Pangangasiwang pang-edukasyon
Ang pamamahalang pang-edukasyon o pangangasiwang pang-edukasyon (Ingles: education management, educational management, education administration, educational administration) ay ang teoriya at pagsasakatuparan na ginagawa ng mga organisasyong pang-edukasyon at pangasiwaang pang-edukasyon ng umiiral na mga pook o lugar na pang-edukasyon at mga sistemang pang-edukasyon. Isa itong may kaayusan at may pagkakasunud-sunod paraan ng pag-iisip hinggil sa kung ano ang gagawin, kung paano ang gagawin, at kung paano nalalaman na dapat nang isagawa ang pamamahala o pangangasiwa ng edukasyon. Isa itong paraan ng pagpapatakbo na pang-edukasyon na dapat na magresulta sa isang maayos na pagsasama o integrasyon ng edukasyon at ng lipunan. Bilang kabahagi ng pangangasiwang pang-edukasyon, ang pamamahala ng paaralan (pangangasiwa ng paaralan) ay isang katawan ng mga doktrinang pang-edukasyon na binubuo ng mga prinsipyo at mga panuntunan na may kaugnayan sa kaparaanan ng mga alituntunin o mga hakbang na pangsilid-aralan, at humahango ng malaki magmula sa mga gawain ng mga gurong nagtagumpay sa kanilang larangan. Ang mga prinsipyo sa pamamahala ng mga paaralan ay may pagsangguni mula sa mga saligang prinsipyo ng sikolohiya, sosyolohiya, at etika.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Definitions of Educational Management Naka-arkibo 2012-09-03 sa Wayback Machine., preservearticles.com
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.