Katedral ni Santa Filomena, Mysore
Katedral ni Santa Filomena, Mysore | |
---|---|
Katedral ni Santa Filomena | |
Bansa | India |
Denominasyon | Katoliko (Ritung Romano) |
Ang Katedral ni Santa Filomena[1][2] ay isang Katolikong simbahang katedral ng Diyosesis ng Mysore, India . Ang buong pangalan nito ay Katedral ni San Jose at ni Santa Filomeno. Kilala rin ito bilang Katedral ni San Jose.[3][4][5] Ito ay itinayo noong 1936 gamit ang estilong Neogotiko at ang arkitektura nito ay kumuha ng inspirasyon mula sa Katedral ng Colonia sa Alemanya.[6] Ito ang isa sa pinakamataas na simbahan sa Asya.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang simbahan sa parehong lokasyon ang itinayo noong 1843 ni Maharaja Mummadi Krishnaraja Wodeyar. Isang inskripisyon na naroroon noong itinatag ang pundasyon ng kasalukuyang simbahan noong 1933 ang nagsasaad: "Sa pangalan ng tanging Diyos - ang unibersal na Panginoon na lumilikha, nagpoprotekta, at naghahari sa sansinukob ng Liwanag, sa maliit na mundo at katipunan ng lahat ng nilikha na buhay - ang simbahang ito ay itinayo noong taong 1843 buhat ng pagkakatawang-tao ni Hesukristo, ang Kaliwanagan ng Mundo, bilang tao". Noong 1926, si Sir T. Thumboo Chetty na siyang Huzur na Kalihim ng Maharaja ng Mysore, si Nalvadi Krishnaraja Wodeyar ay nakakuha ng relikya ng Santo mula kay Peter Pisani, Apostolikong Delgado ng Silangang Indias.[6] Ang relikyang ito ay ibinigay kay Padre Cochet na lumapit sa hari upang tulungan siya sa pagbuo ng isang simbahan bilang parangal kay Santa Filomena.[7] Ang Maharaja ng Mysore ang naglatag ng batong pundasyon ng simbahan noong Oktubre 28, 1933. Sa kaniyang talumpati sa araw ng pagpapasinaya, sinabi niya: "Ang bagong simbahan ay matatag at ligtas na maitatayo sa isang dobleng pundasyon - Banal na awa at ang sabik na pasasalamat ng mga tao."[7] Ang pagtatayo ng simbahan ay nakumpleto sa ilalim ng pangangasiwa ni Obispo Rene Feuga. Ang mga labi ni Santa Filomena ay napanatili sa isang catacumba sa ibaba ng pangunahing dambana.[6] Ang simbahang ito ay isang mabuting halimbawa ng paghahalo ng lokal na kultura. Ang ilan sa mga babaeng estatwa ay nakadamit ng lokal na tradisyonal na damit, ang Saree. Ginamit ng Hindi na Pelikulang 1977 Hindi ng Bollywood na Amar Akbar Anthony ang lokasyon ng Simbahan ni Santa Filomena, at ang mga eksena ay buong kinuha sa loob ng Simbahan.
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "St. Philomena's Cathedral, Mysore, Karnataka, India". www.gcatholic.org. Nakuha noong 2016-11-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mohr, Sr Marie Helen (1953-06-02). St. Philomena: Powerful with God (sa wikang Ingles). TAN Books. ISBN 9781618904881.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://tourism.webindia123.com/tourism/pilgrimcenters/churches/stphilomenaschurch/index.htm
- ↑ https://www.tripadvisor.in/LocationPhotoDirectLink-g304553-d2721980-i176702501-St_Philomena_s_Church-Mysuru_Mysore_Karnataka.html
- ↑ http://pixels-memories.blogspot.in/2015/09/church-of-st-joseph-and-st-philomena.html
- ↑ 6.0 6.1 6.2 A history of St. Philomena's church is provided by "Saint Philomena's Church Mysore, India (Note: After opening the page associated with this link, click on the link Cathedral of Saint Philomena at the bottom of that page to see the description of the church)". Online webpage of Santuario Santa Filomena. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Oktubre 2009. Nakuha noong 22 Mayo 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 A brief description of St. Philomena's church is provided by Usha Bande. "A hymn in stone, Speaks of a secular vision". Online webpage of The Tribune, dated 2002-02-03. The Tribune Trust, 2006. Nakuha noong 2007-05-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)