatawag bilang Pistou.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Pesto Genovese: an Ageless Benchmark of Great Italian Cuisine". Nakuha noong 11 Oktubre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Campionato Mondiale Pesto al Mortaio. "Pesto's official recipe". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-10-18. Nakuha noong 10 Agosto 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Online Etymological Dictionary