Pumunta sa nilalaman

Grace Kelly

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Grace Kelly
Si Grace Kelly na nasa pelikulang High Society (1956).
Prinsesang konsorte ng Monako
Panunungkulan Abril 19, 1956 – Setyembre 14, 1982
Asawa Rainier III, Prinsipe ng Monako
Anak Caroline, Prinsesa ng Hanover
Albert II, Prinsipe ng Monako
Prinsesa Stéphanie ng Monako
Buong pangalan
Grace Patricia Kelly
Lalad Angkan ng Grimaldi (Kabahayang Grimaldi)
Ama John B. Kelly, Sr.
Ina Margaret Katherine Majer
Kapanganakan 12 Nobyembre 1929(1929-11-12)
Philadelphia, Pennsylvania, Estados Unidos
Kamatayan 14 Setyembre 1982(1982-09-14) (edad 52)
Monako
Libingan Katedral ng Monako
Katungkulan Aktres
Lagda
Pananampalataya Kotolisismong Romano

Si Grace Patricia Kelly (Nobyembre 12, 1929 – Setyembre 14, 1982) ay isang Amerikanang aktres na, noong Abril 1956, ay ikinasal kay Rainier III, Prinsipe ng Monako, upang maing Prinsesang konsorte ng Monako, inistilo bilang Ang Kanyang Mabining Kataastaasan Ang Prinsesa ng Monako (sa Ingles ay Her Serene Highness The Princess of Monaco), ay karaniwang tinutukoy bilang Prinsesa Grace.

Pagkaraang magsimula sa larangan ng pag-aartista noong 1950, sa gulang na 20, lumitaw si Grace Kelly sa mga produksiyong pangteatro ng Lungsod ng New York pati na sa mahigit sa apatnapung mga episodyo ng buhay na pagpapalabas ng mga produksiyon ng drama noong kaagahan ng Ginintuang Panahon ng Telebisyon noong dekada ng 1950. Noong Oktubre 1953, sa paglabas ng Mogambo, siya ay naging isang bituin ng pelikula, isang katayuang natiyak noong 1954 sa pamamagitan ng isang Gantimpalang Ginintuang Globo (Golden Globe Award) at isang nominasyon sa Gantimpala ng Akademya (Academy Award) pati na mga pangunahing gampanin sa limang mga pelikula, kabilang na ang The Country Girl, kung saan nagbigay siya ng isang mapagkumbabang pagganap na nagkamit para sa kanya ng isang Gantimpala ng Akademya para sa Pinaka Mahusay na Aktres (Academy Award for Best Actress). Nagretiro siya mula sa pag-arte sa edad na 26 dahil sa kanyang mga tungkulin sa Monako. Siya at si Prinsipe Rainier ay nagkaroon ng tatlong mga anak: sina: Caroline, Albert, at Stéphanie. Napanatili rin niya ang kanyang pagka-Amerikana, na pinanatili ang pagkakaroon ng dalawang pagkamamayan, bilang mamamayan ng Estados Unidos at bilang Monégasque (ang tawag sa isang mamamayan ng Monako).

Namatay siya pagkaraang makaranas ng isang atakeng serebral (stroke sa Ingles) noong Setyembre 14, 1982, kung kailan nawalan siya ng kontrol sa minamaneho niyang kotse at nabangga. Ang kanyang anak na babaeng si Prinsesa Stéphanie ay kasama niyang nakasakay sa kotse, ngunit nakaligtas mula sa aksidente.

Noong Hunyo 1999, iniranggo siya ng American Film Institute o AFI ("Panimulaan ng Pelikula ng Amerika") bilang ika-13 sa kanilang listahan ng pangunahing mga bituing babae ng sinemang Amerikano. Noong 2011, napangalanan siya bilang isa sa "100 Hottest Women of All-Time" (100 Pinaka Maiinit na mga Babae sa Lahat ng Panahon) ng Men's Health.[1]

Mga isinitang gawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Pelikula Papel Direktor Mga iba pang artista
1951 Fourteen Hours Louise Ann Fuller Henry Hathaway Paul Douglas, Richard Basehart, Barbara Bel Geddes
1952 High Noon Amy Fowler Kane Fred Zinnemann Gary Cooper, Katy Jurado, Lloyd Bridges, Thomas Mitchell
1953 Mogambo Linda Nordley John Ford Clark Gable, Ava Gardner
1954 Dial M for Murder Margot Mary Wendice Alfred Hitchcock Ray Milland, Robert Cummings, John Williams
Rear Window Lisa Carol Fremont James Stewart, Thelma Ritter
The Country Girl Georgie Elgin George Seaton Bing Crosby, William Holden
Green Fire Catherine Knowland Andrew Marton Stewart Granger, Paul Douglas
The Bridges at Toko-Ri Nancy Brubaker Mark Robson William Holden, Fredric March, Mickey Rooney, Earl Holliman
1955 To Catch a Thief Frances Stevens Alfred Hitchcock Cary Grant
1956 The Swan Princess Alexandra Charles Vidor Alec Guinness, Louis Jourdan, Agnes Moorehead
High Society Tracy Samantha Lord Charles Walters Bing Crosby, Frank Sinatra, Celeste Holm

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "The 100 Hottest Women of All-Time". Men's Health. 2011. Nakuha noong Marso 28, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

ArtistaPelikulaEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Artista, Pelikula at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.