Jöns Jakob Berzelius
Si Jöns Jakob Berzelius, o Berzelius lamang, ay isang Suwekong kimiko na nabuhay mula ika-20 Agosto 1779 hanggang sa 7 Agosto 1848. Siya ay pinakakilala sa paggawa ng paraan ng pagsusulat ng mga formulang kimikal. Itinuturing siya na isa sa mga "Ama ng Kapnayan", kasama sa mga tulad nina John Dalton, Antoine Lavoisier, at Robert Boyle.
Mga ambag sa kapnayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Berzelius ang sumukat ng masa ng mga atomo ng halos 40 mga elemento.
Kaniyang nilikha ang mga ideya ng ioniko at hindi-ionikong mga kompuwesto.
Si Berzelius din ang nakatuklas sa mga elementong Seryo (Cerium), Selenyo (Selenium), at Toriyo (Thorium).
Ang kasalukuyang paraan ng pagsusulat ng mga formulang kimikal ay nilikha ni Berzelius upang makatulong sa kaniyang mga pag-aaral. Ang mga elemento ay binigyan ng mga payak na mga tatak. Halimbawa, ang Fe (mula sa Latin, ferrum) ang kaniyang tatak para sa elementong bakal. Ginawa niya iyo noong 1813. Ang tanging pagkakaiba ay sa pagsulat ng bilang ng mga atomo ng isang tipik (molecule). Ang kaniyang ginawa'y nasa taas ang mga maliliit na bilang, sa halip na nasa ibaba, halimbawa, ang ngayo'y H2O ay dating H2O.
Mga ambag sa haynayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]May naging bunga sa haynayan ang mga gawa ni Berzelius. Siya ang unang nagkilala ng kompuwestong organiko mula sa kompuwestong di-organiko.
Bukod dito, ang salitang "protina" ay kanya ring inilikha, nguni't dahil sa maling akala na ang mga ito ay iisang uri lang ng kompuwesto.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Suwesya at Siyentipiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.