Pumunta sa nilalaman

Gloria Macapagal Arroyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Gloria Macapagal-Arroyo
Ika-25 Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas
Nasa puwesto
Hulyo 23, 2018 – Hunyo 30, 2019
PanguloRodrigo Duterte
Nakaraang sinundanPantaleon Alvarez
Sinundan niAlan Peter Cayetano
Ika-14 na Pangulo ng Pilipinas
Ika-apat na Pangulo ng Ikalimang Republika
Nasa puwesto
Enero 20, 2001 – Hunyo 30, 2010
Pangalwang PanguloTeofisto Guingona (2001–2004)
Noli de Castro (2004–2010)
Nakaraang sinundanJoseph Ejercito Estrada
Sinundan niBenigno Aquino III
Ika-10 Pangalawang Pangulo ng Pilipinas
Ikatlong Pangalawang Pangulo ng Ikalimang Republika
Nasa puwesto
Hunyo 30, 1998 – Enero 20, 2001
PanguloJoseph Ejercito Estrada
Nakaraang sinundanJoseph Ejercito Estrada
Sinundan niTeofisto Guingona
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula sa Ikalawang Distrito ng Pampanga
Nasa puwesto
Hunyo 30, 2010 – Hunyo 30, 2019
Nakaraang sinundanMikey Arroyo
Sinundan niMikey Arroyo
Personal na detalye
Isinilang (1947-04-05) 5 Abril 1947 (edad 77)
San Juan, Rizal
Partidong pampolitikaLakas Kampi CMD/Lakas–CMD (2008–2017; 2020–present)[1]
Ibang ugnayang
pampolitika
AsawaJose Miguel Arroyo
TrabahoEkonomista
Pirma

Si Maria Gloria Macaraeg Macapagal Arroyo (ipinanganak 5 Abril 1947), madalas na tinutukoy ng kanyang mga inisyal na GMA, ay Pilipinong akademiko at politiko na naglingkod bilang ika-14 na pangulo ng Pilipinas mula 2001 hanggang 2010. Siya ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong si Diosdado Macapagal.

Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok sa pamahalaan noong 1987, na naglingkod bilang pangalawang kalihim at ilalim-kalihim (undersecretary) ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya sa pag-talaga sa kanya ni Pangulong Corazon Aquino. Pagkatapos maglingkod bilang senador mula 1992 hanggang 1998, siya ay nahalal na Pangalawang Pangulo sa ilalim ni Pangulong Joseph Estrada kahit na ito ay tumakbo sa kalabang partido. Pagkatapos maakusahan si Estrada ng korupsiyon, nagbitiw siya sa posisyon niya bilang gabinete bilang kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad at sumali sa lumalaking bilang ng mga oposisyon sa Pangulo, na humarap sa paglilitis. Si Estrada ay napaalis sa pwesto sa pamamagitan ng tinatawag ng mga tagapagtaguyod nito bilang mga mapayapang demonstrasyon sa lansangan ng EDSA, ngunit binansagan namang ng mga kritiko nito bilang pagsasabwatan ng mga elitista sa larangan ng politika, negosyo, militar at ni Obispo Jaime Kardinal Sin ng Simbahang Katoliko [3]. Si Arroyo ay pinanumpa bilang Pangulo ng noon ay Punong Mahistrado na si Hilario Davide, Jr. noong 20 Enero 2001 sa gitna ng lipon ng mga tao ng EDSA II, ilang oras bago nilisan ni Estrada ang Palasyo ng Malakanyang. Siya ay nahalal upang maupo bilang pangulo sa loob ng anim na taon noong kontrobersiyal na eleksiyon ng Pilipinas noong Mayo 2004, at nanumpa noon 30 Hunyo 2004.

Isinilang siya bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal sa amang politikong si Diosdado Macapagal at sa asawa nitong si Evangelina Macaraeg-Macapagal. Kapatid siya nina Dr. Diosdado "Boboy" Macapagal, Jr at Cielo Macapagal-Salgado. Una siyang nanirahan sa Lubao, Pampanga kasama ang kanyang dalawang nakatatandang kapatid mula sa unang asawa ng kanyang ama.[4] Sa gulang na apat, pinili niyang manirahan sa lola niya sa kanyang nanay sa Lungsod ng Iligan.[5] Nanatili siya doon ng tatlong taon, at hinati ang kanyang panahon sa Mindanao at Maynila hanggang siya ay maging 11 gulang.[5] Matatas siyang manalita ng Ingles, Tagalog, Kastila at iba pang wikang Pilipino, gaya ng Kapampangan, Ilokano at Sebwano.

Noong 1961, nang si Arroyo ay 14 taon gulang, nahalal ang ama niya bilang pangulo ng Pilipinas. Lumipat ang kanilang pamilya sa Palasyo ng Malacañang. Isang bayan ang isinunod sa kanyang pangalan, ang Gloria, Oriental Mindoro. Nag-aral siya sa Dalubhasaang Asuncion para sa kanyang mababa at mataas na pag-aaral, at nakapagtapos ng valedictorian noong 1964. Nag-aral siya pagkatapos noon sa Walsh School of Foreign Service ng Pamantasan Georgetown sa Washington D.C. kung saan naging kamag-aral niya ang magiging pangulo ng Estados Unidos na si Bill Clinton.[6] Natamo niya ang kanyang antas sa Batsilyer sa Sining ng Ekonomiks mula sa Dalubhasaang Asuncion, at nakapagtapos bilang magna cum laude noong 1968.

Noong 1968, kinasal si Arroyo sa abogado at negosyanteng si Jose Miguel Arroyo ng Binalbagan, Negros Occidental, na nakilala niya noong siya ay dalagita pa.[4] Nagkaroon sila ng tatlong anak, sina Juan Miguel (ipinanganak 1969), Evangelina Lourdes (ipinanganak 1971) at Diosdado Ignacio Jose María (ipinanganak 1974). Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral at nakuha ang Master sa Antas ng Ekonomiks sa Pamantasang Ateneo de Manila (1978) at Antas Doktoral sa Ekonomiks mula sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman noong 1985.[7] Mula 1977 hanggang 1987, nagturo siya sa ilang mga paaralan, kabilang na ang Unibersidad ng Pilipinas at sa Pamantasang Ateneo de Manila. Naging tagapangulo rin siya ng Kagawaran ng Ekonomiks ng Dalubhasaang Asuncion.

Noong 1987, inanyayahan siya ni Pangulong Corazon Aquino na sumali sa pamahalaan bilang Assistant Secretary ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya. Itinaas ang kanyang posisyon bilang Undersecretary dalawang taon makalipas. Bilang kasabay na Tagapamahala ng Garments and Textile Export Board, napalawig ni Arroyo ang industriya ng pananamit noong huling bahagi ng dekada 80.

Si Arroyo ay tumakbo sa halalan ng Senado noong 1992 at nagwagi para sa 3 taong termino. Ayon sa Saligang Batas ng 1987, ang una lamang 12 kandidatong may pinakamataas na boto ang magsisilbi para sa 6 na taong termino ngunit si Arroyo ang ika-13 kandidatong may pinakamataas na boto. Si Arroyo ay muling tumakbo sa senado noong 1995 at nakakuha ng pinakamataas na boto na halos 16 milyong boto.[8]

Bilang mambabatas, naghain si Arroyo ng 400 mga saligang batas at naging may-akda o tumulong sa pagtaguyod ng 55 mga batas noong kanyang panunungkulan niya bilang senador, kabilang na ang Anti-Sexual Harassment Law, Indigenous People's Rights Law, at ang Export Development Act.[4]

Ang 1995 Mining Act, na nagpapahintulot ng 100 % pag-aari ng mga banyaga sa mga kumpanyan ng pagmimina sa Pilipinas, ay binatikos ng mga grupong makakaliwa.

Ikalawang pangulo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Naisipan ni Arroyo na tumakbo sa halalan ng pagkapangulo noong 1998 ngunit nahikayat siya ni dating Pangulong Fidel Ramos at iba pang mga pinuno ng partidong Lakas-CMD na tumakbo na lamang bilang ikalawang pangulo o bise presidente bilang running mate ni Jose de Venecia, Jr.[9]. Si de Venecia ay natalo kay Joseph Estrada bilang pangulo ngunit si Arroyo ay nagwaging pangalawang pangulo na may higit sa dalawang ulit na nakuhang boto ng running mate ni Estrada na si Senador Edgardo Angara.[10]

Nagsimula ang kanyang termino bilang Ikalawang Pangulo noong 30 Hunyo 1998. Siya ang kauna-unahang babaeng Ikalawang Pangulo sa kasaysayan ng Pilipinas. Itinilaga siya ni Estrada sa gabinete bilang Kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad.[9]

Nagbitiw si Arroyo sa gabinete noong Oktubre 2000, umang lumayo kay Pangulong Estrada, na inakusahan ng korupsiyon ng dati nitong kaalyadong si Chavit Singson, ang Gobernador ng lalawigan ng Ilocos Sur.[11] Inisyal siyang tumanggi sa mga kaalyado na magsalita laban kay Estrada,[12] subalit lumaon ay sumama sa panawagang magbitiw si Estrada.[11]

Bilang Pangulo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 20 Enero 2001, pagkatapos ng ilang araw ng kaguluhang pampolitika at mga malawakang pagpoprotestang tumatawag sa pagbibitiw ni Pangulong Joseph Estrada dahil sa mga akusasyon ng korupsiyon, inihayag ng Kataastaasang Hukuman na bakante na ang posisyon ng pagkapangulo. Noong kinahapunan din nang araw na iyon, ay nanumpa si Arroyo bilang Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ni Punong Hukom na si Hillario Davide , Jr.[11]

Matapos ang ilang linggo, nagsampa ng kaso si Estrada na naghahamon ng batayang legal hinggil sa pagkapangulo ni Arroyo at pinipilit na siya ang nananatiling pangulo ayon sa batas, ngunit dinagdag niya na hindi niya kukunin muli ang kanyang posisyon.[13]. Noong 2 Marso 2001, ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ay nagpalabas ng desisyon na nagsasabing si Estrada ay nagbitiw sa pagkapangulo at iniwan niya ang kanyang pwesto.[11]

Si Arroyo ay tumakbo at nagwagi sa halalan ng pagka-Pangulo noong 2004 ngunit ang halalang ito ay sinasabing nabahiran ng pandaraya sa panig ni Arroyo batay sa wiretapped recording ng usapan sa telepono sa pagitan nina Arroyo at opisyal ng COMELEC na si Garcillano noong canvassing ng 2004 halalan sa pagkapangulo.

e • d Resulta ng 2004 halalan ng pagkapangulo
Kandidato Partido Resulta
Mga botong nakuha %
Gloria Macapagal-Arroyo Lakas (K-4) 12,905,808 39.99%
Fernando Poe, Jr. KNP 11,782,232 36.51%
Panfilo Lacson LDP (Aquino wing) 3,510,080 10.88%
Raul Roco Aksyon 2,082,762 6.45%
Eddie Villanueva Bangon 1,988,218 6.16%
Kabuuang balidong boto 32,269,100 96.30%
Kabuuang hindi balidong boto 1,240,992 3.70%
Kabuuang turnout 33,510,092 76.34%
Mga rehistradong botante 43.895,324 100.00%


Ang Together Everyone Achieves More (TEAM) Unity ay ang pangkalahatang koalisyon ng mga partidong pampolitika na nagsusuporta kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pangkalahatang halalan ng 2007 sa Pilipinas.

Mga partidong pampolitikang kasapi

Dahil sa pagkakaroon ng Master degree at doktoral sa ekonomiks, itinuon ni Arroyo ang kanyang pagkapangulo sa Ekonomiya ng Pilipinas. Sa ilalim ng pamumuno ni Arroyo mula 2001 hanggang 2010, ang pangkaraniwang paglago ng GDP ng Pilipinas ay 4.7%.[14] Ito ay higit na mataas kung ihahambing sa pamumuno ng kanyang mga kahalinhinan, Corazon Aquino (3.8%), Fidel Ramos (3.7%), at kay Joseph Estrada (3.7%).[15] Lumago ang ekonomiya ng Pilipinas sa pinakamabilis nitong antas sa loob ng nakaraang tatlong dekada noong 2007, na may pagtaas ng real GDP na 7%.[16] Isa ang ekonomiya ng Pilipinas ang nakaiwas sa epekto ng pandaigdigang krisis pinansiyal ng 2008, na higit na mabuti kaysa sa mga karatig bansa nito dahil sa sa mababang pagtuon sa mga kalakal na iniluluwas at mataas na padala ng mga OFW na mula sa apat hanggang limang milyon, at ang papaunlad na industriya ng BPO.[17] Ang paghawak ni Arroyo sa ekonomiya ng Pilipinas ay umani ng papuri mula kay dating Pangulo ng Estados Unidos Bill Clinton, na sinabing ang mga "mahihirap na desisyon" ang nagpabalik sigla sa ekonomiya ng Pilipinas.[18] Sa kabila ng paglago, nanatili ang kahirapan dahil sa mataas na antas ng paglaki ng populasyon at hindi pantay-pantay na pagbabahagi ng kita sa mamamayan.[19] Noong 2004, ang ekonomiya ng Pilipinas ay lumago ng 6.1%, na nalampasan ang estima ng pamahalaan. Noong 2005, ang Pisong Pilipino ay nag-appreciate ng 6% ang pinakamabilis sa rehiyon ng Asya. Ngunit, ang pana-panahong pagtaas ng halaga ng langis ay nagpapabagsak ng estima ng pamahalaan kada taon. Noong 2006, ang ekonomiya ay nagpakita ng 5.4% na pag-unlad, ngunit ang mga bagyong dumaan ang nagpabagsak sa sektor ng ekonomiya. Noong Pebrero 2007, nagtala ang merkado ng saping-puhunan ng pinakamataas na puntos sa kasaysayan at nasa 33 kada isang Dolyar ang Piso. Pagkatapos ng pagbagal ng paglago sa 3.8% noong 2008 at 1.1% noong 2009, ang real taon-sa-taong paglago ng GDP ay umahon sa 7.6% noong 2010. Ang paglago ay bumagal noong 2011 sa 3.7 % . Ang mga remittance ng mga OFW ay nasa rate na taunang paglagong 8% at patuloy na bumubuo ng mga 10% ng GDP. ANg taunang paglago ng GDP ay may averaheng 4.6% sa loob ng nakaraang dekada ngunit nangangailangan ng isang mas mataas na pinanatiling landas ng paglago sa ekonomiya na hindi bababa sa 7%-8% kada sa karamihan ng mga pagtatantiya upang makasulong sa pagpapagaan ng kahirapan sa taunang paglago ng populasyon ng Pilipinas na isa sa may pinakamataas na populasyon sa Asya. Ang bahagi ng populasyon na mahirap ay tumaas mula 24.9% hanggang 26.5% sa pagitan ng 2003 at 2009 na katumbas ng karagdagang 3.3 milyong mga mahihirap na Pilipino.[19]

Mga kontrobersiyang kinasangkutan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Iskandalong Jose Pidal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Inakusahan ni Senador Panfilo Lacson noong 2003 ang asawa ni Arroyo na si Mike Arroyo ng money laundering ng mga 260 milyong piso gamit ang mga bank account sa ilalim ng pangalang Jose Pidal na sinasabing mula sa mga kontribusyon sa pangangampanya ni Gloria .

Iskandalong Hello Garci

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Arroyo ay inakusahan ng pandaraya ng 2004 halalan para sa pagka-Pangulo. Ayon sa dating diputadong direktor ng NBI na si Samuel Ong, ang isang wiretapped recording ng usapan sa pagitan ni Arroyo at opisyal ng COMELEC na si Virgilio Garcillano o Garci ay nagpapatunay ng pandaraya ni Arroyo upang manalo ng 1 milyong boto laban sa kandidatong si Fernando Poe. Noong 27 Hunyo 2005, inamin ni Arroyo na nakipag-usap siya sa opisyal ng COMELEC na inaangkin itong isang "pagkabigo sa paghatol". Ang kontrobersiyang Hello Garci ang naging saligan ng kasong impeachment na inihain laban kay Arroyo noong 2005 ngunit nabigo. Ang isa pang impeachment ay inihain laban kay Arroyo noong 2006 ngunit natalo sa pagboto sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas.

Fertilizer fund scam

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinasabing ang pondo ng Department of Agriculture (DA) na P728 milyong piso na inilaan para sa pagbili ng mga fertilizer para sa mga magsasaka ay ginamit para sa pangangampanya ni Arroyo sa kanyang muling pagtakbo sa pagkapangulo noong 2004.

Iskandalong NBN-ZTE

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Arroyo ay inakusahan ng pag-abuso sa kapangyarihan sa pagtulak ng pagpapatibay ng iminungkahing kontrata ng Tsinong ZTE Corp upang itayo ang proyektong National Broadband Network sa Pilipinas sa sobrang taas na presyong $329 milyong dolyar o 13 bilyong piso. Ang kontrata ay nilagdaan ni Transportation and Communications Secretary Leandro Mendoza at ZTE vice president Yu Yong noong 21 Abril 2007, sa Boao, China na nasaksikhan mismo ni Arroyo. Ang proyektong ito ay isang pambansang network ng komunikasyon para sa mga pasilidad na landline, cellular at broadband internet para sa paggamit ng mga ahensiya ng pamahalaan. Ang deal sa ZTE Corp ay sinasabing nangyari nang walang public bidding.Si COMELEC Chairman Benjamin Abalos, Sr. ay inakusahan ng pagtanggap ng salapi at mga babae kapalit ng pag-aproba ng kasunduan sa ZTE Corp. Si Jose “Joey” de Venecia III na namumuno sa Amsterdam Holdings, Inc. na isa sa natalong bidder sa kasunduang NBN at anak ni dating Ispiker na si Jose de Venecia, Jr. ay nagpatotoo na kasama niya si Abalos sa Tsina at narinig niyang si Abalos ay "humingi ng pera" mula sa mga opisyal ng ZTE. Si Joey de Venecia III ay nagpatotoo rin na ang asawa ni Gloria na si Mike Arroyo ang misteryong tao na nagtulak para pagtibayin ang labis na mataas na presyong kontrata sa ZTE. Isinaad ni De Venecia na ang kontrata na $329 milyong dolar sa ZTE ay sobrang mataas na presyo ng mga $130 milyong dolar pagkatapos na humingi si Abalos ng mga iba't ibang kickback at mga advance para sa proyekto. Isinaad rin ni De Venecia na binalaan ni Abalos na ipapapatay siya ni Abalos kung hindi siya umurong sa proyekto. Isinaad rin ni Joey de Venecia III na nangako si Abalos kay Mike Arroyo ng 70 milyong dolyar na kickback mula sa proyektong NBN. Ang dating direktor heneral ng NEDA na si Romulo Neri ay nagpatotoo sa Senate hearing na inalukan siya ni Abalos ng 200 milyong piso upang aprubahan ang proyekto. Sinabi rin ni De Venecia na tinanong ni Gloria si Neri kung bakit hindi niya tinanggap ang suhol na 200 milyong piso ni Abalos upang iendorso ang proyektong NBN sa ZTE Corp, Ayon sa pagsisiyasat ng mga opsiyal na dokumentong isinumite sa Senate blue ribbon committee, ang proyektong NBN-ZTE ay sobrang taas ang presyo ng halos 8 bilyong piso (US $197 milyon). Isinaad ng mga eksperto na ang presyo ng ZTE na $329 milyong dolyar o 13 bilyong piso ay magkakahalaga lamang ng 132 milyong dolyar kung ihahambing sa mga kompanyang gaya ng PLDT, Smart Communications, Globe Telecoms o Digitel. Noong 4 Pebrero 2008, bumoto ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas na patalsikin bilang Isipiker si Jose de Venecia Jr. na sinasabing kabayaran para sa pagdawit ng kanyang anak kay Mike Arroyo sa iskandalong NBN-ZTE. Inakusahan ng whistleblower na si Jun Lozada si Mike Arroyo na mastermind sa kasunduan sa ZTE Corp para sa proyektong NBN. Pinatotohanan ni Lozada na si Abalos ay humingi ng mga kickback para sa kontrata sa ZTE Corp.

Pagsabotahe ng 2007 halalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 2007 halalan, sinasabing inutos ni Arroyo kay gobernador Andal Ampatuan, Sr. na masegurong ang tatlong kandidato ng oposisyon na sina Benigno S. Aquino III, Panfilo Lacson, at Alan Peter Cayetano ay makakuha ng sero boto sa Maguindanao. Ito ang tanging probinsiya sa Pilipinas na nagbigay ng 12-0 pagkapanalo sa Team Unity ni Arroyo. Inamin ni Zaldy Ampatuan na gobernador ng ARMM na inutos ni Arroyo na ilipat ang boto ng 3 kandidato ng oposisyon kay Juan Miguel Zubiri na nagbitiw bilang senador noong 3 Agosto 2011. Inamin rin ni Ampatuan na ang kanyang ama ay tumanggap ng suhol mula kay Mike Arroyo noong 2007 halalan. Noong 2011, ang dating supervisor ng halalan sa Maguindanao noong 2007 na si Lintang Bedol ay umamin sa nangyaring pandaraya noong 2007 halalan. Ayon kay Bedol, ang mga pekeng balota at mga election return ay dinala mula sa Maynila at ang dating COMELEC chair na si Benjamin Abalos at mga Comelec commissioner Nicodemo Ferrer at Rene Sarmiento ay nagpunta sa General Santos City upang i-authenticate ang mga pekeng election return para sa mga iba't ibang bayan sa Maguindano.

Iskandalong Le Cirque

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Iniulat ng New York Post noong 2009 na si Gloria Macapagal-Arroyo ay gumastos ng $20,000 sa Le Cirque para sa isang hapunan kasama ng kanyang delegasyon habang dumadalaw sa Estados Unidos.[20] Si Arroyo ay iniulat na nag-order ng mga mamahaling wine, steak at lobster.

Iskandalong Lotto

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Arroyo ay inakusahan ng paglipat ng mga pondo ng pambansang lotto na nagkakahalagang 366 milyon para sa pansariling paggamit.[21]

Kapulungan ng Kinatawan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Arroyo ay tumakbo at nahalal ng tatlong beses (2010, 2013 at 2016) bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga.

Pagdakip at pagsasampa ng kasong korupsiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Arroyo ay dinakip sa St. Luke's Medical Center sa Taguig noong 18 Nobyembre 2011 pagkatapos sampahan ng kaso para sa pagsabotahe ng halalan noong 2007 ng COMELEC.

Si Arroyo ay inilipat sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City noong 9 Disyembre 2011. Si Arroyo ay pinalaya pagpagkatapos magpiyansa noong 25 Hulyo 2012. Si Arroyo ay muling dinakip pagkatapos sampahan ng kasong pandarambong ng 366 milyong pisong pondo ng pambansang lotto upang pondohan ang kanyang pangangampanya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Cepeda, M. (Marso 9, 2020). "Arroyo, De Venecia reunite as Lakas-CMD vow to 'win' members back". Rappler. Nakuha noong Mayo 16, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Rosario, Ben (Oktubre 11, 2017). "Gloria joins ruling PDP Laban". Manila Bulletin. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 11, 2017. Nakuha noong Oktubre 11, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Bowring, Philip. "Filipino Democracy Needs Stronger Institutions." International Herald Tribune website. 2001, Enero 22. Retrieved 14 Pebrero 2009. https://web.archive.org/web/20051026033050/http://www.iht.com/articles/2001/01/22/edbow.t_3.php
  4. 4.0 4.1 4.2 "Gloria Macapagal-Arroyo". Current Biography International Yearbook 2004. The H. W. Wilson Company. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-04-18. Nakuha noong 4 Hunyo 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Spaeth, Anthony (29 Enero 2001). "Glory, Gloria!". Time. Inarkibo mula sa orihinal noong 2001-06-05. Nakuha noong 4 Hunyo 2007.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Gloria Arroyo, The Most Powerful Women". Forbes. 1 Nobyembre 2005. Nakuha noong 4 Hunyo 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "President Gloria Macapagal-Arroyo Biography". Office of the President. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-05-24. Nakuha noong 4 Hunyo 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Article 18: Transitory Provisions". The 1987 Constitution of the Republic of the Philippines. The Official Website of the Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-05-27. Nakuha noong 5 Hunyo 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 Malaya, J. Eduardo; Jonathan E. Malaya (2004). ...So Help Us God: The Presidents of the Philippines and Their Inaugural Addresses. Pasig City: Anvil Publishing. pp. 301–303. ISBN 971-27-1487-X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Results of the Past Presidential & Vice-Presidential Elections". The Philippine Presidency Project. Inarkibo mula sa orihinal noong 2004-12-05. Nakuha noong 4 Hunyo 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 11.2 11.3 Estrada v. Arroyo, G.R. No. 146710-15. (2001)
  12. Mydans, Seth (13 Oktubre 2000). "Philippine Vice President Quits Cabinet, Citing Scandal". The New York Times. Nakuha noong 3 Mayo 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. New York Times - Ex-President in Philippines Sues to Reclaim at Least His Dignity
  14. http://www.gmanetwork.com/news/story/211655/economy/ing-phl-economy-may-average-5-3-from-2010-2016
  15. http://www.manilastandardtoday.com/?page=antonioAbaya_jan17_2008
  16. "Philippines Economy Profile 2008". Indexmundi.com. Nakuha noong 2012-01-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Philippines". CIA World Factbook. Marso 8, 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 11, 2010. Nakuha noong Marso 18, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Arroyo shares spotlight with global leaders in forum". INQUIRER.net. 2007-10-11. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-11. Nakuha noong 2012-01-24.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. 19.0 19.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-07-19. Nakuha noong 2013-10-13.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "EAT AND DRINK". New York Post. 12 Agosto 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Oktubre 2012. Nakuha noong 24 Oktubre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-02-19. Nakuha noong 2013-10-14.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga tungkuling pampolitika
Sinundan:
{{{before}}}
{{{title}}}
{{{years}}}
Susunod:
{{{after}}}
Sinundan:
Joseph Estrada
Pangalawang Pangulo ng Pilipinas
1998 – 2001
Susunod:
Teofisto Guingona
Sinundan:
Teofisto Guingona
Kalihim ng Ugnayang Panlabas
2002
Susunod:
Blas Ople
Sinundan:
Angelo Reyes
Kalihim ng Tanggulang Pambansa
2003
Susunod:
Eduardo Ermita
Sinundan:
Franklin Ebdalin
Kalihim ng Ugnayang Panlabas
2003
Susunod:
Delia Albert
Sinundan:
Avelino Cruz
Kalihim ng Tanggulang Pambansa
2006 – 2007
Susunod:
Hermogenes Ebdane
Mga tungkuling pangpartido pampolitika
Sinundan:
Jose de Venecia
National Chairman ng Lakas-CMD
2004 – kasalukuyan
Kasalukuyan
Sinundan:
Luis Villafuerte
Chairman Emeritus ng KAMPI
2004 – kasalukuyan
Kasalukuyan