Pumunta sa nilalaman

L. L. Zamenhof

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
L. L. Zamenhof
Kapanganakan
Ludwik Lejzer Zamenhof

15 Disyembre 1859(1859-12-15)
Kamatayan14 Abril 1917(1917-04-14) (edad 57)
NasyonalidadPolanyo[1]
Kilala saPaglikha ng Esperanto
AsawaKlara Zamenhof
AnakAdam, Sofia and Lidia
Pirma
Si L. L. Zamenhof na 16 taon.

Si Ludwik Lejzer Zamenhof (1859-12-15/1917-04-14) o si Leyzer Leyvi Zamengov, o mas kilalá bílang L. L. Zamenhof (Polako: Ludwik Łazarz Zamenhof), ay isang Polonyang optalmologo, imbentor, at manunulat. Higit na kilalá siya sa paglikha ng Esperanto, ang pinakamatagumpay na wikang artipisiyal sa mundo. Lumaki siyang bilib sa idea ng isang mundo na walang digmaan at naniwala siya na makakamit ito sa tulong ng isang bagong international auxiliary language, na una niyang binuo noong 1873 habang nasa paaralan.

Si Zamenhof ay isinilang noong 15 Disyembre (3 Disyembre OS) 1859 sa bayan ng Białystok sa Imperyong Ruso. Ang mga magulang niya ay mga Polish-Lithuanian na Jewish descent na nanirahan sa gitnang bahagi ng dáting Komonwelt ng Polish-Lithuania. Naging taal siya sa Yiddish at Russian (ipinagbawal ang wikang Polanyo ng awtoridad), na marahil ay "diyalektong" Belorussian ng kaniyang bayan, ngunit maaari ding tatay niya lang ang kumakausap sa kaniya ng wikang Ruso sa tahanan nila.

Bílang mag-aaral sa sekondarya sa Warsaw, sinubukan ni Zamenhof na lumikha ng isang wikang internasyonal na may gramatikang masalimuot, at gayundin masikot.Nang mapag-aralan niya ang wikang Ingles, napagtanto niya na ang wikang internasyonal ay dapat magtaglay ng mas madalíng gramatika. Maliban sa mga taal na wika ng mga magulang niya na wikang Ruso at Yiddish at ang kinupkop niyang wikang Polanyo, ang mga tangkang lingguwistiko niya at natulungan din ng pagsasanay niya sa wikang Aleman, pagkatuto sa wikang Latin, wikang Ebreo, at wikang Pranses, at saligang kaalaman sa wikang Griyego, wikang Ingles, at wikang Italyano.

Noong 1905, natanggap ni Zamenhof ang Légion d'honneur dahil sa paglikha ng Esperanto. Noong 1910, si Zamenhof ay na-nominate para sa Nobel Peace Prize, ng apat na Britong kasapi ng Parliyamento (kabílang sina James O'Grady, Philip Snowden) at ni Propesor Stanley Lane Poole (ngunit ang Prize ay ginawad sa International Peace Bureau).

Sa kaniyang kaarawan, 15 Disyembre, ipinagdiriwang taon-taon ang Zamenhof Day ng mga Esperantista. Noong 15 Disyembre 2009, iwinagayway ang may-bituin at kulay berdeng watawat ng Esperanto sa Google search web page, sa isang Google Doodle para sa ika-150 na kaarawan ni Zamenhof.

  1. Ker Than, "L.L. Zamenhof: Who He Was, Why He's on Google", National Geographic, 15 December 2009.