Henry Moseley
Si Henry Gwyn Jeffreys Moseley (23 Nobyembre 1887 – 10 Agosto 1915) ay isang Ingles na pisiko. Nagsagawa siya ng maraming mga teoriya hinggil sa numerong atomiko. Kaagad itong nakilala bilang ang Batas ni Moseley sa ispektra ng X-ray. Nakatulong ang Batas ni Moseley sa pagpapatunay ng maraming mga ideya sa kimika sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga elementong kimikal ng talahanayang peryodiko ng mga elemento sa isang ganap na lohikal na pagkakasunud-sunod ng mga ito batay sa kaniyang pisika.
Nabaril at napatay si Moseley noong Labanan sa Gallipoli (Sagupaan sa Gallipoli) noong 10 Agosto 1915, sa edad na 27. Mayroong mga tao sa larangan ng agham na nagsasabing maaaring napanalunan niya ang Gantimpalang Nobel sa Pisika noong 1916 kung hindi siya napatay.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika at Inglatera ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.