Pumunta sa nilalaman

Partenon

Mga koordinado: 37°58′13″N 23°43′21″E / 37.97025°N 23.72247°E / 37.97025; 23.72247
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Partenon
Παρθενών (sa Sinaunang Griyego)
Ang Partenon
Map
Pangkalahatang impormasyon
Uritemplong Griyego
Estilong arkitekturalKlasiko
KinaroroonanAtenas, Gresya
Mga koordinado37°58′13″N 23°43′21″E / 37.97025°N 23.72247°E / 37.97025; 23.72247
Kasalukuyang gumagamitMuseo
Sinimulan447 BCE[1][2]
Natapos432 BCE[1][2]
SiniraIsang bahagi noong 26 Setyembre 1687
May-ariPamahalaang Griyego
Taas13.72 m (45.0 tal)
Mga dimensiyon
Iba pang mga dimensiyonCella: 29.8 by 19.2 m (98 by 63 tal)
Teknikal na mga detalye
Sukat69.5 by 30.9 m (228 by 101 tal)
Disenyo at konstruksiyon
ArkitektoIktinos, Kallikrates
Iba pang mga tagapagdisenyoPhidias (sculptor)
Night view

Ang Partenon (Griyego: Παρθενών) ay isang templong Sinaunang Griyego sa Acropolis ng Atenas, Gresya na inalay sa diyosang si Athena na itinuring ng mga mamamayan ng Atenas na kanilang patron. Ang pagtatayo nito ay nagsimula noong 447 BCE nang ang Imperyong Ateniano ay nasa tugatog ng kapangyarihan nito. Ito ay nakumpleto noong 438 BCE bagaman ang pagpapalamuti ng gusali ay nagpatuloy hanggang 432 BCE. Ito ang pinakamahalagang nakaligtas na gusali ng Gresyang Klasiko na pangkalahatang itinuturing na kulminasyon ng orden na Doriko. Ang mga iskulturang pagpapalamuti ang itinuturing na ilang mga matataas na punto ng Sining sa Sinaunang Gresya. Ang Partenon ay itinuturing na tumatagal na simbolo ng Sinaunang Gresya, demokrasyang Ateniano, kabihasnang kanluranin[3] at isa sa pinakadakilang mga monumentong pangkultura. Ang Kalihim ng Kultura at Turismo ng Gresya ay kasalukuyang nagsasagawa ng isang programa ng selektibong pagbabalik at muling pagtatayo upang masiguro ang katatagan ng parsiyal na nagibang istruktura.[4]

Ang mismong Partenon ay pumalit sa mas matandang templo ni Athena na tinatawag ng mga historyan na pre-Partenon o mas matandang Partenon na nawasak sa pananakop na Pesiano noong 480 BCE. Ang templo ay arkeoastronomikal na nakalinya sa Hyades.[5] Gaya ng karamihan ng mga templong Griyego, ang Partenon ay ginamit bilang tesorerya. Sa isang panahon, ito ay nagsilbi ring isang tesorerya ng ligang Deliano na kalaunang naging Imperyong Ateniano. Noong ika-5 siglo CE, ang Partenon ay ginawang simbahang Kristiyano. Pagkatapos ng pananakop na Ottoman, ang Partenon ay naging isang moske sa mga simulang 1460. Noong Setyembre 26, 1687, ang tapunan ng munison sa gusali ay pinag-apoy ng pambobombang Veneciano. Ang nagresultang pagsabog ay masidhing pumisala sa Partenon at mga iskultura nito. Noong 1806, inalis ni Thomas Bruce, ika-7 earl ng Elgin ang ilan sa mga nakaligtas na iskultura sa pahintulot ng Imperyong Ottoman. Ang mga iskulturang ito na kilala bilang mga marmol na Elgin ay ipinagbili noong 1816 sa Museong British sa London kung saan ito ngayon nakatanghal.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 http://academic.reed.edu/humanities/110Tech/Parthenon.html
  2. 2.0 2.1 http://www.ancientgreece.com/s/Parthenon/
  3. Beard, Mary (2010). The Parthenon. Profile Books. p. 118. ISBN 1847650635.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Ioanna Venieri. "Acropolis of Athens". Hellenic Ministry of Culture. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-10-24. Nakuha noong 2007-05-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. E. Boutsikas and R. Hannah (Pebrero 2012). Aitia, Astronomy and the timing of the Arrhephoria. The Annual of the British School at Athens, pp.1-13.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)