Pumunta sa nilalaman

Gameto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang gameto (Ingles: gamete, mula sa Sinaunang Griyegong γαμετης; isinalinwikang gamete = asawang babae, gametes = asawang lalaki), na maaaring katumbas ng punla o binhi, ay isang may pagka-natatanging selulang pangkasarian o selulang pangpagtatalik na sumasanib sa isa pang gameto sa panahon ng pertilisasyon (konsepsyon) sa mga organismong nagpaparami sa paraang seksuwal (reproduksiyong seksuwal). Ang mga gameto ay nililikha ng mga selulang lithayop o selulang binhi (germ cell).

Sa mga uri o espesyeng na gumagawa ng mga tipo o uri ng mga gametong may pagkakaiba sa morpolohiya, at kung saan ang bawat isang indibiduwal ay nakakagagawa lamang ng isang tipo o uri, ang babae ay ang sinuman o anumang indibiduwal na nakagagawa ng mas malaking uri ng gametong tinatawag na obum o itlog; at ang lalaki ang gumagawa ng mas maliit na uring tinatawag na ispermatosoon o sihay na esperma.

Ang pangalang gamete ay ipinakilala ni Gregor Mendel, isang biyologong taga-Austriya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Anatomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.