Likas na kaganapan
Ang likas na kaganapan o likas na kababalaghan ay isang pangyayaring hindi artipisyal ayon sa diwang pampisika o pisikal, kaya't ito ay hindi ginawa o hindi kinatha ng mga tao; bagaman maaari nitong maapektuhan ang mga tao (nakakaapekto sa tao ang mga patoheno, pagtanda, likas na sakuna, o kamatayan). Karaniwang mga halimbawa ng likas na kababalaghan (penomeno) ang pagputok ng bulkan, panahon, pagkabulok, kalubhaan (grabidad), erosyon (pagguho). Karamihan sa mga likas na penomeno, katulad ng karaniwang pag-ulan, ang kung tutuusin ay hindi nakakapinsala sa tao.
Sari-saring mga uri ng likas na kaganapan ang nangyayari, kabilang ang mga sumusunod, subalit hindi lamang ang mga ito:
- Kaganapang pangheolohiya (kasiglahang pambulkan at mga lindol)
- Kaganapang pangmeteorolohiya (unos, bagyo, at buhawi)
- Kaganapang pang-oseanograpiya (tsunami, agos ng dagat at pagbasag ng alon)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalikasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.