Pumunta sa nilalaman

Malayang kalakalan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang malayang kalakalan (Ingles: free trade) ay isang patakaran kung saan ang isang pamahalaan ay hindi nangingilala o walang kinikilingan o walang diskriminasyon laban sa mga pag-aangkat ng mga kalakal, o kaya ay hindi nanghihimasok sa mga pagluluwas ng mga kalakal. Ang hindi nangingilala o nakikialam na pamahalaan ay hindi nagsasagawa ng paglalapat ng mga taripa sa mga inaangkat na bagay o ng mga tulong na pondo o tulong na pananalapi para sa mga bagay na iniluluwas. Ayon sa batas ng hambingan ng kainaman, ang patakaran ng malayang kalakalan ay nagpapahintulot sa mga katambal sa pangangalakal ng tumbalikan o tumbasan ng mga gana o kita mula sa pangangalakal ng mga bagay-bagay at mga serbisyo.

Negosyo Ang lathalaing ito na tungkol sa Negosyo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.