Pumunta sa nilalaman

Kecap manis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kecap manis
Isang bote ng kecap manis ng Indonesia
UriSarsa sa pagluluto at kondimento
LugarIndonesya
Rehiyon o bansaJava
GumawaMga Indones
Pangunahing SangkapBinudburang utaw na pinatamis ng pulot ng asukal sa palma
BaryasyonToyo, banayad na kecap manis

Ang kecap manis (lit. "matamis na toyo") ay pinatamis at masamyong toyo na nagmula sa Indonesya, na may mas matingkad na kulay, malasirup na lapot at lasang mapulot dahil sa paglagay ng maraming asukal sa palma o panutsa.[1] Malawakang ginagamit ang kecap manis sa sate. Kahawig nito, ngunit may mas pinong lasa kaysa sa, sarsang Tianmian ng Tsina (tianmianjiang).[1] Ito ang pinakasikat na toyo na ginagamit sa lutuing Indones, at binubuo nito ang halos 90 porsiyento ng produksiyon ng toyo sa bansa.[2]

Kumpara sa kecap asin, ang karaniwang toyo na medyo maalat, mas malapot at matamis ang kecap manis. Ang kondimentong ito ay gawa sa binudburang masa ng pinakuluang itim na utaw, binusang angkak, tasik, tubig at Aspergillus wentii na amag, na dinaragdagan ng asukal sa palma.[3] Nanggagaling ang matapang na tamis nito mula sa nilagay na asukal sa palma — maaaring maglaman ang sarsa ng hanggang 50 porsiyentong gula merah o gula jawa (panutsa). Pinapalinamnam ang kecap manis ng mga espesya, kabilang dito ang sangke, kanela, paminta, unsoy at klabo.[2]

Napakahalagang sarsa ang kecap manis sa paminggalang Indones. Ginagamit ito upang magdagdag ng manamis-namis at lasang umami sa mga pinakasikat na putaheng Indones, kabilang dito ang nasi goreng, mie goreng, kwetiau goreng, ayam kecap (litsong manok), babi kecap (pinakulob na baboy), semur (nilagang baka), at ketoprak. Sikat na pambabad din ito para sa mga iniihaw, kagaya ng sate, ayam bakar (inihaw na manok) at ikan bakar (inihaw na isda). Sikat na sawsawan din ang kecap manis, na hinahaluan ng hiniwang lasona at siling Thai at inihahain bilang sawsawan ng tahu goreng (pinritong tokwa).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 William Shurtleff; Akiko Aoyagi (2011). History of Tempeh and Tempeh Products (1815-2011): Extensively Annotated Bibliography and Sourcebook [Kasaysayan ng Tempeh at Produktong Tempeh (1815-2011): Anotadong Anotadong Bibliograpiya at Sanggunian] (sa wikang Ingles). Soyinfo Center. p. 618. ISBN 9781928914396. Nakuha noong 15 Pebrero 2016.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 William Shurtleff; Akiko Aoyagi (2010). History of Soybeans and Soyfoods in Southeast Asia (13th Century To 2010): Extensively Annotated Bibliography and Sourcebook [Kasaysayan ng Utaw at Pagkaing Utaw sa Timog-silangang Asya (Ika-13 Siglo Hanggang 2010): Anotadong Anotadong Bibliograpiya at Sanggunian] (sa wikang Ingles). Soyinfo Center. p. 537. ISBN 9781928914303. Nakuha noong 15 Pebrero 2016. Kecap manis Indonesian cuisine.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Sejarah Bango". Kecap Bango (sa wikang Indones). Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-04-01. Nakuha noong 2023-04-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)