Iwanuma
Iwanuma 岩沼市 | |||
---|---|---|---|
Paikot sa kanan mula sa itaas: Pook urbano ng Iwanuma; Dambana ng Kanehebisui; Estasyon ng Iwanuma; Gusaling Panlungsod ng Iwanuma; Pista ng Dontosai; Dambana ng Takekoma Inari | |||
| |||
Kinaroroonan ng Iwanuma sa Prepektura ng Miyagi | |||
Mga koordinado: 38°06′15.4″N 140°52′12.6″E / 38.104278°N 140.870167°E | |||
Bansa | Hapon | ||
Rehiyon | Tōhoku | ||
Prepektura | Miyagi | ||
Pamahalaan | |||
• Alkalde | Tsuneaki Iguchi | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 60.45 km2 (23.34 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (Mayo 31, 2020) | |||
• Kabuuan | 43,946 | ||
• Kapal | 730/km2 (1,900/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon) | ||
- Puno | Japanese Black Pine | ||
- Bulaklak | Azalea | ||
- Ibon | Bako | ||
Bilang pantawag | 0223-22-1111 | ||
Adres | 1-6-20 Sakura, Iwanuma-shi, Miyagi-ken 989-2480 | ||
Websayt | Opisyal na websayt |
Ang Iwanuma (岩沼市 Iwanuma-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Miyagi, Hapon. Magmula noong 31 Marso 2020[update], may tinatayang populasyon ito na 43,946 katao sa 18,062 mga kabahayan[1], at daming 730 tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 60.45 square kilometre (23.34 mi kuw). Ang Iwanuma ay nasa sangandaan ng dalawang sinaunang mga daan, ang Tōkaidō at ang Rikuzen-Hama Kaidō.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bahagi ng sinaunang Lalawigan ng Mutsu ang lugar ng kasalukuyang Iwanuma, at ipinalalagay na itinatag ang Dambana ng Takekoma Inari noong 842 P.K.. Lumitaw ang pagbanggit sa "Kastilyo ng Iwanuma" sa unang mga papeles noong panahong Muromachi. Napunta sa kapangyarihan ng angkang Date ng Dominyong Sendai ang lugar noong panahong Edo, sa ilalim ng kasugunang Tokugawa. Itinatag ang bayan ng Iwanuma noong Hunyo 1, 1889 kasabay ng pagtatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad.
Sinanib sa Iwanuma ang nayon ng Okuma noong Enero 11, 1947, at kasunod nito ang Sengan at Tamaura noong Abril 1, 1955. Itinaas sa katayuang panlungsod ang Iwanuma noong Nobyembre 1, 1971.
Lubhang napinsala ang lungsod ng tsunami buhat sa lindol noong 2011,[2] na ikinasawi ng 180 katao.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Iwanuma ay nasa gitnang-silangang bahagi ng Prepektura ng Miyagi, at hinahangganan ng Karagatang Pasipiko sa silangan. Ito ay nasa wawa ng Ilog Abukuma.
Kalapit na mga munisipalidad
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Prepektura ng Miyagi
Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[3] lumalaki ang populasyon ng Iwanuma sa nakalipas na 40 mga taon.
Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1920 | 15,428 | — |
1930 | 17,524 | +13.6% |
1940 | 18,490 | +5.5% |
1950 | 25,303 | +36.8% |
1960 | 26,452 | +4.5% |
1970 | 29,822 | +12.7% |
1980 | 34,910 | +17.1% |
1990 | 38,091 | +9.1% |
2000 | 41,407 | +8.7% |
2010 | 44,187 | +6.7% |
Sister city relations
[baguhin | baguhin ang wikitext]- – Napa, California, Estados Unidos – mula noong Pebrero 15, 1973 .[4]
- – Dover, Delaware, Estados Unidos – magkakasundong lungsod mula noong 2003
- – Nankoku, Kōchi, Hapon – mula noong Hulyo 23, 1973
- – Obanazawa, Yamagata, Hapon – mula noong November 7, 1999
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Iwanuma city official statistics(sa Hapones)
- ↑ http://www2.macleans.ca/2011/03/11/photo-gallery-devastation-after-earthquake-in-japan/a-massive-tsunami-hits-the-coastal-areas-of-iwanuma-miyagi-prefecture-northeastern-japan/ Naka-arkibo 2011-03-15 sa Wayback Machine. Massive tsunami hits Iwanuma
- ↑ Iwanuma population statistics
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-08-21. Nakuha noong 2020-07-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]May kaugnay na midya ang Iwanuma, Miyagi sa Wikimedia Commons
- Opisyal na websayt (sa Hapones)