Katedral ng Pavia
Itsura
Katedral ng Pavia Duomo di Pavia | |
---|---|
Relihiyon | |
Pagkakaugnay | Katoliko Romano |
Probinsya | Pavia |
Lokasyon | |
Lokasyon | Pavia, Italya |
Mga koordinadong heograpikal | 45°11′4.5″N 9°9′13″E / 45.184583°N 9.15361°E |
Arkitektura | |
(Mga) arkitekto | Cristoforo Rocchi, Giovanni Antonio Amadeo and Gian Giacomo Dolcebuono |
Uri | Simbahan |
Istilo | Renasimiyento |
Groundbreaking | Ika-15 siglo |
Ang Katedral ng Pavia (Italyano: Duomo di Pavia) ay isang simbahan sa Pavia, Italya, ang pinakamalaki sa lungsod at luklukan ng Diyosesis ng Pavia. Ang konstruksiyon ay sinimulan noong ika-15 siglo sa lugar ng dalawang paunang Romanikong "kambal" na katedral (Santo Stefano at Santa Maria del Popolo). Sa katedral matatagpuan ang labi ni San Siro, ang unang Obispo ng Pavia, at isang tinik na inaakalang mula sa Koronang tinik na isinusuot ni Kristo. Ang marmol na patsada ay hindi nakompleto.