Pumunta sa nilalaman

Himagsikang Pranses

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Himagsikang Pranses
Bahagi ng Mga Himagsikang Atlantiko
Ang Pagsalakay sa Bastille, ika-14 ng Hulyo 1789
Katutubong pangalan Révolution française
Haba(10 taon, 6 buwan, at 4 araw)
Petsaika-5 Mayo 1789 – ika-9 November 1799
LugarKaharian ng Pransiya
Kinalabasan
  • Pagkalansag ng Ancien Régime at pagkalikha ng konstitusyonal na monarkiya
  • Pagpapahayag ng Unang Republikang Pranses sa Setyembre 1792
  • Paghahari ng Kilabot at Pagbitay kay Louis XVI
  • Mga Digmaang Panghimagsik Pranses
  • Pagkakatayo ng Konsuladong Pranses sa Nobyembre 1799

Ang Himagsikang Pranses (Pranses: Révolution française [ʁevɔlysjɔ̃ fʁɑ̃sɛːz]) ay isang yugto ng masukdol na pagbabago sa pulitika at lipunan sa Pransiya na nagsimula sa Estados Heneral ng 1789, at nagwakas sa pagkatatag ng Konsuladong Pranses noong Nobyembre 1799. Marami sa mga kaisipan nito ay itinuturing na panimulang-ugat at saligang-batayan ng umiiral na pampulitikang hulwagang demokrasyang liberal.[1] Samantala, ang mga pariralang tulad ng liberté, égalité, fraternité (Tagalog: kalayaan, kapantayan, kapatiran) ay muling lumitaw sa iba pang mga pag-aaklas at himagsikan, tulad ng Himagsikang Ruso ng 1917,[2] at mga napukaw na kilusan para sa paglansag ng pangaalipin at pangkalahatang karapatan sa paghalal. [3] Ang mga pagpapahalaga at katatagang samahan na nilikha nito ay nangingibabaw sa pulitika ng Pransiya hanggang ngayon.[4]

Ang mga sanhi nito ay karaniwang pinagkakasunduan ng mga mananalaysay na isang pagkasasama ng mga salik na panlipunan, pampolitika at pang-ekonomiya, na nagpatunay sa kawalang-kakayanan sa pamamahala ng Ancien Régime (Tagalog: Sinaunang Kailaran). Noong Mayo 1789, ang malawakang panlipunang pagkabalisa ay humantong sa pagpupulong ng Estados-Heneral, na pinalitan tungo sa Pambansang Kapulungan noong Hunyo. Ang patuloy na saligawsaw at kaguluhan ay sumukdol sa Pagsalakay ng Bastille noong Hulyo 14, na humantong pa sa sunod-sunod ng mga sukdulang hakbang ng Kapulungan, kabilang ang paglansag ng pyudalismo, ang paglapat ng himansaang panupil sa Simbahang Katoliko sa Pransiya, at pagpapalawig ng karapatang bumoto.

Nangibabaw sa sumunod na tatlong taon ang pagsisikap at pakikibaka para sa politikal na panupil, na pinalala pa ng pangekonomiyang depresyon at pambayanang ligalig. Hinangad at sinubok ng Austria, Britanya, Prusya at iba pang labas na kapangyarihan na ibalik ang Ancien Régime sa pamamagitan ng dahas. Samantala, nakita ng maraming pulitikong Pranses na digmaan ang pinakamahusay na paraan para mapag-isa ang bayan at mapanatili ang diwa at kaluluwa ng himagsikan sa pamamagitan ng pagluwas sa iba pang mga bansa. Nagbunga ang mga salik na ito sa pagsiklab ng Panghimagsikang Digaang Pranses noong Abril 1792 at pagpapahayag Unang Republikang Pranses noong Setyembre, na sinundan ng Pagbitay kay Louis XVI noong Enero 1793.

Pinalitan ang pag-aalsang nakabase sa Paris na noong 31 Mayo - 2 Hunyo 1973 ng mga Girondin na nangibabaw sa Pambansang Kalipunan kasama ng Lupon ng Pangmadlang Kaligtasan, na pinamumunuan ni Maximilien Robespierre. Nagbunsod ito ng Paghahari ng Kilabot, isang pagtatangka na puksain ang diumano'y "mga laban-himagsikan "; sa panahon na ito ay natapos noong Hulyo 1794, mahigit 16,600 ang pinatay sa Paris at sa mga lalawigan. Maliban pa sa mga panlabas na kaaway nito, ang Republika ay humarap sa maraming panloob na pagsalungat mula sa mga Royalista at Jacobins. Upang harapin ang mga banta na ito, ang Tagapagtungong Pranses ay sumunggab ng kapangyarihan noong Nobyembre 1795. Sa kabila ng sunod-sunod na mga tagumpay sa sandatahan, karamihan sa mga ito na napanalunan ni Napoleon Bonaparte, ang mga salungatan at pampulitikang pagkakahati, at pagwawalang-kilos ng ekonomiya ay humantong sa paglalansag ng Tagpagtungong Pranses at pagkakapalit nito ng Konsulado noong Nobyembre 1799. Ito ay karaniwang nakikita bilang palatandaan ng pagwawakas ng panahong Himagsikan.

Ang mga saligang pinagmulan ng Himagsikang Pranses ay karaniwang nakikita na nagmula sa kabiguan ng Ancien Régime na pamahalaan ang panlipunan at panekonomiyang di-pagkakapantay. Ang mabilis na paglaki ng populasyon at ang kawalang kakayahang tustusan ang utang ng pamahalaan ay nagbunga sa panekonomiyang depresyon, kawalan ng trabaho at mataas na halaga ng bilihing pagkain.[5] Kasama ng isang paurong na sistemang pambuwis, at pagtutol sa reporma ng umiiral na nanunungkulang kapilian, nagresulta ito sa isang pagdarahop at kagipitan na napatunayang hindi kayang pamahalaanan ni Louis XVI.[6] [7]

Louis XVI, na naluklok sa trono noong 1774

Kasabay sa panahong ito, ang mga paguusap at pagtatalakay sa mga paksang ito at ang pulitikal na pagtatalo at pagtutol ay naging bahagi ng mas malawak na lipunang Europeo, sa halip na nakakulong o nakatakda lamang sa isang maliit na kapilian. Nagkaroon ito ng iba't ibang anyo, gaya na lamang ng Ingles na 'kalinangang kapihan', at lumawak sa mga lugar na sinakop ng mga Europeo, lalo na sa Hilagang Lupalop Amerika, na bahagi noon ng Britanya. Ang mga pakikipag-ugnayan sa pagitan ng magkakaibang pangkat sa mga lungsod ng Edinburgh, Geneva, Boston, Amsterdam, Paris, London o Vienna ay higit kaysa madalas na pinahahalagahan.[8]

Hindi na bago ang mga namamagitnang-bansang kapilian na nagbahagi ng mga kaisipan at istilo; ang nagbago ay ang kanilang lawak at ang mga bilang na nasasangkot. [8] Sa ilalim ni Louis XIV, ang Korte sa Versailles ang sentro ng kalinangan, moda, at pampulitikang kapangyarihan. Ang mga pagpapabuti sa pagpapanuto at karunungang pagbasa't pagsulat sa paglipas ng yugtong ika-18 siglo ay nangangahulugan ng mas malaking madlang tagapanood at tagapakinig para sa mga diyaryo at pahayagan, mga Masonic lodge, kapihan at samahang pambasa na nagbibigay ng mga lugar kung saan ang mga tao ay maaaring makipagusap, makisang-ayon, makipag-talo, makipag-katwiran at magtalakay ng mga kaisipan. Ang paglitaw ng "pangmadlang kalipunan" (public sphere) na ito ay nagdulot upang mapalitan ang Versailles ng Paris bilang tampulan ng kalinangan at kaisipan, na nag-iwan sa Korte ng Hari na ilang o nakahiwalay at hindi gaanong nakakaimpluwensya sa pangmadlang pagpapalagay.[9]

Karagdagan pa sa mga panlipunang pagbabagong ito, ang populasyon ng Pransya ay dumami mula 18 milyon noong 1700 hanggang 26 milyon noong 1789, na ginawa itong pinakamataong bansa Europa; Ang Paris ay may higit sa 600,000 mga naninirahan, kung saan humigit-kumulang isang-katlo ay alinman sa walang hanap-buhay o walang regular na trabaho. [10] Ang di-mahusay na pamamaraan ng pagsasaka ay nangahulugan na ang mga magsasaka ay nagpupumilit na magtanim ng sapat na pagkain upang suportahan ang mga bilang na ito at ang mga sinaunang pamamaraan ng transportasyon ay nagpahirap sa pagpapamahagi ang kanilang gawang produkto. Bilang resulta ng kawalang-timbang na ito, ang halaga ng pagkaing bilihin ay tumaas ng 65 bahagdan sa pagitan ng 1770 at 1790 ngunit ang sahod ay tumaas lamang ng 22 bahagdan.[11] Ang ganitong mga kakapusan ay ipinagkapinsala para sa umiiral na nanunungkulang pamahalaan, dahil maraming mamamayan ang isinisisi ang pagtaas ng presyo sa kabiguan ng gobyerno na pigilan ang mga mapamsamantalang panghuhuthot na nagdulot ng pagkakaitan ng mga kapos at dukha. [12] Ang mga salat na ani sa buong taon ng 1780, na nagtapos sa pinakamatinding taglamig sa loob ng maraming dekada noong 1788/1789, ay lumikha ng mga tagalalawigang magsasaka sa mga kanayunan na walang anumang maibebenta, at mga proletaryo sa lungsod na ang kakayahang bumili ay bumagsak.[12]

Ang isa pang malaking pabigat sa ekonomiya ay utang ng himansaan. Ang mga nakaugalian na pananaw sa Himagsikang Pranses ay kadalasang iniuugnay ang pagdarahop sa pananalapi sa mga gastos ng Digmaang Anglo-Pranses noong 1778-1783 ngunit ipinapakita ng mga modernong pag-aaral sa ekonomiya na ito ay bahagyang paliwanag lamang. Noong 1788, ang tumbasan ng utang sa kabuuang pambansang kita sa France ay 55.6 bahagdan, kumpara sa 181.8% sa Britanya, at bagama't mas mataas ang mga gastos sa paghiram sa France, ang bahagdan ng kita na inilaan sa mga pagbabayad ng interes ay halos pareho lang sa bawat bansa.[13] Ang isang mananalaysay ang nagpalagay sa paghinuha na "ang antas ng utang ng estado ng Pransya noong 1788, o ang nakaraang kasaysayan nito, ay hindi maituturing na paliwanag para sa pagsiklab ng himagsikan noong 1789".[13]

Noong 1789, ang Pransiya ang pinakamataong bansa sa Europa.

Ang ugat ng suliranin ay nasa sistema ng pagbubuwis na ginamit para pondohan ang paggasta ng pamahalaan. Bagama't iminumungkahi madalas sa pananaliksik na ang maginoo at klero ay kadalasang hindi nagbabayad sa mga buwis, ang mas kamakailang nagawang mga pananaliksik ay nangangatwiran na ang pasanin sa buwis, sa katunayan ay naihagi nang mas pantay sa pagitan ng mga panlipunan-ekonomikong uri kaysa sa dating pagkakaunawa ngunit ang pagtatasa at pagiipon nito ay "isang sakuna". Malawak na nag-iiba ang mga singil ng buwis ay mula sa isang rehiyon patungo sa isa pa, kadalasang may kaunti o walang kaugnayan sa mga alituntuning itinakda sa mga opisyal na kautusan at nakolekta nang pabago-bago; ito ay ang "nakalilitong pagiging magulo ng sistema" na nagdulot ng kapootan sa bawat antas.[14] Ang mga pagtatangkang gawing mas malinaw ang tuntuning sistema ay hinarangan ng mga rehiyonal na Parlements na may panupil sa patakarang pananalapi. Ang nagbungang pagkakabagabag sa harap ng malawakang paghihirap sa ekonomiya ay humantong sa pagtawag sa Estados-Heneral, na naging mapagsukdol sa pamamagitan ng pakikibaka para sa panupil ng pampublikong pananalapi. [13]

Bagaman hindi nagwalang-bahala sa pagdarahop, at handang isaalang-alang ang mga pagbabago, madalas na umatras si Louis XVI kapag nahaharap sa pagsalungat mula sa mga mapaninggal na salik sa loob ng mga maginoo.[15] Dahil dito, ang trono at korte ay tinudla ng galit ng madla, lalo na si Reyna Marie-Antoinette, na itinuring na isang maaksayang gastador na batyaw ng Austria, at sinisi sa pagpapaalis sa mga 'mapagunlad' o 'progresibong' kagawad-bansa tulad ni Jacques Necker. Para sa kanilang mga kalaban, ang mga kaisipan ng Kaliwanagan sa pagkakapantay-pantay at demokrasya ay nagbigay ng pangkaisipang balangkas para sa pakikitungo sa mga paksang ito, habang ang Himagsikang Amerikano ay nakita bilang patibay ng kanilang pasaayos na kagamitan.[15]

Pagdarahop ng Ancien Régime

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagdarahop sa pananalapi

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang mga rehiyonal na mga Parlement noong 1789; matyagan ang lawak na sakop ng Parlement de Paris

Ang himansaan ng Pransya ay humarap sa isang sunod-sunod na mga paghihirap ukol sa laang-gugugulin noong ika-18 siglo, na pangunahing sanhi ng mga kakulangan sa istruktura sa halip na kakulangan ng mga mapagkukunan. Hindi tulad ng Britain, kung saan tinatakda ng Parliament pareho ang mga paggasta at buwis, sa Pransya sinusupil ng Korona ang paggasta, ngunit hindi ang kita.[16] Ang mga pambansang buwis ay maaari lamang maaprubahan ng Estados-Heneral, na hindi naupo mula noong 1614; ang mga tungkulin nito ay ginamppanan ng mga rehiyonal na parlement, ang pinakamakapangyarihan ay ang Parlement de Paris (tingnan ang Map).[17]

Bagama't handang pagtibayin ang buwisang isang beses, ang mga katawan na ito ay nag-aatubili na magpasa ng mga pangmatagalang hakbang. Samantala, ang pagiipon ay ginampanan ng mga pribadong indibidwal. Ito ay nagdulot ng malaking pagbawas nang kita mula sa mga opisyal na tagaipon, at bilang resulta, ang Pransiya ay nagpupumilit na bayaran ang utang nito sa kabila ng pagiging mas malaki at mas mayaman kaysa sa Britanya.[16] Kasunod ng bahagyang di-pagbayad ng utang noong 1770, sa loob ng limang taon ay naging balanse ang badyet salamat sa mga repormang pinasimulan ni Turgot, ang Punong-Tagasupil ng Pananalapi. Binawasan nito ang mga gastos sa paghiram ng gobyerno mula 12% bawat taon hanggang sa mas mababa sa 6%, ngunit siya ay pinaalis noong Mayo 1776 matapos makipagtalo na hindi kayang makialam ng Pransiya sa Digmaang Mapanghimagsik sa Amerika.[16]

Dalawang kagawad-bansa ang sumunod bago ang bangkerong Suwiso na si Necker ang pumalit noong Hulyo 1777. Nagawa niyang pondohan ang digmaan sa pamamagitan ng mga pautang sa halip na buwis, ngunit ang kanyang matinding babala tungkol sa epekto sa pambansang pananalapi ay humantong sa kanyang kapalit noong 1781 ni Charles Alexandre de Calonne.[18] Ang patuloy na pakikialam ng Pransya sa Amerika at ang nauugnay na 1778 hanggang 1783 Digmaang Anglo-Pranses ay maaari lamang mapondohan sa pamamagitan ng pagbibigay ng malaking dami ng bagong utang ng himansaan. Lumikha ito ng malaking uring nagpapaupa na namumuhay ayon sa interes ng kanilang ari-arian, pangunahin sa kanila ang mga kasapi ng maginoong Pranses, o ang gitnang-uring nangangalakal. Noong 1785, ang pamahalaan ay naghirap upang matabunan ang mga bayarin na ito; dahil ang di-pagbayad sa utang ay negatibong makakaapekto sa karamihan ng lipunang Pranses, ang tanging ibang pagpipilian ay ang pagpapataas ng mga buwis. Nang tumanggi ang mga parlements na kolektahin ang mga ito, hinikayat ni Calonne si Louis na ipatawag ang Kalipunan ng mga Kilala, isang pampayong lupon na pinangungunahan ng nakatataas na maginoo. Sa pamumuno ni de Brienne, isang dating arsobispo ng Toulouse,[a] tumanggi din ang konseho na pagtibayin ang mga bagong buwis, na nangangatwiran na ito ay magagawa lamang ng mga Estate.[17]

Pagsapit ng 1788, ang kabuuang utang ng estado ay lumobo sa walang ulirang 4.5 bilyong livres. Ang humalili kay Calonne, si De Brienne ay sinubukang tugunan noong Mayo 1787 ang mga pagtatalo ukol sa laang-gugulin sa paraang hindi nagtataas ng mga buwis sa pamamagitan ng pagpapababa ng halaga sa halip; ang bunga ay di-mapigil na pamimintog ng antas ng presyo ng bilihin ng mga kalakal na nagpalala sa kalagayan ng mga magsasaka at maralitang tagalungsod.[20] Sa isang huling pagtatangka na lutasin ang krisis, bumalik si Necker bilang Kagawad ng Pananalapi noong Agosto 1788 ngunit hindi siya nakipagkasundo kung paano mapataas ang kita. Noong Mayo 1789, ipinatawag ni Louis ang Estados-Heneral sa unang pagkakataon sa loob ng mahigit isang daan at limampung taon.[15]

Estados-Heneral ng 1789

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Katawawa-tawa na paglalarawan ng Ikatlong Estado na nagdadala ng Unang Estado (klero) at Ikalawang Estado (maginoo) sa likod nito

Ang Estatdos-Heneral ay nahahati sa tatlong bahagi: ang Una para sa mga kasapi ng klero; Pangalawa para sa maginoo; at Pangatlo para sa "pankaraniwan".[21] Ang bawat isa ay hiwalay na nagkaupo, na nagbibigay-daan sa Una at Pangalawang Estado na lampasan ang Ikatlo, sa kabila ng kumakatawan sa mas mababa sa 5% ng populasyon, habang ang dalawa ay higit na walang bayad sa buwis.[17]

Noong halalan ng 1789, ibinalik ng Unang Estado ang 303 kinatawan, na kumakatawan sa 100,000 klerong Katoliko; halos sampung bahagdan ng mga lupain sa Pransya ay direktang pagmamay-ari ng mga indibidwal na obispo at monasteryo. Karagdagan pa dito ang mga pahunos na binabayaran ng mga magsasaka.[15] Mahigit sa dalawang-katlo ng mga klero ang nabubuhay sa mas mababa sa 500 livres bawat taon, at kadalasang mas malapit sa mga maralitang taga-lungsod at kanayunan kaysa sa mga nahalal para sa Third Estate, kung saan ang pagboto ay limitado sa mga lalaking nagbabayad ng buwis na Pranses, na may edad na 25 o tapos na.[17] Bunga nito, kalahati ng 610 na kinatawan na nahalal sa Ikatlong Estado noong 1789 ay mga abogado o lokal na may katungkulan, at halos isang ikatlong bahagdan nito ay binubuo ng mga negosyante, habang limampu't isa ang mayayamang may-ari ng lupa.[15]

Ang Ikalawang Estado ay naghalal ng 291 na kinatawan, na kumakatawan sa humigit-kumulang 400,000 lalaki at babae, na nagmamay-ari ng humigit-kumulang 25 bahagdan ng lupain at tumitipon at ng mga pampanginoong paningil, at bayad-upahan mula sa kanilang mga nangungupahan. Katulad ng klero, hindi ito isang nagkaisang katawan, at ito'y nahahati sa noblesse d'épée, o ang sinaunang aristokrasya, at noblesse de robe . Ang huli ay nagmula sa ranggo mula sa hudisyal o administratibong mga katungkulan at malimit na mga masisipag na propesyonal, na nangingibabaw sa mga panrehiyong parlement at madalas ay masidhing mapaninggil sa panlipunang mga paksa.[17]

Si Abbé Emmanuel Joseph Sieyès, na nagmungkahi na ang Ikatlong Estado ay tumindig at bumukod upang buuin ang sarili nito lamang bilang ang Pambansang Kalipunan

Upang tulungan ang mga sugong-kinatawan, bumuo at pumuno ang bawat rehiyon ang isang talaan ng mga kairingan, na kilala bilang Cahiers de doléances.[22] Bagama't naglalaman ang mga ito ng mga kaisipan na tila masukdol o radikal ilang buwan lamang ang nakalipas, karamihan ay sumuporta sa monarkiya, at ipinapalagay na ang Estados-Heneral ay sasang-ayon sa mga reporma sa pananalapi, sa halip na pangunahing pagbabago sa saligang-batas. [23] Ang pag-alis ng pagsensura sa mga palimbagan ay nagbigay-daan sa malawakang pamamahagi ng mga pampulitikang sulatin, karamihan ay isinulat ng mga liberal na kasapi ng aristokrasya at itaas panggitnang-uri.[24] Si Abbé Sieyès, isang tagaisip pulitikal at pari na inihalal sa Ikatlong Estado, ay nangatuwiran na dapat itong unahin kaysa sa iba pang dalawa dahil ito ay kumakatawan sa 95 bahagdan ng dami ng mamamayan.[25]

Ang Estatados-Heneral ay nagpulong sa Menus-Plaisirs du Roi noong Mayo 5 1789, malapit sa Palasyo ng Versailles sa halip na sa Paris. Binigyang kahulugan ng madla ang pagpili ng lugar ng kaganapan bilang isang pagtatangkang masupil ang kanilang mga pagtatalo. Gaya ng nakaugalian, ang bawat Estado ay nagtipun-tipon sa magkahiwalay na mga silid, na ang mga muwebles at palamuti pati mga seremonya ng pagbubukas ay sadyang binibigyang-diin ang kataasan ng Una at Pangalawang Estado. Iginiit din nila na ipatupad ang panuntunan na ang mga may-ari lamang ng lupa ang maaaring maluklok bilang mga kinatawan para sa Ikalawang Estado, at sa gayon ay ibinukod at di-naksasama ang napakapopular na Comte de Mirabeau.[17]

Pagpupulong ng Estados-Heneral noong Mayo 5 1789 sa Versailles

Dahil ang hiwalay na mga kapulungan ay nangangahulugan na ang Ikatlong Estado ay maaaring palaging matatalo sa botohan ng dalawang iba, sinikap ni Sieyès na pagsamahin ang tatlo. Ang kanyang pamamaraan ay kailanganin na ang lahat ng mga kinatawan ay pagtibayin ng kabuoang Estados-Heneral, sa halip na ang bawat Estado ay magpapatunay ng sarili nitong mga kasapi. Dahil nangangahulugan ito ng pagkalehitimo ng mga kinatawan na nagmula sa Estados-Heneral, kailangan nilang magpatuloy sa pag-upo bilang isang katawan.[18] Pagkatapos ng pinalawig na kawalang-kilos, noong Hunyo 10 ang Ikatlong Estado ay nagpatuloy sa pagpatibay at pagpatunay ng sarili nitong mga kinatawan, isang hakbang na natapos noong Hunyo 17. Makalipas ang dalawang araw, sinamahan sila ng mahigit isandaang kasapi ng Unang Estado, at ipinahayag nila ang kanilang sarili bilang Pambansang Kapulungan . Ang natitirang mga kinatawan mula sa iba pang dalawang Estado ay pinaanyayahan na sumali, ngunit nilinaw ng Kapulungan na nilalayon nilang gumawa ng batas na mayroon man o wala ang kanilang pagtulong.[17]

Sa pagtatangkang pigilan ang pagpupulong ng Pambansang Kapulungan, inutusan ni Louis XVI ang Salle des États na ito'y isara, at sinabing kailangan itong maghanda para sa isang talumpating panghari. Noong Hunyo 20, nagpulong ang Kapulungan sa isang tennis court sa labas ng Versailles at nanumpa na hindi humawan at magkakawatak-watak hangga't hindi napagkasunduan ang isang bagong saligang-batas. Bumuhos ang paghatid ng kalatas ng pagkatig mula sa Paris at iba pang mga lungsod; pagsapit ng Hunyo 27, sinamahan na sila ng karamihan ng Unang Estado, kasama ang apatnapu't pitong kasapi ng Pangalawang Estado, at umatras si Louis.[17]

Konstitusyonal na monarkiya (Hulyo 1789 – Setyembre 1792)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Paglansag ng Ancien Regime

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kahit na ang mga limitadong mga pagbabago at repormang ito ay hindi sumang-ayon kay Marie Antoinette at sa nakababatang kapatid ni Louis na Comte d'Artois; sa kanilang payo, itiniwalag muli ni Louis si Necker bilang punong kagawad noong Hulyo 11.[17] Noong Hulyo 12, ang Pambansang Kapulungan ay pumasok sa isang walang tigil at mahaba na pagpupulong-talakayan pagkatapos kumalat ang mga alingawngaw na pinaplano ni Louis na gamitin ang Guwardiyang Suwisa upang sapilitan itong isara sa paggamit ng karahasan. Nagdala ang balita na ito ng dagsa ng mga umpukan ng mamamayan na nagprotesta sa mga lansangan, at ang mga piling-hukbong rehimyento ng Gardes Françaises ay tumanggi na ipakalat sila.[17]

Sa ika-14, marami sa mga sundalong ito ang sumama sa mga dagsang mandurumog sa pagsalakay sa Bastille, isang muog-tanggulan ng hari na may malalaking imbak ng mga armas at balang-pulbura. Sumuko ng gubernador nito, si Bernard-René de Launay, pagkatapos ng maraming oras na pakikipaglaban na ikinasawi ng 83 na umatake. Dinala siya Hôtel de Ville, pinatay, at ang kanyang ulo ay sinibat sa sa isang tulos, at ipinarada sa mga kalye ng lungsod. Pagkatapos, giniba ng dagsa ng mamamayan ang muog-tanggulan sa napakaikling panahon. Bagama't nabali-balitaang humahawak ito ng maraming bilanggo, pito lamang ang nadatnang hawak ng Bastille: apat na manghuhuwad, dalawang maginoo na ikinulong dahil sa "imoral na pag-uugali", at isang pinaghihinalaan sa pagpaslang. Gayunpaman, bilang isang makapangyarihang sagisag ng Ancien Régime, ang pagkawasak nito ay itinuturing na isang pagtatagumpay, at ang Araw ng Bastille ay ipinagdiriwang pa rin taun-taon.[17] Ang pagbagsak nito ay itinuturing ng ilan sa kalinangang Pranses bilang hudyat ng simula ng Himagsikan.[26]

The Ang Pagsalakay sa Bastille noong Hulyo 14 1789; ang tanyag na sagisag na kaganapan ng buong Himagsikan, na ginugunita pa rin bawat taon bilang Araw ng Bastille

Napangamba sa pagkamaari na buong mawalan ng kakayanang panupil sa kabisera, hinirang ni Louis ang Marquis de Lafayette na punong tagautos ng Pambansang Pananggol, kasama si Jean-Sylvain Bailly bilang pinuno ng isang bagong-tayong pangangasiwa na kilala bilang Commune . Noong Hulyo 17, binisita ni Louis ang Paris na kasama ng 100 mga kinatawan, kung saan siya ay binati ni Bailly at tinanggap ang isang tatlong-kulay na cockade sa malakas na pagpapalakpak. Gayunpaman, malinaw na ang kapangyarihan ay lumipat mula sa kanyang korte; tinanggap siya bilang 'Louis XVI, ama ng mga Pranses at hari ng isang malayang sambayanan.'[17]

Ang panandaliang pagkakaisa na ipinatupad sa Pambansang Kapulunagn sa pamamagitan ng isang karaniwang banta ay mabilis na nawala. Nagtalo ang mga kinatawan sa kung ano ang dapat na anyo ng saligang-batas, habang ang nanunungkulang lungsudning ay mabilis na nanghina. Noong Hulyo 22, ang dating Kagawad ng Pananalapi na si Joseph Foullon at ang kanyang anak ay kinuyog mandurumog na daluhunging taga-Paris, at hindi ito napigilan ni Bailly o Lafayette. Sa mga kanayunan, ang ligaw na alingawngaw at matinding silakbo sa takot ng mga mamamayan ay nagbunga sa pagkabuo ng mga hukbong-mamamayan at isang pangsakang pag-aalsa na kilala bilang la Grande Peur . [18] Ang panlulupaypay at pagkawasak ng tuntunin ng batas at kaayusan, at ang madalas na pagsalakay sa mga ari-arian ng mga maginoo ay nagbunsod sa karamihan ng mga maginoo na tumakas sa ibang bansa. Sa kanilang pagdayo, pindohan nila ang mga isig sa loob ng Pransiya na ibig bumalik sa dating kailralan, at hinimok din nila ang mga monarko sa ibang bansa na suportahan ang salungat-himagsikan.[27]

Bilang ganti, inilathala ng Pambansang Kalipunan ang mga Atas Agusto, na naglansag ng pyudalismo at iba pang pribilehiyong hawak ng mga maginoo, lalo na ang kawalan ng buwis. Ilan pang mga kautusan ang pagkakapantay ng lahat sa harap ng batas, ang pagbubukas ng pampublikong panunungkulan sa lahat, ang kalayaan sa pagsamba at pananampalataya, at pagpapawalang-bisa ng mga naiibang pribilehiyong hawak ng mga lalawigan at bayan. [27] Mahigit sa dalawamput-limang bahagdan ng lupang maaararo sa Pransiya ang napapasailalim sa manoryalismo, na nagbigay ng karamihan sa kita para sa malalaking may-ari ng lupa. Ipinasawalang-bisa ang mga ito, kasama ang mga pahunos sa simbahan. Ang nilalayon ay para sa mga nangungupahan na magbayad ng uyan para sa mga kawalan na mga ito, ngunit ang karamihan ay tumanggi na sumunod at ang tungkuling ito ay pinawalang-bisa noong 1793.[28]

Sa pagpatigil ng 13 rehiyonal na mga parlement noong Nobyembre, ang mga pangunahing pantayong haligi ng lumang rehimen ay nawala sa hindi pa apat na buwan. Sa gayon, mula sa unang yugto nito, ang Himagsikan ay nagpakita ng mga palatandaan ng pagiging masukdol o radikal ; ang nanatiling hindi malinaw ay ang na sigmo ng saligang batas upang gawing lapat panangkap ang mga layunin.[29]

Paglikha ng bagong saligang-batas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa tulong ni Thomas Jefferson, na sa panahong iyon ay embahador ng Amerika sa Pransiya, naghanda si Lafayette ng isang bbalangkas na saligang-batas na kilala bilang Pamamahayag ng Karapatan ng Tao at ng Mamamayan, na kahawig sa ilan sa mga probisyon ng Pamamahayag ng Kasarinlan. Gayunpaman, walang pinagkasunduan ang Pransiya sa gampanin ng Korona, at hanggang sa nalutas ang katanungan na ito, walang may kakayahan upang lumikha ng mga institusyong pampulitika. Nang iharap ang balangkas ng saligang-batas sa lupon ng mga mambabatas noong Hulyo 11, tinanggihan ito ng mga pragmatista tulad ni Jean Joseph Mounier, Pangulo ng Asembleya, na may pangamba sa paglikha ng mga pag-asa na hindi maibibigay. [17]

Ang Pamamahayag ng Karapatan ng Tao at ng Mamamayan noong Agosto 26, 1789

Matapos pamatnugutan ni Mirabeau, inilathala ito noong 26 Agosto bilang tuntuning pahayag.[30] Naglalaman ito ng mga probisyon na itinuturing na masukdol sa anumang lipunang Europeo, lalo pa noong 1789 France, at habang patuloy na pinagtatalunan ng mga mananalaysay ang pananagutan para sa mga pagbaybay sa mga pananalita nito, karamihan ay sang-ayon na sa katotohanan to ay isang tipon ng maraming may-akda. Bagama't gumawa si Jefferson ng malaking ambag sa balangkas ni Lafayette, siya mismo ay kinikilala ang kanyang utang-kaisipan kay Montesquieu, at ang huling burador ay may malaking pagkakaiba.[31] Ang Pranses na mananalaysay na si Georges Lefebvre ay nangangatwiran na kasama ng pag-aalis ng pribilehiyo at pyudalismo, ito ay "sumasalungguhit ng pagkakapantay-pantay sa paraang hindi ginawa ng (Amerikanong Pamamahayag ng Kasarinlan)".[27]

Higit sa lahat, magkaiba ang layunin ng dalawa; Nakita ni Jefferson ang Saligang Batas ng Estados Unidos at Bill of Rights bilang pag-aayos ng sistemang pampulitika sa isang tiyak na punto ng panahon, na sinasabing 'wala silang orihinal na kaisipan...ngunit ipinahayag ang kaisipang Amerikano' sa yugtong iyon. [32] Ang 1791 Pranses na Saligan Batas ay tiningnan bilang isang panimulang punto, ang Pamamahayag ng Karapatan ay nagbibigay ng isang pangitaing hangarin, isang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng dalawang Himagsikan. Naka-ugnay bilang panimulang pambungas sa Saligang Batas ng Pransiya ng 1791, at ng 1870 hanggang sa 1940 Ikatlong Republikang Pranses ito ay isinama sa kasalukuyang Salihang Batas ng France noong 1958. [33]

Nagpatuloy ang mga talakayan. Si Mounier, na tinutulungan ng mga mapaninggal tulad ni Gérard de Lally-Tollendal, ay nagnanais ng isang sistemang bikameralidad, na may mataas na kapulungan na hinirang ng hari, na magkakaroon ng karapatan sa pag-beto. Noong ika-10 ng Setyembre, tinanggihan ito ng mayorya na pinamumunuan nina Sieyès at Talleyrand pabor sa isang pagpupulong, habang pinanatili lamang ni Louis ang isang " pansumansalang veto "; nangangahulugan ito na maaari niyang ipagpaliban ang pagpapatupad ng isang batas, ngunit hindi ito hadlangan. Sa batayan na ito, isang bagong lupon ang ipinatawag upang magkasundo sa isang saligang-batas; ang pinakapinagtatalunan na paksa ay ukol sa ang pagkamamamayan, na nauugnay sa katanungan tungkol sa balanse sa pagitan ng mga pansariling karapatan at tungkulin. Sa huli, ang 1791 Saligang Batas ay nagtatangi sa pagitan ng 'mga tahas na mamamayan' na humahawak na mga karapatang pampulitika, na tinukoy bilang mga lalaking Pranses na higit sa 25 taong gulang, na nagbabayad ng mga direktang buwis na katumbas ng tatlong araw na paggawa, at 'mga balintiyak na mamamayan', na tasado at natakdaan sa 'mga karapatang sibil'. Dahil dito, hindi ito ganap na tinanggap ng mga masukdol na radikal sa Samahang Jacobin.[31]

Mga sans-culottes, mga manggagawa ng lungsod ng Paris, 1789

Nagdulot ang mga kakulangan sa pagkain at ang lumulubhang katayuan ng ekonomiya ng pagkabigo sa kakulangang pag-unlad, at ang uring manggagawa sa Paris, na tinaguriang "mga walang-salawal" o sans-culottes, ay naging lalong hindi mapakali. Humantong ito sa huling bahagi ng Setyembre, nang ang Rehimiyentong Flandes ay dumating sa Versailles upang palakasin ang Panharing Taliba, at alinsunod sa nakaugaliang pagsasanay ay tinanggap ng isang pormal na piging. Ang popular na galit ay pinalakas ng mga paglalarawan ng press tungkol dito bilang isang 'masibang kahalayan, at sinasabing ang tatlong-kulay na cockade ay pinahamak. Itinuring ang pagdating ng mga hukbong ito bilang isang pagtatangka na takutin ang Pambansang Kapulungan.[17]

Sa Oktubre 5 1789, nagtipon ang mga dagsa ng kababaihan sa labas ng Hôtel de Ville, sa panhihimok ng pagkilos na bawasan ang mga halaga ng bilihin, at pagbutihin ang mga panustos ng tinapay. [15] Ang mga protestang ito ay mabilis na naging politikal, at pagkatapos kunin ang mga armas na nakaimbak sa Hôtel de Ville, humigit-kumulang 7,000 ang nagmartsa sa Versailles, kung saan sila ay pumasok sa Kapulungan upang iharap ang kanilang mga hinaing. Sinundan sila ng 15,000 kasapi ng Pambansang Pananggol sa ilalim ni Lafayette, na sinubukan silang himukon upan tumigil, ngunit nagutos nang naging malinaw na aalis sila kung hindi niya pagbibigyan ang kanilang kahilingan. [17]

Sa pagdating ng Pambansang Pananggol noong gabing iyon, nagmungkahi si Lafayette kay Louis na ang kaligtasan ng kanyang pamilya ay nangangailangan ng kanilang paglipat sa Paris. Kinaumagahan, pumasok ang ilan sa mga nagprotesta sa mga silid ng hari, na hinahanap si Marie Antoinette, na nakatakas. Hinalughog nila ang palasyo, napatay ang ilang guwardiya. Bagaman ang sitwasyon ay nanatiling tensiyonado, sa kalaunan ay naibalik ang kaayusan, at ang Royal family at Assembly ay umalis patungong Paris, na sinamahan ng Pambansang Pananggol.[15] Sa pagpapahayag sa kanyang pagtanggap sa mga Atas Agosto at Pamamahayag ng Karapatan, nangako si Louis sa katapatan sa monarkiyang konstitusyonal, at ang kanyang tungkuling titulo ay binago mula sa 'Hari ng Pransiya' patungo sa 'Hari ng mga Pranses'. [17]

Himagsikan at ang simbahan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nangangatwiran ang mananalaysay na John McManners na "sa ika-labingwalong siglo ng Pransiya, ang trono at altar ay karaniwang binabanggit na tila nasa malapit na pagkakaanib; ang kanilang sabay na pagbagsak ... sa isang araw ay magbibigay ng huling patibnay ng kanilang pag-iral pakikipagtutulungan." Ang isang mungkahi ay tumuturo na pagkatapos ng isang siglo ng pagkakausig, ang ilang Protetanteng Pranses ay matahas na tumaguyod at tumulong sa isang rehimeng laban sa mga Katoliko, isang hinanakit na pinalakas ng mga nag-iisip ng Panahon ng Kaliwanagan kagaya ni Voltaire.[34] Isinulat ng pilosopo na si Jean-Jacques Rousseau na ito ay "hayag na salungat sa batas ng kalikasan ... na ang kaunting bilang ng mga tao ay nagpapakataba sa kanilang sariling lalamunan sa kalabisan, habang ang nagugutom na karamihan ay nahantong sa kakapusan ng mga pangangailangan."[35]

Sa katawa-tawang paglalarawan na ito, tinatamasa ng mga monghe at madre ang kanilang bagong kalayaan pagkatapos ng atas noong Pebrero 16, 1790.

Nagdulot ang Himagsikan ng pagkalaki-laki na paglipat ng kapangyarihan mula sa Simbahang Katoliko patungo sa himansaan o estado. Bagama't ang lawak ng paniniwala sa relihiyon ay isang katanungan, ang pag-aalis ng pagpaparaya para sa mga kaunting pananampalataya ay nangahulugan na noong 1789 ay ang pagiging Pranses ay katumbas na nangangahulugan din nang pagiging Katoliko.[36] Ang simbahan ay ang pinakamalaking katawan na nagmamay-ari ng lupa sa Pransiya, na sumusupil sa halos sampung bahagdan ng lahat ng pagmamay-aring lupa at napataw na pahunos, isang bahagdang sampu na buwis sa kita ng mga mamamayan, na natitipon mula sa mga magsasaka sa anyo ng mga naaning pananim. Bilang kapalit, nagbigay ang simbahan ng kaunting antas ng tulong sa lipunan.[34]

Pinawi ng mga atas ng Agosto ang mga pahunos, at noong ika-2 ng Nobyembre, sinamsam ng Pambansang Kalipunan ang lahat ng ari-arian ng simbahan, at ang halaga ng kayamanang ito ay ginamit upang patibayin ang isang bagong salaping papel na kilala bilang mga assignat. Bilang kapalit, inako ng estado ang mga katungkulan tulad ng pagbabayad sa mga klero at paglingap sa mga dukha, mga may sakit, at mga ulila.[37] Noong Pebrero 13, 1790, ang mga relihiyosong orden at monasteryo ay binuwag, habang ang mga monghe at madre ay hinimok na bumalik sa pribadong buhay.[34]

Ginawa silang mga empleyado ng estado sa bisa ng Saligang Batas Sibil ng Klerigo noong Hulyo 12, 1790, at gayundin itinakda ang bayaran ng suweldo at isang pamamaraan sistema para sa paghalal ng mga pari at obispo. Tinutulan ito ni Papa Pius VI at ng maraming Katolikong Pranses dahil itinanggi nito ang awtoridad ng Papa sa Simbahang Pranses. Noong Oktubre, tatlumpung obispo ang naghain ng isang pamamahayag nasulat na tumuligsa sa batas, na lalong nagpasidhi sa pagsasalungat. [38]

Nang ang mga klero ay kinailangang manumpa ng katapatan sa Konstitusyon ng Sibil noong Nobyembre 1790, hinati nito ang mga kasapi simbahan sa pagitan ng dalawamput-apat na bahagdan na sumunod sa bagong patakaran, at ang karamihang klero na tumanggi.[39] Pinatigas nito ang popular na pagtutol laban sa panghihimasok ng estado, lalo na sa námihasang na mga lugar na Katoliko tulad ng Normandy, Brittany at Vendée, kung saan iilan lamang ang mga pari na nanumpa, at ang karamihang mamamayang sibilyan ay tumalikod sa himagsikan.[38] Ang bunga ay pamumuno ng estado sa pag-usig sa mga "sutil na klero", marami sa kanila ay pinilit na ipinatapon, pinalayas, o pinaslang.[34]

Pampulitikang pagkakahati-hati

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang yugto mula Oktubre 1789 hangang tagsibol ng 1791 ay karaniwang tinuturing panahon ng himaymay at katiwasayan, kung kailan ang ilan sa pinakamahalagang pagbabagong pambatas ang naisakatuparan. Habang tiyak naman na totoo, maraming mga pook sa kalalawiganan ang nakaranas ng labanan tungkol sa mulaan ng lehitimong kapangyarihan, lalo na sa mga lugar kung saan ang mga opisyal at nanungkulan ng Ancien Régime ay naiwaksi, ngunit ang mga bagong panlipunang banghay ay hindi pa naisaayos. Ang suliranin na ito ay hindi gaanong halata sa Paris, dahil ang pagkabuo ng Pambansang Pananggol ay ginawa ito na pinakamahusay na nababantayang lungsod sa Europa, ngunit ang kumakalat na kaguluhan sa mga lalawigan tiyak na nakaapekto sa mga kasapi ng Pambansang Kapulungan.[40]

Ipinagdiwang ang Fête de la Fédération noong 14 Hulyo 1790, na gumunita sa pagkatatag ng konstitusyonal na monarkiya.

Lumikha ng mayorya ang mga gitnaan (centrist) na pinamumunuan nina Sieyès, Lafayette, Mirabeau at Bailly sa pamamagitan ng pagpanday ng pagkasundo-sundo sa mga tagasuporta ng monarkiya (monarchien) tulad ng Mounier, at mga independyente kabilang sina Adrien Duport, Barnave at Alexandre Lameth. Sa isang dulo ng pampulitikang gradasyon o espektro, tinuligsa ng mga reaksyunaryo tulad nina Cazalès at Maury ang Himagsikan sa lahat ng anyo nito, samantala nasa kabilang dako ng espektro ang mga ekstremista tulad ni Maximilien Robespierre. Nakakuha siya, at si Jean-Paul Marat ng lumalakas na suporta para sa pagsalungat sa pamantayan para sa 'tahas na mga mamamayan', na nag-alis ng karapatan sa karamihan ng proletaryo ng Paris. Noong Enero 1790, sinubukan ng Pambansang Pananggol na dakpin si Marat para sa pagtuligsa kina Lafayette at Bailly bilang 'mga kaaway ng sambayanan'.[17]

Noong 14 Hulyo 1790, ginanap ang mga pagdiriwang sa buong Pransiya bilang paggunita sa pagbagsak ng Bastille, at ang mga kalahok na nanunumpa ng katapatan sa 'bansa, ang batas, at ang hari.' Ang Fête de la Fédération (Piyesta ng Pederasyon) sa Paris ay dinaluhan ni Louis XVI at ng kanyang pamilya, kasama si Talleyrand na nagdaos ng pagmimisa. Sa kabila ng pagpapakitang ng pagkakaisa nito, ang Pambansang Kapulungan ay unti-unti nahati, habang ang mga panlabas na mga pangkat tulad ng Kaniigang Paris at Pambansang Pananggol ay nakipagtagisan para sa kapangyarihan. Isa sa pinakamahalaga ay ang Samahang Jacobin; nagsimula bilang isang pagtitipon o forum para sa pangkalahatan at pampublikong pakikipagtalo at talakayan, ngunit noong Agosto 1790 mayroon na itong mahigit 150 kasapi, nahati sa iba't ibang paksyon.[17]

Nagpatuloy ang Pambansang Kapulungan sa pagbuo ng mga bagong institusyon; noong Setyembre 1790, inalis ang mga rehiyonal namga Parlements, at ang kanilang mga legal na tungkulin ay pinalitan ng isang bagong may kasarinlang hudikatura, na may mga paglilitis sa hurado para sa mga kasong kriminal. Gayunpaman, ang mga katamtamang kinatawan ay hindi mapalagay sa mga popular na kahilingan at hinaing para sa pangkalahatan na karapatan upang humalal, mga kapisanan ng manggagawa, at abot-kayang tinapay. Sa taglamig ng 1790 at 1791, nagpasa sila ng isang serye ng mga hakbang na nilayon upang wakasan ang popular na kasukdulan o radikalismo. Kabilang dito ang pagbubukod ng mga mas mahihirap na mamamayan mula sa Pambansang Pananggol, mga pagtatakda upang limitahan sa paggamit ng mga petisyon, paskil at talastasan, at ng Hunyo 1791 ang Batas Le Chapelier ay sumawata sa mga samahang kalakalan at anumang anyo ng samahan o kapisanan ng mga manggagawa.[41]

Ang kinámihasnán na isig para sa pagpapanatili ng batas at kaayusan ay ang hukbong sandatahan, na lalong nahati sa pagitan ng mga opisyal, karamihan sa kanila ba nagmula sa mga maginoo, at mga ordinaryong sundalo. Noong Agosto 1790, pinigilan ng loyalistang si Heneral Bouillé ang isang seryosong pag-aalsa kay Nancy; bagama't binati ng Kalipunan, binatikos siya ng mga radikal na Jacobin dahil sa matinding kalupitan ng kanyang mga kilos. Nangangahulugan na ang lumalagong kaguluhan na maraming propesyonal na opisyal ang umalis o dumayo sa ibang bansa, na lalong nagpahina sa institusyon.[42]

Varennes at kasunod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hinawakan sa Tuileries Palace sa ilalim halos pagkakabilanggo sa sariling bahay, si Louis XVI ay hinimok ng kanyang kapatid na lalaki at asawa na muling igiit ang kanyang kasarinlan sa pamamagitan ng pakikikanlong kay Bouillé, na nakakuta sa Montmédy kasama ang 10,000 sundalo na itinuturing na tapat sa Korona.[43] Umalis sa palasyo na nagbabalatkayo ang pamilya noong gabi ng Hunyo 20, 1791. Kinabukasan, nakita at nakilala si Louis nang dumaan siya sa Varennes, at dinampot sila at dinala pabalik sa Paris. Ang tangkang pagtakas ay nagkaroon ng malalim na epekto sa pananaw ng publiko. Dahil malinaw na si Louis ay naghahanap ng kanlungang matataguan sa Austria, ang Pambansang Kalipunan ngayon ay humingi ng mga panunumpa ng katapatan sa rehimen, at nagsimulang maghanda para sa digmaan, habang ang katatakutan sa 'mga batyaw at mga taksil' ay naging malaganap. [41]

Pagkatapos madampot sa Paglikas patungong Varennes ; ang maginoong pamilya ay inihatid pabalik sa Paris

Sa kabila ng mga masidhing panawagan na palitan ang monarkiya ng isang republika, napanatili ni Louis ang kanyang katayuan, ngunit sa pangkalahatan ay itinuturing na may matinding paghihinala at pinilit siyang na manumpa ng katapatan sa saligang-batas. Ang isang bagong batas ay nagsasaad na ang pagbawi sa sumpang ito, ang pakikipagdigma sa bansa, o pagpapahintulot sa sinuman na gawin ito sa kanyang pangalan ay ituturing na pagbibitiw o pagwaksi. Gayunpaman, naghanda ng petisyon ang mga radikal na pinamumunuan ni Jacques Pierre Brissot ay na humihingi sa kanyang pagpapatalsik, at noong ika-17 ng Hulyo, isang napakalaking madla ng mga tao ang nagtipon sa Champ de Mars upang lagdaan ito. Sa pangunguna ni Lafayette, inutusan ang Pambansang Pananggol na "panatilihinang kaayusan ng publiko" at tinugunan nila ang pamamato sa pamamagitan ng pagpapaputok sa mga tao, na ikinamatay ng 13-50 katao.[44]

Winasak ng lubos ng pamumuksa ang karangalan ni Lafayette; tumugon ang mga nanunungkulan sa pamamagitan ng pagsasara ng mga radikal na samahan at pahayagan, habang ang kanilang mga pinuno ay nagpatapon o nagtatago, kasama na si Marat. [45] Noong Agosto 27, inilabas ni Emperor Leopold II at Frederick William II ng Prussia ang Pagpapahayag ng Pillnitz na nagpahayag ng kanilang ibig pagtulong kay Louis, at nagpapahiwatig ng pakanang lusubin ang Pransiya para sa kanya. Ngunit, sa katotohanan, ang pagpupulong sa pagitan nina Leopold at Frederick ay pangunahing talakayin ang mga Partisyon ng Poland ; ang Deklarasyon ay nilayon upang bigyang-kasiyahan ang Comte d'Artois at iba pang mga French emigrés - ngunit ang bantang ito ay nagdulot ng masigasig na pagtulong ng mga mamamayan sa likod ng rehimen.[46]

Alinsunod sa kilos na iminungkahi ni Robespierre, pinagbawalan ang mga kasalukuyang kinatawan sa mga halalan na ginanap noong unang bahagi ng Setyembre para sa Kalipunang Mambabatas Pranses . Bagama't si Robespierre ay isa rin sa mga hindi kasama, ang kanyang mga kasapi sa mga samahan ay nagbigay sa kanya ng kapangyarihang politikal na na wala sina Lafayette at Bailly, na parehong nagbitiw ayon sa pagkakabanggit bilang pinuno ng Pambansang Pananggol at ng Paris Commune. Ang mga bagong batas ay tinipon sa 1791 Saligang Batas, at inihain kay Louis XVI, na nangako na ipagtanggol ito "mula sa mga kaaway sa loob at labas ng bansa". Noong ika-30 ng Setyembre, ang Pagtitipong Manghahalal (Constituent Assembly) ay binuwag, at ang Kalipunang Mambabatas ay nagpulong sa kinabukasan. [27]

Pagbagsak ng monarkiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Kalipunang Mambabatas ay ay madalas na itinatakwil ng mga mananalaysay bilang isang hindi mahusay na katawan, na napilitang makipagkasundo sa mga pagkakahati sa gampanin ng monarkiya na pinalala ng pagsalungat ni Louis sa mga hangganan sa kanyang mga kapangyarihan at mga pagtatangka na baligtarin ang mga ito gamit ang tulong-panlabas.[47] Ang paghihigpit sa prangkisa sa mga nagbayad ng pinakamababang halaga ng buwis ay nangangahulugan lamang ng 4 na milyon lamang sa 6 milyong Pranses na mahigit 25 ang nakaboto. Ibinukod rin nito ang mga sans culottes o uring manggagawang tagalungsod, na unti-unting tinanaw ang bagong rehimen na hindi nakatutugon sa kanilang mga kairingan para sa tinapay at trabaho.[48]

Nangahulugan ito na ang bagong saligang-batas ay sinalungat ng mga mahahalagang salik sa loob at labas ng Kalipunan, na siya rin mismong nahati sa tatlong pangunahing grupo. 245 miyembro ay kaanib sa samahang Feuillants ni Barnave, mga konstitusyonal-monarkista na sa kanilang pananaw na ang Himagsikan ay sapat na ang narating, habang ang isa pang 136 ay tagakaliwang Jacobin na tagakatig sa isang republika, na pinamumunuan ni Brissot at karaniwang tinatawag bilang Brissotins.[17] Ang natitirang 345 ay kabilang sa La Plaine, isang paksyong nangingitna at na nagpalipat-lipat ng mga boto depende sa paksa; marami sa kanila ang nagbahagi ng mga paghihinala ng Brissotins tungkol sa panunumpa ni Louis sa Himagsikan. [17] Matapos opisyal na tanggapin ni Louis ang bagong Konstitusyon, isang tugon ang naitala bilang " Vive le roi, s'il est de bon foi! ", o "Mabuhay ang hari – kung tutuparin niya ang kanyang salita".[49]

Bagama't kakaunti lamang, ang panupil ng mga Brissotins sa mga mahalagang lupon ay nakapahintulot sa kanilang tumuon sa dalawang paksa, parehong nilalayon na ilarawan si Louis bilang salungat sa Himagsikan sa pamamagitan ng pag-udyok sa kanya sa paggamit ng kanyang kapangyarihang beto. Ang una ay ukol sa mga humayong maginoo at dating mamamayan; sa pagitan ng Oktubre at Nobyembre, inaprubahan ng Kalipunan ang mga hakbang sa pagsamsam sa kanilang ari-arian at pagbabanta sa kanila ng parusang kamatayan.[17] Ang pangalawa ay ang mga di-huradong pari, na ang pagsalungat sa Saligang Batas Sibil ay humantong sa isang katayuan ng malapit na digmaang sibil sa katimugang France, na sinubukan ni Bernave na sugpuin sa pamamagitan ng pagpapaluwag sa marahas na mga probisyon. Noong ika-29 ng Nobyembre, ang Kalipunan ay nagpasa ng isang kautusan na nagbibigay ng nagmamatigas na klero ng walong araw upang sumunod, o haharapin nila ang mga sakdal paratang ng 'pakikipagsabwatan laban sa bansa', na kahit si Robespierre ay tiningnan na masyadong malayo, masyadong maaga.[50] Tulad ng inaasahan at talagang nilalayon ng kanilang mga may-akda, pareho silang ibineto ni Louis na ngayon ay inilalarawan bilang laban sa pangkalahatang pagbabago.[17]

Ang pagsalakay sa Tuileries Palace, Agosto 10, 1792

Kasama nito ang isang planong paglusob para makidigmaan laban sa Austria at Prusya, na pinamunuan din ni Brissot, na siyang mga layunin ay pinakahulugan bilang isang pinaghalong sinikong pagtutuos at mapanghimagsikang pangunguliran. Habang pinagsamantalahan nito ang popular na damdamin laban sa mga Austriyan, ito ay sumasalamin rin sa isang tunay na paniniwala sa pagluwas ng mga pagpapahalagahan ng pampulitikang kalayaan at popular na kasarinlan.[51] Sa kabalintunaan, pinamunuan ni Marie Antoinette ang isang paksyon sa loob ng korte na nais din ang digmaan, na nakikita ito bilang isang paraan upang makuha ang kontrol sa militar, at ibalik ang kapangyarihan ng hari. Noong Disyembre 1791, nagbigay talumpati si Louis sa Kalipunan na nagbibigay ng mga dayuhang kapangyarihan ng isang buwan upang buwagin ang mga emigrante o humarap sa isang digmaan, na sinalubong ng masigasig ng kanyang mga tagasuporta at paghihinala kanyang mga kalaban.[17]

Ang kawalang kakayahan ni Bernave na bumuo ng isang pagkakasundong pagtutulungan sa Kalipunan ay nagdulot sa pagtalaga ng isang bagong pamahalaan, na ang karamihan ay binubuo ng mga Brissotins. Noong Abril 20, 1792 nagsimula ang Mga Digmaang Panghimagsikang Pranses nang salakayin ng mga hukbong Pranses ang mga isigang-hukbong Austriyan at Prusyan sa kanilang mga hangganan, bago makadanas ng serye ng mga mapaminsalang pagkatalo. Kalakip ng pagsisikap na pakilusin ang sambayanan pagtulong, nagpataw ng utos ang pamahalaan na lahat na mga di-huradong mga pari na manumpa o, kung hindi ay sila'y ipapatapon. Binuwag rin ng pamahalaan ang Saligang Pananggol at pinalitan ito ng 20,000 fédérés; Habang sumuko si Louis sa pagkakabuwag ng Pananggol, ngunit bineto ang iba pang dalawang panukala, habang tinawag ni Lafayette ang Kalipunan upang sugpuin ang mga samahan.[38]

Nadagdagan ang kapootan ng madla nang ang mga salaysay ng Manipestong Brunswick ay umabot sa Paris noong Agosto 1, na nagbabanta ng 'di malilimutang paghihiganti' kung may sumalungat sa mga Magkaanib sa paghahangad na ibalik ang kapangyarihan ng monarkiya. Sa umaga ng Agosto 10, sinalakay ng pinagsamang puwersa ng Paris Pambansang Pananggol at panlalawigang fédérés ang Tuileries Palace, na ikinamatay ng marami sa mga Guwardiyang Suwisa na nagbabantay doon.[52] Sumilong si Louis at ang kanyang pamilya ay sa Kalipunan at pagkaraan ng 11:00 ng umaga, ang mga kinatawan na naroroon ay bumoto para sa 'pansamantalang pagpapaalis ng hari', na epektibong sinugpo ang monarkiya.[53]

Unang Republika (1792–1795)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagpapahayag ng Unang Republika

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagbitay kay Louis XVI sa Place de la Concorde, nakaharap sa bakanteng pedestal kung saan dating nakatayo ang rebulto ng kanyang lolo, si Louis XV .

Sa huling Agosto, idinaos ang mga halalan para sa Pambansang Kombensiyon. Ang mga paghihigpit sa kinakailangan upang maging botante ay nangahulugang bumaba ang dami mula sa 3.3 milyon, laban sa 4 milyon noong 1791, habang sa kasagsagan nito ay laganap ang pananakot.[54] Nahati ang mga dating Brissotins sa panahong ito sa dalawang kampo, una, ang mga katamtamang Girondin na pinamumunuan ni Brissot, at mga masukdol at radikal na Montagnards, pinangungunahan ni Maximilien Robespierre, Georges Danton, at Jean-Paul Marat. Habang patuloy na nagbabago ang katapatan, humigit-kumulang 160 sa 749 na kinatawan ay mga Girondin, 200 Montagnards at 389 na miyembro ng La Plaine . Pinangunahan nina Bertrand Barère, Pierre Joseph Cambon at Lazare Carnot, tulad ng dati ang sentral na paksyon na ito ay kumilos bilang isang swing vote.[38]

Sa Pamumuksa ng Setyembre, nasa pagitan ng 1,100 at 1,600 na mga bilanggo na nakakulong sa mga kulungan ng Paris ay biglaang pinatay, ang karamihan kanila ay karaniwang mga kriminal.[55] Ang kilos na ito ay tugon sa paghuli kay Longwy at Verdun ng Prusya, at ang mga karamihan sa mga salarin ay sa mga kasapi ng Pambansang Pananggol at fédérés patungo sa harapan. Pinagtatalunan kung sino ang nananagutan sa mga gawaing iti, ngunit kahit na ang mga makatamtaman ay nagpahayag ng pakikiramay sa karumal-dumal na kilos, na hindi nagtagal ay kumalat sa mga lalawigan; ang mga patayan ay sumasalamin sa malawakang pangangamba sa panlipunang ligalig.[56]

Noong Setyembre 20, nanalo ang hukbong-sandatahang Pranses ng nakamamanghang tagumpay laban sa mga Prusyan sa Valmy. Napanatag at nakatatag ng loob dahil dito pinalitan ng Kumbensyon ang monarkiya ng Unang Republikang Pranses at ipinakilala ang isang bagong kalendaryo, kung saan ang 1792 ay naging "Unang Taon" noong Setyembre 22. [57] Sa mga sumunod na ilang buwan ay kinuha sa paglilitis kay Citoyen Louis Capet ("Kabayan Louis Capet"), dating Louis XVI. Habang ang kombensiyon ay pantay na nahati sa katanungan ng kanyang pagkakasala, ang mga miyembro ay lalong naimpluwensyahan ng mga radikal na nakasentro sa mga Samahang Jacobin at Paris Commune. Pinadali ng Brunswick Manipesto ang paglalarawan kay Louis bilang isang banta sa Himagsikan, na tila napatunayan nang ang mga sipi mula sa kanyang personal na sulat ay nailathala na inilahad na siya ay nakikipagsabwatan sa mga Royalista na destiyero na naglilingkod sa mga hukbong Prusyan at Austrian. [58]

Noong Enero 17, 1793, hinatulan ng Kalipunan ng kamatayan si Louis para sa "pagsasabwatan laban sa kalayaan ng sambayanan at pangkalahatang kaligtasan", sang-ayon 361 na bilang, at tutol 288; dumagdag pa ang 72 na kasapi ang bumoto para bitayin siya na napapailalim sa iba't ibang mga kasunduan na pagaantala. Ang pagahatol ng parusa ay isinagawa noong 21 Enero sa Place de la Révolution, ngayon ay Place de la Concorde.[15] Nanawagan ang takot na mga mapaninggil sa buong Europa na wasakin ang mapanghimagsik na Pransiya; noong Pebrero ang Kumbensyon ay inunahan ito sa pamamagitan ng pagpapahayag ng digmaan sa Britain at Republickang Olandes; ang mga bansang ito kinalaunan ay sinalihan ng Espanya, Portugal, Naples at Tuscany sa Digmaan ng Unang Pagsasanib.[59]

Krisis sa politika at pagbagsak ng mga Girondista

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Inasahan ng mga Girondin na ang digmaan ay magiisa sa mga mamamayan sa likod ng pamahalaan at magbibigay ng katwiran para sa pagtaas ng mga presyo at kakulangan sa pagkain, ngunit natagpuan nila ang kanilang mga sarili na pinatatamaan ng galit ng karamihan. Marami ang umalis papuntang lalawigan. Ang unang pagtatala sa panhukbong tungkulin o levée en masse noong ika-24 ng Pebrero ay nagdulot ng mga kaguluhan sa Paris at iba pang mga sentrong pangrehiyon. Bukod s pagkalito na sa mga pagbabagong ipinataw sa simbahan, noong Marso ang kinámihasnán na manininggal at royalista sa rehiyon ng Vendée ay bumangon sa pag-aalsa. Noong ika-18, natalo si Dumouriez sa labanan sa Neerwinden at kumalas patungo sa mga Austriyan. Sumunod ang mga pag-aalsa sa Bordeaux, Lyon, Toulon, Marseilles at Caen . Ang Republika ay tila nasa bingit ng pagkabagsak.[38]

Ang ligalig at pagdarahop ay nagdulot sa pagkalikha noong ika-6 ng Abril 1793 ng Lupon ng Pampublikong Kaligtasan, isang tagapagpaganap na lupon na nananagutan sa Kumbensyon.[38] Ang mga Girondin ay gumawa ng isang nakakasawi na pagkakamali sa sa pamamagitan ng pagsakdal kay Marat sa harap ng Panghimagsikang Hukuman para sa diumano'y pamamahala sa mga pamumuksa at patayan noong Setyembre; siya ay mabilis na napawalang-sala, na higit na nagpabukod sa mga Girondin mula sa mga sans-culottes . Nang tumawag si Jacques Hébert para sa isang popular na pag-aalsa laban sa "mga alipores ni Louis Capet" noong 24 Mayo, siya ay inaresto ng Lupon ng Labindalawa, isang tribunal na pinangungunahan ni Girondin na itinatag upang ilantad ang 'mga pakanang sabwatan'. Bilang tugon sa mga protesta ng Commune, ang Lupon ng Pampublikong Kligtasan ay nagbabala "kung sa pamamagitan ng iyong walang humpay na pag-aalasa ay may nangyari sa mga kinatawan ng bansa,. . . Mawawasak ang Paris".[38]

Ang Kamatayan ng Marat ni Jacques-Louis David (1793)

Dahil sa lumalalang ligalig, ay nagbunga sa mga samahan upang kumilos laban sa Girondins. Kasama ang tulong ng Commune at ilang bahagi ng Pambansang Pananggol, nagtangka sila noong Mayo 31 na agawin ang kapangyarihan sa isang kudeta. Bagama't nabigo ang pagpapatalsik na ito, noong ika-2 ng Hunyo ang kombensiyon ay napaliligiran ng dagsa humigit-kumulang hanggang 80,000 ka tao, na humihingi ng murang tinapay, bayad sa kawalan ng trabaho, at mga pampulitika pagbabago, kabilang ang tungkol paghihigpit ng boto sa mga sans-culottes, at ang karapatang tanggalin ang mga kinatawan.[17] Sampung kasapi ng komisyon at isa pang dalawampu't siyam na miyembro ng pangkat ng Girondin ang dinampot, at noong Hunyo 10, kinuha ng mga Montagnards ang Lupon ng Pampublikong Kaligtasan.[17]

Samantala, isang lupon na pinamumunuan ng malapit na kaanib ni Robespierre na si Saint-Just ang naatasang maghanda ng bagong Saligang Batas. Natapos sa loob lamang ng walong araw, pinagtiby ito ng kombensiyon noong Hunyo 24, at naglalaman ng mga masukdol na pagbabago, kabilang ang karapatang bumoto ng lahat na lalaki at paglansag ng pang-aalipin sa mga sinakop na kolonya ng Pransya. Gayunpaman, pinatigil ang mga karaniwang prosesong pambatas kasunod ng pagpatay kay Marat noong Hulyo 13 ng Girondist na si Charlotte Corday, na ginamit ng Lupon ng Pampublikong Kaligtasan bilang dahilan para humawak sa kapangyarihan. Ang Saligang Batas ng 1793 ay sinuspinde nang walang katiyakan panahon kung kailan matatapos noong Oktubre.[60]

Kabilang sa mga pangunahing pinagtutuunang-pansin ng bagong pamahalaan ang paglikha ng bagong panhimansaang ideolohiya, pang-ekonomiyang pamamalakad at pagkapanalo sa digmaan.[17] Natulungan sila ng mga pagkakawatak-watak sa kanilang mga kalaban sa loob ng bansa; habang ang mga lugar tulad ng Vendée at Brittany ay gustong ibalik ang monarkiya, karamihan ng mga rehiyon at lalawigan ay sumuporta sa Republika ngunit salunagt sa rehimen sa Paris. Noong Agosto 17, bumoto ang Kumbensyon ng pangalawang levée en masse; sa kabila ng mga paunang suliranin sa pagbibigay sadata, sat iba pang kailangan ng mga sundalo, at pagtustos ng ganoong kalaking bilang. Sa kalagitnaan ng Oktubre ay muling nasakop ng mga Republikanong pwersa ang Lyon, Marseilles at Bordeaux, habang natalo nila ang mga hukbo ng Pagsasanib sa Hondschoote at Wattignies.[17] Kasama sa bagong uri ng mga pinunong militar ang isang batang koronel na nagngangalang Napoleon Bonaparte, na hinirang na kumander ng artilerya sa Pagkubkob sa Toulon dahil sa kanyang pakikipagkaibigan kay Augustin Robespierre. Ang kanyang tagumpay sa gampaning iyon ay nagdulot sa pagtaas ng ranggo sa Hukbo ng Italy noong Abril 1794, at ang simula ng kanyang pagtaas ng kanyang militar at pampulitikang kapangyarihan.[61]

Paghahari ng Kilabot

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Siyam na dayuhan ay binitay sa pamamagitan ng guillotine, 1793
Larawan ni Maximilien de Robespierre, pininta 1793, mula Musée Carnavalet

Sinimulan ang Paghahari ng Kilabot bilang isang paraan upang magamit ang panghimagsikang sigasig, ngunit mabilis na sumama ito sa pagsasaayos lamang ng mga pansariling karaingan. Sa katapusan ng Hulyo, ang Convention ay nagtakda ng mga kontrol sa presyo sa isang malawak na hanay ng mga kalakal, na may parusang kamatayan para sa mga nag-iimbak, at noong Setyembre 9 ay itinatag ang 'mga mapanghimagsik na pangkat' upang ipatupad ang mga ito. Noong ika-17, ipinag-utos ng Batas ng mga Hinihilaan ang pag-aresto sa mga pinaghihinalaang "kaaway ng kalayaan", na nagpasimula ng tinawag na "Kilabot". Ayon sa mga talaan, mula Setyembre 1793 hanggang Hulyo 1794 may 16,600 katao ang pinatawan ng bitay sa mga paratang na pagkilos laban sa himagsikan; dagdag pa ang 40,000 ang maaaring pinatay o namatay habang naghihintay ng paglilitis.[62]

Ang mga nakapirming halaga ng bilihin, hatol na bitay para sa mga 'mag-iimbak' o 'manghuhuthot', at pagsamsam ng mga inimbak ng butil ng mga pangkat ng mga may sandatang manggagawa ay nangahulugan lahat na sa simula ng Setyembre, ang Paris ay dumaranas ng matinding kakapusan sa pagkain. Gayunpaman, ang pinakamalaking hamon ng Pransiya ay ang pagbabayad sa napakalaking pampublikong utang na tinanggap mula sa dating rehimen, na patuloy na lumobo dahil sa digmaan. Sa una, ang pambansang utang ay tinustusan ng pagbebenta ng mga nasamsam na ari-arian, ngunit ito ay lubhang hindi epektibo; dahil kakaunti ang bibili ng mga ari-arian na maaaring bawiin, makakamit lamang ang katatagan ng pananalapi sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng digmaan hanggang sa matalo ang mga kontra-himagsikang Pranses. Habang dumarami ang panloob at panlabas na banta sa Republika, lumala ang katayuan nito; ang hinarap nila ito sa pamamagitan ng pag-imprenta ng assignat humantong sa pagkakapintog at mas mataas na halaga ng bilihin.[16]

Noong 10 Oktubre, kinilala ng Kumbensyon ang Lupon ng Pampublikong Kaligtasan bilang ang pinakamataas na Pamahalaang Panghimagsikan, at binimbin ang Saligang Batas hanggang sa pagkakamit ang kapayapaan.[60] Sa kalagitnaang Oktubre, si Marie Antoinette ay pinatunayang nagkasala ng mahabang listahan ng mga krimen at pinugutan; makalipas ang dalawang linggo, ang mga pinuno ng Girondista na dinampot noong Hunyo ay hinatulan rin ng kamatayan, kasama si Philippe Égalité. Ang Paghahari ng Kilabot ay hindi lamang umiral sa Paris. Matapos ng pagkabawi ng Lyons, mahigit 2,000 ang napaslang.[17]

si Georges Danton; malapit na kaibigan ni Robespierre at isa sa mga pinuno ng samahang Montagnard, ay pinatay noong Abril 5, 1794

Nagwagi sa Cholet noong 17 Oktubre, ang hukbong Republikano ng isang napakahalagang tagumpay laban sa mga mag-aalsang Vendée, at tumakas ang mga nakaligtas patungo sa Brittany. Ang isa pang pagkatalo sa Le Mans noong Disyembre 23 ay nagtapos sa pagaaklas para iturin naisang malaking banta, bagama't nagpatuloy ang mga pag-aaklas hanggang 1796. Ang lawak ng malupit na panunupil na sumunod ay pinagtatalunan ng mga mananalaysay na Pranses mula noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo.[63] Mula Nobyembre 1793 hanggang Pebrero 1794, mahigit 4,000 ang nilunod sa Loire sa Nantes sa ilalim ng pangangasiwa ni Jean-Baptiste Carrier. Sinasabi ng mananalaysay na si Reynald Secher na kasing dami ng 117,000 ang napatay sa mula 1793 hanggang 1796. Bagama't ang mga bilang na iyon ay pinagdududahan, naghinuha si François Furet na "hindi lamang nagpapahayag ng patayang pamumuksa at pagkawasak sa mga sukat na dati'y di pa naganap, ngunit isang napakarahas na pagkasigagsig na ibinigay nito bilang pamana nito ang karamihan sa pagkakakilanlan ng rehiyon."[29] [b]

Sa kasagsagan ng Paghahari ng Kilabot, ang pinakamaliit na pagpapahiwatig ng pagkasalungat sa himagsikang pag-iisip ay maaaring maglagay sa sarili sa ilalim ng paghihinala, at maging ang mga tagasuporta nito ay hindi ligtas dito. Sa ilalim ng pagkatindi ng mga kaganapan, lumitaw ang mga pagkakabiyak sa loob ng paksyong Montagnard, na may marahas na hindi pagkakasundo sa pagitan ng mga radikal na <i id="mwAwU">Hébertist</i> at mga katamtamang kalagitnaan na pinamumunuan ni Danton.[c] Nakita ni Robespierre ang kanilang pagtatalo bilang nakakabuwag sa rehimen, at, bilang isang deista, tumutol siya sa mga kontra-relihiyosong patakaran na itinaguyod ng ateistang si Hébert, na inaresto at pinatay noong 24 Marso kasama ang 19 sa kanyang mga kasamahan, kasama ang Carrier.[17] Si Danton ay inaresto din at pinatay noong 5 Abril kasama si Camille Desmoulins, pagkatapos ng isang palabas na paglilitis na malamang na gumawa ng higit na pinsala sa Robespierre kaysa sa anumang iba pang aksyon sa panahong ito upang mapanatili ang katapatan ng mga natitirang Hébertist.[17]

Pinagkaitan ng Batas ng ika-22 Prairial (Hunyo 10) ay ng "mga kalaban ng mga tao" ang karapatang ipagtanggol ang kanilang sarili. Ang mga dinakip sa mga lalawigan ay ipinadadala na ngayon sa Paris para hatulan; at mula Marso hanggang Hulyo, ang mga pagbitay sa Paris ay tumaas mula lima hanggang dalawampu't anim bawat araw.[17] Kinutya ng maraming Jacobin ang pagdiriwang ng Kulto ng Kataas-taasan noong 8 Hunyo, isang marangya at magastos na seremonya na pinamunuan ni Robespierre, at pinaratangan din siya sa papakalat ng paggiiit na diumano'y siya ay pangalawang Mesiyas. Ang pagpapaluwag ng mga kontrol sa presyo at talamak na pamimintog ng halaga ng bilihonay nagdulot ng pagtaog ng kaguluhan sa mga sans-culotte, ngunit dahil sa pinahusay na katayuan ng hukbong-sandatahan, nabawasan ang pangamba na nasa panganib ang Republika. Maraming natakot na ang kanilang sariling kaligtasan ay nakasalalay sa pagtanggal kay Robespierre; sa isang pagpupulong noong Hunyo 29, tinawag siyang diktador ng tatlong kasapi ng Lupon ng Pampublikong Kaligtasan.[17]

Ang pagkabitay kay Robespierre noong Hulyo 28, 1794 ay naghudyat ng pagtatapos ng Paghahari ng Kilabot.

Tumugon si Robespierre sa pamamagitan ng hindi pagdalo sa mga pagtitipon, isang pasya na nakapagpahintulot sa kanyang mga kalaban na bumuo ng isang koalisyon laban sa kanya. Sa isang talumpati na ginawa sa kombensiyon noong Hulyo 26, iginiit niya na may ilang kasapi ang nakipagsabwatan laban sa Republika, isang halos tiyak na pagkakahatol ng kamatayan kung mapapatunyan. Nang tumanggi siyang magbigay ng mga pangalan, naputol ang pagtitipon sa kagitlahanan. Nang gabing iyon, binigkas niya ang parehong talumpati sa Samahang Jacobin, kung saan ito ay binati ng napakalaking palakpakan at mga kahilingan para sa pagpatay sa mga 'taksil'. Malinaw kung hindi kikilos ang kanyang mga kalaban, ay siya ang kikilos; sa Kumbensiyon sa kinaumagahan, si Robespierre at ang kanyang mga kaalyado ay pinagsisigawan. Nabigo ang kanyang boses nang sinubukan niyang magsalita, humiyaw ang isang kasaping kinatawan na "Ang dugo ni Danton ay sumasakal sa kanya!"[17]

Matapos pahintulutan ng Kumpensiyon ang pagkadakip sa kanya, siya at ang kanyang mga tagasuporta ay sumilong sa Hotel de Ville, na ipinagtanggol ng mga salik ng Pambansang Panaggol. Nilusob ng ibang mga pangkat nito na tapat sa Kumbensiyon ang gusali nang gabing iyon at kinulong si Robespierre, na malubhang nasugatan ang sarili sa pagtatangkang magpakatiwakal. Siya ay pinatay noong ika-28 Hulyo kasama ang 19 niyang kasamahan, kabilang sina Saint-Just at Georges Couthon, na sinundan ng 83 miyembro ng Commune.[17] Ang Batas ng Ika-22 Prairial ay pinawalang-bisa, at lahat na nakaligtas na mga Girondista ay ibinalik sa kanilang mga panunungkulan bilang kinatawan, at ang Samahang Jacobin ay ipinapinid at ipinagbawal.[46]

Mayroong iba't ibang mga pagdadalumat ukol sa Paghahari ng Kilabot, at ng kawaksing karahasan sa pagpapasagawa nito; Tinanaw ng Marxistang mananalaysay na si Albert Soboul ang malubhang kahalagahan na ipagtanggol ang Himagsikan mula sa panlabas at panloob na mga banta. Ipinapangatuwiran ni François Furet ang sukdulang katindihan ng ideolohikal na pagpupunyagi ng mga manghihimagsik, at ang kanilang mga layuning napakamapanguliran na lubusang nangailangan ng pagkakalipol sa anumang pagsalungat.[67] Isang pagpapalagay na nasa gitna ay nagmumungkahi na ang karahasan ay hindi maiiwasan ngunit ang naganap na mga pangyayari ay dulot ng mga serye ng magkakasangkot-sangkot na panloob na mga kaganapan, na lalong pinalubha ng digmaan.[68]

Reaksyong Thermidoryan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hindi natapos ang pagdanak ng dugo sa pagkamatay ni Robespierre. Nasaksihan ng Timog Pransiya ang alon ng paghihiganti na mga pagpatay, na nakatutok laban sa di-umano'y mga Jacobin, mga nanunungkulang Republikano at mga Protestante. Bagama't ang mga nagwagi sa Thermidor ay tumindig sa pagsupil sa Commune sa pamamagitan ng pagbitay sa kanilang mga pinuno, napanatili ng ilan sa mga malapit na sangkot sa "Kilabot" ang kanilang mga kinatatayuan. Kasama sa kanila si Paul Barras, na kalaunan ay punong ehekutibo ng Tagapagtungong Pranses, at si Joseph Fouché, pinuno ng mga pagpatay sa Lyon na nagsilbi bilang Kagawad ng Pulisya sa ilalim ng Tagapagtungo, Konsulado at Imperyo.[69] Sa kabila ng kanyang pagkakaugnay kay Augustin Robespierre, ang pagtatagumpay ng hukbo sa Italya ay nangangahulugan na nakatakas si Napoleon Bonaparte sa pagsisiyasat.[61]

Dating Viscount at Montagnard Paul Barras, na nakibahagi sa Thermidorian reaction at nang maglaon ay namuno sa French Directory

Ang Kasunduan ng La Jaunaye noong Disyembre 1794 ay nagwakas sa pag-aalsang Chouannerie sa kanlurang Pransiya, na nagpapahintulot sa kalayaan sa pagsamba at pagbabalik ng mga di-huradong pari.[69] Sinamahan din ito ng pagtatagumpay ng hukbong-sandatahan; noong Enero 1795, tinulungan ng mga pwersang Pranses ang Makbayang Olandes na itayo ang Republikang Batavian, na nagpatitibay at nagpaligtas sa katayuan sa ang kanilang hilagang hangganan.[70] Ang pakikidigmaan sa Prusya ay nagwakas sa pagkalamang ng Pransiya sa pamamagitan ng Kapayapaan ng Basel noong Abril 1795, habang ang Espanya ay nakipagpayapa sa kanila pagkatapos noon.[71]

Gayunpaman, ang Republika ay nahaharap pa rin sa isang krisis sa kanilang tahanan. Ang mga kakulangan sa pagkain na nagmula pa sa mahihinang anihan noong 1794 ay pinalubha sa Hilagang Pransiya dahil sa pangangailangang magbigay ng hukbo sa Flanders, habang ang naganap na taglamig ang pinakamasama mula pa noong 1709.[47] Noong Abril 1795, napuspos sa pagkagutom ang karamihang mamamayan at ang salaping assignat ay nagkakahalaga na lamang ng 8 bahagdan ng dapat nitong halaga. Dahil sa kanilang malubhang kagipitan, muling bumangon sa pag-aalsa ang mga dukhang taga-Paris.[72] Mabilis silang pinakalat ng hukbo ng pamahalaan at ang pangunahing bunga nito ay isa pang yugto ng pagdaramputan. Sa kasagsagan nito, pinagbibitay at pinagpapaslang ang mga nakabilanggong Jacobin sa kulungan ng Lyon.[72]

Isang lupon ang bumalangkas ng bagong saligang batas, na pinagtibay ng isang plebisito noong ika-23 Setyembre 1795 at ipinatupad noong ika-27. [73] Pinanukala nina Pierre Daunou at Boissy d'Anglas, nagtatag ito ng isang bikameral na lehislatura, na naglalayon na pabagalin ang pambatasang pagyayari, at upang mawakasan ang mababangis na pagbabago ng patakaran sa ilalim ng mga nakaraang sistemang unikameral. Ang Konseho ng Limandaan ay may pananagutan sa pagbalangkas ng batas, na sinuri at inaprubahan ng Konseho ng Matatanda, isang mataas na kapulungan na naglalaman ng 250 lalaki sa edad na 40. Ang kapangyarihang tagapagpaganap ay nasa kamay ng limang Tagapagtungo, na pinili ng Konseho ng Matatanda mula sa isang listahang ibinigay ng mababang kapulungan, na may limang taong mandato. [47]

Ang mga kinatawan ay pinili sa pamamagitan ng di-direktang halalan. Dahil isinailalim rin sa mahigpit na pagkamarapatang pangari-arian, idinulot nito ang pagbalik sa kapangyarihan ng mga mapaninggil at katamtamang kinatawan. Dagdag pa, dahil sa "batas ng 2/3" ay 150 lamang na bagong kinatawan anf maihahalal sa bawat taon. Ang natitirang 600 Conventionnel ay naluklok pa rin sa kanilang mga katungkulan, isang pagpapasya na sinadya upang mapanatili ang katatagan ng Republika.

Tagapagtungo (1795–1799)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang mga hukbo sa ilalim ni Napoleon ay nagpaputok sa mga Royalistang nag-aklas sa Paris, Oktubre 5, 1795

Ang Tagapagtungo ay may hindi maputing reputasyon sa mga mananalaysay; para sa mga nakikisimpatya sa mga Jacobin, kinakatawan nito ang pagtataksil sa Himagsikan, habang binigyang-diin ng mga Bonapartist ang katiwalian nito upang mailarawan si Napoleon sa mas mabuti.[47] Bagama't tiyak na wasto ang mga pagpunang ito, nahaharap din ito sa panloob na kaguluhan, isang tumitimik na ekonomiya at isang magastos na digmaan, habang hinahadlangan ng di-praktikal na saligang batas. Dahil kinokontrol ng Konseho ng 500 ang pambabatas at pananalapi, maaari nilang malumpo ang pamahalaan kung gugustuhin nila, at dahil walang kapangyarihan ang mga Tagapagtungo na tumawag ng mga bagong halalan, ang tanging paraan upang masira ang kawalang pagkakasundo ay ang mamuno sa pamamagitan ng mando o paggamit ng dahas. Bunga nito, ang Tagapagtungo ay nailalarawan sa pamamagitan ng "talamak na karahasan, makatigalawang na anyo ng katarungan, at paulit-ulit na pagdulog sa mabigat na panunupil."[74]

Napoléon Bonaparte sa harap ng Konseho ng Limandaan noong ika-18 Brumaire, 9 Nobyembre 1799

Tiniyak ng pagpapanatili ng mga Conventionnel na ang mga Thermidorian ay mayroong mayorya sa lehislatura at tatlo sa limang Tagapagtungo, ngunit humarap sila sa dumaraming hamon mula sa kanan. Noong ika-5 ng Oktubre, ang mga tropa ng Kombensiyon na pinamumunuan ni Napoleon ay sinugpo ang isang royalista na pagaaklas sa Paris; nang idinaos ang unang halalan makalipas ang dalawang linggo, mahigit 100 sa 150 bagong kinatawan ang mga royalista ng ilang uri.[47] Nawasak ang kapangyarihan ng mga san culottes ng Paris dahil sa pagsupil sa pag-aalsa noong Mayo 1795; at ngayong maginhawa na sa panggigipit mula sa ibaba, ang mga Jacobin ay naging natural na mga tagasuporta ng Tagapagtungo laban sa mga naghahangad na ibalik ang monarkiya. [47]

Ang pag-alis ng mga panunupil sa presyo at ang pagbagsak sa halaga ng assignat ay humantong sa pamimintog at pagtaas ng presyo ng pagkain. Pagsapit ng Abril 1796, mahigit 500,000 Parisian ang naiulat na nangangailangan ng tulong, na nagdulot sa insureksyon sa Mayo na kilala bilang Pagsasabwatan ng Mga Pantay. Sa pangunguna ng manghihimagsik na si François-Noël Babeuf, ipinadinig nila ang kanilang kanilang mga kairingan para sa pagpapatupad ng 1793 Constitution at isang mas pantay na pamamahagi ng kayamanan. Sa kabila ng bahagyang suporta mula sa mga bahagi ng sandatahang-lakas, madali itong nadurog, at ikinabitay si Babeuf at iba pang mga pinuno.[47] Gayunpaman, noong 1799 ang ekonomiya ay napatatag na at ang mahahalagang pagbabago sa patakaran ay nagdulot sa patuloy na pagpapalawak ng gamlangang Pranses; marami sa mga pagbabagong itoang nanatili sa hanggang halos kabuuan ika-19 na siglo.[47]

Bago ang 1797, tatlo sa limang Tagapagtungo ay totoongna Republikano; Barras, Révellière-Lépeaux at Jean-François Rewbell, gayundin ang humigit-kumulang 40% ng kinatawang mambabatas. Ang parehong bahagdan ay karamihang nakasentro o walang pampartidong kaugnayan, kasama ang dalawang Tagapagtungo, sina Étienne-François Letourneur at Lazare Carnot . Bagamat 20 bahagdan lamang ang masigasig na Royalista, maraming mga nanggigitna ang sumuporta sa pagpapanumbalik ng ipinatapon na si Louis XVIII ng France sa paniniwalang ito ang magwawakas sa Digmaan ng Unang Pagsasanib kasama ang Britanya at Austriya.[61] Ang mga halalan noong Mayo 1797 ay nagdulot sa malalaking tagumpay para sa nasa Kanan, kung saan ang mga Royalista na si Jean-Charles Pichegru ay nahalal na Pangulo ng Konseho ng 500, at si Barthélemy ay nagtalaga bilang Tagapagtungo.[61]

Ang Unang Konsul, si Napoleon Bonaparte

Dahil ang mga Royalista ay tila mapapasakamay na ang ugit ng kapangyarihan, nagsagawa ng kudeta ang mga Republikano noong Setyembre 4 . Gamit ang mga tropa mula sa Hukbo ng Italya ni Bonaparte sa ilalim ni Pierre Augereau, napilitan ang Konseho ng 500 na pagtibayin ang pagkadakip kay Barthélemy, Pichegru at Carnot. Kinansela ang mga resulta ng halalan, at may animnapu't tatlong nangungunang royalista ang ipinatapon sa French Guiana at mga bagong batas na ipinasa laban sa mga emigrés, Royalists at ultra-Jacobins. Bagama't nawasak ang kapangyarihan ng mga monarkista, nagbukas ito ng daan para sa direktang hidwaan sa pagitan ni Barras at ng kanyang mga kalaban sa kaliwa.[61]

Sa kabila ng pangkalahatang pagkapagod sa digmaan, nagpatuloy ang sagupaan at ang halalan noong 1798 ay nagpakita ng muling pagkabuhay sa lakas ng Samahang Jacobin. Ang paglusob sa Ehipto noong Hulyo 1798 ay nagpatunay sa mga takot sa Europa sa pagpapalawak ng kapangyarihang Pranses, at nagsimula ang Digmaan ng Ikalawang Pagsasanib noong Nobyembre. Nang walang nanaig na mayorya sa lehislatura, ang mga Tagapagtungo ay umasa sa hukbo sa pagpapatupad ng mga atas at pagkuha ng kita mula sa mga nasakop na teritoryo. Dahil dito, ang mga heneral tulad nina Bonaparte at Joubert ay naging mahalagang mga manlalaro sa pulitika, habang ang hukbo at ang Tagapagtungo ay naging bantog sa kanilang talamak na katiwalian.[61]

Hinahaka na ang Tagapagtungo ay hindi bumagsak dahil sa mga kadahilanang pang-ekonomiya o militar, ngunit dahil noong 1799, marami ang mas ginusto ang mga "kawalang katiyakan ng awtoritaryan na pamumuno kaysa sa patuloy na kalabuan ng parlyamentaryong pulitika".[75] Ang tagapagbalangkas ng pagwawakas nito ay si Sieyès, na nang tanungin kung ano ang kanyang ginawa noong Paghahari ng Kilabot ay sumagot umano ng "Nakaligtas ako". Nominado sa Tagpagtungo, ang kanyang unang kilos ay ang pagtanggal sa Barras, gamit ang isang pagaanib na kinabibilangan ni Talleyrand at dating Jacobin na si Lucien Bonaparte, kapatid ni Napoleon at pangulo ng Konseho ng 500.[61] Noong 9 Nobyembre 1799, pinalitan ng Kudeta ng 18 Brumaire ang limang Mga Tagapagtungo sa Konsuladong Pranses, na binubuo ng tatlong kasapi, sina Bonaparte, Sieyès, at Roger Ducos ; itinuturing ng karamihan sa mga mananalaysay na ito ang pagwawakas ng Himagsikang Pranses.[61]

Ideolohiyang Jacobin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang ilang mga mananalaysay, tulad ni François Furet, sa Interpreting the French Revolution, at Marisa Linton, sa Choosing Terror, ay tumalakay ng ideolohiyang Jacobin nang hindi ito binigyang-kahulugan. Ang mga paksang may kaugnayan sa ideolohiyang ito, tulad ng pang-aalipin at imperyalismo, ay hindi pinapansin sa dalawang akdang ito.


Dahil sa himagsikan, ang hari ay tumigil sa pagiging "soberano" ng imperyo. Ang bagong "sovereign" ay ngayon ang "mamamayan." Ang mga manghihimagsik, gayunpaman, ay kinilala ang pagkakaroon ng isang katauhan lamang, ang mga Pranses, habang mayroong ilang mga bansa sa kanilang imperyo. Ang pagkilala sa ibang mga tao ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng pagkilala sa kanilang sariling soberanya at sa gayon ang kanilang karapatan sa kalayaan. Sa kabila ng kanilang propaganda para sa kalayaan, hindi kailanman kinilala ng mga manghihimagsik ang karapatang ito, o maging ang karapatan sa awtonomiya.

Sa paglilitis sa mga Girondista, isa sa mga pangunahing sakdal laban sa kanila ay ang kanilang diumano'y pederalismo, na itinuturing ng mga Jacobin bilang isang krimen.

Digmaang Panghimagsikang Pranses

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang tagumpay ng Pransya sa Labanan ng Valmy noong 20 Setyembre 1792 ay nagpatunay sa Panghimagsikang kaisipan ng mga hukbong binubuo ng mga mamamayan

Nagpasimula ang Himagsikan ng isang pagkasunod-sunod ng mga tunggalian at labanan na nagsimula noong 1792 at natapos lamang sa pagkatalo ni Napoleon sa Waterloo noong 1815. Sa mga unang yugto nito, ito ay tila hindi malamang magpapatuloy; tumutukoy sa pagtutol ang Saligang Batas ng 1791 ng mga "digmaan para sa layunin ng pananakop", at bagama't muling umusbong ang mga kinámihasnán na tensyon sa pagitan ng Pransiya at Austriya noong 1780s, maingat na tinanggap ni Emperador Joseph ang mga pagbabago. Ang Austriya ay nakikipagdigma sa mga Ottoman, gayundin sa mga Ruso, habang parehong nakipag-ayos sa Prusya tungkol sa paghahati sa Poland . Higit sa lahat, ginusto ng Britanya ang kapayapaan, at gaya ng sinabi ni Emperor Leopold pagkatapos ng Pamamahayag ng Pillnitz, "kung wala ang England, walang kaso".[76]

Pang-aalipin - Imperyalismo - Ang Himagsikang Haiti

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bagama't ang Himagsikang Pranses ay may mabigat na epekto sa maraming lugar sa Europa,[77] ang mga sinakop na kolonya ng Pransya ay nakadama ng natatanging impluwensya. Tulad ng sinabi ng may-akda ng Martinic na si Aimé Césaire, "mayroong sa bawat kolonya ng Pransya ang isang himagsikan, na naganap sa kasabay ng Higagsikang Pranses, na naaayon dito."[78]

Ang Himagsikan sa Saint-Domingue ay ang pinakakilalang halimbawa ng mga paghihimagsik ng mga alipin sa mga kolonya ng France. Noong 1780s, ang Saint-Domingue ang pinakamayamang pag-aari ng France, na lumilikha ng mas maraming asukal kaysa sa pinagsama-samang lahat ng mga isla ng British West Indies .

Ang mga manghihimagsik ay nanatiling imperyalista na nagpapanatili ng sistema ng pang-aalipin hanggang sa ito ay nilansag sa Saint-Domingue, kasunod ng pag-aalsang alipin na nagsimula noong Agosto 1791. Si Sonthonax at Polverel ay ang dalawang komisyoner na opisyal na nagpahayag ng pagkakalansag ng pangalipin noong 1793. Ang Pambansang Kumbensiyon ay hindi bumoto upang alisin ang pang-aalipin hanggang Pebrero 1794 matapos dumating ang tatlong kinatawan mula sa Saint-Domingue sa Pransiya upang ipaliwanag kung bakit inalis ang pang-aalipin sa kolonya.[79]

Gayunpaman, Naipatupad lamang ang 1794 decree sa Saint-Domingue, Guadeloupe at Guyane, at isanghindi maihatid na sulat sa Senegal, Mauritius, Réunion at Martinique, na nahuli ng mga Briton, at dahil dito ay nanatiling hindi maimpluwensiyahan ng batas ng Pransiya.[80]

Hindi kinilala ng mga manghihimagsik ang karapatan sa kalayaan, o ang kasarinlan, sa mga mamamayan ng imperyong Pranses. Si Toussaint Louverture, na naging bantog sa pakikibaka laban sa hukbo ng Pransya bilang isang pinuno ng militar, ay nakakuha ng kasarinlan, na naging isang panimula at paghahanda para sa hinaharap na pagkakalaya.[81]

Talastasan at palasagisagan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Pahayagan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga pahayagan at polyeto ay may mahalagang ginampanan sa pagpapasigla at pagkakatukoy sa Himagsikan. Bago ang 1789, mayroong maliliit na bilang ng mga pahayagan na lubhang sinuring pansensura na nangangailangan ng isang lisensya mula sa hari upang magpatuloy, ngunit ang Estados-Heneral ay lumikha ng isang napakalaking kagustuhan para sa magbasa ng balita, at higit sa 130 mga pahayagan ang lumitaw sa pagtatapos ng taon. Kabilang sa mga pinakamahalaga ay ang L'Ami du peuple ni Marat at ang Revolutions de Paris [fr] ni Elysée Loustallot.[82] Sa sumunod na dekada, mahigit 2,000 pahayagan ang naitatag, at 500 sa mga ito ay sa Paris lamang. Karamihan sa mga pahayagang ito ay nagtagal ng iilang linggo lamang, ngunit sila ang naging pangunahing pamamaraan ng pagpapatalastas, kasama ang napakaraming panitikang polyeto. [83]

Binasa ang mga pahayagan ay nang malakas sa mga pahay-panuluyan, inuman at anumang samahan, at ipinapaikot mano-mano. Nagkaroon ng malawakang pagpapalagay na ang pagsulat ay isang pananawagan o bokasyon, hindi isa lamang negosyo, at ang gampanin ng pamamahayag ay ang pagsulong ng makabayang republikanismo. [84] Pagsapit ng 1793 ang mga radikal ay pinakaaktibo ngunit sa simula ay binaha ng mga royalista ang bansa ng kanilang inilathalang " L'Ami du Roi [fr] " (Mga Kaibigan ng Hari) hanggang sa sila ay naisupil at nasugpo.[85]

Mga Panghimagsikang sagisag

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Upang maipakita at mapahayag ang mga pagkakaiba sa pagitan ng bagong Republika at ng lumang rehimen, ang mga pinuno ay kailangang magpatupad ng isang bagong pangkat ng mga sagisag na ipagdiwang, sa halip na ang mga lumang simbolo ng pananampalataya at paghahari. Sa layuning ito, ang mga sagisag ay hiniram mula sa mga makasaysayang kalinangan at binigyan ng mga bagong kahulugan, habang ang mga sa lumang rehimen ay winasak o binago patungo sa mga katanggap-tanggap na katangian. Ang mga binagong sagisag na ito ay ginamit upang itanim sa publiko ang isang bagong pakahulugan ng kámihasnán at paggalang sa Panahon ng Kaliwanagan at sa Republika.[86]

La Marseillaise

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Marche des Marseillois, 1792, mapantuyang guhit, mula London[87]
Nakuha ng panghimagsikang awit na La Marseillaise ang palayaw nito matapos kantahin sa Paris ng mga boluntaryo mula sa Marseille na nagmamartsa patungo sa kabisera.

Ang "La Marseillaise" ( Pagbigkas sa Pranses: [la maʁsɛjɛːz] ) ay naging pambansang awit ng France. Naisulat at naakda ang awit noong 1792 ni Claude Joseph Rouget de Lisle, at kaunaunahang pinamagatang "Chant de guerre pour l'Armée du Rhin ". Pinagtibay ito ng Pambansang Pranses na Kumbensiyon bilang awit ng Unang Republika noong 1795. Nakuha nito ang palayaw pagkatapos kantahin sa Paris ng mga nagpahingungod mula sa Marseille na nagmamartsa sa kabisera.

Ang kanta ang unang halimbawa ng pangawit na istilo ng "Martsang Europeo", habang ang nakapupukaw na himig at liriko ay nagdulot sa malawakang paggamit nito bilang isang kanta ng himagsikan at pagsasama sa maraming piraso ng klasikal at sikat na musika. Inutusan si De Lisle na 'gumawa ng isang himno na naghahatid sa kaluluwa ng mga tao ng sigasig na ipinapabatid (nang musika).'[88]

Ang gilotina ay nananatiling "ang pangunahing sagisag ng Paghahari ng Kilabot sa Himagsikang Pranses." [89] Kinatha at linikha ng isang manggagamot sa panahon ng Himagsikan bilang isang mas mabilis, mas mahusay at mas natatanging paraan ng pagpapataw-bitay, ang gilotina ay naging bahagi ng kulturang popular at makasaysayang alaala. Ito ay ipinagdiriwang ng pampulitikang kaliwa bilang tagapaghiganti ng mga mamamayan, halimbawa sa panghimagsikang awit na La guillotine permanente,[90] at tinungayaw bilang sagisag ng Kilabot ng nasa kanan.[35]

Ang pagpapatuloy nito ay naging isang tanyag na libangan na umakit ng malaking pulutong ng mga manonood. Nagbenta ang mga tindero ng mga programang naglilista ng mga pangalan ng mga nakatakdang mamatay. Maraming tao ang dumating araw-araw at nag-aagawan para sa pinakamabuting tayuan at upuan kung saan tatanawin ang mga paglilitis; ang mga kababaihang nananahi (<i>tricoteuses</i>) ay bumuo ng isang pangkat na palagiang pumupunta, na ikinagalit ng karamihan ng tao. Madalas dinala ng mga magulang ang kanilang mga anak. Sa pagtatapos ng Kilabot, kaunti na lamang ang pumunta. Ang pag-uulit ay pinalipas kahit na ang pinakakasuklam-suklam na mga kalibangan, at ang mga manonood ay nainip.[91]

Cockade, tricolore at ang liberty cap

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang sans-culotte at ang tricolore

Maraming nagsuot ng mga cockade na mga manghihimagsik simula noong 1789. Inipit na nila ngayon ang asul-at-pula na cockade ng Paris sa puting cockade ng Ancien Régime. Hiniling ni Camille Desmoulins sa kanyang mga tagasunod na magsuot ng berdeng cockade noong 12 Hulyo 1789. Ang hikbong-mamamayan ng Paris, na nabuo noong 13 Hulyo, ay nagpatibay ng asul at pulang cockade. Ang asul at pula ang mga kinámihasnáng kulay ng Paris, at ginagamit ang mga ito sa eskudo ng lungsod. Ang mga cockade na may iba't ibang mga scheme ng kulay ay ginamit noong storming ng Bastille noong ika-14 Hulyo.[92]

Ang takip ng Liberty, na kilala rin bilang Phrygian cap, o pileus, ay walang paldiyas, pyeltro na hugis balisungsong na ang dulo ay hinila pasulong. Sinasalamin nito ang republikanismo at kalayaan ng mga Romano, na tumutukoy sa ritwal ng Romano ng pagpapalaya o pagtutubos, kung saan ang isang pinalayang alipin ay tumatanggap ng takip sa ulo bilang sagisag ng kanyang bagong kalayaan.[93]

Gampanin ng kababaihan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Samahan ng mga makabayang kababaihan

Ang ginampanan ng kababaihan sa Himagsikan ay matagal nang paksa ng pagtatalo. Sila ay inalisan ng mga karapatang pampulitika sa ilalim ng Ancien Régime, inuri sila ng 1791 Constitution bilang "balintiyak" na mga mamamayan, na humantong sa mga kahilingan para sa panlipunan at pampulitikang pagkakapantay-pantay para sa mga kababaihan at pagwawakas sa pangingibabawng lalaki. Ipinahayag nila ang mga kahilingang ito gamit ang mga polyeto at samaahan tulad ng Cercle Social, na ang karamihan sa mga miyembrong lalaki ay tinitingnan ang kanilang sarili bilang mga kontemporaryong peminista. [94] Gayunpaman, noong Oktubre 1793, ipinagbawal ng Pambansang Kalipunan ang lahat ng mga samahan ng kababaihan, na siyang ikinadurog ng kilusan; ito ay dinulot ng pagbibigay-diin sa pagkalalaki sa isang sitwasyon sa panahon ng digmaan, ang tunggalian ukol sa "panghihimasok" ng pagkababae sa mga tungkulin ng estado dahil kay Marie Antoinette, at kinámihasnán na nakaugaliang sa pangingibabaw ng lalaki.[95] Pagkaraan ng isang dekada, kinumpirma at pinananatili ng Napoleonikong Batas ang pagkapangalawang-uri na katayuan ng kababaihan.[96]

Olympe de Gouges, isang Girondistang manunulat ng Pamamahayag ng Mga Karapatan ng Babae at ng Babaeng Mamamayan, na pinatay noong Nobyembre 1793

Ang Lipunan ng Mapanghimagsik na Kababaihang Republikano, isang militanteng grupo sa dulong kaliwa, ay humingi ng batas noong 1793 na magpipilit sa lahat ng kababaihan na magsuot ng tricolor cockade upang ipakita ang kanilang katapatan sa Republika. Hiniling din nila ang mahigpit na pagsupil sa halaga ng bilihin upang hindi maging masyadong mahal ang tinapay – ang pangunahing pagkain ng mga mahihirap na tao. Matapos maipasa ng Convention ang batas noong Setyembre 1793, hiniling ng Mapanghimagsik na Kababaihang Republikano ang mahigpit na pagpapatupad, ngunit tinutulan sila ng mga babaeng nagtitinda sa palengke, mga dating tagapaglingkod, at mga babaeng nanampalataya na mahigpit na sumalungat sa mga panunupil sa presyo (na magpapaalis sa kanila sa negosyo) at nagalit sa mga pag-atake sa maginoo at sa pananampalataya. Sumiklab ang suntukan sa mga lansangan sa pagitan ng dalawang paksyon ng kababaihan.

Samantala, itinuring ng mga kalalakihang sumusupil sa mga Samahang Jacobin ang katipunan ng Republikanong Panghimagsikang Kababaihan bilang mga mapanganib na pamukaw-madla. Sa puntong ito kontrolado ng mga Jacobin ang pamahalaan; binuwag nila ang Katipunan ng Republikanong Panghimagsikang Kababaihan, at ipinag-utos na ang lahat ng samahan at pagtitipon ng kababaihan ay labag sa batas. Mahigpit nilang pinaalalahanan ang mga kababaihan na manatili sa bahay at alagaan ang kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng pagpapaubaya ng mga pampublikong gawain sa mga lalaki. Ang mga organisadong kababaihan ay tuluyang maisara sa Himagsikang Pranses pagkatapos ng ika-30 Oktubre 1793.[97]


Mga kilalang babae

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sumulat si Olympe de Gouges ng maraming dula, maikling kwento, at nobela. Binigyang-diin ng kanyang mga katha na magkaiba ang babae at lalaki, ngunit hindi nito dapat pigilan ang pagkakapantay-pantay sa ilalim ng batas. Sa kanyang Pamamahayag ng Mga Karapatan ng Babae at ng Babaeng Mamamayan, iginiit niya na ang mga kababaihan ay karapat-dapat may karapatan, lalo na sa mga lugar na may kinalaman sa kanila, tulad ng diborsyo at pagkilala sa mga anak sa labas.[98]

Mga Patakarang pang-ekonomiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Unang Assignat ng 29 Setyembre 1790: katumbas ng 500 livres

Pangmatagalang kinahinatnan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagkaroon ng napakamalaking epekto sa kasaysayan ng Europa at Kanluraning kasaysayan ang Himagsikang Pranses, sa pamamagitan ng pagwawakas sa pyudalismo at paglikha ng landas para sa hinaharap na pagsulong sa siyang malawak na tinukoy na mga pangsariling kalayaan o karapatan.[99] [4] Ang epekto nito sa nasyonalismong Pranses ay malalim, habang pinasigla din ang mga kilusang nasyonalista sa buong Europa.[100] Ikinakatwiran ng mga makabagong mananalaysay na ang kaisipan ng "bansang estado" ay direktang bunga ng Himagsikan.[101]

Ang idinulot ng Himagsikan sa lipunang Pranses ay napakalaki at humantong sa maraming pagbabago, ang ilan ay lubusang tinanggap, habang ang iba ay patuloy na pinagtatalunan.[102] Sa ilalim ni Louis XIV, ang kapangyarihang pampulitika ay sentralisado sa Versailles at nasa kamay ng monarko, na siyang kapangyarihan ay nagmula sa napakalaking personal na yaman, pagsupil sa hukbong sandatahan at paghirang ng mga pari, mga gobernador ng lalawigan, mga abogado at mga hukom.[103] Sa wala pang isang taon, ang hari ay naging isang tau-tauhan, ang maginoo ay pinagkaitan ng mga titulo at ari-arian, at ang simbahan ng mga monasteryo at ari-arian nito. Ang mga klero, mga hukom at mahistrado ay pinamahalaan ng estado, at ang hukbo ay pinatagilid, na may kapangyarihang militar na inilagay na hawak ng mapanghimagsikang Pambansang Pananggol. Ang mga pangunahing salik ng 1789 ay ang slogan na "Kalayaan, Kapantayan at Kapatiran" at ang "Pamamahayag ng Karapatan ng Tao at ng Mamamayan", na tinawag ni Lefebvre na "ang pagkakatawang-tao ng kabuuang Himagsikan"[104]

Ang pangmatagalang epekto sa France ay malalim, at patuloy na humuhubog sa pulitika, lipunan, pananampalataya at mga kaisipan, at pinagsukdol ang pagkakahati-hati sa pulitika para sa higit sa isang siglo. Ayon sa sulat ng mananalaysay na si François Aulard:

"Mula sa panlipunang pananaw, ang Himagsikan ay nabuo sa pagsugpo sa kung ano ang tinatawag na sistemang pyudal, sa pagpapalaya ng indibidwal, sa higit na paghahati ng lupang pag-aari, ang paglansag ng mga pribilehiyo ng maginoong kapanganakan, ang pagtatatag ng pagkakapantay-pantay, ang pagpapapayak ng buhay. . . . Ang Himagsikang Pranses ay naiiba sa iba pang mga himagsikan sa pagiging hindi lamang pansambayanan, sapagkat ito ay naglayong maghandog sa buong sangkatauhan."[105]

Katayuan ng simbahang Katoliko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isa sa pinakamainit na pinagtatalunan sa kasagsagan ng Himagsikan ay ang katayuan ng Simbahang Katoliko.[39] Noong 1788, mayroon itong nangingibabaw na kinatatayuan sa loob ng lipunan; kasingkahulugan ng pagiging Pranses ang maging isang Katoliko. Pagsapit ng 1799, karamihan sa mga ari-arian at mga institusyon nito ay sinamsam at ang mga pinunong nakatataas nito ay patay na o pinatapon. Ang kapangyarihang pangkalinangan nito ay linulusob rin, sahil sa may mga pagsisikap upang alisin ang buhay sibil ng mga salik ng relihiyon tulad ng Linggo, mga banal na araw, mga santo, mga panalangin, mga ritwal at mga seremonya. Sa huli, ang mga pagtatangkang ito ay hindi lamang nabigo, ngunit pumukaw ng masidhing kilos mula sa mga nanampalataya; Ang pagsalungat sa mga pagbabagong ito ay isang pangunahing salik sa likod ng pag-aalsa sa Vendée. [39]

Ang Digmaan noong 1793 sa Vendée ay bahagyang pinasimulan ng pagsalungat sa pag-uusig ng estado sa simbahang Katoliko

Sa paglipas ng mga siglo, ang mga samahang katatagan ng pagkakawanggawa ay naitayo upang maglaan ng panustos ang mga ospital, paglingap at kalinga sa mahihirap, at mga paaralan; nang ang mga ito ay sinamsamat ibinenta, ang paglalaan ay hindi pinalitan, na nagdulot ng malaking pagkagambala sa mga sistemang ito ng suporta.[106] Sa ilalim ng Ancien Régime, ang tulong pangkalusugan para sa mahihirap sa kanayunan ay madalas na ibinibigay ng mga madre, na kumikilos bilang mga nars ngunit gayundin ng mga manggagamot, at maninistis; inalis ng Himagsikan ang karamihan sa mga samahang ito nang hindi pinapalitan ang organisadong suporta sa pag-kalinga.[107] Nanatiling malakas ang pangangailangan, at pagkaraan ng 1800, ipinagpatuloy ng mga madre ang kanilang gawain sa mga ospital at sa mga nayon sa lalawigan. Sila ay pinahintulutan ng mga nanunungkulan dahil sila ay may malawak na suporta at isang ugnayan sa pagitan ng mga piling lalaking manggagamot at mga magsasakang walang tiwala na nangangailangan ng tulong.[108]

Konstitusyonalismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Himagsikan ay nangahulugan ng pagwawakas sa hindi makatwirang pamumuno ng hari at ipinangako ng pamumunong umaalitunton ayon sa batas, na nasa ilalim ng isang kaayusang nababatay sa saligang-batas o konstitusyon, ngunit hindi nito ibinukod ang posibilidad ng isang monarko. Bilang emperador, si Napoleon ay nagtayo ng isang sistemang konstitusyonal (bagaman nanatili siyang ganap na nasa kontrol), at ang mga naibalik na Bourbon ay napilitang sumama sa ganito. Pagkatapos ng pagbibitiw ni Napoleon III noong 1871, malamang na ang mga monarkista ay may mayorya ng pagboto, ngunit sila ay napakabuwag-buwag sa maraming pangkat, at hindi sila magkasundo kung sino ang dapat maging hari, at sa halip ay ang Ikatlong Republikang Pranses ay inilunsad na may malalim na pangako na itaguyod ang mga mithiin ng Himagsikan.[109] [110] Ang mga mapaninggal o makalumang Katolikong mga kaaway ng Himagsikan ay naluklok sa kapangyarihan sa panahong Pransiyang Vichy (1940–44), at sinubukanna bawiin ang pamana ng himagsikan, ngunit pinanatili nila itong isang republika. Itinanggi ni Vichy ang prinsipyo ng pagkakapantay-pantay at sinubukang palitan ang mga mapanghimagsikang sawikaing " Kalayaan, Kapantayan, Kapatiran" nang "Trabaho, Pamilya, at Amang Bayan." Gayunpaman, walang mga pagsisikap ang mga Bourbon, Vichy o sinuman na ibalik ang mga kapangyarihan at pribilehiyong inalis mula sa mga maginoo noong 1789. Ang Pransiya ay napanatili ang pagiging lipunan ng pagkakapantay sa ilalim ng batas.[68]

Ang layuning Jacobin ay hinawakan ng mga Marxist noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo, at naging salik ng kaisipang komunista sa buong mundo. Noon sa Unyong Sobyet, si "Gracchus" Babeuf ay itinuring na isang bayani.

Europa bukod sa France

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Inilarawan ng mga panekonomikong mananalaysay na sina Dan Bogart, Mauricio Drelichman, Oscar Gelderblom, at Jean-Laurent Rosenthal ang na-lipong batas bilang ang "pinaka malaking iniluwas" ng Himagsikang Pranses. Sulat nila, "Habang isinauli ng restorasyon ang karamihan sa kanilang kapangyarihan sa mga monarkong ganap na pinatalsik ni Napoleon, ang mga pinaka-mapangahas, tulad ni Ferdinand VII ng Espanya, ang nagabala na ganap na baligtarin ang mga pambatas na pagbabago na dala ng mga Pranses."[111] Napansin din nila na ang Himagsikag Pranses at ang Digmaang Napoleoniko ay naging sanhi ng Inglatera, Espanya, Prusya at Republikang Olandes na isentralisa ang kanilang mga sistema ng pananalapi sa isang kaantasan hindi pa naganap upang tustusan ang mga kampanyang militar ng Digmaang Napoleoniko.[111]

Nalaman ng isang pag-aaral noong 2016 sa European Economic Review na ang mga lugar ng Alemanya kung saan sinakop ng Pransiya noong ika-19 na siglo at nalapat sa pagpapatupad ng Napoleonikong Batas ay mas may mataas na antas ng pagtitiwala at pakikipagtulungan ngayon.[112]

Ang Aleman na sagot sa Himagsikan ay tumayuntayon mula sa pagsangayon patungo sa pagsalungat. Sa una ay nagdala ito ng liberal at demokratikong mga kaisipan, ang pagwawakas ng mga guild, pamumusabos, at ng ghetto ng mga Hudyo. Nagdala ito ng mga panekonomiyang kalayaan at repormang pansaka at pambatas na pagbabago. Higit sa lahat, ang tunggalian ay nakatulong sa pagpapasigla at paghubog ng nasyonalismong Aleman.

Sinakop ng mga Pranses ang mga Suwiso at ginawa itong "Republika Helvetiko" (1798–1803), isang papet na estado ng Pransya. Ang pakikialam ng Pransya sa lokalismo at mga nakaugalian ay labis na ikinapoot sa Switzerland, bagama't ang ilang mga reporma ay tumagal at nakaligtas sa huling panahon ng pagpapanumbalik . [113] [114]

Nagpatibay ng hangong pagbabago ang Kaharian ng Dinamarka na alinsunod sa Himagsikang Pranses, kahit sa kawalang tuluyang pakikipag-ugnayan. Ang pagbabagong ito ay paunti-unti at ang rehimen mismo ang nagsagawa ng mga repormang pansakahan na nagbunga sa pagpapahina ng absolutismo sa pamamagitan ng paglikha ng isang uri ng mga independiyenteng magsasaka na freeholder . Karamihan sa mga pagkilos ay nagmula sa mabuting-organisadong mga liberal na nangunang pinagpatungo ang pagbabagong pulitika sa unang kalahati ng ika-19 na siglo.[115]

Halaw ang Saligang batas ng Noruwega ng 1814 sa Himagsikang Pranses,[116] at itinuturing ito na isa sa pinaka liberal at demokratikong saligang batas noong panahong yaon.[117]

Hilagang Amerika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Estados Unidos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lubos na ikinahati ng Himagsikang Pranses ang talakayang pulitikal ng Amerika, at ang pagkakahati o polarisasyong ito ay humantong sa paglikha ng Unang Sistema Pampartido. Sa pagsiklab ng digmaan sa Europa noong 1793, ang Partido Demokratiko-Republikan na pinamunuan ng dating kagawad ng Amerika sa Pransiya na si Thomas Jefferson ay pinaboran ang mapanghimagsik na Pransiya at itinuro ang 1778 treaty na may bisa pa rin. Si George Washington at ang kanyang nagkakaisang gabinete, kabilang si Jefferson, ay nagpasya na ang kasunduan ay hindi nagbigkis sa Estados Unidos na pumasok sa digmaan. Sa halip, si Washington ay nagpahayag ng neutralidad. [118] Sa ilalim ni Pangulong John Adams, isang Pederalista, may isang di-idineklarang digmaang-pandagat ang naganap sa pagitan nila at ng Pransiya mula 1798 hanggang 1799, na kadalasang tinatawag na " Quasi War ". Si Jefferson ay naging pangulo noong 1801, ngunit naging masidhi kay Napoleon bilang isang diktador at emperador. Gayunpaman, ang dalawa ay pumasok sa mga negosasyon sa Teritoryong Louisiana at sumang-ayon sa Pagbili sa Louisiana noong 1803, isang pagkatamo na lubos na nagpalaki sa laki ng Estados Unidos.

Nakatanggap-pansin ang Himagsikang Pranses ng lubusang napakalaking laki ng makasaysayang alumanahin, kapwa mula sa pangkalahatang madla, pati na rin sa mga dalubhasa at talisikan. Samantala, ang mga pananaw sa kahalagahan nito at mga pangunahing pangyayari ay madalas na nailalarawan bilang nahahati sa mga ideolohikal na panig.[119] Sa pangkalahatan, ang mga pag-aaral sa Himagsikan ay unang tumuon sa mga pampulitikal na kaisipan at kaganapan, ngunit unti-unting nagbago ang mga ito ang patungo sa kasaysayang panlipunan na sinusuri ang epekto nito sa mga indibidwal.[119]

Katwiran ng mga kapanahong mapaninggal tulad nina Edmund Burke at Friedrich von Gentz na ito ay yari ng ilang mga nagsasabwatang mga tao na nilinlang ang masa upang sirain ang lumang kaayusan, isang palagay na nag-ugat sa paniniwala na ang mga manghihimagsik ay walang mga makatarungang hinaing.[119]

Sa ika-19 na siglo, ang Himagsikan ay masinsinang sinuri ng mga ekonomista at dalubhasang pampulitika tulad ni Alexis de Tocqueville, na nagmungkahi na ito ay bunga ng isang mas masaganang gitnang uri na may kamalayan sa kahalagahan nito sa lipunan.[119] Marahil ang pinaka-maimpluwensya ay si Karl Marx, na kinilala ang pagkalikas ng uring panlipunang sa Himagsikan bilang saligan at batayan sa pag-unawa sa mismong panlipunang kasunlaran ng katauhan. Nangatwiran siya na ang mga pagpapahalagang makapantay na sinimulan nitong ipinakilala, ay nagbunga ng isang padron o banghay ng isang walang uri at malatulungin na lipunan, na tinatawag na "sosyalismo", na nakatagpo ng tuluyang pagpapahayag noong 1870 hanggang 1871 sa Kaniigang Paris.[120]

Noong ika-20 siglo, binigyang-diin ng mga mananalaysay na naimpluwensyahan ni Marx, lalo na si Albert Soboul, ang gampanin ng mga magsasaka at manggagawa sa lungsod sa Himagsikan at ipinakita ito bilang tunggalian ng uri . [119] Ang pangunahing tema ng katwirang ito ay ang Himagsikan ay lumitaw mula sa lumalambo at umuusbong na burgesya, na may suporta mula sa mga <i>sans-culottes</i>, na nagkaisa upang sirain ang uring maginoo o aristokrasya.[121] Ngunit, ang mga Kanluraning paham ay unti-unting tinalikuran ang mga Marxismo na pagdadalumat noong dekada 1990; habang para sa marami ang ang tema ng tunggalian ng uri ay na napawalang-saysay, ngunit walang bagong paliwanag na modelo ang nakapalit dito na nakakuha ng malawakang suporta.[122] [123] Gayunpaman, sa Kanluraning kasaysayan, ang Himagsikang Pranses ay nakikita pa rin bilang isang mahalagang punto ng paghahati sa pagitan ng maagang pagkakabagong yugto ng kasaysayan at huling modernong mga panahon, at sa gayon ay isa sa pinakamahahalagang mga kaganapan nito.[122]

Sa loob ng Pransiya, ang Himagsikan ay pangmatagalang pinilayan ang kagamhanan ng maginoo, at pinatuyo patigang ang kayamanan ng Simbahan, bagaman ang parehong institusyon ay nakaligtas sa kabila ng pinsalang natamo nila. Matapos ang pagbagsak ng Unang Imperyo ng Pransya noong 1815, nawalan ng maraming karapatan at kalayaan ang masa o publikong Pranses mula noong Himagsikan, ngunit naalala ang pasalihang pulitika na naging katangian ng panahon. Ayon sa isang mananalaysay: "Libu-libong lalaki at kahit maraming babae ang nagkaroon ng karanasan sa larangan ng pulitika: sila ay nagsalita, nagbasa, at nakinig sa mga bagong pamamaraan; sila ay bumoto; sila ay sumapi sa mga bagong organisasyon; at sila ay lumakad para sa kanilang pampulitikang layunin. Ang Himagsikan ay naging isang nakaugalian (o kinámihasnán), at ang republikanismo ay isang pangmatagalang patalaga."[68]

Mga pagkiling sa makasaysayang pagsulat ng Himagsikang Pranses

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kasaysayan ng Himagsikang Pranses ay karaniwang naisulat na may tatlong malalakas na pagkiling: ang puting pagkiling", ang pagkiling Pranses, at ang pagkiling Jacobin.

Gayunpaman, may nananatiling mga mananalaysay na lumalaban sa pagkiling Jacobin.

Kabilang na sa kanila ay ang mga nagpapakilala sa kanilang mga sarili sa mga di-Jacobin na manghihimagsik, lalo na si Brissot at ang kanyang partido. Bagaman isang pangunahing mukha sa mga rmanghihimagsik, si Brissot ay bihirang pinahahalagahan ng mga mananalaysay. Ang isang kapansin-pansing bumukod dito ay J. Israel sa Revolutionary Ideas. Bilang resulta, inatake siya ng mga kapanig ni Robespierre. Si Israel ay interesado hindi lamang kay Brissot kundi sa lahat ng nakapaligid sa kanya, tulad na lamang ni Condorcet, na nag-uugnay sa lahat ng mga manghihimagsik ito sa mga intelektuwal na Europeo na tinatawag niyang "radical enlighteners". Sa 'A Response to Chappey and Missé', sumulat ang Israel: "Gusto kong ipakita na patungkol sa makarepublikang demokratikong ubod ng Himagsikang Pranses, si Robespierre ay hindi sa anumang paraan ang "La révolution incarnée" (engkarnasyon ng himagsikan), halos kabaligtaran pa nga. Malinaw, ang aking libro ay tuluyang sumasalungat sa kamakailang nauuso sa talasaysayan ng Himagsikang Pranses, mula noong 2000, na ang ilan ngayon ay matagumpay na itinalaga ang "retour de Robespierre." [. . . ] Binibigyang-kahulugan nina Belissa at Bosc ang mga naminsala at nanira kay Robespierre bilang "contra-revolutionnaire" ngunit ang terminong iyon ay bahagya na nalalapat sa mga radikal tagapaliwanag na tinututukan ko..."

Salungat sa mga mananalaysay na nakikiisa sa mga manghihimagsik ay ang mga kritikal na mananalaysay na tumitingin sa labas ng himagsikan, sa nakámihasnán ni Tocqueville at sa kanyang aklat na L'Ancien régime et la Révolution. Kabilang sa mga mananalaysay na radikal na di sang-ayon sa mga pagkiling Jacobin, Pranses at, mas bihira, mga puti , ay sina Taine,[124] Cochin,[125] Sorel,[126] Cobban,[127] Doyle,[128] Bénot,[129] Blanning[130] at Hoel.[131] Para sa mga mananalaysay na ito, ang Himagsikang Pranses ay hindi gaanong isang himagsikan kaysa sa isang pagpapatulin ng isang pagsunlad na nagaganap sa ilalim ng monarkiya. Ang himagsikan ay hindi makikita sa ideolohikal na mga termino, ngunit sa sa diwa nito bilang isang "pangkapangyarihan pakikibaka", maging sa sandaigdigang antas o sa loob ng Imperyong Pranses. Kagaya na lamang ng sinabi ni Cobban: "Totoo, ang pangmadlang pananaw sa lahat ng mga bansa ay nakita ang pakikibaka bilang isang ideolohikal na pakikibaka sa pagitan ng himagsikan at nanunungkulang kapangyarihan; ngunit ang mga tunay na nagpasiya ng mga pandaigdigang patakaran ay malaya mula sa guniguning ito, bagama't kailangan nilang payagan at handa silang gamitin ito sa iba. Ang kasaysayan ng Digmaang Panghimagsikan at Napoleoniko ay maaaring ikwento halos tungkol lamang sa kapangyarihang pampulitika at ipinaliwanag sa pamamagitan ng mga nakámihasnán ng mga bansang kasangkot at ang mga kakanyahan ng kanilang mga pinuno at mga ministro. [. . . ] Ang lantad na pagkilala sa pangingibabaw ng kapangyarihan sa mga ugnayang pandaigdig ay hindi naging walang pagbubunga sa pagsulat ng pambansang kasaysayang Pranses." [132]

  1. Noong 1781, diumano'y tinutulan ni Louis na hirangin siya bilang Arsobispo ng Paris sa pangangatwiran na 'ang Arsobispo man lamang ay naniniwala sa Diyos'.[19]
  2. Other estimates of the death toll range from 170,000 [64] to 200,000–250,000 [65]
  3. In one exchange, a Hébertist named Vadier threatened to 'gut that fat turbot, Danton', who replied that if he tried, he (Danton) would 'eat his brains and shit in his skull'.[66]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Livesey 2001.
  2. Shlapentokh 1996.
  3. Desan, Hunt & Nelson 2013.
  4. 4.0 4.1 Fehér 1990.
  5. Sargent & Velde 1995.
  6. Baker 1978.
  7. Jordan 2004.
  8. 8.0 8.1 Jourdan 2007.
  9. Blanning 1997.
  10. Garrioch 1994.
  11. Hufton 1983.
  12. 12.0 12.1 Tilly 1983.
  13. 13.0 13.1 13.2 Weir 1989.
  14. Chanel 2015.
  15. 15.0 15.1 15.2 15.3 15.4 15.5 15.6 15.7 Doyle 1990.
  16. 16.0 16.1 16.2 16.3 White 1995.
  17. 17.00 17.01 17.02 17.03 17.04 17.05 17.06 17.07 17.08 17.09 17.10 17.11 17.12 17.13 17.14 17.15 17.16 17.17 17.18 17.19 17.20 17.21 17.22 17.23 17.24 17.25 17.26 17.27 17.28 17.29 17.30 17.31 17.32 17.33 Schama 1989.
  18. 18.0 18.1 18.2 Hibbert 1982.
  19. Bredin 1988, p. 42.
  20. Gershoy 1957.
  21. Hunt 1984.
  22. Frey & Frey 2004.
  23. Doyle 2001.
  24. Neely 2008.
  25. Furet 1995.
  26. Davidson 2016.
  27. 27.0 27.1 27.2 27.3 Lefebvre 1962.
  28. Forster 1967.
  29. 29.0 29.1 Furet & Ozouf 1989.
  30. Baker 1995.
  31. 31.0 31.1 Ludwikowski 1990.
  32. Jefferson 1903.
  33. Fremont-Barnes 2007.
  34. 34.0 34.1 34.2 34.3 Censer & Hunt 2001.
  35. 35.0 35.1 Hunt, Martin & Rosenwein 2003.
  36. Betros 2010.
  37. McManners 1969.
  38. 38.0 38.1 38.2 38.3 38.4 38.5 38.6 Shusterman 2013.
  39. 39.0 39.1 39.2 Kennedy 1989.
  40. Scott 1975.
  41. 41.0 41.1 Tackett 2003.
  42. Doyle 2009.
  43. Price 2003.
  44. Tackett 2004.
  45. Conner 2012.
  46. 46.0 46.1 Soboul 1975.
  47. 47.0 47.1 47.2 47.3 47.4 47.5 47.6 47.7 Lyons 1975.
  48. Mitchell 1984.
  49. Thompson 1932.
  50. Gershoy, Leo (1933). Hazen, Charles D. (pat.). "The French Revolution". Current History. 38 (3): IV–VI. ISSN 2641-080X. JSTOR 45337195.
  51. Lalevée 2019.
  52. Dwyer 2008.
  53. McPhee 2012.
  54. Crook 1996.
  55. Lewis 2002.
  56. Tackett 2011.
  57. Bakker 2008.
  58. Barton 1967.
  59. Wasson 2009.
  60. 60.0 60.1 Kennedy 2000.
  61. 61.0 61.1 61.2 61.3 61.4 61.5 61.6 61.7 McLynn 1997.
  62. Gough 1998.
  63. Cough 1987.
  64. Hussenet 2007, p. 148.
  65. Martin 1987, p. ?.
  66. Schama 1989, p. 814.
  67. Furet 1989.
  68. 68.0 68.1 68.2 Hanson 2009.
  69. 69.0 69.1 Andress 2006.
  70. Schama 1977.
  71. Hargreaves-Mawdsley 1968.
  72. 72.0 72.1 Woronoff 1984.
  73. Doyle 1989.
  74. Brown 2006.
  75. Hunt, Lansky & Hanson 1979.
  76. Rothenberg 1988.
  77. "The National Archives – Homepage". The National Archives. Nakuha noong 25 January 2021.
  78. Dorginy 2003.
  79. Hoel, La Révolution française, Saint-Domingue et l’esclavage
  80. Sue Peabody, French Emancipation https://www.oxfordbibliographies.com/view/document/obo-9780199730414/obo-9780199730414-0253.xml Accessed 27 October 2019.
  81. Laurent Dubois, Avengers of the New World: The Story of the Haitian Revolution
  82. "Illustrations from Révolutions de Paris". Department of History (sa wikang Ingles). 24 January 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Enero 2021. Nakuha noong 25 January 2021.
  83. Chisick 1993.
  84. Chapman 2005.
  85. Chisick 1988.
  86. Censer and Hunt, "How to Read Images" LEF CD-ROM
  87. Richard Newton (1792). "Marche des Marseillois, satirical etching". British Museum. Nakuha noong 9 April 2022. The text is from the French original, but Newton invented the images of the dancing soldiers himself.
  88. Cerulo 1993.
  89. Hanson 2007.
  90. Delon & Levayer 1989.
  91. R.F. Opie, Guillotine (2003)
  92. Crowdy 2004, p. 42.
  93. Harden 1995, pp. 66–102.
  94. Hunt 1996.
  95. Devance 1977.
  96. Abray 1975.
  97. Levy, Applewhite & Johnson 1979, pp. 143–149.
  98. De Gouges "Writings" 564–68
  99. Palmer & Colton 1995.
  100. Dann & Dinwiddy 1988.
  101. Keitner 2007.
  102. Stewart 1951.
  103. Thompson 1952.
  104. Lefebvre 1947.
  105. Aulard in Arthur Tilley, ed. (1922) p. 115
  106. Sutherland 2002.
  107. McHugh 2012.
  108. Léonard 1977.
  109. Furet, ed., A Critical Dictionary of the French Revolution, pp. 479–93
  110. Robert Tombs, "Inventing politics: from Bourbon Restoration to republican monarchy," in Martin S. Alexander, ed., French history since Napoleon (1999), pp. 59–79
  111. 111.0 111.1 "State and private institutions (Chapter 3) – The Cambridge Economic History of Modern Europe". June 2010. doi:10.1017/CBO9780511794834.005. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)
  112. Buggle, Johannes C. (1 August 2016). "Law and social capital: Evidence from the Code Napoleon in Germany" (PDF). European Economic Review. 87 (Supplement C): 148–75. doi:10.1016/j.euroecorev.2016.05.003.
  113. Marc H. Lerner, "The Helvetic Republic: An Ambivalent Reception of French Revolutionary Liberty," French History (2004) 18#1 pp. 50–75.
  114. Palmer, The Age of the Democratic Revolution 2:394–421
  115. Horstboll & Ostergård 1990.
  116. "The Bicentenary of the Norwegian Constitution". 24 May 2013.
  117. "The Norwegian Constitution: from autocracy to democracy".
  118. Susan Dunn, Sister Revolutions: French Lightning, American Light (2000)
  119. 119.0 119.1 119.2 119.3 119.4 Rude 1991.
  120. Marx 1983.
  121. Comninel 1987.
  122. 122.0 122.1 Spang 2003.
  123. Bell 2004.
  124. Les origines de la France contemporaine
  125. Les sociétés de pensée et la démocratie
  126. L'Europe et la Révolution française
  127. The Social Interpretation of the French Revolution
  128. The Oxford History of the French Revolution
  129. La Révolution française et la fin des colonies
  130. The origins of the French revolutionary wars
  131. Hoel, La Révolution française, Saint-Domingue et l’esclavage
  132. Aspects of the French Revolution

Mga pagsisyasat at masasanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kasaysayang Europeo at Atlantiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Amann, Peter H., ed. The eighteenth-century revolution: French or Western? (Heath, 1963) readings from historians
  • Brinton, Crane. A Decade of Revolution 1789–1799 (1934) the Revolution in European context
  • Desan, Suzanne, et al. eds. The French Revolution in Global Perspective (2013)
  • Fremont-Barnes, Gregory. ed. The Encyclopedia of the French Revolutionary and Napoleonic Wars: A Political, Social, and Military History (ABC-CLIO: 3 vol 2006)
  • Goodwin, A., ed. The New Cambridge Modern History, Vol. 8: The American and French Revolutions, 1763–93 (1965), 764 pp
  • Palmer, R.R. "The World Revolution of the West: 1763–1801," Political Science Quarterly (1954) 69#1 pp. 1–14 Padron:JSTOR
  • Palmer, Robert R. The Age of the Democratic Revolution: A Political History of Europe and America, 1760–1800. (2 vol 1959), highly influential comparative history; vol 1 online Naka-arkibo 2012-05-13 sa Wayback Machine.
  • Rude, George F. and Harvey J. Kaye. Revolutionary Europe, 1783–1815 (2000), scholarly survey excerpt and text search

Politika at digmaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Andress, David. The terror: Civil war in the French revolution (2006).
  • ed. Baker, Keith M. The French Revolution and the Creation of Modern Political Culture (Oxford, 1987–94) vol 1: The Political Culture of the Old Regime, ed. K.M. Baker (1987); vol. 2: The Political Culture of the French Revolution, ed. C. Lucas (1988); vol. 3: The Transformation of Political Culture, 1789–1848, eds. F. Furet & M. Ozouf (1989); vol. 4: The Terror, ed. K.M. Baker (1994). excerpt and text search vol 4
  • Blanning, T.C.W. The French Revolutionary Wars 1787–1802 (1996).
  • Desan, Suzanne. "Internationalizing the French Revolution," French Politics, Culture & Society (2011) 29#2 pp. 137–60.
  • Doyle, William. Origins of the French Revolution (3rd ed. 1999) online edition Naka-arkibo 2012-05-13 sa Wayback Machine.
  • Englund, Steven. Napoleon: A Political Life. (2004). 575 pp; emphasis on politics excerpt and text search
  • Fremont-Barnes, Gregory. The French Revolutionary Wars (2013), 96 pp; excerpt and text search
  • Griffith, Paddy. The Art of War of Revolutionary France 1789–1802, (1998); 304 pp; excerpt and text search
  • Hardman, John. Louis XVI: The Silent King (2nd ed. 2016) 500 pp; much expanded new edition; now the standard scholarly biography; (1st ed. 1994) 224; older scholarly biography
  • Schroeder, Paul. The Transformation of European Politics, 1763–1848. 1996; Thorough coverage of diplomatic history; hostile to Napoleon; online edition Naka-arkibo 2012-05-13 sa Wayback Machine.
  • Wahnich, Sophie (2016). In Defence of the Terror: Liberty or Death in the French Revolution (ika-Reprint (na) edisyon). Verso. ISBN 978-1-78478-202-3.

Ekonomiya at lipunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Anderson, James Maxwell. Daily life during the French Revolution (2007)
  • Andress, David. French Society in Revolution, 1789–1799 (1999)
  • Kennedy, Emmet. A Cultural History of the French Revolution (1989)
  • McPhee, Peter. "The French Revolution, Peasants, and Capitalism," American Historical Review (1989) 94#5 pp. 1265–80 Padron:JSTOR
  • Tackett, Timothy, "The French Revolution and religion to 1794," and Suzanne Desan, "The French Revolution and religion, 1795–1815," in Stewart J. Brown and Timothy Tackett, eds. The Cambridge History of Christianity vol. 7 (Cambridge UP, 2006).
  • Dalton, Susan. "Gender and the Shifting Ground of Revolutionary Politics: The Case of Madame Roland." Canadian journal of history (2001) 36#2
  • Godineau, Dominique. The Women of Paris and Their French Revolution (1998) 440 pp 1998
  • Hufton, Olwen. "Women in Revolution 1789–1796" Past & Present (1971) No. 53 pp. 90–108 Padron:JSTOR
  • Hufton, Olwen (1998). "In Search of Counter-Revolutionary Women.". Sa Kates, Gary (pat.). The French Revolution: Recent debates and New Controversies. pp. 302–36.
  • Kelly, Linda. Women of the French Revolution (1987) 192 pp. biographical portraits or prominent writers and activists
  • Landes, Joan B. Women and the Public Sphere in the Age of the French Revolution (Cornell University Press, 1988) excerpt and text search
  • Melzer, Sara E., and Leslie W. Rabine, eds. Rebel daughters: women and the French Revolution (Oxford University Press, 1992)
  • Proctor, Candice E. Women, Equality, and the French Revolution (Greenwood Press, 1990) online Naka-arkibo 2017-07-06 sa Wayback Machine.
  • Roessler, Shirley Elson. Out of the Shadows: Women and Politics in the French Revolution, 1789–95 (Peter Lang, 1998) online

Talasaysayan at alaala

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Andress, David. "Interpreting the French Revolution," Teaching History (2013), Issue 150, pp. 28–29, very short summary
  • Censer, Jack R. "Amalgamating the Social in the French Revolution." Journal of Social History 2003 37(1): 145–50. online
  • Cox, Marvin R. The Place of the French Revolution in History (1997) 288 pp
  • Desan, Suzanne. "What's after Political Culture? Recent French Revolutionary Historiography," French Historical Studies (2000) 23#1 pp. 163–96.
  • Furet, François and Mona Ozouf, eds. A Critical Dictionary of the French Revolution (1989), 1120 pp; long essays by scholars; strong on history of ideas and historiography (esp pp. 881–1034 excerpt and text search
  • Furet, François. Interpreting the French revolution (1981).
  • Germani, Ian, and Robin Swayles. Symbols, myths and images of the French Revolution. University of Regina Publications. 1998. ISBN 978-0-88977-108-6
  • Geyl, Pieter. Napoleon for and Against (1949), 477 pp; summarizes views of major historians on controversial issues
  • Hanson, Paul R. Contesting the French Revolution (2009). 248 pp.
  • Kafker, Frank A. and James M. Laux, eds. The French Revolution: Conflicting Interpretations (5th ed. 2002), articles by scholars
  • Kaplan, Steven Laurence. Farewell, Revolution: The Historians' Feud, France, 1789/1989 (1996), focus on historians excerpt and text search
  • Kaplan, Steven Laurence. Farewell, Revolution: Disputed Legacies, France, 1789/1989 (1995); focus on bitter debates re 200th anniversary excerpt and text search
  • Kates, Gary, ed. The French Revolution: Recent Debates and New Controversies (2nd ed. 2005) excerpt and text search
  • Landes, Joan B. 1991. “More than Words: The Printing Press and the French Revolution.” Eighteenth-Century Studies 25: 85–98.
  • Lewis, Gwynne. The French Revolution: Rethinking the Debate (1993) online Naka-arkibo 2020-08-20 sa Wayback Machine.; 142 pp.
  • McPhee, Peter, pat. (2012). A Companion to the French Revolution. Wiley. ISBN 978-1-118-31641-2.; 540 pp; 30 essays by experts; emphasis on historiography and memory
  • Reichardt, Rolf: The French Revolution as a European Media Event, European History Online, Mainz: Institute of European History, 2010, retrieved: 17 December 2012.
  • Ross, Steven T., ed. The French Revolution: conflict or continuity? (1971) 131 pp; excerpt from historians table of contents

Pangunahing Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]