Pumunta sa nilalaman

Idroksido

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Hydroxide)

Ang idroksido[1] ay isang polyatomic ion na nalikha sa oxygen at hydrogen:

OH

Ito ay nagdadala ng kargada-elektrikal na −1. Sa katunayan, ito ang isa sa mga pinakasimpleng polyatomic ion.

Ang mga base na mayroong idroksido ay tinatawag na mga base ng idroksido. Nawawatak ang mga base ng idroksido sa tubig, at ang pagwawatak na ito ay nagdudulot ng mga cation at idroksido, depende sa formula ng compound. Ang mga base ng idroksido na gawa sa mga cation ng Grupo IA (o Grupo 1 sa Sistemang IUPAC) ay tinatawag na mga alkali, at ang mga ito ay nakikipagtuos sa mga acid. Ang mga pagtutuos na acid-alkali ay, sa pangkalahatan,

OH(aq) + H+(aq)H2O(l)

kung tatanggalin ang mga spectator ions. Maraming base ng idroksido ay nalulusaw nang maigi sa tubig.

Kagamitan ng mga idroksido

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Napakadami ng kalagyan at gamit ng mga idroksido at mga base ng idroksido, tulad na lamang ng sodium hydroxide (lye) na ginagamit sa industriya bilang isang malakas na base. Ang potassium hydroxide ay ginagamit sa agrikultura. Ang mga mineral na may iron hydroxide tulad ng goethite at limonite ay ginagamit bilang mababang-uri na brown iron ore. Ang aluminium ay kinukuha sa bauxite na kinasasangkapan ng mga idroksido ng aluminum.

Ang isang base, ayon sa depinisyon ni Svante Arrhenius, ay nawawatak sa tubig at nagiging mga ion ng idroksido. Ngayon, sa mga teorya nina Bronsted at Lowry ukol sa mga acid at base, hindi lang mga idroksido ang itinuturing na mga base. Isang base na hindi tumugma sa mga depinisyon ni Arrhenius, ngunit tumugma sa pinanibagong depinisyon nina Bronsted at Lowry, ay ang ammoniako.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Hinango mula sa Kastilang hidróxido.


Kimika Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.