Pumunta sa nilalaman

GN-z11

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
GN-z11
GN-z11 nakapatong sa isang larawan mula sa pagsisiyasat ng GOODS-North.
Datos ng pagmamasid (J2000[1] epoch)
KonstelasyonUrsa Major[1]
Asensyon sa kanan12h 36m 25.46s[1]
Paglihis+62° 14′ 31.4″[1]
Redshift11.09[2]
Layo~3.2×1010 ly
UriGalaxy
Masa~1×109 M
Tingnan din: Galaksiya

Ang GN-z11 ay isang galaksiyang may mataas na redshift na matatagpuan sa konstelasyong Ursa Major, at ito ang kasalukuyang pinakaluma at pinakamalayo sa mga nakilalang galaksiya sa mapagmamasdang sansinukob.[3] Ang GN-z11 ay may redshift na pang-spectroscopy na z = 11.1, na katumbas sa comoving distance na mga 32 bilyong sinag-taon mula sa Daigdig.[4][note 1]

Ang pangalan ng galaksiya ay mula sa tagpuan nito sa GOODS-North field ng mga galaksiya at sa mataas nitong bilang sa redshift ayon sa Doppler z-scale (GN + z11).[5] Napagmasdan ang GN-z11 sa anyo nito noong nakaraang 13.4 bilyong taon, o 400 milyong taon pagkatapos ng Big Bang;[2][6] kaya ang layo ng GN-z11's ay malawakang (at mali)[7] naiuulat bilang 13.4 bilyong sinag-taon.[8][9]

Nakilala ang galaksiya ng isang pangkat na pinagaaralan ang datos mula sa ng Cosmic Assembly Near-infrared Deep Extragalactic Legacy Survey (CANDELS) ng Hubble Space Telescope at Great Observatories Origins Deep Survey-North (GOODS-North) ng Spitzer Space Telescope.[10][11] Ginamit ng pangkat ng mananaliksik ang Wide Field Camera 3 ng Hubble upang isukat ang layo ng GN-z11 sa pamamaraang ayon sa spectroscopy, sa paghati ng ilaw sa mga bahagi nitong mga kulay para isukat ang redshift na dulot ng paglobo ng sansinukob.[12] Ang mga natuklasan, na inanunsyo noong Marso 2016, ay naibunyag na ang galaksiya ay mas malayo pa kaysa sa unang inakala sa pinakamalayong kayang mapagmasdan ng Hubble. Ang GN-z11 ay mga 150 milyong taong mas matanda kaysa sa dating may hawak ng tala, ang EGSY8p7,[5] at ito ay napagmasan na "napakalapit sa dulo ng sinasabing Madilim na Panahon ng sansinukob",[12] at "malapit sa pinakasimula" ng reionization era.[13]

Kumpara sa galaksiya ng Ariwanas, Ang GN-z11 ay dalawampu't-limang mas maliit, may 1 porsyento ng masa, at bumubuo ng mga bagong bituin nang halos dalawampung mas mabilis.[12] Tinatayang mgay tandang pang-stellar na mga 40 milyong taon, pinapaniwalaan na ang mga bituin ng galaksiya ay nabuo na napagkamabilis kumpara sa Ariwanas.[2] Ang katotohanan na ang isang galaksiyang napakamalaking masa ay umiral pagkatapos lamang ng pagsisimula ng pagbuo ng mga unang bituin ay humahamon sa may kasalukuyang mga modelong teoretikal sa pagkabuo ng mga galaksia.[12][14]

  1. Sa unang tingin, ang layo ng 32 bilyong sing-taon ay mukhang imposible sa isang Sansinukob na 13.8 bilyong taong gulang, kung saan ang sinag-taon ay ang layo ng nilalakbay ng ilaw sa isang taon, kung saan walang kahit anumang kayang lumakbay ng mas mabilis pa sa ilaw. Ngunit dahil sa paglobo ng sansinukob, ang lao ng 13.4 bilyong sinag-taon na nilakbay ng ilaw mula sa GN-z11 hanggang Daigdig, na tinatawag na light-travel distance, ay lumobo sa layo na 32 bilyong sinag-taon noong 13.4 bilyong taon na nilakbay ng ilaw papunta sa atin.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Hubble Team Breaks Cosmic Distance Record - Fast Facts". HubbleSite (sa wikang Ingles). Marso 3, 2016. STScI-2016-07. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 6, 2016. Nakuha noong Marso 4, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Oesch, P. A.; Brammer, G.; van Dokkum, P. (Marso 1, 2016). "A Remarkably Luminous Galaxy at z=11.1 Measured with Hubble Space Telescope Grism Spectroscopy" (PDF) (sa wikang Ingles). arXiv:1603.00461. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Klotz, Irene (Marso 3, 2016). "Hubble Spies Most Distant, Oldest Galaxy Ever". Discovery News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 7, 2019. Nakuha noong Marso 3, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Astronomers Spot Most Distant Galaxy—At Least For Now". Phenomena (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 4, 2016. Yep, it took 13.4 billion years for light from the galaxy to zoom through the universe and collide with the Hubble Space Telescope. But that doesn't mean the galaxy is 13.4 billion light-years away. The universe has been expanding in the meantime, meaning GN-z11 is actually much, much farther from Earth than that.

    'Right now, we expect this galaxy to be about 32 billion light-years away from us in distance,' says study coauthor Pascal Oesch of Yale University.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  5. 5.0 5.1 "Hubble Team Breaks Cosmic Distance Record". NASA TV (sa wikang Ingles). Marso 3, 2016. Nakuha noong Marso 10, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Amos, Jonathan (Marso 3, 2016). "Hubble sets new cosmic distance record". BBC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 3, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Wright, Edward L. (Agosto 2, 2013). "Why the Light Travel Time Distance should not be used in Press Releases". UCLA (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 10, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Astronomers Spot Record Distant Galaxy From Early Cosmos". The New York Times (sa wikang Ingles). Associated Press. Marso 3, 2016. Nakuha noong Marso 10, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "GN-z11: Astronomers push Hubble Space Telescope to limits to observe most remote galaxy ever seen". Australian Broadcasting Corporation (sa wikang Ingles). Marso 3, 2016. Nakuha noong Marso 10, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Hubble breaks cosmic distance record". SpaceTelescope.org (sa wikang Ingles). Marso 3, 2016. heic1604. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 8, 2016. Nakuha noong Marso 3, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Hubble Team Breaks Cosmic Distance Record - Full". HubbleSite.org (sa wikang Ingles). Marso 3, 2016. STScI-2016-07. Nakuha noong Marso 3, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 12.2 12.3 "Shattering the cosmic distance record, once again". Yale News (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 4, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Hubble ESA, Garching, Germany (Marso 3, 2016). "Most distant galaxy: Hubble breaks cosmic distance record" (sa wikang Ingles). Astronomy Magazine. Nakuha noong Marso 7, 2016. 'The previous record-holder was seen in the middle of the epoch when starlight from primordial galaxies was beginning to heat and lift a fog of cold hydrogen gas,' said Rychard Bouwens from the University of Leiden in the Netherlands. 'This transitional period is known as the reionization era. GN-z11 is observed 150 million years earlier, near the very beginning of this transition in the evolution of the universe.'{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  14. Hubble ESA, Garching, Germany (Marso 3, 2016). "Most distant galaxy: Hubble breaks cosmic distance record" (sa wikang Ingles). Astronomy Magazine. Nakuha noong Marso 7, 2016. However, the discovery also raises many new questions as the existence of such a bright and large galaxy is not predicted by theory. 'It's amazing that a galaxy so massive existed only 200 million to 300 million years after the very first stars started to form. It takes really fast growth, producing stars at a huge rate, to have formed a galaxy that is a billion solar masses so soon,' said Garth Illingworth of the University of California in Santa Cruz.

    Marijn Franx, a member of the team from the University of Leiden said, 'The discovery of GN-z11 was a great surprise to us as our earlier work had suggested that such bright galaxies should not exist so early in the universe.' His colleague Ivo Labbe added: 'The discovery of GN-z11 showed us that our knowledge about the early universe is still restricted. How GN-z11 was created remains somewhat of a mystery for now. Probably we are seeing the first generations of stars forming around black holes?'{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]