Istituto Nazionale per la Grafica
Itinatag | 1975 |
---|---|
Lokasyon | Palazzo Poli at Palazzo della Calcografia, Roma |
Direktor | Maria Antonella Fusco |
Sityo | grafica.beniculturali.it |
Ang Istituto Nazionale per la Grafica (Pambansang Surian para sa Disenyong Grapiko) ay isang institusyong Italyano na may layuning pangalagaan, protektahan, at itaguyod ang isang pamana ng mga obra na nagbibigay ng katibayang dokumentaryo ng lahat ng uri ng disenyong grapiko: mga lathala, guhit, retrato. Ang surian ay matatagpuan sa Roma at pinamamahalaan ng Direktor Heneral para sa Kontemporaneong Tanawin, Sining, at Arkitektura ng Italyanong Ministro ng Pamanang Kultural at mga Aktibidad.
Ang surian ay matatagpuan sa monumental complex ng Balong ng Trevi, na binubuo ng Palazzo Poli at kalapit na Palazzo della Calcografia, na itinayo noong 1837 ng arkitektong si Giuseppe Valadier bilang punong tanggapan ng Chamber Intaglio, na idinidirekta mismo ni Valadier sa loob ng mga dekada. Ang makasaysayang Palazzo Poli ay binili noong 1978 ng Estadong Italyano, na may hangaring layuning ipagsanib ang Pambansang Intaglio at ng Pambansang Gabinete ng mga Lathala, na noong 1975 ay pinagsama sa kasalukuyang surian.
Galeriya
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Andrea Mantegna, Labanan ng dalawang halimaw sa dagat
-
Leonardo da Vinci, Pag-aaral sa isang matanda
-
Étienne Dupérac, Anfiteatro Castrense
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bibliograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Paola Staccioli, Istituto Nazionale per la Grafica sa I musei nascosti di Roma Alla scoperta dei tesori dimenticati della città Collana Roma Tascabile, mga pahina 45–46, Newton Compton, Roma,ISBN 88-8183-417-0