Pumunta sa nilalaman

Jacques-Yves Cousteau

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Jacques-Yves Cousteau.

Si Jacques-Yves Cousteau o Jacques Cousteau (11 Hunyo 191025 Hunyo 1997)[1] ay isang Pranses na opisyal ng hukbong pangdagat (opisyal na nabal), eksplorador, ekolohista, tagagawa ng pelikula, inobador, siyentipiko, imbentor, potograpo (litratista), may-akda, at mananaliksik, na nag-aral ng dagat at lahat ng anyo ng buhay sa tubig. Siya ang umimbento ng aqualung o "bagang pangtubig" at ang hindi mabigat na mga kasuotang panlangoy at panisid. Kasama siya sa nagpaunlad ng aparatong ito na panghinga habang nasa ilalim ng tubig.[2] Siya ang nagpanimula ng konserbasyong pangmarina, at isa ring kasapi ng Académie française. Kilala rin siya bilang "le Commandant Cousteau" o "Kapitan Cousteau".

Napatunayan ni Cousteau na makapaggagalugad at makagagawa ang tao sa ilalim ng karagatan. Siya rin ang nagpasimula ng paggamit ng espesyal o natatanging mga kamera upang makuhanan ang mga kagilagilalas na mga bagay at buhay sa dagat. Nagtayo rin siya ng mga baseng nasa ilalim at nakatayo sa lapag ng kapatagan ng dagat na nagsisilbing tirahan ng mga maninisid.[2]

Anak na lalaki niya si Jean-Michel Cousteau.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Cousteau Society Naka-arkibo 2009-01-25 sa Wayback Machine., Cousteau.org
  2. 2.0 2.1 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Jacques Cousteau, Who Invented the Aqualung?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 119.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.