Pagpapatunay sa maramihang salik
Ang pagpapatunay sa maramihang salik (Ingles: multi-factor authentication o MFA) ay isang paraan ng pagpapatunay kung saan ang tagagamit ng computer ay bibigyan lang ng akses kapag nagpakita siya ng dalawa o higit pang ebidensya (o mga salik) sa isang mekanismong pampapatunay: kaalaman (isang bagay na alam ng tagagamit at siya lang ang nakakaalam), pag-aari (isang bagay na mayroon ang tagagamit at siya lang ang mayroon), at inherensya (anuman ang natatangi sa tagagamit).[1]
Ang pagpapatunay sa dalawahang salik (Ingles: two-factor authentication o kilala rin bilang 2FA) ay isang uri, o kubtangkas ng pagpapatunay sa maramihang salik. Ito ay isang paraang pangkumpirma ng mga sinasabing pagkakakilanlan ng mga tagagamit sa pamamagitan ng paggamit ng kumbinasyon ng dalawang magkakaibang salik: 1) isang bagay na alam nila, 2) isang bagay na mayroon sila, o 3) isang bagay na sila.
Isang mahusay na halimbawa ng pagpapatunay sa dalawahang salik ang paglabas ng pera mula sa isang ATM; matutuloy lamang ang transaksyon kung may tamang kombinasyon ng isang tarheta de-bangko (isang bagay na mayroon ang tagagamit) at isang PIN (isang bagay na alam ng tagagamit).
Dalawa pang halimbawa nito ang pagdaragdag ng one-time password (OTP) o dinamikong password bukod sa password na kontrolado ng tagagamit o kodigo na nilikha o natanggap ng isang pampapatunay (hal. isang security token o smartphone) na taglay lamang ng tagagamit.
Ang beripikasyon ng dalawahang hakbang o pagpapatunay sa dalawahang hakbang ay isang paraan upang kumpirmahin ang sinasabing pagkakakilanlan ng isang tagagamit sa pamamagitan ng paggamit ng isang bagay na alam nila (password) at isa pang salik maliban sa isang bagay na mayroon sila o isang bagay na sila. Isang halimbawa ng pangalawang hakbang ang pag-uulit ng tagagamit ng isang bagay na ipinadala sa kanila sa pamamagitan ng mekanismong labas-banda. O, ang ikalawang hakbang ay maaaring maging isang numerong may anim na tambilang na nalikha ng isang app na karaniwan sa tagagamit at sistema ng pagpapatunay.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Two-factor authentication: What you need to know (FAQ) – CNET". CNET. Nakuha noong 2015-10-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Two-Step vs. Two-Factor Authentication - Is there a difference?". Information Security Stack Exchange. Nakuha noong 2018-11-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)