Moçâmedes
Moçâmedes Namibe (1985–2016) | |
---|---|
Munisipalidad at lungsod | |
Moçâmedes | |
Mga koordinado: 15°11′43″S 12°9′3″E / 15.19528°S 12.15083°E | |
Bansa | Angola |
Lalawigan | Namibe |
Itinatag | 1840 |
Lawak | |
• Kabuuan | 8,916 km2 (3,442 milya kuwadrado) |
Taas | 9 m (30 tal) |
Populasyon (2014) | |
• Kabuuan | 282,056[1] |
Sona ng oras | UTC+1 (WAT) |
Klima | BWh |
Ang Moçâmedes (tinawag na Namibe noong 1985 hanggang 2016) ay ang kabiserang lungsod ng lalawigan ng Namibe sa Angola. Ito ay isang pambaybaying-dagat at disyertong lungsod sa timog-kanlurang Angola at itinatag ng pangasiwaang kolonyal ng Portugal noong 1840. Dahil malapit ito sa Disyerto ng Namib, ang Moçâmedes ay may malamig na tuyong klima at behetasyong pandisyerto.
Matatagpuan 200 kilometro mula sa lungsod ang Pambansang Liwasan ng Iona, ang pinakamatanda at pinakamalaking pambansang liwasan ng Angola na ipinahayag bilang isang reserba noong 1937 at ginawang pambansang liwasan noong 1964 na may lawak na 15,150 km².
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Opisyal na itinatag ang Moçâmedes ng pangasiwaang kolonyal ng mga Portuges noong 1840 sa isang look na unang tinawag na Angra do Negro ng mga Portuges sa utis ng punong ministro ng Portugal na si Konde ng Bonfim na siya ring punò ng Kagawaran ng Kolonya.[2] Unang ginalugad ng mga Portuges ang lugar noong 1785 at inangkin para sa Portugal ni Luís Cândido Cordeiro Pinheiro Furtado na ipinadala roon lulan ng pragatang Loanda ni noo'y gobernador-heneral ng Angola na si Baron Moçâmedes (Portuges: Barão de Mossâmedes) na nagpadala rin ng katihang ekspedisyon na pinamuno ni Gregório José Mendes upang magkita sila ni Furtado. Ipinangalan nilang Moçâmedes ang look bilang karangalan sa baron. Noong 1839 ang noo'y gobernador-heneral ng Angola na si Admiral Noronha ay nagpadala ng bagong ekspedisyon upang lupigin ang mga pampook na pinuno at gawin silang mga basalyo ng Portugal.
Noong 1840 itinayo ang isang pabrika at sa Hulyo ng taong iyon itinayo ang isang kuta sa Ponta Negra. Ang lugar ay pangunahing sinakop ng mga nandayuhang Portuges mula Madeira at Brazil; noong dekada-1850 nagbigay rin ang pamahalaang Portuges ng daanan sa dagat at tulong pampinansiyal sa malaking bilang ng mga kolonistang Aleman.[3] Lumago ang nayon bilang isang pantalan ng pangingisda at pagsapit ng huling bahagi ng dekada-1960 mayroon itong 143 mga bangkang pangingisda at ilang mga panrika ng pagpoproseso ng isda. Paglaon napabilang ang pantalan sa ibang mahalagang mga pantalang pangingisda tulad ng Luanda, Benguela at Lobito. Noong 1966 hanggang 1967 itinayo ang isang pangunahing terminal ng inambato ng bakal sa Saco, ang look na nasa 12 kilometro hilaga ng Moçâmedes, upang maglingkod sa minahan ng bakal na inambato sa Cassinga. Ang pagtatayo ng mga instalasyon ng minahan at ng isang 300 kilometrong daambakal ay iniatas sa Krupp ng Alemanya at ang makabagong terminal ng daungan sa SETH, isang kompanyang Portuges na pagmamay-ari Højgaard & Schultz ng Dinamarka. Sa loob ng isang taon, ang 250,000 toneladang barkong tagadala ng inambato ay dumaong at inilulan ng inambato noong 1967.[4][5]
Klima
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Moçâmedes ay may mainit na klimang disyerto (Köppen climate classification BWh).
Datos ng klima para sa Moçâmedes (dating Namibe) | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Sukdulang taas °S (°P) | 34.8 (94.6) |
34.2 (93.6) |
37.4 (99.3) |
38.9 (102) |
40.3 (104.5) |
38.5 (101.3) |
36.7 (98.1) |
27.3 (81.1) |
30.0 (86) |
30.0 (86) |
33.7 (92.7) |
31.7 (89.1) |
40.3 (104.5) |
Katamtamang taas °S (°P) | 27.0 (80.6) |
28.0 (82.4) |
28.9 (84) |
27.9 (82.2) |
25.8 (78.4) |
22.4 (72.3) |
20.6 (69.1) |
20.9 (69.6) |
22.4 (72.3) |
23.6 (74.5) |
25.3 (77.5) |
25.9 (78.6) |
24.9 (76.8) |
Arawang tamtaman °S (°P) | 23.0 (73.4) |
24.7 (76.5) |
25.6 (78.1) |
24.2 (75.6) |
21.1 (70) |
18.3 (64.9) |
17.4 (63.3) |
17.9 (64.2) |
19.2 (66.6) |
20.4 (68.7) |
21.9 (71.4) |
22.5 (72.5) |
21.4 (70.5) |
Katamtamang baba °S (°P) | 19.1 (66.4) |
19.8 (67.6) |
20.7 (69.3) |
18.7 (65.7) |
14.7 (58.5) |
12.8 (55) |
13.0 (55.4) |
13.8 (56.8) |
14.9 (58.8) |
15.9 (60.6) |
17.1 (62.8) |
17.7 (63.9) |
16.5 (61.7) |
Sukdulang baba °S (°P) | 13.0 (55.4) |
12.1 (53.8) |
12.6 (54.7) |
10.2 (50.4) |
7.4 (45.3) |
4.5 (40.1) |
6.5 (43.7) |
5.2 (41.4) |
7.2 (45) |
8.2 (46.8) |
10.5 (50.9) |
11.2 (52.2) |
4.5 (40.1) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 7.2 (0.283) |
10.0 (0.394) |
17.1 (0.673) |
9.7 (0.382) |
0.1 (0.004) |
0.1 (0.004) |
0.2 (0.008) |
0.2 (0.008) |
0.3 (0.012) |
1.1 (0.043) |
2.1 (0.083) |
2.9 (0.114) |
51.0 (2.008) |
Araw ng katamtamang presipitasyon (≥ 0.1 mm) | 2 | 2 | 3 | 2 | 0 | 0 | 0 | 1 | 0 | 1 | 1 | 1 | 13 |
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) | 80 | 79 | 78 | 79 | 82 | 84 | 84 | 85 | 84 | 83 | 80 | 79 | 81 |
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw | 210.8 | 209.1 | 232.5 | 231.0 | 217.0 | 141.0 | 105.4 | 111.6 | 129.0 | 155.0 | 213.0 | 220.1 | 2,175.5 |
Arawang tamtaman ng sikat ng araw | 6.8 | 7.4 | 7.5 | 7.7 | 7.0 | 4.7 | 3.4 | 3.6 | 4.3 | 5.0 | 7.1 | 7.1 | 6.0 |
Sanggunian: Deutscher Wetterdienst[6] |
Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
2004 (taya) | 132,900 | — |
2014 (sen.) | 282,056 | +112.2% |
Senso 2014: [1] |
Relihiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Sé Catedral de São Pedro ng lungsod ay ang sentrong simbahan at luklukan ng Katoliko Romanong Diyosesis ng Namibe na itinatag noong 2009 sa teritoryong hiniwalay mula sa Metropolitano ng Katoliko Romanong Arkidiyosesis ng Lubango, kung saang supragano ang diyosesis.
Transportasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Moçâmedes ay ang dulo ng Daambakal ng Moçâmedes. Dati pang 600mm gauge[7] ang linya, ngunit ginawa itong pang 1067mm gauge noong dekada-1950.
Isa ang Moçâmedes sa tatlong mga pangunahing pantalang lungsod ng Angola, kasabay ng Luanda at Lobito.
Ang Moçâmedes ay pinaglilingkuran ng Paliparan ng Welwitschia Mirabilis (dating Paliparan ng Namibe) na matatagpuan mga 7 kilometro sa timog ng lungsod. Ang lumang Paliparan ng Yuri Gagarin na nasa 1.7 kilometro mula sa pusod ng lungsod ay nag-uugnay ng Moçâmedes sa nalalabing bahagi ng bansa.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Angola". Geohive. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Setyembre 2016. Nakuha noong 14 Mayo 2019.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Francisco Travassos Valdez, Six Years of a Traveller's Life in Western Africa (London: Hurst & Blackett, 1861), Volume 2, pp.336-338.
- ↑ Francisco Travassos Valdez (1861), Volume 2, pp.346-347.
- ↑ (sa Portuges) Angola - Moçâmedes, minha terra, eu te vi crescer... (Raul Ferreira Trindade), history of Moçâmedes/Namibe
- ↑ (sa Portuges) Angola de outros tempos Moçamedes, Moçâmedes under Portuguese rule before 1975, youtube.com
- ↑
"Klimatafel von Namibe (Mocamedes), Prov. Namibe / Angola" (PDF). Baseline climate means (1961-1990) from stations all over the world (sa wikang Aleman). Deutscher Wetterdienst. Nakuha noong 6 Pebrero 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Padron:Cite EB1922
Bibliograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Clarence-Smith, W. G. Slaves, Peasants and Capitalists in Southern Angola 1840-1926. New York: Cambridge UP, 1979.
- Clarence-Smith, W. G. "Slavery in Coastal Southern Angola, 1875-1913." Journal of Southern African Studies 2.2 (1976), 214-23.